LANDSLIDE ang panalo ni Jaidon sa sumunod na eleksiyon. Biro ng Ninong Valentin nito ay ni hindi na sila naghirap mangampanya. Twenty-percent lang sa voters ang bumoto sa nag-iisang kalaban na si Bob Montero.
Katatapos lang ng inagurasyon ay tumakas silang mag-asawa sa dinner party na ihinanda ng pamilya Silvanus para sa kanilang mga malalapit na supporters, mga kaibigan at kamag-anak.
“Yes, Anton. We’ re fine, ” sabi ni Jaidon sa driver-bodyguard nang tumawag ito at hanapin silang mag-asawa. “Magkita na lang tayo sa bahay, sumabay ka na lang kina Lolo.”
Tatawa-tawang nagsuot ng mga damit si Pepper. “Ang landi kasi ng amo mo, Anton!” malakas niyang sabi bago pa napatay ni Jaidon ang smartphone nito.
Naroroon sila sa isang clearing na nasa gitna ng talahiban na nasa gilid ng kalsadang walang masyadong sasakyang dumaraan. Katatapos lang nilang magtalik sa damuhan. She rode him rowdily, his hands and eyes feasting on her nakedness that was being bathed by the light of the stars and the moon. They were like deities of the night, lost in the mortal world… na parang magkasamang nilalasap ang init at sarap ng pagniniig na ipinagkakait sa kanila ng mundong pinanggalingan. She had never thought she would ever describe lovemaking as magical and poetic. Ganito siguro talaga ang pakiramdam kapag nagmamahalang lubos ang dalawang taong nagniniig, lubusang naipapadama sa pisikal na paraan ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa. It was just total perfection.
Bumalik ang mag-asawa sa pagkakahiga nang maisuot ang mga damit, nakatingin sila sa kalawakan kung saan parang nagpapaligsahan sa pagkinang ang buwan at mga bituin.
Oktubre nang nakaraang taon sila nag-isang dibdib sa basilica ng San Roque, Sinagtala. Hindi iyon malaking kasalan gaya ng napagkasunduan nila. Malalapit na kamag-anak at kaibigan lang ang imbitado. Wala ring miyembro ng media. Ang inaasahan ni Pepper ay maiiyak siya sa kasal pero ang nangyari ay si Jaidon ang naiyak habang naglalakad siya papunta sa altar, lumuluha din ang kanyang papa na naghatid sa kanya. Si Linny na siyang matron of honor ay humahagulhol pa talaga. Nagpupunasan din ng mga luha ang kanyang ina at nakatatandang kapatid. Ang ending tuloy ay natatawa siya sa mga ito kahit sobrang emosyonal siya sa loob-loob. Pero nakabawi naman ang mga ito sa kanya dahil nang binabasa na ng groom ang wedding vow nito ay doon na kumawala ang pinipigil niyang emosyon. Halos ngumawa siya talaga dahil sa mga sandaling iyon ay parang pumarada sa isipan niya ang lahat-lahat ng mga nangyari sa kanila ni Jaidon… Kung paano sila nagtagpo sa gabing iyon, pagkatapos biglang nagpakasal, kung paano sila pilit na nakisama sa isa’t isa, kung paano umusbong ang pag-ibig sa kanilang pagitan, kung paano muntik nang nawala ito sa kanya.
Niyakap tuloy siya ni Jaidon at pinaghahalikan sa mukha para pakalmahin, panay ang sabi ng “I love you” sa kanya. Nagbiro pa ang pari na wala pa raw sila sa parteng “you may kiss the bride.” She just cried in there. God, was she a mess!
Nag-trending ang video ng dance number nilang mag-asawa sa reception. Sinayaw nila ang original version ng Everlasting Love; nag-umpisa sa waltz na nauwi sa hip-hop na nagtapos sa crazy dance. Crazy dance na improvised na ang mga step, wala silang pinag-usapan ni Jaidon kundi sumayaw na parang mga timang. Game na game naman ang asawa niyang sinayaw pa talaga ang steps ng itik-itik at walang kamatayang Macarena, at siyempre pa, ang makabagbag-damdamin nitong hip thrusts. Nagwala talaga ang gobernador sa dance floor, nawalan na ng kahihiyan sa katawan.
Sa Europe sila nag-honeymoon ni Jaidon nang mahigit isang buwan. Napakarami nilang lugar na pinuntahan at ipinangako sa kanya ng lalaki na marami pa silang pupuntahang ibang bansa sa mga araw pang darating. Siya na siguro ang pinakamasayang misis sa buong mundo.
“Funny how I used to look up at the stars and I felt like being one of them. Malayo sa lahat, nakalutang sa madilim na kalawakan,” sabi ni Jaidon. “You changed everything when I married you, Pepper,” sabi nito, ginagap ang kanyang palad. “You pulled me from the darkness, away from the stars above. Nagawa kong ibahagi ang sarili ko sa iyo, sa pamilya ko, at sa ibang tao.”
Ngumiti si Pepper. “Hmn, not necessarily just me though. Huwag mong kalimutan na mula nang mag-asawa tayo ay maraming bagay ang nangyari sa iyo na nagpabago sa buhay mo. And you made it happen, Jaidon. Isa lang siguro ako sa catalysts. But you always had it in you—your good heart.”
“But you were the one who touched my life in the most unexpected way, Pepper. You messed me up real good, woman.”
“I messed you up?!” bulalas niya.
“Yes. Totally.”
Inaasar ba siya nito? “Nakakainis ka talaga minsan!” angil niya.
“You messed me up in a good way.” Tumawa ang asawa saka hinalikan siya sa pisngi bago ibinalik sa langit ang tingin. Mayamaya ay sumeryoso ito. “Tuloy na ba talaga ang plano mong maging misis ko lang? Sinabi ko naman sa iyo na maaari mong gawin ang lahat ng gusto mo habang kasal tayo. Pursue any career that you want, Pepper. Anything that is not for me.”
Naka-enroll na si Pepper sa kursong Accounting para sa susunod na pasukan. At nagtataka pa rin si Jaidon sa sinabi niya ditong kahit maka-graduate na siya ng kolehiyo ay hindi siya magtatrabaho.
“I want to be your wife, Jaidon. Siguro mababaw lang `yon para sa ibang tao pero wala akong pakialam. Para sa akin ay higit pa sa isang career ang suportahan ka sa mga tungkuling sinumpaan mo. Nag-e-enjoy akong mag-volunteer sa mga projects na gusto ko. I really, really want to do this, believe me. Pakiramdam ko, ito talaga ang nakatadhana para sa akin dahil sa paraang iyon ay nagsisilbi din ako sa taong-bayan. I will be proud to stand beside you, forever.”
Kahit ang kanyang mga kaibigan at pamilya ay suportado din siya sa choice niyang iyon. Ayon sa mga ito, mabigat din ang kanyang responsibilidad bilang asawa ng isang politiko. Her parents were so proud of her. And she had never been prouder of herself.
Tumagilid ang lalaki paharap sa kanya, parang hindi na interesado sa magagandang bituing nakasabog sa kalangitan. “Thank you, baby,” madamdaming sabi nito at pinadaan ang mga daliri sa kanyang pisngi.
She lovingly kissed his fingers. “I love you, that’s why.”
“I know. And I love you more.” Hinalikan siya nito sa mga labi.
She was smiling at him endlessly. “You think we should be going now? Kukunin pa natin si Aaron, baka tulog na `yon.”
“Ihahatid daw siya ni Radley sa bahay pagkatapos ng party. Binilin ko siyang matulog nang maaga dahil mamamasyal tayong tatlo bukas. He’s already excited.”
“I’m happy for your brother, by the way. Mukhang okay naman ang relasyon nila ni Karina. And I think she’s already falling for him.”
Nakalipat na si Karina at Aaron sa Sinagtala, nabuksan na rin sa Sta. Inez ang branch ng Silvanus law firm. Si Radley ay hindi na muling umalis ng bansa, ayaw nang hiwalayan ang mag-ina. Nagde-date raw sina Radley at Karina, iyon ang inamin ng mga ito sa kanilang mag-asawa.
“Yeah, I sensed that, too.”
“Bagay sila, in fairness.”
Kumindat ito sa kanya. “Bagay rin tayo.”
Tumawa si Pepper. “Mahal na mahal mo lang talaga ako, Gov.”
Maliksi itong pumatong sa kanya. “Another round?”
Iniliyad ni Pepper ang katawan. “Kahit ilang rounds pa!”
Three years later…
“SHIT, Pepper!” pikit-matang ungol ni Jaidon habang tinatrabaho siya ng asawa sa loob ng nakaparadang Lincoln Royale MKT 70 na pag-aari ni President Emmanuel Silvanus.
His beautiful wife was giving him a blowjob in a limousine twenty-five minutes before his inauguration as a senator.
Sa edad na magta-tatlumpu’t pito ay si Jaidon ang may pinakamaraming boto sa mga nanalong senador nang eleksiyong iyon. Si Radley naman ang nanalong bagong Mayor ng San Roque at nagbabalak nang tumakbong gobernador sa Sinagtala sa susunod na eleksiyon. Landslide ang pagkapanalo ng kanilang ama sa pagkapresidente ng Pilipinas. Hindi naging sagabal ang mga eskandalong kinasangkutan ng pamilya Silvanus para hindi sila pagkatiwalaan ng mga botante. Kung tutuusin ay nakatulong ang kanilang transparency para lalo silang mahalin ng taong-bayan. For as they say, there are no perfect men in this world, only perfect intentions.
Pigil na pigil si Jaidon na hawakan ang ulo ni Pepper dahil ayaw niyang magulo ang magandang ayos ng buhok nito kaya naman napapasuntok na lang siya sa kisame ng kotse. Hindi nila napigil ang pagnanasa sa isa’t isa, kanina pa siya pasimpleng nilalandi at inaakit ng kanyang misis habang nakaupo sila. Naroong himasin nito ang kanyang braso, ikiskis ang paa sa kanyang binti…
“Mmmm… you’re always delicious,” she mumbled while showering wet kisses on the tip of his manhood.
“You gotta stop, baby. C’mon, enough now!” pigil niya at mabilis itong pinahiga sa mahabang upuan at agad na kinubabawan para hindi na makawala. He would want to prolong their foreplay but damn it, he still had an inauguration to attend to.
Tinulungan siya ni Pepper na iangat ang mahabang kulay kremang damit nito at ito rin ang humawi sa parte ng panloob nitong tumatabing sa pagkababae nito.
“Aaah, Jaidon!” she shrieked when he shoved his cock deep inside her. “Oooh, babe! Bilisan mo. Baka hanapin ka na—Oooh, my Goood!”
“Ngayon nagmamadali ka na?” Binilisan niya ang mga pag-ulos, sagad-sagad. “This is your fault, you know that?”
“So? Gustong-gusto mo naman!” Ikinawit nito ang mga binti sa kanyang baywang saka ito gumiling. “Oh, senator! Give it all to me. Fuck me hard… yes, oh, yeees!” maingay nitong halinghing.
He grunted as he sped up ramming her depths. “God, you’re always amazing.”
“Jaidon, gusto ko nang magka-baby uli,” mayamaya ay lambing nito sa kanya sa pagitan ng mga ungol at paghingal.
“Are you sure? Isang taon pa lang si Alyanna.”
“Gusto na ni Aaron ng baby brother daw.”
Natawa si Jaidon. Kahit siya ay kinukulit din ng kanyang panganay na anak. Palibhasa ay babae din si Ariadne, ang pitong buwang gulang na anak ng mag-asawang Radley at Karina.
“Okay, we’ll give him one. Aaah, babe, I’m getting close.”
“Oooh, me, too! Me, too. Uuuungh… Jaidon, paano pala `pag hindi lalaki ang susunod na baby natin? ”
“Gawa uli tayo?”
“Aaaay, gusto ko `yan! I love kids!”
“Pepper! Aaah, here I come.”
One, two hard slams and he was done. He kept pounding as his seeds shot deep inside her. His wife kept gyrating her pelvis, climaxing after him. They growled and moaned together in erotic bliss, their shaking bodies held each other so passionately .
Isinubsob niya ang mukha sa mabangong leeg ng asawa habang nakalutang pa sa luwalhati ang kanyang wisyo. “I love you, I love you…” he chanted.
Napakahigpit ng yakap ni Pepper sa kanya; mainit, mapagmahal. “Oh, Jaidon. I love you so much, baby.”
Nang makaraos ay mabilis nilang inayos ang mga kasuotan. Mabilis ding nag-retouch ng makeup ang kanyang misis na lalo pang gumaganda sa paglipas ng panahon. Maybe it was her explosive personality that made her look like that, the very same reason why he adored her so much.
Masasabi niyang malaki ang ipinagbago nito mula nang ikasal sila. She wasn’t as bratty and disorganized anymore though they still argued from time to time, bickering like normal married couples. He didn’t mind. Gusto niya ng asawang may sariling pag-iisip at hindi nagpapasakop kanino man. Pepper was still silly and a lot of fun. And, God, he was falling more and more for her.
Ginagampanang mabuti ni Pepper ang tungkulin nito bilang asawa ni Jaidon—bilang ina ng dalawang anak niya at bilang isang asawa ng politiko. She was always trying her best and he was so proud of her. Maasikaso ito sa kanilang mag-aama at aktibo sa mga proyekto at charity na kinabibilangan nito. Sinisiguro niya namang nabibigyan niya ng sapat na panahon ang kanyang pamilya at naipapadama sa mga ito ang kanyang pagmamahal. It was tough to divide his time between serving the people and raising his family, but Pepper was always there for him, standing beside him through thick and thin. Making life easier for him, loving him completely. Wala na siyang mahihiling pa.
“Jaidon,” sabi ni Pepper nang buksan niya ang pinto ng limousine.
“Yes?”
“Isang araw, gusto kong binyagan natin ang Malacañang.”
“ Sure. ” Tumawa si Jaidon. “We have a room in there, remember?”
“Parang gusto kong tumira doon,” seryosong sabi ni Pepper, desididong-desidido. Inalalayan niya itong bumaba ng sasakya n. “Gusto kong maging First Lady mo, Jaidon.”
Lumakas ang tawa ng senador. “Someday, my love. Someday.”