Malanding Entry #15
Dear Diary,
Saglit akong napatitig kay Prince, Diary, dahil sa sinabi niyang “Sleep with me tonight.” Bahagyang bumilis ang kabog ng pempem ko—este, puso ko sa sinabi niya.
Wat iz da mining of diz? Seryoso ba siya sa gusto niyang mangyari, Diary? Ahihihihi! Hindi ko ine-expect na sasabihin ni Prince ang mga salitang iyon ngayong malamig ang panahon pero kasi... ahihihi! Wait, kinikilig ako. Ahihihi! Pero kasi iba na ang sitwasyon ngayon, Diary.
Iba na ang sitwasyon dahil hindi na si Prince ang gusto kong makabutas sa akin. Hindi na siya ang taong gusto kong makapasok sa kuweba ni Eva gamit ang espada ni Adan, Diary. Sana kung dati niya pa sinabi iyan, kahit ora mismo rito sa kinatatayuan namin, papayag ako matulog kasama siya. Pero ayoko dahil kapag natulog akong kasama siya, para ko na ring niloko si Josh. Ay, hindi pala “parang” dahil niloko ko na siya n’on. Ayokong masaktan si Josh. Ayokong-ayoko talaga.
Si Josh na walang malay. Si Josh na walang kasalanan. Si Josh na ang tanging kasalanan ay maging anak sa labas... Chos! O, `di ba? Naisingit ko pa ang line ni Vilma Santos sa pag-e-emote ko ngayon. Si Inay kasi, eh. Masyadong favorite si Ms. Vilma.
“Hindi puwede. Magagalit si Josh.”
Nagulat si Prince, Diary. Bakit? Hindi niya ba ine-expect na kaya kong sabihin ang mga salitang iyon? Na akala niya kapag nag-confess siya sa akin, magbabago ang isip ko? Parehas lang naman kaming nag-suffer, Diary, `di ba?
He chose to accept my father’s dare. I chose to express my undying love for him. In the end, parehas lang kaming nasaktan kaya wala siyang karapatang sumbatan ako, Diary, `di ba? Me is so bright talaga!
“Pero bakit?” hindi makapaniwala niyang sagot. Lumapit ako sa kanya `tapos kinuha ang isang kamay niya at Ipinasok sa loob ng shorts ko.
`AYAN! PAKIRAMDAMAN MO KUNG KANINONG PANGALAN ANG ITINITIBOK NG PEMPEM KO!!! Echos! Pinahawak ko sa kanya ang payong saka ako tumakbo palayo sa kanya.
Narinig ko pa ang maganda kong pangalan na tinatawag niya pero hindi na ako lumingon. Kailangan ko nang umuwi para makapag-isip muna nang maayos. Shutang inerns naman! Hirap na nga ako sa pag-iisip ng Trigo at Physics namin, ngayon, may dadagdag pa sa listahan ng kailangan kong isipin.
SHUTANG INERNS talaga, Diary! Sana lang may formula at solution ang pagmamahal, ano? Para madali nating mabigyan ng kasagutan ang ilang katanungan. Kaso wala, eh. You cannot define love easily, because love is undefinable. O, ano’ng sinabi n’yo? Nakakapagsabi pa ako ng quote sa mga oras na `to.
`Ayan, basang-basa na tuloy ako ng ulan dahil iniwanan ko kay Prince ang payong na dala ko. Mas kailangan niya iyon since medyo malayo pa ang bahay niya kaysa sa akin na ilang kanto lang ang layo sa plaza.
So `eto, Diary, habang tumatakbo ako, ginagahasa ng ulan ang buo kong katawan. Wala nang silbi kahit tumakbo pa ako nang mabilis kaya naglakad na lang ako. Para tuloy akong gumagawa ng music video.
“I can make it through the rain. I can make it once a again. On my own and I know that I’m stronger to make.” Tama ba ang lyrics ko, Diary? Leche naman! Basta iyon na `yon.
Naguguluhan talaga ako, Diary. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Huhuhuhu! Ba’t kasi ang ganda-ganda ko? Ang super duper ganda— shutang inerns!
Biglang kumulog nang malakas. Ano `to? Pati ang kalangitan, hindi pabor sa kagandahan ko? Isa pa nga. Ang ganda-ganda—oo na! Shutang inerns! Hindi na ako maganda. `Wag ka nang kumidlat. KJ ng mga futa!
Pagdating ko sa bahay, tinalakan ako ni Inay nang super bongga. Ang hilig ko raw magpaulan. Nagalit pa dahil winala ko ang payong na bitbit ko kanina. Avon pa naman daw iyon. Kaloka talaga `tong si Inay. Basta Avon, mahalaga.
Umakyat na ako sa kuwarto ko... Joke! Wala pala kaming second floor, Diary. Ahihihi! Feeler much. Pumunta na ako sa kuwarto ko at nagpalit ng pantulog. Itinulog ko na lang ang mga gumagambala sa maliit kong utak. `Kainis! Sana bukas wala na `to, Diary.
Late na akong nagising, Diary, dahil masyado akong napasarap sa pagtulog. Ano’ng lasa? Lasang adobong patola ni Josh. Ahihi, charot lang. Dahil late na ako sa pagpasok, hindi na ako kumain kundi naligo na lang nang mabilis. Tatlong buhos ng tubig and I’m off to school na. Hindi na ako naghugas ng pempem since kakahugas ko lang noong isang araw. Malinis pa naman, Diary.
“Ang ganda ko talaga,” sabi ko sa sarili ko habang nag-aayos sa harap ng salamin.
Nagulat ako dahil biglang nagkaroon ng lamat iyong salamin. Kitam! Sa sobrang ganda ko, pati salamin, nababasag. A+ sa pagiging positive.
Palabas na ako ng bahay nang bigla kong naisip na makikita ko na naman si Prince Leroy. Dati, excited akong pumasok araw-araw at kung minsan pa nga alas-tres pa lang nang madaling araw, gusto ko nang pumasok. Kahit ako na ang magbukas ng school, ayos lang sa akin makita ko lang agad ang pagmumukha ni Prince. Pero ngayon, iba na. Ahuhuhu! Sana absent siya ngayon. Sana nagkasakit ang guwapong Prince para hindi maging awkward ang atmosphere sa pagitan namin.
“Pipay, tulala ka `ata?” Nasa harap ko na pala si Josh, hindi ko man lang napansin. “Kulang ka `ata sa tulog, eh. Smile naman diyan. Good morning.”
Nagliwanag na naman ang buong paligid ko dahil sa ngiti ni Josh. Ang guwapo-guwapo talaga ni Josh tuwing umaga kapag sinusundo niya ako. Ang guwapo niya sa uniform namin.
“Oo, kulang ang tulog ko. Ikaw kasi, eh. Hanggang panaginip, sinusundan mo ako. Ahihihi!” pagsisinungaling ko sa kanya. Nakita kong biglang namula si Josh dahil sa sinabi ko. May nasabi ba akong nakakahiya, Diary?
“Bakit ka namumula?”
“Kinilig lang ako sa sinabi mo,” nahihiya niyang sagot sa akin. “Masaya lang ako dahil napapanaginipan mo rin pala ako. Akala ko tanging ako lang ang nakakapanaginip sa `yo, pati rin pala ikaw.” Kinuha niya ang bag ko. “Ako na ang magbitbit ng bag mo.”
“Ha? Bakit? Ako na. Kaya ko naman,” pagtanggi ko.
“Ako na, Pipay. Para walang istorbo sa pag-holding hands natin.” Kinilig din ako sa sinabi ni Josh pero hindi ako katulad niyang namula, dahil sigurado akong nangitim lang ako lalo. Shutang inerns! Disadvantage ng maiitim—kapag kinikilig ka lalo kang mangingitim.
Pansin kong lahat ng taong makakasalubong namin ay pinagtitinginan kami ni Josh dahil magkahawak kami ng kamay. Ang iba, nagtatawanan pa at nagbubulungan pero walang pakialam si Josh. Nakatingin lang siya sa harap namin `tapos paminsan-minsan, titingin sa akin at ngingiti. Naisip ko tuloy bigla na kaya ko bang saktan itong lalaking `to? Ang lalaking walang ibang ginawa kundi tanggapin at pasayahin ako? Hindi ko `ata makakayang mawala ang ngiti niya sa akin.
Inihatid ako ni Josh sa tapat ng classroom as usual. Sabi niya, manood raw ako ng practice nila ng basketball mamaya. Pumayag naman ako since supportive girlfriend ako, `di ba, Diary?
Kinurot pa ni Josh ang pisngi ko bago siya umalis. Gusto ko sanang sabihin na: “Josh, baka magselos ang pisngi ng pempem ko, kurutin mo rin sila” kaso nakaalis na siya, eh. Sayang. Ahihihi!
Todo-silip muna ako sa loob ng classroom para silipin kung nandiyan na ba si Prince o wala pa. Nakahinga ako nang maluwag nang nakita kong bakante ang upuan niya, Diary. Mukhang hindi siya papasok ngayon. Nagkasakit kaya siya? Basang-basa kasi siya dahil sa ulan kagabi, eh. Sana ayos lang siya ngayon.
“Hay, naku! `Andiyan na ang impakta!” narinig kong sabi ni Mimay nang papalapit ako sa kanila.
Nakaharang kasi sila sa dinaraanan, eh. Feeling pag-aari. Pag-aari na nga ang karagatan pati ba naman ang kalupaan, aangkinin ng gaga! Ano ba `tong anak ni Ursula?
“Magandang umaga rin, anak ni Ursula,” bulong ko na lang sa sarili ko. Wala akong panahon makipagtalo sa kampon ng kadiliman.
“Bakit hindi papasok si Prince mo, Mimay? May training pa naman sila mamaya ng basketball, `di ba?” tanong ng alipin ng gaga.
“Napagod kasi kagabi si Prince ko. Alam n’yo naman kapag maganda, gabi-gabing kinakama ng boyfriend.”
Napaikot na lang ang mga mata ko sa kasinungalingan ni Mimay. Jusko! Ang gaga, ang lakas makailusyon. Napagod pa raw, ah. Oo, napagod sa paghihintay sa akin sa tapat ng plaza.
Sino kaya ang sinabihan ng: “Sleep with me tonight” Mimay? Ikaw ba? Ang bakulaw na negra kung ano-ano na naman ang naiisip. Ang dami na naman yatang nalunok na langis galing sa karagatan kaya kung ano-ano ang mga nasasabi ng negrang pusit. Jusko, bagyong Yolanda! Bumalik ka rito. Bakit mo iniwan itong si Mirasol?
Hindi kami sabay mag-lunch break ni Josh dahil may make-up quiz daw sila. Nag-alala tuloy ako kung may alam ba si Josh tungkol sa mga makeup, Diary. Pinag-aaralan pala nila iyon? Kami kasi hindi, eh. Naiwan tuloy ako sa loob ng classroom at dito na lang kumain. Nagulat na lang ako bigla dahil biglang sumulpot si Prince sa harap ko.
“Prince?” gulat kong banggit na pangalan niya.
“Ano, Pipay? Nakapagdesisyon ka na ba?” seryoso niyang tanong sa akin.
Nakatitig lang siya habang nakatayo sa harap ko. Hindi pa nga niya nalalapag ang bag niya, jusko, ito talaga agad ang tanong? Ang hirap, ah.
“Ahehehehe!” Idinaan ko na lang sa tawa ang sagot ko sa kanya. “Joke lang `yong kagabi, `di ba, Prince? Joke lang `yong sinabi mong mahal mo ako, `di ba? Ang galing mo mag-joke, Prince. Ahihihi—”
Naputol ang pagtawa ko nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Kaunting space na lang ang layo, Diary, kitang-kita ko na ang mapupula niyang labi na malapit sa mga labi ko.
“Don’t you dare say that my feelings for you are just a joke!” Kinalampag niya pa ang desk ko, natapon tuloy iyong kinakain ko. Sayang ang bente pesos, letse!
“Pipay, ako `yong tipo ng lalaki na basta gusto ko, pinaghihirapan ko. I became the basketball captain because of my hardwork. I became the class president `cause our classmates know that I have potential. Tatlong taon na akong nagpapakahirap para maging akin ka lang sa takdang-panahon. Tatlong taon ang nasayang sa akin `tapos sasabihin mong joke lang `to? `Tangina! Sana nga joke lang `to, eh. Para hindi ako nahihirapan nang ganito,” sunod-sunod na banat ng salita niya sa akin .
Jusko! Hindi man lang siya hiningal sa sinabi niya? Nag-English na naman ang Kuya Prince n’yo, mga madlang Pemsters! Ano’ng isasagot ko? Leche!
“Kung nahihirapan ka na pala, bakit ka pa nagtitiis? Prince, may Joshua na ako. May Mimay ka na. Tama na...”
“Bakit pa ako nagtitiis? Kasi mahal kita.” Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Prince, Diary. Masyadong maraming feels ang naramdaman ko.
“Mamaya makikipaghiwalay na ako sa kanya. There’s no point in staying with her ngayon pang alam mo na ang feelings ko.”
“What? Makikipaghiwalay ka sa balyenang negra na `yon? Kapag ginawa mo `yon, eh, di sino na lang ang partner ng gaga sa Ms. January Girl 2014?”
“I don’t care kung sino ang partner niya. Wala akong pakialam sa kanya at sa problema niya. Ikaw lang ang kailangan kong problemahin.”
Omaygad! Kapag walang partner ang balyenang negra, paano ko siya matatalo sa contest? Kasi for sure madi-disqualified na siya. No! It cannot be! Kailangan kong ipamukha sa balyenang negra na `yon na ako ang mas maganda sa aming dalawa.
“Mamaya may practice kami ng basketball. Manood ka. May one on one kami ni Josh. Kapag natalo ko siya, gusto kong makipag-date ka sa akin.”
“WHAT? NAHIHIBANG KA NA BA, PRINCE?!”
“`Wag mo `kong ma-what-what, Pipay. That’s an order and not a request. Napagdesisyunan ko nang ipaglaban ka kay Josh. Kaya watch out. You’ll be mine soon.”
Naglakad na siya palabas ng classroom at iniwan akong nakanganga sa sinabi niya.
Oh, Diyos na mahabagin. Pakiputulan naman po ang buhok ko, now na! Naapakan N’yo na sa sobrang haba, eh. Ahuhuhuhu!
Lubos na kinakabahan at the same time maintain ang kagandahan,
Pipay