noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 1

Chapter 10

Ch. 11 / 36 Apr 09, 2022

Malanding Entry #10

Dear Diary,

May boyfriend na ako, Diary!!! Gusto mo malaman kung paano? Kahit naman ayaw mo, isusulat ko pa rin. As if may choice kang papel ka.

Diary, late akong pumasok kanina. Feeling ko, ang sama ng pakiramdam ko. Wala kasi akong sapat na tulog dahil nag-selfie ako. (echos!) Dahil naisip ko `yong ginawa sa akin ni Prince Leroy kahapon. Naisip ko, magdamag `yong masasakit na salitang ibinaon niya sa pempem—este, sa puso ko, Diary. Bakit ganoon, Diary? Parang sa bawat paglalakad ko, nawawasak ang fuki — este, puso ko?

Ang sakit ng buong katawan ko, Diary, dahil sa mga sinabi niya sa akin. Pero bakit ganoon, Diary? Kahit na ganoon ang ginawa ni Prince sa akin, bakit hindi ko magawang mainis sa kanya? Gusto kong magalit sa kanya, Diary, pero bakit ayaw ng pempem—este, ng puso ko? Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Kahit na may masakit siyang ginawa sa `yo, hindi mo pa rin kayang magalit sa kanya?

Kung ganito pala kasakit magmahal, Diary, ayoko nang ma-in love. Echos! Ako, hindi mai-in love? Eh, di para ko na ring isinara ang butas ng Bataan. Hihihi!

Leche, Diary! Umagang-umaga kanina, nagtatalak ang bunganga ni Inay. Late na raw akong gumising kakababad ko sa internet. Excuse me?! Hindi nga ako nag-computer kagabi, eh. Hindi na nga ako nakanood ng porn anime na Sakura x Minobi hentai, eh. Alam mo `yon, Diary? Ang ganda ng porn na `yon. Hihihih! Joke! Hindi ako nanonood ng ganoon, `no... slight lang!

Pagpasok ko ng classroom kanina, nagkaklase na sila. Tinanong ako ng teacher namin kung bakit ako late kaya ang sinabi ko...

“Late na po kasi ako natulog dahil umiyak po ako kagabi. Brokenhearted po, Ma’am.”

Biglang nagtawanan ang mga kaklase ko, Diary. Pero wala akong pakialam sa kanila dahil bigla akong napatingin kay Prince Leroy na bigla ring napatingin sa akin. Akala ko ngingitian niya ako pero hindi pala. Inirapan niya lang ako. I guess dito na natatapos ang love story namin, Diary. Chos! Wala pala kaming story. Wala pa ngang simula ang story namin, may katapusan na agad. Shutang inang buhay `to, o! Sarap hampasin ng wrecking ball ang pagmumukha ni Mimay. Jusko!

Nang break time na namin, Diary, gusto ko sanang kausapin si Prince Leroy pero wala akong makuhang chance dahil laging nakadikit sa kanya iyong impaktang negrang pusit na si Mimay.

Diary, sabihin mo nga sa akin kung bakit naging syota ni Prince Leroy si Mimay? Eh, sigurado naman akong amoy bulok na lechon iyong pempem ng negrang `yon. Ang taba-taba pa kaya panigurado, ang baho ng pempem ng gaga! Hmm. Siguro mas gusto ni Prince Leroy ang amoy lechon na pempem kaysa sa amoy-bagoong? Wala akong idea, Diary. Basta ang alam ko, kumikirot ang puso ko kapag nakikita ko silang dalawa na magkasama.

Diary, should I give up or should I just keep chasing pavements? Chos. Narinig ko lang ngayon `yang kanta na `yan.

Hindi talaga ako papayag kanina, Diary, na hindi ko makakausap si Prince Leroy. Kaya ang ginawa ko, hinintay ko silang matapos na mag-practice ng basketball. Nagtago ako sa taas ng puno kahit na ang daming langgam, eh. Ang sakit, Diary, dahil ramdam ko kaninang kinakagat ng mga langgam ang pempem ko. Kainis! Nakalimutan ko kasing mag-panty. Sorry na, brokenhearted, eh.

Nang makita kong patapos na ang practice nila, Diary, bumaba na ako sa taas ng puno. Ang daming patay na langgam sa baba ng puno, Diary. Ang mga langgam na `yon `ata ang kumakagat sa pempem ko kanina. `Ayan, namatay. Hihi! Karma sila agad, eh.

Palabas na ng gym si Prince Leroy nang harangin ko siya. Kasama niya pa ang dalawa niyang teammate.

“Puwede ba tayong mag-usap, Prince Leroy?” lakas-loob kong sinabi sa kanya. Iyong dalawang kasama niya, biglang tumawa.

“P’re, nandiyan na naman `yong unggoy na stalker mo,” sabi ni Epal number 1.

“Unggoy ba `yan?! Kahit unggoy itatakwil na kalahi nila `yan, eh,” sabi ni Epal number 2.

O, `di ba, Diary? Pati ang mga hayop na `yon, isinama ko pa sa pagsusulat ko ngayon. Shutang inerns nila! Pero dedma lang ang beauty ko sa mga panlalait nila. Kay Prince Leroy lang ang atensiyon ko nang mga oras na iyon.

“Ano, Prince? Puwede ba tayong mag-usap?”

“Wala tayong pag-uusapan. Tumabi ka nga sa daraanan ko at baka `di kita matantiya.”

Ang sama ng titig niya sa akin kanina, Diary. Para niya akong lalamunin nang buo.

“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi tayo nag-uusap.” Iniharang ko pa ang kamay ko.

“Ayaw mo talaga, ah!”

Bigla niya akong itinulak kanina, Diary. Nauntog tuloy ang puwet ko sa sahig. Ang sakit, grabe!

“Sa susunod na humarang ka pa sa daraanan ko, baka makalimutan kong babae ka! Umalis—”

Biglang naputol iyong sinasabi ni Prince Leroy, Diary, dahil biglang may nagsalita.

“P’re, hindi ganyan ang tamang pagtrato sa babae.”

Agad kaming napalingon sa lalaking nagsalita at nakita ko si Kuyang guwapo na naglagay sa akin ng jacket kahapon. Nakasuot siya kanina ng uniform na katulad ng school namin at halatang part din siya ng basketball team. Mukhang tagarito rin siya sa school pero bakit kaya hindi ko siya nakikita?

“O, Joshua! `Wag kang mangialam dito, wala kang kinalaman dito,” matigas na sagot ni Prince Leroy sa kanya.

Ngumisi lang si Joshua at dahan-dahang lumakad patungo sa akin, Diary. Ang cool niyang maglakad, akala mo model ng Bench Body. Hihi! Napatingin tuloy ako sa gitna ng pantalon niya. Hmm. `Asan ang patola?

“Okay ka lang ba?”

Inalalayan niya akong tumayo, Diary. Ang bango niya. Ang bango rin ng hininga niya, Diary. Joshua pala ang pangalan niya. Tumango na lang ako bilang sagot.

“Wow! `Wag mo sabihing magkaibigan kayo ng unggoy na `yan, Joshua?” natatawang insulto ni Prince sa akin. Para tuloy biglang sumakit ang puso ko, Diary. Hindi naman ako unggoy, `di ba?

“Hindi kami magkaibigan, p’re...” Ngumisi si Josh. “Kasi girlfriend ko siya.” Kung puwede lang sumayad sa lupa ang panga ni Prince Leroy sa sinabi ni Joshua, nagawa niya na.

Oh, my God! Oh, my God! (Vice Ganda’s tone)

Totoo ba ang sinabi niya? Girlfriend niya raw ako, Diary?

`Ayun, `yan ang history kung bakit ako may boyfriend na ngayon, Diary.

Hihihi! Si Pipay, may boyfriend na? Haba ng hair, sa `yo na ang korona. Haba ng hair, nag-Rejoice ka ba, girl?

Hindi, ah. pH Care lang gamit ko sa aking hair.

O, sige na, Diary. Tulog na ako. Kailangan ko kasing maaga magising kasi susunduin daw ako dito sa bahay bukas ni Joshua na boyfriend ko. Hihihi!

P.S.

Tingin mo, Diary, kung yayayain ko si Joshua na gahasain ako, papayag kaya siya? Hmm. Sige, sige. Sabihin ko sa kanya na kunin niya ang pearl of the orient sea. Black version.

Maganda at may boyfriend na,

Pipay07