Malanding Entry #13
Dear Diary,
Mainit ang ulo ko paggising ko, Diary. Paano ba naman kasi, ang ganda-ganda ng panaginip ko, eh. May guwapong lalaki sa panaginip ko ang patay na patay sa akin, Diary.
O, Diary, ano’ng laban mo? Pati sa panaginip ko, may naghahabol na sa akin.
So `eto na nga, Diary. Siyempre guwapong lalaki iyon. Ang guwapo at nasabi ko na bang guwapo? `Tapos ang katawan, Diary, parang pang-model ng Bench. Kapag nakita mo ang katawan niya, mapapasigaw ka na lang ng: “Shutang inerns! Kainan na!” dahil sa yummy, Diary.
Bubutasin na niya ako, Diary, kaso `etong si Inay, biglang sumigaw ng: “Shutang inerns, Pilar! Tanghali na! Gigising ka ba diyan o ikaw maglalaba ng mga panty mo mamaya?”
Natakot naman ako, Diary, kasi para niya na ring sinabing magpakamatay na lang ako. Sa baho ba naman ng panty ko, eh. Hihi! Ewan ko ba kay Inay kung paano niya natitiis ang amoy ng panty ko kapag naglalaba.
Nagmadali akong maligo. Marunong na akong maligo nang maayos, Diary. Naghihilod na rin ako ng paa ko at pempem ko. Nagtataka nga ako, Diary, eh. Ang sarap pala sa feeling kapag naghihilod, ano? Pakiramdam ko, ang linis ng pagkatao ko.
Kanina nga habang naghihilod ako, pagyuko ko, bigla akong natakot sa nakita ko. May black forest, Diary. Pakiramdam ko, lalabasan na ng mga paniki ang pempem ko dahil sa sobrang kapal ng black forest. Hihi!
Paglabas ko ng bahay namin, nakita ko na agad ang boyfriend ko na naghihintay. Ngumiti agad siya sa akin at pakiramdam ko, nagliwanag na ang future ko dahil sa mga ngipin niyang pantay-pantay.
Ang pula ng mga labi ni Joshua, Diary. May sumisigaw tuloy sa tainga ko na, “Laplapin mo na, Pipay. Sunggaban mo na. Go for the gold, gaga! Boyfriend mo naman `yan!”
Shutang inerns, Diary. Bakit pati konsiyensiya ko, malandi?
“Josh, tanong ko lang, ano ba’ng nagustuhan mo sa akin?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa sakayan.
Magka-holding hands pa kami, Diary. Ang lambot din ng mga palad niya. Nagse-selfie kaya si Joshua, Diary? Hihi! Ang dirty ng utak ko.
“Nagustuhan mo ba ako dahil maganda ako, Josh? O dahil sexy ako? O dahil maganda ako at sexy? Hihi!” nahihiya kong tanong sa kanya.
“Sa totoo lang, Pipay, hindi kita nagustuhan dahil maganda ka o dahil sexy ka dahil alam naman natin pareho na hindi ka maganda at sexy.” Napasimangot ako. “Joke lang! `Eto naman, hindi mabiro.”
Kinurot niya ang ilong ko. Naamoy ko tuloy na egg ang breakfast niya. May naiwan kasing amoy, Diary. Hihi!
“When I first saw you, natuwa na ako sa `yo. Feeling ko kasi ang astig mong babae. Even if everyone around you makes fun of you and insults you, hindi ka lumalaban o gumaganti ng masasakit na salita. Hindi mo sila pinapatulan. Nagustuhan kita dahil ang bait mong tao. Isang araw, nakita mong umiiyak `yong isang bata dahil nalaglag ang laruan niya sa kanal yet you didn’t hesitate to help her. Kahit ang dumi ng kanal at ang baho, sinuong mo `yon para lang makuha ang laruan.”
Ngumiti si Josh sa akin `tapos tumingin nang deresto sa akin. “Natutunan ko na ang pagmamahal pala ay hindi laging tumitingin sa mukha, kundi sa kabutihan ng puso, Pipay. Natutunan ko `yon dahil sa `yo. Kaya nang nakita kitang binu-bully nina Prince, hindi na ako nag-hesitate na tulungan ka. `Cause a girl like you needs to be treasured.”
Pakiramdam ko, Diary, pulang-pula na ako dahil sa mga tingin ni Joshua sa akin. Masasabi kong mahal nga ako ni Joshua dahil nakita kong nag-form ang mga mata niya into a heart shape. Hihi!
“Pipay, hulaan ko ulam n’yo kanina.” Bigla akong nagulat sa tanong niya.
“Ano, Josh?” Hihi!
“Nilagang kangkong? May kangkong ka pa kasi sa ngipin.” Tinuro niya ang ngipin ko.
“Mali kaya! Noong isang araw pa namin ulam `yon.” Saka kami nagtawanan.
“Sige na, pasok ka na sa classroom mo. Sunduin na lang kita mamayang lunch.” Saka ako hinalikan ni Joshua sa noo. Kaso itong si Prince sa gitna na naman namin ni Joshua dumaan.
“Tabi nga. Ginagawang landian section `tong room namin.” Nakakaloka talaga itong lalaki na `to! `Kainis! Panira ng kilig moment!
Dumeretso na ako sa upuan ko at inilapag ang bag ko. Diary, pansin kong biglang nagdilim ang buong sanlibutan kaya alam kong nasa likuran ko lang ang balyenang negrang pusit na na-traffic sa Bermuda Triangle kahapon.
“Hoy, Pilar! Ano `tong nakarating sa akin na nilalandi mo kahapon ang asawa ko sa rehearsal?” Galit na galit si Mimay sa akin, Diary. Kitang-kita ko kung paano mangitim ang buong mukha niya habang nakatingin sa akin. Maitim na nga siya, mas lalo pang umitim.
Ano nang kulay iyon? Super duper extra mega to the nth power of darkness? Kasama niya pa ang dalawang alupihang dagat niyang alipin na nasa gilid.
“Ano’ng pinagsasabi mo, Mimay? Puwede ba, hindi ako malandi kaya wala akong nilalandi,” inis na sagot ko sa kanila. Shutang inerns itong mga `to! Bakit ba may bakulaw sa story ko?
“Hindi ka malandi? Weh?” hindi makapaniwala niyang sagot.
“Hindi nga ako malandi,” sagot ko. “Fine. Slight lang ang kalandian ko sa katawan. Bakulaw na `to!”
“Kung slight lang ang kalandian mo sa katawan, puwede bang i-explain mo `to?” May kinuha siyang picture sa bulsa niya at inihagis sa mukha ko. “Ano’ng ibig sabihin niyan?”
Napatitig ako sa picture. Isa itong litrato naming dalawa ni Prince Leroy habang nagpa-practice ng sayaw kahapon. Magkahawak kaming dalawa ng kamay habang nakatingin sa isa’t isa. Pansin ko iyong tingin sa akin ni Prince Leroy sa larawang iyon na parang may kahulugan. Isang tingin na parang may gustong sabihin pero punong-puno ng kaligayahan.
Shutang inerns, Diary. Pagtingin ko sa mukha ko, bakit kahit seryoso ang kuha ko roon, mukha akong naka-wacky?
“Ano? `Wag mo sabihing hindi mo nilalandi ang boyfriend ko? Malandi kang impakta ka!”
Sasampalin na sana ako ni Mimay kaya biglang napapikit ang mga mata ko, Diary. Ikaw ba naman ang sasampalin ng isang balyenang half negra, half pusit, pure bakulaw, ewan ko na lang kung hindi ka matakot.
Pero ilang sandali na ang lumilipas pero wala pa ring palad ang luma-landing sa pisngi ko. Kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para tingnan kung ano’ng nangyayari.
“Subukan mong sampalin si Pipay, isasampal ko rin sa `yo `tong pinto ng classroom.” Hawak ni Prince ang braso ni Mimay habang nakatingin siya sa girlfriend niya nang masama. Parang any moment, Diary, kaya niyang suntukin ang syota niya dahil sa galit.
Wait... Bakit siya nagagalit? `Di ba dapat, natutuwa pa siya kasi inaapi ako ni Mimay?
“Bumalik ka na sa upuan mo, bago pa magdilim ang paningin ko.” Saka tumakbo si Mimay pabalik ng Red Sea—este, ng upuan niya kasama ang dalawang alipin niya.
Ngumisi tuloy ako sa kanya na nagsasabing, “I won, balyena.” Pakyu lang ang sinagot niya sa akin.
“Okay ka lang?” narinig kong tanong sa akin ni Prince. Ang lapit niya sa akin, Diary. Amoy na amoy ko ang pabango ng katawan niya. Ang sarap tuloy matulog dahil sa bango ni Prince. Hay, feeling ko nababasa na ang panty ko. Char!
“Okay lang ako,” sagot ko sa kanya. “Salamat.”
Tumango siya bilang sagot. `Tapos naglakad na papunta sa upuan niya. Pero bago pa siya tuluyang makaalis, narinig ko pa siyang nagsalita. “Meet me sa likuran ng plaza. Mamayang uwian. Hihintayin kita kahit ano’ng mangyari.”
Napatingin ako kay Prince pero nakayuko na siya at halatang natutulog na naman. Ano raw iyon, Diary? Mag-meet daw kami sa likuran ng plaza at mamayang uwian pa? Paano kaya iyon? At saka ano kaya ang gagawin namin sa likuran ng plaza, Diary? Hihi! Baka gagahasain ako ni Prince, Diary. Shutang inerns! Biglang kumabog nang mabilis ang pempem ko. Bigla akong na-excite pero agad ring nawala ang excitement ko dahil biglang pumasok si Joshua sa isip ko.
Buong morning classes namin, Diary, iyong sinabi lang ni Prince ang nasa isip ko. Ginugulo niya ang utak ko, Diary. Huhuhuhu! Sa sobrang gulo ng utak ko kanina, nag-selfie tuloy ako `tapos nakanguso pa with caption na: “Nguso while confused,” `tapos p-in-ost ko sa Facebook. Puro lait lang ang nasa comment at walang nag-like, Diary. May nag-report pa ng photo ko dahil virus at spam daw. Shutang inerns!
Akala tuloy ni Joshua kanina masama ang pakiramdam ko dahil hindi ako nagsasalita masyado. Hindi ko kasi feel makipag-usap dahil ang gulo ng maliit kong utak. Ang lungkot tuloy ni Joshua dahil ang dami niyang ikinukuwento pero hindi ako nakikinig. Pero hindi siya nagalit sa akin at mas inintindi pa ang kalagayahan ko.
Masyadong mabait si Josh sa akin to the point na nagi-guilty ako, Diary, dahil hindi ko masabi sa kanya iyong sinabi ni Prince kanina dahil alam kong mag-aaway silang dalawa.
Nang uwian na, pinauna ko na si Josh. Sabi niya hihintayin niya raw ako, pero sabi ko, mauna na siya dahil may ipinapagawa pa si Sir Ma Lee Bhogs sa akin—pinaglinis ako ng buong classroom. Gusto pa nga akong tulungan ni Joshua pero tumanggi ako. Kailangan ko munang mapag-isa para makapag-isip-isip. Ngumiti si Josh sa akin pero alam kong malungkot siya.
Shet ka, Pipay! Pinapalungkot mo ang taong laging nandiyan para sa `yo at pinapasaya ka!
Pagkatapos kong maglinis ng classroom, pumunta muna ako ng CR para tumae... joke... umihi lang. Pagbalik ko ng classroom namin, may nakita akong isang red rose na nakapatong sa bag ko. Kanino kaya galing ito? Talaga `tong si Josh, ang sweet kahit kailan.
Pauwi na ako nang mapansin kong nagdidilim ang kalangitan, Diary, saka unti-unting pumapatak ang ulan. Inilabas ko ang payong ko at sumakay agad ng tricycle at umuwi na ng bahay. Bigla kong naalala ang sinabi ni Prince kanina na magkita kami sa likuran ng plaza. Tuloy pa kaya `yon? Ang lakas na ng ulan, eh.
So ang ginawa ko, nahiga na lang sa kama at nagbasa ng porn magazine. Joke lang. Story ni Sic ang binabasa ko. Iyong ‘The Right Kind Of Prince’. Ang ganda ng kuwento, as in! Plus, ang super guwapo at hot pa ng author. Hihi! Heart-heart!
Hindi ko na namalayan na lumipas na ang dalawang oras dahil sa pagbabasa ko. Malakas pa rin ang ulan, Diary, at may kasama pang kulog.
“Meet me sa likuran ng plaza. Mamayang uwian. Hihintayin kita kahit ano’ng mangyari.”
Bigla ko na namang narinig ang boses ni Prince na magkita raw kami. Shutang inerns! Ano’ng gagawin ko? Ang lakas ng ulan at mukhang hindi naman magtitiis si Prince roon para lang maghintay sa akin, Diary.
“Hihintayin kita kahit ano’ng mangyari.”
Shutang inerns! Tama na ang flashback! `Eto na, pupunta na!
“Hihintayin kita kahit ano’ng mangyari.”
Ay, hindi titigil? Pakyu kang konsiyensiya ka, ah!
“Hihintayin kita kahit—”
Sige, kapag hindi ka tumigil, ipapaamoy ko sa `yo pempem ko!
...
Good. Mabuti naman at tumigil ka na.
Agad akong umalis ng bahay bitbit ang isang payong. Ang dilim na ng kalangitan at ang lakas pa ng ulan. Alam ko at sigurado akong hindi naman magtitiis si Prince sa lakas ng ulan para lang hintayin ako roon pero kasi may nag-uudyok sa akin na pumunta.
Binilisan ko na ang lakad ko kahit na ang lakas ng hangin at nakakaloka ang kidlat at kulog. May bagyo `ata. Bagyong Betlog.
Pagdating ko ng plaza, saktong nawalan ng kuryente. Shutang inerns! Tanging kidlat na lang tuloy ang nagbibigay-liwanag sa mga nakikita ko. Hinanap ko si Prince kung nandito pa ba at nagulat ako sa nakita ko dahil nandito pa nga si Prince.
Nakatayo siya sa gilid ng plaza at nagpapaulan. Nakasuot pa siya ng uniform niya habang yakap-yakap ang bag sa harapan niya. Mukhang nilalamig na siya dahil basang-basa na siya ng ulan.
Wet look ang fafa Prince. Ang sexy at ang hot! Ang lungkot ng mukha niya pero biglang nagliwanag noong nakita niya ako.
“Pipay, dumating ka!”
Hanggang dito na muna, Diary. Nakakapagod magsulat, eh. Bibilhan pala kita ng plastic cover bukas.
Basang-basa sa ulan pero maganda pa rin,
Pipay