Madramang Entry #29
Dear Diary,
Hindi ko kinaya ang nakita ko, Diary, kaya napatakbo ako palabas ng school gym namin. Seeing someone I love holding someone else’s hand breaks my heart into pieces. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit dahil sa tagpong iyon. Hindi ko alam kung nakita ba ako ni Josh na nagmamadaling lumabas pero sa tingin ko, hindi niya rin ako napansin, Diary, dahil busy siya sa paghawak ng kamay ni Helena habang ninanamnam ang palakpak ng mga nanood sa pagkanta niya.
Ako naman ang may gusto nito, `di ba? Ako ang may gustong maghiwalay kami pero bakit ako ang nasasaktan nang ganito? Sabihin mo nga sa akin, Diary, na mali ang ginawa ko. Kung mali... mukhang wala na rin naman akong magagawa dahil galit na si Josh sa akin. Alam kong hindi na niya ako mapapatawad dahil sa sobrang sakit na ibinigay ko sa kanya. Pero, Diary, `di ba, parehas lang naman kaming nasasaktan? Tingin mo, iko-consider niya `yon? Wala na akong alam, Diary. Ang gulo-gulo ng utak ko. Ang daming tanong pero walang kasagutan.
`Yong mga titig pa ni Prince sa akin kanina ang mas lalong nagpasakit ng puso ko. Kitang-kita ko na nasasaktan siya dahil sa nakita niyang pagkakatitig ko kay Josh habang kumakanta. Paano ko nagagawang saktan ang mga lalaking walang ibang ginawa kundi mahalin ako? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Binabago talaga ng pagmamahal ang isang tao dahil iyong matatalino, nagiging tanga at iyong malalakas, nagiging mahina.
“Paano mo nagagawang saktan ang mga lalaking mahal mo? Simple lang, kasi malandi ka!” Agad akong napatingin sa paligid dahil sa boses na narinig ko, Diary, pero wala namang tao. Sino kaya ang pesteng sumigaw na `yon nang mabigyan ko ng mag-asawang sampal.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa tapat ng library ng school, Diary. Medyo malayo-layo rin pala ang tinakbo ko. Hindi ko namalayan na ang layo ko na pala mula sa school gym namin. Saan kaya ako maaaring magmukmok at maglabas lahat ng luha na gustong lumabas mula sa mga mata ko? Ah, dito na lang sa library.
Papasok na sana ako ng library nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako at nakita ko ang malditang nanay ni Josh. `Andito rin pala `to? Malamang pinanood niya ang performance ng anak niya.
“Bakit po?” sagot ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha ko.
“Umiiyak ka ba dahil naisip mong next month, February na at wala kang date?” tanong niya sa akin. Tumaas pa ang kilay niya. “`Wag kang malungkot dahil wala kang date. Malungkot ka dahil panget ka.” Ngumisi pa siya pero hindi nawawala ang pagtaas ng kilay niya.
“Joke po ba `yan? Kasi ang alam ko sa joke, nakakatawa dapat, eh. Bakit po sa inyo, nakakainit ng ulo?”
Hindi ko na mapigilan, Diary, kaya nasagot ko na siya. Itong babaeng `to ang may dahilan kung bakit ko hiniwalayan at ipinagtulakan si Josh palayo sa akin. Wala akong pakialam kung nanay siya ng lalaking pinakamamahal ko pero sobra na, eh. Silang dalawa ni Helena at isama na nila si Mimay, ang sarap ipabugbog kay Kenrick Dee, eh.
Kilala ninyo si Kenrick Dee? Mayaman `yon. May condo. Maraming foods.
“Wow, sumasagot ka na ngayon, Pilar, ah? Bastos ka talagang bata ka! Walang breeding! Hindi talaga nakakabuti sa anak ko na maging girlfriend ka.” Nag-cross arms pa siya. “Anyway, nagsayang lang ako ng oras para sabihin sa `yo na I am very glad na sinunod mo ang ipinag-uutos ko. Mula nang hiniwalayan mo si Josh hindi na siya tulad ng dati na laging nagkukulong sa kuwarto niya at tulala. Maaga na rin siyang umuuwi at kumakain na rin siya ng pagkain. May bago na rin siyang girlfriend, si Helena.”
“K po.” Tinalikuran ko na siya.
“Tsk! Tsk! Walang-modo talaga. Compared kay Helena, walang-wala ka. Educated, gorgeous, and sophisticated. Unlike you, parang babaeng unggoy na binihisan ng basahan na damit.”
Shet, Diary, hindi ko na talaga kaya! Sasabog na ako!
Humarap ulit ako sa kanya. “Ah, talaga po? Pero alam n’yo po, mayaman nga kayo pero may isang bagay kayong hindi kayang bilhin ng pera n’yo. Alam n’yo po kung ano? Respeto sa kapwa.” Ngumiti ako sa kanya. “Hindi ko po alam kung kanino nagmana si Josh pero sigurado ako na hindi sa inyo. Salamat po sa pag-aaksaya ng oras makipag-usap sa akin. Text-text na lang po. Have a nice day. Mwa!” Saka ako pumasok ng library nang tuluyan.
Dumeretso ako sa sulok kung saan hindi ako mahahalatang nagmumukmok. Iba pa naman magalit ang librarian ng school na si Miss Aril Daine. Baka mapagalitan ako kapag ginawa kong crying room ang library. Mabuti na lang walang masyadong tao kaya may freedom akong umiyak.
Umiyak lang ako nang umiyak dahil sa bigat ng nararamdaman ko. `Yong eksena nina Josh at Heleparot, `yong mga tingin sa akin ni Prince, `yong pang-aapi sa akin ng nanay ni Josh—lahat, ang sakit-sakit sa dibdib. Para talaga akong sasabog. Nakaka-thwart. Pakihanap na lang sa Google ang meaning ng thwart, Diary.
“Umiiyak ka na naman?” Napatingin ako sa taong nakatayo sa harap ko.
Paano ako nahanap ni Prince?
“Prince?” Halos manlaki ang mga mata ko. “Paano mo ako nahanap?”
“Simple lang, dahil sa amoy mo,” seryoso niyang sagot. “Ikaw lang ang amoy-nabubulok na isda rito sa school, eh.” Umupo siya sa harap ko. “Hindi ka ba napapagod umiyak, Pipay?”
Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Prince. Bakit kasi hindi ako napapagod umiyak?
“Pagod na pagod na akong umiyak, Prince, pero wala akong ibang magawa kundi ilabas lang lahat ng sakit.” Tumulo na naman ang mga luha ko. “Akala ko, okay na ako. Akala ko kaya ko na. Pero ang sakit lang kapag nakikita ko si Josh na may kasamang iba. Mas masakit pa `to kaysa sa score ko sa Flappy Bird na two.”
“`Wag mo kasing pilitin ang sarili mo na makalimot kung hindi mo pa kaya. Mas lalo ka lang masasaktan, eh.” Hinagod niya ang likod ko. “Saka ang weak mo naman sa Flappy Bird. Ako nga, nakaka-fifty na, eh.”
“Mas naiiyak ako dahil alam kong nasasaktan ka rin. Parang nasasayang ang lahat ng effort na ginagawa mo sa akin. Sorry kung napakawala kong kuwentang girlfriend. Sorry kung hindi ko agad siya makalimutan. Sorry kung hanggang ngayon, siya pa rin talaga. Ang choosy kasi ng puso ko, eh. Si Josh lang talaga ang gusto.”
“`Wag kang mag-sorry, Pipay. Mas lalo lang akong nasasaktan. Mag-sorry ka na lang kapag matagal na tayo pero siya pa rin. Pero ngayon, hayaan mo muna akong mahalin ka. Para in case na hindi mo talaga ako kayang mahalin, I am more than willing para ibalik ka sa kanya.” Ngumiti na naman si Prince pero bakas ang sakit sa mga mata.
“Ang masokista mo,” sabi ko sa kanya.
“Ang sadista mo naman,” sagot niya saka siya tumayo. “Iiwan muna kita para mailabas mo ang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Basta kapag gusto mo ng makakapitan, `wag kang magdalawang-isip na tawagin ako.” Ngumiti siya. “Sige, uuwi na ako. Ihahatid ko pa sa kanila si Mimay dahil sa pilay niya. Bad trip `yon. Pabigat sa buhay ko.”
“Salamat, PP.” Ngumiti ako.
Tumango lang si Prince saka dumeretso na palabas ng library.
Ang bait ni Prince. Sana maka-recover na agad ang puso ko para masuklian ko na agad ang pagmamahal niya. Ito kasing puso ko, ang arte-arte. Gusto, si Josh lang. Hindi na nga kasi puwede, eh.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pag-e-emo ko. Nagising na lang ako nang may isang babae na ang nakatayo sa harap ko.
Shutang inerns! Si Miss Aril Diane.
“At kailan mo pa naging kuwarto `tong library ng school, aber?” mataray na tanong niya sa akin.
“Sorry po, Ma’am. Sige po, uuwi na po ako.”
“At sino’ng nagsabi sa `yong uuwi ka? Dahil nilabag mo ang library rules and regulations, kailangan mong linisin ang school gym ngayon!”
“Sigurado ka ba diyan, Ma’am?” hindi-makapaniwalang sagot sa kanya.
“Tingin mo sa akin, nagdyo-joke? Close ba tayo?”
“Sabi ko nga po.”
`Kainis! Sinunod ko na lang ang sinabi niya kaysa makarating pa sa principal ang ginawa ko. Shunga ko kasi, eh. Bakit ba ako natulog sa library?
Bobo mo talaga, Pipay.
Napansin kong medyo dumidilim na rin pala. Jusko! Sana naman hindi makalat ang school gym pero imposible iyon dahil may performance kanina. OMG! Sana lang talaga may katulong ako sa paglilinis.
Pero mukhang wala dahil tambak pa rin ang kalat. Bad trip naman, o! Mabuti naman at may nakahanda nang walis-tambo at mop sa gilid. Kaya kaysa magreklamo pa ako, sinimulan ko na ang paglilinis.
Binilisan ko na ang pagwawalis. Noong naipon ko na ang mga kalat, kumuha muna ako ng trash bin sa storage room. Medyo mabigat kaya natagalan akong kunin.
Pero shutang inerns lang, Diary! Paglabas ko mula sa storage room ng school gym, nakapatay na ang ilaw. Agad akong napatakbo papunta sa pinto at sarado na dahil hindi ko na mabuksan. Utang-na-loob! Ang bobo ng guard ng school! Hindi ba siya aware na may magandang dilag pang naglilinis dito? Shet na malagkit lang! Pepektusan ko `yong guard na `yon paglabas ko rito!
“Manong guard! Manong guard! May tao pa po dito!!!” Paulit-ulit akong sumigaw, Diary, pero mukhang wala nang tao. No use rin ang pagsigaw. Buwisit! Bakit kasi isa lang ang pinto nitong gym?
Naiiyak ako sa sobrang katangahan ko. Kinapa ko ang cell phone ko pero wala sa bulsa ko. Natampal ko lang ang noo ko dahil naalala kong naiwan ko pala sa library ang bag ko.
Ano ako ngayon?
A . Shunga
B. Bobo
C. Brokenhearted
D. Pretty, ahihihihi!
Sagot mo, i-tweet mo using the hashtag #DNHMSL.
Napatingin ako sa orasan ko at 7:30 na ng gabi. Agad-agad? Shete naman talaga ako! Ang malas ko naman ngayong araw, kainis!
“Bad trip! Shutang inerns naman!!!” Napasigaw na lang ulit ako at napasalampak sa sahig.
“Ang ingay naman! Kitang may natutulog, eh!” Bigla akong nagulat sa boses na narinig ko.
Agad kong hinahanap kung saan nanggaling `yon at may nakita akong lalaking nakahiga sa likuran ng mga upuan. Bakit hindi ko siya napansin kanina?
Since medyo madilim, hindi ko maaninag ang mukha ni Kuya. `Wag mo sabihin, Diary, na makakasama ko `yan mag-overnight dito sa school gym? OMG lang talaga. Pogi kaya `yan?
“Sino ka?” lakas-loob kong tanong sa kanya.
Naaninag kong tumayo siya saka naglakad papunta sa gawi ko. Halos lumuwa ang mga mata ko nang nakita ko ang mukha niya.
Hindi pala pogi kundi poging-pogi si Kuya.
“Josh?” Napanganga ako sa kapogian niya.
“Pipay?” Gulat siya noong nakita niya ako. “Ano’ng ginagawa mo rito? Teka, bakit ang dilim na at sarado na `tong pinto? `Wag mong sabihing nasaraduhan tayo?”
“Gano’n na nga...”
Kung kanina inis na inis ako, ngayon halos sasabog ang puso ko sa kasiyahan.
Suwerte ba ako o suwerte talaga? Ahihihihi!
P.S.
Saan kayang parte ng school gym masarap pumuwesto?
#IfYouKnowWhatIMean XDD
Na-trap sa school gym with my love,
Pipay