Madramang Entry #22
Dear Diary,
Ilang beses ko na bang isinulat sa papel mo, Diary, ang salitang “masakit”? Hindi ko na `ata mabilang dahil paulit-paulit ko kasing nararamdaman, eh. Sana sa bawat salitang isinusulat ko sa `yo, Diary, nababawasan ang sakit pero hindi, eh. Mas lalo lang lumalala. Hindi lang puso ko ang masakit kundi ang buong katawan ko, Diary.
Uulitin ko, Diary. Sobrang sakit talaga. Pasensiya ka na, Diary, kung punong-puno na ng luha `tong bawat piraso ng papel mo. Wala lang talaga akong mapaglabasan ng sakit na nararamdaman, eh. Alam mo naman na ikaw ang lagi kong nakakausap kahit na hindi ka sumasagot, Diary. Salamat dahil kahit wala na si Josh sa buhay ko, kahit hindi ko na siya pag-aari, ikaw, hindi mo ako iniiwan. IckAw LhArn, Diary, SaPat NhAh.
Ang hirap gumising sa umaga at bumangon lalo na’t maaalala kong wala na kami ni Josh. Mukhang wala naman talagang “kami,” Diary, eh. Ilusyon ko lang `ata ang lahat. Isang malaking kahibangan na ang gaya niya ay magmamahal ng gaya ko. Minsan, naitatanong ko sa sarili ko kung may karapatan bang lumigaya ang isang tulad ko? Kasi ang tanging kaligayahan ko... iniwan na ako. Masakit pero kailangang ipagpatuloy ang buhay.
`Sus, lalaki lang `yan, eh. Maraming lalaki diyan. Pero shutang ina, Diary! Ano’ng gagawin ko sa maraming lalaki kung siya lang ang gusto ko? Kung si Josh lang ang mahal ko? Madalas akong makarinig ng kasabihang “kapag may aalis, may darating.” Pero puwede bang kahit wala nang dumating basta manatili lang si Josh sa akin?
Pero hindi maaari. Hindi ko siya pag-aari, Diary, dahil pag-aari siya ni Helena. Ang unfair. Kahit ayaw kong aminin, Diary, bagay na bagay talaga sina Josh at Helena. Isang guwapo at isang maganda. Perfect love story. So ano ako? Ako ang witch sa kuwento nila? Puwede bang `wag na lang? Ako na lang ang butterfly at mag-fly-fly sa garden. Char!
Napansin `ata ni Inay, Diary, na masyado akong matamlay at hindi lumalabas ng bahay namin. Usually kasi, after kong makauwi, lalabas na agad ako at bubuwisitin siya o `di kaya naman, aasarin ng ‘panot, panot’ ang kapitbahay namin. Ngayon, nagtataka siya kung bakit daw ako laging nakakulong sa kuwarto ko at nag-e-emote. Kinausap niya tuloy ako kung may problema ako.
“Anak, may problema ka ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni Inay. Umupo pa siya sa gilid ng papag ko.
“Marami po, Inay. Hahatian mo ba `ko?” sagot ko sa kanya.
“Shutang inerns ka, Pilar! Effort ako rito, ah? Kahit hindi ako sweet na nanay sa `yo, kailangan kitang kausapin ngayon para alamin ang problema mo dahil inutusan ako ni Author. Nakakahiya naman sa `kin dahil wala ako masyadong exposure dito sa malanding story mo,” sunod-sunod na talak niya sa akin. “Uulitin ko. Pilar, may problema ka ba?”
“Meron po, Inay,” sagot ko. “Masakit po rito.” Itinuro ko ang dibdib ko.
“Gaga ka kasi. Kita mo nang wala kang boobs, todo bra ka pa. `Ayan, nasasaktan ang dibdib mo.” Ang shunga at ang slow ni Inay. Bigyan n’yo ito ng award!
“Hindi, Inay. Hindi boobs ko ang tinutukoy ko. Puso po. Masakit ang puso ko. Inay, sobrang sakit. Bakit ganito? Bakit niya `ko niloko?”
Nagsisimula nang magtubig ang mga mata ko dahil sa mga sinabi ko. Sana lang maramdaman ng slow kong Inay kung gaano ako nahihirapan.
“Aww, ang anak kong shunga-shunga. Mukhang nagmamahal na.” Tumabi siya sa akin saka ako niyakap. “Sige, anak. Iiyak mo lang `yan. `Andito lang si Inay mo... tinatawanan ka. Char!”
“Inay, bakit ganito kahirap at kasakit magmahal? Lahat naman, ipinakita ko sa kanya. Lahat ng pagmamahal na meron ako, ibinigay ko. Pero bakit kailangan niya pa akong lokohin at paniwalain na totoo lahat ng pagmamahal niya sa akin? Pinagpustahan lang nila ako, Inay.” Humagulhol na ako habang niyayakap ako ni Inay.
“Ganyan talaga ang buhay, anak,” malungkot na sabi ni Inay habang hinahaplos ang buhok ko. “Ganyan talaga ang buhay pag-ibig kasi panget ka. Ano’ng ine-expect mo? Na mala-Drake and Alys ang story mo? Gumising ka sa kahibangan, anak. Tigilan ang kaka-shabu, ah? Bata ka pa. Saka ka na mag-shabu after high school. Sa ngayon, marijuana muna. Chos! Joke lang `yong marijuana, anak. Sige, umiyak ka lang.”
Lalo akong naiyak sa sinabi ni Inay, Diary. Hindi dahil nakaka-touch kundi dahil sobrang nakakainis. `Yong totoo? Nanay ko ba `to? Author, utang-na-loob! Bigyan mo naman ako ng matinong nanay, o. `Yong swak sa moment kong brokenhearted ngayon. `Yong nanay ko ngayon, walang simpatya, eh.
“Anak...” narinig ko ulit nagsalita si Inay habang hinahaplos ang buhok ko. “Anak, ang tigas ng buhok mo. Sabi ko naman sa `yo na ang Kiwi, sa sapatos, hindi sa buhok. Makinig ka naman sa akin.”
“Sa sapatos pala ang Kiwi, Inay? Akala ko sa kilikili. Ginagawa `atang deodorant ni Mimay `yon, eh.”
“Hayaan mo na si Mirasol, anak. Adik ang mga magulang n’on. Ano’ng ine-expect mo sa anak? Kapag bulok ang puno, bulok din ang bunga.”
“Kaya pala bulok din ako, Inay?” nagtatakang tanong ko kay Inay.
“Anak, in every rule there’s an exception. Sa case natin, fresh kaming mga magulang mo pero ikaw lang ang nabulok,” sabi niya sa akin. “Kaya itigil mo na `yang pag-e-emote mo kung ayaw mong ihampas ko sa `yo ang flatscreen TV natin.”
“Wala naman tayong flatscreen, Inay, eh.”
“Ay, wala ba? Sige, itong suwelas na lang ng bakya ko ang ihahampas ko sa mukha mo.” Tumayo na si Inay saka nagpamaywang pa sa harap ko. “Basta, ito lang ang tatandaan mo, anak. Nasasaktan ka ngayon kasi panget ka. `Wag ka munang magmamahal. Puro ka kalandiang bata ka. High school ka pa lang. Hindi ka forever alone. Sungalngalin kita diyan, makita mo.”
“Salamat sa napaka-inspirational na quotes, Inay. Ipo-post ko, `yan sa Facebook, ah?”
“Sige, dalian mo. Ila-like ko `yan. LIKE!” Lumabas na si Inay ng kuwarto ko.
Paglabas niya, agad akong nag-open ng Facebook at inilagay sa status iyong sinabi niya. Ang inay, aba nag-like agad at nag-comment ng #Relate. Relate-relate pa siyang nalalaman. Itong matandang `to!
Sabado ngayon, Diary, kaya thank God dahil hindi ko makikita si Josh. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin dahil sa nangyari kahapon. Masyadong masakit iyon, eh. It’s like my colorful world before is now surrounded by a dark haze. I couldn’t even see anything. I couldn’t feel anything except heartbreak, pain and agony. English `yan. Kung wrong grammar, keri na `yan.
Bakit kaya ganito? Kapag brokenhearted pala ang isang tao, tumatalino. Ang daming naiisip na quotes. Ahihihi! Hay, buhay. Ano kaya’ng ginagawa ni Josh ngayon, Diary? Tingin mo, kasama niya si Helena gagita ngayon? Biglang sumakit ang dibdib ko. Malamang kasama niya `yon. Sila na kasi, `di ba?
Naku, baka isang araw, makita ko silang magka-holding hands habang dumadaan sa harap ko. Sweet naman n’on. Sa sobrang sweet, gusto kong magpaulan ng bulaklak, lupa, paso, martilyo, ref, lamesa, bangko, washing machine at graba sa pagmumukha ni Helena. Ang sweet, `di ba? Peste!
Naligo na ako pagkatapos kong kumain, Diary. Oo, naligo ako. No joke. Honesto, promise. Naglinis na ako ng katawan ko kasi nakakahiya naman sa mga nagbabasa ng Diary ko diyan na nagsasabing ang dirty-dirty kong nilalang. Shunga-shunga ang chaka! Fiction kaya `tong story ko kaya lahat ng puwedeng gawin ni Author, magagawa niya. Kung gugustuhin niya nga, puwede siyang maging leading man ko, eh. Hihi. #SicPay. Heart-heart!
Paglabas ko ng bahay, Diary, naabutan ko si Inay na nakikipag-away sa kapitbahay namin. Sabunutan sila at pahiga-higa pa sa kalye habang hinihila ang buhok ng kapitbahay na lagi niyang kaaway. Ang dami pang nanonood sa paligid nila na sumisigaw ng:
“O, kay Aling Tinay ang pusta ko. Isandaan” tapos “Kay Aling Petra ako. Singkuwenta.” Pagkalagpas ko kina Inay na nag-aaway, sumigaw na lang ako ng:
“Inay, kaya mo `yan! Fight, fight, fight!” Tumango lang siya sa akin saka nag-thumbs up. Bigla tuloy siyang nasuntok sa mukha ni Aling Petra.
Taray ni Inay, fighter! FTW!
Tinatahak ko na ang landas patungong plaza. May rehearsal ako ngayon ng Miss January Girl 2014. Taray, `di ba? May pageant pa pala ako. Kung saan-saan na napunta ang kuwento ko. Palibhasa bobo ang author, eh. Puro kalandian lang ang alam at laman ng utak, eh. Jusko! Paki-bash nga `yang si Sic. Haha! Char!
Ang hirap pala ng ganito, Diary. Sa bawat galaw ko, sa bawat lugar na pinupuntahan ko, para bang nakikita ko si Josh. Lahat ng alaala naming dalawa ay unti-unti ko na namang naaalala. Masyado ko kasing minahal ang lalaking iyon kaya tuloy, pati paghinga ko, may kinalaman siya. Minsan nga, Diary, bigla kong naiisip na pumunta sa bahay nina Heleparot para magmakaawa.
Pipay: Helena, pahiram naman kay Josh. Pahiram ng asawa mo kahit isang gabi lang.
Helena: Pilar, akin lang ang asawa ko!
Pipay: Gaga! Ibang palabas `yong sinabi mo. Ano ba `to? Ang ganda-ganda, ang shunga-shunga naman!
O, `di ba? Baka maging tanga lang ang sagot ni Helena sa akin kaya `wag na lang.
Pagdating ko sa plaza, naabutan ko na agad ang ibang contestant na nandoon sa stage. Nandoon na rin si Prince na tahimik sa isang sulok at may hawak na cell phone. Si Mimay naman, nakikipagkuwentuhan kasama ang ibang babae. Napatingin ako sa porma ni Mimay ngayon. Omaygad! Ang lakas mag-shorts ng gaga. Akala mo, kaputian. Naka-backless pa siya na puti. Omaygad talaga! Mukha siyang poste ng Meralco dahil sa kaitiman. Hindi ba aware si Mimay na dark ang color niya? `Lakas ng loob magsuot ng makukulay na damit, eh. O baka naman aware ang anak ni Ursula pero dahil sadyang makapal ang tabas ng mukha niya, dedma na lang ang peg?
Uupo na sana ako sa gilid nang marinig kong tinawag ng isang lalaki ang pangalan ko.
“Pipay...”
Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Josh na nakatayo sa pintuan. May dala siyang paper bag at nakatingin sa akin nang seryoso. Pansin ko ang mga mata niya na namumula. Umiyak din ba si Josh kagabi? O baka naman nagsha-shabu na rin siya?
“Pipay...” binanggit niya ulit ang pangalan ko habang dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa kinauupuan ko.
“Hoy, kupal ka. Ano’ng ginagawa mo rito?!” galit na sigaw ni Prince kay Josh. Biglang tumabi si Prince sa akin saka ako tinabig papunta sa likuran niya. “Subukan mong lapitan si Pipay, magpipiyesta `tong mga kamao ko sa mukha mo.”
“Hindi ako natatakot sa mga kamao mo, gago. Kahit patayin mo ako, okay lang dahil para na rin akong namamatay araw-araw dahil wala na sa akin si Pipay,” malungkot na sabi ni Josh.
Tumingin siya sa akin na para bang nagmamakaawa. Napatakip ako ng bibig dahil sa mga titig niya, Diary. Para na naman akong naiiyak.
“Ipinadala ka ba rito ng mga tropa mo para pagtripan na naman si Pipay?” galit na tanong ni Prince.
“Josh...” Shet, saan ko nahugot ang lakas ng loob para mabanggit ko ang pangalan niya? “Josh... please lang. Tigilan mo na ako. Hindi ba sapat na napaglaruan n’yo na ako? Nanalo ka na sa dare, `di ba? Nasaktan mo na ako at kayo na ni Helena. Ano pa ba’ng gusto mo?”
“Pipay, hindi gano’n `yon.” Naluluha na ang mga mata ni Josh. “Pakinggan mo naman ako, Pipay. Mag-usap tayo. Ayusin natin ang lahat. Please, makinig ka sa akin. Ipapaliwanag ko sa `yo lahat-lahat, `wag mo lang akong iwan,” pagmamakaawa ni Josh sa akin.
“Tama na, Josh. Please lang. Tama na. Ano pa ba’ng dapat natin pag-usapan? Ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo? Ano pang matatamis na pangako ang ipapangako mo sa akin?” naluluhang sagot ko sa kanya.
“P’re, please umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko sa `yo. Gusto kitang bugbugin dahil sa ginawa mo kay Pipay. Sinasaktan mo lang `yong babaeng tatlong taon ko nang minamahal. Pinaiyak mo lang `yong babaeng pinapangarap ko.” Anong pag-e-emote na naman ni Prince `to, Diary? “P’re, alam mo ba `yong pakiramdam na binabasura lang ng iba `yong babaeng pinapangarap mo?”
“Sino’ng pinapangarap mo, Bhabe ko?” narinig kong tanong ni Mimay “Sino’ng babae `yon, Prince, magsalita ka!”
“Shutang ina, Mirasol! Puwede bang mamaya ka na makisabat? Usapang-tao muna `to, o. Mamaya na ang usapang-tikbalang na negra,” sigaw ko kay Mirasol.
“Okay, go.” Saka siya nag-walk out paalis ng plaza.
“Pipay, please. Pakinggan mo lang ang paliwanag ko. May dala akong pagkain ngayon, o. Ako ang nagluto nito. Hindi natin na-celebrate ang first monthsary natin kahapon, eh. Ang bilis, `no? Isang buwan na pala tayo kahapon. Sana pala inaya kitang mag-date.”
Ngumiti si Josh sa akin. Ano ba `tong lalaking `to? Hindi niya ba narinig `yong mga sinasabi ko?
“Oo, isang buwan na tayo kahapon. Isang buwan mo na akong niloloko. At hindi na `yon madudugtungan pa.”
Inilapit sa akin ni Josh ang paper bag na hawak niya. “Masarap `tong niluto ko, Pipay. Punong-puno `to ng pagmamahal. Tara, kainin na natin.” Ngumiti na naman siya.
“Sinabi nang ayaw ko, eh! Tigilan mo na nga ako!” Bigla kong tinabig ang paper bag kaya bigla itong natapon sa sahig at nagkalat ang laman.
Napatitig si Josh sa pagkatapon ng mga pagkain na iniluto niya pero bigla siyang yumuko at pinagkukuha iyong natapon.
“Bakit mo tinapon, Pipay? Pinaghirapan ko `to, eh. Para `to sa ating dalawa... Binuhos ko `yong pagmamahal ko para lang maipagluto ka ng mga `to. Kahit na napaso-paso pa ako kanina sa pagluluto, ayos lang basta para sa `yo,” sunod-sunod na salita niya habang pinupulot ang mga pagkain na natapon.
Napansin kong umiiyak na si Josh habang pinupulot ang mga nasa sahig. “Pipay, bakit nagbago ka na agad? Hindi na `ata ikaw `yong Pipay na nakilala ko.”
“Nagbabago ang tao kapag nasaktan, Josh,” sagot ko sa kanya. “I loved you but you chose to break my heart. Now accept the consequences for what you have done,” sagot ko sa kanya habang naglalakad palabas ng plaza.
You had me at my best, Josh, but you chose to break my heart. This is just the start... be ready for some more.
‘Cause Pilar is now dead... I’m now Pipi... eeww bastos.
Nasaktan din ako sa mga masasakit na salitang sinabi ko kay Josh pero wala akong magawa. Minsan, kailangan din maging selfish para hindi na lalong masaktan pa.
Sorry, Josh, pero tingin ko, late ka na masyado. Wala nang maibabalik pa.
Moving on,
Pipay