noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 1

Chapter 33

Ch. 34 / 36 Apr 09, 2022

Madramang Entry #33

Dear Diary,

Hindi pa rin pumasok si Prince Leroy ngayong araw. Ewan ko ba sa lalaking `yon kung bakit hindi pumapasok. Wala rin akong idea kung ano’ng nangyayari sa kanya dahil kahit mismong girlfriend kuno niyang si Mimay ay wala ring alam. Kunsabagay, kailan nga ba nagkaroon ng alam ang mga balyenang pusit? Diary, may mga utak ba ang mga half pusit-half balyena, pure impaktang katulad ni Mimay?

“Mimay, bakit hindi pumapasok ang boyfriend mo?” narinig kong tanong ni Alupihan sa anak ni Ursula.

“Busy lang, girls. May inaasikaso para sa future naming dalawa.” Pagkatapos, humalakhak pa siya nang bongga.

“Ah, gano’n ba? Bukas na ang pageant ninyo, ah? Ready ka na bang talunin ang mga nagmamaganda diyan sa paligid?” parinig nila sa akin.

“Lagi namang talo `yan, eh. Panget kasi `yan `tapos malandi pa.” Umirap pa siya.

Naku, Diary, ang sarap itusok nitong hawak kong tinidor sa mukha ni Mimay. Kaso pinigilan ko lang ang sarili ko dahil ayokong kumalat ang itim niyang dugo. LOL!

Pero, Diary, napapaisip talaga ako sa kung ano’ng nangyari kay Prince, eh. Nag-practice nga sila ng basketball kanina pero ang mismong team captain which is him ay wala. Laging present kaya iyon dati. Paano ko alam? Siyempre, lagi akong nanonood sa pagtakbo niya habang hawak niya ang bola, eh. O, ibang bola ang tinutukoy ko, ah. Ahihihi!

Noong afternoon break namin, Diary, nakita ko agad ang pinakaguwapong lalaki sa buong mundo na matiyagang naghihintay sa akin sa labas ng classroom namin. Agad niya akong sinalubong ng isang ngiti kung saan napansin ko na naman ang mapuputi niyang ngipin. Sana ganoon din kaputi ang mga ngipin ko. Hehe!

“Kanina ka pa?” tanong ko sa kanya.

“Hindi naman. Kararating ko lang. Kaaalis lang din ng teacher namin, eh,” sagot ni Josh habang tumataas-taas pa ang mga kilay niya. So, guwapo talaga ng boyfriend ko. “Mukhang wala ang ulupong diyan, ah? Absent ba?” sabi niya nang sinilip niya kung nasa room ba si Prince.

“Wala nga, eh. Absent pa rin siya,” malungkot na sabi ko sa kanya “Kahapon, hindi rin pumasok. `Tapos ngayon, hindi rin.”

“Nag-aalala ka ba?” May bahid ng pagseselos ang boses ni Josh, Diary. Ahihihi!

“Bakit parang nagseselos ka? Ahihihi!” sabi ko sa kanya sabay niyakap ko siya. “Nag-aalala lang naman ako, eh. Saka ano ka ba, Josh? Ikaw na ang pinili ko kasi ikaw ang mahal ko. Special lang talaga sa akin si Prince.”

“Special? `Sus. Nag-kiss nga kayo, eh.” Napasimangot pa siya.

“Isang kiss lang kaya `yon pero ikaw noong nasa school gym tayo, ilang beses mo akong hinalikan.”

Feeling ko nangitim ako, Diary, noong naalala ko ang mga pangyayari sa school gym. Ahihi! Naughty-naughty ni Josh, Diary. Imbiyerna much lang kasi tinulugan niya ako—este, nahimatay pala siya, eh.

“Iba `yon. Siya ang nakakuha ng first kiss mo, eh!” May bahid ng pagtatampo ang boses niya.

“It’s just a kiss. What matters is what’s inside my heart. And It’s you.” O, quote `yan. Paki-tweet ulit, guys, gamit ang hashtag na #DNHMSL.

“Ako lang ang laman ng puso mo?” Tumingin si Josh sa akin na parang nahihiya.

“Of course. May tama ka diyan! Pasok ka na sa next round,” sabi ko sa kanya at...

Hinalikan ako ni Josh sa mga labi habang nasa tapat pa kami ng room namin. Narinig kong may nagulat dahil sa ginawa ni Josh, mga classmate kong tsismosa, Diary. Mainggit kayo! Tse!

Papunta na kami ni Josh sa canteen, Diary, habang naglalakad na magkahawak pa ang kamay nang may biglang tumulak sa akin pababa ng hagdan. Gumulong-gulong ang beauty ko, Diary, at feeling ko, nahilo at naalog ang maliit at kulay green kong utak dahil sa nangyari. `Nyeta lang, Diary! Sinong peste ang tumulak sa akin?

“Puta! Okay ka lang, Pipay?” Nagmamadaling bumaba si Josh para alalayan akong makatayo.

“Oo... Teka, nahihilo ako...” sagot ko kay Josh habang hinihimas ang ulo ko.

“Ay, shit. May dugo!” gulat na sabi ni Josh.

“Dugo?” tanong ko. Agad akong napahawak sa palda ko “Teka? Katatapos lang ng buwanang dalaw ko.”

“Pipay, mahal na mahal kita pero ang bobo mo madalas. Hindi diyan. Dito, o!” Sabay turo ni Josh sa ilong ko.

Hinawakan ko agad ang ilong ko, Diary, at oo nga, may dugo. Napa-“eeww” pa ako dahil may kasamang kulangot ang dugo. Eeww nga.

“Serves you right, bitch!”

Napatingin kami ni Josh sa babaeng nakatayo sa taas ng hagdan habang naka-cross arms pa ang gaga. Buhay pa pala itong Heleparot na `to, Diary? Akala ko, tinodas na `to ni Sic, eh. Wala na kasing exposure.

“Bakit mo ginawa `yon, Helena? Bakit mo siya itinulak?!” galit na tanong ni Josh sa kanya.

“Bakit ko ginawa `yon? Really, Josh? Naririnig mo ba `yang itinatanong mo?” She rolled her eyes. “Aray, teka! Ang sakit mag-ikot ng mga mata. So anyway, hindi ba obvious ang purpose ko?”

“Hindi, eh.” Sumagot ako. “Clue please. Isang clue lang!”

“Duh! Natural galit ako sa babaeng unggoy na `yan. Inagaw ka niya sa akin, eh. Por que nagkabalikan na kayo, iiwan mo na lang ako nang basta-basta, Josh? Wow! Para kang tubig. Wala kang taste!”

“Ay, futa!” Napamura na lang ako sa mga sinabi ni Heleparot, Diary. Kung hindi lang umiikot ang paningin ko, baka hinila ko na ang buhok ng gaga na `to.

“Walang inaagaw si Pipay sa `yo, Helena, dahil sa una pa lang, alam mong sa kanya lang ako. Besides, `di ba, pumayag ka naman sa usapan natin na magpapanggap lang tayo para magselos si Pipay?” seryosong sagot ni Josh sa kanya.

“Ehhhh, kahit na! Basta galit ako sa babaeng `yan! Isusumbong kita kay Mommy mo. For sure, yari ka d’on,” parang batang sabi ni Helena.

“Ay, o! Parang bata, o!” pang-aasar ko sa kanya.

“Shut up, monkey!” Dumila pa siya.

“Sige, magsumbong ka kay Mommy para isumbong din kita sa mommy mo na bagsak lahat ng grades mo at hindi ka makaka-graduate.”

“You’ve got to be kidding me!” Biglang namutla si Helena sa sinabi ni Josh.

“I’m not.” Ngumisi si Josh.

“Ughhhhh! I hate both of you!”

Tumalon-talon si Helena na parang bata at dahil sa sobrang taas ng takong niya, bigla siyang natapilok at gumulong din sa hagdan. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano humampas at umumpog sa sementong hagdanan namin ang maganda at makinis niyang mukha, Diary.

“Aray ko... Help me...” sabi niya nang nasa baba na rin siya ng hagdanan.

“Help mo mukha mo. Tara na nga, Josh.” Hinila ko si Josh palayo kay Helena.

“Okay ka lang ba? Tara sa clinic. Kawawa naman ang ilong ng Pipay ko. Pango na nga, lalo pang napango.”

Hindi ko alam kung compliment ba ang sinabi ni Josh o insult, eh. Pero ano man sa dalawa, ang importante, kinilig ako. Ahihihi!

Sinabi ko na rin pala kay Josh, Diary, ang mga sinabi ng mommy niya sa akin kaya galit na galit siya. Yayariin niya raw si Mommy niya pag-uwi nito galing America. Hindi raw siya makapapayag na aapihin lang niya ang babaeng pinakamamahal niya. Ahihi! Hashtag kilig pempem!

Noong after class na namin, Diary, inutusan ako ni Sir Ma Lee Bhogs na ipa-photocopy raw ang reviewer namin. Pumayag naman ako dahil walang choice ang kagandahan ko. Bumaba ako ng building namin saka lumabas ng school. Nasa tapat kasi ang photocopy center.

Paano kayang naging photocopy center iyon kung nasa tapat siya ng school? Dapat photocopy front. LOL! Medyo matagal din akong naghintay dahil ang daming nakapila.

Pagbalik ko sa classroom, ang lulungkot na ng mga mukha nilang lahat especially si Mimay na todo-iyak at hagulhol pa, parang namatayan dahil sa eksenang nakita ko. Okay, Diary? May taping ba ngayon dito sa room?

“Ano’ng meron, Sir, bakit ang lulungkot nila?” tanong ko sa kanya.

“Hindi mo ba nakasalubong si Prince Leroy? Kalalabas lang ng classroom pagdating mo, eh.”

WHAT? Galing dito si Prince? Bakit hindi ko man lang siya nakita o nakasalubong?

“Hindi, Sir, eh. Bakit daw?”

“Huhuhuhuhuhuhu!” sagot ni Sir.

“Ano nga, Sir?”

“Ajujujujujujuju!” sagot naman ng classmate kong jejemon na alagad ni Mimay.

“Sir, ano nga po?”

“WAAAHHH! HUHUHU! BABY PRINCE LEROY NA BOYFRIEND KO! HUHUHU!” Ang lakas ng iyak kaya alam n’yo na kung kaninong iyak ‘yan.

A. Sa balyenang pusit na negra na anak ng putang si Ursula na kabit ni Poseidon?

B. `Yong negrang feeling maganda at maputi na may makapal na tabas ng mukha?

C. A and B

D. Si Mimay

“Sir, ano nga kasi? Sirit na. Ahihihi!”

“Si Prince Leroy kasi...”

Para akong nanlambot nang marinig ko ang sinabi ni Sir Ma Lee Bhogs, Diary. Alam kong hindi siya nagbibiro dahil lahat ng classmate namin, malungkot.

Why, Prince? Why?

Nalulungkot sa balita,

Pipay