noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 1

Chapter 11

Ch. 12 / 36 Apr 09, 2022

Malanding Entry #11

Dear Diary,

Ang bilis ng araw, Diary. Biruin mo? Isang linggo na ang nakakalipas mula nang maging boyfriend ko si Joshua. Isang linggo na ang relasyon naming dalawa. Hihihi! Ganito pala ang feeling ng may boyfriend, Diary. Para kang prinsesa, Diary. Kasi lagi akong hinahatid at sinusundo ni Joshua sa bahay namin at sabay kaming dalawang pumapasok. Kapag naman lunch break namin sa school, lagi akong hinihintay ni Joshua sa labas ng room namin para sabay kaming kumain.

Pinagtitinginan at pinagbubulungan na nga kami ng mga ibang estudyante dahil paano ko raw napapayag si Joshua na maging boyfriend ko. Pinagtatawanan nila ako, Diary, dahil baka daw pinagtitripan lang ako ni Joshua. Pero nainis si Joshua, Diary, `tapos sumigaw siya ng: “Ano ba’ng pakialam n’yo kung girlfriend ko si Pipay? Dahil ba hindi n’yo siya kasingganda? Dahil ba hindi n’yo siya kasingkinis at kasintalino? Por que ba mas nakakaangat kayo sa kanya kaya pinagtatawanan n’yo siya? Pero pasensiya na lang kayong lahat. Dahil kompara sa mga ugali n’yo? Mas tao pa ang tingin ko kay Pipay kaysa sa inyo.”

Napanganga ang lahat ng tao sa canteen, Diary, dahil sa sigaw ni Joshua. Hindi na namin natapos ang kinakain namin dahil hinila na ako palabas ni Joshua at dali-daling naglakad papunta sa likuran ng school gym. Nakasalubong pa nga namin sina Prince at Mimay na magkatabing kumakain sa gilid ng fish pond, eh. Pero hindi ko na pinansin dahil pakiramdam ko, pinupunit ang pempem ko—este, ang puso ko sa sweetness ni Prince Leroy kay bakulaw na negrang pusit na `yon.

“`Tangina! `Tangina!” Pinagsusuntok ni Joshua `yong puno, Diary. Galit na galit siya. “Ayoko sa lahat nilalait ang girlfriend ko. `Tangina! Isa pang lait nila, baka masuntok ko sila isa-isa.”

Sa mga oras na `yon, Diary, feeling ko, namula ako at kinilig. Iyong kilig na nararamdaman mo kapag naiihi ka. Hihi! Hindi ko ine-expect na sasabihin `yon ni Joshua. `Di ko rin ine-expect na ganoon siya ka-protective sa akin.

Napatingin pa ako sa mga mata niya, Diary, at para siyang naiiyak. Huhubarin ko sana ang panty ko para ipunas sa mga mata niya pero naunahan na niya ako. May panyo pala siyang dala.

Aaminin ko, Diary, hindi ko pa mahal si Joshua. Oo, guwapo siya, matipuno, mabango, mukhang mabango rin ang singit at kilikili. Yummmyyy! Echos. At mukhang malaki rin ang patola. Perfect na para gahasain ako, hihi! Pero kasi wala pa rin akong feeling sa kanya.

Alam mo `yon, Diary? Iyon bang excitement kapag nakikita at nakakasama mo siya? Hindi ko pa nararamdaman iyong pakiramdam kapag nakikita ko si Prince Leroy. Iyon bang napapabukaka ako nang bonggang-bongga. Joke! Iyon bang titibok nang mabilis ang pempem ko—este, puso ko kapag nakikita ko siya.

Pero hindi ko isinasara ang puso ko, Diary. Itinatak ko na sa isipan ko na siguro, it’s time to let go. Nakakapagod rin kasi, Diary, na ipagsiksikan ang sarili mo sa taong mahal mo. Sa sobrang pagmamahal na ibinubuhos natin sa kanila, Diary, nakakalimutan na natin ang sarili natin na kailangan din natin ng pagmamahal.

Kaya sa ngayon, kakalimutan ko na si Prince Leroy. Mahirap, oo. Pero gagawin ko for the sake of Joshua. Alam ko ang pakiramdam ng taong hindi pinapansin ng mahal niya kaya as much as possible, ayokong maramdaman `yon ni Joshua sa akin.

Hihi! Me is so beautiful, kind and humble, Diary.

Kaya ngayon, Diary, napag-usapan na namin ni Joshua na mag-date. Hihi! Oo, Diary, magde-date kami. Kailangan ko rin kasing bumili ng bagong damit na gagamitin ko sa photoshoot bukas.

Napag-usapan namin ni Joshua na sasamahan niya ako. Eh, di date tawag d’on, `di ba? Hihi! Me is so bright, Diary. Sabi niya, hihintayin niya raw ako sa sakayan ng tricycle kaya mabilis na akong naligo. Wala nang shampoo-shampoo at hilod-hilod. Puro buhos na lang ng tubig ang ginawa ko.

Naloka nga ako, Diary, dahil pagtingin ko sa tubig na nasa sahig ng banyo naging kulay-itim. Ganoon ba ako karumi? Tatlong linggo lang naman akong hindi naligo, ah? `Tapos iyong panty na suot ko, Diary, pagbagsak ko sa sahig, biglang nabasag sa sobrang tagal ko nang suot. Hihi! Medyo dirty pala ako, Diary.

Natanaw ko na agad si Joshua, Diary, na naghihintay sa akin. Ang guwapo-guwapo niya sa suot niya, Diary. Para siyang isang model sa porma niya. Iyong mga babae pa na dumadaan kinakawayan siya pero dedma lang si Joshua.

Hihi! Sorry mga `te. Pag-aari na ni Pipay `yan. Tingnan n’yo ang patola niyan, may pirma ko na. Hihi! Char-char lang.

“Josh,” tawag ko sa kanya.

“O, tara na?” Ngumiti siya sa akin. Nasilaw ako sa puti ng mga ngipin, Diary. “Ah, by the way, Pipay... ang ganda mo ngayon.”

“Eke megende... hende nemen mesyede...” kinikilig na sagot ko sa kanya. Sabi ko sa inyo, maganda talaga ako, Diary, eh. Hihihi!

Ang gende ke dew sebe ne Jeshwe. Mag-iipit sana ako kaya lang ang hirap suklayin ng buhok ko. Lahat ng suklay, natatanggal ang ngipin. Imbiyernang suklay! Walang pakisama!

“Girlfriend niya ba `yan? Love is blind ba talaga?”

“Gaga! Mukha bang papatol ang guwapong lalaki sa ganyang babae? Para namang katulong `yan!”

“Tingnan mo nga, mukha silang may date.”

“Gaga ka talaga! Bobo mo, girl. Baka mabait lang si guy `tapos nakita niya ang pulubing panget na `yan sa daan kaya inaya niyang kumain.”

Kanina ko pa naririnig ang dalawang babae na nag-uusap tungkol sa amin ni Joshua habang nasa jeep kami, Diary. Gusto ko man silang awayin kaya lang nakakahiya kay Joshua.

Bakit ganoon, Diary? Por que ba ganito ang itsura ko, wala na akong karapatan sumama kay Joshua? So, kapag ba panget, kailangan single for life?

Napatingin ako kay Joshua saka ngumiti na lang nang pilit. Ngumiti rin siya at hinawakan ang kamay ko.

“Miss,” tawag niya sa dalawang babae na tsismosa. “Para hindi na kayo mahirapan sa kakaisip kung ano ko ba `tong babaeng kasama ko, girlfriend ko siya. Nagulat kayo, `no? Ako rin, eh. Hindi ko kasi ine-expect na sasagutin ako ni Pipay. Sobrang bait kasi niya. Kayo, may boyfriend ba?” Umiling ang dalawang babae habang nakanganga. “Alam ko. Panget kasi mga ugali n’yo. Kung `yong makeup ang nagpapaganda ng mukha n’yo, try n’yo kainin. Baka gumanda rin ugali n’yo. Manong, para na!”

Bumaba na kami ni Joshua sa jeep. Napatingin ako sa dalawang babae na nakanganga pa rin at nakatulala. Tinaasan ko nga sila ng kilay saka ngumiti nang nakakaasar. Hihi! Ano kayo? Nganga ang mga futa!

Pagdating namin sa loob ng mall, Diary, sa salon muna kami pumunta ni Joshua. Gusto niya raw akong paayusan para hindi na raw ako nilalait ng mga taong nasa paligid ko. Sabi pa niya: “Tanggap kita, Pipay, bilang ikaw. Pero kasi sa panahon ngayon, huhusgahan ka base sa itsura mo.”

Ang sweet niya, Diary, ano? Kaya pumasok na kami sa salon pero agad kaming hinarang ng guard.

“Sir, hindi po `to salon para sa mga alagang hayop. Sa second floor po `yon,” sabi ng guard. Nagtaka naman kami ni Joshua dahil wala naman kaming dalang hayop.

“Excuse me? Wala naman kaming dalang hayop, ah?”

“Wala ba, Sir? Eh ano `yang kasama mo? Unggoy `yan, `di ba?” Nakita kong tumigas ang bagang ni Joshua dahil sa sinabi ng guard, Diary.

“How dare you insult my girlfriend in front of me?!” sigaw niya sa guard, Diary. “Simulan mo nang umalis ng salon na `to dahil sisiguruhin kong bukas, wala ka nang trabaho!”

Napanganga kaming dalawa ng guard sa sinabi ni Joshua. Pag-aari pala nila `yong mamahaling salon na pinagdalhan niya sa akin.

Sorry nang sorry iyong guard pero hindi na siya pinapansin ni Joshua. Dumeresto na kami sa counter. Ang tawag pa kay Joshua niyong babae, “Master.” Akala ko nga masturbate, eh. Iyon pala, Master Josh. Hihi! Ang naughty talaga ng brain ko!

“Master Joshua, ano po’ng ipapaayos n’yo?” bati ng isang babae kay Joshua.

“Pakiayusan `tong girlfriend ko. Pagandahin mo siya lalo.”

Tumingin sa akin `yong babae. “Master Josh, mukhang hindi na salon ang kailangan ng girlfriend mo. Mukhang albularyo na.”

Ang ending, Diary, dalawang empleyado ang natanggal sa salon na `yon dahil sa akin. Kasi naman sila, eh. Todo-lait sa girlfriend ng anak ng amo nila. Hihihi!

So far, Diary, enjoy ako sa date namin ni Joshua. Ang bait-bait niya at galante pa. Binilhan niya rin ako ng maraming mamahaling damit, sapatos at bag. Pati pala ng bagong panty at bra. Shampoo at deodorant at pabango na rin. Ang yaman niya, Diary. Puro credit card ang gamit.

Inihatid niya lang ako sa kanto malapit sa bahay namin nang maggagabi na. Ang saya-saya ko, Diary, at kumakanta pa nga ako ng: “I am beautiful no matter what they say. Words can’t bring me down...”

Napatigil lang ako sa pagkanta nang may maaninag akong lalaki na nakatayo sa labas ng bahay namin.

“Prince Leroy?” gulat na sabi ko, Diary, nang nakita kong si Prince Leroy ang nasa tapat ng bahay namin.

Mukhang kanina pa siya naghihintay. Sino naman hinihintay niya? Eh, nasa kabilang kanto pa naman ang bahay nina Mimay, eh.

“Ano’ng ginagawa mo diyan?” tanong ko.

Napatingin siya sa akin at mukhang hindi niya ako nakilala dahil sa bagong ayos ko. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya at parang hindi makapaniwalang ako ang Pipay na kilala niya.

“Wala. Tss,” sagot naman niya. “Aalis na ako.” Tumalikod na siya pero biglang huminto `tapos nagsalita ulit. “By the way, Pipay, ang pangit mo pa rin.” Saka nagpatuloy sa paglalakad.

Shutang inerns, Diary!. Ngalingali kong hinubad iyong suot kong sandals para ihampas sa kanya kaya lang nakalayo na siya, eh.

O, sige na, Diary. Sa uulitin uli. Kailangan ko nang mag-log in sa Skype at magwe-web cam pa kami ni Joshua ko. Hihihihi! Heart-heart.

Nararamdaman ko nang malapit na akong mabutas,

Pipay ♥