Madramang Entry #30
Dear Diary,
Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong gabi, Diary. Para akong hindi makahinga dahil sa sitwasyon namin ni Josh. Ikaw ba naman ang ma-trap sa isang lugar kasama ang taong mahal mo na kayong dalawa lang. Tingnan natin kung ano’ng magiging reaksiyon mo. Kahit medyo malayo si Josh sa akin mula sa kinauupuan niya, pakiramdam ko ay naririnig niya ang lakas ng tibok ng puso ko. Mga tibok na tanging siya lang ang isinisigaw.
Napatingin ako sa gawi ni Josh. Medyo madilim sa parteng inuupuan ko kaya hindi niya mahahalata kung tumitingin ba ako sa kanya o hindi. Hawak niya lang ang gitara niya at nag-i-strum nang dahan-dahan. Tanging sinag lang ng buwan ang nagbibigay-liwanag sa loob ng school gym. Nakikita ko nang malinaw ang mukha niya. Mukhang ilang linggo ko nang hindi siya nakikitang ngumingiti tulad ng dati—mga matang parang nawalan ng sigla, mga labing nawalan ng ganang ngumiti.
“Bakit ka nandito sa gym, Pi—” Narinig ko siyang nagsalita pero bakit bigla niyang itinigil nang babanggitin niya na ang pangalan ko? “Bakit ka ba nasaraduhan?”
Lumunok muna ako ng laway dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko sa tanong niya. My gosh! Kinakausap ako ni Josh. Diary, okay lang kahit hindi kami makalabas ngayong gabi rito sa school gym o kahit habang-buhay pa basta tanging si Josh lang ang kasama ko. At least, sa lagay namin ngayon, tanging kaming dalawa lang at walang sagabal.
“Nahuli kasi akong natutulog ni Miss Aril Daine sa library. Bilang parusa, kailangan ko raw linisin `tong gym. Eh, ang shungang guard, akala `ata walang tao kaya isinara na. Bobo talaga `yon kahit kailan,” nahihiya kong sagot sa kanya.
Narinig ko siyang tumawa nang mahina, Diary! Shutang inerns, Diary! Napatawa ko si Josh. Himala ba `to? Kailangan ko na bang maglakad nang nakaluhod mula EDSA hanggang Quiapo?
“Loko-loko ka talaga, Pi—” Hindi na naman niya itinuloy ang pagbigkas sa pangalan ko, Diary.
Bakit, Josh? Ano ba’ng problema mo?
“Ikaw, bakit nandito ka pa?” tanong ko naman sa kanya.
“Tinaguan ko kasi sina Helena kanina. Nagyaya silang uminom, eh, ayaw ko. Kaya `yon, kakatago ko, bigla naman akong inantok kaya natulog ako sa likuran ng mga upuang `yan.”
Nakatulog din siya? Meant to be ba kami? Oo, meant to be kami—meant to be apart.
Hindi na ako nakapagsalita at nanahimik na lang dahil binanggit niya ang pangalan ni Heleparot.
“Paano ba tayo makakalabas dito?” pag-iiba ko ng topic namin. “May cell phone ka ba diyan? Baka puwede tayong humingi ng tulong.”
“Wala, eh. Ipinadala ko kay Mama kanina,” sagot niya. “Itong gitara lang saka bag ang dala ko.”
“Ah. By the way, Josh. Ang galing mong kumanta kanina. Ang ganda pala ng boses mo,” pagpuri ko sa kanya. Napansin kong ngumiti siya.
“Salamat. `Yong kanta ko kanina ay alay para sa pinakamamahal kong babae.”
Sumikip na naman ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Dahil hindi naman ako ang babaeng tinutukoy niya, eh. Sinaktan ko siya kaya aasa pa ba akong aalayan niya ako ng kanta? Hindi naman kasingkapal ng tabas ng mukha ni Mimay ang tabas ng mukha ko, eh.
“Ah...” sagot ko sa kanya.
Parehas na naman kaming nanahimik na dalawa. Tanging hangin mula sa labasan lang ang maririnig na ingay.
“Pipay...” Bigla akong napatingin sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ko.
Mas lalong dumoble ang tibok ng puso ko. Shutang inerns! Tanging si Josh lang ang nakakagawa niyan sa akin.
“Bakit kaya tayo dumating sa point na ganito... `Yon bang ang lapit lang natin ngayon sa isa’t isa pero parang ang layo naman...”
Sasagot na sana ako kaya lang bigla namang tumunog ang tiyan ko. Shuta! Nakakahiya!
“Gutom ka na ba?” Tumawa siya. “Halika sa tabi ko. Gusto mo ba ng hotdog?”
“ANO?” Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. “Anong hotdog `yan? Masarap ba `yan? Fresh? May kulay puti bang lumalabas diyan... `yong cheese?”
“Haha! Loko ka talaga. Halika, tingnan mo na lang kung gusto mo.”
Nanginginig akong tumayo at lumapit sa gawi ni Josh. Parang nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa mga tanong niya. Ipapatikim ba sa akin ni Josh ang hotdog niya? Omaygad, Diary! Masarap kaya ang hotdog niya? Tumabi ako sa kanya pero may kaunti pa ring espasyo na naghaharang sa aming dalawa. Wala kasi akong karapatan na dumikit sa kanya.
“Mukhang gutom ka na talaga, ah.”
Narinig na naman niyang tumunog ang tiyan ko. Napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan.
Narinig kong may bumukas na zipper. Shutang inerns, Diary! Anong zipper iyon? Saang zipper iyon? Sa pantalon ni Josh o sa bag niya? Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at...
Shet, zipper ng bag niya ang binuksan niya! Akala ko naman sa pantalon niya. Ahihihi! Sorry na. Ang naughty ko lang ngayon.
“O. `Wag kang mag-alala, malinis `yan.” Iniabot niya sa akin iyong hotdog sandwich na nakabalot pa sa plastic.
“Paano ka?” tanong ko sa kanya.
“Okay lang ako.” Ngumiti siya. “Makita lang kitang kumakain, busog na ako.” Hindi ko narinig iyong huli niyang sinabi dahil sobrang hina. Minumura `ata ako ni Josh, ah?
Habang kumakain ako, nag-i-strum lang siya ng gitara niya habang nakatingin sa kawalan. Ang guwapo ni Josh sa posisyon niyang iyon. Para siyang gumagawa ng music video. Parang ala-Hayden Kho. Chos! Scandal pala ang nasa utak ko.
“Pipay, kumusta kayo ni Prince?” Napatigil ako sa pagnguya dahil sa tanong niya. “Tinatrato ka ba niya nang maayos? Gusto ko lang malaman dahil ayokong mawalan ng kuwenta ang pagpaparaya ko sa kanya.”
Parang naging bato ang kinakain ko dahil sa tanong ni Josh. Nahirapan akong lunukin. “Ah... Ano... Ayos lang naman. Ma-effort siya. Ipinaparamdam niya sa akin na mahal niya ako.”
“Mabuti naman,” sagot niya. “Ako, hindi mo ba tatanungin kung kumusta kami ni Helena?”
“Kailangan pa ba? Alam ko namang okay kayong dalawa.” Lumihis ako ng tingin.
“Hindi okay, Pipay,” seryosong sagot niya. “Hindi okay dahil you’re not her. Ano’ng gagawin ko sa isang babae kung hindi naman siya ang babaeng gusto ko?” Narinig kong napamura siya! “Shit! Hayaan mo lang `yong sinabi ko. Hindi ko na ulit ipagpipilitan ang sarili ko sa `yo. Ayoko nang guluhin ang utak mo.”
“Josh...” banggit ko sa pangalan niya. “Umamin ka nga sa akin. Mahal mo pa ba ako?” Ang tanga ko para itanong sa kanya `to. Pero wala akong magawa, Diary, eh. Gusto kong malaman.
“Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Yes, Pipay, I am and I always will be.” Nagulat ako sa sagot niya. Hindi ako makapaniwala. “I’m trying my very best just to forget pero nakakatangina lang dahil kahit gusto na kitang kalimutan, ayaw naman ng puso’t utak ko. Bawat galaw ko, ikaw lang naaalala ko. Minsan gusto ko nang tanggalin ang puso ko dahil akin naman `to pero bakit tumitibok para sa `yo?” patuloy niyang paliwanag sa akin.
“Ang sakit makitang kasama mo si Prince habang masaya kayong dalawa. Ako dapat ang nasa posisyon niya, eh. Ako dapat ang nagpapasaya sa `yo at hindi siya. Shit! Ayoko na. Ayoko nang umiyak, Pipay.” May luha na naman sa gilid ng mga mata ni Josh. Dahan-dahan niya `tong pinunasan gamit ang manggas ng polo niya. “Gusto ko nang itigil ang pagmamahal ko sa `yo pero itong puso ko, ayaw akong sundin. Mas marunong pa sa akin.”
“Hindi ko alam ang sasabihin ko, Josh. Sorry...”
“Hindi mo naman kailangang sumagot, Pipay. Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi, sasabog ako kapag hindi ko sinabi sa `yo. These feelings I have for you make me weak.” Inilapag niya sa gilid iyong hawak niyang gitara. “Para akong hindi makahinga noong nawala ka. I can’t breathe without you.”
“Pasensiya kung nasasaktan kita. Sorry kung wala akong magawa para tanggalin ang sakit na nararamdaman mo.” Naiiyak na rin ako dahil sa pag-uusap naming dalawa.
“Mas gugustuhin ko naman na ako na lang ang masaktan kaysa ikaw, eh.” Bigla siyang tumayo saka itinulak ako pahiga, Diary. Shutang inerns! Ano’ng balak niyang gawin sa akin?
Dumagan si Josh sa akin habang hawak niya ang dalawang kamay ko sa gilid ko. Tinitigan niya ako kung saan kitang-kita ko na kung ano’ng kulay ng mga mata niya—brown.
“Ikaw, Pipay? Umamin ka. Mahal mo pa ba ako?” seryoso niyang tanong. “Sabihin mo sa mukha ko ulit na hindi mo na ako mahal.”
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Ang lakas na ng kalabog ng pempem—este ng puso ko. “Hindi na kita mahal...”
Nagulat ako sa sunod na pangyayari dahil biglang idinampi ni Josh ang mga labi niya sa mga labi ko. “`Yong totoo, mahal mo pa ba ako o hindi na?” tanong niya na hindi man lang tinatanggal ang mga labi niya sa mga labi ko.
Ang lambot ng lips niya.
Nakakaadik.
Nakakapanlambot.
Nakakapanghina ang halik ni Josh.
“Hindi na sabi...”
Naramdaman kong mas lalong idiniin ni Josh ang halik sa akin, Diary. Para niyang kinakain ang mapupula kong labi. Namalayan ko na lang ang sarili ko na tumutugon sa mga halik niya.
“You lie very often but you’re not good at it.” Inilayo ni Josh ang mga labi niya sa mga labi ko. “Alam kong mahal mo pa rin ako, Pipay. Ramdam ko sa halik mo.” Pakiramdam ko, namula ako dahil sa sinabi ni Josh.
Naramdaman ko na lang na dahan-dahan nang tinatanggal ni Josh ang butones ng blouse ko. Shutang inerns! Ano’ng balak niyang mangyari? Balak niya bang may mangyari sa aming dalawa dito sa school gym? Shet! Hindi ko pinangarap na rito lang sa lugar na `to mawawala ang tanda ng pagkabirhen ko. Kahit gusto kong umangal, hindi ko magawa. Kinokontra ng katawan ko ang pagtanggi ko.
Sige, ayos lang. As long as si Josh ang makakauna sa akin.
“I love you, Pipay. Si Prince man ang unang halik mo, wala akong pakialam. Dahil sisiguruhin ko namang ako ang pangalawa, pangatlo at huli mo.” Tumambad na sa harap ni Josh ang katawan kong bra na lang ang suot.
Nakakahiya. Hindi pa naman ako nakapagpalit ng bra!
“Paano si Helena?” tanong ko sa kanya.
“Bigyan mo lang ako ng assurance na magkakabalikan tayo, bukas na bukas, hihiwalayan ko na siya.”
Napatango na lang ako sa sinabi ni Josh without thinking sa mga mangyayari kinabukasan.
Napatitig ako sa kanya habang hinuhubad ni Josh ang polo niya. Ngayon, tanging sando na lang ang suot niya. Hinalikan ulit ako ni Josh. Nararamdaman kong dahan-dahan na rin niyang tinatanggal ang palda ko.
“I love you, Pipay. Please be mine tonight. I promise that—” Biglang naputol ang sinasabi ni Josh dahil bigla siyang bumagsak sa gilid ko.
“Josh... Hoy, Josh...” Tinapik-tapik ko ang pisngi niya. “Ano kaya’ng nangyari sa lalaking `to?”
`Kainis! Biglang nahimatay si Josh. Bakit kaya?
Bigla akong nakaamoy ng nabubulok na isda. Agad akong napatingin sa ibabang parte ng katawan ko at doon nanggagaling ang amoy. Ahihihi! Kaya pala nahimatay si Josh dahil sa sobrang sangsang ng amoy. Pasensiya na. Hindi ako nakapaghugas nang dalawang linggo, eh. `Katamad kaya!
Inayos ko na lang ang sarili ko saka humiga sa tabi ni Josh. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang natutulog na mukha ng lalaking pinakamamahal ko. Ang saya sa pakiramdam na katabi mo lang ang lalaking mahal mo. Feeling ko, lahat ng sakit ay nawala dahil sa mga pangyayari ngayon.
“Goodnight, Josh. You’re still the one...” h inalikan ko si Josh sa mga labi nang matagal. Ahihihi! Lambot ng lips!
Matutulog na sana ako pero bigla naman pumasok sa isip ko si Prince.
OMG! Si Prince! Paano na `to? Nakipagbalikan ako kay Josh nang hindi man lang nag-iisip na masasaktan ko si Prince? Bigla na naman sumakit ang dibdib ko nang naisip kong paniguradong masasaktan ko si Prince. Sasaktan ko ang taong nasa tabi ko noong mga panahong pakiramdam ko wala akong karamay sa mundo.
Naguluhan na naman ako, Diary. Gusto kong makipagbalikan kay Josh pero natatakot akong masaktan si Prince. Ano ba `tong napasukan ko?
Ano ba ang dapat kong sundin?
Ang tama o ang mabuti?
Ang tama na `wag ko nang balikan si Josh dahil parehas na kaming may bagong karelasyon?
O ang mabuti na sundin ang puso ko dahil alam ko naman na siya lang ang lalaking makakapagpasaya sa akin?
Minsan talaga, Diary, nagkakasalungat ang ikakasaya at ikakabuti para sa `yo. Dahil `yong ikakasaya mo ay siya rin namang bawal para sa `yo. Naguguluhan ako, Diary. Tulungan mo ako mag-decide.
Just text: Name ng choice for Pipay and reason and send to 2344.
Example :
Josh for Pipay `coz they love each other
or
i-comment mo na lang
or
i-tweet kay Author @owwsiccc and use the hashtag #DNHMSL.
Hay, `kainis! Naguguluhan ako. Ayoko nang may masaktang tao, Diary. Pero puwede bang maging selfish kahit minsan? Puwedeng puso ko na lang ang sundin ko?
Bukas ko na lang nga iisipin `to. Sa ngayon, ie-enjoy ko muna ang nangyayari.
Hinalikan ko ulit si Josh nang matagal.
Naguguluhan,
Pipay