noveltoon logo noveltoon
The Governor's Wife

Chapter 8

Ch. 9 / 37 Nov 28, 2025

KAHIT kaunti lang ang bisita ay masasabi pa rin ni Pepper na bongga ang kanyang kasal. Sa hardin ng bahay ni Jaidon ang reception at gumastos talaga ang lalaki sa professional wedding planner. Napakaraming bulaklak ang ginamit na palamuti at masasarap ang mga handang pagkain. Ang ganda ng three-tier wedding cake na dati ay nakikita niya lang sa Instagram ang design.

May dalawampung tao siguro ang naroroon, sa tantiya niya. Si Senator Ronelito Adolfo na kaibigan ng ama ni Jaidon ang tumayong ninong sa kasal. Si Marnelia Navarette na congresswoman ng third district sa kanilang probinsiya ang kanilang ninang. Kahit fifteen years lang ang tanda nito kay Jaidon ay nagprisinta talaga itong maging ninang nila. Ang provincial judge ng Sinagtala na ninong ni Jaidon sa binyag ang nagkasal sa kanilang dalawa. Wala silang mga abay o flower girls. Babawi na lang daw sila sa entourage sa church wedding.

Natanaw ni Pepper ang kanyang ama na tipong masinsinang kinakausap ang bagong balae. May hawak na tig-isang kopita ng red wine ang mga ito at malayo sa kumpulan. Napangiti siya dahil matikas na nakatayo ang kanyang Papa at halatang hindi nayayanig kahit kaunti sa presensiya ng senador sa harap nito. Iyon ang gusto niya sa kanyang ama; kaya nitong dalhin ang sarili, puwede itong iharap sa kahit na anong klaseng tao.

Nang tatlong katao na lang ang natitira mula sa mga dumalo ay doon na nagpaalam si Fernan sa mga bagong-kasal.

“Ingatan mo sana ang anak ko, Jaidon,” bilin pa nito sa kanyang mister.

“I will, don’t worry po,” mabilis namang sagot ni Jaidon.

Tumingin lang kay Pepper ang kanyang Papa, parang hindi alam ang sasabihin. Hanggang sa pinisil na lang nito ang kanyang balikat saka tumalikod na.

Nagpaalam na rin sa kanilang mag-asawa si Senator Adolfo kasama ang misis nito at binatang anak. Kinakausap ni Jaidon ang mga ito at si Pepper naman ay nakatanaw pa rin sa kanyang papalayong ama.

Parang gusto niyang maiyak. Ngayon lang niya lubusang naisip na hindi na pala siya uuwi sa kanilang bahay. Hindi na niya makakasalo mamayang hapunan ang kanyang Papa, hindi na ito ang manggigising sa kanya kapag tinatanghali siya ng gising. May asawa na siya ngayon. Iba na ang kanyang tirahan.

Naglalakad na si Fernan sa driveway palabas ng bakuran ng bahay nang habulin ito ni Pepper. Tinanggal niya ang kanyang mga sapatos at iniitsa na lang sa tabi para makatakbo nang mabilis. Nag-iinit ang mga matang tinawag niya ang ama.

“Papa!”

Tumigil ito sa paglakad at gulat na lumingon. Bago pa ito nakagalaw ay niyakap niya ito nang mahigpit.

“‘Pa, s-salamat po sa lahat-lahat,” sabi niyang nagpipigil umiyak. “Huwag na kayong mag-alala sa akin, ako na’ng bahala. K-kaya ko ito.”

“Diyan nga ako kinakabahan, anak,” may himig-birong sabi naman ni Fernan sa kanya pero hindi naman naitago nang garalgal na boses nito ang tunay na nararamdaman. Here was a father who just gave her daughter away in marriage. A marriage that had resulted from a scandal.

Alam ni Pepper, sumama man ang loob ng ama sa kanya dahil sa kahihiyang naibigay niya sa kanilang pamilya ay hindi naman ito galit. Hindi ito marunong magalit sa kanilang mag-iina. Napakasuwerte niy a’t naging anak siya nito. Hindi niya ma-imagine ang magiging reaksiyon nito sa eskandalo kung naging ibang tao lang siguro ito. Baka napagbuhatan na siya ng kamay, o kaya ay isinumpa’t itinakwil.

“O, siya, mukhang alam mo na ang gagawin kaya wala na akong maraming sasabihin. Basta, magpapakabait ka sa mister mo, ha?” bilin pa nito sa kanya, humigpit ang yakap. “Tingnan mo, o. Siya na tuloy ang pumulot ng mga sapatos mo.”

Napakalas si Pepper mula sa pagkakayakap sa ama at nilingon ang inginuso nito. Natanaw niya si Jaidon na bitbit na ang kanyang mga sapatos at matiyagang naghihintay sa kanya.

“Mami-miss kita, Papa,” sabi niya sa ama nang muli siyang tumingin dito.

“Mami-miss din kita, anak. Tatahimik na ang bahay, wala na akong masisigawan araw-araw.”

Kunwari ay napasimangot si Pepper. “`Pa naman, eh!”

“Sige na, aalis ako. `Pag may kailangan ka, tumawag ka lang. Umuwi ka lang sa bahay anytime, okay?”

Sunod-sunod ang pagtango niya. “Ingat po sa pagmamaneho,” paalam na niya.

Hinalikan siya ni Fernan sa noo saka lumabas ng gate.

Hindi tuminag si Pepper sa kinatatayuan hangga’t hindi naririnig ang pag-andar ng sasakyan ng kanyang ama. Pagkatapos ay marahan siyang naglakad at sinalubong naman siya ni Jaidon sa gitna ng driveway. Walang imik niyang inabot ang mga hawak nitong sapatos.

“`You okay?” may pag-aalalang tanong nito nang nanatili siyang nakatungo.

“Y-yeah,” mahinang sagot niya, pinigil ang mahikbi.

Mabining itinaas ng mga daliri nito ang kanyang baba. “You know, we can go home to your house later. Doon tayo matulog kung gusto mo,” pang-aalo nito.

Doon na siya nag-angat ng mukha. “Ano ka ba? Kakakasal lang natin `tapos uuwi tayo sa bahay namin?”

“I just don’t want you to be sad, Pepper.”

“I’m not sad. W-well, konti siguro. Buong buhay ko kasi ay kasama ko si Papa sa iisang bahay, `tapos bigla-bigla akong nagpakasal.”

“You’d surely miss him.”

Malungkot siyang tumango.

“Kaya nga sabi ko, umuwi tayo sa inyo. Okay lang `yon sa akin,” pangungumbinsi naman ni Jaidon.

Sinimangutan niya ito. “Jaidon, maliit ang kama ko doon, `no?”

“`Di matulog tayong magkayakap.” Ngumisi ang lalaki, pilyo. “Puwede ring magkapatong.”

Mahina niyang ihinampas sa tagiliran nito ang mga bitbit niyang sapatos saka nauna nang naglakad. “Nakaalis na ang mga bisita natin. Puwede na ba akong pumasok ng bahay?”

Tumabi ito ng lakad sa kanya. “Sure. Ako nang magpapaalam kay Daddy, kausapin ko lang siya at susunod na ako sa iyo.”

“Okay, thank you.”

Muntik siyang napatili nang walang sabi-sabing pinangko siya ni Jaidon.

“Ayokong maglakad ka nang nakapaa,” nakangiting sabi nito sa kanya. “Besides, we just got married. You know, wedding tradition.”

Natawa tuloy si Pepper. “Naku, kaartehan lang `yan! Kaya ko namang maglakad nang nakapaa,” sabi niya pero hindi naman siya nagprotesta pa. She liked being carried by her husband.

“Ibaba mo na ako rito,” sabi niya sa asawa nang marating nila ang harap ng master’s bedroom.

Sinunod naman siya nito saka siya ipinagbukas ng pinto.

“Pagamit ng bathtub, ha?” paalam niya.

Tumawa si Jaidon. “Pepper, mag-asawa na tayo, hindi mo na kailangang magpaalam pa sa akin na gumamit ng ano-ano sa bahay na ito. Lahat ng pag-aari ko ay pag-aari mo na rin.”

“Hmm, sige na nga.”

Tinalikuran na niya ang lalaki nang pigilan naman siya nito sa braso. Pagharap niya rito ay mabilis siyang hinalikan sa mga labi. “I’ll see you in a while,” nakangiting sabi nito bago siya iniwan doon.

NANG pumasok siya sa banyo ng master’s bedroom ay saka lang parang nag-sink-in kay Pepper ang lahat-lahat. Siguro kinailangan niya munang mag-isa at malayo sa lahat ng tao para tuluyan siyang makapaniwala. Eto na nga, totoo na ito. May asawa na siya talaga!

“May asawa na ako! ” tili niya sa telepono pagkasagot niya sa kaibigan na kanina pa niya iniignora ang mga text at tawag.

“ Ay, ipagsigawan ba. ” Nai-imagine niya ang pag-iling-iling ni Linny.

“May asawa na ako!” muling sigaw niya.

“ Narinig ko, gaga! ”

“Jusko, Linita, tama ba ang ginawa ko?!”

“Ay, tange. Ngayon pa nag-isip. Kung magbabago ang isip mo ay puntahan mo `yong judge na nagkasal sa inyo at bawiin ang pinirmahan ninyong papeles para hindi ma-register.”

“Hindi, nandito na ito, panindigan ko na lang.”

“`Kaloka ka talaga, Pipay! Sarap mong sabunutan.”

Tumawa si Pepper. “`Sensiya naman, sa hindi ko inakalang makakapag-asawa ako sa ganitong edad, ano? I mean, ni hindi ko nga inisip na mag-aasawa ako ever! Remember, lagi mo akong binibiro na para akong lagalag na kaluluwa?”

“Sus, sabi mo lang yata `yan. Baka naman napo-fall ka na kay Gov, ha?” Humagikgik si Linny. “Hindi kita masisi, guwapo siya at mabait.”

“ Loka, anong fall? Hindi, `no? ”

“Huwag mong sabihing ayaw mong ma-in love sa kanya? Uy, Pipay, asawa mo na si Jaidon, at least learn to love him.”

Napakamot siya sa ilong. Awkward ang tanong, sa totoo lang. Hindi naman nila napag-usapan ni Jaidon ang tungkol sa love. Parang business lang tuloy ang pinasok niya, black and white lahat.

“Natututunan ba `yon? Alam mo namang tamad akong matuto.”

“Natututunan daw `yon. Kita mo `yong nanay kong dinaan sa Santong paspasan ng tatay ko, na-in love din pagtagal.”

“Nakow, if I know. Kerengkeng din naman si Tita Azun, ano? Hindi lang pa-obvious. Gusto rin niya ang tatay mo, nahihiya lang umamin agad.”

Humalakhak ang kaibigan. “Ano bang plano mo? Maging asawa lang sa papel? Huwag mong sabihing hindi ka na makikipag-sex sa kanya? Alangan namang hindi kayo magtabi sa kama, ha?”

Pinigil ni Pepper ang matawa. Kung alam lang ni Linny na bago pa sila ikasal ni Jaidon ay ilang ulit na silang nag-sex. Prangka siya kung kumausap sa pinakamatalik na kaibigan pero may bagay din palang hindi niya kayang sabihin dito. Ang mga pagtatalik nila ni Jaidon ay parang sagrado sa kanya, gusto niyang sila lang ng lalaki ang nakakaalam ng mga detalye.

“Basta. Go with the flow na lang muna ako,” gusot ang ilong na sabi niya saka isa-isang sinindihan ang apat na malalaking scented candles na regalo ng isang pinsan ni Jaidon. “Ako nang bahala.”

“Ako ang kinakabahan sa iyo, sa totoo lang.”

Ipinuwesto ni Pepper ang dalawa sa mga kandila sa tabi ng bathtub saka binuksan ang faucet doon. “Ano ka ba? Chillax ka nga lang diyan. `Yong tatay ko nga, tiwalang-tiwala kay Jaidon. Actually, pati buong pamilya ko tuwang-tuwang mag-aasawa na ako. Sabi ni Mama sa akin kanina sa telepono ay sa wakas, lalagay na raw ako sa tahimik.”

Hindi alam ni Pepper ang eksaktong mararamdaman para doon, iyong parang ang pinakamalaking achievement niya para sa pamilya ay ang pag-aasawa. Noong ikasal si Linny ay ang tanong agad sa kanya ng mga kapamilya at kakilala ay kailan naman daw siya susunod. Mag-asawa na rin daw siya. Wow lang, ha? Parang pag-aasawa na lang ang kinahihinatnan ng isang babae, ganern?

Ugh. Iyon din pala ang kinahinatnan niya talaga.

“In all fairness, hindi talaga ako maka-move on na may chemistry pala kayo ni Gov,” banat pa ni Linny. “Marami kayong ilalampasong love teams.”

“Gaga!”

Nang magpaalamanan silang magkaibigan ay doon na niya hinubad ang mga kasuotan at nagbabad sa bathtub. She sighed as she sank her naked body on the warm, soapy water. Mamahaling lavender bubble bath at dead sea salt beads ang ihinalo niya sa tubig. Iginala niya ang tingin sa loob ng napakaluwag na banyo. Hiwalay ang shower area sa mismong bathtub na may showerhead ding nakakabit. At bongga ang napakalapad na showerhead ng mismong shower area na may tabing na glass wall. May dim lighting pa iyon na nagpapalit-palit ng kulay at ang tubig ay puwedeng i-set na parang naliligo ka lang sa ulanan.

Pepper never thought that she could live a luxurious life like this. Masaya siya at walang reklamo sa buhay niya sa kanyang pamilya dahil nakakaalwan pa rin naman sila nang higit sa maraming tao. May running water at water heater din sila sa bahay, may bathtub at shower din sa banyo ng silid ng kanyang mga magulang na nagagamit niya. Pero ibang level na ang lifestyle niya ngayon.

May sampung minuto siyang nakababad doon nang pumasok sa banyo si Jaidon.

“A-ahm, patapos na ako,” sabi niya dito nang lumapit ito sa bathtub.

“Stay there,” sabi naman nito at inumpisahang hubarin ang mga damit sa katawan.

TITIG na titig si Pepper sa kanyang mister habang naghuhubad ng mga damit. Jaidon was doing the same at her. He was gazing at her neck and bosom in a blistering way. Napalunok siya nang tanggalin nito ang huling saplot sa katawan. Her husband was already pumped and ready.

Pumuwesto ito sa likuran niya nang lumusong ito sa bathtub. He spread his legs, giving her space so that her back was against his chest. She let out a sigh when he started rubbing her shoulders with the sponge.

“How is my new wife?” he asked, nuzzling his nose on her ear.

“I’m… I’ m fine. ”

Hindi napigilan ni Pepper ang mapadaing nang dumako ang sponge sa kanyang mga dibdib. Suwabeng pinaikot-ikot ito doon ng lalaki. At nang bumaba iyon sa kanyang puson ay naisandal niya ang ulo sa balikat nito at hindi niya naitago ang pagnanasa sa kanyang mga mata nang tumingin ito sa mga iyon.

“Lower?” may panunuksong tanong nito, may init at landi sa paningin nito. Nararamdaman niyang mas matigas na ang pagkalalaking nakadikit sa ibaba ng kanyang likod.

“Yes, p-please.”

She was lucky to have a generous lover. Kay Jaidon niya natuklasan ang mga pangangailangan niya bilang babae at walang pag-aalinlangan nitong ibinibigay sa kanya ang lahat. She had always thought that sex was kind of overrated, but oh, my… She had discovered it in the most amazing way and somehow it had been living up to the hype.

“O-ooh,” maikling ungol niya nang bumaba sa pagitan ng kanyang mga hita ang sponge na hawak ng asawa.

Lumiyad si Pepper nang makanti niyon ang kanyang tinggil. At tuluyan na siyang napahalinghing nang malakas nang kumaskas pa doon ang sponge. She could feel her womanhood plumped and oozing with her essence.

“Hold on,” pigil ni Jaidon sa kanya nang akmang aakyatin na niya ang langit.

Hindi humihinga si Pepper nang buksan ng lalaki ang drain ng bathtub at abutin nito ang showerhead. Umayos uli ito sa puwesto, hinalikan siya sa balikat.

“H-hurry,” hindi niya napigil na sabihin. Masakit kayang mabitin!

Iniikot nito ang nuzzle ng showerhead, at nang mahanap ang gustong spray ng tubig ay itinapat nito iyon sa kanyang pagkababae.

Muli siyang napaliyad nang tumama ang jet spray ng tubig sa sensitibong butil ng kanyang pagkababae. “Aaaah. A-ang sarap!”

Papalapit na siya sa climax nang ipasok ni Jaidon ang dalawang daliri sa kanyang butas. He finger-fucked her while spraying her clit. Naglalambitin na siya sa batok nito, taas-baba ang balakang, sinasalubong ang tubig at mga daliri ng asawa.

“Oh, oh, ooooh! I’m coming, Jaidon! I’m… oh, yes! I’ m co …miiiing!”

Pepper exploded in pure ecstasy. Hindi pa siya natatauhan nang hinawakan siya ni Jaidon sa baywang at itinutok ang pagkalalaki sa kanyang nanginginig pang kaangkinan. She yelped when he pulled her down to his member in one hard slam.

“Just give me a sec,” humihingal na sabi niya sa asawa. “Bawi lang ako sandali, saka ako magtatrabaho.”

“ No problem, ” nasisiyahang sabi naman nito at inumpisahang bumayo pataas.

How he moved his pelvis so fast like that was beyond her. Sa mga porn videos niya lang iyon nakikita at ngayon ay nalalasap na niya. Masarap pala iyon. Napakasarap. Her whole body was being rattled, her pussy was hammered hard and deep.

“Okay, okay… My turn,” pigil niya dito. Nag-e-enjoy man siya sa pangroromansa sa kanya ng asawa ay gusto niya ring masiyahan ito sa kanya.

Inumpisahan niyang gumiling; suwabe niyang pinaikot ang balakang.

“ Aah, Pepper … You’re so good, babe.”

She was riding him in a reverse cowgirl style. Ilang saglit din siyang gumiling-giling sa iba-ibang direksiyon bago siya nagtaas-baba dito. Hawak ang magkabilang side ng bathtub ay binilisan niya ang pagtatrabaho. She pumped against his cock so hard, pushing him to the rim.

“Slow down or I can’t stop myself,” hanggang sa babala nito sa kanya.

Pero walang balak bumagal si Pepper. Lalo pa niyang binilisan ang pagtaas-baba.

“I can’t… stop. Shit. Pepper, wait!” hirap na hirap nang sabi ni Jaidon, nakabaon na ang mga daliri sa kanyang baywang.

“Huwag mong pigilan,” himok niya naman dito. “I like riding you like this.”

Tumuwad siya at humawak sa magkabilang binti nito at binilisan pa ang paggalaw. She made sure that her husband could see her ass bobbing and shaking. Hindi niya inakalang ang galing niya sa twerking noon ay magagamit niya pala sa sex.

Pinalandi niya ang boses bago ito hinikayat. “ Come, Governor. Deep. Inside. Me. ” Alam din niyang lalo itong nasasarapan na napapanood ang pagbabanggaan ng kanilang mga ari.

Umatungal na parang mabangis na hayop ang lalaki nang abutin nito ang rurok. Napakahigpit ang hawak nito sa kanyang pang-upo habang nilalabasan sa kanyang loob. She was very happy and somewhat fulfilled. She just fucked her husband ’til he came so hard.

“You naughty wife,” paisa-isa ang paghingang sabi nito habang hinihila siya pataas. “Naiwan ka na tuloy.”

Humagikgik si Pepper. “Okay lang. Nagustuhan ko naman `yong naunang ginawa mo.”

“Humanda ka mamaya pagkatapos nating maligo,” pilyong hamon naman ni Jaidon.

“Mag-iwan ka lang ng lakas para sa honeymoon natin, Gov.”