Madramang Entry #32
Dear Diary,
After ng confrontation sa plaza, umiyak na lang ako nang umiyak habang nakatulala sa kawalan. Punong-puno ng maliliwanag na bagay ang buong langit at parang nagsasabi ng isang masayang pakiramdam pero hindi ko `yon maramdaman. Gusto kong habulin si Prince para magpaliwanag pero wala akong lakas ng loob. Hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula, kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari o para kahit papaano mabawasan ko ang sakit na nararamdaman niya.
Gusto kong isipin na wala akong kasalanan sa nangyari dahil sa una pa lang naman, `di ba, alam niyang si Josh lang talaga ang mahal ko? Na si Josh lang ang kasiyahan ko at si Josh lang ang itinitibok ng puso ko? Pero hindi ko kaya. Alam kong masasaktan siya kapag sinabi ko. Ayoko nang palalalain ang nangyari ngayon. Alam kong may kasalanan din ako kasi sinabi ko sa kanya na bibigyan ko siya ng chance. Pinaasa ko lang siya, Diary.
Pinagtitinginan na ako ng tao habang nakaupo lang ako sa gitna ng kalsada at humagulhol lang nang humagulhol. Pero wala akong pakialam sa kanila. Hindi nila alam ang sakit na nararamdaman ko at besides, hindi ko naman sila kilala. Si Josh naman, todo-comfort sa akin pero hindi niya pa rin ako nagawang patahanin.
Inihatid niya na lang ako pauwi sa bahay namin na hindi man lang kami nag-uusap dalawa.
“`Wag mo nang masyado isipin `yon, Pipay,” sabi niya sa akin noong nasa tapat na kami ng bahay namin. “Kung mahal ka niya talaga, ile-let go ka niya. Kasi mas importante ang kasiyahan mo sa kasiyahan niya.”
Hinalikan ako ni Josh sa mga labi.
Ngumiti na lang ako kay Josh. Tinitigan niya naman ako saka siya ngumiti. Siguro naaawa rin siya sa akin dahil nahihirapan ako sa nangyari. Pero ayoko nang idamay si Josh sa mga nagawa ko. Ako ang may kasalanan nito kaya ako rin dapat ang lumutas.
Buong gabi kong inisip si Prince at ang mga sinabi niya sa akin, Diary. Isinabit ko sa bintana iyong lantern na ibinigay ni Prince sa akin at pinagmasdan. Naiyak na naman ako dahil sa effort ni Prince para lang sa akin—mga effort na ni isa, wala akong nasuklian. Sana lang, kaya ko siyang pasayahin. Sana kaya kong ibigay ang gusto niya. Pero paano ko ibibigay ang kasiyahan na nais niya kung ako naman ang mawawalan?
Kinabukasan, Diary, ang aga kong nagising at umalis ng bahay. Nagulat ako sa nakita kong lalaking nakatalikod at naghihintay sa akin. Lumapad agad ang ngiti ko noong nasilayan ko siya pero agad ring nawala nang makita ko na hindi si Josh ang naghihintay sa akin kundi si Prince.
“Akala mo siguro ako siya,” seryoso niyang sabi sa akin. Hindi man lang ako makatingin sa kanya nang deresto. “Don’t worry, Pipay. This would be the last time that I’ll be waiting in front of your house. Nagkabalikan na kayo. Tapos na ang trabaho ko.”
“G-galit ka ba sa akin?” naiilang kong tanong sa kanya.
“Ilang beses ko ring itinatanong `yan sa sarili ko, Pipay. Kung galit ba ako sa `yo. Sa totoo lang, gusto kong magalit pero, `tangina, ayaw akong payagan ng puso kong magalit sa `yo. Kahit `ata patayin mo `ko, hindi ako magagalit sa `yo, eh,” deretso niyang sagot. “Nagpapasalamat pa ako sa `yo dahil kahit sa kakaunting panahon, naranasan ko na maging akin ka. Ang sarap pala sa feeling. Pero lahat sa mundo ay may limitasyon. Iyong chance ko, natapos na. Ito ang part na nakakatakot kapag nagmahal ka, eh. Na baka bukas, mawala na siya sa `yo. Pero I don’t regret a thing. Kahit naging panakip-butas ako, kahit naging rebound, kahit ipinilit ang sarili, ayos lang. Para sa babaeng mahal ko naman, eh...”
“Kagabi ko pa `to pinag-isipan, Pipay. Siguro ito na ang time na kailangan ko nang tanggapin na talo na ako kay Josh, na wala talaga akong pag-asa. Mahirap. Sobrang hirap pero para sa `yo, kakayanin ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa `yo, pati kalayaan mo, ibibigay ko.” Tumingala si Prince para siguro pigilan ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. “Ang sakit, shit!” Ngumiti siya. “Ako ang may pangalang Prince sa story na `to pero hindi ako ang nakatuluyan ng prinsesa. Weird. Sana, Pipay, maging masaya kayo. I lost you. The game is over.”
Tumalikod na siya saka nagsimulang maglakad. Nilaksan ko na ang loob ko saka sumigaw nang malakas.
“Prince Leroy!” Napahinto siya sa paglalakad saka humarap sa akin. “Hindi man ikaw ang lalaking mahal ko ngayon, at least ikaw ang lalaking una kong minahal. Thank you sa lahat. Sana... Sana mahanap mo na rin ang babaeng karapat-dapat sa `yo. Sorry kung hindi ako `yon. Maraming salamat...” Tumulo na ang mga luha ko.
Tumakbo si Prince papunta sa harap ko saka ako niyakap nang mahigpit. “Thank you rin, Pipay. Sana maging masaya ka kay Josh. `Wag ka nang iiyak kundi kukunin na kita sa kanya ulit at hindi na ibabalik pa.” Tumango ako.
Dahan-dahang lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Prince saka siya ngumiti—isang ngiti na hindi ko makakalimutan kahit kailan. Kung kaya ko lang mahalin ulit itong taong `to, ginawa ko na, eh. Karapat-dapat siyang sumaya.
Nauna nang umalis si Prince saka naman ako naglakad papuntang sakayan na maluwag ang dibdib. Hindi ko inaakalang matatapos din ang paghihirap ko. Akala ko, galit sa akin si Prince pero hindi pala. Pinalaya niya ako na walang bahid ng pagka-bitter o panunumbat. Mahal na mahal niya talaga ako. Sana lang talaga, makahanap na siya ng babaeng para sa kanya. Pero shutang inerns! `Wag naman si Mimay pusit. Hindi ako makapapayag!
Bahala na si Author sa love life ni Prince. Pogi si Author kaya may tiwala ako sa kanya. Ahihi! Si Sic pa? The best kaya `yan!
Pagdating ko ng school at classroom namin, wala si Prince. Nalaman ko na lang sa isang classmate namin na hindi siya papasok. Saan kaya pumunta iyon? Naka-uniform kaya siya kanina.
“`Asan ang boyfriend mo, Mimay?” narinig kong tanong ng isang alipin ni Mimay.
“Nasa room ko pa. Tulog pa, eh. You know, guys, napagod.” Saka humalakhak si Mimay nang malakas. Kitang-kita ko na naman ang gilagid niyang maitim.
Napaikot na lang ako ng mga mata sa sinabi ni Mimay. Negrang sinungaling, jusko!
Lumipas ang morning class namin, Diary, na may ngiti sa aking mga labi. This time, ipaglalaban ko na ang pagmamahal ko kay Josh. Alam kong maraming witches out there ang hahadlang gaya ni Heleparot pero dahil si Super Pipay ako, lalaban na ako. Hindi na ako makapapayag na mawala si Josh sa akin.
Happy and contented,
Pipay