noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 1

Chapter 17

Ch. 18 / 36 Apr 09, 2022

Malanding Entry #17

Dear Diary,

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Lutang at gising ang buong katawang-lupa ko kakaisip kung sino ang kasama ni Josh kahapon. At ang walanghiyang babae, may pahalik-halik pa sa pisngi ng boyfriend ko! Ako nga, hindi ko pa nahahalikan si Josh, eh. `Tapos siya, hahalikan niya lang basta-basta?

Pero wala akong lakas ng loob na sabihin kay Josh, Diary, na nakita ko siya kahapon at nakita kong may kasama siyang babae. Sabi niya kasi, `di ba, Diary, na mga tropa raw ang kasama niya? Hindi ako na-inform na ang mga tropa pala ay equivalent lang sa isang babaeng malandi?

Tinanong ko nga si Inay kung marunong siyang mangkulam, eh. Kaso ang sagot lang sa akin ni Inay, “Ano’ng tingin mo sa akin? Mangkukulam? Manahimik ka, Pilar. Kung may gusto kang ipakulam, paamoy mo na lang `yong nanggigitata mong panty. Mas mabagsik pa ang powers n’on kaysa sa kulam.”

Kahit kailan, ang supportive ni Mother ko, `no? Ang sarap ipatapon ni Inay sa Iraq. Chos!

Gusto kong kulamin ang babaeng iyon. Nanggigigil talaga ako, Diary, sa nakita ko. Pero alam mo `yon? Hanggang panggigigil lang ang kaya kong gawin dahil ayaw kong mag-away kami ni Josh. Mamaya baka mali naman pala ako ng iniisip. Paano pala kung kapatid niya iyon?

Pipay’s konsiyensiya: Kapatid? Wow! Masyado naman palang sweet ang mga magkakapatid these days. May pahalik-halik pa? Saka kung magkapatid sila, bakit hindi sila sabay umuwi?

May point ka diyan, girl. Malay mo naman cousin lang?

Pipay’s konsiyensiya: Cousin? Puwede... cousin-tahan.

Shutang inerns! I cannot! Hindi puwede `to. Para na akong mababaliw sa kakaisip. Maisip ko pa lang na may babae si Josh, para nang sumasakit ang pempem ko, eh. Para akong nawawalan ng buhay, Diary. Parang unti-unting nawawalan ng kulay ang makulay kong mundo. Kahit gusto kong maiyak kagabi, hindi ko magawa.

Nanood ako ng porn movies pero walang effect, Diary. Pero noong nanood ako ng 500 Days of Summer, Diary, bigla kong naisip si Josh at naging 500 Days of Josh ang pinanood ko. D’on na ako umiyak nang umiyak kagabi hanggang sa makatulog ako.

Ito ang mahirap kapag hindi kagandahan ang isang babae, eh. `Tapos ang guwapo pa ng boyfriend mo. In born na `ata sa isang babae ang pagiging insecure sa isang magandang babae, Diary. Siyempre, Diary, kapag guwapings ang boyfriend ng isang babae, hindi mawawala sa isip niya na any moment, bigla siyang ipagpalit sa sexy na babae, `di ba?

Kahit na may malaki siyang tiwala sa boyfriend niya, lagi pa ring may doubt. Maaari ka niyang palitan nang mabilisan. Samantalang kaming hindi pinagkalooban ng kagandahan, hindi naman kami makakahanap ng pamalit agad, eh. Iiyak na lang kami sa isang sulok `tapos magse-selfie. Chos! Hashtag heartbroken. With tears pa!

Kaya kinabukasan, pinilit ko munang maging busy. Para naman kahit papaano, makalimutan ko ang nararamdaman ko sa puso ko. Nilinis ko ang buong kuwarto ko, Diary. Gulat nga si Inay, eh. Himala daw. Ano raw ba’ng nakain ko at naglinis ako ng kuwarto.

Shutang inerns lang, Diary! Pagbuhat ko ng kama ko, isang box ng porn magazine ang nakuha ko. Ahihihi!. Hindi ako malandi, ah? Slight lang... Ang dami nang sapot at alikabok ng kuwarto ko. Paano kaya ako nakakatulog sa ganitong ayos? Sabagay kapag dugyot ka nga pala, wala kang pakialam sa paligid mo. Pero dahil brokenhearted ako, nilinis ko na.

Nang bandang tanghali na, naglaba naman ako ng damit ko, Diary. I’m so masipag talaga. I therefore conclude na kapag brokenhearted ang isang babae, nagiging masipag siya. Char! Brokenhearted agad? Hindi naman kami break, ah. At hindi ako papayag na maghihiwalay kami ni Josh. Puro panty ko lang naman ang nilalabhan ko, eh. `Kahiya kay Inay, eh. Baka isumbat na naman sa akin. Hinubad ko na rin ang panty kong suot `tapos isinama sa mga labahin ko. Sinilip ko pa ang pempem ko.

“Ang kyoot-kyoot ng pempem ko. Who’s your mommy, pempem? Ang itim-itim mo. Ahihihi!” sabi ko sa pempem ko.

Habang naglalaba ako at malayang nakabukaka, bigla akong nakarinig na may nag-pssst sa akin. Sino kaya ang walangyang `yon? Aba, ginawa pa akong aso, ah? Nag-pssst ulit kaya hinanap ko kung sino ang tarantadong iyon.

“Psst!”

“Josh?”

Halos manlaki ang mata ko nang nakita kong nakadungaw ang ulo niya sa bakuran namin. Shet! Nakita kaya ni Josh ang black pearl ko? Nakabukaka lang kasi ako at nakapalda pa. Omaygad! Kilig mats!

“Naks! Ang sipag, ah?” Ngumiti siya sa akin.

“Sandali lang. Bubuksan ko ang gate.”

Tumakbo ako para buksan ang gate. Nakakahiya naman kasi sa guwapong nilalang na `to kung hanggang bakuran lang siya, eh.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. Nasa harap na siya ng gate namin. Ang guwapo ni Josh ngayon. Naka-shirt siyang white `tapos naka-jacket. Anyare? Nilalamig? Tanghaling-tapat, ah.

“Nagkayayaan ang barkada. Group date daw. Tara, sama ka. Para maipakilala na rin kita sa kanila.” Tumaas-taas pa ang mga kilay niya habang hawak ang kamay ko.

Group sex daw, Diary? Omaygad! Paano iyon? Ay wait. Group date daw pala. Ang dirty-dirty talaga ng isip ko, Diary.

Gusto ko sanang tumanggi sa sinabi niya pero naunahan niya na agad ako ng: “Please, Pipay. `Wag kang tumanggi. Saka bonding time na rin natin `to. Puwede tayong umalis sa date nila para makapag-solo any moment. Please...?” Ngumuso pa siya.

Shet! Ano bang oras na? 1:20 PM pa lang ng tanghali. four PM pa kami magkikita ni Prince Leroy, may time pa ako. Sige na nga. Hindi ko kayang hindian si Josh, eh. Saka kailangan ko na rin siyang kausapin tungkol sa nakita ko kahapon.

Nagpaalam ako sa kanya, Diary, na magbibihis lang ako. Hintayin niya na lang daw ako sa may tindahan sa kanto. Mabilis na akong nag-ayos. Wala nang suklay-suklay. Alam ko naman na maganda na ako sa paningin ni Josh kahit ano’ng ayos ko, eh. Chos!

Maganda ka? Magkape ka, Pipay. Kapeng barako ng Batangas nang magising ka sa kahibangan mo. Lecheng konsiyensiya `to!

Ano kaya ang sasabihin ng buong tropa ni Josh kapag nakita ako? Pagtatawanan ba ako? Pagkakaisahan o iinsultuhin dahil sa itsura ko? Pero lahat ng agam-agam ko, biglang nawala nang magsalita si Josh.

“`Wag mong iisipin na hindi ka magugustuhan ng mga kaibigan ko. Lagi kitang ikinukuwento sa kanila kaya alam nila kung gaano kita kamahal. Aware din sila na kapag binastos ka nilang lahat, ako ang makakalaban nila,” sabi sa akin ni Josh habang nakasakay kami sa jeep. Pinisil niya pa ang kamay ko saka siya ngumiti.

Pakiramdam ko, Diary, safe ako dahil sa ngiti niyang iyon.

The next thing I know, Diary, nakaupo na ako sa isang lamesa kasama ang tatlong tropa ni Josh na lalaki na may kasamang mga girlfriend nila. Group date nga `to, Diary. Iniusog ni Josh ang isang upuan para makaupo ako.

“Wait. `Asan si Helena?” tanong ni Josh sa mga tropa niya.

“Wala pa, eh. Pero padating na raw siya. O, `ayan na pala, eh.”

Napatingin kaming lahat sa babaeng dumating at halos manlaki ang mga mata ko dahil `tong babaeng `to ang nakita kong kasama ni Josh kahapon, Diary. Bigla tuloy akong pinagpawisan nang malamig. Kahit ang pempem ko, Diary, ramdam kong pinagpapawisan na rin.

“Wow! Complete na agad kayo, guys. Pero ang sad. Lahat kayo, may partner, ako lang ang wala,” sabi ng babaeng nagngangalang Helena.

Ngumiti siya sa mga tropa niya pero pagdating sa akin, biglang tumaas ang isang kilay niya saka ngumisi, Diary. Ano’ng problema nitong gagang `to?

“Ikaw kasi, eh. Dapat mag-boyfriend ka na rin,” sagot ng isa pang tropa ni Josh.

“Hayaan n’yo. Malapit na,” sagot ni Helena saka tumingin nang malagkit kay Josh. Si Josh naman, biglang nagulat saka umupo sa tabi ko.

“Ayos ka lang?” tanong niya sa akin. Pero mukhang wala naman ang atensiyon niya sa akin.

Nagsimula na kaming kumain at magkuwentuhan. Halos lahat ng tropa ni Josh, close sa isa’t isa. Pakiramdam ko, hindi ako belong, Diary, at out of place ako. Parang gusto ko nang umuwi. Tanong lang sila nang tanong ng mga kung ano-ano tungkol sa akin.

“So, Pilar, balita ko kasali ka raw sa isang pageant, ah? Ms. January Girl 2014, tama ba?” tanong sa akin ni Helena.

Tumango ako.

“Hindi ako aware na na-move ng January ang Halloween contest.”

“Helena!” sigaw ni Josh sa kanya. Ngumiti lang ako sa kanila. Pero sa loob-loob ko, sinusumpa ko na ang gagang `to.

“Calm down, Josh. I was just kidding. Right, Pilar?”

Tumango ulit ako. Tumawa na lang si Helena at kumain ng French fries habang malagkit na nakatingin kay Josh. Si Josh naman, tumingin sa akin at hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

“Don’t mind her.” Ngumiti na lang ako nang tipid.

Lumipas ang oras at pakiramdam ko, hindi na ako belong sa kanila, Diary. Even si Josh, Diary, hindi ako kinakausap. Nakatunganga lang ako sa kanila habang pinapakinggan ang pinagkukuwentuhan nila na hindi ko ma-gets.

Itong Helena naman na `to kapag tumatawa may hampas pang nalalaman kay Josh. Hampasin ko `to ng lamesa, eh. Si Josh naman, walang pakialam. Parang natutuwa pa sa ginagawa ni Helentod sa kanya.

Hello, Josh to Earth? `Andito sa tabi ang girlfriend mo.

“Pilar, may tanong ako.” Lahat ng atensiyon, nalipat sa akin nang magtanong ang isang tropa ni Josh.

“Ha? Ano `yon?” `Ayan na, Diary. Kasali na ako sa usapan nila. Kailangan ko na bang magpamisa sa Quiapo?

“Ano’ng pakiramdam na naging boyfriend mo si Josh? I mean, Josh `yan, eh. Guwapo. Mayaman. Magaling mag-basketball. Ano’ng pakiramdam na boyfriend siya ng isang tulad mo?” Tumingin pa siya mula ulo hanggang paa ko na parang sinusukat ang pagkatao ko.

Tumingin ako kay Josh saka ngumiti.

“Masaya. Pakiramdam ko nga, nananaginip lang ako, eh. Pero kung panaginip lang `to, sana `wag na akong magising pa. Pinatunayan kasi ni Josh sa akin na kahit hindi ako kagandahan o sexy tulad ng mga girlfriend n’yo, still, kaya niya pa rin akong mahalin. Ipinakita niya na sa kabila ng guwapo niyang mukha, hindi siya naghahanap ng babaeng maganda.”

Napatitig sa akin si Josh, Diary, at parang nanlamig sa kinauupuan niya. Ngumiti lang ako sa kanya.

“And what if, Pilar... nalaman mong pinagtitripan ka lang ni Josh? Ano’ng gagawin mo?” tanong naman ng isa niyang tropa.

“Guys, tama na `yan!” Dinabog ni Josh ang lamesa pero walang pumansin sa kanya.

“Kapag niloloko lang ako ni Josh? Hindi ako magagalit sa kanya. Magpapasalamat na lang ako dahil dumating siya sa buhay ko at ipinaramdam niya sa akin na mahal niya ako kahit sa kakaunting panahon, kahit kasinungalingan lang ang lahat, kahit na peke ang feelings niya sa akin. Magpapasalamat ako dahil naging masaya akong naging parte siya ng buhay ko. `Yon naman ang mahalaga, `di ba? `Yong maging masaya ka kahit na naging tanga ka.” Ngumiti ako sa kanila.

Kinuha ko ang bag ko at saka tumayo. “Aalis na ako. Ramdam kong hindi ako belong sa tropa n’yo. Salamat dahil nakilala ko kayo. Josh, una na ako. Stay as long as you like.”

“Bye. Take care,” sagot ni Helena.

Palabas na sana ako pero bumalik ako para lang may gawin.

“Wait, may nakalimutan pala ako.” Kinuha ko ang iced tea na nasa harap ni Helena saka ko ibinuhos sa kanya.

“OH, MY GOD! OH, MY GOD!” sigaw niya habang tumatalon pa dahil sa iced tea na ibinuhos ko sa buong katawan niya. Pinagtinginan tuloy siya ng mga tao na nasa loob ng restaurant.

“Serves you right, bitch!” Oha, ang bongga ko! Line `yan mula sa isang book na nabasa ko.

Nagsimula na ulit akong maglakad palabas ng restaurant, Diary. Nagtama pa ang mga mata namin ni Josh pero ako na ang umiwas ng tingin. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, Diary, parang nababasag ang puso ko. Masakit, Diary. Sobrang sakit.

“Pipay! Sandali lang!” narinig kong tawag sa akin ni Josh, Diary.

Mas mabilis na hakbang ang ginawa ko. Ayokong makita niya akong naiiyak, Diary. Ayoko.

“Pipay!!!”

Pero dahil mas mabilis tumakbo sa akin si Josh, naabutan niya ako.

“Pipay, sandali lang!” Hinawakan niya ako sa braso, Diary. Ayokong humarap sa kanya. Ayokong makita niyang naiiyak ako. Leche! ` Wag kang tutulo, luha.

“Pipay... sorry...” sabi ni Josh sa akin. Basag na rin ang boses ni Josh, Diary. Pinipilit ko ang sarili kong `wag umiyak pero noong nag-sorry si Josh, parang may sariling buhay ang mga luha sa mga mata ko.

“Sorry, Pipay... Sorry...” Paulit-ulit siyang humingi ng sorry na hindi ko alam ang dahilan.

Umiiyak habang yakap ni Josh,

Pipay