Malanding Entry #16
Dear Diary,
Simple lang naman ang gusto ko simula pa lang, `di ba? Gusto ko lang naman na mapansin ako ni Prince Leroy dati. Gusto kong masuklian niya ang pagmamahal na ipinaparamdam ko sa kanya. Gusto kong maging boyfriend ko siya at alam mo na, makuha niya ang Bataan ko. Masungkit ni Adan ang butil ng palay sa kuweba ni Eva. Malagyan ng pirma ang aking katawan.
Okay lang sa akin na siya ang first ko kasi sigurado naman ako na siya lang ang lalaking mamahalin ko, Diary. Pero nang ipinakita sa akin ni Prince Leroy na wala akong pag-asa sa kanya, dumating naman si Josh na ipinaramdam sa akin na may halaga ako sa mundong ibabaw.
Sa ibabaw kaya niya may halaga rin ako? Ahihi! Char! Mamaya na ang joke, Diary. Serious muna dapat. Magagalit si Author.
Hindi ako masyadong nasaktan dahil sa pagdating ni Josh. Kumbaga iyong sakit na mararamdaman ko sana dahil sa panre-reject ni Prince ay pinunan ni Josh ng pagpapahalaga. Ipinakita niya sa isang tulad ko na may lalaking magmamahal pa rin sa akin kahit na hindi ako kagandahan at kaseksihan. Alam nating lahat na imposibleng magkagusto ang isang guwapong nilalang sa isang panget na nilalang. Tanging sa fairy tales, movies at books lang puwedeng mangyari `yon. But Josh proved to me that every girl deserves a fairy-tale love story.
“Ang lalim ng iniisip mo, ah? Ipinagdadasal mo bang manalo ako?” narinig kong tanong sa akin ni Josh, Diary.
Napatingin ako sa kanya habang nakaupo ako sa harap ng court ng school gym. Pinagmamasdan ko lang si Josh habang nag-i-stretching siya. Omaygad, Diary! Ang guwapo-guwapo ni Josh sa suot niyang basketball uniform namin. Ang fresh-fresh niya. Bakit hindi ko siya nakikita dati? Sabagay si Prince lang naman ang lagi kong tinitingnan noon.
“Galingan mo, ah? Kailangan mong manalo. Hihi!” sabi ko sa kanya. Umupo si Josh sa harap ko `tapos tumingala. “Kapag nanalo ka, may kiss ka sa akin,” sabi ko sa kanya. Ang landi ko, Diary!
“Hindi ako sure kung mananalo ako rito. Malupit `yang si Prince sa basketball, eh.”
Pinupunasan ko ang mukha niya ng bimpo ko. Sana pala panty ko na lang ang ipinamunas ko sa mukha niya. Good luck charm lang ba.
“Saka okay lang naman kahit matalo ako sa friendly match. Ang importante, alam ko namang panalo na ako sa puso mo.”
Saktong dumilat ang mga mata ni Josh, Diary, at tumitig siya sa akin. Pinagmamasdan niya lang ang mukha ko. May dumi ba ako sa mukha? Napansin kong gumalaw ang Adam’s apple ni Josh. So sexy, Diary! Parang gusto kong kagatin.
“Alam mo, ang dami kong natututunan kapag kasama kita, Pipay,” sabi ni Josh sa akin habang nakatingin nang seryoso. “I’ve learned that all girls are more beautiful when they are near. Mas maganda ka kasi, Pipay, kapag kakaunting space na lang ang pagitan ng mga mukha natin.”
“Enebe? Kenekeleg eke. Hihihi.”
Pagtayo ni Josh, saktong tumunog ang pito ng coach. Ibig sabihin, magsisimula na. Nag-good luck ako kay Josh. Ngumiti lang siya `tapos nag-thumbs up sa akin. Inayos niya pa ang buhok niya habang naglalakad. Kitang-kita tuloy ng dalawang malalandi kong mata ang buhok sa kilikili ni Josh.
Enebe! Ang yummy-yummy naman ng lalaking `to.
Lord, hindi ko alam kung ano’ng nagawa kong kabutihan sa past life ko pero marami pong salamat sa paghahandog sa akin ng isang kaysarap na lalaking tulad ni Josh.
Narinig ko pa ang mga babaeng nasa likuran ko na pinagnanasahan ang boyfriend ko, Diary.
“Ang sarap ni Joshua, ano? Suwerte ni Pilar sa kanya.”
“Oo nga, eh. Jusko! Joshua, bakit sa babaeng urangutan ka pa napunta? Sa akin ka na lang!”
Nag-init tuloy ang mga mata ko sa sinabi ng mga malalanding impaktang `to.
“Ang babastos ng bunganga n’yo. Gusto n’yo bang paamoy ko sa inyo `tong pempem ko? Sige kayo.” Biglang nangasim ang mukha nila `tapos mabilis na umiling-iling.
Mabuti naman at nagkakaliwanagan tayo.
Ibinalik ko na ang paningin ko sa harap. Nakita kong nasa kabilang upuan si Prince Leroy habang nakatingin sa akin. Omaygad! Parang nag-uusok at nag-aalab ang tingin niya sa akin, Diary. Nakita niya kaya ang sweet moments namin ni Josh kanina? Malamang. Kaya nga ganyan siya makatingin, eh.
Nasa tabi niya lang si Mirasol pero hindi niya pinapansin. Pupunasan sana ni Mimay ang mukha ni Prince pero tinabig lang ni Prince ang kamay ni Mimay saka siya tumayo. Naawa naman ako bigla sa balyenang negrang anak ni Ursula. Siyempre, alam ko ang feeling kapag ni-reject ka ng taong mahal mo.
Nakatitig lang ako kina Prince at Josh habang nakatayo sila sa gitna ng gym. Magsisimula na ang friendly match nila. Kahit na ang ingay-ingay ng paligid dahil sa kanya-kanyang cheer ng mga estudyante, hindi ko pa rin magawang sumigaw kung sino ang gusto kong manalo, Diary. Bakas sa mukha nila na seryoso ang bawat isa. Parehas nag-aalab ang mga mata. Dapat siguro, hindi basketball ang ginagawa nila ngayon, eh. Dapat suntukan na lang, anern, Diary?
Nagsimula na ang laban, Diary. Inihagis na sa ere ng coach ang bola kaya agad na tumalon nang mataas ang dalawang lalaking patay na patay sa akin. Pero dahil mas mataas ang nagawang pagtalon ni Prince, siya agad ang nakakuha ng bola. Tumakbo siya habang dinidribol ang bolang dala niya. Bigla ko tuloy naisip kung tumatalbog din ba ang mga bola sa loob ng shorts niya? Ahihihi!
Nagulat ako nang bilang sumulpot sa gilid niya si Josh. Wow, Diary! Ang bilis naman ni Josh tumakbo! Agad niyang hinarangan si Prince para hindi makadaan at hindi maka-shoot. Para silang nagpapatintero sa gitna ng gym. Nananahimik na lang ang buong gym at tanging tunog ng sapatos at talbog ng bola ang naririnig. Lahat, ayaw makaligtaan ang paglalaban ng dalawa.
Lahat ng galaw, ginagawa na ni Prince, Diary. Pero sadyang magaling mangharang si Josh kaya hindi rin siya makalusot. Seryosong-seryoso ang titigan nila sa isa’t isa. Kahit ang coach nila na nasa harap, napapanganga at nakatitig lang sa kilos ng mga alaga niya. Ibang kagalingan ang ipinapakita nila.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang nakalusot si Prince sa harang ni Josh. Ginamitan kasi siya ng isang strategy. Akala ni Josh, sa kanan lulusot si Prince pero sa kaliwa pala. Agad tuloy tumakbo si Prince at tumalon sa ere `tapos sh-in-oot ang bola. Pumito ang coach `tapos binigyan ng one point si Prince. Nagpalakpakan ang mga nanonood at nagsisigaw pa.
Pansin ko ang ngiting sumilay sa mga labi ni Prince para inisin si Josh pero nginitian lang siya ni Josh. Tumingin si Prince sa akin `tapos kumindat. Shutang inerns! Para saan iyon?
“Kita n’yo ba `yon? Ang galing ng asawa ko, `di ba? Go, bhabe ko. Prince Leroy! Number 24. iCkaw LharN ShApAt NhAh...”
Panira talaga kahit kailan itong negrang pusit na `to! Bakit ba may balyenang nanonood? Napatingin ang Mimay sa akin at ngumisi. Kitang-kita ko tuloy ang gilagid niyang maitim. Jusme, Diary! Sarap balian ng bones itong balyenang `to!
Nagsimula na ang second round, Diary. Ang game pala, kung sino ang maunang maka-three points, siya ang panalo. This time naman, si Josh ang may hawak ng bola. Jusko, Diary, ang guwapo ni Josh habang dinidribol ang hawak niyang bola! Bumabakat sa shorts ni Josh ang patola niya, Diary! Ahihihi! Sa patola niya tuloy ako nakatingin at hindi na sa bolang hawak niya. Mas yummy kasi ang nasa loob. Char lang, Diary.
Tumakbo naman si Prince sa harap ni Josh, Diary. Katulad kanina, parang nagkapalit lang ang sitwasyon. Si Prince naman ang umaagaw ng bola habang si Josh ang dumedepensa.
Bakit kasi nag-aagawan ng bola? May bola naman kayo sa loob ng briefs n’yo, ah? Tig-dalawa pa kayo. Iyon nga lang, small size. Ahihihi!
Nahihirapan din si Prince, Diary, na agawin ang bola. Nakita kong ngumisi si Josh `tapos tumalon nang mataas. Inihagis niya sa ere ang bolang hawak niya.
Jusko! Medyo malayo pa siya sa ring, eh. Mashu-shoot kaya iyon? Pero dahil may himala (shutang inerns, Diary!), pumasok ang bola kahit ang layo pa ni Josh mula sa ring. Sharpshooter pala ang Josh ko. Ahihi! Kaya niya kaya akong pasukan kahit malayo ako? Chos.
Pumito ang coach saka binigyan ng one point si Josh. Nagpalakpakan ang mga babae at mga bading na nanonood, Diary.
Mga higad na `to! Tusukin ko kaya ang mga atay n’yo?
Tumingin sa akin si Josh `tapos nag-flying kiss, Diary. Ahihihi! Kinilig naman daw ako sa ginawa niya.
Ramdam na ramdam ko, Diary, na ilang mga mata ang nakatitig sa akin nang masama. Ang dami talagang inggitera sa mundo, ano?
Lumipas ang minuto, Diary, at parehas nang may tag-two points sina Josh at Prince. Pagod na rin sila pareho dahil punong-puno na ng pawis ang buong mukha nila. Hinihingal na rin sila pero ni isa, walang nagpapatalo at nagpapalamang.
Ngayon ko lang sila nakita na ganyan kaseryoso. Kanya-kanyang cheer ang tao sa paligid. Kanya-kanyang manok kung sino’ng manalo. Ako, nananahimik lang talaga dahil naguguluhan ako kung sino ang gusto kong manalo. Ang sama ko ba? Ayaw ko kasi ng manok dahil gusto ko hotdog and eggs. You know what I mean, Diary. Ahihihi!
Hawak na ngayon ni Josh ang bola, Diary. Pilit inaagaw ni Prince ang bola mula sa kanya pero hindi niya magawang makuha. Magaling dumepensa si Josh. Napapansin kong napapatingin si Prince sa akin. Siguro kumukuha ng inspirasyon. Ahihi! Haba ng hair. Nag-Rejoice ka ba, girl?
Mukhang nai-stress na si Prince kaya mabilisang move ang ginawa niya, Diary. Lahat ng tao, nagulat sa ginawa niya. Mabilisan niyang nakuha ang bola kay Josh. Napatunganga si Josh dahil hindi niya inaasahang manggagaling si Prince sa likuran para lang agawin ang bola, dahil usually laging sa harap ang aagaw.
Tumakbo si Prince papunta sa ring kasabay ng paghabol ni Josh, Diary. Pero too late na si Josh dahil na-shoot na ni Prince ang bola. Pumito si Coach at in-announce na si Prince na ang nanalo. Nakatunganga pa rin ang crowd pero agad nagpalakpakan.
“Wow! `Yon ang moves ni Prince Leroy! Galing talaga! Kaya team captain, eh,” narinig kong sabi ng isang babae mula sa likuran ko.
Kakaibang galing ang ipinakita ni Josh pero mas magaling talaga si Prince, Diary. Lumapit si Josh kay Prince para makipag-shake hands pero nilampasan lang siya ni Prince. Si Prince naman, tumingin sa akin saka ngumisi.
Jusko! Alam ko iyang ngiting `yan, Diary. Ipinaparating niya lang sa akin na tuloy ang date namin. Shutang inerns! Ano’ng gagawin ko? A deal is a deal, `di ba? Pero hindi naman ako pumayag, eh. Pero kasi... ahh! Kainis, Diary!
“Galing ni Prince, `di ba? Lupit talaga kahit kailan,” sabi sa akin ni Josh habang naglalakad kami palabas ng school, Diary. Tulala pa rin ako sa nangyari dahil hindi ma-absorb ng utak ko na ang lupit at galing nga ni Prince sa basketball.
Bobo ka, Pipay? Isa `yang katangian niya dati na nagustuhan mo, `di ba? Shunga-shunga! Chaka-chaka na nga, `di pa nag-iisip. Palibhasa ang utak parang munggo. Maliit na, kulay green pa.
“Ahh... Oo nga, eh,” sagot ko kay Josh. Napatigil naman siya sa paglalakad at napatingin sa akin.
“Disappointed ka ba dahil hindi ako nanalo sa game kanina?” nag-aalalang tanong sa akin ni Josh. Ang lungkot ng mga mata niya. “Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko, eh. Pero sadyang magaling lang talaga si Prince. Kaya nga siya ang captain namin, `di ba? Pero hayaan mo, sa susunod, mas gagalingan ko para ako naman ang manalo.”
“Hindi. Ano ka ba, Josh?”
Hinawakan ko ang pisngi niya. Naalala kong nangulangot nga pala ako kanina kaya bigla ko rin binitawan ang pisngi niya.
“Ang galing mo nga, eh. Hindi ko inaasahang ganoon ka kagaling. Hindi ako disappointed, okay? May iniisip lang ako.”
“Ano ba `yang iniisip mo? Kasama ba ako diyan sa iniisip mo?” Ngumiti na rin siya sa wakas.
“Ahihihi! Lagi naman kitang iniisip, eh. Pati sa pagligo ko, ikaw ang iniisip ko,” sagot ko sa kanya.
“Sira ka talaga! Kaya mahal na mahal kita, eh. Lagi mo kasi akong napapatawa.” Ginulo ni Josh ang buhok ko saka hinawakan ang kamay ko. “Tara, hatid na kita. May lakad kami ngayon ng mga barkada ko, eh.”
“Ay, may lakad pala kayo, eh. Sige na mauna ka na. Ako na lang uuwi mag-isa.”
“Sigurado ka?” nag-aalang tanong niya. “Hahatid na kita.”
“Hindi na. Sure ako, Josh. Mauna ka na. Lagi naman tayong sabay umuwi, eh. Saka kailangan minsan, samahan mo rin ang barkada mo.”
“Naks! Kaya mahal na mahal talaga kita, eh. Hindi mo lang ako pinapatawa, understanding ka rin. Sige pala, uuna na ako. Text mo `ko kapag nakauwi ka na, ah?”
Tumango ako sa sinabi ni Josh.
Pinagmasdan ko muna si Josh habang naglalakad palayo sa akin saka ako lumakad paliko sa isang kanto. Hindi pa ako nakakalayo nang bigla namang may tumawag sa pangalan ko. Shutang inerns!. Bakit hindi pa umuuwi ang lalaking `to?
“Bakit, Prince?”
Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin.
“Nanalo ako sa game. Tuloy ang date natin, four PM, bukas. Sunduin kita sa plaza.”
“Wait! Teka... Hindi naman ako pumayag sa deal, `di ba? Saka ipapaalam ko muna kay Josh kung papayag siya.”
“`Tangina, Pipay! Puwede, tama ka na muna sa kaka-Josh mo? ‘Kailangan malaman ni Josh na ganyan.’ ‘Si Josh ganito.’ ‘Malulungkot si Josh.’ Nakakaumay, Pipay, sa totoo lang!”
Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses ni Prince. Halatang pagod siya pero nagawa niya pang magtaas ng boses sa akin. Mabuti na lang wala nang masyadong tao sa paligid, Diary.
“Puro ka naman Josh, Pipay. Hindi lang naman siya ang nagmamahal sa `yo. Puwede bang kahit minsan, `yong nararamdaman ko naman ang isipin mo? `Wag naman laging siya.”
Napatingin ako sa T-shirt na suot ni Prince. Suot niya ang T-shirt na regalo ko sa kanya. Akala ko ba, itinapon niya `yan? Nakita ko kasing itinapon niya `yan sa basurahan noong ibinigay ko sa kanya sa harap ng mga kaklase namin dati, eh.
“Akala mo siguro, tinapon ko `tong T-shirt na bigay mo two years ago? Mawala na ang lahat ng mamahalin kong damit `wag lang `to,” sabi niya habang nakatingin siya sa T-shirt na suot niya. “I treasure every gift that you gave me `cause I know that you put effort into it.”
Napayuko na lang ako sa sinabi ni Prince. Akala ko talaga itinapon niya iyon, eh. Dalawang linggo akong hindi kumain ng lunch dati para lang mabili ko `yang regalo na `yan. Iyon pala, itinago niya rin. Ipinakita niya lang sa akin na wala siyang pakialam sa mga ibinibigay ko pero ang totoo, mahal niya ang mga ibinibigay ko.
“You know what I hate the most, Pipay? It’s the fact that I won the game yet I still lost your heart.” Tumalikod na siya. “Maghihintay ako bukas, Pipay. Sana dumating ka.”
Naglakad na si Prince palayo sa akin. Para akong tangang nakatulala habang tinitingnan siyang naglalakad. Pakiramdam ko, gusto kong umiyak, Diary. Ang bigat ng loob ko. Loob ko, ah? Hindi ng boobs ko.
“Love is so complicated, Diary. Painful, awful and miserable. Love makes your mind confused,” bulong ko sa sarili ko. Quotes po `yan. Paki-tweet. Thanks!
Maglalakad na sana ako ulit kaso nakatanggap naman ako ng text galing kay Inay. Nagpapabili siya ng Modess with wings daw.
Jusko naman si Inay! Hindi na lang gumamit ng pasador. Saka dinudugo pa pala si Inay? Akala ko ba, menopaused na siya dahil laging ang init ng ulo? So, ang ginawa ko, pumunta ako sa tindahan na malapit sa school since `di pa ako nakakalayo.
Palapit pa lang ako ng tindahan nang natanaw ko agad ang isang view na masakit sa mga mata.
Si Josh na nakatayo sa waiting shed habang naghihintay ng jeep. May kasama siyang babaeng katulad ng uniform namin. Nakaakbay pa si Josh sa kanya habang nagtatawanan silang dalawa.
Shutang inerns, Diary! Ano’ng ibig sabihin nito? Gusto ko silang sugurin pero wala akong lakas. Ayaw makisama ng mga paa ko.
May dumaan nang jeep. Kumalas na ang babae mula sa pagkakaakbay ni Josh. Lalo akong nagulat sa sunod na nakita ko. Humalik ang babae sa pisngi ni Josh.
Panaginip lang `to, `di ba? Shutang ina! Panaginip lang `to, `di ba?
Nasasaktan sa nakita,
Pipay