Malanding Entry #5
Dear Diary,
Diary! This is the worst Christmas ever! Waaaaaah!!! Naiiyak ako, Diary. Ay, mali. Kanina pa pala ako umiiyak pagkauwi ko galing Christmas party namin.
Diary, ang sakit-sakit! Parang binibiyak ang pempem ko—este, puso ko sa sobrang sakit ng nasaksihan ko kanina. Bakit gano’n, Diary? Ibinigay ko naman ang lahat sa kanya? Echos. Bakit gano’n, Diary? Bakit ako niloko ni Prince Leroy?
Sila na ng malanding pokpok na higad na classmate namin na akala mo ang ganda-ganda kahit ang itim naman ng kilikili, Diary. Masyadong masakit talaga!
Bakit hindi ko man lang nabalitaang may nililigawan si Prince Leroy? Bakit sa dinami-rami ng babae sa school, bakit si Mimay pa? Bakit `yong babaeng pokpok na higad na maitim ang kilikiling `yon pa? Eh, mas maganda ako nang hindi-hamak sa kanya, Diary! Malandi ang pesteng babaeng `yon! Bakit lahat ng guwapo sa school, napupunta sa kanya? Bakit wala siyang itinira sa akin, Diary?
Isinusumpa ko, Diary, maghihiganti ako. Babangon ako’t dudurugin ko ang patola ni Prince Leroy... Joke! Hindi ko pa puwedeng durugin dahil hindi ko pa nga natitikman, eh. Hihihihi! Ah, basta! Gagawa ako ng paraan para magkahiwalay ang dalawang `yon! Hindi maaaring mapunta si Prince Leroy ko sa Mimay na malanding pokpok na higad na pesteng babaeng `yon na maitim ang kilikili... Hinihingal ako kapag nilalarawan ko si Mimay. Feeling ko, nauubos ko na ang masasamang salita para sa kanya.
Diary, may Twitter ka ba? I-bash mo nga si Mimay! Padalhan mo ng maraming death threat para lang layuan si Prince Leroy ko. Ito ang Twitter account niya, @PrettyNiMimay.
Shutang inerns talaga, Diary! Hindi matanggap ng katawang-lupa ko ang kaganapan kanina. Nakakaloka! Ang sarap bigwasan ni Mimay kanina habang nakakapit sa braso ni Prince Leroy ko, Diary. Sa sobrang init ng ulo ko, muntikan ko nang hubarin ang panty ko at isuot sa ilong ni Mimay, Diary. Pisti talaga `yon!
Pagod na akong umiyak, Diary. Tulungan mo naman akong mag-isip kung ano’ng magandang gawin kay Mimay, o? Please.
Matutulog na ako, Diary.
P.S.
Nakatanggap pala ako ng regalo kay Inay. Isang malaking bote ng pH care. Saan ko ba `to gagamitin?
Masyadong maganda para umiyak,
Pipay ♥