noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 28

Ch. 29 / 34 May 09, 2025

“H OW ARE you?” seryosong tanong ni Lance kay Jewel habang naghihintay sila ng pagdating ng in-order na pagkain.

“Starting my life all over again.” s he smiled faintly. Inikot ang tingin sa paligid ng steak house na tila isang log cabin. Pagkatapos ay tumingin sa binata. “I’ll get by, Lance… in time.”

Tumango ang binata at inabot ang kamay niya at ikinulong sa mga palad nito. “Tutulungan kitang gawin iyon, Jewel, if you will only let me...”

She sighed. “Sana’y ganoon kadali. Hindi ko siya nakalimutan sa maraming mga taong nagdaan sa buhay namin. Kahit nitong hindi pa nagbalik ang memorya ko’y buong damdamin ko ang nakatuon sa kanya. I may never be able to forget him, Lance… not in a million years…”

“Makokontento ako sa anumang pagtinging maaari mong ibigay sa akin, Jewel. I promise you, I won’t ask for more than what you can give…”

“You don’t deserve any less…” aniya na huminto sa pagsasalita nang ibaba ng waiter ang pagkain nila. Hinintay na makaalis bago nagpatuloy. “Ipagpapasalamat mo sa akin pagdating ng araw na hindi ko sinasamantala ang damdamin mo sa akin.” s he smiled at dinampot ang tinidor at kutsilyo mula sa steak plate.

“Paano mo natiyak na magbabago ang damdamin ko?” hamon ng binata. “Hindi lang ikaw ang kayang magmahal nang malalim...”

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya. “Ang pag-ibig ko kay Bernard ay pinalago ng panahon, Lance. Hindi biglang sumibol dahil sa magagandang katangian niya. He was a shy and bitter young man when I first met him.” k umislap ang mga mata niya sa alaala maraming taon na ang nakararaan.

“Vulnerable too and yet proud, rough, and yet you would be surprised how gentle he could be, wild like the beasts in Paso de Blas but he could be tamed and very submissive if he so pleases...” h er voice in above-whisper. Buong puso’t isip niya’y nakatuon kay Bernard that her eyes seemed to brighten the semi-darkened room. Pagkatapos ay bumalik kay Lance ang paningin at tumawa. “He’s a bunch of contradictions, you know...”

Si Lance ay walang salitang namutawi sa mga labi. Ano ang maaari nitong sabihin pa? He was such a fool. Heto at kasama niya ang isang babaeng pinag-uukulan ng matinding pagtingin subalit ang kislap ng mga mata ay sanhi ng alaala ng ibang lalaki.

Here’s one woman who would rather live her life alone kaysa ibaling sa iba ang pagtingin.

NASA ere pa ang chopper ay nakatanaw na sa may veranda si Bernard. Madilim ang mukha at kulang na lang ay hilahin ng titig ang chopper pababa sa landing ground.

Hinintay nitong lumapag sa landing ground ang helicopter bago tumalikod mula sa verandah. Pumasok sa silid at muling lumabas ng pasilyo.

Nagulat pa si Jewel pagpasok nang matanawan ang pagbaba ni Bernard sa malaking hagdanan.

“N-narito ka pala...” aniya na wala sa loob na ipinatong sa sofa ang overcoat. Ang kanina’y normal na pagtibok ng dibdib ay naging eratiko.

Gone is the executive na nakaharap niya sa mansiyon. Ang kaharap niya’y ang anyo ng dating Bernard na kilala niya. The ruggedly handsome rancher. Ang guwapong mukhang pinatingkad ng palaging seryoso. But could charm the birds out of the trees when he smiles. Na kahit ang mga lirio sa parang ay lalong namumukadkad sa tuwing tumatawa.

In his faded tight denims and t -shirt, maliban sa sandaling iyon ay hindi ito pinagpapawisan at hindi nakarolyo ang manggas ng kamiseta hanggang sa pinakapuno ng braso.

She swallowed hard. Ang matipunong braso and muscled chest na malimit itago ng executive suit ay banaag ngayon sa mga paningin niya.

How many times did she find comfort and love in those arms?

Bumaba ang tingin niya sa mga paa ni Bernard. Suot nito ang lumang leather boots. Ang boots na may nakasabit na limang pulgadang double-edged knife sa kanang tagiliran. Wala siyang natatandaang sumablay ito sa paggamit ng punyal.

Napangiti siya nang makitang dumarating si Bernard sakay ni Firewind. Kanina pa siya nakaupo sa nakahapay na punong iyon sa talampas at hinihintay ang binata.

“You’re late.” l umabi siya.

“Babayaran ko ang bawat minuto.” h e smiled and there was that devil gleamed in his eyes. Akmang bababa sa malaking stallion nang matigilan ito. At ang ngiti’y nahalinhan ng sindak sa pagkakatitig sa kanya.

“Jewel, don’t move!” babala ni Bernard at sa isang iglap ay nahugot nito ang patalim sa boots.

Ilang dangkal mula sa kanya ay isang gadaliring ahas subalit makamandag. Bumaon sa leeg nito ang punyal.

“Oh!” Muntik na siyang himatayin sa takot. Hindi sa ahas kundi ang pagkakita niya sa paghagis nito ng punyal sa ere patungo sa kanya.

She smiled at the thought. Iyon ang isa sa mga naituro ni Alfon dito mula pa nang bata si Bernard.

Ang punyal ding iyon ang iginuhit nito sa isa sa mga bakod na kahoy sa De Silva Farm upang isulat ang kanyang pangalan.

Lalong dumilim ang mukha ni Bernard sa ngiting sumilay sa mga labi niya.

“Tumawag ako sa opisina,” wika nito sa hindi maipintang mukha. Nabalik sa kasalukuyan ang isip ni Jewel na sa pandinig ay ang matandang Leon Fortalejo ang nagsasalita. “You left around five thirty. Pasado alas-nueve na ng gabi, Jewel. Saan ka nanggaling?”

“Bakit kailangang i-check mo ang pag-uwi ko, Bernard?” sagot niya sa bahagyang mataas na tono. “Nang madesisyunan kong magtrabaho ay hindi ko inisip na may bundy clock ako rito sa villa.” Nakita niya ang marahang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito at alam niyang nagpipigil ang lalaki ng galit.

Nagbuntong-hininga siya at naupo sa stool ng bar.

“I don’t want to argue with you, Bernard, please,” she said wearily “I–I only had dinner with Lance, kaya ako ginabi...”

“Dinner with Lance!” hiyaw nito. Muling gumuhit ang matinding panibugho sa dibdib. “Jewel, may anak ka. Pinayagan kitang magtrabaho...”

“Wait a minute,” agap niya na tumingala rito na bahagyang naningkit ang mga mata. “Ano ang ibig mong sabihing pinayagan? Hindi ko hiningi ang pahintulot mo na magtrabaho ako. Sinabi ko sa iyong gusto kong magtrabaho. Hindi mo man ako tinanggap sa KGC ay maghahanap din ako ng ibang kompanya at wala kang karapatang payagan o hindi ako payagan!”

Naggalawan ang muscles ni Bernard sa mukha. “As my wife...”

“Dammit, Bernard, babalik na naman ba tayo diyan?” agap niya sa iritadong tinig. “At ano ang ginagawa mo dito? Malalim na ang gabi. Ayokong pag-isipan ako ng hindi mabuti ng mga tao ng asyenda...”

“Pero hindi ka nag-aalalang gabihin sa pag-uwi dahil lang nakipag-date ka kay Navarro, ganoon ba?” balik nito sa kontroladong tinig kasabay ng paghakbang palapit sa kanya.

Isang malalim na paghinga ang binitiwan ni Jewel at umiling. “It’s really very early, Bernard. Mukha lang gabi na dahil nasa isla tayo. Please, wala namang dapat pagtalunan. Bumalik ka na sa hotel at magpapahinga na rin ako… goodnight.” t umayo siya at humakbang patungo sa hagdan subalit humarang sa daanan niya si Bernard at hinawakan siya sa braso.

“Pinayagan kitang magtrabaho nang may kondisyon, kung nakakalimutan mo’y pinapaalala ko sa iyo,” wika nito sa kalmanteng tinig pero nagtatagis ang mga ngipin. His dark eyes piercing her. “You will have enough time to spend with our son...”

“A-alright...” aniya na iniwas ang mga mata. Hindi niya gustong magkalapit sila nang ganito ni Bernard. “I am sorry. Hindi na mauulit… now, please let me go... ”

“Jewel...” he spoke hoarsely. His dark eyes piercing her heart like an arrow. Tumaas ang kanang kamay nito sa batok niya and tugged her hair softly.

“D-don’t, Bernard, oh, please... don’t…” pakiusap niya sa nagpa-panic na tono. Alam niyang hahagkan siya nito. At natatakot siyang hindi niya kayang sawayin ang sarili kapag naroon na. In fact, the urge to raise her face a little and meet his lips was so powerful na kailangan niyang ipako ang sarili.

“ Querida... ”

Ang salitang iyon ang nagpanumbalik sa matinong kaisipan ni Jewel. “Don’t call me that!” hiyaw niya, sabay hatak sa braso at halos takbuhin ang hagdan.

Nakatatlong baitang na siya nang lingunin ang lalaki na nakalingon din sa kanya.

“And dammit, Bernard, get off my back! Wala kang karapatan sa akin kahit kaunti, naintindihan mo?” Gumagaralgal ang tinig niya sa pinaghalong galit at sama ng loob. Mas kaya niyang magalit kapag nakadistansiya siya mula dito. “You’ve lost it when you married another woman!”

At bago pa muling bumigay ang emosyon niya’y mabilis na siyang pumanhik.

Damn him! Tila siya leaking water pipe sa tuwina lang na magkakausap sila ng lalaking iyon! Inihagis niya sa settee ang shoulder bag. Pagkatapos ay ibinagsak ang sarili sa kama. Itinitig ang mga mata sa kisame.

Sinikap niyang iguhit sa isipan ang guwapong mukha ni Lance Navarro. Ang nakatutuksong mga ngiti. And the way he kissed her on his balcony, sa suite nito sa Houston.

His lips soft and firm and thorough.

Subalit hindi pa man makuhang luminaw sa isip niya ang anyo ni Lance ay naroon na ang anyo ni Bernard.

Mabilis siyang dumapa sa unan at ibinaon ang mukha.

“Pakawalan mo ako, Bernard… pakawalan mo ang damdamin ko!” daing ng puso niya. “Why can’t I stop loving you? I deserve to be happy, too...”

MAYNILA

“MA’AM telepono po,” ang katulong na nilapitan si Diana at Joshua sa may tabi ng.pool.

Inabot ni Diana ang telepono mula rito at muling inihiga ang sarili sa lounging chair. Bahagya nang inayos ang bikini top na halos wala na rin namang tinakpan.

“Hello. Oh, yes, Zaragosa. Ano ang balita?” Sinulyapan niya si Joshua na ang balak na paglangoy ay nauntol at tiningnan siya.

“Saan?” Umangat ang likod niya mula sa lounging chair. “Natitiyak mo?” Nagsalubong ang mga kilay na muli siyang sumulyap kay Joshua. Ilang sandali pang pinakinggan ang kabilang linya bago niya ini-off ang CP at inilapag sa tabi.

“Ano ang ibinalita ng private detective mo?” nakangiting tanong ni Joshua. “Nagsasayang ka lang ng pera diyan. Natitiyak kong nagkakamali ka ng hinala, Diana. Come, let’s swim...”

Humugot ng malalim na paghinga si Diana. Tumayo at dinampot ang robe. Hindi mapigilan ni Joshua ang paghanga sa kagandahang nasa harap.

“Hindi mo na ako sinagot, Diana...”

Isinuot niya ang robe at kinuha ang sigarilyo at nagsindi. Nagsalubong ang mga kilay ni Joshua nang makitang nanginginig at hindi magkandatuto sa pagsindi ng lighter si Diana.

“What’s troubling you this time?” seryosong tanong nito na nilapitan siya.

Sa nanginginig na kamay ay dinala sa bibig ang sigarilyo at humitit. Pagkatapos ay nagbuga ng usok at saka tinitigan si Joshua.

“I–I don’t know, Josh. Pero ayon kay Zaragosa ay umalis patungong Palawan si Kenneth this morning...” g umagaralgal ang tinig niya. Her eyes worried.

Kinuha ng binata ang sigarilyo sa kamay niya at inihagis sa lupa. Saka siya kinabig at dinala sa matipunong dibdib nito. Hinaplos ang likod.

“Calm down, darling. Ano ang ibig sabihin noon?”

“Sinabi rin ni Zaragosa na nakikipagkita si Kenneth kay Charlie sa Muntinlupa. At alam nilang m-mag-asawa kami ni Bernard, at… at ang hindi niya pagkakatagpo sa akin dito sa Maynila at ang pagsasabi ng opisina at bahay na nasa probinsiya ako ay maaaring nagbigay ng ideya sa kanyang nasa Paso de Blas ako…”

Hindi agad nasagot ni Joshua iyon. May posibilidad ang sinabi niya. Tumingala rito si Diana.

“Ako ang hinahanap niya, Joshua. At natitiyak kong hindi mabuti ang sadya niya sa akin… please believe me…”

“I do believe you, darling. Pero kung hindi ka niya makikita sa Paso de Blas ay walang mangyayari, `di ba?” lohikong paliwanag nito. “Pumayag ka sa sinasabi ko sa iyong mangibang bansa tayong pansamantala, Diana...”

Umiling siya. “Not until this business with Kenneth is over.” t umigas ang mukha niya. “At kinakabahan ako na kahit hindi niya ako makita sa Paso de Blas ay may masamang mangyayari.”

“You’re thinking nonsense, Diana…”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.

“May palagay akong mula nang matagpuan ako ng Lolo Luis sa probinsiya ay nakakabit na sa akin ang panganib, Josh. At nagdamay ako ng mga tao. Ang Lolo Luis, ang Lolo Ramon… at si…”

“C’mon, Diana,” agap ni Joshua. “Don’t be hard on yourself. Hindi ka nagdamay ng mga tao. Ikaw ang nadamay sa kasamaan ni Charlie...”

“Alinman doon ay ako pa rin ang pinagmulan ng gulo. Hindi papatayin ni Charlie ang Lolo kung hindi ito naghinalang ako ang lubusang magmamana ng kayamanan ng matanda.” k umawala siya mula kay Joshua at kumuha muli ng sigarilyo at nagsindi.

“He would have persevered hanggang sa mamatay ang Lolo sa sakit nitong hindi niya alam. At ngayon ay madadamay si… si Bernard, Joshua!” May sindak sa mga mata niyang tumingin sa lalaki.

“Diana...” usal ni Joshua na kinakitaan ng matinding panibugho ang mukha.

“Please, Josh. Alam mo ang tunay kong damdamin, `di ba?” aniya rito sa nagpapaunawang tinig. “I just couldn’t allow innocent people to get hurt because of me. i lang tao na ang namatay nang dahil sa akin. At alam kong galit si Kenneth kay Bernard...”

“Sa palagay mo ba’y hindi kayang ipagtanggol ni Bernard ang sarili kay Kenneth, Diana?” naghahamong wika ng binata.

“Hindi ko pinagdududahan ang kakayahan ni Bernard na ipagtanggol ang sarili niya, Josh. I doubt kung lalabas nang buhay sa Paso de Blas si Kenneth. Iyon ay kung alam ni Bernard na may kalaban siya… at nanganganib.”

“Pagbabayaran mo ito, Diana!” hiyaw ni Kenneth sa pagitan ng takot sa maaaring kahihinatnan sa kulungan at pagkasuklam at galit sa kanya. Nakamamatay na tingin ang ipinukol nito kay Bernard. “I’ll kill you for this, Fortalejo. Hindi ka dapat nakialam!”

Tila bigla siyang gininaw sa alaalang iyon. At sa nanlalaking mga mata ay tumingin kay Joshua.

“At hindi alam ni Bernard na nanganganib siya, Joshua!”

Hindi kumibo ang binata na umiling. Humakbang at dinampot ang CP sa pinaglapagan niya. Iniabot iyon sa kanya.

“Here, call Bernard, at problema na niya pagkatapos. Hindi ako papayag na madawit ka pa sa gulong ito, Diana,” determinadong wika nito sa awtorisadong tinig. “I have given you enough time...”

“Oh, Josh!”

PUERTO PRINCESA

Palinga-linga si Kenneth. Hindi niya gustong mag-aksaya ng oras sa pagtuloy sa isang hotel. Kung magagawa niyang magtungo sa isla ng Paso de Blas sa araw na ito ay mas nanaisin niya.

Kailangang maging maingat siya sa pagtatanong. Lumakad siya patungo sa isang nakaparadang jeep pampasahero.

“Brookspoint, sir...” wika ng driver.

Pinag-aralan ni Kenneth ang mukha ng driver at sinilip ang jeep nito na wala pang laman. Pagkatapos ay muling ibinalik sa driver ang tingin.

“Sa Paso de Blas mo ako ihatid.. ”

Nagsalubong ang mga kilay ng driver. “Malayo ho iyon dito, sir, mahigit sa tatlong oras ang biyahe...”

“Babayaran kita sa presyong gusto mo,” agap ni Kenneth sa sasabihin ng lalaki.

“Hanggang bukana ko lang ho kayo maihahatid, sir. Hindi ho tayo makatatawid patungong isla dahil putol ang tulay. Nasira ho ng bagyo...”

“Anak ng...” mura ni Kenneth na luminga sa paligid. “Ano ang ibig mong sabihin? Walang paraan para makapunta ako ng Paso de Blas?”

“Aba, eh, mayroon ho. Iyon ay kung uupa kayo ng bangkang de-motor patungo roon…” t iningnan ng driver ang kausap mula ulo hanggang paa.

Nakasalaming de-kolor, mestisuhin. Kung kaibigan ng mga Fortalejo, tiyak na hindi dito ang daan kundi sa ere. O, baka naman, hindi alam nito na nasira ang tulay may ilang buwan na ang nakalipas. O, baka naman turistang nag-iisa at hindi kasama sa mga package tour ng Kristine Hotel and Resort. Iyong mga nagtitipid.

Humugot sa bulsa ng abuhing polo si Kenneth ng dalawang limang daan at iniabot sa driver.

“Ihatid mo ako sa sinasabi mong bukana at hanapan mo ako ng bangkang de-motor na maghahatid sa akin sa Paso de Blas.”

Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa nakitang halaga. Mabilis na inabot ito at ipinasok sa sariling bulsa.

“Naku, eh, madali ho iyon, sir. Tara, sakay na kayo,” at sumampa na ito sa driver seat.

Si Kenneth naman ay umikot sa kabila at sumakay na rin. Lihim na ngumingiti. Ilang sandali pa’y tumatakbo na ang jeep.

“Siyanga pala, iyong bangkang de-motor na uupahan ko ay hihiramin ko nang hanggang bukas dahil iyon din ang sasakyan ko pabalik. Magagawan mo ba ng paraan iyon?” wika niya sa driver na ngumisi at sandali siyang nilingon bago muling itinuon sa daan ang paningin.

“Aba, oho, sir. Katunayan ay pinsan ko iyong may-ari ng bangka. Basta ba magkakasundo kayo sa presyo, eh…”

“Walang problema doon.”

“Eh, sino ho ba ang pupuntahan ninyo sa Paso de Blas?” usisa nito na muli siyang saglit na nilingon.

Tumikhim si Kenneth. “May pinsan ako roon. Sa bayan nakatira at matagal na rin kaming `di nagkikita. Gusto ko sanang sorpresahin, iyon pala’y ako ang nasorpresa dahil hindi pala ako makatatawid ng tulay...”

Tumango-tango ang driver at hindi na nag-usisa pa.

MAKALIPAS ang ilang oras ay nasa pampang na ng isla si Kenneth. Hinila ang bangkang de-motor sa may tagong lugar. Pagkatapos ay nilinga ang paligid.

“Whew! Gubat na palang halos ang lugar na ito. Mukhang walang balak ang mga Fortalejo na gawin ang tulay...” s inipat nito ang sirang tulay sa may di-kalayuan. “Kung sabagay ay pabor sa akin ang sukal na ito.”

Pagkatapos ay umahon sa pampang at lumakad patungo sa gubat. Ilang sandali pa’y nasa harap na siya ng dalawang magkasangang-daan. Nagsalubong ang mga kilay na inisip kung alin ang tatahakin niya.

Sa pamamagitan ng mataktikang pagtatanong ay nalaman niyang halos dalawang oras ding lakad ang gagawin niya patungo sa pinakabayan. At kung sa Asyenda Kristine naman siya paparoon ay isang oras lang.

Ang sabi ng may-ari ng bangka’y sundan lang niya ang pakaliwang landas at patungo iyon sa bayan kung saan muling magsasanga ang daan na patungo naman sa resort at hotel.

Ibig sabihin ay patungo sa asyenda ang nasa kanan niya. Isang ngiti ang pinakawalan nito at pagkatapos ay muling tumiim ang mukha. Kailangang maging madali ang pagtrabaho niya. Hanggang bukas lamang niyang nirentahan ang bangkang de-motor.

Alas-singko y media ng hapon. Tamang-tama ang dating niya. Hustong pasado alas-siyete siya darating sa asyenda. Ikukubli siya ng dilim ng gabi. Ang sabi ng taong nagbigay sa kanya ng impormasyon ay walang kapitbahay ang Villa Kristine. Ang pinakamalapit na bahay mula sa villa ay ang bahay ng mga Cervantes subalit malayo iyon. Mga dalawang kilometro ang agwat ng dalawang bahay.

Ang hindi niya matiyak ay kung ilang katulong mayroon ang villa maliban kay Diana. Ayon sa impormasyon niya’y bibihirang umuwi ng Paso de Blas ang asawa nitong si Bernard Fortalejo. Subalit madali na iyon. Hindi siya mangingiming patayin ang sinumang makakasagabal sa plano niya.

ALAS-SINGKO Y MEDIA, patuloy sa pagtunog ang CP ni Bernard sa loob ng private suite nito sa hotel.

Sa reception, makalipas ang ilang minuto.

“Yes, Ma’am. Wala po siya sa suite niya. Hindi pa ho dumarating. Baka po nasa villa. Yes, Ma’am, you can try calling him there...”

“Now, what?” Si Joshua.

“Wala siya sa hotel,” nanlulumong wika niya. “Katulong ang sumagot sa villa, wala doon si Bernard. Dammit, bakit iniwan niya ang CP sa suite niya!” frantic nitong sinabi.

“Relax, Diana. Maraming puwedeng puntahan si Bernard sa Paso de Blas. Hindi mo pa natatawagang lahat…”

“You cannot expect me to do just that!” baling niya kay Joshua. Palakad-lakad at hindi mapalagay. “Mamamatay tao ang kakaharapin nila… kung sino man ang matatagpuan ni...” n anlaki ang mga mata niya. “No!”

“What is it?” Si Kenneth na hindi na rin mapalagay sa ginagawi niya.

“Hindi alam ni Kenneth na wala ako sa villa. And I am here wasting my time sa pagtatawag sa telepono. What if… what if… si… si Jewel ang makaharap niya?”