Malanding Entry #12
Dear Diary,
Hindi ko ma-gets ang ipinapakitang attitude ni Prince Leroy sa akin ngayon, Diary. Ibang-iba na siya compared sa dating ‘Prince Leroy’ na kilala ko nang tatlong taon. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari, basta parang bumait siya sa akin. Paano ko nasabi? Ganito kasi `yan, Diary. Makinig kang mabuti sa kuwento ko, ah?
Pagpasok ko kasi sa school kanina, lahat ng estudyanteng makakasalubong ko, napapatingin sa akin at napapanganga. Siyempre, ang pretty-pretty ko sa ayos ko kanina, Diary.
Since ubos na ang pH Care na shampoo ko, ginamit ko na ang shampoo na ibinigay sa akin ni Josh. Kaya pala ang lambot ng hair ko. Kapag may napapatingin sa akin, bigla kong hinahawi ang buhok at sasagot ng “Yes...” saka sila mapapanganga nang bonggang-bongga. Lalo na iyong mga lalaking hilig akong pagtripan, Diary, sinusundan ako ng titig.
Pagpasok ko ng room namin, bigla silang natahimik at napatingin sa akin. Puwede nang pasukan ng langaw iyong mga bunganga nila.
Kahit si Mimay, napatingin sa akin. Inirapan ko nga ang gaga! Halatang nainggit sa transformation ko, Diary. Kitang-kita ko na iyong bituka ng balyenang negra dahil sa laki ng bunganga niya.
“Ano’ng nangyari sa `yo, Pilar? Ba’t ang ganda mo? Nag-evolve ka,” sabi ng isa kong classmate. Ngumiti na lang ako nang tipid `tapos hinawi ang buhok ko.
“Para kang pokemon, Pilar. PipayMon `tapos nag-evolve sa ChakaMon.” `Tapos nagtawanan silang lahat, Diary. Pero bigla silang natahimik nang sumigaw si Prince Leroy.
“`Wag n’yo ngang pagtripan si Pipay! Mag-review na lang kaya kayo!”
Agad akong napatingin kay Prince Leroy pero inirapan niya lang ako, Diary. Pero deep inside, kinilig ang pempem—este, ang puso ko sa ginawa niya. Ipinagtanggol niya ba ako? Hihihi!
“ChakaMon daw, girls. Hahaha! ChakaMon.” Tawa pa lang, Diary, alam ko na kung kanino iyon nagmula. Allergic ang eardrums ko sa tawa ng balyenang pusit, Diary.
Napatingin ako sa gawi nina Mimay at pasimple silang tumatawa sa akin. Nakaupo pa ang gaga sa armrest ng upuan niya at medyo nakabukaka ang legs. Kitang-kita tuloy ng mga mata ko ang pisngi ng pempem ng gaga, Diary. Kulubot! Kadiri!
“Kung ako, ChakaMon, ikaw naman Mimay, BakulawMon,” sagot ko sa kanya. “Isa kang balyenang negrang pusit na nag-evolve bilang BakulawMon.”
Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ko. Nakita kong napangiti rin si Prince sa sinabi ko. Bigla tuloy kumabog nang mabilis ang pempem ko—este, puso ko.
Shet, Diary! Shutang inerns! Ngayon ko lang nakitang ngumiti sa akin si Prince, Diary. Feeling ko puwede na akong mamatay... char! Virgin pa pala ako. Hindi pa `ko puwedeng mamatay.
“Makikita mo, Pilar. Tatalunin kita sa Ms. January Girl 2014!” inis na inis na sagot ni Mimay sa akin.
“Oh, sure, Mirasol. Kung kaya mo `kong talunin.”
After naming magsagutan, dumating na ang prof naming si Sir Ma Lee Bhogs. `Ayun, pinuri rin ang pagbabagong-anyo ko at ginawa pa akong example sa science. Na ang isang caterpillar daw na panget ay puwede ring maging isang magandang paruparo someday. Kaso si Mimay, bigla na naman umepal.
“Eh, Sir, hindi naman paruparo iyang si Pilar, eh. Isa `yang paniki. Paniking natutong maligo.” Bigla na naman silang nagtawanan.
“Aba naman. `Yong balyenang pusit na nakatungtong ng paaralan, nag-joke,” sagot ko naman saka tumingin kay Mimay. “`Wag kang didikit sa akin, Mimay, ah? Baka akalain nilang anino kita. Ang itim mo pa namang gaga ka.”
Noong lunch break na namin, as usual, hinintay na naman ako ni Josh ko sa labas ng room namin. Ang daming nagpapa-cute sa kanya pero hindi niya pinapansin. Pinagmamasdan ko lang siya habang inaayos ko ang gamit ko.
May isang babaeng lumapit sa kanya at mukhang nakikipagkilala. Tiningnan lang ni Josh `yong kamay ng babae `tapos inirapan. Hihi! Kinikilig ako sa pagiging snob ni Joshua sa iba pero ang sweet sa akin. Feeling ko tuloy, nilalanggam na ang pempem ko.
“Kanina ka pa?” tanong ko sa boyfriend kong guwapo, Diary.
“Hindi naman masyado.” Tinanggal niya ang earphones na nasa tainga niya. “Alam mo naman na I will wait forever... If you say you’ll be there, too.”
Kumanta pa siya, Diary. Gusto ko tuloy hubarin ang panty ko at ipantapal sa bibig ko. Baka kasi mapasigaw ako sa kilig.
“Padaan nga. Diyan pa sa daanan naglalandian.”
Bigla kaming napaghiwalay ni Josh nang biglang dumaan si Prince sa harap namin. Ano’ng problema ng lalaking iyon? Ang luwang-luwang ng space sa gilid namin at sa harap pa talaga namin ni Joshua dumaan.
“Epal talaga `yan,” inis na sabi ni Joshua.
Nang hapon na, Diary, hindi kami sabay umuwi ni Joshua. Sinabi niya kasi sa akin na may pupuntahan daw sila ng mommy niya. Sinabi niya rin sa akin na hindi niya ako masasamahan sa rehearsal ko mamaya para sa Ms. January Girl 2014. Naiinis nga siya sa mommy niya pero sabi ko, keri lang at samahan niya na ang mommy niya dahil ilang araw na naman niya akong laging kasama. Inihatid lang ako ni Joshua sa may sakayan ng jeep `tapos umalis na siya.
Hay, nakakalungkot, Diary. Hindi ko tuloy makakasama si Joshua mamaya. Malungkot akong umuwi sa bahay namin at mabilisang nagpalit ng damit. Napasilip pa ako sa bintana ko at nakita ko si Prince Leroy na nakatayo sa tapat ng poste namin at nakatingin sa bahay namin. Agad kong binuksan ang bintana... joke lang. Wala pala kaming bintana, Diary. Hihi!
“Prince, ano’ng ginagawa mo diyan?” Bigla siyang nagulat at napatingin sa gawi ko. “`Wag mong sabihing naliligaw ka na naman o napadaan lang o bumibili ka lang ng yelo dahil wala kaming ref.”
“Wala! Susunduin ko lang si Mimay!” Halata kong namula ang mukha niya. Parang kasimpula ng pempem ko kapag `di ako naghuhugas. Char! Maitim pala pempem ko, Diary. Hihi!
“Makaalis na nga. Ang panget mo.” Gusto ko sanang ihagis ang iPad Air ko papunta sa kanya kaso wala pala akong iPad. Binuhat ko na lang ang kama ko at ihahambalos sana sa kanya pero nakatakbo na siya, eh.
Araw-araw ko na lang nakikita si Prince Leroy na dumadaan dito sa tapat ng bahay namin, Diary. Kapag nakikita ko siya, lagi niyang sinasabing napapadaan lang daw siya o susunduin si Mimay. Samantalang malapit sa plaza ang bahay ng pusit na iyon. Ano iyon, Diary? Pinapagod niya ang sarili niya? O `di kaya naman, dumadaan siya rito sa lugar namin para masilayan ang beauty ko? Hihi! Crush na `ata ako ni Prince, Diary. Omaygad, Diary! Nabighani na `ata si Prince ng kagandahan ko.
Pagdating ko naman sa rehearsal, nagulat ako dahil lahat sila may partner, Diary. Napansin ko rin agad na nandoon na si Prince Leroy para suportahan ang girlfriend niyang balyena pero iyong balyena, wala pa. Nalaman ko na lang na male-late pala ang pusit dahil galing pang Bermuda Triangle. Traffic daw sa karagatan kaya hanggang ngayon, wala pa ang negrang pusit.
“Okay, girls. Line up na! I-practice na natin ang intro.”
Tumayo na ang lahat ng babae at nag-line up together with their partners. Shet, Diary! Wala akong ka-partner! Very wrong timing na wala si Joshua. Wala tuloy akong escort para sa rehearsal ngayon.
“Ano, Pilar? Tutunganga na lang diyan? Hindi por que gumanda ka ngayon, mag-iinarte ka na,” talak sa akin ng bading naming choreographer.
Napaupo na lang ako bigla at feeling ko, kailangan ko na lang umuwi dahil wala ring saysay na mag-stay pa ako. Pero nagulat ako nang biglang may kamay na sumulpot sa harap ko.
“Partner muna tayo.” Agad akong napatingin sa kanya. “`Wag kang feeling, ah? Since wala pa naman ang boyfriend mong tulok at si Mimay, tayo na lang muna mag-partner.”
Totoo ba ito, Diary? Namumula at hindi makatingin sa akin si Prince Leroy? Para siyang batang nahihiya sa kausap niya.
“Sigurado ka ba?” nag-aalalang tanong ko. “Wala ka bang sakit?”
“Bobo mo talaga. Bahala ka nga kung ayaw mo.”
“Ito naman, hindi mabiro, eh. Tara, practice na tayo.”
Ang saya sa pakiramdam, Diary, nang nahawakan ko ang kamay ni Prince. Ang lambot-lambot ng kamay niya at parang may bumubulong sa akin na hilahin ko ito at ipasok bigla sa panty ko. Pero siyempre, hindi ko ginawa dahil nakakahiya kay Prince. Baka bigla akong masuntok at magkaroon ng instant eyeliner, Diary.
Dumating na iyong part na unti-unting maglalapit ang mukha namin ni Prince, Diary. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Ang mga mata niya, seryoso lang na nakatingin sa akin, Diary. Pakiramdam ko, matutunaw ako sa mga titig niya. Hindi ko alam kung ano’ng iniisip niya pero parang ako lang ang nakikita niya sa mga oras na iyon dahil sa tingin niya.
Nararamdaman ko na lalong humihigpit ang hawak ni Prince sa balakang ko, Diary. Mas lalong naglalapit ang mga katawan namin at nararamdaman ko na ang init ng katawan niya, Diary. May naramdaman akong matigas na bagay na tumutusok sa tiyan ko dahil sa sobrang lapit ng katawan namin. Belt lang pala niya.
Dumating na iyong part na bubuhatin ako ni Prince, Diary, para ilagay sa balikat niya.
“`Wag kang matakot, Pipay,” nakangiti niyang sabi sa akin. “`Wag kang matakot na baka mahulog ka kasi sinisigurado ko sa `yong hindi kita papabayaang mahulog dahil sasaluhin kita.”
Parang double meaning ang sinabi ni Prince sa akin, Diary. Hanggang pagtulog ko tuloy, iniisip ko iyong mga sinabi niya sa akin... and well, inaamin kong kinikilig ako dahil doon. Nagiging mabait na rin siya sa akin, Diary, dahil halata naman sa mga kilos niya.
Bigla kong naisip si Joshua, Diary, at parang kinurot ang puso ko. Hindi naman ako nagchi-cheat, Diary, `di ba? Wala namang nangyayari sa amin ni Prince, eh.
Hay! Ang hirap maging maganda, Diary. Ikaw ba, Diary, nahihirapan ka ba? Halata namang hindi kasi panget ka, Diary, eh.
Confused ngayong gabi dahil maganda,
Pipay