Epilogue
Final Entry a.k.a. echuserang Epilogue
Dear Diary,
Sabi nila, ang pagda-Diary daw ay para lang sa mga isip-bata. Sino nga bang normal ang magsusulat at ikukuwento sa isang walang buhay na bagay ang mga nangyayari sa buhay niya? Pero dahil hindi ako normal na tao at dahil dyosa ako ng kagandahan, gumawa ako ng Diary ko at ikaw `yon, Diary. Ahihi!
Ano ba `yan, Diary, nasa last page na ako ng pahina mo pero hindi pala kita nabigyan ng pangalan. Hmm. Ano ba’ng gusto mong pangalan? Hay, naku, `wag ka na ngang bigyan ng pangalan. Nakakatamad mag-isip. Dadagdag ka pa sa stress ko sa buhay, eh.
Pero malaki ang pasasalamat ko sa `yo, Diary. Medyo matagal rin ang pinagsamahan nating dalawa, eh. Ikaw lang ang naging saksi sa lahat ng kalandian—este, mula sa kadramahan ng aking buhay hanggang sa pinakamasasaya kong araw.
Kanina, Diary, binasa ko ang ilan sa mga entry na naisulat ko. Kung saan ang tanging hangad ko lang noon ay mapansin ni Prince Leroy at makuha niya ang itim na perlas mula sa akin. Natawa na lang ako sa sarili ko, Diary, dahil pakiramdam ko, ang laki ng ipinagbago ko. Oo, Diary. Malaki ang ipinagbago ko kaya `wag ka nang kumontra diyan kundi susunugin kita.
Chos!
Naalala ko kasi, Diary, dati na wala akong ibang hinangad kundi si Prince Leroy lang. Pakiramdam ko, siya na ang perpektong lalaki para sa akin. Kaya nga todo-papansin ako sa kanya at ginagawa ang lahat para lang makuha ang kanyang katawan. Pero mali pala ako.
Ang buhay pala, Diary, ay hindi umiikot sa pagkuha ng Bataan ng isang babae. Hindi mo pala kailangang habulin ang isang lalaking hindi naman nararapat sa `yo dahil may tamang lalaking inilaan ang Diyos para sa `yo. Ahihi! Kinikilig ako, Diary, kapag pumapasok sa utak ko si Josh.
“Pipay ko! Pipay ko!” Narinig kong biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko, Diary, at pumasok ang pinakaguwapong lalaki sa buhay ko.
“O, bakit? Bakit ka sumisigaw diyan?” tanong ko sa kanya. Pansin kong puro pawis ang noo niya at hinihingal pa si Josh,
D
iary. Mukhang tumakbo ang loko papunta rito sa bahay namin.
“Kailangan mong sumama sa akin!”
h
inawakan niya ang braso ko at hinila ako palabas ng bahay. “Bilisan mo!”
“Teka lang nga, Josh. Saan ba tayo pupunta?” pagpipigil ko sa paghatak niya sa kamay ko.
“`Wag ka nang magtanong. Kailangan nating magmadali.”
t
iningnan niya ang orasan sa kamay niya. “Tsk. Bilisan natin, baka hindi na natin siya maabutan.”
“Sinong ‘siya’? Saka saan ba tayo pupunta? Hindi pa nga ako nakakapagbihis nang matino, o.” Naka-shorts lang kasi ako saka
t
-shirt na butas-butas.
“Si Prince!” sigaw niya sa akin. “Nasa airport na siya ngayon, paalis ng bansa. Ngayon ang flight niya at hindi next week.”
“Ha?” gulat na sagot ko kay Josh. “Akala ko next week pa? Sigurado ka ba diyan?”
“Ay, bobo lang, Pipay? Kasasabi ko lang, o. Magmamadali ba `kong pumunta rito sa bahay n’yo kung joke lang `to?” Diary, paki-remind nga ako kung bakit ko mahal itong lalaki na `to. “Sinabi niya lang sa atin na next week para hindi na natin siya mapuntahan sa airport pero ang totoo, ngayon talaga. Kaya bilisan na natin.”
“Ay, letse! Bakit ngayon mo lang kasi sinabi? Tara na! Ano pa’ng hinihintay mo diyan?”
h
inatak ko si Josh saka pumunta sa gitna ng kalsada para humarang ng taxi.
Puro jeep at tricycle lang ang dumadaan kaya nai-stress na ako,
D
iary. Nang may dumaang taxi, agad akong humarang sa gitna para hindi makadaan. Agad kong binuksan ang pinto at sumigaw kay Manong Driver.
“Manong, sa airport nga. Pakibilisan. This is a matter of life and death.”
“Eh, Miss, hindi mo ba nakikita? May pasahero ako, o. Buntis pa `to at manganganak na,” turo niya sa likuran kung saan may babaeng nakaupo at nakahawak sa tiyan niyang malaki.
“Ate...” Tinabihan ko ang buntis. “Ate, makinig kang mabuti sa sasabihin ko. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat kaya mas lalo kang pagpapalain kapag ipinaubaya mo na sa amin itong taxi na `to...”
“Pero teka lang—” Hindi na natapos ni Ateng buntis ang sinabi niya dahil hinila ko na siya palabas ng taxi.
“Salamat, Ate. God bless you! Sana makapanganak ka ng healthy baby!” Pumasok ako sa loob ng taxi at si Josh naman sa kabilang upuan. “O, go na, Manong. Wala nang problema. Bilisan n’yo na at kung hindi, kayo ang malalagot sa akin.”
Napakamot na lang ng ulo si Manong
d
river saka pinaandar ang taxi niya. Narinig ko pang sumigaw si Ateng buntis bago kami tuluyang makalayo mula sa kanya.
“Shutang inerns
ka! Kapag may nangyaring masama sa baby ko, babalatan ko nang buhay `yang mukha mo!”
Ang strong ni Ateng buntis. Nakasigaw pa kahit nahihirapan na sa kalagayan niya.
Buong biyahe namin,
D
iary, patungong airport ay todo-dasal ako na sana maabutan ko si Prince.
Shutang inerns
din na lalaki iyon! May balak pa akong lokohin na next week pa ang flight niya papuntang America para mag-move on.
Oo tama ka diyan,
D
iary. Inamin sa akin ni Prince Leroy na pupunta na siya sa papa niya sa America para doon na mag-aral at makalimot. Hindi niya raw kasi kayang nasa iisang school lang kami habang nakikita akong masaya sa piling ni Josh. Paano nga naman daw siya makakalimot kung ang babaeng pinakamamahal niya which is ako na ilang taon niya nang mahal ay masaya sa iba.
Parang pinapatay raw siya sa loob. Taray, `di ba? Magmu-move on lang, sa America pa? Rich kid ang koya mo!
Naramdaman kong hinawakan ni Josh ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. “Don’t worry. Makikita mo pa siya bago siya umalis,” nakangiti niyang sabi sa akin.
“Salamat, Josh,” sabi ko sa kanya. “Salamat dahil ipinaalam mo sa akin na ngayon ang alis ng kumag na `yon.”
“Wala `yon. Ikaw pa? Ayokong makita kang malungkot, eh.” Kumindat pa siya.
Ngumiti na lang ako kay Josh saka nag-flip ng hair.
Tse! Kaya mahal na mahal kitang lalaki ka, eh. Kahit madalas sakit ka sa ulo dahil sa mga babaeng patay na patay sa `yo.
Maraming patay na patay at naghahabol kay Josh, still, ako pa rin ang hinahabol niya. Ang haba ng buhok ko, `di ba? Alagang pH Care lang `yan. Try n’yo rin.
Pagdating namin ni Josh sa airport, agad kaming bumaba at tumakbo patungong entrance pero napahinto naman kami dahil narinig naming sumigaw si Manong Driver.
“Hoy! `Yong bayad ninyo! Ano’ng tingin ninyo sa akin, charity worker? Libre? Libre?” galit na sigaw niya sa amin ni Josh.
“Josh, bayaran mo na. Wala akong dalang pera dito,” sabi ko sa boyfriend ko.
“Wala rin akong dalang pera, Pipay. Tumakbo lang ako mula sa bahay namin hanggang sa inyo,” sabi niya sa akin. “Pero ito na nga lang ang ibabayad ko.” Hinubad niya ang relo niyang suot na kulay-ginto saka iniabot kay Manong.
Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero halatang todo-hingi ng pasensiya si Josh kay Manong Driver na nakangisi naman.
“O, ano’ng sabi?” tanong ko kay Josh noong umalis na ang taxi.
“Wala. Hindi na `yon aangal kasi orig G-Shock ang relo ko at ten thousand pa bili ni Daddy r’on.”
“Ang mahal naman n’on! Sigurado ka bang okay lang sa `yo na `yon na ang ibayad natin?”
“Oo naman!” Ngumiti siya. “Sabi ko nga sa `yo, Pipay, lahat ay gagawin ko para lang sa `yo.” Saka niya kinurot ang ilong ko.
“Ahihi! Kilig
mats!”
Tumakbo na agad kami ni Josh patungong lobby para tingnan kung nakaalis na ba ang eroplanong sasakyan ni Prince. `Wag na kayong magtaka kung paano namin nalaman ang airplane number niya dahil fiction `tong story namin at lahat ay posible sa utak ng guwapong author.
Medyo marami-raming tao rin ang nasa lobby na umaalis at dumarating. Tiningnan ko agad ang bulletin board para hanapin ang flights na US ang destination.
“Pipay!” narinig kong pagtawag sa akin ni Josh. “Heto si Prince, o!” May itinuturo siya kaya agad akong lumapit sa kanya.
Nakita ko agad si Prince na nakaupo at nakatalikod sa amin. Agad ko siyang nilapitan saka sinabutan nang hard ang buhok niya.
“WALANGHIYA KA! BAKIT KA AALIS NANG WALANG PAALAM SA AKIN, HA?!” Sinigaw-sigawan ko siya at hinila-hila lahat ng buhok niya hanggang sa matanggal ang anit niya.
“Aray ko! Aray ko!” Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa buhok niya. “Ano ba, Miss? Sino ka—Pipay?” Halos manlaki ang mga mata ni Prince nang makita niya ako. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
“Peste ka! Ano’ng ginagawa ko rito? Malamang para sabunutan ka! Ang arte-arte mo! Ayaw mo pang ipaalam sa akin na ngayon ang alis mo! Bakit ka ganyan?”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naluha na ako. Bumagsak na ang mga luha mula sa mga magaganda kong mata.
“Hay! Kaya ayaw kong sabihin sa `yo na ngayon ang alis ko dahil alam kong iiyak ka, eh.”
Naramdaman kong niyakap ako ni Prince nang mahigpit. Naramdaman ko rin na may tumutusok sa baywang ko... ang sinturon niya. Ay, sayang, akala ko kung ano na, eh.
“Sorry, p’re, kung sinabi ko sa kanya. Alam mo namang ayokong nalulungkot `yang mahal ko, eh.” Narinig ko si Josh na nagsalita mula sa likuran ko.
“Sarap mong suntukin, p’re. Hoy, ikaw, ah, tandaan mo, lahat ng bilin ko sa `yo. Ingatan mo itong si Pipay dahil kung hindi, uuwi agad ako at babawiin siya sa `yo,” pagbabanta ni Prince kay Josh.
“`LUL mo! Wala akong planong paiyakin `yan. Siguro mapapaiyak ko lang `yan kapag nag-propose na akong pakasalan siya. Ano sa tingin mo?”
“Magkape ka nga, Josh, para maliwanagan ka sa mga sinasabi mo.” Tumawa si Prince saka tumingin naman sa akin. “Ikaw naman, Pipay. Sabihin mo lang sa akin kung pinapaiyak ka ng lalaking iyan, ah? Hindi ako magdadalawang-isip na bumalik agad ng Pilipinas para lang bugbugin `yan.
Tumango ako. “Sorry talaga, Prince. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit ka aalis. Sorry talaga.”
“`Wag mo nang isipin `yon pero ang totoo talaga gusto kong ma-guilty ka—aray! Joke lang, eh.” Kinurot ko nga siya. “Siyempre, gusto ko ring maka-move on sa `yo. Hirap mong kalimutan, Pipay, eh. Ganda-ganda mo kasi.” Kumindat si Prince.
“Calling the attention of all the passengers of flight number 6969. Please go to your airplane as soon as possible at `wag nang makipaglandian sa mga panget diyan! Thank you!”
“Shutang inerns
na intercom `yan. Basag-trip!”
“Haha! So, paano, Pipay? Aalis na ako, ah. Mag-ingat ka rito.” Kinuha na ni Prince ang maleta niya saka nagsimulang maglakad palayo sa amin ni Josh pero huminto siya saka bumalik sa harap ko. “Ay, wait, may nakalimutan ako.”
“Ano `yon?” tanong ko.
Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Prince dahil bigla niya akong hinalikan sa mga labi saka tumakbo papasok ng entrance para sa mga eroplano.
“Gago `yong kumag na `yon, ah! Nagnakaw pa ng halik!” inis na sabi ni Josh.
Napangiti na lang ako saka hinawakan ang mga labi ko na hinalikan ni Prince. Ahihi! Si Prince talaga. Gusto pala ng kiss, hindi na lang nagsabi.
“O, natulala ka na diyan! Gustong-gusto `yong halik?” nakabusangot na sabi ni Josh.
“Ito naman, nagselos agad.” Ikinapit ko ang kamay ko sa balikat ni Josh. “Kiss mo na rin ako para mawala `yong bias ng kiss ni Prince.”
Hinalikan ako ni Josh sa mga labi nang matagal.
“Isa pa...”
Hinalikan niya ulit ako.
“Last na.”
“Ang adik mo talaga sa kiss, Pipay.” Ngumisi si Josh. “Do’n na lang kita iki-kiss sa pupuntahan natin.” Kumindat pa siya.
“Saan ba tayo pupunta?”
“Sa langit.” Kumindat ulit siya.
“Ahihihi! `Wag mo `kong papagurin, Josh, ah? Saka galingan mo. Ahihi!”
“Ikaw talaga, Pipay, kung ano-ano `yang iniisip mo. Ang landi.”
“Hindi ako malandi, ah!” sabi ko sa kanya. “Slight lang!”
Magkahawak-kamay kaming dalawa ni Josh na lumabas ng airport at naglakad pauwi ng bahay namin. Oo, naglakad talaga dahil remember? Wala naman kaming dalang pera para sa pamasahe.
Okay lang kahit mapagod kakalakad dahil kasama ko naman ang lalaking pinakamamahal ko.
Mainggit kayo, please...
Meanwhile...
“ANO BA? PAPASUKIN NINYO `KO SA LOOB! `YONG BOYFRIEND KO, AALIS NA! WAAAHHH! BHABE KO, LEROY KO! BAKIT MO `KO INIWAN?” Limang guard ang nakaharang sa pintuan ng entrance para lang hindi makapasok ang negrang pusit.
Kawawa naman talaga si Mimay, `no? Natalo ko na nga sa contest, natalo ko pa sa puso ni Prince.
Hay! Ganyan `ata talaga ang tadhana ng balyenang negrang pusit na anak ni Ursula sa pagiging puta, Diary. Hayaan na lang natin siyang magising sa kahibangan niya.
O, paano, Diary? Hanggang dito na lang ang sulat ko sa `yo, ah? Last page na, eh. Ang dami ko pa sanang gustong ikuwento pero wala nang mapagsusulatan.
Magpapapawis pa kami ni Josh, eh. *wink*
Hindi ako malandi... slight lang,
Pilar “Pipay” Payoson