Malanding Entry #14
Dear Diary,
Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa mga oras na `to. Naloloka ang buong pagkatao ko sa nakikita ko ngayon. Si Prince Leroy ay umiiyak habang nakangiti sa maganda kong mukha. Hindi pa naman ako shotay kaya bakit siya umiiyak? Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan niyang maghintay sa akin nang ganito katagal habang malakas pa ang ulan.
Ang lalaking matagal ko nang gusto. Ang lalaking tatlong taon ko nang pinapangarap, heto nasa harap ko at hindi ko alam ang dahilan ng kanyang pag-iyak.
“Sira na ba ang tuktok mo?! Bakit kailangan mo pang maghintay rito? Kita mong ang lakas ng ulan, eh!” sigaw ko sa kanya. Lumapit ako para kahit papaano, masilungan siya ng payong na dala ko.
“`Di ba, sinabi kong maghihintay ako kahit ano’ng mangyari?” nakangiti niyang sagot sa akin.
Ibang-iba sa pakiramdam ang ngiti niya, Diary. Parang gusto ko lang lagi na nakangiti siya sa akin instead na lagi niya akong sinisimangutan, iniirapan at minumura.
“Alam kong pupunta ka kaya hindi ako umalis, Pipay. Alam kong darating ka.”
“Pumunta lang ako rito para sabihing umuwi ka na. Baka magkasakit ka. Sige na, aalis na ako.”
Lalakad na sana ako palayo sa kanya pero naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko.
“B-bakit?” kinakabahan kong tanong sa kanya.
“Hindi ka aalis hangga’t hindi ko nasasabi sa `yo ang mga bagay na matagal ko nang dapat sinabi, Pipay!”
Namalayan ko na lang ang sarili ko nang yakap niya ako nang mahigpit, Diary. Nanunuot na sa suot kong T-shirt ang basang katawan ni Prince.
Shutang inerns. Baka bumakat ang boobs ko ngayong wala pa naman akong suot na bra. Pero keri na. Flat-chested naman pala ako kaya walang babakat.
“Ano ba’ng pinagsasabi mo, Prince? Hindi kita maintindihan.”
Sinusubukan ko siyang itulak para mapalayo ako sa pagkakayakap niya. Nakakahiya kung may taong makakakita.
Ano `to? Eksena sa isang teleserye kung saan yakap ng bidang lalaki ang magandang dilag? Hihi! Ano kaya’ng magandang title ng movie namin? A Hug In The Rain? Char!
“Gusto ko lang malaman, Pipay, ano ba si Josh sa `yo?” Naramdaman ko na ang mainit na hininga ni Prince Leroy sa leeg ko. Halos manginig ang buong pagkatao ko dahil doon. Kahit ang lamig ng buong paligid, nag-iinit ang balat naming dalawa.
“Gusto kong malaman, Pipay. Sabihin mo sa akin.”
“Bakit ko naman sasabihin sa `yo? Wala ka namang pakialam, `di ba?” Itinulak ko siya. “Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Baka may makakita pa sa atin dito. Ayokong mag-away kami ni Josh dahil dito. Ayoko siyang malungkot at masaktan!”
“Hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung ano si Josh sa `yo!” inis na sabi ni Prince sa akin, Diary. Shutang inerns! Mukhang wala akong choice kundi sagutin ang tanong ng lalaking `to na nakayakap sa akin nang mahigpit.
“Okay, okay...” Huminga ako nang malalim. “Hindi ko pa sure kung mahal ko na ba si Josh o hindi. Pero importante siya sa akin, to the point na gusto kong suklian ang mga kabutihan at pagmamahal na ipinaparamdam niya sa akin. Siya ang unang tao na nagpakita ng interes sa akin. Ipinaparamdam niya sa akin na kahit hindi ako kasingganda o kasing-sexy tulad ng ibang babae, still may something pa rin sa akin na puwedeng mahalin.
Si Josh `yong tao na gusto kong makitang laging masaya. Wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya pero pagdating sa akin, overprotective siya. Okay lang sa kanya na masaktan siya pero `wag lang ako. Si Josh `yong tipo ng tao na masarap kasama araw-araw. Hindi ko alam kung pagmamahal na ba ito o ano! Pero sa bait ni Josh, alam kong isang araw magigising na lang ako na mahal ko na siya.”
Naramdaman kong nakangiti ako habang kinukuwento si Josh.
“So utang na labas, Prince. Let me go! English na `yan, ah!”
“Ganoon pala kaimportante si Josh sa `yo?” malungkot ang boses ni Prince. Dahan-dahan niya akong pinakawalan mula sa pagkakayakap niya.
“Eh, ako, Pipay? Ano ako sa `yo? `Di ba, ako ang mahal mo?” Nakatingin siya sa mga mata ko. Pansin ko na ang mga luha sa gilid ng mga mata ni Prince. Alam kong luha iyon dahil feeler ako (char!)—este, kahit umuulan. Naloloka na ako, Diary.
“Anong ikaw?” naguguluhan kong tanong sa kanya. “Sa totoo lang, Prince, mahalaga ka pa rin sa akin pero hindi na tulad ng dati. I have Josh now. Siya na ang priority ko. Tatlong taon ang sinayang ko sa `yo. Tatlong taon kong ipinakita at ipinaramdam kung gaano kita kagusto pero wala kang pakialam. Nasayang lang ang effort ko. Natutunan ko na ang puso pala ay hindi nagsasawang magmahal pero napapagod naman.”
“Ah, ganoon ba?” sagot niya sa akin. Tumayo si Prince nang deresto `tapos tumingin sa akin. “Makinig kang mabuti sa sasabihin ko, Pipay, then ikaw na ang bahalang magdesisyon kung ano ba ako sa `yo... First year pa lang tayo, gusto na kita... Ay, mali, dahil mahal na pala kita noon. Could you imagine that, Pipay? I’ve been in love with you for like forever.”
Nagulat ako sa sinabi ni Prince. Si Prince Leroy? Matagal na akong mahal? Shutang inerns! Gisingin mo `ko, Diary! Baka nananaginip lang ako.
“But I didn’t have the balls to confess. I satisfied myself by looking at you from afar, smiling when you were smiling, hurting myself so bad whenever I saw you being insulted by others, and punching myself hard `cause I couldn’t even protect you from them.”
“You are too innocent, Pipay. You are too kind to others. Hindi ka man lang lumalaban kahit na iniinsulto na nila ang buong pagkatao mo. That’s why I think you are the most amazing girl I’ve ever met.”
“One time, habang nasa labas ako ng bahay n’yo, nakita ako ng tatay mo. He asked me kung ano’ng ginagawa ko sa tapat ng bahay n’yo dahil araw-araw niya akong nakikitang tumatambay roon. I said that I was watching you `cause I love you.” Ngumiti sa akin si Prince. Nakita kong tumulo na ang luha sa mga mata niya.
“Nagalit siya sa akin because of that but I was too persistent to express my undying love for you. Sabi niya, papayag siyang maging akin ka in one condition: Lalayuan kita hanggang maka-graduate tayo ng college. `Yon lang daw ang alam niyang paraan para malaman kung totoo ba ang pagmamahal at feelings ko for you. Masyadong mahirap `yon, Pipay. We are still in high school. Marami pang taon ang lilipas, pero I accepted it. Gusto kong patunayan sa tatay mo na seryoso ako sa `yo. The years passed by at unti-unti mo akong nakikilala.”
Napatunganga ako. Hindi ko alam na nagkakilala na pala sila ni Itay dati. Kaya pala bago umalis si Itay, sinabi niya sa akin na okay lang daw kung umalis siya ng bansa dahil alam niya naman na may lalaking magpoprotekta sa akin habang wala siya.
“Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang sinabi mo sa buong classroom na crush mo `ko. Umiyak ako sa bahay noon, Pipay. Happy was not enough to describe my feelings back then. Pero biglang nawala ang kasiyahan ko noong naisip ko ang usapan namin ng tatay mo. Sinabi ko sa sarili ko na kailangan kitang tiisin. Kailangang hindi ako magpakita ng kahit anong motibo sa `yo for you to find out na mutual lang ang feelings natin. Because if I did, the game will be over and I’ll lose you forever. Hindi ko kaya `yon, Pipay. Hindi ko kayang mawala ka sa akin.”
Patuloy lang sa pagluha si Prince habang nakatingin sa akin nang seryoso. Hindi ko na masyadong maintindihan ang mga sinasabi niya pero dahil maganda ako, nakikinig pa rin ako.
“Everyday na magkikita tayo, you were expressing your love for me. Kahit gusto kitang yakapin, hindi ko magawa dahil pakiramdam ko, I’m not the right guy for you kapag natalo ako sa dare. Kaya I did my best to push you away, for you to feel that I’m disgusted with your existence. Nakikita kong nasasaktan kita sa bawat masasakit na salitang itinatapon ko sa `yo but to tell you honestly, mas dobleng sakit ang naramdaman ko. Parang sinusuntok ko ang pader dahil ako lang din naman ang nasasaktan. Pero kahit na maraming beses na kitang sinaktan, still you were too persistent to be my girlfriend. Tuwang-tuwa ako, Pipay, at iniisip ko na lang na kaunting tiis na lang dahil makakapag-confess din ako sa `yo.”
“But things became tough. Nakalimutan kong masyado ka palang makulit, Pipay. I was scared that I might hug you anytime and kiss you passionately. Kaya naman, ginawa kong syota si Mimay para naman lumayo ka sa akin in the meantime. Alam kong nasasaktan ka dahil halata naman sa mga tingin mo pero wala akong magawa, Pipay. Ito lang ang alam kong paraan para maipaglaban ka. Para akong susugod sa isang giyera at makikipagpatayan para lang makuha ka, Pipay. Do you even understand? Ganito ka kahalaga sa akin.”
“Pero the nightmare that I’ve been dreading for too long came. May isang lalaki na nakapansin sa `yo. May isang lalaki na handang ipaglaban ka just for your love. He saw your beauty the same way I saw it. Every time na makikita ko kayong sweet sa isa’t isa, para akong pinapatay sa loob ko. I cannot even describe how I feel. Basta ang tangi ko lang alam ay parang milyon-milyong patalim ang bumabaon sa puso ko. Kapag nakikita kong hawak niya ang kamay mo, gusto ko siyang suntukin, Pipay. Gusto ko siyang patayin dahil inaagaw niya ang puwesto ko. Ako dapat ang nasa puso mo, eh. Ako dapat ang may may-ari at laman niyan at hindi siya.”
“I even saw your transformation because of him. You became more girly and neat. That’s what being in love does, right? Pero sa totoo lang, mas gusto ko `yong dating ikaw. I want the old Pipay—`yong Pipay na walang pakialam sa sarili, `yong Pipay na hindi palaayos. Dahil kapag ganoon ka pa rin, ako lang ang lalaking mag-aabalang ma-in love sa `yo. Ako lang ang lalaking magmamahal sa `yo at sigurado akong wala akong kaagaw. But I don’t have the right to lecture you kung ano’ng kailangan mong gawin. Kasi hindi ka naman sa akin.”
“Hahahahaha!”
Nagulat ako ang biglang tumawa si Prince. Isang tawa na hindi totoo, para lang mapagtakpan ang kahinaan niya sa mga oras na ito.
“`Tangina! I wasted years fighting for my love for you yet in one snap, someone stole you away from me. Alam mo ba `yong nararamdaman ko ngayon, Pipay? Ang sakit-sakit, Pipay... Ang sakit-sakit dito sa loob ng puso ko. Mas mabuting mamatay na lang ako kaysa maramdaman ko ang ganitong sakit.”
Tumingala si Prince. Hinahayaan niya lang bumagsak ang mga patak ng ulan sa mukha niya pero kitang-kita ko pa rin `yong pagbagsak ng luha sa mga pisngi niya.
“Watching my love loving and being happy with somebody else is the most hurtful view ever. I am so pathetic for crying like this but can you blame me? Masisisi mo ba ako kung ganito lang talaga kita kamahal?”
Napaluhod na si Prince sa lupa at tuluyan nang umiyak at humagulhol, Diary. Tanging pag-iyak lang ni Prince at buhos ng malakas na ulan ang naririnig ko sa paligid. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Prince ngayon. Namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak na rin pala. Pakiramdam ko, ang sakit din ng puso ko pero alam kong wala pa ito kompara sa nararanasan ni Prince.
“Hindi mo dapat ako nakikita na ganito kahina, Pipay.”
Narinig kong nagsalita ulit si Prince kahit nakayuko na siya. Nabahiran na ng putik ang puting polo ni Prince.
“Hindi mo dapat ako nakikita na umiiyak. You are supposed to rely on me. Ako dapat ang nagpoprotekta sa `yo. But I can’t help myself. Wala akong ibang magawa kundi umiyak na lang dahil natatakot akong tuluyan ka nang mawala sa akin. Losing you for good scares me the most.”
Dahan-dahan akong lumapit kay Prince at pinayungan siya.
“Hindi ko alam, Prince, kung ano’ng dapat kong maramdaman ngayon. Masyadong magulo ang mga nangyayari. Sana matagal mo nang sinabi `yan. Sana sinabi mo `yan noong mga panahong wala pang Josh sa buhay ko.”
Bakit ganito? Bakit nasasaktan ako nang sinabi ko `yon kay Prince? Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka? Nasasaktan ka? Kung ganito kasakit magmahal, ayaw ko nang magmahal. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayokong makasakit ng taong mahalaga sa akin.
“Pipay, please... Sleep with me tonight.” Nagulat ako sa sinabi niya. “Please, Pipay. Nagmamakaawa ako sa `yo. Sleep with me tonight. Baka kung ano’ng magawa ko sa sarili ko. Baka mapatay ko ang sarili ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ikaw lang ang kailangan ko. Sleep with me tonight, please.”
Napahawak si Prince sa shorts ko at nagmamakaawa na matulog akong kasama siya.
Shutang inerns, Diary! Ano’ng gagawin ko? Sleep with him tonight daw. Prince + Pipay + Cold night = Barurot all night. Omaygad! What should I do? Help me, Diary. Help me!!!
Naloloka na ngayong gabi pero pretty pa rin,
Pipay