Malanding Entry #18
Dear Diary,
Bakit ganoon? Dati kapag magkatabi kami ni Josh, bumibilis na agad ang tibok ng puso ko. Parang ang saya-saya ko na. Pero ngayon, Diary, parang nasasaktan ako sa mga yakap niya? Kung dati sa bawat pagbanggit niya ng pangalan ko, kakaibang kaligayahan na agad ang nararamdaman ko, bakit ngayon, habang binabanggit niya ang salitang Pipay na may kasamang sorry, bakit pakiramdam ko, lahat ng salitang binibitawanan niya, tumutusok sa puso ko?
“Pipay... sorry...” sabi niya sa akin habang yakap-yakap ako nang mahigpit. “Sorry talaga, Pipay...”
“Bakit ka nagso-sorry?” tanong ko sa kanya habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. “Hindi mo naman kailangan mag-sorry, eh. Wala ka namang ginawa, Josh.”
“`Yon na nga, eh. Wala akong ginawa kanina. Hinayaan ko lang na ipahiya ka ng mga kabarkada ko sa harap ko.” Bumitaw siya sa pagkakayakap namin at saka tumingin sa mga mata ko, “Sorry, Pipay, dahil hindi kita naprotektahan sa kanila tulad ng pangako ko. Wala akong kuwentang boyfriend.”
Kinagat niya ang labi niya para siguro hindi matuloy ang pagluha niya pero kitang-kita ko sa mga mata ni Josh na gusto niya nang umiyak.
“Sorry dahil... dahil sa akin, umiiyak ka ngayon.”
“Umiiyak ako ngayon dahil nagsisisi akong hindi ko naihampas kay Helena ang lamesa kanina,” sabi ko sa kanya.
“Ano’ng ginawa mo kay Pipay? Bakit siya umiiyak?” Bigla kong narinig ang boses ni Prince.
Agad kaming napatingin ni Josh kay Prince na nakatayo sa gilid namin. Ang sama ng tingin niya kay Josh.
“Pipay, bakit ka umiiyak? Pinaiyak ka ng gagong `to?” Hinawakan niya ako sa braso saka hinila palapit sa kanya. “Sabihin mo sa akin kung bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong niya pero ramdam ko pa rin ang galit sa boses niya.
“Bitiwan mo nga si Pipay. Wala kang kinalaman dito kaya lumayas ka sa harap ko bago pa maging libingan mo `yang kinatatayuan mo,” pagbabanta ni Josh kay Prince. Hinawakan ni Josh ang kanang braso ko at hinila palapit sa kanya.
“Ulol ka ba? Bakit ako aalis dito? May kinalaman ako dito. Mahal ko `tong babaeng pinapaiyak mo,” sagot naman ni Prince kay Josh. Ngayon naman, hinawakan niya ang kaliwang braso ko at hinila naman papalapit sa kanya.
Ano `to? Tug of war? Ako ang lubid?
“So, mahal mo lang siya. Ang tanong, mahal ka ba?” sabi ni Josh.
“Ako ang una niyang minahal. First love never dies,” maangas naman na sagot ni Prince.
“First love never dies but true love can bury it alive. In our case, ako ang true love niya. So back off,” pagmamalaki naman ni Josh.
Nagtagis na ang mga bagang ni Prince, mga kababayan. Mukhang wala nang maisusupapal na quote kay Josh. Hindi `ata mahilig magbasa ng quotes sa Twitter si Prince kaya walang maisagot. Tsk! `Ba `yan. Loser! Char!
“Ano ba’ng gusto mong mangyari? Sapakan na lang, o!” paghahamon ni Prince.
“Dude, sapakan? Ugaling kalye much? Basketball na lang, o!” sagot naman ni Josh.
“Tanga ka? Baka nakakalimutan mong kakatalo ko lang sa `yo kahapon.” May point si Prince, ah!
“Bobo ka? Never say die. Tomorrow is another battle!” Ang daming quotes na baon ni Josh!
Parehas nilang binitawan ang braso ko at unti-unting naglalapit. Nakaramdam tuloy ako bigla, Diary, na kailangan nang umepal ni Super Pipay. Diary, ang bato! Chos! Baka shabu pa ang ibigay mo sa `kin. Kailangan ko nang umepal sa dalawang `to at baka biglang magkaroon ng rambol dahil pinag-aawayan ako ng dalawang fafabol na `to rito sa gitna ng kalye.
“Hoy, teka nga lang!” sigaw ko sa kanilang dalawa. Tumingin silang dalawa sa akin.
“Bakit, Pipay? May quotes ka bang sasabihin?” tanong ni Josh.
“Wait, mag-iisip ako.” Inilagay ko `yong kamay ko sa baba ko at nag-isip kunwari.
“Bilisan mo. We don’t have all day to wait for you. Kailangan naming magsuntukan para malaman namin kung kanino ka ba karapat-dapat,” atat na sabi ni Prince.
“Atat much, Prince?” inis na sabi ko sa kanya. “`Eto na may quotes na `kong sasabihin. ‘Ang hindi magmahal sa sariling wika ay...’”
“Higit pa sa amoy ng malansang isda?” sabay na sabi nina Josh at Prince.
“NO! You’re both wrong. Ahihihi!” tawa ko sa kanila. “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang pempem ni Pipay. Ahihihi!”
“Futa! Nonsense!” sabi ni Prince. “`Yan ba talaga ang babaeng matagal ko nang minamahal?”
“Gago ka! `Wag mo ngang sasabihang nonsense `yang si Pipay!” Susuntok na sana si Josh, Diary, pero bigla na naman may umeksena.
“Mga bata, puwedeng magtanong? May Twitter and Instagram ba kayo?” sabi ni Kuya.
“Meron po,” sagot naman naming tatlo, Diary.
“Pa-follow naman, o! @owwsiccc. Thank you. Bye!” Saka siya umalis at naglakad palayo sa amin. Kinausap naman ni Kuyang nagtanong ang mga tao na nakaupo.
“Shutang inerns! Fame whore much,” bulong ko sa sarili ko.
Magsusuntukan na sana sina Prince at Josh, Diary, pero pumagitna ako sa kanilang dalawa. Ayaw ko namang magkaroon ng gulo rito sa plaza. Jusko! Baka ma-DSWD kaming tatlo kapag nagkataon.
“Ano ba! Manahimik nga kayong dalawa!” sigaw ko ulit sa kanila. “Subukan n’yo lang magsuntukan, parehas ko kayong hindi kakausapin porevah!”
“Eh, kasi—” Sasagot sana si Josh pero agad akong nagsalita.
“Bukas na tayo mag-usap, Josh. Bumalik ka na sa mga tropa mo,” pagtataboy ko sa kanya.
“Pero, Pipay?”
“Wala nang pero-pero. Please lang. Bukas na tayo mag-usap. Ayokong makausap ka ngayon dahil baka maiyak na naman ako.”
Nalungkot ang mukha ni Josh pero kailangan ko siyang tiisin. Siguro hindi makakabuti kung mag-uusap kami ngayon dahil baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya.
“Tara na, Pipay,” pag-aaya sa akin ni Prince.
“Hoy, ikaw, Prince. Subukan mong agawin si Pipay sa akin, mag-aagaw-buhay ka!” pagbabanta na naman ni Josh.
“Kung para kay Pipay...” Tumingin sa akin si Prince saka ngumiti, “I am more than willing to sacrifice my whole life.”
“Wow! Kailangan ka pa naging sundalo? Lakas sumugal ng buhay kahit alam mo nang talo ka?”
“Kapag mahal mo ang isang tao, Josh, kahit buong buhay mo, itataya mo. Kahit alam mong matatalo ka, gagawin mo pa rin. Love works that way.”
“Hindi pa tapos ang battle of the quotes n’yo? May idadagdag pa?” singit ko sa kanilang dalawa. “Tara na nga, Prince.” Hinila ko si Prince palayo kay Josh.
Pero bago pa kami makalayo ni Prince kay Josh, narinig ko pang magsalita si Josh.
“Pipay, I trust you. Alam kong kahit sumama ka diyan sa ulupong na `yan, hindi mo `ko ipagpapalit. Mahal kita!” Napahinto ako saglit saka nagpatuloy sa paglalakad habang hawak-hawak ang braso ni Prince.
Nang nasisiguro ko nang malayo na kami ni Prince kay Josh, binitawan ko na ang kamay niya saka ko naramdaman na naiiyak na naman ako, Diary. Diary, normal lang ba `tong nararamdaman ko ngayon? Na kahit sinabi ni Josh sa akin na mahal niya ako at pinagkakatiwalaan niya ako, bakit pakiramdam ko, wala, hindi totoo? Dapat, `di ba, kapag mahal mo ang isang tao, buong tiwala ang ibinibigay mo? Pero bakit ngayon, pakiramdam ko, hindi ko na siya dapat pagkatiwalaan?
Ang sama ko ba, Diary? After ng nangyari kanina sa restaurant, parang pakiramdam ko, hindi totoo ang mga ipinapakita sa akin ni Josh dahil hindi niya man lang ako ipinagtanggol sa mga tropa niya.
Totoo ba ang nararamdaman niya sa akin o sadyang isa lang ako sa mga biktima ng barkada nila? Iyong katulad sa mga nababasa ko sa libro. Pagtitripan nila ang isang girl hanggang mapaibig ito?
“Pipay, kung hindi mo na kaya, puwede kang umiyak,” narinig kong sabi ni Prince. “Puwede mo ring ikuwento sa akin ang nangyari,” mahinahong sabi niya sa akin.
“Kaya ko pa. Ano ka ba?” sagot ko sa kanya. “Sa tagal na nating magkakilala, Prince, kailan mo ba ako nakitang nasaktan at umiyak? Kaya ko pa.”
“Kailan kita nakitang nasaktan at umiyak? Ngayon pa lang. Kaya nahihirapan akong makita kang ganyan. Umiiyak dahil sa ibang lalaki,” sabi niya. “Pipay, puwedeng payakap?”
“Bakit?” tanong ko.
“Kasi ramdam kong nahihirapan ka na. Alam kong nasasaktan ka na. Para kahit sa yakap man lang, gumaan ang pakiramdam mo.” Pagngiti ko kay Prince, saka niya ako niyakap nang mahigpit.
“I can’t breathe, Prince.”
“I love you, too, Pipay!”
“Bobo mo fo! Hindi ako makahinga dahil sa higpit ng yakap mo. ‘I love you too’ ka diyan. Ano’ng feeling mo? Sina Kenji at Athena tayo? She’s Dating The Gangster ang peg? LUL!” Saka ako tumawa nang malakas.
“Ay, sorry na. Akala ko makakalusot, eh.” Nangamot pa siya ng ulo. “Ano, okay ka na ba? Puwede bang ituloy na natin ang date natin?”
“Ay, oo nga pala. Sorry talaga, Prince. Mabuti nakita mo kami ron.”
“Papunta na nga sana ako sa inyo, eh. Kaso nakita ko ang buhok mong kasintigas ng walis-tingting kanina kaya ako bumaba ng jeep.”
Hindi ko alam, Diary, kung maiinsulto ba ako o maiinis sa sinabi ni Prince, eh.
“Peste ka! Nanlait ka pa. O, siya tara na, date na tayo. Libre mo, ah?” sabi ko sa kanya. “Sa’n ba tayo? Sogo Motel? Manila Lodge? Saan? O sa damuhan lang?”
“Sira. Date ang gagawin natin, hindi porn movie. Doon na lang tayo sa perya na malapit sa school. Puntahan natin ang nanay mo.”
“Nanay ko? Nandoon kaya sa bahay si Inay.”
“Ay, hindi mo ba nanay `yong unggoy roon sa perya? Sorry ulit.”
Shutang inerns na `to, ah?
Naglakad na kami papunta ni Prince sa perya, Diary. Pakiramdam ko, ang gaan ng loob ko ngayon kay Prince, Diary. Hindi awkward at nalalait ko pa siya nang bongga. Siguro nga, Diary, perfect na kami sa isa’t isa kung matagal niya nang inamin ang feelings niya para sa akin. Noong mga panahon na wala pa si Josh sa buhay ko. Siguro hindi ako nasasaktan nang ganito.
Pero ngayon, complicated na ang lahat. Hindi ko puwedeng turuan ang puso ko dahil hindi naman `to pumapasok sa school. Chos! Hindi ko puwedeng turuan si Heart dahil tanggap ko na sa sarili kong si Josh na ang mahal ko. Kaya sana hindi ako saktan ni Josh.
O, sige na, Diary, mamaya na ulit kita susulatan pag-uwi ko. Mamaya ko na ikukuwento ang date namin ni Prince.
Nasasaktan pero enjoy sa date,
Pipay