noveltoon logo noveltoon
The Governor's Wife

Chapter 16

Ch. 17 / 37 Nov 28, 2025

ISANG hapon ay naalimpungatan si Pepper mula sa kanyang siyesta nang bumukas ang pinto ng master’s bedroom. Nakita niyang pumasok roon si Jaidon, naghubad ng suot nitong short sleeves na barong at itinira sa katawan ang puting sando.

“Sorry I woke you up,” malumanay nitong sabi saka lumapit sa kama.

Akmang babangon si Pepper nang pigilan siya ng lalaki. Tumabi ito ng higa sa kanya, iniyakap ang isang kamay.

“ Binilhan kita ng lemon meringue, nasa ref, ” sabi nito, bakas sa boses ang pagod.

“Thank you.” Napangiti siya. Naalala pa pala nito na sinabi niya ditong paborito niyang dessert ang lemon meringue.

“Matulog ka na uli,” sabi nito saka siya hinalikan sa pisngi.

Magsasalita sana siya nang mapansin niyang tulog na ang asawa. Nang tingnan niya itong mabuti sa mukha ay halos madurog ang kanyang dibdib sa mababakas na pagod doon. Hindi nga pala ito umuwi kagabi, may pinuntahang bayan sa Sinagtala at nakisali sa operasyon sa pagtugis sa sindikatong may-ari ng malaking pagawaan ng pirated videos.

Hindi nito iyon ipinaalam sa kanya, basta sinabi lang na baka hindi ito makauwi sa gabing iyon. Nagulat na lang siya nang makita niya ito sa balita sa telebisyon kaninang umaga. Napakakisig nito sa suot na bullet-proof vest habang nagpapa-interview sa media pagkatapos ng nangyaring hulihan. Pakiramdam niya tuloy ay parang superhero ang kanyang asawa.

Pero kahit superhero pala ay napapagod din. Heto ngayon si Jaidon, daig pa ang mantikang natutulog. He was completely oblivious to the outside world. Kahit pa siguro may mag-crash na asteroid sa tabi ng bahay nito ay hindi ito magigising. Dumiretso na kasi ito sa opisina dahil madaling araw na nang matapos ang pagtugis sa mga suspect na umabot pa sa kabilang probinsiya ang hanapan at habulan.

Jaidon looked so tired and weary. Nangingitim pa ang gilid ng mga mata nito. Sinundot ng konsiyensiya si Pepper. Here was his husband, putting his own life on the line and trying to save the world. And what had she been doing all day? Lumamon at natulog matapos magbabad sa panonood sa rec room. Kahapon ay naglamyerda siya sa mall, nagpa-parlor at nag-shopping. Ang sarap lang naman ng buhay niya!

Nakaramdam siya ng hiya sa sarili. Asawa siya ng gobernador pero hindi siya nakikialam sa mga gawaing may kinalaman sa politika. Samantalang kahit ang mga kilala niyang asawa ng mga Punong Barangay ay mga aktibo sa lipunan.

Maingat siyang bumangon at lumabas ng kuwarto. Sa kusina siya tumuloy at sakto namang naroroon ang mag-asawang tagaluto at naghahanda na ng pang-hapunan. Nagprisintang tumulong si Pepper sa kabila ng pagpoprotesta ng mga ito.

At kahit nagugutom na siya’y pinauna na niyang kumain ang mga kasama nila sa bahay nang hindi pa bumababa si Jaidon.

“ Don ’t worry, ako’ ng bahala sa inyo. Hindi magagalit si Gov, ” sabi niya sa mga ito nang halos ayaw galawin ang mga pagkain sa gazebo kung saan naroroon ang eating area ng mga ito.

Nasa hardin siya nang labasin siya ni Jaidon, bagong ligo ito pero mukhang pagod pa rin ang mukha.

“Sabi ni Anton, hindi ka pa raw kumakain,” nag-aalalang sabi nito habang naglalakad palapit sa kinauupuan niya.

Isinara ni Pepper ang bagong MacBook Pro na regalo sa kanya ng asawa. “Ang OA ng mga tauhan mo. Parang mamamatay naman ako sa gutom,” nakangiwing sagot niya.

Paglapit nito sa kanya ay kinilig siya dahil hinalikan siya ng asawa sa tuktok ng ulo.

Napapansin niya iyon, parang nagiging malambing na sa kanya si Jaidon. At ganoon din siya. Hindi niya namamalayang napaka-effortless palang maglambing sa kanyang mister.

“Hindi mo na dapat ako hinintay. Paano kung hatinggabi na akong nagising?”

Tumayo siya at ikinawit ang mga kamay sa batok nito. “Kilala na kita, mahaba na ang limang oras na tulog mo.”

Ngumiti si Jaidon saka siya hinalikan sa bibig. She had always loved this kind of kiss. `Yong halik na hindi maituturing na seksuwal, hindi kasali sa foreplay. A kiss that was sensual yet blissful and light. `Yong nagpapahina ng kanyang mga tuhod; may init pero isang uri ng init na humahaplos sa kanyang kalooban. Iba ang ginigising sa kanya, hindi pagnanasa. Iyon siguro ang halik na marubdob pero malambing, matamis…

“You worried me. Next time, kung may pupuntahan kang delikado, sabihin mo naman sa akin,” sabi ni Pepper. Sabi sa news ay baka hindi lang daw pamimirata ng DVD at Blu-ray ang gawain ng sindikatong nasakote kundi pati na paggawa ng shabu.

“Sorry, sa akin kasi mismo lumapit ang informer at mabilisan dapat ang kilos namin ng mga kinauukulan. Kinailangan ko nga ring ilihim ito sa mismong Provincial Police Officer dahil siya ang itinuro ng informant na protector ng sindikato.”

“Grabe, nagulat nga rin ako. Totoo kaya `yon, na sangkot si Florentino Galdozo?”

“Maraming ebidensiya ang nagtuturo sa kanya. On-going na ang imbestigasyon at oras na makalap lahat ng kakailanganin laban sa kanya, wala na siyang kawala.”

“Galit na galit nga siya sa interview niya kagabi, sabi niya sinungaling ka daw at gusto mo lang siyang sibakin sa puwesto kaya idinawit mo siya. Tuta mo raw kasi `yong gusto mong ipalit sa puwesto niya.”

“Hindi na niya maloloko ang mga tao, I will make sure of that. I will send his ass to prison myself.”

“Pero… b-baka pag-initan ka niya, ” nag-aalalang sabi ni Pepper.

“Let him. Hindi ko siya uurungan.”

“Ano ka ba!” Hinampas niya sa dibdib si Jaidon. “Huwag ka ngang ganyan. Hindi ka superhero, ano? Wala kang shield gaya ni Captain America o vibranium outfit gaya ni Black Panther, tatablan ka ng bala. Ayokong mabiyuda agad, Jaidon!” nanghihilakbot na sabi niya.

“Stop worrying, I’ll be fine,” pang-aalo naman ng asawa.

“Hindi mo na maiaalis iyon. Asawa mo na ako. Paano kung may nangyaring masama sa iyo? Wala man lang akong kamalay-malay diyan.”

“Hindi naman nagkainitan talaga, walang nasaktan kundi `yong isang tauhan ng sindikato na binaril ko sa paa.”

Napabuga siya ng hangin. Parang ngayon lang nag-sink in sa kanya kung gaano kadelikado ang pagiging politiko.

“Relax, kulit, hindi ka pa mabibiyuda,” tatawa-tawang pang-aalo naman sa kanya ni Jaidon. “C’ mon, let ’s eat.”

Napangiti si Pepper nang napansin niyang magkahawak-kamay silang pumasok ng bahay.

HINDI na tinawag ni Pepper ang mga kasambahay nila, sa halip ay silang mag-asawa ang naghain ng mga pagkain nila sa mesa. Mukhang natuwa pa ito nang sindihan niya ang tatlong pulang kandila sa gitna ng mesa na binili niya noong isang araw.

“You like candles, don’t you?” amused na tanong ni Jaidon.

“Oo, lalo `pag scented, pero ang hirap humanap ng candles na scented and at the same time ay magandang i-display. Hindi `yong plain o kaya nasa jars lang.”

“Baka may mahanap ka online.”

“Meron, pero `di ko type. Gagawa na lang siguro ako. May napanood akong tutorial sa YouTube about decoupage candles at `yong may pressed flowers and leaves, saka crystals and shells.”

“That’s interesting.”

“I was also thinking…”

Nag-angat ito ng ulo mula sa kinakain. “Yes?”

“`Di ba, `yong asawa ng kaibigan mong si Congressman Velasco, may project para sa mga walang trabahong misis?”

“Si Stephanie? Yes. She likes you, by the way.”

Kuminang ang mga mata ni Pepper. Minsan lang niyang nakita sa personal si Stephanie—noong celebration ng Women’s Month sa kapitolyo. Nasa early forties ang ginang, masayahin, classy pero madaldal din at walang kiyeme.

“Really?”

“She was asking me about you the other day, nakalimutan ko lang sabihin sa iyo. She thinks you’re so cool.”

“Cool?” Humagikgik siya. Cool daw siya? What a way to describe a governor’s wife! “Anyway, tungkol doon sa mga project niya, iniisip kong, ano kaya kung idagdag niya ang candle making? Mura lang naman ang materials.”

Ngumiti si Jaidon. “Why don’t you tell her that yourself? Magkita kayo, mag-usap.”

“You think papayag siya?”

“Sa kulit mong `yan? Papayag iyon.”

Tumawa siya. “Siya, maghahanda ako ng simpleng project proposal, `yong may video para bongga.”

“Bakit kakaiba ka ngayon?” mayamaya ay tanong ng asawa nang nagde-dessert na sila.

“W-what do you mean?”

“Ang lambing mo kasi sa akin, saka may naiisip ka pang project. Do you wanna go somewhere? May gusto kang bilhin na masyadong mahal? Do you want your own car?”

Inirapan ito ni Pepper. “Ganoon? Bumait lang ako, may kailangan na agad sa iyo? Hindi ba puwedeng nagbabago lang ang tao?”

“I’m joking. Lighten up, kiddo.” Tumawa ito. “Hindi pala ako papasok bukas. I’m yours all day. Tumunganga tayo maghapon kung gusto mo.”

“Hmm, tunganga lang? Sex, ayaw mo?” maharot niya namang banat sa asawa.

Kumindat ito sa kanya. “I was actually thinking of doing that tonight.”

Pero hindi na yata sila aabot sa kuwarto. Dahil nang may napahid na cream sa labi ni Pepper mula sa kinakain niyang lemon meringue pie, imbes na punasan iyon ni Jaidon ay dinilaan nito.

“You’re always delicious, Pepper,” pilyo ang ngiting sabi nito.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. “ Halos hindi mo ginalaw ang pie mo. Nagda-diet ka? ”

Lalong naging pilyo naman ang ngiti nito. “Iba ang gusto kong dessert.”

Tatawa-tawang tumayo si Pepper at inumpisahang isalansan ang mga pinagkainan nila nang mapunta naman sa kanyang likuran ang asawa. She gasped when he grabbed her ass.

“Gov, ha? Magliligpit pa tayo ng mga pinagkainan, ” sabi niya sa asawa, mahinang siniko.

Humalik naman ito sa kanyang leeg. “Mamaya na.” Hinaplos nito ang kanyang baywang, pababa sa kanyang hita kung saan isinuksok nito ang palad sa loob ng kanyang summer dress.

“J-Jaidon…” Hindi na napigilan ni Pepper ang paggapang ng init sa kanyang katawan.

“I really like you wearing dresses like this,” anas nito sa kanyang tainga, ang kamay ay humahagod na sa kanyang pagkababae.

“Dahil mas feminine akong tingnan?” naitanong niya.

“Not exactly.” Pumasok na ang kamay nito sa loob ng kanyang panty. “ Easy access kasi para sa akin. ”

She giggled. At muntik siyang napatili nang buhatin siya ni Jaidon at isampa sa mesa.

“Jaidon, d-dito talaga?!” nanlalaki ang mga mata niya nang hilahin ng asawa ang kanyang panloob saka siya itinulak pahiga. Parang wala itong balak hubarin ang suot niyang maiksing bestida.

Umupo ito sa silya sa kanyang harapan. “Hindi na papasok dito ang mga kasama natin sa bahay, si Anton naman, nasa kuwarto na niya, siguradong tulog na `yon.”

Pinaghiwalay nito ang kanyang mga hita at lalong nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita niya itong kumayod ang kamay sa ibabaw ng natitirang lemon meringue pie at ipinahid ang cream sa kanyang pagkababae.

“` Eto ang dessert na gusto ko, Misis, ” he playfully told her and he began licking the cream from her sex, then sucking the tender folds and flicking his tongue on her clitoris.

“Uuumph…” impit na ungol ni Pepper, nagpabiling-biling ang ulo.

Naitutop niya ang kamay sa bibig. Kailangan niyang pigilan ang sarili sa paghalinghing nang malakas. But, dear God! Mukhang sarap na sarap ang asawa niya sa pagkain sa kanya at heto’t napapaliyad naman ang kanyang katawan dahil doon.

Sumabunot sa buhok ni Jaidon ang isa niyang kamay, lalo niyang isinubsob ang ulo nito. She pumped against his tongue as soon as he pushed it inside her hole. Umingay tuloy ang mesa at kinailangang pigilan ng kaniig ang kanyang balakang.

Pepper threw her feet up in the air as the governor continued fucking her with his tongue. Dalawang kamay ang ipinangtutop niya sa bibig nang mag-climax siya para ipitin ang sigaw.

Her toes were still curled and her legs were still shaking from her orgasm when Jaidon shoved himself to her trembling cunt.

“You can come again, wife,” sabi nito saka bumayo nang maririin. Nakatayo ito sa sahig, nakababa ang shorts at briefs hanggang tuhod.

“My God, Jaidooon!” pabulong niyang daing nang maramdamang nag-iinit na naman ang kanyang katawan. Masakit na ang lalamunan niya sa pagpipigil sumigaw.

She pulled her upper body up and held unto him. Yumakap siya sa likod nito at ikinawit ang mga binti sa baywang nito.

“ Pepper …” he groaned when she undulated her hips and clashed against his pelvis. Tumigil ito sa pag-urong-sulong nang gamitan niya ito ng muscle control. “Fuck, baby. You’re so good,” nasisiyahang anas nito at pinanood ang magkahugpong nilang mga ari.

She squeezed and released his cock inside her, repeatedly. Hanggang sa siya na ang hindi nakatagal sa sensasyong dulot niyon.

“M-malapit na ako,” babala niya sa asawa. “Bakit ba sobrang sarap mo kasi?”

Without any warning, he scooped her buttocks to lift her from the table and rested her back on the wall.

“Masyadong maingay ang mesa,” he told her with a sexy grin before vigorously pumping in and out of her.

“ Uuungh, babe! Sige pa …” mahinang daing ni Pepper. “More! Harder… Faster!”

“I’m coming, Pepper…” Huminga ito nang malalim, marahas. Dalawa, tatlong maririing pagsulong at nilabasan ito sa loob niya. “Fuck, fuck…” mahihinang mura nito habang pinagpatuloy ang pagbayo para hindi siya maiwan.

Isinanib niya ang bibig sa bibig ni Jaidon nang mag-climax siya. She screamed in his mouth and he swallowed all the noise. He didn’t stop grinding his pelvis against her as he shot his seeds to her depth. She was being crushed by his hard body, almost out of air, but she didn’t let go of his mouth as if she was clinging for her dear life. Ang tagal niyang sumigaw at tumili doon habang bayolanteng nangangatal ang kanyang buong katawan at tumitirik ang kanyang mga mata. The orgasm was so massive she felt like her soul was knocked out of her body and soared up and away where everything in her sight exploded in bright tiny pieces.

“Oh, my God… That was good, Jaidon,” hihingal-hingal na sabi ni Pepper nang ihiwalay ang bibig mula sa asawa. She tasted herself with the cream from his mouth.

Muli naman nitong kinintalan ng halik ang kanyang mga labi. “That was really good,” sang-ayon nito sa kanya.

“So good, so fucking good,” she deliriously chanted and kissed him again and again while their bodies were still connected.

Nang ibaba siya nito sa sahig at nakapagbihis ay saka siya niyakap nito nang mahigpit.

They stood there, embracing each other; the sounds of their breaths and pounding hearts were in unison while basking on the after-effect of their fiery union. Then she thought, she could do this again and again… forever.

NATUTUWA si Pepper at nasimulan na ang candle-making project sa tulong ni Stephanie Velasco. Natutuwa rin siya sa bagong kaibigan, wiling-wili sa kanya ang ginang at nagpaturo pa itong magsayaw.

Enjoy din siyang dumalaw sa mga livelihood project sites sa iba’t ibang bayan. Paborito niyang puntahan siyempre ang candle-making kung saan nakikialam siya sa mga gawain. Gustong-gusto naman siya ng mga nagtatrabahong misis roon. Magaan daw kasi siyang kausap, parang nakikipagtsismisan lang ang mga ito sa kanya.

At nakakaloka lang, ha? Sa tatlumpung babaeng naroroon ay halos kalahati yata sa mga iyon ang umamin na nakaranas daw na pagtaksilan ng mga mister. Ang mas nakakaloka ay ayaw bumitiw ng mga ito sa relasyon, tinatanggap pa rin ang mga taksil na mister.

“Ikaw ba naman ang may asawang guwapo at lapitin ng chicks? Asahan mo nang matutukso iyon,” narinig niyang sabi ni Cora. “Ang importante, sa huli ay ikaw pa rin ang pipiliin niya, iiwan niya rin ang kabit. Ayoko ngang pakawalan ang asawa ko, inaalala ko na lang ang mga anak namin. Saka kung ganoon, eh, di ba parang hinayaan ko na ring magtagumpay ang kabit?”

“Pero paano kung uulit, Ate?” tanong dito ni Pepper.

“Nakow, tatlong beses ngang nambabae `yon. Binugbog ko nga `yong huling hitad niya, pinabarangay ko. `Ayun, natakot din at hindi na lumapit sa asawa ko.”

“Baka kaya namimihasa kasi alam niyang patatawarin at tatanggapin n’yo din sa huli, sa kabit lang kayo nagagalit,” hindi niya napigil ikomento.

Nagkibit-balikat si Cora. “Ganoon talaga sa may-asawa, matutong magtiis kung gusto mong magsama kayo forever.”

“Hindi puwede sa akin ang ganyan!”

Tumawa ang kausap, nakitawa rin ang tatlong babaeng nakakarinig ng diskusyon nila.

“Sabi mo lang `yan, Pepper. Sige nga, matitiis mo ba si Gov kung humihingi na siya ng tawad sa iyo?”

Sumimangot si Pepper. “Ibang usapan na kasi ang pambababae, Ate. Betrayal `yon, eh. Malaking kasalanan ba.”

“Pero men are polygamous in nature daw,” sabad ng isa pang misis, Nelle yata ang pangalan.

“Excuse lang `yan ng mga gago!” sagot naman ni Pepper. “Sexual ang lahat ng tao sa mundo pero malayo na ang narating ng uri natin para gawing rason pa iyon na gumawa ng kabulastugan. Bakit ang Papa ko, malayo siya sa Mama ko na ilang taon nang nasa abroad pero hindi naman siya nambababae? Mahal niya kasi ang mama ko at alam niyang mali ang magtaksil.”

Marami pa sana siyang gustong sabihin pero nagpigil siya. Bahala ang Cora na ito kung gusto nitong magtiis sa piling ng taksil nitong mister. But not her! Oh, hell no. Baka balatan niya nang buhay ang asawa niya `pag nagkataon.

But then again, maybe it was easy for her to say that because she was not in love with Jaidon? Kung mahal niya ba ito ay papayag kaya siyang maging martir?

Parang hindi naman siya siniseryoso ng mga kausap. Tinanggap na talaga ng mga ito na normal nang ganapan ang pagtataksil ng mga lalaki?

“Marami ka pang dapat matutunan sa marriage, Pepper,” kikindat-kindat pang sabi ni Nelle.

“Korek. Bantayan mo rin si Gov. Ang guwapo pa naman niya, `daming babaeng nagkakagusto,” bira pa ni Cora.

“Crush pa rin daw siya ni Board Member Christie Villaluz kahit may asawa na siya,” tsismis naman ng isa pang misis.

Tumawa si Cora. “`Di ko siya masisi, mareng Jenny. Ako nga rin, crush ko rin si Gov. Pasensiya na, Pepper. Irresistible kasi ang mister mo.”

“Korek. Yumminess and hotness overload!” kinikilig na tili ni Jenny.

Nakitawa na lang si Pepper sa mga ito.

PAGKAALIS ni Pepper sa project site nang hapong iyon ay tumuloy siya sa opisina ni Jaidon. Napansin naman nito ang pag-iisip niya nang malalim, lalo pa’t ini-lock niya ang pinto.

“What’s wrong?” usisa nito pagkatapos siyang halikan sa pisngi.

Mataman siyang tumingin dito, nagdadalawang-isip kung paano sisimulan ang gustong sabihin.

“Sweetheart, is everything okay?” nag-aalang tanong uli ng asawa.

Nagpasya siyang maging direct to the point. “Nambababae ka ba?”

Humalakhak si Jaidon. “What the hell? Anong klaseng tanong `yan?”

“Wala, nagtatanong lang. Ang sa akin lang, Jaidon, `pag nakahanap ka ng ibang babae, sabihin mo lang sa akin, ha? Don’t have an affair behind my back, please. Kausapin mo lang ako, ihahatid pa kita sa kanya.”

“You are killing me, Pepper. I don’t have a mistress, silly,” nakangiting sabi nito sabay pisil sa kanyang ilong. “Saan ba galing ang tanong na `yan?” tanong nito bago umupo sa swivel chair.

Umupo si Pepper sa isa sa dalawang silya sa harap ng mesa ng gobernador. “`Yong mga misis kasi sa candle-making project, marami sa kanila ang may mister na mga taksil. `Tapos, parang normal na lang na gawain `yon ng mga lalaki sa palagay nila. That’s just wrong!”

“Cheating is definitely wrong.”

“Well, kunsabagay, iba naman ang set-up natin. I mean, we’re married but it’s not like we’re in love with each other or something.”

Tumingin ito sa kanya, may maliit na ngiti. “Hindi pa rin ako magtataksil sa iyo.”

Diretso naman siyang tumingin dito, walang ngiti. “Hindi mo pa sinasabi sa akin kung sino talaga si Karina na palagi mong kausap sa telepono. Ewan ko ba, may pakiramdam ako na higit pa sa business ang relasyon mo sa kanya dati, at higit pa siya sa friend lang,” seryosong sabi ni Pepper. “Hindi sa nagiging praning ako, Jaidon. I just want to clarify—”

“You’re right. We used to be lovers,” mabilis na sagot ng asawa.

“L-lovers? So, nagkarelasyon kayo? K-kailan?”

“Bago ako naging gobernador. She was not really my girlfriend. Ang naging relasyon namin ay… well, purely sexual.”

“You mean, naging fubu kayo ni Karina?”

“Anong fubu ? ”

“Fuck buddies.”

Mahina itong tumawa. “ Yes. ”

Pero hindi natatawa si Pepper. “Wala kang naging feelings sa kanya?”

Nabura ang ngiti sa mukha ni Jaidon. “What made you ask that?”

“Curious lang ako.”

“Meron,” matapat namang sagot nito. “Pero hindi niya naibalik ang nararamdaman ko para sa kanya.”

Ang haba naman ng hair ng Karina na iyon at minahal pala ni Jaidon. And, wow. She didn’t love him back? Ano kayang nangyari?

“Siguradong maganda siya at sexy, `no?” curious pa niyang naitanong.

“Yes, she was pretty and sexy.”

Gusto niya sanang itanong kung mas maganda at sexy kaysa sa kanya.

Pero, hello! Sa mga kilala pa lang na babaeng na-involve kay Jaidon habang gobernador ito, walang-wala na siya sa pang-Miss Universe na mukha at katawan ng mga iyon. Wala siyang insecurities sa hitsura —maganda rin naman siya at sexy, pero kailangan niyang tanggapin na pang-Miss Barangay lang ang pagmumukha niya. Well, `pag naayusan, puwede nang Miss Town Fiesta siguro.

“Matalino rin? Lawyer siya kamo,” ungkat pa niya sa mister.

“Kulit, you gotta stop asking me those questions. Baka isipin kong nagseselos ka,” banat naman ni Jaidon.

Inirapan ito ni Pepper. “Hindi ako selosa sabi. Saka malas lang ni Karina, asawa na kita ngayon.”

Kumindat ito sa kanya. “Oo, wala na akong kawala sa iyo.”

“Magaling ba siya?”

Kinunutan siya nito ng noo.

“ Sa sex, ” paglilinaw niya. “Was she good in sex?”

Nagkibit-balikat si Jaidon. “You’re asking me a very, very awkward question, my wife.”

Tumayo siya at lumapit sa kinauupuan nito. “Sa lahat ng babaeng naikama mo, sino ang pinakamagaling?” pangungulit pa niya.

“ Pepper! ” bulalas nito. Gusto niyang matawa dahil namumula ang mukha nito. Daig pa nito ang nasa hot seat at binabato ng mga reporter ng nakakalokang mga tanong.

She straddled herself on his lap. “Mahirap ba ang tanong, Governor? Kailangan mo ng lifeline, call a friend perhaps? Hmm?” she teased him, seductively tracing his lips with her forefinger.

“Hindi tamang pagkumparahin ang mga babae sa ganyang aspeto. Everybody is different,” seryosong sagot naman nito.

She ground herself against his crotch. “So, I am different?”

Jaidon was evidently out of breath, his hand on her waist tightened its grip. “You’re extraordinary, Pepper.”

Hahalikan sana siya nito nang tumunog ang intercom. Nakasimangot nitong sinagot iyon. May mayor daw na gustong kumausap dito.

Pepper never left his lap, she continued gyrating until she felt his growing erection. Hindi tuloy maka-focus ang asawa sa pakikipag-usap sa telepono. Nang tumawa siya ay tinutop nito ng isang kamay ang kanyang bibig.

Sinenyasan siya nitong umalis sa kinaroroonan pero matigas siyang umiling. Napilitan tuloy itong puwersahin siyang umalis mula sa kandungan nito. Pero nanaig ang kanyang kapilyahan, lalo pa’t nakabakas na sa itim na slacks ni Jaidon ang nagwawalang pagkalalaki nito.