noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 1

Chapter 27

Ch. 28 / 36 Apr 09, 2022

Madramang Entry #27

Dear Diary,

Gabi na pero hindi pa rin umuuwi si Prince Leroy sa kanila. Aba, may balak `atang mag-overnight dito sa bahay namin ang lalaking `to, eh. May balak ba siyang nakawin ang Bataan mula sa akin? May balak ba siyang butasin ang black donut at nakawin ang black pearl mula sa akin?

As if, papayag ako, Diary. Ahihi! Nagbago na ako, ano? Nagbago na ang pananaw ko sa buhay mula nang makilala ko siya... Natutunan kong kailangan kong ibigay sa pinakamamahal kong lalaki ang aking hiyas at hindi sa kung sino-sino lang.

Ang nakakaloka pa kay Inay ay okay lang daw sa kanya kahit mag-overnight si Prince, Diary. O, `di ba? Bongga ang nanay ko! Sabi niya kasi kampante naman daw siyang walang gagawin si Prince sa aking masama. Baka ako pa raw ang gumahasa kay Prince. Ano `to? Mong and Eunice issue? Ipabugbog ko kaya si Prince, Diary, at sabihin ko muntik niya na akong gahasain? May maniniwala kaya sa sasabihin ko?

Medyo masakit pa rin ang katawan ko, Diary, pero hindi na tulad kanina. Medyo naghilom na ang pananakit. Malaking tulong din ang pagmamasahe sa akin ni Prince. May talent si Prince sa pagmamasahe, Diary. May future itong lalaki na `to bilang masahista. Haha!

Kuwentuhan lang kami ni Prince habang nakahiga sa kama. Tawanan kaming dalawa noong ikinukuwento niya sa akin ang mga pagpapapansin ko sa kanya noon. Ang yabang ng lalaking `to, Diary. Akala mo naman ngayon, hindi patay na patay sa ganda ko. Tse!

“Prince, bakit ako?” tanong ko kay Prince noong wala na kaming mapag-usapan dalawa. “Bakit ako ang minahal mo? Ang dami namang iba diyan, eh.”

“Bakit naman hindi puwedeng maging ikaw?” seryosong sagot niya. Nakatingin lang siya sa kisame ng kuwarto ko. “And I didn’t choose you. My heart did.”

Shutang ina! Ang ganda ko talaga! PAK!

“Hindi ko maipapangakong makakalimutan ko agad si Josh, Prince.” Huminga ako nang malalim at kumuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga salitang bibitawan ko. “Pero susubukan kong suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo. Sabi mo nga, ikaw ang lalaking una kong minahal, `di ba? Hindi naman siguro ako mahihirapang ibalik `yon.”

“Hindi nga?!” Bigla siyang napaupo sa kama, Diary, at nanlaki pa ang mga mata. Parang may sinabi akong hindi kapani-paniwala, ah. “Sigurado ka ba diyan, Pipay?”

“Oo.” Ngumiti ako “Sigurado na ako.”

Bigla niya akong niyakap habang nakahiga pa ako. Nakapatong sa akin si Prince, Diary. Ermenged!! Ramdam ko `yong tigas ng... sinturon niya!

“Pangako, Pipay. Hindi ka magsisisi. Hindi kita sasaktan. Puro pagmamahal lang ang ipaparamdam ko sa `yo.” Masayang-masaya siya. Halata naman, `di ba? “I love you, Pipay. I love you. I love you. I love you.”

“I love you?” gulat na tanong ko dahil sa mga pinagsasabi niya. “Ano `yang ‘I love you’? Hindi ko na alam ang meaning niyan, eh.”

Hindi ko na alam ang meaning ng “I love you” simula nang maghiwalay kami ni Josh.

Tumingin si Prince sa mga mata ko, Diary. Ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Naaamoy ko na rin ang hininga niya. Amoy Mentos mint. Ano kaya’ng amoy ng hininga ko? Baka amoy-imburnal. `Kakahiya! Shutang inerns!

“I love you means that I accept you for the person that you are and that I do not wish to change you into someone else.”

Shet, English na naman ba ito, Diary? Quotes na naman ba ang sasabihin ni Prince?

“It means that I do not expect perfection from you. It means that I will love you and stand by you even through the worst of times. It means loving you when you’re in a bad mood or when you’re too tired to do the things I want to do. I love you means that I care enough to fight for what we have and that I love you enough not to let go. It means thinking of you, dreaming of you, wanting and needing you constantly, and hoping that you feel the same way for me. I love you means I love you, Pilar Payoson,” sunod-sunod na talumpati ni Prince sa akin. Kitang-kita ko rin, Diary, kung paano mamuo ang luha sa gilid ng mga mata niya.

“O, bakit parang naiiyak ka diyan?” pagdyo-joke ko sa kanya. “Para kang nanalo sa lotto, ah. Hahaha!”

Lumayo si Prince sa akin `tapos lumihis ng tingin at pasimpleng pinunasan ang luha sa mga mata niya.

“Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, Pipay. Ang saya-saya. Parang gustong sumabog ng puso ko dahil finally, binigyan mo rin ako ng chance para diyan sa puso mo.” Nakayuko siya pero nakikita kong nakangiti si Prince. “Higit pa sa lotto ang napanalunan ko, Pipay. `Yong babaeng pinapangarap ko na kasi ang nakuha ko...” `Tapos tumingin siya sa akin. “At ikaw `yon.”

Omaygad!

Kilig pempem, Diary!

Wait, paano pala tumibok ang pempem?

Noong bandang alas-diyes na ng gabi, Diary, nagpaalam na si Prince na uuwi na siya. Natural inihatid ko sa labas ng bahay dahil utos ng pinakamamahal kong Inay. Mahirap nang tumanggi sa utos at baka mabugbog ako ni Nanay dahil hanggang ngayon, bad trip pa rin siya sa issue nina Mong at Eunice. Avid fan kasi `yan ni Mong. Narinig ko pa nga siyang nagsasalita kanina sa kusina at sabi:

“Shutang inang Eunice `yan! Kung totoo ngang muntik na siyang gahasain ni Mong, aba, nag-inarte pa. I’m sure naman tatlong tao na ang kasya sa pempem niyan!”

O, `di ba? Affected much ang Ate Tinay n’yo.

So anyway, nasa labas na kami ni Prince `tapos nagpaalam siya sa akin, Diary.

“Bukas, susunduin ulit kita, ah?” Nakangiti siya sa akin. “Goodnight, PP.”

“PP? Ano namang pauso `yan?”

“Bobo. Endearment ang tawag diyan.” Tumawa siya. “PP means Prince and Pipay. PP. Kyoot, `di ba? PP!”

“Lumayas ka na nga sa harap ko. Korni mo,” pagtataboy ko sa kanya.

“Hahaha! Goodnight, PP!” Nagsisimula na siyang maglakad `tapos bumalik pa siya.

“O, ano na naman? May nakalimutan ka ba?”

“Meron.” Saka tumakbo siya pabalik sa harap ko. “Ito...” Hinalikan ako ni Prince sa noo. Nahalikan niya tuloy ang mamantika kong noo.

Napangiti na lang ako sa kiss ni Prince sa noo ko. Gusto ko sanang sabihin na “I-kiss mo rin ang noo ng pempem ko at baka magtampo.” Kaso baka magulat si Prince kaya `wag na lang.

Noong nasiguro kong wala na si Prince, isasara ko na sana ang gate pero may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

“Pipay...”

Nanlamig ako dahil sa boses na iyon, Diary. Alam ko kung sino iyon. Dahan-dahan akong humarap kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita ko si Josh na seryosong nakatingin sa akin—tingin ng pangungulila, kalungkutan at higit sa lahat, pagkasabik. Para akong nadudurog sa mga tingin niya. Nararamdaman ko na naman na nasasaktan siya.

“Kanina pa ako naghihintay dito sa labas. Ang galing. Ilang araw pa lang kayo ni Prince pero nakapasok na siya agad sa bahay n’yo. Samantalang ako ni minsan, hindi mo man lang napapasok diyan sa bakuran n’yo.”

Dahan-dahan siyang naglakad at tumayo sa harap ko. Hinawakan ni Josh ang mga kamay kong nakahawak sa rehas na gate namin.

“Gano’n mo ba siya kamahal, Pipay? Gano’n mo ba siya kamahal kaya pati pag-iwan sa akin, nagawa mo?” Nakangiti siya pero sigurado akong nasasaktan siya.

Tinanggal ko na ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Josh. “Oo, gano’n ko siya kamahal.” Hindi ako makatingin nang deresto sa mga titig ni Josh, Diary. Para akong natutunaw.

“Totoo ba `yang sinasabi mo? Hindi ka nasasaktan na nasasaktan ako?”

“Hindi,” deresto kong sagot sa kanya. “Bakit naman ako masasaktan?” I lied because I don’t want you to know how much it hurts me. “Ano pa ba’ng kailangan mo? Umuwi ka na. Gabi na...”

“Gusto lang kita makausap kahit sa huling pagkakataon. Puwede ba? Pangako. Last na `to at pagkatapos nito, hindi na kita kakausapin pa,” sabi niya sa akin. “Gusto ko lang ng closure. May mga bagay lang akong gustong malaman, Pipay.”

Shuta. Bakit everytime na sinasabi ni Josh ang pangalan ko, parang may sumasayaw sa tiyan ko? Mali `to, maling-mali! Kailangan ko nang tapusin ang lahat.

“Sige...” Lumabas ako ng gate namin. “Sa plaza na lang tayo mag-usap...”

Naunang naglakad si Josh habang nasa likuran niya lang ako. Ang guwapo ng likod ni Josh. Gusto ko na siyang yakapin. Gusto ko ulit maramdaman ang yakap ni Josh pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

Ang hirap pala ng ganito, Diary. `Yong tipong nasa harap mo lang ang dati mong mahal na mahal pero parang ang layo mo naman sa kanya. `Yong maliit na espasyo sa pagitan naming dalawa ang nagsisilbing hadlang sa amin. Mahirap kalabanin. Nakamamatay.

Naupo si Josh sa isang upuan saka tumingala. Sa dulo siya habang nasa dulo rin ako. Tahimik na ang paligid, Diary. Tanging ang mga bituin na kumikinang at maliwanag na buwan lang ang makikita sa langit. Ang ganda ng view. Romantic sana. Perfect para sa dalawang nagmamahalan.

“Alam mo, Pipay, noong tayo pa...” Nagsalita si Josh habang nakatingala at pinagmamasdan ang ganda ng kalangitan. “You weren’t just a star to me; you were my whole damn sky.”

Ikaw rin, Josh. Hindi lang ikaw ang mundo ko. Ikaw ang buong galaxy ko.

“Hindi ko lang maintindihan kung bakit mo ako niloko. Dahil ba niloko rin kita? Nag-sorry naman ako no’n, `di ba? Nakita mo naman ang mga effort ko. Pero bakit? Bakit, Pipay?” Tumingin sa akin si Josh. Bakas na ang nahuhudyat na luha sa sulok ng mga mata niya.

“Sorry pero `yon kasi ang nararamdaman ko. Naramdaman ko na lang na isang araw na mahal ko pala talaga si Prince. Na hindi ko pa pala siya nakakalimutan. Sorry kung ginamit lang kita,” pagsisinungaling ko sa kanya.

Minsan talaga ang kasinungalingan ay nakakabuti. Para naman `to kay Josh, eh. Kaya okay lang kung sunugin ako sa impiyerno dahil sa mga kasinungalingan ko.

“Tama nga si Mama. Isa ka ngang manggagamit.” Napalitan ng galit ang boses ni Josh. Umiiyak na siya ngayon pero hindi niya pa rin ako tinitingnan. Sa langit lang nakatuon ang mga mata niya. “Ginamit mo lang pala talaga ako. Sana nalaman ko agad para hindi na kita minahal pa. `Tangina! Pinagsisisihan ko talaga ang dare ng mga tropa ko. Sana hindi ko na lang sinunod `yon para sana hindi ako nasasaktan nang ganito.”

“Oo nga. Ang tanga mo kasi.” Kinagat ko ang labi ko para hindi ako maiyak sa mga sinasabi ni Josh.

“Pero kahit na pinagsisisihan ko `yon, mas pinagsisisihan ko na pinagsisisihan ko `yon. Naiisip ko na lang bigla dahil... na dahil sa dare na `yon, nakilala kita, minahal nang lubusan.” Nahihirapan na si Josh dahil sa agos ng luha sa mga mata niya. “Akala ko kapag binigay mo ang lahat ng pagmamahal mo sa isang tao, hindi ka niya sasaktan pero mali pala ako. Dahil even when you give all your love, there’s no guarantee that you won’t get a heartbreak in return.”

Tumingin na si Josh sa akin finally. Pakiramdam ko, gusto niya akong saktan dahil sa sakit ng nararamdaman niya. Kung alam niya lang ang nararamdaman ko ngayon, Diary. Mas dobleng sakit ang nararamdaman ko dahil wala akong magawa para tanggalin ang sakit na nasa puso niya.

“The saddest thing about betrayal is that it never comes from your enemies. It comes from the person you love the most,” sabi niya. “`Yong sakit, hindi lang sa puso ko kundi sa buong katawan ko mismo.”

“Maybe our story isn’t about the happy ending. Maybe it’s about the story itself,” sagot ko kay Josh. Akala niya siguro magpapatalo ako sa mga English quotes niya. May baon kaya ako.

Bigla akong nagulat dahil tumayo si Josh saka lumuhod sa harap ko. Tumingin siya ulit sa mga mata ko habang bumabagsak ang luha sa mga mata niya.

“Pipay, please. Hindi ko `ata `to kaya. Ang sakit-sakit na sa loob ko. Para na akong mamamatay sa sakit. Please, Pipay. Bumalik ka na sa akin. Handa akong kalimutan ang lahat ng nangyari, kahit hinalikan mo pa si Prince sa harap ko. Handa akong kalimutan ang lahat. `Wag mo lang akong tuluyang iwan. Sinubukan ko kaninang maging cold sa `yo para maramdaman mo na galit ako pero, `tangina, hindi ko kaya. Para kong ikakamatay. Please, Pipay. Nakikiusap ako sa `yo. Nagmamakaawa ako.”

Nagulat ako sa mga sinabi ni Josh. Para siyang batang ninakawan ng laruan dahil sa inaakto niya. Durog na durog na ang puso ko dahil sa mga pakiusap niya. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko para itaboy siya, Diary.

Hinila ko ang mga kamay ko na hawak niya saka siya itinulak. Napaupo tuloy siya sa damuhan.

“Sorry, Josh... Kahit makiusap ka pa, wala nang saysay `yan. Hindi ko iiwan ang mahal ko para lang sa `yo. Kay Helena ka na.” Tumalikod ako para punasan ang mga luha na pumatak.

“Kahit pala maging tanga ako sa harap mo at magmakaawa, hindi ka pa rin pala talaga babalik sa akin,” narinig kong tumawa siya—tawa para pagtakpan ang kahinaan niya. “I guess this is good-bye.”

Pagharap ko, nasa harap ko na siya.

“Puwede bang payakap na lang kahit sa huling pagkakataon?”

Tumango ako saka mahigpit niya akong niyakap. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap noong humangin nang malakas. Na-miss ko ang yakap ni Josh...

“I guess this is good-bye,” bulong niya sa tainga ko. “At least ngayon, hindi na ako mahihirapan na i-let go ka. Paalam, Pipay.” Ngumiti siya sa akin saka lumakad palayo.

Noong nasiguro kong wala na sa paningin ko si Josh, saka bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

“I love you, too, Josh, but good-bye,” bulong ko sa hangin at umasang narinig niya.

Kailangan na namin mag-move on sa panibagong chapter ng aming buhay. Mahirap pero dapat kayanin. At least nakapag-usap na kaming dalawa ni Josh.

Handa nang mahalin si Prince,

Pipay ni Prince