Malanding Entry #7
Dear Diary,
Hi! Kumusta ka na? Isang linggo rin kitang hindi nasulatan. Na-miss mo ba ako? Sorry na, Diary. Medyo busy lang kasi ako sa event dito sa aming lugar. May gaganapin kasing Ms. January Girl 2014 dito, eh. Siyempre, dahil isa ako sa pinakamaganda rito sa aming barangay, (Shutang inerns lang ang mga aangal! Ang umangal, ipapaamoy ko sa inyo ang pempem ko.) Isinali ako ng inay ko sa contest.
Nakakaloka, Diary, `no? Isinali ako ni Inay sa contest kahit ayaw ko. Siyempre, Diary, ayaw ko namang ma-expose ang ganda ko. Alam ko namang maganda ako, eh. Kailangan pa bang ipangalandakan `yon sa buong barangay namin? Nakakaloka, Diary! Kahit anong tanggi ko, pinilit pa rin ako ni Inay. Sayang daw kasi `yong premyong isang kabang bigas na luto na. Patay-gutom na ba kami, Diary?
Pagpunta ko sa meeting place kanina, guess what, Diary! Nandoon si Prince Leroy para manood ng rehearsal. Akala ko, nandoon siya para panoorin ako, `yon pala, dahil kay Mimay. Ang shutang inerns na Mimay na `yan! Pati ba naman sa pagandahan, kinakalaban ako? Feeling naman niya, mananalo siya sa akin?
Pempem niyang bulok! Walang-wala siya sa kagandahan ko, `no. Dahil ako si Pipay, *tuck ng hair sa aking ear* ang pinakamaganda rito sa aming lugar.
Alam mo, Diary, kung nakamamatay lang ang titig, kanina pa pinaglalamayan si Mimay. Ang landi-landi kasi ng pisting babaeng `yon. Noong break time kasi namin, ang gaga, nakaupo pa sa hita ni Prince Leroy ko at nagpapasubo! Hmm, ano kayang gusto niyang isubo sa kanya ni Prince Leroy ko? Siyempre pagkain. Ikaw talaga, Diary, ang dirty-dirty-dirty ng mga iniisip mo.
Nang nagbalikan na kami sa formation namin, sinadya kong dumaan sa harap ni Prince Leroy `tapos kunwari matitisod ako. Bigla tuloy akong napahawak sa dibdib niyang matipuno kaso agad rin akong lumayo dahil bigla siyang nagsalita...
“`Tangina mo, Pipay!”
Natulala ako, Diary. Omaygad! Bigla akong nag-wet sa sinabi ni Prince Leroy. Ang lutong at ang tigas ng mura niya, Diary. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, baka bigla akong naghubad sa harap niya at biglang bumukaka at saka dumila. Kaso letse `yong organizer, bigla na akong tinawag.
“Hoy, Pipay! Ano, lalandi ka pa ba diyan? Feeling pretty, ah?” Biglang nagtawanan ang mga kalaban kong panget. Inirapan ko na nga lang sila. Ganito talaga kapag maganda, Diary, `no? Lagi kang inaaway.
“Hindi naman ako malandi, ah?” sagot ko sa kanya kanina.
“Hindi ka malandi?” paniniguro naman niya.
“Hindi,” mataray na sagot ko. “Slight lang. Hihihi!” sabi ko sabay kindat kay Prince Leroy kaso bigla na naman niya akong minura nang pagkalutong-lutong.
`Eto talagang si Prince Leroy, ang naughty. Ang hilig sa murahan. Dilaan ko diyan ang buong katawan mo, eh. Hihihihi! ♥
Narinig ko ring nag-uusap ang mga katabi kong contestant, Diary. Pinag-uusapan nila kung gaano sila kahabulin ng kalalakihan sa school nila. Akala naman nila, sila lang ang hinahabol. Excuse me! Sa school namin, hinahabol din ako ng kalalakihan... hinahabol ako na may kasamang itak. Ang sweet, `di ba? Gusto nila akong itakin. Sana unahin nilang itakin ang pempem ko para mabiyak na ang punla ni Eba. Hihihi! Ang landi ko pala kanina, Diary.
O, sige na, Diary, magpapahinga na ako. Sabi kasi ni Inay, ang beauty queen daw ay kailangan laging maaga natutulog para iwas-stress. Tumingin nga ako sa salamin kanina pero `di naman ako stressed. Tanging kagandahan lang ang nakikita ko. Nag-selfie tuloy ako.
Gusto mo ng picture ko, Diary? `Wag na! Baka pagnasaan mo pa.
P.S.
May nakita akong picture ni Mimay sa Facebook niya, Diary. Kuha iyon kanina sa rehearsal namin. Naka-pose pa ang gaga na akala mo ang payat at sexy niya. Eeww lang, Diary! Ang panget-panget niya talaga! Swear! No joke. Ang lakas niyang magsuot ng itim na damit, akala mo kaputian ang gaga. `Wag siyang tatabi sa akin dahil paniguradong papanget siya lalo. Napakalandi, Diary! Ingat ka ro’n, ha?
P.P.S.
Kapag maganda talaga, Diary, maraming haters, `no? Ang dami ko nang haters sa Twitter, eh. Mga panget kasi sila! Weak! Panget!
Dyosa ng kagandahan,
Pipay ♥