noveltoon logo noveltoon
The Governor's Wife

Chapter 15

Ch. 16 / 37 Nov 28, 2025

“SORRY, hindi man lang ako nakatulong sa pagluluto,” nahihiya at nalulungkot na sabi ni Pepper kay Jaidon nang pasukin siya nito sa kanilang silid-tulugan.

“What do you mean? May mga tagaluto tayo, Pepper.” Umupo ang gobernador sa gilid ng kama, hinaplos ang kanyang sikmura.

Biyernes at hindi pumasok sa opisina si Jaidon dahil masakit ang tiyan ni Pepper. Kahit anong pilit niya ay hindi ito umalis ng bahay, imbes ay pinapunta nito roon ang chief of staff nito kasama ang secretary at executive assistant upang doon magtrabaho kasama nito.

“Nakakahiya sa mga bisita, hindi ko man lang sila maasikaso kahit konti,” ani Pepper.

“That’s why we have our helpers in the house, baby.”

Napangiti siya sa narinig na endearment ng lalaki. Alalang-alala siguro ang loko sa kanya kaya lumalambing. Actually, these past few days, napapansin niyang may itinatawag na itong endearment sa kanya kahit hindi sila nagtatalik.

“Siyempre iba pa rin `pag kasama ang misis mo sa mga humaharap sa kanila. Pamamahay natin ito, `tapos no show ako?”

“I already told them that you’re sick and they understand. Don’t worry about them, okay?” May naramdaman siyang pagsuyo sa haplos ni Jaidon sa kanyang pisngi. “Kamusta na ang pakiramdam ng misis ko?” nakangiti pero hindi nawawala sa mukha nito ang bakas ng pag-aalala.

“Masakit pa rin ang tiyan ko, saka medyo nahihilo yata ako,” nakasimangot na sagot ni Pepper.

Nataranta ito bigla. “Hindi ba tumalab ang gamot? Dalhin na kaya kita sa doktor?”

Tinampal niya ang hita nito. “Ano ba, Gov! Hindi pa ako mamamatay, `no?”

Natatawa talaga siya `pag nag-aalala sa kanya ang asawa. Parang nawawalan ito ng kontrol, natataranta; kumbaga sa babae ay nawawalan ng finesse o poise. Ang cute lang.

“I just don’t want to see you suffering like this. Kaninang madaling-araw ka pa ganito!”

“May sira lang talaga ang tiyan ko. Kung ano-ano kasi ang kinain ko kagabi sa amin.”

“Ano bang mga kinain mo?”

“`Yong mga niluto ni Mica na dinakdakan, pinakbet at chicken adobo, `tapos nag-fishball at kikiam kami sa kanto with sago’t gulaman, `tapos kumain kami ng kamatsile, balimbing, bayabas at manggang hilaw. Kumain din ako ng kakanin at goto bago umuwi rito. Pumapak rin pala ako ng keso at uminom ng gatas bago natulog kagabi. Ay, may Oreo pala akong kinain with the milk.”

Pinanlakihan ng mga mata si Jaidon. “Jesus Christ. How could you eat like a dinosaur? Where did you even put all those foods? You’re so tiny!”

Ngumawa si Pepper. “Nasa kubeta na nga sila!”

Bumuntong-hininga ito. “You’re worrying me, Pepper.”

Itinaboy niya naman ito. “I’ll be fine. Lumabas ka na nga ng kuwarto. Tatlong beses ka nang pabalik-balik dito, Gov. `Kakahiya sa staff mo.”

Palabas si Pepper ng banyo nang muli niyang nakita ang asawa sa kanilang silid, may nakalapag nang tray ng mga pagkain sa kama. Nakasimangot siyang lumapit doon.

“Kumain ka na,” sabi ni Jaidon, akmang hahawakan siya para paupuin sa kama pero pinigilan niya ito.

“Don’t touch me. Amoy-pupu na ako!” nahihiya niyang sabi sa gobernador.

Nagpigil naman itong matawa. “Babe, you don’t stink at all. Come here.” Hinawakan siya nito braso at niyakap, pinaulanan pa nito ng mumunting halik ang kanyang buong mukha bago siya iginiya paupo sa kama.

How could he be this sweet? Napapansin niya iyon kay Jaidon, pagkatapos ng malaking away nila ay parang

nagiging malambing na ito sa kanya.

“Bakit ang daming pagkain? Hindi ko mauubos mga `yan,” sita ni Pepper sa gobernador nang makita niya ang mga laman ng malaking tray.

“Pagkain nating dalawa `yan.”

“Jaidon! Hindi mo ako kailangang saluhan sa pagkain, ano ka ba?”

Umupo na si Jaidon sa kama. “Well, I wanna eat with my wife. Sue me.”

“OA mo, Gov!” tukso niya rito pero sa loob-loob naman ay sobrang touched na touched siya.

Ginanahan tuloy si Pepper sa pagkain kahit nanghihina siya dahil sa sakit ng tiyan. Kulang na lang ay subuan siya ni Jaidon. Kinikilig tuloy siya.

Tamad siyang tao pero hindi siya iyong tipong nagpapaalaga kapag may sakit. Madalang siyang magkasakit, in fairness. Maybe that was why she hated the feeling of helplessness and neediness while she was sick. Pero kapag ganito naman kaganda ang trato ng asawa niya sa kanya? Parang gustong-gusto niyang magpaalaga rito, parang worth it iyong humihilab niyang tiyan at unli round trip sa kubeta.

“Gusto ko bumawi sa staff mo,” sabi niya sa gitna ng pagkain. “`Pag okay na ang pakiramdam ko ay dadalaw ako sa office n’yo at magdadala ako ng something. Maybe gourmet cupcakes or cookies? What do you think? Magugustuhan kaya nila?”

“That would be nice, Pepper. Siyempre magugustuhan nila kahit ano’ng ibigay mo sa kanila,” nakangiting sabi naman ni Jaidon saka naglagay ng ulam na beef morcon sa kanyang plato. “Kumain ka nang madami, drink a lot of water, too.”

Parang gusto na niya yatang masanay sa ganito—na may nag-aalala sa kanya, may nag-aasikaso, may naglalambing. Bago ang pakiramdam niya sa ganoon, sobrang nakakatuwa rin pala. And with that, Pepper wanted to feel a little scared. Pero hindi ba’t dapat ay kasali na ang ganitong posibilidad sa expectations niya bilang may asawa? Oh, well. Siguro ay may munting takot lang siyang masanay dahil hindi sila normal na mag-asawa ni Jaidon.

HINDI pa nararanasan ni Jaidon na masubok ang kanyang pasensiya nang ganito katindi. He had dated a few girls before and no one had really driven him crazy and ballistic. Wala sa mga iyon ang kumuwestiyon sa kanya, ang tumanggi sa mga kagustuhan niya, ang umaway sa kanya. Not even Karina who had a very strong personality. Kaya nitong sakyan ang kanyang ugali. But he never really dated her to begin with. Pero lalong hindi niya naka-date ang babaeng pinakasalan niya.

“Didn’t you get my texts?” banas niyang tanong kay Pepper na nakasimangot na pumipili ng susuotin para sa pupuntahan nila sa araw na iyon.

Inimbitahan sila ng kanilang ninang na si Congresswoman Marnelia Navarette na kumain ng pananghalian sa bahay nito. Eleven-thirty ng umaga ang orihinal na usapan pero tumawag ito sa kanya na kung pupuwede raw ay dumating silang mag-asawa roon na one hour early dahil magda-drop by daw doon ang kaibigan nilang bise gobernador mula sa Pangasinan.

Pumasok siya nang maaga kanina sa Kapitolyo para pumirma ng mga nakatambak na papeles sa kanyang mesa. Kanina pa niya tinatawagan si Pepper pero hindi nito sinasagot ang telepono. Hanggang ang mga kasama nila sa bahay ang kinausap niya para hanapin ang kanyang asawa.

“I was sleeping, all right? Alam mo namang naka-mute ang phone ko `pag natutulog ako dahil ayoko ng istorbo!” inis na sagot sa kanya ng misis.

After their big fight, he could say that these past few days went by smoothly between them. Mas nag-uusap na sila ng kanyang misis, nagkakakuwentuhan ng kahit na tungkol sa ano-ano lang. Pakiramdam pa nga niya ay nagiging malapit na sila ni Pepper sa isa’t-isa. But their first fight also made them more comfortable to show their negative sides to each other. Mas napaparami na ang kanilang pagtatalo dahil sa magkasalungat nilang personalidad pero hindi naman sila nauuwi sa matinding away. But, man, it seemed like destiny wanted to kick him in the face for giving him this kind of wife.

“Late ka na kasing natulog kagabi dahil sa panonood ng Netflix,” paninisi ni Jaidon. “At bakit hindi ka pa rin natututong gumamit ng alarm?”

Inirapan siya ni Pepper sabay hila ng isang bestida mula sa hanger. “Mainit ang ulo ko `pag alarm ang

gumigising sa akin. Gusto mo bang sumama ako sa iyo ngayon na mukhang mangkukulam na naghahanap ng nawawala niyang karayom?”

“Please, move faster,” pakiusap niya.

Inangilan siya ng babae. “Look, nagising ako on time, all right? Naliligo na nga ako nang dumating ka. Malay ko bang napaaga pala ang lunch na `yan? Saka anong oras pa lang, o? Wala pang one hour mula rito ang Alava.` Buti nga naisipan kong maligo na agad bago kumain ng light breakfast sana. Que grabedad!”

Hindi talaga tumitiklop ang babae. He was pissed off and amazed at the same time. Kay Pepper lang talaga siya nakakaramdam ng magkakahalong emosyon, na parang hinahalukay ang buong pagkatao niya.

“Ano, babantayan mo ang mga kilos ko?” pagtataray pa nito sa kanya at pinameywangan pa siya. “Mauna na kasi kayo ni Anton. Alam ko naman ang bahay ni Ninang.”

Hindi na siya makapiyok. He couldn’t believe this! “I’ll be waiting in the car. Move your little butt!”

Tinungo na ni Jaidon ang pinto ng kanilang kuwarto.

“Yes, boss!” sarkastikong asik naman ni Pepper. “And my butt is not little! Alam mo `yan!” pahabol pa nito.

Wala tuloy silang imikan sa kotse. Nakasimangot ang kanyang asawang nakatingin lang sa labas ng bintana habang magkatabi sila sa backseat. Maayos naman itong nakitungo sa mga tao sa kanilang pinuntahan. She was very composed and all smile. At hindi niya masasabing peke ang ipinakita nito. Alam talaga ni Pepper ang humarap nang maayos sa ibang tao kahit may ibang dinaramdam ito.

Mag-a-ala una ng hapon nang magpaalam sila sa mga Navarette. Napansin ni Jaidon na mas nagusot ang mukha ni Pepper nang nasa kotse na sila. Parang hindi ito mapakali sa inuupuan.

Hindi na siya nakatiis. “Is there something wrong?” usisa niya rito.

“May tagos ako,” sagot nitong nakangiwi.

“Tagos?”

Iniangat nito ang pang-upo at hinila mula roon ang ibabang parte ng damit nito. “I’m having my monthly period, natagusan ako ng dugo,” sabi nitong ipinakita sa kanya ang mantsa ng dugo sa kulay pale orange na damit nito. “At wala akong baong extra sanitary napkin dahil minadali mo ako kanina!” paninisi pa nito.

“Pepper, you could’ve had everything ready last night. Bakit ang hilig-hilig mong gumalaw sa last minute?”

“Kanina lang dumating ang period ko, eh.”

Hindi na nakipagtalo si Jaidon. Inutusan na lang niya si Anton na maghanap ng tindahan sa daan. Tumigil naman ito sa isang sari-sari store, akmang lalabas ito ng kotse nang pigilan niya.

“Ako na,” sabi niya rito saka binalingan si Pepper. “What brand of pad do you wear?”

“Whisper.”

Jesus. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niyang bibili siya ng sanitary pad sa isang sari-sari store kung gobernador na siya. Pero ayaw niya namang utusan si Anton para gawin iyon. He was the husband. Siya ang magdusa.

Nakilala siya agad ng may treinta anyos na babaeng nakatao sa tindahan, agad itong nagtitili.

“Magandang hapon po, pabili po ako ng Whisper.” Muntik nang matawa si Jaidon dahil sa loob-loob ay may nararamdaman siyang pride sa pagbili ng sanitary pad para sa kanyang misis.

Lumabas pa ng store ang tindera para makipag-selfie sa kanya, sinamantala niya naman iyon para humingi ng pabor na kung puwedeng pagamitin ng banyo ang kanyang misis.

Hindi pa rin siya kinikibo ng asawa habang pauwi na sila, akala pa naman niya’y okay na ang mood nito dahil nakipagbiruan pa ito sa tindera at naki-selfie rin. Itinuon na lang niya ang atensiyon sa kanyang Smartphone. Hanggang sa mabuksan niya ang mga larawan nila ni Pepper na ipinadala sa kanya ni Cole Alonte at nawili siyang tingnan isa-isa ang mga iyon. One particular photo caught his attention, the one that was taken in the garden, beside the lagoon. Natural lang na pinagalaw silang mag-asawa ng photographer doon, palihim pang nag-iinisan sila. Sa larawan ay may inaamoy na rosas si Pepper mula sa mga tanim na halaman at nakatingin naman siya rito. His eyes… they seemed to be unguarded. He wondered, ganoon ba siya kung tumingin sa mga babaeng nagdaan na sa kanyang buhay?

Hanggang sa nahuli niyang nakikitingin pala sa kanyang Smartphone si Pepper.

Ngumiti at kumindat siya sa asawa. “Bagay pala tayo.”

Nginusuan at inirapan naman siya nito saka tumingin na uli sa labas ng bintana ng kotse. Minabuti niya namang patayin ang nalalabing sandali ng biyahe sa pagsu-surf sa Internet.

Pagdating nila sa kanilang bahay ay pinauna niyang bumaba si Pepper at nagpaalam siya ritong may pupuntahan pa.

“Fine, whatever,” sabi lang nito.

Inutusan ni Jaidon si Anton na idiretso ang kotse sa mall.

“Magpapalamig, bosing?” ngingiti-ngiting pag-iintriga naman nito.

“May bibilhin lang ako,” sagot niya naman saka bumuntong-hininga.

“Ganyan talaga mga babae `pag may dalaw, boss, parang may sapi nina Hitler at Saddam. `Yong ate at nanay ko nga, parang may giyera lagi sa bahay `pag nireregla sila. `Tapos biglang babait, maglalambing, ganoon,” kuwento ni Anton.

“Yeah, hormones,” sabi niyang sinundan ng buntong-hininga.

“Pero alam mo, boss, natutuwa akong si Ma’am Pepper ang napangasawa mo.”

Napatingin siya rito sa rear-view mirror. “And, why is that?”

“Totoong tao kasi siya, hindi maarte kaya madaling pakisamahan,” nakangiting sagot ni Anton. “Hindi siya umaastang amo sa bahay ninyo, halos hindi nag-uutos. `Pag wala kayo sa bahay, madalas kasalo niya ang mga tao roon sa hapag-kainan. Noong nakaraang linggo, binigyan niya ng pera si Manang Tacing para may pambili ng damit na gagamitin daw sa pagni-ninang sa kasal. `Tapos kahapon palang lumabas siya ng bahay, pagbalik niya ay may dala-dalang mga pagkain mula sa Jollibee at Greenwich para sa lahat ng kasama sa bahay.”

Hindi namalayan ni Jaidon na pati siya ay nakangiti na rin. “Well, that’s my girl,” he involuntarily blurted out with pride.

Pag-uwi niya ay nadatnan niyang nakadapa sa kama ang kanyang asawa at abala sa pagtipa sa Macbook nito. Hindi siya nilingon nang pumasok siya sa kanilang kuwarto.

“Is it safe now? Can I have my wife back?” pabiro niyang tanong habang palapit sa kama.

“Hmm, maybe,” sabi naman nito na nasilipan niya ng maliit na ngiti nang nasa tabi na siya ng kama.

“I bought something for you.” Nagulat pa siya at kusang naging malambing ang boses niya.

Doon na mabilis na bumangon si Pepper at nanlaki ang mga mata nito sa hawak niyang malaking gift bag at red roses bouquet.

“Ito ba ang dahilan kaya pinauna mo akong umuwi?” malapad ang ngiti at makislap ang mga matang tanong nito. She looked so giddy and cute; her were eyes wide and glimmering. Para itong batang nakatanggap ng magandang regalo sa Pasko.

Umupo siya sa gilid ng kama. “Oo. Binili ko sa mall.”

Tumili ito nang makita ang laman ng bag na sangkatutak na chocolate. “Thank you, Jaidon! Kailangan ko ang mga ito ngayon!” And, just like that, masaya na uli ang misis niya. Ah, the wonder of women.

“I know, sweetheart. Ni-research ko kanina.”

Natawa ito. “You were researching about women’s period? Kaya ka nakatutok sa cell phone mo kanina?”

“Yes.”

Yumakap pa ito sa kanyang leeg. “Babe, I’m sorry I was mean earlier,” nahihiyang paghingi nito ng apology saka malambing na humalik sa kanyang pisngi. “Hindi maganda ang gising ko `tapos may period pa ako kaya ayun, naka-dragon mode.”

“Kamusta na ngayon ang dragon? Naging butiki na lang?”

“Ang corny mo!” Kinurot siya nito nang pinong-pino sa dibdib. “Sorry na, please?”

“No apologies, sweetheart.” Niyakap niya ito sa baywang. “It’s okay, I understand.”

“I don’t want us to fight anymore,” sabi pa nitong isinubsob ang mukha sa kanyang leeg.

“Posible ba naman `yon?” Mahinang natawa si Jaidon.

“Ayoko nang nagagalit ka sa akin.”

“Hindi naman ako nagalit kanina, ah.”

“Pero nainis ka.”

“Tao lang naman kasi ang asawa mo, Misis.” Muli siyang natawa. Bakit ba napakadali niyang tumawa para sa babaeng ito? “But seriously, Pepper. Okay lang na awayin mo ako. Ayokong mawalan ka ng boses nang dahil lang sa ayaw mong mainis ako sa iyo.”

“Fine, Gov,” she said with a giggle. “Thank you sa gifts. Thank you din sa pagbili ng napkin. Trending na raw sa Facebook `yong picture mong nakahawak ng Whisper, sabi ni Linny. Baka kunin ka nang endorser!”

“What the hell?” Humalakhak si Jaidon.

He then kissed her deeply on her lips. At sa gitna ng halikan nilang iyon ay napamulat siya ng mga mata dahil sa pagtataka. The kiss was warm and deep but it was not sexual at all. Hindi niya kayang ipaliwanag kung anong klaseng halik iyon. Hindi rin niya matandaan kung nanghalik na ba siya ng ibang babae sa ganoong paraan.

Shit. It wasn’t supposed to be this way!