Madramang Entry #34
Dear Diary,
Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi, Diary. Hindi dahil excited ako sa Miss January Girl 2014 ngayong araw—well, ahihi, siyempre medyo excited rin ako. Siyempre, ngayon ko ipapamukha kay Mimay na ako ang mas maganda sa aming dalawa.
Nasa’n na ba ako? Ay, `ayun, Diary, inisip ko kasi iyong echos ni Prince kahapon sa school. Bakit kaya hindi nagpaparamdam ang lalaking iyon sa akin? Hindi naman siya galit, Diary, `di ba? Saka bakit siya aalis ng school? Saan siya pupunta?
Sa sobrang ganda ko ba, Diary, hindi niya matanggap na basted siya at mas pinili niyang mag-move on na malayo sa akin? Hay, Diary. Ang hirap talaga kapag sobrang ganda, `no? Ang dami kasing nagkakandarapa sa `yo. Gustuhin ko man na sagutin silang lahat kaso hindi puwede, eh. Si Josh lang ang gusto ng pempem at puso ko. Ahihi!
“Tumingin ka sa taas. Lalagyan natin ng eyeliner ang mga mata mo,” narinig kong sabi ng baklang nagme-make up sa akin, Diary.
Kahapon, Diary, pinuntahan ko ang bahay nina Prince para malaman kung ano ba talaga ang ginagawa niya sa bahay nila. Kaso wala namang tao at tanging aso lang nila ang naabutan ko.
“Awwww awww awww!” pagtahol sa akin ng aso nila.
“Awwww awww awww!” sagot ko naman sa aso nila.
“Aww awww aww?” Tinanong ko kasi kung nasaan ang mga tao kina Prince.
“Aww awww!” sagot naman ng aso. “Aww aww awww!” Hindi niya raw alam, Diary.
Umuwi na lang tuloy akong malungkot at nag-post na lang ng status sa Facebook na: “Ang lungkot ko pero maintain ang kagandahan.” `Ayun, Diary, puro mura ang natanggap ko sa mga comment. Mga insecure!
“Ngiti ka, girl. Lagyan natin ng blush on ang mga pisngi mo.” Ngumiti naman ako tulad ng sinabi ng bading.
“Aray ko! Shutang inerns! Sakit mo maglagay ng blush on. May balak ka bang burahin ang mga pisngi ko?” singhal ko kay Bading, Diary. Paano ba naman? Todo-kayod ng blush on sa pisngi ko.
“Ay, sorry na. Ang itim mo kasi. Ang hirap lagyan ng blush on, hindi kumakapit,” paghingi niya ng tawad.
“Kung nahihirapan ka sa trabaho mo, bumalik ka na lang ng bundok at magtanim ka ng sayote’t kamote!” sigaw ko sa kanya.
“Hoy, Pilar! Bakit mo sinisigawan `yang si Regine? Aba, pasalamat ka kahit patay lang mini-make up-an niya, pumayag na siyang make up-an ka. Lahat na lang ng kinukuha kong magme-make up sa `yo, tumatanggi! Hindi raw kaya ng makeup ang mukha mo. Himala raw!” sigaw ng nanay kong boksingera mula sa sala.
“Sorry pooooo.”
“Talak kasi nang talak. Feeling maganda.” Tinaasan pa ako ng kilay ni Regine, Diary!
Lakas maka-Regine ng pangalan, ang mukha naman, Ogie Alcasid.
Noong natapos na akong make up-an, dumeresto na rin ako sa sala para isuot ang pula kong gown. Ahihi! Lahat ng tao sa sala namin, namangha sa damit pero hindi sa hitsura ko, Diary.
“Ang ganda ng damit kaso ang panget ng nagsusuot.”
“Ang damit, branded. Ang mukha, grounded.”
“Elegante ang damit, ah. Pero mukha ni Pipay, mukhang elepante.”
Shutang inerns `tong mga amiga ni Inay, Diary! Mga insecure! Palibhasa hindi naisali ang mga anak nila sa Miss January Girl 2014, eh. Mga chaka kasi kaya ang magaganda ang inaapi!
Nag-selfie-selfie muna ako saka ko narinig si Inay na dumating na raw si Josh, Diary. Ahihi! Tama ka, Diary. Napakilala ko na si Inay kay Josh. Tuwang-tuwa nga si Inay dahil finally raw, may boyfriend na ako at kahit papaano, marunong na raw akong mag-ayos sa sarili ko.
“Wow, Pipay! Ano’ng gayuma ang ipinainom mo sa guwapong binata na `to?”
“Pipay, regaluhan mo ng helmet itong guwapong `to. Baka mauntog at iwan ka bigla.”
“Naku, hijo. Kaguwapo mong bata pero bakit nag-jowa ka ng unggoy?”
“Ay, o. Oo, Aling Tekla, Aling Kiray at Aling Minggay, `wag n’yo kong gawing salamin. Todo-lait lang, ah?” sabi ko sa kanila saka hawak sa braso ni Josh para hilahin papunta sa kusina. “Tara na nga, Josh. `Wag kang makikinig sa mga sinasabi ng matatanda. Malas!”
“Wait, may sasabihin lang ako sa kanila.” Huminto si Josh sa tapat ng tatlo saka ngumiti nang magalang. “Naging girlfriend ko po si Pipay dahil gusto kong patunayan na kahit ang uri niyang babae ay deserving mahalin. Maaaring hindi siya kasingganda ng mga anak ninyo pero siya lang naman ang nagpapaganda sa mundo ko.”
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Josh, Diary. Naiwang nakanganga sina Aling Tekla dahil sa sinabi ni Josh. Hinawakan ni Josh nang mahigpit ang kamay ko saka siya kumapit sa baywang ko at dumeresto na kami sa kusina. Ahihi! Clingy much si Josh, Diary.
“Saang site mo naman nakuha ang sinabi mo, aber?”
“Site ka diyan?” sabi niya na nakasimangot. “Galing dito `yon, `no?” Itinuro niya ang puso niya.
“Ahihi! Cheesy much!”
Inilagay ni Josh ang dalawang kamay ko sa balikat niya habang ang dalawang kamay niya, sa pagitan naman ng balakang ko. Para tuloy kaming sumasayaw.
“Ang ganda mo ngayon,” nakangiting sabi ni Josh habang nakatingin sa mga mata ko. “I mean, mas lalo kang gumanda.”
“Tse! Alam ko na `yan. Kaya `wag mo na akong papakawalan or else magsisisi ka.” Inirapan ko siya.
Hinawakan ni Josh ang mga pisngi ko saka iniharap ako sa mukha niya. Ilang inches na lang ang layo niya sa mukha ko at magkakadikit na ang mga labi naming dalawa.
“Sino ba’ng nagsabing papakawalan pa kita?” Ngumisi siya. “Kung puwede nga lang, pakasalan na kita para akin ka na habang-buhay, eh.”
“Ehhhhh. Kenekeleg eke!”
Bigla akong hinalikan ni Josh sa mga labi nang mariin. Nalagyan tuloy ng lipstick ang labi niya.
“I love you, Pipay,” seryoso niyang sabi sa akin. “Hindi ko ma-imagine na ibang babae ang kadikit at kayakap ko nang ganito. Tanging ikaw lang ang gusto kong kasama at kadikit nang ganito.”
“Ako rin, Josh,” sagot ko naman sa kanya. “Hindi ko ma-imagine na ibang lalaki ang kayakap ko nang ganito. IcKaw LhArn TalAgA SaPaT nHuah.”
“Promise?” Tumaas-taas pa ang mga kilay niya. “To the pempem and back?”
“Promise,” sagot ko. “To the pempem and back and forth!”
Tinawag na kami ni Inay para pumunta sa court dahil magsisimula na raw ang pageant. Paglabas namin ni Josh ng bahay, nagulat kami dahil tanging isang tricycle lang ang sasakyan namin, eh, halos nasa kinse katao ang sasama at susuporta sa akin.
“Ay, o! Saan n’yo kami balak paupuin ni Josh?” tanong ko sa kanila
“Dito si Kuya Josh sa tabi ko, Ate Pipay,” sabi ng kapatid kong si Popoy na nasa loob ng tricycle.
Agad namang pumasok si Josh sa loob ng tricycle at nakipagsiksikan na para makaupo. Ako na lang ang naiwang nakatayo sa labas. Wow! Kyot ng mga `to, Diary!
“Kayo, nakaupo na samantalang ako `tong candidate, `di pa nakakaupo. Kyot n’yo rin, eh,” sabi ko sa kanila.
“`Wag ka nang mag-inarte, Pilar. Simulan mo nang maglakad. Kita-kits na lang sa plaza. Ba-bye!” sigaw naman ng nanay kong ever supportive sa akin. “Manong, sa plaza ho.”
Saka naunang umalis ang tricycle at ang lahat, nag-wave pa sa akin. Shutang inerns itong mga `to! Pinabayaan akong maglakad papuntang plaza na naka-gown. Go! Kiber ko sa kanila? Kunwari Flores De Mayo. LOL!
Habang naglalakad ako, nagmi-Miss Universe wave pa ako. May nakasalubong pa akong mga bata na nakatingin sa akin at manghang-mangha.
“Mommy, look, o. `Yong monkey, naka-gown.”
“Mommy, Mommy, may perya `ata ngayon. `Yong monkey, o!”
“Wow, Mommy, ang cute n’ong monkey. Mukhang clown.”
Napasingkit ang mga mata ko nang nilagpasan ko ang tatlong batang `yon habang kasama ang mga nanay nila. Pinipigilan ko ang sarili ko na `wag tanggalin ang suot kong sandals na may takong at baka ibaon ko sa mga bumbunan nila.
Palapit na ako ng plaza nang makita ko ang isang truck ng basura na nagpa-park at laking gulat ko na sasakyan pala iyon ni Mimay. Nasa taas siya ng truck at nakaupo pa. Ang gaga, puting gown nga ang sinuot. Ipinagsiksikan ang sarili sa gown. Kawawang gown!
“HOY, PILAR, HANDA KA NA BANG MATALO?” pang-aasar niya sa akin.
“Tse! Pampamalas!” Inirapan ko naman siya.
May nakita akong tarpaulin na nakalagay sa entrance kaya naman binasa ko ang nakasulat.
Who will win the first ever Miss January Girl 2014 of Brgy. Las Phag?
Just text: RIP
Example: RIP BEAUTY PILAR
Ahihi! Ako na `yan. Ako na ang mananalo diyan. Ako ang ginawang example, eh. Ano ba ang meaning ng RIP, Diary? RAPE IN PEACE? Gahasain nang tahimik si Pipay? OMG, Diary! Ako ang gusto nilang gahasain nang tahimik. LOL!
Dumeretso na ako sa backstage, Diary, pagpasok ko sa loob. Nakita kong nakaupo na ang fans ko sa harap at todo-sigaw nang napansin ang beauty ko. Si Josh pumalakpak pa at sumigaw ng: “Girlfriend ko `yan! Proud boyfriend here!”
Para sa mga taong nagmamahal sa akin, gagawin ko ang lahat para lang maiuwi ang crown and sash and one-year supply ng bigas iyong luto na.
Nag-formation na kami sa likuran para sa opening remarks. Katabi ko na rin ang lalaking ka-partner ko sa sayaw. Dapat si Josh ang partner ko pero hindi na siya makahabol sa steps, eh. Kaya, no choice.
Napatingin ako sa harap, Diary, at nakita ko si Prince na nakatalikod sa akin at katabi si Mimay. Shutang inerns! May plano pa pala itong si Prince na magpakita? Kay Mimay, nagpapakita siya pero sa akin, hindi? Wow! Impressive.
Lalapit sana ako pero pinagalitan ako ng organizer dahil ang epal ko raw, Diary.
Habang sumasayaw kami, Diary, hindi ko mapigilang hindi tingnan si Prince. Nakangiti siya kay Mimay pero `pag magtatama ang mga tingin namin, agad siyang umiiwas.
“Aray ko.” Natapakan ko ang paa ng ka-partner ko.
“Sorry. `Yan kasing paa mo, paharang-harang,” sagot ko sa kanya.
Ending, natapos ang sayaw namin na hindi man lang kami nagkatinginan. Napansin ko ring nakatingin si Josh kay Prince. Ano kaya ang iniisip ni Bebe Josh ko? Na si Prince pala ang gusto niya at hindi ako? Haha! Joke only.
Nang natapos na kaming sumayaw, Diary, agad bumaba ang mga male partner namin at kaming mga contestant na lang ang naiwan sa stage. Walang tanggalan na magaganap dahil question and answer ang mangyayari. Lahat kami, tatanungin at agad pipiliin ang mananalo.
Number eight si Mirasol habang ako naman, number ten.
“If you’re going to be a cactus, why?” tanong ng host kay number one.
“Because I do believe that being a cactus is cute.”
“If you’re going to die tomorrow, why not now?” tanong naman ng host kay Number two.
“Are you in a hurry? You go first.”
Omaygad, Diary! English speaking sila! Shet! Sana pala nagbasa ako ng maraming quotes sa Twitter kagabi. Mukhang battle of the quotes ang labanan.
“What do you prefer the most? Getting slapped by many people in front of your mother or getting slapped by your mother in front of many people?” tanong ng host no’ng na kay Number seven na.
“Slap you in front of these people.” Saka sinampal ni Number seven ang host sa harap ng audience. Eh, di naloka siya.
Hawak-hawak ng host ang pisngi niya nang nasa tapat na siya ni Mimay, Diary. Itong balyenang pusit naman, todo-ngiti. Labas tuloy ang maitim niyang gilagid.
“And for number eight. Here’s your question,” sabi ng host. “If Log“2n”(1944) = Log“n”(486√2), determine the value of n^6.”
Natulala si Mimay, Diary, at unti-unting nilabasan ng itim na dugo ang ilong niya. Taray ni Mimay. Pati ilong, nireregla!
“Two?” hindi niya siguradong sagot, Diary.
“Wrong,” deretsong sagot sa kanya ng host saka siya dinilaan.
Hindi ko na narinig ang tanong ng host kay Number nine dahil todo-kaba na ang nararamdaman ko, Diary. Tinawag ko na lahat ng santong kilala ko para tulungan ako sa tanong na ibibigay sa akin.
Lord, sana `wag English. Lord, sana `wag English.
“And last but not the least...” ` a yan na, shet! “Here’s your question, candidate number ten...” ngumiti ang host sa akin. “What is love?”
Huminga ako nang malalim saka inagaw ang microphone sa host.
“What is love?” sabi ko sa lahat ng nanonood. “Ilang beses ko na ring itinanong sa sarili ko kung ano ba talaga ang love. Ito ba `yong pakiramdam na masaya ka? O ito ba `yong pakiramdam na nasasaktan ka? Pero ni isang sagot, walang naging malinaw dahil, ladies and gentlemen, and everybody in between, love is undefinable. Love is the greatest feeling of all. Love is blind. Love is happiness. Love is sadness. Chos! “ She’s Dating The Gangster” lang. Pero para sa akin, ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal ay nakikita sa puso at hindi sa bibig ng nasa paligid mo. That would be all. Thank you!”
Isang malakas na sigawan ang narinig ko mula sa lahat ng nanood, Diary. Lahat sila, tuwang-tuwa at isinisigaw ang pangalan ko.
“Okay. Mukhang alam na natin kung sino ang panalo, ah?” nakangiting sabi ng judge, Diary. “Hindi na natin patatagalin pa... And the winner is none other than...”
“Candidate number....”
After ng Miss January Girl 2014, Diary, umiyak na lang ako nang umiyak nang nakausap ko si Prince. Hindi ko matanggap ang sinabi niya...
Dapat masaya ako, eh, pero bakit ang lungkot ko?
Masakit, Kuya Eddy.
Umiiyak dahil sa sinabi ni Prince,
Pipay of Ms. January Girl 2014