noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 1

Chapter 25

Ch. 26 / 36 Apr 09, 2022

Madramang Entry #25

Dear Diary,

What is love?

`Ayan ang tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isip ko, Diary. Dalawa ang naiisip kong sagot mula sa simple pero napakahirap bigyang kasagutan na tanong na `yan. May mga tanong talaga sa mundo na kahit simple lang, ang hirap bigyan ng kasagutan, Diary.

What is love? Ang pagmamahal ay `yong ipaglalaban mo siya hanggang dulo. Love is a continuous battle, Diary. Bawat araw na ginagawa ng Diyos ay sinusubok ang pagmamahalan ninyo, kung gaano ba kayo katatag, katibay, kalakas at kapursigidong ipaglaban ang relasyon ninyo.

Ang pagmamahal ay hindi nasusukat kung gaano na kayo katagal, kundi ito ay nasusukat lamang kung gaano ninyo ipinaglaban ang pagmamahalan ninyo hanggang dulo. Love is blind. Chos! `Wag na `yan. Gasgas na `yang kasabihan na `yan. Love is like an illness. It will strike you, no matter what position you have in life. Walang pinipili ang pag-ibig at puso. Kapag tumibok `to, eh, di titibok. Patay ka na kapag hindi `to tumibok.

Ang pangalawang sagot na naisip ko, Diary, ay: Ang totoong pagmamahal ay iyong kaya mo siyang palayain kapag komplikado na ang lahat, kapag alam mong hindi ka nararapat sa kanya, kapag lahat ng tao sa paligid mo ay hadlang na sa pagmamahalan n’yo, kapag puro sakit na lang ang nararamdaman mo. Pumasok ka sa isang relasyon para maging masaya at hindi para maging tanga.

Gaga! Kailangan ninyong palayain ang isa’t isa hindi dahil hindi n’yo na mahal ang isa’t isa kundi kailangan n’yo muna ng panahon para makapag-isip-isip, makahinga, at bigyan ang bawat isa ng space para mag-grow. Kailangan mo ng lakas para ipaglaban ang taong mahal mo pero mas kakailanganin mo ng lakas para ipagtabuyan siya palayo sa `yo.

Ang talino ko, `di ba, Diary? Ito pala ang epekto sa akin kapag nawala sa akin ang mahal ko nang tuluyan. Para akong tanga na umiiyak—umiiyak kahit ako naman ang may gustong lumayo si Josh sa akin nang tuluyan. Dapat maging masaya ako, eh. Pero bakit tuwing naaalala ko ang mukha ni Josh na umiiyak, parang dinudurog ako? Naaawa ako at nasasaktan at the same time. Parang gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko at sabihin sa kanya na, “Ikaw lang, Josh. Ikaw lang ang mahal ko.” Pero kailangan kong panindigan ang ginawa ko sa kanya. Para sa kanya `to. Para sa amin `tong dalawa.

“Hayaan mo lang ako sa tabi mo, Pipay. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makalimutan mo si Josh. Ako naman ang una mong minahal, `di ba? Just give me a little space in your heart at ako na ang bahala sa ibang space.”

Iyan ang huling sinabi sa akin ni Prince, Diary, noong inihatid niya ako sa bahay. Gusto ko siyang bigyan ng chance para naman makalimutan ko na si Josh. Hindi naman mahirap iyon, `di ba? Pero kahit ano’ng pilit ko, ayaw ng puso ko. Kunsabagay, ilang araw pa lang naman ang nakakalipas, eh. Siguro, hindi pa ngayon. Siguro sa mga susunod na araw, makakaya ko na ulit mahalin si Prince at makakalimutan ko na rin si Josh. Sana lang makisama ang puso ko... Ay, wait! Wala na `ata akong puso, Diary. Ibinigay ko na pala kay Josh ang puso ko...

Umaga na naman, Diary, at papasok na naman ako. Parang ayaw ko nang lumabas ng bahay namin dahil maaalala ko lang ang mga panahon na hinihintay ako ni Josh sa labas at nakangiti na agad sa akin kapag nakita agad ako. Shutang ina! Ang hirap. Bawat kilos at galaw ko, siya lagi ang naaalala ko. Hindi `to maaari. Hindi puwede. Nilakasan ko na ang loob ko saka lumabas ng gate namin.

Napatalon ang puso ko, Diary, dahil may naghihintay sa labas ng bahay namin. Nakatalikod siya at parang si Josh. Napangiti ako pero dahan-dahan ding nawala nang mukha ni Prince ang sumalubong sa akin.

Gumising ka, Pilar. Magmula ngayon, si Prince na ang susundo sa `yo. Wala na si Josh, `di ba? Pinagtabuyan mo na, `di ba? `Ayan. Magsisi ka.

“Good morning,” bati sa akin ni Prince. “First day natin bilang couple ngayon.”

“Good morning din,” bati ko pabalik sa kanya. “Bakit nandito ka?”

“Ang sama nito. Siyempre, sinusundo ko ang girlfriend ko. Hindi ba puwede?”

“Shunga ka ba? Paano kapag nalaman ni Mimay na sinundo mo `ko? Hello? Nasa kabilang kanto lang ang lungga ng balyenang negra,” inis na sagot ko sa kanya. Hindi talaga nag-iisip itong Prince na `to.

“Wala akong pakialam kung makita niya tayo. Sabi ko naman sa `yo, makikipaghiwalay na `ko sa balyenang `yon, eh. Pero ayaw mo naman.”

“Ehhhh. Gusto ko siyang matalo sa pageant, eh. Basta pagdating natin sa school, dapat maghiwalay agad tayo ng landas, ah?”

“Yes, Ma’am.” Sumaludo pa siya. “Hmm. Pipay?”

“Ano?” Nagsisimula na kaming maglakad.

“Puwede ba, pahawak ng kamay mo?” nahihiyang tanong niya sa akin.

“`Sus, `yon lang pala, eh.” Iniabot ko ang kamay ko kay Prince. Napangiti agad si Prince at parang nahihiya dahil magkahawak kami ng kamay.

“Matagal ko nang pinapangarap hawakan ang kamay mo nang ganito, eh. Parang hindi totoo,” narinig kong bulong niya sa akin. “Bigyan mo ako ng chance na ipakita sa `yo, Pipay, kung gaano kita kamahal. Ako na ang bahala para makalimutan mo si Josh. Magtiwala ka lang. Makakalimutan mo agad siya.”

Tumango na lang ako sa sinabi ni Prince. Napatingin ako sa kamay naming dalawa na magkahawak. Napaisip tuloy ako kung naghugas ba ako ng kamay kanina nang dumumi ako. Hmm. Hayaan na nga.

Unlike kay Josh, kapag magkahawak kaming dalawa, may kuryente agad akong nararamdaman at ang saya-saya sa pakiramdam. Pero kay Prince, wala, eh. Parang... alam mo `yon? Wala kang maramdaman. Hays! Siguro sa una lang `to. Mararamdaman ko rin kay Prince ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Josh. Sana lang dumating agad iyon. Sana lang, Diary.

Napadaan kami ni Prince sa court at nakita kami ng mga kabarkada niya na magkahawak ang kamay. Inasar si Prince pero tatawa-tawa lang siya. Ramdam kong masaya talaga siya. Pero bakit hindi ko maramdaman ang kasiyahan na tulad ng sa kanya, Diary? Manhid na ba ang buong katawan ko?

Pagdating namin sa school, agad kaming naghiwalay ng landas ni Prince tulad ng pinag-usapan namin. Mahirap na dahil maraming mata ang negrang pusit kaya agad kaming naghiwalay. Nauna na siyang pumunta sa classroom para daw gumawa ng assignment. `Ayan kasi. Inubos ang oras kagabi kaka-Skype sa akin. Dumaan muna ako sa office para ibigay ang chorva na ipinagawa ni Sir Ma Lee Bhogs. Iyong panot talaga na `yon, ang tamad-tamad at sa mga estudyante pa iniuutos ang trabaho ng isang guro.

Papunta na ako ng classroom namin nang bigla kong naisip si Josh. Papasok na kaya iyon? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita na pumapasok, eh. Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari sa kanya. Ni status niya sa Facebook na bago, wala, eh. Ang last update niya pa, “Pipay, I’m so sorry...” na nakahakot ng 400+ likes. O, `di ba, peymus ang kuya ninyo! Ngayon kaya, makikita ko na siya? Ano kaya’ng nangyayari d’on? Sana naman, okay lang siya.

“Aba, nand’yan ka lang pala!” Biglang humarang sa dinaraanan ko ang dalawang galamay—este, alalay ng balyenang pusit na anak ni Ursula sa pagiging futa.

“Ano na naman `to, negrang pusit na anak ni Ursula?” Hinawakan pa ako sa magkabilang braso ng isang sea horse at isang seaweed.

“May kasalanan ka sa akin, Pilar, na anak ng boksingerang si Aling Tinay,” inis na sagot niya. “Shutang ina kang malandi ka!”

“Hoy! Mura ko `yan, pusit ka! Impaktang `to. Walang originality. Gaya-gaya!”

“Ay, mura mo ba `yon? Eh, di Krutang ina. `Yan na lang mura ko.”

Ano kaya `yon? Please, pakigawang kalamares `tong pusit na `to. Ang korni-korni.

“Ano na naman ba’ng kasalanan ko sa `yo? Puwede ba, wala akong oras sa `yo? My God, Mirasol! Hectic sched ko. May taping pa ako ng commercial mamaya.”

*pak*

Napatulala ako dahil sa mga galamay ni Mimay na dumapo sa pisngi ko. It hurts, Kuya Eddie. Sinampal ako ng dambuhalang pusit na anak ni Ursula sa pagiging puta ng karagatan. Ramdam ko agad na namanhid ang buong mukha ko. Sa laki ba naman ng palad ng negrang `to, ewan ko kung hindi mamanhid ang mukha mo.

“How dare you para landiin ang boyfriend ko! Ganyan na ba kalandi `yang katawan mo, Pilar, para pati ang Prince ko, aagawin mo?” galit na galit na sabi ng negra sa akin.

“You’re right, girl,” sabi ni Alipin 1.

“Tama ka diyan, girl,” sabi ni Alipin 2.

“Anong nilalandi? Puwede ba, Mirasol, wala akong nilalandi sa `yo. Nagkataon lang na sabay kaming pumasok ni Prince dahil isa lang ang gate ng school. Shunga!”

*pak*

Isa na namang sampal ang dumapo sa mukha ko. Shutang inang negra `to! Nakakarami na sa akin, ah.

“`Wag mo akong gawing tanga, Pilar. Mas matalino ako sa `yo sa P.E.!” Hinila niya ang buhok ko to the left to the right at pinaikot ako nang sabay-sabay. Lagas buhok. Aray. Ang anit ko, peste! “Hindi ka na nahiya, impakta ka! May boyfriend ka na, `di ba? Bakit kailangan mo pang landiin ang boyfriend ko? Ha? Sumagot ka!”

“Hindi ko nga siya nilalandi!”

*pak*

*pak*

“`Wag kang sasagot! Wala kang karapatan na sumagot sa akin!”

“May utak ba kayong mga pusit? Sabi mo, sumagot ako `tapos nang sumagot ako, sabi mo, `wag sasagot. Oh, God, bakit nakalimutan n’yong bigyan ng utak ang mga pusit? Sa sobrang taba mo, Mimay, natabunan na ng taba `yang utak mo!”

“Peste ka!” Hinila na naman ni Negra ang buhok ko. `Asan ba ang mga tao rito? Wala bang tutulong sa akin? Help! Please!

“Ano’ng ginagawa n’yo sa kanya?” Bigla akong nanlamig nang narinig ko ang boses niya.

Alam na alam ng katawang-lupa ko kung kanino ang guwapong boses na iyon, Diary. Si Josh... Si Josh, nandito siya para i-save ako sa balyenang `to.

“Tinuturuan lang namin ng lesson `tong malandi mong girlfriend. Nilalandi ang boyfriend ko, eh. Hindi na nahiya sa atin,” inis na sabi ni Mimay.

Napatingin ako kay Josh. Nagulat ako dahil wala akong makitang expression sa mukha niya. Parang ang daming nagbago kay Josh. Parang hindi na siya ang Josh na minahal ko few days ago. Ibang-iba na siya. Pero parang gusto ko siyang yakapin dahil medyo matagal ko rin siyang hindi nakita.

“Josh...” Pagbanggit ko pa lang ng pangalan niya napatalon na agad ang puso ko.

“Wala akong pakialam diyan. Hindi ko naman `yan girlfriend.”

Nagulat sina Mimay and the gang sa sinabi ni Josh. Nagbulong-bulungan ang mga alalay habang si Mimay naman nakanganga sa mga oras na `to. Kitang-kita ko na ang maitim niyang gilagid at maliit niyang utak sa pagnganga niya.

Napatitig ako sa kawalan. Parang hindi mag-sink in sa utak ko ang sinabi ni Josh. Oo nga pala, hindi na niya ako girlfriend. Kasalanan ko na naman. Kasalanan ko kahit para sa kanya ang ginawa ko.

Tiis-ganda, Pipay. Bobo mo, eh. Ginusto mo `yan, panindigan mo.

“Nakita n’yo ba ang girlfriend ko? Ah, `ayun..” sabi ni Josh saka tinawag ang pangalan ng girlfriend niya. “Helena... Loves! Dito!” Kumaway-kaway pa siya.

Agad namang napatingin si Helena sa kanya saka tumakbo papunta kay Josh. Hinalikan siya ni Helena sa lips at parang gustong kainin ang buong mukha ni Josh.

“Sorry for the show with my boyfriend.” Nagsalita ang Heleparot. Ngumisi ang gaga, “Ano’ng ginagawa n’yo? Oh. Tug of war. Chaka n’yo, ah. See you around, guys.” Nag-flying kiss pa si Helena bago humawak sa braso ni Josh.

Napatingin si Josh sa akin. Ang lamig ng mga titig niya. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad habang nakahawak sa balakang ni Helena. Shutang ina! Eh, di kayo na ang happy couple. Ako na ang niluluto at piniprito sa sarili kong kalungkutan at pighati.

“What was that?” gulat na tanong ni Mimay. “Oh, My God of the Sea. Iniwan ka na pala ni Josh? Kaya pala ang boyfriend ko naman ang nilalandi mo? Kawawang Pipay. Brokenhearted ang impakta. Okay. Back to business.”

*pak*

“Layuan mo si Prince, ah? Naiintindihan mo?” Hinila ni Mimay ang buhok ko. This time mas masakit na hila pero parang wala na akong nararamdaman, Diary. Manhid na manhid na ang buong katawan ko.

“Sige lang, Mirasol. Saktan mo pa `ko. `Yong mas malakas, pakiusap. Hindi ko na nararamdaman ang sakit. Parang mas masakit pa rin `yon kirot sa loob ko,” walang-gana kong sagot kay Mimay.

“Masusunod, reyna impaktang slight ang kalandian.”

Mukhang itinodo na ni Mimay ang lahat ng lakas niya sa sampal na pinakawalan niya. Isang malakas na sampal na naman ang dumapo sa mukha ko. Pakiramdam ko, matatanggal na ang bagang at pisngi ko. Pero wala pa ring sinabi ang sakit na iyon mula sa sakit na nararamdaman ko sa kalooban ko.

Puwede bang mamatay na lang ako, Diary? Para naman matapos na ang lahat ng paghihirap ko.

Mamamatay na virgin,

RIP PIPAY