noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 1

Chapter 2

Ch. 3 / 36 Apr 09, 2022

Malanding Entry #2

Dear Diary,

Oh, my God, Diary! Hindi ka maniniwala sa nangyari ngayong araw sa akin. Hindi. `Wag kang excited. Hindi pa `ko nabubutas. Virgin pa rin ako, gaga! Hindi ko pa naisusuko ang Bataan. Iba ang nangyari ngayong araw. Kasi `yong lalaking classmate ko na matagal ko nang pinapangarap ay may ginawa sa akin. Wait, kinikilig talaga ako, Diary. Ahihihihi!

Pinapanood ko kasi sila habang naglalaro ng basketball. Shet, Diary! Ang sarap titigan ni Prince Leroy habang naglalaro at tumatakbo habang hawak ang bola. Naisip ko tuloy bigla kung paano siya tumakbo habang hawak ang dalawang balls niya. Hihihi! Medyo malandi ako, Diary, `no? Alam ko naman. At least, slight lang.

So `ayun nga, habang tumatakbo si Prince Leroy, bigla siyang napatingin sa gawi ko. Eh, di bigla akong nagpa-cute sa kanya. Bumukaka ako nang bonggang-bongga at medyo itinaas ko pa ang palda ko para masilip niya ang itinatago kong hiyas.

Kaso bigla siyang napahinto at napatitig sa akin biglang sigaw ng: “Pakyu ka, Pipay! Sagad!”

Oh, may gad, Diary! Pak daw ako? `Tapos sagad pa? Emegeeed talaga! Para akong nawe-wet sa sinabi niya. Hihihi!

Bigla tuloy nag-twinkle ang mga mata ko at mas lalo ko pang ibinukaka ang mga legs ko para lang sa Prince Leroy ng buhay ko. Kaso bigla na siyang tinawag ng coach nila. `Kainis na coach `yon! Palibhasa matanda na, eh. Killjoy si Panot. Tse!

`Eto pa, Diary. Bigla na naman nagsalita `yong mga katabi ko sa upuan at sinabing: “Ano bang amoy `yon? Parang pempem na hindi hinugasan nang tatlong buwan.”

Aba, patay-malisya akong naglakad palayo sa kanila. Alam ko naman na hindi ako ang pinapatamaan nila kasi dalawang linggo pa lang akong hindi naghuhugas, ano? Sabi kasi sa commercial, habang pinapatagal, mas lalong sumasarap. O, `di ba?

P.S.

May kinuha akong picture ni Prince Leroy sa Facebook niya, Diary. Gusto kong ipakita sa `yo kaya lang, `wag na dahil baka agawin mo pa siya sa akin. Hihi! Sorry, Diary, pero selfish ako.

Hindi ako malandi... slight lang,

Pipay