noveltoon logo noveltoon
The Governor's Wife

Chapter 28

Ch. 29 / 37 Nov 28, 2025

lalong gaganahan lang si Congressman Bob Montero na tirahin si Jaidon at ang kanyang pamilya kung patuloy silang mananahimik mula sa media. Nakiusap siya sa ama at abuelo na hayaan siyang magsalita; tutol ang mga ito, kahit pa ang kanyang Ninong Valentin. Sinamahan naman siya nina Pepper at Radley na makiusap sa mga nakakatanda.

“This is the best option,” pangungumbinsi ni Jaidon sa mga ito. “ Baka kung ano-ano pang kasinungalingan ang idagdag ni Montero sa isyu kung mananahimik lang tayo habang nagpipiyesta ang media. ”

“I think he is right,” sa wakas ay sabi ni Valentin kina Emmanuel at Crisostomo na sinundan ng buntong-hininga. “Panahon na para iklaro sa mga tao ang lahat.”

“Kung ganoon ay gusto ko ring magsalita,” desisyon ni Emmanuel.

“Yeah, Dad. You have to clarify that death threat issue,” sabad ni Radley. “Mukhang kontrabida na ang pamilya natin. Masisira ang kaguwapuhan ko niyan.”

“I had to scare that son of a bitch dahil ayaw niyang layuan si Alyanna. He didn’t love her. Pinaglaruan lang niya ang mommy ninyo, binalak na kuwartahan. Hindi lang iisang beses na binigyan namin siya ng pera para lumayo, tinakot niya kaming mag-eeskandalo siya,” paliwanag ni Emmanuel. “If I really wanted him dead, I would’ve killed him myself. Pero hindi ko dudumihan ang mga kamay ko para lang sa isang walang kuwentang tao.”

Napangiti nang mapait si Jaidon. “Nagugulat pa kayong iba ang ugali ko sa inyo gayong alam n’yo naman pala kung anong klaseng tao ang pinanggalingan ko.”

It made more sense indeed. Kung paanong naisip niyang gamitin si Pepper para sa kanyang bentahe. Kaya niya palang gawin iyon dahil may maitim na parte ang kanyang pagkatao. His real father was a lying, manipulating asshole. Yeah, genetics.

Matamang tumingin sa kanya ang kinilalang ama. “Dahil sa paglipas ng maraming taon ay nakakalimutan kong hindi ka galing sa akin, Jaidon,” sabi nito, dama niya ang bigat ng kalooban nito.

Hindi niya naman magawang magalit kay Emmanuel. Kahit paano ay itinuring siya nitong isang anak at binigyan ng magandang buhay kaya dapat niyang ipagpasalamat iyon.

Sa tulong ng private detective ay madali nilang natunton ang kinaroroonan ni Romano. Ayon sa background check na isinagawa dito ay wala itong pamilya, walang permanenteng trabaho at laman ng mga inuman at pasugalan. Ngayon ay naghihirap at may sakit daw ang lalaki na kasalukuyang nakaratay sa ospital. Romano was dying of lung cancer. Iyon siguro ang dahilan kaya muli itong lumapit sa mga Silvanus, para humingi ng perang pangtustos sa pangangailangan nitong medikal.

Kasama ni Jaidon si Pepper na nagpunta sa ospital na kinaroroonan ni Romano.

“K-kung gusto mong hintayin kita dito sa labas ng kuwarto ay—”

“I need you,” pigil ni Jaidon sa sasabihin ng asawa, nakababa lahat-lahat ng kanyang depensa nang mga sandaling iyon. He was scared, he felt weak even.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa harap ng ibang tao, pakiramdam niya, nakaladlad lahat ng mga kahinaan niya, maaaring abutin ng kahit sino ang puso niya at wasakin iyon nang walang kahirap-hirap. There was still fear from opening up like that, showing his vulnerability while there were people around him. But Pepper was here. With him. And he knew that it would be all right to be scared and weak around her.

Pinisil nito ang kamay niyang nakahawak sa palad nito. “Okay.”

Nasa isang private room si Romano na sa hula ni Jaidon ay ginagastusan ni Bob Montero. Gising ang lalaki pagkapasok nilang mag-asawa doon at agad itong ngumiti pagkakita sa kanya.

“Kasingguwapo mo talaga ako, anak,” pagmamalaki pa nito sa malat na boses, iniaabot ang isang kamay sa kanya.

Hindi niya iyon inabot, nanatili siyang nakatayo nang isang metro ang layo sa tabi ng kama. Nasa kanyang likuran si Pepper.

Kung totoo nga siguro ang lukso ng dugo ay nadama niya iyon pero hindi sa pamamagitan ng pagmamahal. Awa ang nararamdaman niya para sa amang ngayon lang niya nakilala—para sa kalagayan nito, sa katotohanang hindi na magtatagal ang buhay nito kahit pa pilit na isalba ng makabagong teknolohiya sa medisina.

“Alam mo, minsan kapag nalalasing ako ay sinasabi kong anak ko ang isa sa mga pinakamabuting politiko sa Pilipinas. Tinatawanan lang ako ng mga kainuman ko. Imposible daw na magkaanak ako ng gaya mo.”

“ Ipapagamot ko po kayo, ” sabi ni Jaidon dito. “Ililipat ko kayo sa mas magandang ospital.”

Umiling si Romano, hindi naaalis ang ngiti sa bibig nito. “Handa na akong mamatay, Jaidon. Ikaw lang naman ang hinihintay kong makitang muli kaya naglakas-loob akong lumapit sa iyong pamilya. Pero hindi pa ako nakakapagsalita ay itinaboy na nila akong parang isang hayop. Naging desperado na ako at nagpagamit kay Montero para mapansin mo.”

Nagkaroon ng bara sa lalamunan si Jaidon.

“Gusto kong humingi ng tawad sa iyo, anak. Sana, ipagkaloob mo iyon sa akin bago ako malagutan ng hininga. Mabawasan man lang nang kaunti ang mga kasalanan ko sa mundo. ”

Itinango niya ang namimigat na ulo. “W-wala akong galit sa inyo,” matapat niyang sabi. Doon na niya hinakawan ang kamay nito at nag-umpisa naman itong lumuha.

“Masaya akong mamamatay dahil nalaman ko na sa lahat ng kagaguhang ginawa ko ay may isang naging tama sa mga iyon. Natutuwa akong hindi mo ako naging katulad, ituloy mo sana lahat ng mga kabutihang ginagawa mo. Ipinagmamalaki kita, anak.”

Walang imikang lumabas ng kuwarto ni Romano ang mag-asawa. Mabagal silang naglalakad sa hallway nang marinig ni Pepper ang mahinang pagsinghot ni Jaidon. Masakit na ang lalamunan niya sa pagpipigil na tuluyang maiyak.

Pinigil siya ng babae sa kamay at hinila sa tabi. Inabot nito ang kanyang mukha at mabining pinahid ang luhaan niyang mga mata.

“Can you please hear me out?” she softly asked him, her eyes penetrating the deepest part of his soul. “Hindi mo kailangang paniwalaan ang mga sasabihin ko, pero gusto ko pa ring marinig mo sana. Mababaw lang akong klase ng tao, Jaidon, I take everything with common sense, pero kahit common sense, minsan ay sumesemplang pa rin ako. Pero alam mo, sa palagay ko, hindi na masyadong mahalaga kung saan ka nanggaling. Mas mahalaga kung nasaan ka ngayon, at kung saan ka papunta.”

Nagpatuloy si Pepper, sinamantala ang pananahimik ni Jaidon. “Kung may napatunayan man ako sa buhay-tambay na lifestyle ko, iyon ay ang hindi kasiguraduhan ng mundo. Life will always be like that, I guess. Kailangan lang nating hanapin sa ilalim ng araw kung saan ba tayo magiging masaya. Ganoon lang naman talaga, parang biyahe lang ang buhay.” She lightly caressed his cheek with her fingers, down his throat. Her words were uplifting. “But I really think you’re on the right track, Jaidon. Maybe the road is just rocky for now. Pero kung sa palagay mo ay hindi mo pa talaga alam kung saan ka dadalhin ng paghahanap mo ng kaligayahan ay payag akong maging kasama mo sa biyahe. I will take every crossroad, every detour with you.”

“ Pepper, ” puno ng damdaming usal niya at niyakap ang babae.

He let his tears fall. And right at that moment, he took his wife completely inside him. Deep inside him where she lit a fire to warm that cold, dark place…

NANATILI ang mag-asawa sa Quezon City sa loob ng sampung araw. Dalawang araw matapos ang pagkikita nina Jaidon at Romano ay payapang pinanawan ng buhay ang huli. Ang pamilya Silvanus ang nagpalibing dito. Tahimik na rin ang media tungkol sa isyu.

Masaya si Pepper dahil nakita niya uli si Aaron, magiliw naman sa kanya ang bata at naaaliw siyang makasama ito. He was very cute and behaved. Manang-mana talaga sa ama.

“Mukhang ayaw na naman pakawalan ng lolo niya si Aaron, ” tatawa-tawang sabi ni Karina sa kanya minsang dumalaw ito sa bahay ng mga Silvanus kasama ang anak.

Ganoon daw palagi si Emmanuel sa apo, kuwento sa kanya ni Radley. Palaging nakikipaglaro ang matanda kay Aaron, ngayon ay itinutulak nito ang kiddie bike na sinasakyan ng bata sa driveway.

“Thank you, Pepper,” mayamaya ay sabi ni Karina habang nasa hardin sila.

“For what?”

“Sa pagtanggap mo sa amin ni Aaron sa buhay ninyo ni Jaidon.”

Ngumiti si Pepper. Hindi niya ikakailang may kaunting uneasiness pa rin siyang nararamdaman sa pagitan nila ni Karina at aware din ito tungkol roon pero nabubuwag na ang pader sa pagitan nila. They were really trying to be friends again.

“Wala iyon. Iyon naman dapat ang tamang gawin, `di ba?”

“Hindi ka rin daw kumontra nang sabihin sa iyo ni Jaidon na babalik ako sa Silvanus Law Firm.”

“Bakit naman ako kokontra? Sabi ko naman sa iyo dati na mapapakinabangan ka ng Sunlight kung mananatili ka dito sa Pilipinas.”

“Sabi ni Lolo Cris na mas mabuti pa daw kung titira kaming mag-ina sa bahay niya sa San Roque para malapit lang ang bata sa inyo ni Jaidon. Magpapatayo na lang daw ng branch ng law firm sa Sinagtala.”

“That would be a good idea. Mas malapit ka na rin sa Sunlight roon.”

“Hayaan mo, I’ll think about it. Kailan pala kayo uuwi ni Jaidon? I was thinking na mag-girls out naman sana tayong dalawa bago kayo umalis.”

“Bukas sana, but we can arrange that. Puwede ko namang i-request sa asawa ko na sa isang araw na lang kami uuwi. Sunduin natin `yong kaibigan ko sa Makati, gusto kong makilala mo siya.”

“Okay!” Lumapad ang ngiti ni Karina. Napapansin din iyon ni Pepper na parang mas lumalambot at umaaliwalas na ang aura ng babae.

“You know what? Malaki ang ipinagbago ni Jaidon mula nang makasal sa iyo.”

Kinunutan ito ni Pepper ng noo. “What do you mean?”

“He already learned to loosen up. Napaka-uptight kaya niyan dati, palaging seryoso sa buhay.”

“Nahawa sa kabaliwan ng misis siguro. Parang virus lang, eh.”

Duweto silang nagkatawanan.

“Can I ask you something personal?” mayamaya ay tanong niya sa babae.

“Sure. You can ask me anything, Pepper,” magaan ang loob namang pagpayag nito.

“Bakit hindi mo nagawang mahalin si Jaidon?”

“Well…” Nagkibit-balikat si Karina. “I guess I can’t just force myself into feeling something so deep like love. Hindi kasi talaga naipipilit iyon. Saka, pakiramdam ko, hindi tunay o buo ang pagmamahal niya noon sa akin. He was just fond of me. He wouldn’t let me get totally inside him tulad ng ginagawa niya sa `yo, Pepper. He is so different around you and I’m happy for that.”

Nag-init ang mukha ni Pepper sa narinig. “S-siguro kasi, asawa niya ako.”

Makahulugan itong ngumiti. “Nah. It’s more than that, I think.”

Umiling naman siya. Nararamdaman niya naman ang mas pagkakalapit nilang mag-asawa pero ayaw niyang mag-assume ng kung ano-ano. Siguro ay ayaw niya lang masaktan kung sakaling mali ang akala niya.

Nang matanaw niyang papalapit sa kanila si Radley. “Pasok muna ako sa loob,” mabilis niyang paalam kay Karina, hindi naiwasang bigyan ito ng nanunuksong ngiti.

“ Pepper! ” bulalas ni Karina, biglang nataranta nang makita ang lalaki.

Tinapik niya ito sa balikat. “Dont worry, Radley is a good man, Karina,” sabi niya dito sabay kindat.

Pagpasok ni Pepper sa kuwarto ng asawa ay inabutan niyang nagbibihis ito, galing sa paliligo.

“Gusto ni Karina na lumabas kaming dalawa bago tayo umuwi. Can we postpone our trip home, please?” may paglalambing na sabi niya dito pagkalapit.

“ Sure, ” nakangiting sabi naman nito.

“Thank you!” tuwang-tuwang sabi niya at hinalikan ito sa pisngi. Na gusto niyang pagsisihan pagkatapos dahil mabilis siyang nag-init sa nasamyong preskong amoy ng asawa.

She had been shying away from asking him for sex these past few days. Awkward namang kasing mangalabit siya habang nasa gitna ng problema si Jaidon. Hinahayaan niya muna itong mapag-isa dahil alam niyang kailangan din nito iyon. Isa pa, hindi nga soundproof ang kuwartong tinutulugan nila at marami silang kasama sa loob ng bahay. Well, they could fuck quietly…

Lihim niyang minura ang sarili. Dapat siyang makonsiyensiya at nakukuha pa niyang makaramdam ng pagnanasa sa kabila ng mga pinagdaanan nilang mag-asawa habang nasa Manila sila. But what could she do? Maybe because she felt the closest to him whenever they mated. Siguro sa paraang iyon ay pakiramdam niya, mas naaabot niya ang pinakamalalim na parte ng pagkatao ng kanyang asawa. She wanted to hold that part of him, own it with him.

Jaidon smiled and reciprocated her chaste peck with a deep kiss on her mouth. Kukuntentuhin niya na lang sana ang sarili doon nang kabigin siya ng lalaki pagkatapos niyang bumitiw dito.

“Hey, come here,” bulong nito at muli siyang hinalikan.

The kiss was sexual, the kind that he always gave her whenever they were about to fuck. Pero sa pagkakataong iyon, parang may ibang nadagdag, parang sumidhi pa nang libong beses. Maybe she was just imagining things. Did she just miss his hot kisses that much?

Pinigil ni Pepper ang umungol dahil sa tamis at init na nalasap niya mula sa halik ng asawa. Pero hindi niya naman ikinaila ang pangangailangan niya dito.