Malanding Entry #19
Dear Diary,
So far, naging masaya ang date namin ni Prince. Nag-enjoy ang katawang-lupa ko sa company ni Prince Leroy habang kasama ko siya. Wala kaming ibang ginawa kundi tumawa lang nang tumawa habang gumagala. Parang hindi nga date ang nangyari sa amin, eh, dahil pakiramdam ko tanging walang malisya ang date na nangyari. Ewan ko ba, Diary. Siguro sa akin, wala, pero sa kanya, halatang meron, eh.
Katulad ng sinabi niya, una naming pinuntahan ang perya kung saan ko raw makikita ang inay ko. Gagong Prince Leroy `yan. Ginawa pang unggoy ang inay ko. Hmm. Sabagay mukha namang gorilla si Inay kapag nagagalit, eh. Char lang, Inay!
Naku, baka mabasa niya itong Diary ko at mapagalitan na naman ako. Sana lang `wag niyang mabasa ang mga ipinaglalalagay ko rito.
Hinila ko agad si Prince sa kung saan makikita iyong unggoy na nakakulong, Diary. Mabuti nga wala pang masyadong customer ngayon sa perya dahil hapon pa lang naman. Hindi hassle sa paglalakad dahil hindi siksikan. Nakita agad namin ang unggoy na sinasabi niya. At shutang inerns lang, Diary! Hindi naman kamukha ni Inay iyong unggoy kundi kamukha ko, eh. Damitan lang nang maayos itong unggoy at mapagkakamalang twin sister ko na. Ito `ata ang sinasabi ni Inay na may kambal ako. My long lost sister is a monkey? Char!
“Ano, may naramdaman ka bang lukso ng dugo?” narinig kong tanong sa akin ni Prince Leroy habang pinagmamasdan namin ang unggoy.
“Gago ka ba? So, mukha akong unggoy? Eh, di na-in love ka pala sa mukhang unggoy?” pagtataray ko sa kanya sabay hawi ng buhok ko. `Kainis! `Di ko nahawi nang mataray ang buhok ko. Ang tigas kasi, eh.
“Sana nga unggoy ka na lang, eh. Para ako na lang ang kaisa-isang lalaki na mag-aaksaya ng oras na mahalin ka. Eh, di sana, wala akong kaagaw,” narinig kong bulong ni Prince.
Napatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa akin. Tanging nakatitig lang siya sa unggoy na tahimik na kumakain ng saging. Napatingin din sa akin ang unggoy at ang gaga, inirapan ako. War `ata kami ni twin sister.
Habang pinagmamasdan namin ang unggoy, biglang may mga batang lumapit sa amin. Particular sa akin, Diary, at pinaghahablot ang damit ko at kung ano-ano pa’ng mahawakan nila.
“Look, Mommy, o! `Yong unggoy, nasa labas ng kulungan niya.”
“Mommy, bakit may damit `tong unggoy na `to?”
“Mommy, amoy bagoong ang monkey!”
Shutang inerns lang, Diary! Napagkamalan pa `kong unggoy ng mga pesteng bata na `to! Balian ko kaya ng mga neck `tong mga bulinggit na `to? Unggoy pala, ah?
Hoy, kids, for your information, dalawang guwapong nilalang ang nahuhumaling sa unggoy kong beauty.
Pipay’s konsiyensiya: At least unggoy pa rin.
Tiningnan ko si Prince na tawa lang nang tawa habang pinagmamasdan ako. Shutang ina!
Salamat, Prince, ah? Salamat at tuwang-tuwa kang pinagkakaguluhan ako ng mga batang `to. Salamat sa napakalaking tulong mo! Isang unggoy na katulad ko ang babasted sa katulad mo. Char! Hahahaha!
After naming maglibot-libot, nanood naman kami ng sine ni Prince Leroy. Aba, siyempre libre niya. Siya ang nag-aya sa date na `to kaya dapat sagot niya ang lahat ng gastusin. Hihi! Me is so kapal, Diary.
Habang naglalakad nga kami ni Prince, pinagtitinginan kami ng babaeng makakasalubong namin, Diary. `Yong ibang tingin nila, may ibig sabihin. Nangungutya o natatawa dahil siguro, ang panget ni Prince. Hay, Prince, alam ko ang ganyang feeling. Hindi sanay ang mga tao sa paligid na may panget na kasama ang isang dyosang katulad ko.
Naramdaman ko na lang bigla na inakbayan ako ni Prince habang nakapila kami sa movie house.
“Hindi ako makapaniwala,” sabi niya sa akin habang nakaakbay.
“Makapaniwala saan?” tanong ko. “Na ang ganda ko? `Sus, maniwala ka.”
“Asa ka! Hindi naman talaga kapani-paniwala na maganda ka, eh. Hindi rin ako makapaniwalang na-in love ako sa `yo.” Ngali-ngali kong hubarin `tong sandals ko para sapatusin ang mukha niya, eh. “Pero kidding aside, hindi kasi ako makapaniwalang ang lapit-lapit natin sa isa’t isa ngayon, Pipay. Parang dati kasi kapag lumalapit ka sa akin, bigla akong iiwas.”
“Bakit ka kasi umiiwas? Lagi mo nga akong tinatakbuhan kapag lalapitan kita, eh.”
“Kailangan ko kasing pigilan ang sarili ko na baka mahalikan kita o baka bigla kitang yakapin. Hay, kung alam mo lang, Pipay. Tuwing lalapit ka sa akin, biglang bumibilis ang tibok ng puso ko na parang mawawalan ako ng hininga. You always take my breath away.” Ngumiti si Prince sa akin.
“I take your breath away `cause I have “bad breath”? Nagtawanan kaming dalawa ni Prince.
Ang sarap ng ganitong feeling, Diary. Parang nawala ang pagnanasa ko kay Prince. Iyong tipong kung dati kapag nasa malapit lang siya, gusto ko nang hubarin ang panty ko `tapos bubukaka na lang sa harap niya nang biglaan? Hindi ko na maramdaman ngayon.
Alam mo `yon, Diary? Tanging pagiging kaibigan na lang ang feelings ko for him. Si Josh na ang laman ng puso ko... Tss. Hay! Ano kayang ginagawa ni Josh ngayon? Sana naman `di siya nagpapalandi kay Heleparot.
Nang nakabili na kami ng ticket, pumasok na kami sa loob ng sinehan, Diary. Akala ko nga, horror ang papanoorin namin, eh pero hindi pala. Frozen pala. Sayang, Diary. Wala tuloy akong chance na mag-act na natatakot para maipasok ko ang kamay ko sa loob ng pantalon niya. Chos! Hindi ako malandi, Diary, ah? Slight lang! Hihihi!
Faithful ang pempem at puso ko kay Josh, Diary. JoShUa LhArN ShAPaT nHah! Shutang ina, parang narinig ko si Mimay na nagsalita!
Sa bandang likuran kami umupo ni Prince since medyo puno na ang bandang unahan at gitna ng sinehan. Natatawa nga kami ni Prince sa mga taong dinadaanan namin, Diary, dahil lahat sila nagsasabing:
“Ano bang amoy `yon? Amoy-patay na daga.”
“Anong daga? Parang daing `kamo. Parang bilat ng babae na `di naghugas nang ilang linggo.”
“Taena! Ang sakit sa ilong. Nanununtok sa ilong `yong amoy!”
Dedma na lang ako sa mga naririnig ko tungkol sa mga naaamoy nila. Wala naman akong naaamoy, eh. Yumuko nga ako para amuyin ang sarili ko. Hmm. Amoy Downy, isang banlaw. Isang banlaw pero isang linggo nang suot na panty. Charing!
“May naamoy ka ba? Amoy isda raw?” bulong ko kay Prince.
“Wala naman, eh. Baka hininga mo lang `yon?” bulong niya pabalik.
Sinubukan ko ngang amuyin ang hininga ko, Diary. Shutang ina, Diary! Para akong masu-suffocate sa hininga ko! Amoy patay na daga! Ano ba naman `tong katawan ko! Parang tambakan ng basura. Every part `ata ng katawan ko, mabaho. Haha! Joke lang, asa!
Nanahimik na kaming dalawa ni Prince nang nagsisimula na ang pinapanood namin. Grabe, Diary, ang kyoot ng movie na Frozen. Walang dull moments. Nakaka-touch at the same time, nakakaiyak. Ramdam ko ngang hindi lang mga mata ko ang naluluha, eh. Pati na rin ang pempem ko, namamasa na sa loob ng panty ko! See? Sa sobrang ganda ng movie pati pempem ko, na-carried away. Hahaha!
“Ang ganda ng movie! Shutang ina! Panoorin ulit natin `yon, Prince!” sabi ko kay Prince habang naglalakad kami papunta sa kainan.
“Mukhang hindi na natin `to mauulit, Pipay,” sagot niya. “Ito na kasi ang first and last date natin,” nakangiti niyang sabi sa akin pero ramdam kong malungkot siya. Kitang-kita ko kasi sa mga mata niya, eh.
“Ha? Bakit?” tanong ko. “Pero wait. LSS talaga ako sa kantang ‘Do you wanna build a snowman?’ Pero ibang version ang gusto ko, ‘Do you wanna build a baby,’ Prince? Hahaha! Char!”
Ngiti lang ang isinagot sa akin ni Prince `tapos ginulo pa niya ang buhok ko. Dumeretso na kami sa kainan para naman kumain since kanina pa kami palakad-lakad. Food stand lang ang kinainan namin. Iyong hotdog sandwich and chenelen. Gusto ko nga sana `yong ‘atbp,’ eh. Nakalagay kasi iyon sa menu. ‘Hotdog sandwich atbp.’ Ano kaya’ng lasa n’on?
“Ang sarap naman nitong hotdog sandwich na `to,” sabi ni Prince habang kumakain kami.
“Mas masarap kaya ang hotdog mo. Mas malasa for sure.” `Yan sana ang sasabihin ko kay Prince kaso baka ibaon sa akin ni Prince iyong BBQ Stick na hawak niya. Katakot.
“Pipay, may pick-up line ako,” sabi ni Prince.
“Ano `yon?” Kumagat ako ng hotdog.
“Ketchup ka ba?”
“Ahihi! Bakit?” tanong ko pabalik.
“Hinahanap ka kasi ng hotdog ko.” Saka siya tumawa nang malakas.
“Hele! Grebe ke nemen, Prince. Ang naughty mo! Errr naughty mo!” kinikilig na sagot ko sa kanya. “Ako rin, may banat. Prince, sana school na lang ako.”
“Haha! Bakit?” natatawa niyang sagot.
“Para ako na lang ang papasukan mo. Hahaha! Boom!”
“Ako may banat pa. Pipay, panget ka ba?”
“Ahihi! Bakit?”
“Tanga, panget ka kaya. Bakit ka diyan! Hahaha!”
“Shutang ina mo!”
“`Di, joke lang. Pipay, panget ka ba?”
“Ayusin mo, ah. Bakit?”
“O, kakasabi ko lang sa `yo na panget ka, ah. Nakalimutan mo na agad?”
“Ayusin mo kasi. Gusto ko `yong kikiligin ako.”
“Pipay, panget ka ba?”
“Ahihi! Beket?”
“Naninigurado lang.”
“Mamili ka, Prince. Ano’ng gusto mong ibaon ko sa ngalangala mo? Itong lamesa o itong inuupuan natin?”
“Galit ka na agad, eh. Sige, ito na talaga. Pipay, mahal kita.”
“Ahihi! Bakit?”
“Kailangan ba ng rason para mahalin kita? Sapat nang alam ng puso ko. Boom!”
“K.”
Shutang ina! Ang korni ni Author, shet!
Medyo maggagabi na rin nang natapos kaming kumain ni Prince. In-order niya lahat ng gusto kong kainin. Para nga akong bibitayin sa laki ng tiyan ko, eh. Hindi tuloy ako makahinga nang maayos.
Bago kami umuwi, nag-aya si Prince na sumakay raw kami ng Ferris wheel. Since libre naman niya, pumayag na ako. Mag-iinarte pa ba ako, eh, wala nga akong inilabas ni pisong duling sa date namin na `to. Paano po naduling ang piso?
“Ang ganda ng view, Prince! Tingnan mo, dali!” sabi ko kay Prince nang nakita ko iyong view mula sa taas ng ere. Kitang-kita na kasi ang buong Sic City dahil sa taas namin. Plus, may mga makukulay na ilaw pa kaya nadagdagan ang ganda ng view. “Prince, dali!”
“Hindi ko na kailangang tumingin diyan para lang makakita ng magandang view. Dahil sa `yo pa lang, maganda na ang paningin ko,” seryoso niyang sagot sa akin. Feeling ko, kinilabutan ako sa sinabi niya, Diary. Pakorni nang pakorni si Prince. Ganito ba ang in love? Korni?
“Prince, puwedeng magtanong? Sa dinami-rami ng babae sa school natin, bakit ako?”
“Bakit naman hindi puwedeng maging ikaw? Ilang beses ko na ring itinanong sa sarili ko `yan, Pipay. Hindi sa pagmamayabang pero maraming babaeng magaganda at sexy ang naghahabol sa akin, kaya napapatanong din ako ng, “Bakit si Pipay?” pero wala akong makuhang sagot. Wala akong maramdaman sa kanila tulad ng nararamdaman ko sa `yo. Iyong tipong makita ka lang, masaya na ako? Marinig ko lang ang pangalan mo, bibilis na ang pintig ng puso ko,” sunod-sunod na paliwanag niya sa akin.
“Pero kasi, Prince... alam mo `yon? Sana itigil mo na lang. Ayaw kitang paasahin, eh.”
“Hindi ko kayang itigil, Pipay, eh. Kung kaya ko lang, bakit hindi? Hindi ko naman gustong mahirapan, eh. Sino bang tangang tao ang gusto na nasasaktan siya?” tanong niya sa akin.
“Hayaan mo lang ako, Pipay, na mahalin ka. Hindi na ako mamamalimos ng pagmamahal mo. Nakikita ko kasi na masaya ka kay Joshua. Nakikita kong naibibigay niya ang kaligayahan na nararamdaman mo. Mahirap, pero para sa `yo, Pipay, kakayanin ko. Love is all about taking risks and so I’ll take this risk.”
Napayuko na lang ako sa sinabi ni Prince. Parang ako ang nahihirapan sa mga sinabi niya. Very wrong `ata na sumakay pa kami rito sa Ferris wheel dahil ang seryoso ng usapan namin ngayon.
Shet! Bakit kasi ako, Prince? Bakit hindi mo na lang ibigay sa iba ang pagmamahal mo? Sana kung maaga mong sinabi iyang mga `yan, baka may nangyari pa. Kaso gabi na, eh. Tulog na `ko. Char!
Pilar, magseryoso ka ngang shutang ka!
Naramdaman kong nasa baba na kami kaya napatingin ako kay Prince. Paglabas namin, bigla niyang tinakpan ang mga mata ko.
“Pumikit ka lang, kung ayaw mong masaktan sa makikita mo,” bulong niya sa akin.
Pero dahil sadyang makulit ako, agad kong tinanggal ang kamay niya na nagtatakip sa mga mata ko. Parang sinuntok ni Manny Pacquiao ang puso ko sa nakita ko, Diary.
Kitang-kita ko si Josh na kasama si Helena at naglalakad na magka-holding hands pa, Diary. Suot pa ni Helena ang jacket ni Josh dahil siguro nabasa iyong damit niya sa iced tea na ibinuhos ko sa katawan niya. Para akong tangang nakatitig lang sa kanila habang pinagmamasdan silang lumabas ng perya, Diary. Hindi ito totoo, Diary, `di ba? Nananaginip lang ako, Diary, `di ba?
Diary, please gisingin mo `ko. Please, utang-na-loob! Gisingin n’yo naman ako at sabihin n’yo sa akin na hindi ito totoo o hindi si Josh ang kasama ni Helena. Nakikiusap ako, guys! Please...
“PIPAY!” narinig kong tawag sa akin ni Prince pero hindi ko siya pinansin, Diary. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa mapagod ang mga paa ko.
Sumasakit na ang mga paa ko dahil sa kakatakbo pero mas masakit pa rin ang kirot sa loob ng dibdib ko. Ramdam na ramdam kong puno na ng luha at sipon ang buong mukha ko pero wala akong pakialam.
All this time ba, niloloko lang ako ni Josh? Pinaglaruan at pinaasa gaya ng tanong ng mga tropa niya kanina? Kaya pala ganoon ang mga tawanan nila at asaran. Shutang ina! Bakit ang tanga ko, Diary? Bakit ang tanga-tanga ko?
Unti-unting bumabalik sa alaala ko ang mga salitang binitawan sa akin ni Josh...
“Ano bang pakialam n’yo kung girlfriend ko si Pipay? Dahil ba hindi n’yo s’ya kasingganda? Dahil ba hindi n’yo s’ya kasingkinis at kasin-talino? Por que ba mas nakakaangat kayo sa kanya kaya pinagtatawanan n’yo siya? Pero pasensiya na lang kayong lahat. Dahil kumpara sa mga ugali n’yo? Mas tao pa ang tingin ko kay Pipay kesa sa inyo...”
“Masaya lang ako dahil napapaginipan mo rin pala ako. Akala ko tanging ako lang ang nakakapanaginip sa `yo. Pati rin pala ikaw...”
“Ako na, Pipay. Para walang istorbo sa pag-holding hands natin...”
“Ayoko sa lahat, nilalait ang girlfriend ko. `Tangina! Isa pang lait nila, baka masuntok ko sila isa-isa...”
“Para hindi na kayo mahirapan sa kakaisip kung ano ko ba `tong babaeng kasama ko, girlfriend ko siya. Nagulat kayo, `no? Ako rin, eh. Hindi ko kasi ine-expect na sasagutin ako ni Pipay. Sobrang bait kasi niya. Kayo, may boyfriend ba?”
“How dare you insult my girlfriend in front of me?!”
“Alam mo naman na I will wait forever... If you say you’ll be there, too....”
Parang sinasaksak ang puso ko sa mga bawat matatamis na salita na sinabi sa akin Josh noon, Diary. Isa lang palang kasinungalingan ang lahat? Sila pala ni Helena? Sila ba talaga, Diary? Para akong mamamatay, Diary. Ang sakit sa loob ng dibdib ko.
Sana panaginip lang `to, Diary.
Lubos na nasasaktan,
Pipay ♥