PARANG namamatandang pinagmasdan ni Jaidon si Pepper habang marahan itong bumababa mula sa hagdanan. Nakasuot ito ng kulay krema at rosas na Filipiniana, nakapusod ang buhok at may choker na yari sa mga perlas. She looked dainty but breathtaking. Jaidon let out a dreamy smile that he wasn’t even aware of.
Lumapit siya sa hagdanan at sinalubong ang asawa nang malapit na ito sa baba. Iniabot niya rito ang braso.
“Lubhang nakakabighani ang iyong angking kariktan, giliw ko,” eksaheradong puri niya sa asawa.
Tumawa naman si Pepper. “Nararapat lamang dahil napakakisig ng aking asawa ngayong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas,” pagsakay pa nito na bahagya pang inayos ang kuwelyo ng kanyang Barong Tagalog.
Paglabas nila sa garahe ay naghihintay si Anton sa tabi ng BMW.
“ Antonio, ihanda ang karwahe! ” kunwa’y seryosong utos ni Pepper na nakataas-baba at ikinumpas pa sa ere ang hawak na abaniko.
Sumakay naman si Anton sa biruan. “Paumanhin po, Ginang Silvanus. Ikinalulungkot kong ipaalam sa inyo na naka-welga ang mga kabayo natin ngayon.”
Nagtawanan tuloy silang tatlo
Ipinagbukas ni Jaidon ang asawa ng pinto ng kotse at inalalayan itong sumakay doon. Yumukod pa siya bago iyon isinara. Humahagikgik si Pepper nang tumabi siya r ito sa backseat.
“Feeling ko, ako si Maria Clara,” parang kinikilig na sabi nito na nakatakip ang pamaypay sa bandang bibig.
Inasar niya naman ito. “Parang mas bagay kung Sisa.”
“ Heh! ” Hinampas siya nito ng abaniko sa braso.
Pagkatapos ng parada sa downtown ay nagkaroon ng maikling programa ang kapitolyo. Nang tinawag na si Jaidon para magsalita ay bumulong sa kanya si Pepper bago siya makatayo mula sa silyang nasa hanay ng mga panauhing nasa entablado.
“Good luck, Padre Damaso.”
Malutong tuloy siyang napahalakhak nang wala sa oras na ikinagulat pa ng mga tao roon. Pahamak na asawa niya’t hanggang sa kanyang speech ay pinipigil niya pa ring tumawa.
Hindi siya nakaiwas sa mga puna at panunukso mula sa mga tao nang matapos ang programa. Napakaaliwalas daw ang mukha niya habang nagsasalita siya sa entablado, malapad ang kanyang mga ngiti. Masaya rin siyang nagpa-interview sa mga miyembro ng local press, ganado namang sumagot sa mga ito si Pepper.
Maaga silang nahiga nang gabing iyon, nahalata niyang pagod si Pepper kaya siya na mismo ang nagyayang matulog na sila. Pero dalawang oras nang tulog ang kanyang asawa ay hindi pa rin siya madalaw-dalaw ng antok. He felt restless, he was thinking about a lot of things.
Nang gumalaw si Jaidon para magbago ng puwesto ay doon naman nagising si Pepper.
“Hmm, ano ba? Parang kanina ka pa galaw nang galaw,” she murmured as she lazily faced him.
“I’m sorry, babe, `di lang ako makatulog,” sabi niya naman, umusod palapit at hinalikan ang ituktok ng ulo nito.
Yumakap ito sa kanya. “Bakit kasi nagpilit ka nang matulog, hindi ka pa naman pala inaantok.”
“I just wanted you to go bed early and rest.”
“Puwede mo naman ako iwan dito.”
Iniyakap niya rito ang isang kamay. He then realized, he liked holding his wife like this. Nakakadama siya ng kakaibang kasiyahan at kapayapaan sa dibdib. He also felt the need to care for her, to protect her…
Nitong mga nagdaang araw ay pabawas nang pabawas ang kanyang pakikipagtunggali sa naguguluhang kalooban. Sumusuko na siya sa gustong maramdaman niyon, parang bangkang papel na nagpapatianod sa agos ng tubig. Hindi pa siya sigurado kung saan iyon eksaktong patungo, basta ang alam niya ay nagugustuhan niya ang paglalakbay sa ngayon.
“Well, I just wanna lay here with you and watch you sleep.”
Idinikit pa ni Pepper lalo ang katawan sa kanya. “Ayan, hindi na rin ako makatulog. Ikaw kasi.”
He chuckled. “Sorry na. C’mon, go back to sleep now,” sabi niya saka hinagilap ng kanyang bibig ang mukha ng may-bahay at hinalikan ang talukap ng mata nito.
“Kantahan mo nga ako,” lambing naman ng misis.
“Patulayin mo na lang ako sa alambre, mahal.”
Tumawa ito. “OA nito. Sige na!”
Ngumiwi naman siya. “Pepper, I can’t carry a tune.”
“I don’t care. I’m sure may alam kang kanta diyan. Sige na sabi, kahit Bahay Kubo o Sitsiritsit lang.”
“Lalo kang hindi makakatulog. Baka ma-trauma ka.”
Tumawa uli ito, mas malakas. “Sige na, please? Minsan lang maglambing `yong tao, eh.”
Tumikhim si Jaidon, nag-iisip ng puwedeng kantahin. Good Lord. Kakanta siya?! “Bakit ba lagi akong nagpapauto sa iyo?”
Kinurot siya ni Pepper sa tagiliran. “Kasi misis mo ako, hindi mo ako mahindian. Kanta na, Gov!”
“Okay.” Shit! “ B-but, don’t laugh. Please.”
“`Di kita pagtatawanan.”
Muli siyang tumikhim at inumpisahang kumanta sa sintunadong boses. “Ngayon at kailanman. Sumpa ko’y iibigin ka... Ngayon at kailanman.”
“ Antigo ng kanta talaga?” komento ni Pepper.
“`Eto `yong memoryado kong kanta,” dahilan niya naman. “Madalas itong kantahin ni Daddy noon habang nagpi-piano siya. Nanonood naman kami ni Mommy sa kanya.”
“Favorite song ng parents mo?”
“Oo. Madalas pa ring kinakanta ni Daddy kahit wala na si Mommy.”
Idinikit nito ang mukha sa kanyang dibdib. “Sige, `tuloy mo na.”
“Hindi ka na mag-iisa. Ngayon at kailanman. Sa hirap o ginhawa pa. Asahan may kasama ka, sinta. Naroroon ako t’wina. Maaasahan mo t’wina. Ngayon at kailanman. Dahil kaya sa `yo. Na maitadhanang ako’y isilang sa mundo. Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo. Upang ngayon at kailanman. Ikaw ay mapaglingkuran, hirang…”
Sabay silang tumawa nang pumiyok si Jaidon.
“Puwede ka na sa Tawag ng Tanggalan,” kantiyaw ng asawa.
“Ayoko na,” nahihiyang pagsuko niya.
“Pero gusto ko pa!” pilit naman ni Pepper.
“Gusto mo akong patayin sa kahihiyan?”
“Sa akin ka pa ba mahihiya?” Humalik-halik ito sa kanyang dibdib. “Tuloy mo na, please? Please?” lambing nito.
Nagpatuloy siya. Oo, uto-uto talaga siya pagdating sa misis. “Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa `yo, liyag. Lalong tumatamis, tumitingkad. Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon. Na daig ng bawat bukas…”
“Ang ganda talaga ng lyrics. Nobody writes a song like that anymore.” Bumuntonghininga si Pepper. “Sobrang mahal na mahal ng dad mo ang mommy mo, `no? Imagine, hindi na siya nag-asawa uli.”
“I guess so. Nag-umpisa lang sila sa arranged marriage noon. Siguro, eventually ay natutunan rin nilang mahalin ang isa’t isa, wala kasi akong maalalang hindi maganda tungkol sa kanila. I never even saw them argue.”
“Meron pala talagang ganoon. A kind of love that transcends time and space,” she dreamily said with a deep sigh. “Kanta ka na uli,” mayamaya’y untag nito.
“Malilimot ka lang. Kapag ang araw at bituin ay `di na matanaw. Kapag tumigil ang daigdig at `di na gumalaw. Subalit isang araw pa matapos ang mundo’y nagunaw na. Hanggang doon magwawakas. Pag-ibig kong sadyang wagas. Ngayon at kailanman…”
Ilang saglit na tahimik si Pepper bago ito humikab. “Jaidon,” inaantok na tawag nito sa kanya.
“Yes?”
“Y-you think…” Humina ang boses nito. “Do you think you can love me like that?” parang wala sa sariling tanong nito, hinihila na ng antok.
“Why not?” Hindi niya inaasahan ang sagot niyang iyon na kusang nanulas sa kanyang bibig. Parang galing iyon sa pinakamalalim na parte ng kalooban niya, ang bahagi ng pagkatao niyang pilit niyang itinatago sa buong mundo at walang pinapapasok na kahit na sino.
Hindi naman yata narinig ni Pepper ang sinabi ni Jaidon dahil hindi na ito nagsalita pa, hindi na rin ito gumalaw. She was breathing peacefully, sleeping like a baby. Hindi na rin nito narinig ang kakaibang pagtibok ng kanyang dibdib.
NATAWA na lang si Pepper sa ibinalita sa kanya ni Linny sa telepono. Trending na naman daw silang mag-asawa sa Facebook with hashtag RelationshipGoals. Kumalat daw ang mga picture nila na kuha sa publiko kung saan nakatingin sa kanya si Jaidon habang sa iba naman siya nakamasid, may ibang taong kausap o ini-interview ng media.
“My gosh, Pipay! Haba ng hair mo. Ano ba’ng pinakain mo sa lalaking `yan at ganyan kung makatingin sa iyo?”
Ang lakas ng tawa niya dahil berde agad ang unang naisip niya, lalo pa’t kaninang umaga ay ginising siya ng asawa sa pamamagitan ng paghalik nito sa kanyang pagkababae. She thought she was just dreaming about a hot cunnilingus and moaning her husband’s name. Pero pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya ang ulo ni Jaidon sa pagitan ng kanyang mga hita. She pumped her pelvis against the delicious assault when he pushed three fingers inside her pussy and suckled her clitoris until she came. Oh, what a way to wake up on a beautiful morning!
“Mukhang love na love ka, gagaaa!” tili pa ni Linny.
“I-email mo nga sa akin ang mga `yan,” natatawa niyang sabi sa kaibigan.
“Bakit kasi hindi ka pa bumalik sa Facebook?” usisa naman nito.
“Ayoko ma-stress doon, puwede ba? Alam mo namang madaming nang-iintriga sa amin ng asawa ko. Baka pumatol ako, eh. Pag-iisipan ko pa kung bubuksan ko uli `yong Instagram ko.”
Binuksan niya ang ipinadalang email sa kanya ni Linny pagkatapos nilang magpaalaman at parang may mainit na humaplos sa kanyang kalooban nang makita ang tinutukoy nitong mga larawan. Her husband was looking intently at her without her knowledge. May maliit na ngiti ito sa mga labi, maningning ang mga mata. They way he looked at her—it was intense yet pleasant. It was a look of pride, fascination, intrigue and amazement. And well, there was something more in his eyes…
Ganito ba siya tingnan talaga ni Jaidon nang hindi niya alam? Jusko, sino nga naman ang hindi kikiligin kapag tinitingnan ka nang ganito ng guwapong-guwapong mister mo?
Napalabas tuloy si Pepper ng kuwarto para hanapin ang asawa. Linggo noon at nasa bahay lang ito, tinanong siya kanina kung gusto niyang lumabas pero tumanggi siya. Alam niyang pagod ito galing sa biyahe sa Manila kagabi at gusto niya itong magpahinga na lang bago pumasok sa trabaho kinabukasan. Sa susunod na linggo ang usapan nilang pagsama niya rito para makilala si Aaron. Sabi ni Jaidon ay ipinapakita raw ni Karina ang mga larawan niya sa bata para ma-familiarize na ito sa kanya, and sometime this week ay ipapakilala siya kay Aaron via video call.
Papunta sana siya sa library nang natanaw niya si Jaidon sa labas mula sa bintana. Nakahiga ito sa hanging sofa swing na nasa tabi ng swimming pool; nakatingin lang sa kawalan, mukhang malalim ang iniisip. Nakangiti siyang lumabas ng bahay at nilapitan ito roon.
“Hey, handsome!” bati niya rito habang naglalakad papunta sa bandang ulunan nito.
Yumuko siya at inabot naman nito ang kanyang mukha. “Hey, gorgeous.”
“`Kala ko nasa library ka pa.”
“Bumaba ako kanina, hindi na kita pinuntahan sa kuwarto. I thought you were still napping. You want something, babe?”
“Yeah.”
Hinaplos siya nito sa pisngi. “What? Tell me,” himok nito.
“Your attention.”
Bumakas ang guilt sa mukha ng lalaki bago siya nito iginiyang mahiga sa kanyang tabi. Pinaunan siya ng lalaki sa braso nito at yumakap naman siya rito.
“I’m sorry,” sabi ni Jaidon saka siya hinalikan sa noo.
“Don’t apologize.” She softly giggled against his chest. “Hindi naman ako kulang sa pansin mo, gusto ko lang istorbohin ka ngayon.”
“Istorbohin? Wala naman ako ginagawa, nakatunganga lang. Nahawa na yata ako sa iyo.” Kinurot niya ito sa tiyan. “Are you bored? I told you, we can go out if you want.”
“Nah. Gusto ko dito na lang sa bahay. `Tapos tutunganga na lang tayong dalawa tulad ngayon.”
“You don’t mind that?” may himig birong tanong naman ng asawa.
“Why would I? Kasama kaya kita.”
Gumalaw ito at inilabas ang smartphone mula sa bulsa ng kulay abong sweat pants nito. “I have something to show you,” sabi ito saka nag-swipe sa smartphone.
Isang larawan ng malaking two-story house ang ipinakita ni Jaidon kay Pepper.
“Ang ganda!” bulalas niya. Gusto niya iyong wrap-around porch sa unang palapag ng bahay at ang malawak na balkon niyon sa ikalawang palapag.
“Sa Tagaytay ito, pag-aari ng isang kaibigan ni Daddy.”
Malawak ang bakuran ng bahay na nababakuran mga pine trees. May mga sari-saring puno sa likod niyon at malawak na lawn sa harap. Ipinakita rin ni Jaidon ang interior ng bahay. Yari sa hardwood ang mamahaling muwebles doon.
“Do you like it?” mamaya ay tanong sa kanya ng lalaki.
“Yeah. It’s beautiful! Saka gusto ko `yong privacy, mukhang malayo siya sa ibang mga bahay. Ang ganda pa ng lugar. Ang daming mga puno, ang lamig siguro diyan!”
“Kasali rin sa ibinibenta ang mga lamang furniture ng bahay.”
“Wow! Ang swerte naman ng makakabili.”
“We’re lucky then.”
Nanlaki ang mga mata ni Pepper. “B-bibilhin mo?!”
“Bibilhin natin . Gusto kong magkaroon tayo ng bahay bakasyunan na malayo sa mga tao.”
Lalo siyang na-excite. “That would be exciting!” Mas na-excite siya sa naisip na ang bahay na iyon ang pinakaunang property na bibilhin nilang mag-asawa.
Huminga nang malalim si Jaidon bago muling nagsalita. “Pepper… If you want to go away from everything, if you get overwhelmed from being a controversial politician’s wife… just come here.”
Kinunutan niya ito ng noo. “W-what do you mean?”
Mataman itong nakatingin sa kanya. “Next year’s election’s gonna get dirty. Marami pang hindi magagandang ibabato sa akin at ayokong madamay ka. Kaya kung gusto mo munang lumayo sa lahat—sa media, sa mga kalaban ko sa politika, sa akin… you’ll have this house to come to. Walang makakaalam kahit sino na tayo ang magmamay-ari ng bahay na ito.”
Sumimangot siya. “No. Ayoko!”
“You wanna go abroad instead?”
“Hindi rin. Ayoko ngang umalis para lang makaiwas sa mga intriga.”
“Pepper—”
“Bakit mo pa ako pinakasalan kung itatago mo lang naman pala ako `pag nagkakainitan na sa career mo?” hinampo ni Pepper.
“Baby, I just don’t want you to get hurt.”
“Kaya ko ang sarili ko, Jaidon. And, I told you already, I wanna stand beside you no matter what. Ayokong magpunta sa bahay na `yan kung mag-isa rin lang ako. Gusto ko, kasama kita.”
He let out a frustrated sigh. “You’re so stubborn.”
Umismid naman siya. “Yes and you know it.”
“Fine,” pagsuko na nito.
“Pero gusto ko pa rin bilhin ang bahay. Imagine, magbabakasyon tayong dalawa lang diyan? Just the two of us, walang maids, walang bodyguards.”
Ngumiti na ang lalaki. “Yeah. That would be nice.”
“I will do all the cooking, basta ikaw ang maghuhugas ng mga pinggan.”
“Ina-under mo na ako.”
Ngumuso naman si Pepper. “Para maghugas lang, eh. Don’t tell me hindi mo alam gawin `yon?”
Umiling ito. “I grew up with househelpers. Pero aaralin ko iyang paghuhugas na `yan para `di mo ako iwan.”
“Bilhin mo na, dali! Nang mabinyagan na natin lahat ng sulok ng bahay na `yan.”
Ang lakas ng tawa ni Jaidon. “Woman, you are killing me.”
PASADO alas-otso ng gabi nang pasukin ni Pepper si Jaidon sa library habang abala ito sa ginagawa sa computer doon.
“Hey, handsome!” bati niya rito pagkasilip niya sa pinto. “Did I ever tell you you look hot in those computer glasses?”
Natawa ang gobernador saka nagtanggal ng salamin. “What do you want, gorgeous?”
“Labas lang ako,” paalam niya. Hindi na siya lumapit sa mesa nito.
“Where are you going?”
“Sa downtown, maglalakad-lakad lang.”
“Sino kasama mo?”
“Ako lang mag-isa.”
“I can go with you.” Tumayo si Jaidon.
“Huwag na. Sanay akong gumalang mag-isa, remember?”
“Pero gabi na, Pepper.”
“Inaabot nga ako dati ng madaling-araw sa labas. Saka safe naman doon, `no? Nagke-crave lang ako ng street foods.”
“Ayaw mong samahan kita?”
“Na bumili ng fishball, tokneneng at isaw?” Tumawa si Pepper. “Do you even eat those?”
Bale-walang nagkibit-balikat ang gobernador. “I’ll eat them with you.”
“Pero mukhang importante yata ang ginagawa mo.”
“It can wait.” Lumapit na ito sa kanya. “I mean, kung gusto mo lang naman akong isama, ayokong ma-invade ang personal space mo.”
Sinundot niya ito sa tagiliran. “Anong personal space? Lahat nga ng space ko, pina-invade ko na sa iyo!” mahalay niyang biro na tinawanan naman ng lalaki.
Hindi na sila nagpalit ng damit panlabas. Naka-yellow gym shorts at white T-shirt na may hood si Pepper at si Jaidon naman ay naka-jogging pants na kulay gray at black tank top. Nagsuot ng baseball cap ang lalaki para hindi raw makilala sa labas.
“Gov, ang macho ng biceps mo. Baka pala mas nakaw atensiyon ka niyan. Naku, baka mapaaway pa ako sa mga babae at beki rito,” biro niya nang nakababa na sila mula sa kotse. Isinuot niya ang hood sa kanyang ulo.
“O-oh. I can change, may T-shirt ako sa kotse.”
“Biro lang, `to naman!” Hinila niya ito sa kamay bago nakapag-about-face at parang mga batang patakbo
silang lumapit sa isang stall na nagbebenta ng mga street foods.
True to his words, kumain nga si Jaidon ng mga biniling pagkain ni Pepper. Naaaliw siyang pinapanood ito
na ngumunguya habang nakatayo sila sa gilid ng tulay at nakadungaw sa ilog roon.
“Baka napipilitan ka lang kumain, ha? Hindi naman kita pipilitin if ever, Jaidon.”
“It’s okay.” Inubos na nito ang natitirang isaw bago itinapon ang barbecue stick sa hawak nitong plastic bag. “They taste fine… I think. Medyo hindi ko lang ma-explain ang lasa n’ong betamax, must be the texture.”
She giggled before taking a deep breath. “Sana laging ganito,” nasabi niya habang nakatingin sa repleksiyon ng mga ilaw at bituin sa tubig. Payapa ang gabi, walang badya ng ulan.
“What do you mean?”
“Na masaya tayo, walang problema.”
Nabili na nilang mag-asawa ang bahay sa Tagaytay noong nakaraang linggo. Dalawang araw lang silang nanatili roon pero napakasaya nilang nagsosolo sila roon. Natutuwa rin si Pepper at nagkita na sila ni Aaron. Nahihiya ang bata sa kanya noong una pero unti-unti ring naging magiliw ito sa kanya. So far, civil naman ang pakikitungo nila ni Karina sa isa’t isa.
Lumipas ang ilang segundo bago nagsalita si Jaidon. “Would it be easier if you married a non-politician instead? Mas tahimik ang buhay mo, baka mas magiging masaya ka.”
Sinimangutan niya naman ito. “Kung hindi lang din ikaw ang magiging asawa ko, huwag na lang!” asik niya rito.
Tumawa ang asawa saka siya inakbayan. “You know that’s not what I meant. Saka malay ko bang patay na patay ka na pala sa akin?”
Siniko niya naman ito. “Seriously, Jaidon. Gusto ko lang na sana maging smooth na ang political career mo, na wala nang darating na problema.”
“Mahirap yatang mangyari `yan.”
“Ganoon yata kasi `pag honest politician, eh. Madami kang makakalabang mga barubal gaya n’ong Montero na iyon!” gigil na sabi ni Pepper. “May pa-interview na naman siya kanina and as usual, tinitira ka na naman. Ang lekat at kumampi pa talaga kay Galdozo, lalong nagagatungan tuloy ang galit sa iyo ng anak niyang si Warren.”
Humalik ang asawa sa kanyang sentido. “Don’t mind him. Gusto lang niyang mag-init ang ulo ko para patulan siya, and I’m not gonna do that.”
“Hindi ko lang gustong kung anu-anong masasama ang sinasabi laban sa iyo. Iba ang tabas ng ngisi ni Montero kanina, eh. Parang may masamang balak.” Sinipsip niya sa straw ang natitirang laman ng hawak niyang baso ng sago’t gulaman. “Nagdidilim talaga ang paningin ko, Jaidon!” Naku, kung papayagan lang siyang magsalita laban kay Bob Montero ay pagmumurahin niya ang lintek na iyon. Pero ayaw niyang mapaaway siya, baka makaapekto nang hindi maganda sa kandidatura ng kanyang asawa.
“Hey, calm down. Nandito tayo ngayon sa labas para mag-relax,” pagpapakalma naman sa kanya ni Jaidon.
“Right.” Nagbuga siya ng hangin. “Panira kasi talaga sa mood `yang Monterong `yan!”
Iginiya na siya nitong maglakad. “C’mon, let’s find a trash can.”
“Hindi bale, tiyak na magiging viral na naman ang picture mo kaninang bumibili ng street foods,” nakangising sabi ni Pepper. Nakilala sila ng dalawang babaeng teenager na nakasabay nilang bumili kanina at game naman sila ni Jaidon na pumayag makunan ng pictures ng mga ito. “Kitang-kita pa sa pictures ang muscled arms mo. Siguradong magte-trending ang hashtag HotGov. Naku, hindi ka na gagalangin!”
“What the hell?” Ang lakas ng tawa ni Jaidon.