Malanding Entry #9
Dear Diary,
Ang daming nangyari sa akin ngayong araw. Kanina kasi bago ako pumunta sa rehearsal namin para sa Ms. January Girl 2014, bigla kong nakita ang mommy ni Prince Leroy na nagsasampay ng mga damit nila.
Omaygad, Diary! Bigla akong nakaisip ng isang very, very bright na idea. Hinintay ko munang makaalis ang mommy niya at saka ko inakyat ang bakuran nila. Hihi! Ninakaw ko iyong isang jersey ni Prince Leroy, Diary. Sayang nga, eh. Gusto ko sanang nakawin `yong mga boxer at brief niyang nakasampay kaso `wag na lang. Ayoko ng boxers o brief niyang nalabhan na. Gusto ko `yong kakahubad niya lang. Hihi! Para may amoy pa... amoy-singit niya. Delesyus!
Wala pang masyadong tao pagdating ko sa court kung saan ang rehearsal namin, Diary. Kaya naghintay muna ako nang ilang sandali. Ang dami kong nagawa habang wala sila; nag-planking sa stage, naghubad at nag-feeling Victoria’s Secret model. Bigla nga akong nagulat dahil biglang may sumigaw na mga bata.
“Yong paniki, nakakalakad!”
Dedma ko na lang sila. Sa ganda kong `to, paniki? Kinagat ko na rin ang mga kuko ko sa paa. Hinubad ko ang panty ko `tapos ipinamunas sa ilong kong todo labas ang sipon.
And finally, dumating na rin ang mga feeling magaganda na pinangungunahan ni Mirasol Mayosa a.k.a. Mimay Baluga. Nakalabas na pala ng ospital ang gaga. Dapat sa mental na ipinasok ang impaktang `yon, eh! Tinaasan niya agad ako ng kilay, Diary. Siyempre papakabog ba ako? Eh, di inirapan ko siya. Pero hindi natuloy dahil bigla kong nakitang dumating si Prince Leroy ko.
Bakit ganoon, Diary? Nang nakita ko si Prince Leroy na padating, parang biglang napuno ng mga puso at bituin ang paligid. Parang `yong pagtakbo niya ay biglang naging slow motion at biglang nawala ang mga tao sa paligid. Tanging kami lang ni Prince Leroy ang natira. Kitang-kita ko rin ang ngipin niyang mapuputi na sumisilaw sa mga mata ko.
Shutang inerns, Diary! In love na in love talaga ako kay Prince Leroy. Bigla tuloy akong napatayo sa kinauupuan ko at isinuot ang panty kong nasa ilong ko pa kanina at lumapit sa gawi nila.
“4t SAan kHa puPunT4?” Humarang agad si Mimay sa harap ko kasama ang dalawang contestant na kaibigan niya. Feeling Mean Girls ang mga gaga!
“So ano’ng feeling n’yo? Kayo ang Mean Girls?” pagtataray ko kay Mimay. Akala naman niya kanina natatakot ako, Diary. “Kailan pa naging color very, very black ang Mean Girls?”
“ExCuSe Me?” nagulat na sabi ni Mimay. Itinaas pa ang kamay ng gaga. “OmAyGad. iNiinSuLtO mHo BhA Kam3? FoR YoUr InForMaTiOn, bLaCk Is Beauty.”
“Black is beauty, oo. Pero too much black is uling.”
Biglang nagtawanan ang mga tao sa paligid kanina, Diary, dahil sa banat ko. Yes!
Pipay- 1, Mimay- 0.
Natameme na si Mimay sa sinabi ko kaya hinarap ko na si Prince Leroy ko.
“Prince Leroy... alam mo, mahal na mahal kita... Kaya—”
“Eeww! sO D3sPerAte t4L4g4.” Sumagot na naman ang pusit na negra.
Shutang inerns, Diary! Hindi na ako makapag-emote nang bongga. Puwede bang pakipatay na lang si Mimay sa story? Nakakaubos ng buhok sa pempem, eh.
“Shutang inerns, Mimay! Puwede ba, manahimik ka muna? Usapang-tao muna `to, ah? Mamaya na sumagot ang pusit na katulad mo.” Inirapan ko siya. “Prince, sa sobrang pagmamahal ko sa `yo... ninakaw ko pa `tong jersey mo...” `Tapos ipinakita ko sa kanya nang maigi `tong jersey na suot ko.
“`Tangina! Bakit mo isinuot `yan? Mahal `yan! `Tangina ka!” Bigla niya akong hinila paharap sa kanya, Diary. Akala ko nga hahalikan niya ako kaya hinanda ko na ang mga labi ko. Pero hindi pala dahil pilit niyang tinatanggal iyong suot kong jersey niya.
Noong una, Diary, natutuwa ako at tumatawa pa dahil ang lapit-lapit namin sa isa’t isa ni Prince Leroy, Diary. Pakiramdam ko, abot-kamay ko na ang langit. Nararamdaman ko na rin na bumubunggo ang patola niya sa tiyan ko. Pero lahat ng pagnanasa ko sa mga oras na iyon ay biglang naglaho nang naramdaman kong nasasaktan na ako sa pilit niyang paghubad sa akin. Pilit niyang kinukuha ang jersey niya.
“Ano ba, Pipay? `Tangina naman, eh! Hubarin mo na nga `yan!” Galit na galit na si Prince Leroy, Diary. Iyong mga ugat niya sa ulo, naglalabasan na. Iyong ugat kaya ng patola niya, lumalabas na rin?
“Ehhh. `Wag mo `kong hubaran dito. Hihihi! Ang naughty-naughty mo talaga, Prince Leroy. `Wag mo kong hubaran dito. Maraming tao. Hihihihi!” sabi ko sa kanya kanina kahit nasasaktan na ako sa paghawak niya sa braso ko.
“Para ka talagang bulbol, Pipay. Ang gulo-gulo mo, puta!” Umuusok na ang ilong niya, Diary.
“Kaninong bulbol, Prince? `Yong sa `yo ba o akin? Hihihi!”
“Leche!!!”
Bigla kong narinig na napunit sa likod ang jersey na suot ko, Diary, dahil sa paghatak ni Prince. Sa sobrang inis ni Prince sa akin, bigla niya rin akong itinulak kaya biglang bumagsak sa sahig ang puwetan ko.
“Awww!” Ang sakit talaga sa puwet, Diary.
Napatingin ako kay Prince Leroy. “`Tangina! ‘Wag mo na ngang ipakita sa `kin `yang mukha mo! Sarap mong sakalin hanggang mamatay ka!” Saka siya nag-walk out, Diary.
Nagtawanan din sina Mimay habang umaalis sa harap ko kanina, Diary. Pakiramdam ko, nag-iinit kanina ang sulok ng mga mata ko.
Kanina ko lang nakita na gano’n kagalit sa akin si Prince, Diary. Ano ba’ng ginawa kong masama sa kanya? Buong high school life ko, Diary, ipinakita at ipinaramdam ko sa kanya na siya lang ang gusto kong lalaki. Never akong nagpakita ng interes sa iba at tanging sa kanya lang pero bakit siya ganoon sa akin, Diary? Para siyang diring-diri sa akin.
Diary, sabihin mo nga sa akin, why is it so hard to be noticed by the one you truly love? Am I ugly? Am I not that attractive?
Dati puro heart-heart lang ang nararamdaman kong feelings kay Prince Leroy pero ngayon, hurt-hurt na lang. Para akong tangang umiiyak sa gitna ng stage dahil sa nangyari kanina, Diary. Hindi ako naiiyak dahil sira ang jersey, Diary. Alam mo `yan, Diary, kayang-kaya kong maghubad kahit saan. Anytime and anywhere. Naiiyak ako dahil sa mga ipinapakita sa akin ni Prince. Ano ba’ng maling ginawa ko sa kanya? Ang sakit-sakit lang, Diary.
Sa pag-e-emote at pag-iiyak ko, Diary, bigla akong nakaramdam na may nagsaklob ng jacket sa likod ko. Bigla akong napatingin kung sino ang gumawa niyon kaya tumambad sa maganda kong mukha ang isang guwapong nilalang. Hindi siya si Prince Leroy, Diary. Pero guwapo rin siya at yummy, Diary.
“Bakit ka umiiyak?” tanong niya sa akin kanina, Diary. Napanganga ako at hindi nakapagsalita dahil sa boses niyang nakakaalindog. “Pipi ka ba? Kawawa ka naman pala.”
Tinulungan niya akong tumayo at sinamahan sa isang coffee shop, Diary, para mahimasmasan. Pinahiram niya rin ako ng panyo para pampunas sa luha at sipon ko, Diary. Sabi ko nga, `wag na dahil puwede ko namang hubarin ang panty ko para pampunas pero sabi niya, `yong panyo na lang daw.
Ang guwapo-guwapo niya, Diary. Ang bait-bait pa sa akin. Feeling ko, muling tumibok ang pempem ko dahil sa kanya, Diary. Ang guwapo talaga, maygad!!!
Sige, Diary, tutulog na ako. Napagod ako sa pag-e-emote kanina dahil kay Prince Leroy, eh. Bahala na siya sa buhay niya!
P.S.
Super guwapo talaga ng lalaki na tumulong sa akin kanina, Diary. Piniktyuran ko siya sa cell phone ko nang palihim, eh. Sana sa kanya na lang tumibok ang pempem ko—este, puso ko at `wag na kay Prince Leroy. Pakshet!
Umiiyak magdamag,
Pipay ♥