noveltoon logo noveltoon
Ang Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) Season 1

Chapter 26

Ch. 27 / 36 Apr 09, 2022

Madramang Entry #26

Dear Diary,

Akala ko mamamatay na akong virgin kanina dahil sa pambubugbog sa akin nina Mimay with the gang. Mabuti na lang pala dumating agad ang principal namin. Jusko! Kung kailan malapit na akong malagutan ng hininga, saka lang dumating ang matandang iyon. Gusto pa `ata muna ako mabugbog nang bongga bago mag-rescue. Parang pulis sa mga telenobela, eh. Laging late dumating kapag may patayan na nagaganap. Mga Filipino talaga, eh.

Hindi ako racist, Diary, ah? Sinasabi ko lang ang totoo. Hindi ako gaya ni Napoles na hindi alam ang lahat. Shutang inang Napoles `yan! Walang alam pero pagdating sa pera, fast learner at nag-excel pa `ata. Anyway, mabuti na lang hindi ako Filipino. Nasabi ko na ba sa `yong half Italyano ako, Diary? Yesterday once more, Diary. Half Ita-half Ilocano ako! LOL!

Dinala ako sa clinic, Diary, at pinahiran ng gamot ang mga sugat ko. Naloka nga ako sa nurse do’n dahil ang bobo-bobo, eh. Sabi ba naman:

“O, Pilar. Napadalaw ka? Ano’ng kailangan mo? May masakit ba sa `yo?” inosenteng tanong niya sa akin.

Gusto ko sanang mag-headbang, “Gimme Gimme” at “Gentleman” sa tanong ng shungang nurse. Ano raw ang kailangan ko sa clinic, Diary? Hampasin ko kaya ng clinic bed ang shungang `yon? Hindi ba niya nakita na ang gulo-gulo ng buhok ko? Na pagang-paga ang mukha ko dahil sa sampal ng negrang pusit na anak ni Ursula sa pagiging puta at pagiging kabit ni Poseidon? Hindi ba niya nakita ang ilang kalmot sa mukha ko? Shutang ina! Ang bobo ng nurse!

“Ay, talaga naman si Ate Nurse, pambobo ang tanong,” sabi ko sa kanya. “Hindi mo ba nakikita `tong mukha ko? Puro galos, o! Itong buhok ko, o, sabog-sabog!”

“Ay, galos ba `yan? Akala ko may pauso ka na namang style.” Tumawa pa ang loka-loka. “Saka, `di ba, ganyan naman lagi ang buhok mo, gulo-gulo talaga? Parang walis-tambo sa tigas.”

“Nangha-hard pa siya, o. Palunok ko kaya `tong walis-tambo sa `yo? Ano, Ate Nurse?” Hinawakan ko pa ang walis-tambo at ready na akong ibaon sa ngalangala ng bobang nurse na `to.

“Ito namang si Pilar, hindi na mabiro. Tara na rito, gamutin na natin `yang sugat mo.”

Mabuti naman at natakot siya sa mga sinabi ko dahil tototohanin ko talaga `yon. Magbiro na siya sa lasing `wag lang sa brokenhearted, dahil sensitive pa ang puso ko. Hurt-hurt overload. Ang sakit, Diary! Hindi man lang ako nagawang ipagtanggol ni Josh kanina. Ganoon ba siya kagalit sa akin? Ganoon ba kalaki ang galit ng puso niya sa akin? Nakalimutan niya na agad ako? Bakit ang unfair, Diary? Oo, ginusto ko namang saktan siya pero kung alam niya lang ang totoo, kung alam niya lang na para rin naman sa kanya ang ginawa ko.

Ikaw lang ang tinitibok ng pempem at puso ko, Josh. Wala nang iba. IckAw Lh4Rn bHoSXz JoShUa S4p4T nHah.

Pero alam kong simula pa lang `to, Diary. Alam kong gaganti si Josh sa mga pananakit na ginawa ko sa kanya. Kailangan kong ihanda ang sarili ko para sa revenge niya. Okay lang. Tatanggapin ko ang lahat. Mas okay na ako na lang ang masaktan kaysa siya. Ganito naman `pag nagmamahal, `di ba? Mas okay na tayo ang masaktan kaysa ang mga mahal natin. Dahil kapag sila ang nasasaktan, dobleng sakit ang nararamdaman natin.

Habang ginagamot ng shunga-shungang nurse ang mga sugat ko, sinabi niya rin sa akin na suspended raw si Mimay and her friends dahil sa pambubugbog sa akin. Sinundo raw si Mimay ng nanay niyang si Ursula na naging puta at kabit ni Poseidon ng Bermuda Triangle. Kaya pala paglabas ko ng clinic, nangamoy dagat ang paligid. Iba talaga ang kapangyarihan ng mga taong dagat, hanggang lupa, nakakarating.

Sinabi sa akin, Diary, ng principal namin na umuwi na lang ako para makapagpahinga. Pumayag naman ako para alam mo na, rest in peace rin iyon. Ang sakit kasi ng buong katawan ko. Dumaan din ako sa room at nagpaalam kay Prince. Baka kasi nag-aalala siya sa akin. `Yong isa pang lalaki na `yon, naturingang “Prince” ang pangalan, walang nagawa noong nasa delikadong posisyon ang prinsesa niya. Hay, kalokang Prince! I thought you love me, but where were you when I needed you the most? Quote `yan, paki-tweet po. @Pipay_G at pakigamitan ng hashtag #DNHMSL. Thanks.

Pababa na ako sa building ng fourth year, Diary, nang makita ko sina Joshua at Helena na kumakain sa ilalim ng puno. Nagtama na naman ang tingin namin ni Josh pero agad siyang umiwas at isinandal pa ang ulo niya sa balikat ni Helena. Sinubuan niya pa si Heleparot at kinurot ang ilong.

Sige lang, Josh. Pagselosin mo pa ako lalo. Akala mo naman apektado ako. Shutang inerns! OO NA! APEKTADO NA! GUSTO KONG HILAHIN LAHAT NG BUHOK SA KATAWAN NG HELENA NA `YAN! Sarap hampasin ng wrecking ball ni Miley Cyrus.

I chose to ignore them. Tumalikod na lang ako at naglakad palayo sa kanila. Habang naglalakad ako at pinipigilan kong maiyak, bigla kong naramdaman na nakatingin sa akin si Josh, isang titig na tumatagos sa buong katawan ko. Kahit gusto kong lumingon, pinigilan ko. Kailangan nang putulin ang ugnayan naming dalawa. Kailangan na naming magpakasaya kahit tapos na ang lahat sa amin.

Sometimes, people meet each other but it does not mean that they need to stay forever. Quote ulit `yan. You know what to do, kapemsters.

Habang nasa tricycle ako, natanggap ko ang text ni Prince.

From: PrinceNiPipi (‘Wag na kayo magtaka kung bakit ganyan ang name. Prince+Pipi daw `yan. Mga kakornihan ni Prince, eh.)

Pipay, my loves. Sorry kung hindi kita naprotektahan kanina laban sa kampon ng kadiliman. Hayaan mo, igaganti kita sa fat witch na `yon. `Punta ako sa bahay ninyo mamaya. I love you more.

Itatago ko na sana ang cell phone ko kaso bigla kong nakita ang mga dati pang text ni Josh sa akin. Kahit ayaw kong basahin, parang may sariling utak ang mga kamay ko kaya nagpindot-pindot agad.

I love you, Pipay. Goodnight. `Wag kang mag-aalala, bukas mas mahal pa kita...

Kahit hindi ka maganda sa paningin nila, wala akong pakialam. Ikaw naman ang maganda sa paningin ko...

Pipay, nasabi ko na ba sa `yong mahal na mahal kita? Kung hindi pa, eh, di mahal na mahal kita. Hehe...

You know who’s the most beautiful girl I’ve ever met? Read the first word again, Pipay.

Ito na lang ang mga natitirang messages sa akin ni Josh. Iyong iba kasi, binura ko na. Naramdaman ko na lang ang sarili kong umiiyak dahil sa mga alaala naming dalawa. Mga alaalang hanggang doon na lang. Sana bumalik kami sa dating kami. Pero hindi na maaari. May mga bagay sa mundo na kailangan mong ipagpatuloy kahit wala na ang taong mahal mo. Dapat magpasalamat na lang ako dahil dumaan sa buhay ko si Josh.

First step sa pagmu-move on: Delete all messages.

Hindi ka makakaalis sa isang lugar kung patuloy kang may inaalala.

Pagbaba ko ng tricycle, naabutan ko ang nanay kong boksingera na nakikipagsagutan sa kapitbahay naming si Aling Petra. Remember Aling Petra? Siya ang laging kabasag-ulo ni Inay. Mga matatandang `to.

“HOY, PETRA! Hindi por que natalo mo ako sa suntukan kanina, magmamaganda ka na. `Wag assuming, please,” sigaw ni Inay.

“Aba! Nagsalita ang hindi assuming. Hoy, Tinay! Baka gusto mong basagin ko ulit `yang bungo mo? Ano?” paghahamon ni Aling Petra.

“Sige! This time, papakainin kita ng alikabok, matanda ka. Mamaya ulit sa bakanteng lote. Tawagin mo sina kumpare para may pusta.”

“Sige. Deal.”

Aba, may suntukan na naman sina Inay mamaya. Iba talaga kapag boksingera ang nanay. Hectic ang schedule sa pakikipagbasag-ulo.

“O, `andiyan na pala ang anak kong shunga-shunga. Kumusta ang paglalandi—este, school?” Humarap ako kay Inay kaya nagulat siya sa hitsura ko. “Shutang ina, anak, ang panget mo! Panget ka na nga, mas lalo ka pang pumanget.”

“Ay, wow, Inay! Salamat sa concern.”

“Siyempre, chos lang, anak. Pero ano’ng nangyari sa `yo? Bakit ganyan ang mukha mo? Bugbog-sarado ka, ah. Sabi ko naman sa `yo, `wag kang mangre-rape, eh. `Ayan, nabugbog ka tuloy.”

“Ano’ng pinagsasabi ninyo, Inay? Anong rape?”

“Ay, hindi ba ikaw ang nabalita sa TV? `Yong Eunice pala `yon. Gagahasain daw ang gaga. Shutang inang `yon! Gumagawa ng kuwento. Gusto pang baliktarin ang idol kong si Mong. Kapag nakita ko talaga `yong malanding bruha na `yon, susuntukin ko ang pempem n’on hanggang sa mamaga. Pakarat ang letse. Pakshet!” Galit na galit si Inay.

Pumasok na lang ako sa loob ng bahay namin at nagmuni-muni sa kuwarto ko. Si Inay naman, todo-talak at paglabas ng sama ng loob tungkol doon sa idol niyang si Mong at sa malanding gagang pakarat na si Eunice daw. Jusko, Lord! Bakit ganyan ang nanay ko? Bungangerang boksingera?

Tulad nga ng sinabi ni Prince, pumunta siya sa bahay, Diary, after school. Galit na galit siya noong nakita niya ang hitsura ko.

“`Tangina talaga `yang baluga na `yan! Yari talaga sa akin `yan kapag nakita ko `yan. Nakakagigil!” Pinagsusuntok pa ni Prince ang pader ng kuwarto ko.

“Hayaan mo na si Mimay. I’m sure mayayari na `yon sa nanay niyang si Ursula na puta ng karagatan.”

“Hindi. Ayoko nang ginaganyan ka, Pipay, eh. Lulunurin ko `yan diyan sa ilog.”

“Hindi ka magtatagumpay.”

“Bakit naman?” nagtataka niyang tanong.

“Lulunurin mo, really? Pusit `yang girlfriend mo. May nabalitaan ka na bang pusit na nalunod?”

“Oo nga, `no?” Nag-isip pa siya. “Iluluto ko na lang `yang pusit na `yan.”

“Sige, sige. Kalamares, ah?”

Nagtawanan kaming dalawa ni Prince dahil sa pag-uusap namin tungkol kay Mimay. Pero natahimik din kami agad noong nakita ko ang picture namin ni Josh noong last date naming dalawa.

“Kung naiiyak ka, umiyak ka lang... para gumaan ang pakiramdam mo,” narinig kong sabi ni Prince.

Agad na namang tumulo ang mga luha ko, Diary, dahil sa sinabi niya. Araw-araw na lang ba akong iiyak dahil kay Josh, Diary? Parang hindi ako nauubusan ng luha kapag naiisip ko si Josh. Nakakainis na.

“Alam mo, Pipay, nakakatawa pala ang kalagayan ko, ano?” Nagsalita ulit si Prince. “Ako naman ang kasama mo ngayon pero ibang lalaki naman ang laman ng puso mo.” Ngumiti siya.

“Sorry,” mahina kong sagot sa kanya habang tinitingnan ang picture namin ni Josh.

“`Wag kang mag-sorry. Ayos lang. Ginusto ko naman `tong sitwasyon ko, eh. Okay lang maging rebound ako, Pipay. Okay lang kahit mamalimos ako ng pagmamahal mo basta lagi lang ako’ng nasa tabi mo.”

Napatigil ako sa sinabi ni Prince. Naisip ko na parang nagiging unfair ako sa kanya. Kung masaya na si Josh ngayon, Diary, siguro kailangan ko na rin maging masaya para sa kanya at para sa sarili ko. Tinitigan ko ulit ang picture at dahan-dahan kong pinunit.

Second step: Tear the pictures into pieces.

“Pipay, may ipapakita ako sa `yo.” Tumabi sa akin si Prince sabay kinalkal ang bag niya at inilabas ang isang papel. “`Eto, o.” Iniabot niya sa akin.

“Bakit bilog ang nasa gitna at hindi puso?” Nakasulat kasi ang pangalan naming dalawa sa loob ng bilog.

“Kasi ganito `yan.” Ngumiti sa akin si Prince. “If you love someone, put her name in a circle not a heart; a heart can be broken but a circle goes on forever.” Saka may kinuha pa siya sa bag niya, mga sulat.

“Ano naman `to?” tanong ko sa kanya.

“Kapag nararamdaman mong walang nagmamahal sa `yo, basahin mo lang `tong mga sulat na `to para maalala mong may isang Prince Leroy na handang mahalin ka habang-buhay.”

“Shutang inerns! Bakit ang sweet mo?”

“Hindi ko alam kung bakit ako sweet, eh,” nahihiya niyang sagot. “Ang alam ko lang kasi, mahal kita.”

Dahil kay Prince, Diary, nakalimutan ko ang masasakit na nakita ko mula kina Josh at Helena kanina. Siguro panahon na para naman lumigaya ako, Diary, ano?

Tingin mo, Diary, bigyan ko ng chance si Prince?

Sumagot ka.

Hinihintay ang sagot mo, Diary,

Pipay is now moving on... for real