Madramang Entry #28
Dear Diary,
Kumusta ka na? Na-miss mo ba ang kagandahan ko? Eh, ang pempem ko ba, na-miss mo rin? Ahihi! Sorry na, Diary, kung ilang araw rin kitang hindi nakuwentuhan tungkol sa kaganapan sa epic kong kuwento. Si Inay kasi, nilinis itong kuwarto ko dahil daw sobrang dumi na at babahayan na ng ahas at mga paniki sa sobrang kalat. Nilinis niya nga ang kuweba ko pero hindi naman niya alam kung saan ka niya nailagay. Si Inay talaga minsan shunga-shunga, eh. Hindi nakakatulong. Char!
Ano ba’ng mga ikukuwento ko sa `yo, Diary? `Ayun, isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang maging official ang relasyon namin ni Prince Leroy, Diary. Official pero not so official. Kasi naman siyempre kailangan naming itago ang aming relasyon for the sake of Mimay.
Baka maloka ang gagang anak ni Ursula kapag nalaman na niloloko pala siya ng kanyang babe. Baka mabalitaan na lang namin ni Prince na nagpakalunod ang pusit sa red sea—pero wait... Imposible palang malunod ang negrang balyenang pusit. Basta baka kasi magpakamatay ang gaga kapag nalaman niya. Siyempre dahil mabait ako at maganda pa, sinabi ko kay Prince na saka na lang siya makipag-break after ng Miss January Girl 2014.
Speaking of Miss January Girl 2014, tatlong araw mula ngayon, gaganapin na ang coronation night, Diary. Sa totoo lang, hindi ako excited sa pageant na iyon, eh. Kahit kasi manalo ako parang talo pa rin dahil wala naman na sa akin si Josh.
Shutang inerns, Pipay, kalimutan mo na si Josh!
Sorry naman, Diary. Pinipilit ko naman mag-move on pero hindi ko pa talaga kaya, eh. Alam mo `yon, fresh pa rin ang sugat ng nakaraan.
Masama ba akong tao, Diary, kung kahit kami na ni Prince, eh, hindi pa rin matanggal sa isip ko si Josh? Ginagawa ni Prince ang lahat, Diary. As in todo-effort siya para lang mapasaya ako at higitan ang ginagawa ni Josh sa akin dati and I could say na talagang mahal nga ako ni Prince. Pero kapag sumasapit ang gabi, napapaisip pa rin ako ng mga bagay na...
“Sino’ng better? Si Prince o si Josh?”
“Kanino ba ako mas masaya?”
“Makakalimutan ko ba si Josh sa tulong ni Prince?”
Ang ending, iiyak na lang ako at yayakapin ang sarili ko hanggang sa makatulog ako. Ang hirap palang pilitin ang sarili na mag-move on kung hindi pa kaya. Mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko kapag ginagawa ko `yon. Shutang ina, Diary! Lolokohin ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong hindi ko na mahal si Josh dahil parehas naman nating alam na bawat hininga, utot, galaw at pintig ng puso ko ay si Josh pa rin. Si Josh lang talaga.
Gabi-gabi akong umiiyak kapag naaalala ko ang mukha ni Josh na nagmamakaawa sa akin na balikan ko siya habang tumutulo ang luha mula sa mga mata niya. Parang sinasaksak nang ilang libong ulit ang puso ko dahil sa nasaksihan ko. Pero itinulak ko siya. Ipinalayo ko siya nang tuluyan sa akin, Diary. Hindi dahil hindi ko na siya mahal kundi sa sobrang pagmamahal ko sa kanya kailangan ko na siyang i-let go.
Bakit kasi laging kontrabida ang mga magulang sa relasyon ng kanilang mga anak? So soap-operaish ang dating. Clich é ! gasgas. Wala nang ibang maisip na plot ang author ng story. Bobo kasi. Shutang ina! Ilayo n’yo nga sa akin si Sic! Nagdidilim ang paningin ko baka papuntahin ko `yan ng condo at pagdalahin ng foods. `Kaloka!
Naglalakad kami ngayong dalawa ni Prince papuntang school, Diary. Alas-diyes na ng umaga pero wala kaming klase dahil foundation week ng school. Every section ng fourth year may presentation para sa event. Sa room namin sasayaw sina Mimay. Ang costume nila? Backless na white saka super-duper ikling shorts na puti rin. Ang gagang negra, walang takot sa suot nila. As if kaputian ang kuyukot niya. Hello? May eye bags kaya ang singit niya.
“Nakakainis! Bakit kasi hindi mo `ko pinayagang sumali sa sayaw ng section natin? Eh, di sana makakapag-shorts din ako,” sabi ko kay Prince habang naglalakad kami. Hindi niya kasi ako pinayagan, Diary.
“Nakita mo naman ang susuotin nila, `di ba? Super daring. Ayokong makitang gano’n kaikli ang suot mo, PP. Ayokong makita ng kalalakihan sa school ang katawan mo.” Lumihis siya ng tingin sa akin saka napansin kong namula si Prince. Ang kyoot niya. Hart-hart <3
“Weh? Mukha mo, PP. `Di ba, kayong mga lalaki, gustong-gusto n’yo namang sexy ang suot ng mga babae?”
“Hindi lahat ng lalaki, ganyan, PP. May mga lalaki pa ring katulad ko na mas gustong karespe-respeto ang babaeng mahal nila. Saka kung mahal talaga ng lalaki ang isang babae, hindi niya hahayaang magsuot ito ng sexy na damit para lang maging maganda dahil kung talagang mahal niya `to, kahit ano pa’ng suot ng babae, maganda pa rin sa mga mata niya,” sabi ni Prince habang nakatitig sa akin.
“Ahihihi! Eh, di ibig sabihin, maganda ako sa mga mata mo, PP?”
“Oo naman, PP. Sa sobrang ganda mo, ang sakit mo na sa mata.” Gago `to, ah! Sinuntok ko nga ang tiyan niya. “Aray ko naman, PP. Joke lang, eh. Siyempre ikaw ang pinakamagandang babae sa mundo ko.” Cheesy ni Prince. Letse.
Noong nasa tapat na kami ng school ni Prince, agad naming nakita si Mimay with her groups na nagpi-picture. Gandang-ganda sa sarili ang punyetang balyena dahil sa suot niya. Ang liwanag ng kapaligiran pero noong nakita ko ang kuyukot ng negra, biglang nagdilim. Jusko! Wala talaga siyang takot, Diary. Saan kaya bumili ng kakapalan ng mukha `tong si Mirasol?
“Bakit mo na naman kasama ang bhabe ko, Pilar? Nilalandi mo na naman ba siya? Gusto mo, bugbog ulit?” Ipinulupot na agad ni Mimay ang braso niya sa katawan ni Prince.
“Mimay, ano ba? Tigilan mo nga si Pipay. Sinabi ko naman sa `yo na magkaibigan lang kami, `di ba?” inis na sagot ni Prince habang tinatanggal niya ang mga galamay ni Mimay sa katawan niya.
“Eh, wala akong tiwala sa unggoy na `yan, bhabe. Malandi `yan, eh.” Nag-pout pa siya. “Picture tayo, bhabe. Ang ganda ng suot ko ngayon, o. Bago rin ang cell phone ko. Blackberry `to. O, Pipay, o. Blackberry `tong phone ko.” Ipinakita niya pa sa `kin ang cell phone niya.
“Cell phone mo, Blackberry. Pero kilikili mo, berryblack.” Inirapan ko siya. “Punta na muna ako sa school gym, Prince. See you around.”
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Prince, Diary, dahil inis na inis na siya sa paglalandi ni Mimay sa kanya. Dumeretso na ako sa school gym dahil malapit na rin namang magsimula ang event ng school, eh.
Papasok pa lang ako ng entrance, natanaw ko na agad si Josh. Nakaupo siya sa ilalim ng puno ng Acacia habang may hawak na gitara. Ang seryoso niya habang tumutugtog. Hindi ko alam na marunong pala siyang maggitara. Pero teka? Ano ba’ng ipe-present nila? Hindi ko kasi alam, eh. Pero mukhang kakanta siya, ah!
Nakatayo lang ako malapit sa kanya nang may biglang tumulak sa akin.
“Excuse me. Paharang-harang ka kasi diyan.”
Si Heleparot ang tumulak sa akin saka niya ako tinaasan ng kilay saka ngumisi. Sasagot pa sana ako kaya lang agad na siyang tumakbo papunta sa gilid ni Josh saka sinukbit ang kamay niya sa braso ni Josh. Ang landi-landi talaga ng gagang `to.
“Ano’ng kakantahin mo, babe?” malanding tanong ni Helena kay Josh.
Tumigil si Josh sa paggigitara. “Secret. Basta malalaman mo na lang mamaya.” Biglang napatingin si Josh sa gawi ko at napatitig nang ilang segundo pero agad niya rin itong binawi. “Tara na. Doon na muna tayo sa classroom.” Hinawakan niya ang kamay ni Helena saka palayo silang naglakad mula sa akin.
Mas lalong lumaki ang ngisi ni Helena sa mga labi niya. Sarap burahin ang pulang lipstick niya, Diary. Punyeta lang! Oo na. Sige na. Sa kanya na si Josh. Lamunin niya nang buong-buo. Isaksak niya sa apdo at balun-balunan niya. Peste!
Pero pakshet lang! Masakit pa rin pala. Ilang ulit kong sinasabi sa sarili ko na kaya ko nang tumingin kay Josh na walang sakit na nararamdaman pero hindi pa pala. Masakit pa rin. Pinunasan ko agad ang luha sa gilid ng mga mata ko.
After twenty minutes, nagsimula na ang event sa school. Ang ingay ng buong school gym dahil sa dami ng estudyante. Mabuti na lang sa bandang harap ako umupo kaya hindi hassle sa panonood, Diary. Nakikita ko nang malapitan ang mga nagpe-perform. Hindi ko rin alam kung nasaan si Prince pero mukhang nasa backstage siya bitbit ang mga gamit ng jowa niyang pusit. Bahala na nga siya diyan. Nag-reserve pa naman ako ng upuan para sa kanya.
Narinig ko nang tinawag ng emcee ang section namin kaya agad naghiyawan ang mga kaklase ko. Unang pumasok si Mimay na nag-wave pa sa mga nanonood. Akala mo naman nanalo ng Miss Universe Undas version ang gaga. GGSS masyado. Gandang-ganda sa sarili. LOL! Hindi niya alam, diring-diri na ang mga tao sa likuran ko.
Sinayaw nila iyong “Toxic” ni Britney Spears. Dumidila-dila pa silang lahat habang sumasayaw pero agaw-atensiyon talaga ang negrang pusit. Ang laswang tingnan sa kanya. Masyadong dirty. Imoral at kadiri talaga, Diary. Hindi ba aware si Mimay na panget siya? Ito talagang anak ni Ursula, masyadong makapal ang tabas ng mukha.
Sa bandang dulo ng sayaw nina Mimay, nag-split pa siya. Isang malakas na kalabog tuloy ang narinig namin. Napilayan ang gaga. Hahaha! `Ayan. Karma ka ngayon. Ang hilig kasing maglaro ng ganda-gandahan, eh.
Dalawang section pa ang nag-perform bago tinawag ang section nina Josh. Malakas na hiyawan ang sumalubong sa kanya. Ang guwapo ni Josh, Diary, my gad! Parang mas lalo `ata siyang gumuwapo. Hindi lang pala babae ang gumaganda after manggaling sa breakup kundi mga lalaki rin. Si Josh ang patunay niyan, Diary. Ang iingay ng mga babae sa likuran ko habang isinisigaw ang pangalan ni Josh.
“Josh, anakan mo `ko please!”
“Ako ang aanakan niyan, gaga!”
“Gaga, manahimik kayo parehas! Walang aanakan sa inyo dahil kami ang para sa isa’t isa.”
“Tanga, bungi ka kaya.”
O, `di ba? Nagtalo pa silang tatlo dahil lang kay Josh. Shutang inerns itong mga `to!
Umupo na si Josh sa harap, Diary, saka ngumiti habang yakap niya ang gitara. Sana ako na lang `yong gitara, Diary. Para naman maranasan ko ulit ang yakap ni Josh. Hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya. Parang biglang naglaho ang mga tao sa paligid naming dalawa at tanging kami na lang ang natira.
“Mic test. Mic test,” sabi ni Josh habang inaayos ang mic niya.
“BOYFRIEND KO `YAN!!!” Narinig kong sumigaw si Helena na nasa kabilang side ng inuupuan ko.
Oo, sa `yong sa `yo na, peste ka. Walang umaagaw.
“I want to dedicate this song to the girl that I love the most. Kahit ano’ng mangyari sa ating dalawa, kahit maghiwalay tayo, kahit itulak mo ako palayo, lagi mong tatandaan na...” Ngumiti si Josh sa audience at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Bigla niyang ibinaling ang mga mata niya sa akin saka tumingin nang seryoso. “You’re still the one..”
“Oh, my God! Oh, my God! Ikaw rin, babe. You’re still the one!” sigaw na naman ni Heleparot.
Totoo ba `to, Diary? Hindi ba ako nananaginip? Para sa akin ang kakantahin ni Josh? Please, Diary. Kung totoo `to, gisingin mo `ko. Pero kung panaginip lang, please lang ulit, `wag mo na akong gigisingin pa.
“When I first saw you, I saw love.... And the first time you touched me, I felt love. And after all this time, you’re still the one I love.”
Nagsimula nang kumanta si Josh, Diary. Ngayon ko lang nalaman na ang ganda pala ng boses niya.
Nakapikit lang siya habang dinadamdam ang bawat salitang binibigkas niya.
“Looks like we made it. Look how far we’ve come, my baby...We might took the long way. We knew we’d get there someday.”
Napatulala ako sa boses niya. Ano pa bang talent ang kaya niya, Diary? Para akong nanghihinayang dahil wala na kami ni Josh. Parang ang bilis ng mga pangyayari sa aming dalawa. Parang kahapon lang, ang saya-saya pa namin pero ngayon, hindi na.
“They said, ‘I bet they’ll never make it... But just look at us holding on... We’re still together still going strong.”
Naguguluhan ako, Diary. Parang hindi naman sa akin `tong kantang `to. Para siguro kay Helena `to. Imposibleng aalayan niya pa rin ako ng isang magandang kanta pagtapos ng ginawa ko sa kanya. Feeler lang ako masyado.
“(You’re still the one) You’re still the one I run to... The one that I belong to, you’re still the one I want for life... (You’re still the one) You’re still the one that I love... The only one I dream of, you’re still the one I kiss good night.”
Nararamdaman ko na naman ang mga luha na nagbabadya sa gilid ng mga mata ko. Ngayon ko lang na-realize kung gaano kalaki ang sinayang ko. Mahal na mahal ko pa rin si Josh. Kahit ano’ng pilit ko sa sarili ko na hindi na at si Prince na... hindi pala talaga. Utak ko lang ang gustong lumimot pero ang puso ko, naaalala pa rin siya at ayaw siyang kalimutan.
Kanino ba `tong puso ko? Akin naman `to pero bakit si Josh ang itinitibok?
Nakita ko si Prince na nakatingin sa akin mula sa backstage. Ngumiti siya pero may bahid ng kalungkutan sa mga mata niya. Parehas kaming nasasaktan. Bakit ganito? Bakit dumating sa point na may tao akong sinasaktan dahil sa nararamdaman ko? Ang gulo-gulo na ng buhay ko.
Napatingin naman ako kay Josh. Sa aming tatlo, hindi ko na alam kung sino ang pinakanasasaktan. Diary, tingin mo, sino?
Just text Hurt More
Example: Hurt More Pipay and send to 2344.
Nang natapos kumanta si Josh, naghiyawan ulit ang mga tao dahil sa pagkanta niya. Nagulat kaming lahat dahil biglang umakyat si Helena sa stage saka hinalikan si Josh sa mga labi at niyakap. Mas dumoble ang hiyawan ng mga tao dahil sa kalandian ni Helena. Ngumiti lang si Josh saka hinawakan ang kamay ni Helena at nag-bow.
Tama nga. Para kay Helena ang kinanta ni Josh.
Hahaha! Feeler ni Pipay. Hahaha! Bobo mo, Pipay. Hahaha! Pogi ni Sic!
Mukhang masaya na si Josh, Diary. Mukhang ready na siyang mahalin si Helena. Pero bakit nasasaktan ako?
Hindi ako nasasaktan. Hindi talaga. Shutang inerns! Hindi nga sabi! Bakit may luha na sa mga mata ko? Hindi `yan luha. Laway `yan. Naglalaway ang mga mata ko.
Pero...
Disappointed,
Pipay