noveltoon logo noveltoon
The Governor's Wife

Chapter 11

Ch. 12 / 37 Nov 28, 2025

“J-JAIDON!” bulalas ni Pepper nang paharapin siya ng asawa sa lababo at iniangat ang kanyang palda pataas. “ Ano ba — Oh! ” naputol ang kanyang protesta nang maramdaman niyang pumasok ang dalawang daliri nito sa kanyang pagkababae. Ni hindi na nito kinailangang tanggalin ang kanyang panloob, ekspertong nahanap ng mga daliri nito ang kanyang basang lagusan.

“Would you want me to stop?” he teased her while nibbling her ear and grinding his erection to her butt. “You’re so wet already, Pepper. You want to fuck.”

She groaned. Paano pa siya makakatanggi ngayon? Inaakit siya ng asawa, as if naman na pipigilan niya. Sabik na sabik rin siya dito, ano?

“Tell me, Pepper,” himok pa ng lalaki. “Say you want me to fuck you.”

“Yes,” bulong niya dito. “Fuck me. Hard.”

Hanggang sa maramdaman niyang nagbukas ito ng zipper ng pantalon at inilabas mula doon ang ari. My God. He was gonna fuck her with his corporate clothes on. Hindi naging hadlang ang kagalang-galang nitong suot na barong Tagalog para makaramdam siya ng ma sidhing libog kay Jaidon. If anything, mas nakaramdam lang siya ng mas matinding excitement dahil sa suot nito.

“ Bilisan mo, ” gigil na ungot niya dito. “God, you’re so hot as fuck, Governor!” bulalas niya sa namalas na repleksiyon nito sa salamin.

Muntik siyang mapasigaw nang pasukin siya ng kaniig sa isang mariing pagsulong. Mabilis namang itinakip nito ang palad sa kanyang bibig.

“Ang ingay mo.”

She couldn’t help it! Eskandalosa talaga siya pagdating sa sex, anong magagawa niya?

Ilang sandali pa ay mabilis na umuurong-sulong mula sa kanyang likuran si Jaidon, nakatakip pa rin ang palad sa kanyang bibig. Nakatingin ito sa kanya mula sa salamin, nagbabagang tingin na nagtutulak sa kanya nang mabilis sa hangganan.

So this was how she looked like when being fucked. Mukha siyang nahihirapan at nasasarapan at the same time. Kung mayroong hitsura ang taong pinapatay sa sarap ay iyon ang nakikita niya sa kanyang imahe sa salamin.

“ Don ’t close your eyes, baby,” bulong ni Jaidon sa kanya nang papabigat na ang talukap ng kanyang mga mata. Gumapang ang isang palad nito sa loob ng neckline ng kanyang damit at pumisil sa isa niyang dibdib. “Watch us.”

Hirap na hirap siyang i-focus ang tingin sa salamin. Jaidon’s rough, deep strokes were impelling her to close her eyes and sink into that amazing nothingness.

Gosh, this was kinky. They were fucking in the bathroom, right inside the governor’ s office! Sana lang naka-lock ang pinto ng opisina nito o wala sanang tumawag muna rito.

Argh. Nothing else mattered to her now. Init na init na siya at gusto niyang makaraos. Sasapakin niya ang sinumang iistorbo sa kanila, ganoon siya kadesperada nang mga sandaling iyon.

“S-shit,” paanas na mura ni Jaidon, binagalan ang pagbayo. “Malapit ka na ba?”

Tumango si Pepper, hirap na hirap nang panatilihing nakadilat ang kanyang mga mata.

Tumili siya sa kanyang lalamunan nang sabay sila ng kasiping na pumaitaas ang kamalayan. Nakatingin sila sa isa’t isa na sumambulat sa sukdulan. She then looked at her face while she floated on her climax and saw her most beautiful form yet. Sa hindi niya eksaktong maipaliwanag na dahilan ay parang nakadagdag pa ng kanyang kagandahan ang nakalapat na kamay ni Jaidon sa kanyang bibig. She was a perfect image of a woman being pleasured, being consumed.

And, ah… that euphoric place of nowhere, that would be her new favorite place from now on.

“I miss fucking you,” bulong sa kanya ng asawa nang makababa sila mula sa luwalhati.

“Yeah, I know.”

Ngumiti ito sa kanya sa salamin, parang wala pang balak hugutin ang ari nito mula sa kanya. “And vice versa. Kaya ka napauwi.”

Tumawa siya. “Guilty as charged.”

MASAYA si Pepper dahil kahit paano ay nahalata niyang natuwa ang kanyang ama sa mga pasalubong niya galing ng Japan. Binilhan niya ito ng kung ano-ano, pati na mamahaling alak.

“Naku, Pipay—ay, Pepper na pala. Hiyang na hiyang mo talaga ang may asawa, ha?” tukso naman sa kanya ni Mica habang tuwang-tuwa ito sa mga pasalubong niya. “Blooming na blooming ka!”

Ngumiti lang siya sa kasambahay. Paanong hindi siya magiging blooming? Sagana lang naman siya sa sex. Kagabi ay madaling-araw na silang natulog ni Jaidon dahil pinakawalan nila ang kasabikan sa isa’t isa nang paulit-ulit.

“Alam ba ng asawa mong umalis ka ng bahay?” mayamaya ay usisa naman ng kanyang Papa.

“Hindi, `Pa. `Di naman daw ako kailangang magpaalam lagi,” sagot dito ni Pepper.

Bumuntong-hininga si Fernan. “Anak, iba na ang buhay mo ngayon, kahit sinabihan ka ng ganyan ng asawa mo, tungkulin mo pa ring magpaalam sa kanya kung saan ka pupunta.”

“Siyanga, Pepper. Lalo’t gobernador pa ang asawa mo,” segunda naman ni Mica. “Hindi na tamang kakalat-kalat ka lang kung saan-saan.”

Hindi na siya nagkomento para hindi sila mauwi sa pagtatalo, tumanggi na rin siyang mananghalian doon. Ayaw na niyang makipag-argumento sa ama. She felt too old for that shit. She was married now, for God’s sake!

Pero grabe lang, ha? May asawa na siya’t lahat-lahat ay pinapakialaman pa rin ang buhay niya?

Paglabas ni Pepper ng bahay ay nakita niya ang kaibigang si Ponzi sa labas ng bakuran. Kumaway ito sa kanya at mabilis naman siyang lumapit dito.

“Big time ka na, Pipay, ha?” tukso nito sa kanya. “Sa iyo ba ang SUV na ito?” sita pa nito na hinaplos-haplos ang nakaparadang silver Mercedes Benz GLE.

“Sa asawa ko `yan, huwag mong hawakan baka ma-tetanu sa iyo,” biro niya naman. “Kamusta ka na? Tagal kitang hindi nakita, ah. Ang payat mo! Kumakain ka pa ba o mas malakas lang kumain ang mga bulate mo sa tiyan?”

Tumawa ito. “Heto, nagkukulong sa bahay. Walang mahanap na trabaho.”

“ `Di bale, sustentado ka naman ng tatay mong nasa Guam. ” Nahalata ni Pepper ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Ponzi. “O, may problema ba tayo, `tol?”

“Wala. Sige, `tol. Bibili lang ako ng pagkain sa labasan; wala si Mama sa bahay, walang nagluto.”

“Naku, halika, ililibre kita ng lunch!” yaya niya naman sa lalaki.

Nagpilitan pa silang magkaibigan hanggang sa mapapayag niya ito.

Sa Mang Inasal sa downtown sila tumuloy. Alam niyang may problema si Ponzi at hindi lang sinasabi. Sa kanilang magkakaibigan ay ito ang pinakatahimik, pero pasasaan ba ’t makukulit din niya ito.

Kumakain na sila nang tumawag sa kanya si Jaidon.

“Aw, sorry. Kumakain na ako,” sabi niya dito nang yayain siya nitong mag-lunch.

“Where are you?”

“Dito sa San Roque, kasama ko ang kaibigan ko.” Kumindat siya kay Ponzi.

“Okay. I gotta go then. `Kita na lang tayo sa bahay. May dinner meeting ako mamaya kaya huwag mo na kong hintayin sa hapunan.”

“Okay, bye.”

Nagbiro si Ponzi nang ibalik niya ang kanyang iPhone sa bag. “Wala kayong sweet na tawagan? Walang I love you?”

She wrinkled her nose. “Ahm, ano, kasi… Hindi uso sa amin, ” sabi niya na lang.

Pati pala kaibigan niya ay paniwalang-paniwalang may ugnayan sila ni Jaidon bago nagpakasal. Kung alam lang nito ang lahat. Mabuti na lang, mapagkakatiwalaan si Linny, hindi siya nito ibubuking kahit sa mga katropa pa nila.

“Ah, hindi kayo malambing sa isa’t isa?” usisa pa ni Ponzi.

Napaisip tuloy bigla si Pepper. Noong nasa Japan sila ni Jaidon ay hindi sila magkahawak-kamay o magkaakbay kapag namamasyal sila. Hindi sila naghahalikan na `yong maghahalikan lang talaga out of lambing. Madalas ay pang-foreplay sa sex ang mga halikan nila. Wala rin silang pet names o endearment sa isa’t isa. Tinatawag lang siya ni Jaidon ng babe o baby kapag nagsisiping sila.

So, ano `yon? Parang nagpapakita lang sila ng affection sa isa’t isa kapag magse-sex sila? She wanted to think that was a bad thing, but, hey, hindi naman sila normal na mag-asawa ng lalaki. They were not bound by love, they didn’t start from a relationship, they didn’t even date. Sa sex lang sila nagkakaroon ng totoong koneksiyon sa ngayon. But maybe that wasn’t a bad start at all.

“`Sabagay, wala naman talagang kalambing-lambing sa katawan mo, ” biro ng kaibigan nang hindi siya nagsalita. “Nagulat nga ako nang kumalat ang balita tungkol sa inyo ni Gov. Ni wala nga akong kamalay-malay na naging kayo.”

“Eh, paano ka magkakamalay, sabi mo nasa loob ka lang lagi ng bahay n’yo?” banat niya naman. “Saka sekretong malupit `yong relasyon namin noon kaya walang nakakaalam. Kahit si Papa nga, wala ding malay.”

Tumawa si Ponzi. “Mga ninja pala kayo. Mahusay, mahusay.”

“Oo. Hokage.”

Hindi pa sila tapos kumain nang may isang lalaking lumapit sa kanilang mesa. Early thirties, medyo malaki ang tiyan at napapanot. Nakilala agad ito ni Pepper. Si Raffy Romero; ang makulit na tabloid reporter na sinapak niya noon sa kanilang bahay.

“Yes?” mataray niyang sita sa reporter.

“Kilala mo pa pala ako, Mrs. Silvanus,” sabi ni Raffy, may dala itong maliit na video camera.

Umikot nang dalawang beses ang eyeballs niya. “You’re definitely unforgettable,” puno ng sarkasmong sabi niya. Wala siyang pakialam kung makita man iyon sa video cam.

Tumawa ang reporter. “Puwede bang makahingi ng interview?”

Umiling siya. “Sorry, hindi ako nagpapa-interview kahit kanino.”

Pero makulit si Raffy. Ang lekat, nabalitaan sigurong nagbalik-bayan na siya at sumugod agad sa Sinagtala. Noong binayaran ito ni Jaidon para huwag siyang idemanda ay kasali sa stipulation na hiningi nito na huwag itong bawalang lumapit at makipag-usap sa kanilang dalawa. At ine-enjoy naman nito iyon. Palibhasa kasi, mula nang kumalat ang video ng pagsapak niya dito noon ay sumikat ang Facebook page ni Raffy.

Lampas-tainga na ang ngiti nito. “Bakit naman?”

Inirapan niya naman ito. “Basta. If you don’t mind, kumakain kami ng kaibigan ko.”

“Kaibigan nga lang ba? Alam ba ito ng asawa mo?”

Umusok ang nostrils ni Pepper. “Intrigero!” singhal niya kay Raffy. Juslord, pigilan sana siya ng kanyang anghel dela guwardiya kung mayroon man dahil baka matusok niya ng barbecue stick ang lalaking ito at madagdagan ang butas ng mala-cauliflower nitong ilong!

“Just asking. Puwede ka namang magpaliwanag. C’ mon, Pepper, let ’s do a short interview.”

Tumayo si Pepper. “Excuse me, wala akong dapat ipaliwanag sa iyo!”

Effort talaga ang pagpigil niya sa dila na magmura. Ipinaalala niya sa sarili na asawa na niya si Jaidon, isang gobernador. Kailangan niyang umayos.

Hinawakan naman siya sa braso ni Ponzi. “Tara na, Pep,” sabi nito at hinawakan siya sa braso.

Sinundan pa rin sila ni Raffy hanggang sa labas ng Mang Inasal. Hila-hila naman siya ni Ponzi sa kamay patungo sa kanyang sasakyan. Nakatutok sa kanila ang video camera ng reporter. Binigyan ito ng dirty finger ni Pepper bago siya pumasok ng kotse.

“HINDI ka galit?” parang nahihiyang tanong ni Pepper kay Jaidon nang makauwi siya nang gabing iyon. Pinasok siya nito sa walk-in closet.

Galing si Jaidon sa isang meeting kasama ang tatlong town mayor na kaalyado niya sa politika. Usap-usapan sa kinainan nilang restaurant ang balita kay Pepper—ang pagtataray nito sa reporter na si Raffy Romero. Katatawag lang din sa kanya ng daddy niya, pagsabihan daw niya si Pepper kung paano makitungo sa mga miyembro ng media. Nagalit pa ito sa kanya nang natawa siya dahil sa balita.

“At least you didn’t punch him this time,” natatawang sabi ni Jaidon sa asawa habang naghuhubad siya ng Barong Tagalog.

“Hah! Muntik na. Gagong Raffy na `yon, bigyan ba kami ng malisya ng kaibigan ko. Naku, Jaidon, `yong nakita mo sa video na magkahawak-kamay kami ni Ponzi, hinihila lang niya ako palayo sa intrigerong reporter na `yon.”

“You don’t have to explain anything, Pepper.”

“Hindi ka maiinis kahit may ibang lalaking hawak ang kamay ko?”

“Bakit naman ako maiinis, kaibigan mo si Ponzi, hindi ba? ”

“Right.” Lumapit ito sa kanya nang boxer shorts na lang ang suot niya.

Yumakap si Pepper sa kanyang leeg. “Sorry. Hindi ko intention na mabalita na naman, nakaladkad na naman ang pangalan mo,” malungkot na sabi nito. “Nakakainis! Bonggang sermon inabot ko kay Papa, pati si Linny gigil na gigil sa akin. Jusko, naging Internet meme at GIF na raw `yong picture kong naka-dirty finger!”

“It’s all right.”

“Sa susunod, hindi na ako magtataray; tatahimik na lang ako. Kung ibang reporter lang siguro `yon ay magiging mabait pa ako. Kaso, ibang klase kasi ang mga banat ng Raffy na `yon. `Kakainit ng ulo.” Humalik ito sa kanyang pisngi.

Ngumiti si Jaidon pero agad din niyang binawi iyon. May naramdaman kasi siyang parang pagkalula. Pagkalula saan? Mabilis bang gumagaan ang loob niya sa kanyang asawa?

No, no. Too early. Everything just started.

Klarong-klaro sa kanyang isipan ang lahat. May plano na siya. Ayaw niyang masira iyon. He wouldn’t let Pepper ruin his plans. Hindi kasama sa plano niya ang paggaan ng loob niya sa babae, lalo na ang mapalapit. But this woman’s charm seemed so irresistible. He was being captivated. All right, maybe he couldn’t really resist her. Pero hindi ang charm nitong iyon ang hindi niya maiwasan kundi ang sex appeal nito—ang sensuwal nitong kapusukan na sa kanya lang eksklusibong ibinibigay.

Kinunutan naman siya ni Pepper ng noo. “What’s wrong?” nag-aalalang sita nito.

Umiling siya. “Nothing.”

Hinaplos siya nito sa pisngi. “Pagod ka ba? Halika, imamasahe kita,” paglalambing pa nito.

Naglalambing siguro bilang pambawi sa inaakala nitong atraso sa kanya. At para siyang gago dahil nagugustuhan naman niya iyon.

“Iba ang gusto ko.” He wanted her sex. Right?

Damn right. Sex lang, Jaidon. Wala nang iba.

“Ikukuha kita ng malamig na beer? ”

He chuckled as he held her tiny waist. “Mas masarap sa beer,” sabi niya at pumisil ang isang kamay niya sa isang umbok ng puwit ng babae.

Tumawa si Pepper saka humaplos ang mga kamay sa kanyang malapad na dibdib saka dumausdos pababa sa kanyang puson.

“Hmm, mas masarap ako sa beer?” maharot nitong tanong sabay dakot sa kanyang pagkakalaki.

“Absolutely,” sagot dito ni Jaidon bago siniil ng halik sa mga labi ang asawa.

SAMPUNG araw idinaraos ang main events ng kapistahan ng Sinagtala at sa loob ng panahong iyon ay halos hindi nagkita sina Jaidon at Pepper. Maagang lumalabas ng bahay ang kanyang asawa at gabi na at tulog na siya kung dumarating ito.

Isang gabing hindi siya makatulog ay pupunta sana siya sa recreational room para manood sa higanteng TV doon nang madaanan niyang may ilaw sa library. Lumapit siya sa pinto at kakatukin sana iyon nang maulinigan niyang nagsasalita si Jaidon, may kausap yata sa telepono. At, tama ba ang narinig niyang pangalang sinabi nito? Katrina? Or was it Karina?

Tumuloy siya sa pantry ng second floor ng bahay at nagsalang ng kape sa coffeemaker. Kumatok siya nang dalawang beses sa pinto ng library bago pumasok.

“Hey, stranger!” nakangiting bati niya sa asawa.

“Hey, why are you still awake? Madaling-araw na,” sita sa kanya ni Jaidon pagkapasok niya. Nagtanggal ito ng eyeglasses na ginagamit nitong proteksiyon sa mga mata kung nagbababad ito sa computer.

“Ikaw ang dapat kong tanungin nang ganyan. Dapat nagpapahinga ka pagdating mo dito sa bahay, may isang gabi pa ang pista.” Inilapag niya ang tasa ng kape sa tabi ng desktop computer nito. “Here, have some coffee.”

“Thank you. You’re so sweet.”

“Ugh. Hindi ako sweet. Kita mo nga pangalan ko, maanghang.”

Pero gaano nga ba kahirap maging malambing sa kanyang asawa? Napakabait nito at galante sa kanya. Wala siyang mairereklamo dito. Dagdag pa na busog na busog siya sa masarap nitong pakikipag-sex sa kanya.

“May nire-review lang akong mga report, pagkatapos nito, matutulog na ako.”

Umupo si Pepper sa Cleopatra chair. “Sino `yong kausap mo sa phone kanina?” pasimple niyang tanong.

“My former partner in my law firm,” mabilis namang sagot nito na sinundan ng higop sa kape.

“Babae? ”

Napatingin si Jaidon sa kanya. “Yes. Her name is Karina.”

Napatango-tango. “Ah.”

“May problema ba, Pepper?”

She vigorously shook her head. “Wala. Wala naman.” Ipinatong niya ang mga paa sa mahabang upuan saka sumandal sa dulo niyon. “Dito muna ako, ha? Hindi ako makatulog, eh.”

“Drink some warm milk, it will help you sleep.”

Nagbiro siya. “Bakit parang tinataboy mo ako? Mag-uusap pa kayo ni Karina, ano?”

Awkward naman itong tumawa. “I thought you’re not the jealous type?”

Pabirong inirapan niya ito. “Hindi talaga ako selosa. Para nagtatanong lang.”

“Matulog ka na,” pilit naman ni Jaidon. “Wala akong babaeng ka-cyber sex, pangako,” biro pa nito.

“Mamaya na, hindi lang din ako makakatulog doon nang mag-isa.”

Ngumiti ito. “Why, you miss sleeping with me?”

“Siguro.”

Mayamaya ay tumayo ito. “Okay, c’mon. Let’s sleep.”

Bumangon si Pepper. “ Sigurado ka? ”

Lumapit ang gobernador sa kanya. “Oo,” sagot nito at hinawakan siya sa kamay para itayo. “Let’s go, kulit. The bed is waiting.”

“Ahm, Jaidon, may monthly period ako ngayon, kadarating lang kanina.”

Kumunot ang noo nito. “And… ? ”

“Well, puwede kitang i-blowjob,” kikindat-kindat namang sabi niya. “O kaya, boob job. You can come on my face.”

Tumawa ito. “You’re thinking I was wanting to have sex? Akala ko ba matutulog na tayo?”

Hinampas niya ito sa tiyan. “Malay ko ba. Ikaw kasi `pag nagyayaya sa kama, eh, iba ang ginagawa mo sa akin.”

“Ang dumi lang talaga ng isip mo, Misis.” Sinundot siya nito sa baywang.

Hinintay ni Pepper na makapaghilamos at makapagsepilyo ang asawa kahit sinabi nitong mauna na siyang matulog. Tumagilid ito ng higa at humarap sa kanya nang magtabi sila sa kama.

“I’m sorry, pati ikaw napupuyat na,” mabining sabi ni Jaidon na maingat na hinaplos ang kanyang pisngi.

Umisod naman siya palapit dito. “Okay lang `yon.”

“How are you doing anyway?”

“You mean while you’re busy? Ayos lang naman ako dito, dami kong pinapanood sa Netflix saka nakikigamit din ng gym mo minsan. Hindi ako lumalabas ng bahay kasi baka makita na naman ako ng mga gumagalang media.”

“Gusto mong sumama sa akin mamayang gabi? Balikbayan Night sa auditorium, hindi masyadong maraming tao.”

“Isasama mo ako, talaga?”

“Why not? Iyon ay kung gusto mo lang naman.”

Tumango siya. “Sige. Pero baka lapitan ako ng press doon. Ayoko talagang magpa-interview, Jaidon. Baka

mapaaway na naman ako, eh.”

“Ako ang sasagot sa kanila, okay? Wala kang gagawin doon kundi umupo sa tabi ko. We can dance, too, if you want.”

“Okay.”

“Now sleep.”

Ngumiti si Pepper nang humalik ang asawa sa kanyang noo at marahang pinadaan ang mga daliri mula sa kanyang noo pababa sa kanyang ilong para mapapikit siya. That was very sweet, she thought. Malambing din kayang tao si Governor Jaidon Silvanus?

Marami pa pala siyang dapat diskubrehin sa pagkatao nito.

Hinila nito ang kumot pataas sa kanyang katawan. “Goodnight, Pepper.”

“Goodnight, Gov,” nakangiting sabi niya. “Ayaw mo talaga ng boob job?” hirit pa niya.

Tumawa si Jaidon. “Tempting. Pero next time na lang.”