noveltoon logo noveltoon
The Governor's Wife

Chapter 9

Ch. 10 / 37 Nov 28, 2025

MAHIGIT isang oras nang delayed ang flight nina Pepper at Jaidon papuntang Tokyo. Nahalata niya ang kimkim na pagkainis ng kanyang asawa, alam niyang nagpipigil lang itong komprontahin ang mga airline staff dahil ayaw masira ang image nito. O, siguro ay likas lang itong mabait kaya kahit inis na ay pinapalampas na lang. Ayos lang naman para sa kanya dahil sa first-class lounge sila naghihintay at abala siya sa pag-surf sa Internet sa kanyang Smartphone.

“Relax, hindi naman aalis ang Tokyo sa kinalalagyan niya. Maaabutan pa natin,” biro ni Pepper sa lalaki.

Tumingin lang sa kanya si Jaidon. Either he didn’t get her humor, or he was too pissed off to laugh at it.

De-numero yata talaga ang pagkilos ng gobernador, kailangan on time lahat-lahat. At workaholic pa yata. Nasilip niya sa cell phone nito na nakikipag-chat ito sa mga iniwan nitong tauhan sa governor’s office at nang hindi nakatiis sa pagtipa sa touchscreen ay ito na mismo ang tumawag sa chief of staff nito at nagbigay ng napakahabang checklist.

Biniro niya uli ang lalaki nang ibaba nito ang Smartphone. “Grabe, parang mawawala ka ng isang buwan, Gov.”

Bumuntong-hininga lang ito saka humigop sa tasa ng kape.

Bumuntong-hininga rin si Pepper. Iniisip niya tuloy kung anong klaseng tao talaga si Governor Jaidon Silvanus. She had known him since she was a child but she never really got to know him better. Estranghero pa rin ang malaking parte ng pagkatao nito para sa kanya. Sabi nila, mas makikilala mo lang daw ang isang tao kapag nagsama kayo sa iisang bubong. May mga nakatago kaya itong hindi kaaya-ayang katangian? Pero kahit gaano niya kapain ang kanyang intuition ay wala naman siyang maramdamang anumang negatibo sa kanyang asawa. Mabuting tao ang pagkakakilala niya kay Jaidon kaya napadali ang pagpayag niyang pagpapakasal dito. Saka nobody was perfect naman kaya expected na niya na may hindi magagandang ugali rin ito. Sino ba namang tao ang wala niyon? Siya nga ay namakyaw nang bongga.

Pagsapit nila sa Mandarin Oriental sa Tokyo ay mabilis na nag-shower si Pepper. Nang tinutuyo niya ang buhok gamit ang blow-dryer ay pumasok naman sa banyo si Jaidon at walang sabi-sabing naghubad ito ng mga kasuotan.

“Alam mo, medyo weird pa rin sa akin na may lalaking naghuhubo sa harapan ko,” tatawa-tawa niyang sabi sa asawa nang pumailalim na ito sa shower.

“To be fair, hindi pa rin ako sanay na may misis na ako,” sabi naman ng lalaki.

“Halata nga. Sanay na sanay kang gumalaw nang mag-isa.”

“Well, we just have to get used to each other, Pepper.”

Napangiti si Pepper. Sa palagay niya ay magiging interesanteng adventure para sa kanya ang pag-aasawa. “Oo nga, madami pa tayong didiskubrehin sa isa’t isa.”

Nag-late dinner sila sa restaurant ng hotel at kagaya ng mga napagsaluhan na nilang dinner dates dati ay parang wala silang maisip na pag-usapan. Ano naman kaya ang puwede nilang topic? Obviously, hindi sila magka-wavelength ng lalaking ito.

She was softly drumming her left hand’s fingers on her lap while Utada Hikaru’s “First Love” was being played in the restaurant. Nag-iisip siya kung ano ang pupuwede niyang buksang usapan.

“May listahan ka na ng mga bibilhin mo?” sa gitna ng pagkain ay biglang tanong sa kanya ni Jaidon.

“Hindi ako mahilig maglista. Basta damputin ko na lang ang makikita kong gusto ko.” Tumikhim siya. “I should warn you, I’m a disorganized person.”

Umangat ang mukha nito mula sa kinakain. Pilit niyang binasa ang facial expression ng asawa pero parang eksperto itong magtago ng totoong emosyon. She saw fascination in his eyes though. Or so she thought. Fascinated siguro itong makakilala ng babaeng kagaya niya, na pinakasalan pa? Imagine nga naman, puro prim and proper ang alam niyang na-link na mga babae rito. Napakalayo sa personality niya.

“Alam mo, Gov,” sabi ni Pepper nang hindi nagsalita si Jaidon at ipinagpatuloy ang pagkain. “Malayong-malayo na tayo sa Sinagtala, wala na rin tayo sa Pilipinas.”

“And?” sita nito, nakakunot ang noo na tumingin sa kanya.

“Huwag ka nang umastang gobernador!” Tumawa si Pepper. “Ako na lang ang kasama mo ngayon, ha. Walang mga Pinoy sa paligid. Loosen up a bit.”

Napailing ito at napangiti.

Sinamantala niya ang amusement nito. “Saka hindi mo na kailangang mag-ahit palagi habang andito ka. Okay lang sa akin na may stubble ka. Honestly, mas hot kang tingnan `pag may konting facial hair.”

Tumawa ang gobernador at nasisiyahan para doon si Pepper. At least she could say that he was enjoying her company. Siguro masisiyahan na rin sila sa isa’t isa sa ibang bagay puwera sa pagtatalik.

“ I like your honesty, Pepper.”

“Isa pang FYI, prangka talaga ako. Minsan to the point na wala nang filter at nagkakalat na ang bibig ko. But I’ll try to work on that.”

Nagkibit-balikat si Jaidon. “You can tell me anything, I won’t mind,” may assurance at encouragement na sabi nito.

Nakahinga naman siya nang maluwag. Maybe he didn’t have a stick-up his ass after all. Hindi siguro siya mahihirapang makisama rito bilang asawa.

“Talaga lang, ha? Naku, baka pagsisihan mo ang pagpapakasal sa akin `pag nagkataon,” pabirong sabi naman niya.

“We’ll see about that,” sabi naman nito. “Baka ikaw ang unang magsisi.” Ewan niya pero parang hindi pabiro ang pagkakasabi nito na parang… parang may himig pang babala?

Sumeryoso rin siya. “Well, we’ll never know unless we try, right?”

“Right. Kaya nga nandito tayo ngayon.”

Pagbalik nila sa kanilang kuwarto ay doon na nakaramdam ng pagod at antok si Pepper. Naparami ba naman kasi ang kain niya.

Si Jaidon ang nagtanggal ng kanyang winter shawl nang makalapit sila sa kama. “You want me to unzip your dress, too?”

“Yes, please.”

Hinarap niya ito nang maibaba nito ang zipper ng kanyang pulang damit. Nang yumapos siya sa leeg nito ay hinawakan naman nito ang kanyang mga kamay at kinalas ang mga iyon.

Matipid itong ngumiti sa kanya. “Pepper, I know that you’re tired.”

“But we’re on our honeymoon!”

“Maraming araw pa tayong magkakasama dito, susulitin natin iyon.”

She jokingly pouted at him. “Baka naman gaya ka ng ibang lalaki diyan, `pag kasal na sila ay nababawasan na ang sexual attraction sa mga misis nila.”

“Wala pa tayong isang linggong kasal.” Tumawa si Jaidon saka siya hinapit sa baywang. “Saka sa palagay ko, hindi mawawala ang sexual attraction ko sa `yo.”

Mapaglaro niyang hinaplos ang tanga nito. “Ayaw mo ba talaga, Gov? Kahit quickie lang?”

“You’re tempting.” He chuckled as he traced her lips with his forefinger. “But I just want to make a point that you don’t have any sexual obligation to me, Pepper.”

“Don’t worry, Gov. Hindi ako ang uri ng babae na nagpapasakop sa kanyang mister,” sabi ni Pepper sabay kindat sa asawa.

“That’s my girl,” nagmamalaking sabi naman nito saka siya hinalikan sa mga labi.

Nahalata niyang nagpipigil itong halikan siya nang masyadong mainit para hindi sila ma-arouse pareho.

“Uhm, nga pala. Kailangan kong mamili ng mga damit bukas,” sabi niya kay Jaidon habang pinapahid ng mga daliri ang lipstick niyang nag-mantsa sa bibig nito.

“Okay. Buy anything you want.”

“I’m gonna buy nighties.”

“Did you forget to pack your pyjamas?”

“You really don’t mind me in them? Nabasa ko noon na ayaw daw ng mga husband na naka-pyjama o sweat pants ang mga misis nila sa pagtulog. Hindi raw attractive so nawawalan sila ng gana sa sex.”

Kumunot ang noo ni Jaidon. “Saan mo nabasa `yan?”

“Parang survey yata, some article.”

“Survey sa mga gagong mister?”

Humagikgik si Pepper. “Sexy nga naman ang mga misis `pag naka-nighty, saka ‘easy access’ din `yon.”

Pero seryoso naman ang gobernador. “Akala ko ba hindi ka nagpapasakop sa mga lalaki?”

“Hindi nga. Kaso gusto rin kitang i-seduce kaya gusto ko rin mag-nighty.”

Doon na humalakhak si Jaidon. “Pepper, you don’t need sexy clothes to seduce me. Walang anuman sa akin kahit anong isuot mo sa pagtulog. I would get rid of them anyway if we want to fuck. Kahit magsuot ka pa ng damit ng astronaut ay babaklasin ko `yan.”

Ang lakas ng tawa niya. “Ang macho ng pagkakasabi mo ng ‘babaklasin’, Gov! Grabe, kung alam lang ng mga taong-bayan kung gaano ka kahalay, mawawalan sila ng respeto sa iyo.”

HALOS hindi namalayan ni Pepper na patapos na ang honeymoon nilang mag-asawa sa Japan. Ni hindi sila gaanong nakapasyal dahil wala sila halos ibang ginawa kundi magkulong sa kanilang hotel suite. Walang pagsasawang paulit-ulit silang nagtatalik.

Nanghinayang din siyang hindi siya nakagala nang bongga pero ayaw niyang mangulit kay Jaidon. Alam niyang kailangan din nito ng pahinga bago ang pistang panlalawigan ng Sinagtala. Isa pa, makakapagreklamo ba naman siya kung nae-enjoy niya naman lahat ng ginagawa nila ng lalaki?

“You’re amazing, Pepper,” habol ang paghingang sabi ni Jaidon nang mahimasmasan pagkatapos niyang sakyan ito.

She finished off their mating with her killer pelvic moves and her new expertise—muscle control. Sabay silang nag-orgasm nito at ginawaran siya ng marubdob na halik ng asawa habang nakalutang pa siya sa alapaap.

“Yeah, I know,” pagmamayabang niya naman at bumaba ng kama.

Isinuot niya ang bathrobe na nasa sahig at tumuloy sa banyo para linisin ang ari. Halos ang robang iyon na lang ang suot niya sa loob ng suite dahil bakit pa siya mag-aabalang magdamit kung lagi naman siyang hinuhubaran ng kanyang asawa?

Nakasuot na ng boxer shorts ang lalaki nang balikan niya ito sa kama. “You really got awesome moves,” puri pa nito.

Iniliyad ni Pepper ang dibdib. “Maghintay-hintay ka lang, marami pa akong matututuhang bedroom acrobatics. I will fuck your brains out, Gov.”

Tumawa at napailing si Jaidon. Tipong walang masabi sa tindi ng amusement sa kanya. And that was somehow giving her some sort of pride. Imagine, nagiging speechless sa kanya ang isang gobernador.

Sige naman siya sa pagmamayabang. “ Swerte mo, dancer ang napangasawa mo. Flexible ang katawan ko plus maliksi pa ako. Alam ko pa ngang mag-tumbling. Watch…”

Pipigilan sana siya ng lalaki pero mabilis siyang bumuwelo para mag-backflip. Kaso, kinakalawang na yata ang talent niya at padapa siyang bumagsak sa sahig.

“ Pepper! ” bulalas ng gobernador at parang kidlat sa bilis na sinaklolohan siya.

“I’m okay, I’m okay,” pigil niya naman dito nang akmang ibabangon siya. Mabilis siyang tumihaya. “Huwag mo muna akong ibangon.” Nakakita yata siya ng mga bituin!

“Jesus Christ, woman! You scared the living shit out of me.”

“ Don ’t worry, hindi ako basta-basta nababalian ng mga buto.” Nagpalusot pa siya. “N-nagkamali lang kasi ako ng pagbuwelo.”

“When was the last time you did a perfect backflip?” dudang tanong naman nito.

Nagusot ang ilong ni Pepper. “Two-three years ago yata.”

“Do not do that ever again, do you understand?” maawtoridad pang utos ng lalaki.

Tumawa siya. “Bakit, takot kang mabiyudo agad?”

“Pepper, I’m serious.”

“Fine.” Tumayo na siya at nagpaalalay sa asawa. “Hindi na ako magtatumbling.” Natakot din siya doon, ah. Baka mamaya mabalian siya ng leeg. Eh, di hindi na niya mae-enjoy ang buhay may-asawa niya. Ang sarap pa naman ng pa-sex ni Gov.

Nagpasya silang lumabas sa araw na iyon. Akmang isusuot ni Jaidon ang itim na leather jacket nito nang punahin ni Pepper.

“Kailangan ba talaga lahat ng shirt mo may kwelyo?”

“You don’t like my shirt?” kunot-noong sita naman nito sa kanya.

“Hindi sa ganoon. Palaging may kwelyo kasi ang suot mo, medyo nakakasawa ring tingnan. Sabi ko nang nasa Japan ka na ngayon at wala ka na sa Pilipinas. Learn to chill and relax. Magsuot ka ng mas casual shirt diyan. Hindi naman five star restaurant ang pupuntahan natin.”

“Pambahay `yong dala kong walang kwelyo.”

Lumapit siya dito at hinubad mula sa katawan nito ang suot na kulay navy blue na Armani Collezioni na may mahahabang manggas, may thick white cotton shirt sa ilalim niyon bilang parte ng layered na mga suot nitong panlaban sa lamig sa labas. Nagulat yata ito sa pagka-pushy niya pero hindi naman ito kumontra. Isinuot nito ang sinasabi nitong pambahay at gusto niyang matawa dahil itim na destroyed logo Givenchy long sleeve shirt iyon, mas mahal pa sa hinubad niyang damit nito.

Ginulo niya ang buhok ng asawa. “See? You look better.”

“Ayaw mo lang yatang pagkamalan tayong magkuya o magtito tuwing lumalabas tayo,” umiiling nitong sabi saka isinuot ang jacket.

Ang lakas ng halakhak ni Pepper. “Hindi naman matanda ang hitsura mo, ano? Pang-matanda lang kasi lagi ang ayos mo. Ewan ko ba sa iyo, parang lampas kuwarenta ka na kasi kung umakto minsan.” Inayos niya ang kuwelyo ng leather jacket nito pagkasuot. “My God. Ang guwapo-guwapo talaga ng asawa ko,” hindi napigilan ang kilig na nasabi niya at hinaplos pa ito sa dibdib.

Tumawa naman ito. “Parang ngayon ka lang nakumbinsi?”

“Madalas ka kasing mukhang kagalang-galang, parang bawal kakiligan o pagnasahan.”

“Pagnasahan. Hmn, I like that word.” Hinapit siya nito sa baywang.

Kinurot niya ito sa tagiliran. “Gov, ha? Ayan ka na naman. Palabas na tayo, huwag mo na akong landiin, utang-na-loob.”

Idinikit naman nito lalo ang katawan sa kanya. “You started it.”

Akmang hahalikan siya ng asawa nang mag-ring ang cell phone nito. Nakasimangot itong sinagot iyon. “Hello, Radley?”

Nataranta si Pepper pagkarinig sa pangalan ng kapatid ng gobernador. Sinenyasan niya si Jaidon na papasok muna siya sa banyo at doon ay halos kagatin niya ang mga kuko sa tensiyon. Nakahinga naman siya nang maluwag nang katukin siya ng asawa at nakangiting iniabot sa kanya ang smartphone nito.

“He wouldn’t believe we were dating,” sabi nito sabay kindat.

Walang imik na inabot niya ang smartphone. “D-dito muna ako sa banyo,” paalam niya kay Jaidon, itinuro ang toilet bowl. “Hintayin mo na lang ako sa lobby.”

“Okay.”

Umupo siya sa inidoro paglabas nito sa banyo. Saka lang niya sinagot ang telepono nang marinig niyang sumara ang pintuan ng suite.

“Anong sinabi mo kay Jaidon?!” agad niyang kastigo kay Radley.

“Whoa, whoa! Ako dapat ang nagtatanong sa iyo. What the hell happened? Sorry, pero hindi talaga ako naniniwalang nag-date daw kayo ni Kuya—”

“Asawa ko na siya,” nakasimangot niyang putol sa sasabihin nito.

“That, too. Holy shit, Pepper! Nahuli ako sa balita. My phone and laptop got stolen before I left Tanzania, ngayon lang ako nakabili ng bago.”

“Nasaan ka ngayon?”

“Timgad, Algeria.”

“`Yong sa may Roman ruins?” naiinggit na tanong ni Pepper.

“Yes. Pepper, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”

“Well, let’s just say that one thing led to another,” simpleng sagot niya.

“Aksidenteng may nangyari sa inyo?”

“Aksidente ka diyan! Ano `yon, nadapa kami pareho `tapos nag-join forces bigla ang sex organs namin?”

“What, you really wanted my brother?”

“M-mahirap ipaliwanag. Basta. Wala ka kasi doon, may usapan tayong magkikita doon, `di ba?”

“Seryoso ka talaga doon sa sinabi mo sa akin?”

Napatayo siya. “Gago! Kailan ba naman ako nagbiro sa iyo tungkol doon?”

“Siraulo ka talaga!” bulalas ni Radley.

“Matagal na. At alam mo `yan.”

“Ano `yon, si Kuya ang pinagbalingan mo ng kabaliwan mo?”

“I don’t know, all right? Basta, nangyari na ang lahat. Tapos na `yon, kasal na nga kami,” inis niyang sagot.

“Hindi ka dapat basta-bastang nagpakasal dahil lang doon, Pepper. I couldn’t believe this. Nagpakasal agad sa iyo ang kapatid ko nang walang abog. Parang may mali.”

“ May mali? Wow, ha? Parang nakakagulat na pakakasalan ni Jaidon ang tulad ko? Sorry ka, ayaw mo sa akin, eh!” pagtataray niya na namaywang pa ang isang kamay.

Gusto niyang magulat sa sarili dahil wala ni katiting siyang panghihinayang na hindi siya sinipot ni Radley noong gabing iyon. Maybe it was never bound to happen after all? May ibang plano siguro sa kanya ang tadhana kaya napunta siya sa mga bisig ni Jaidon. Heto na nga siya ngayon, asawa na ng isang gobernador.

Tumawa si Radley. “Hindi sa ganoon. `Di lang ako sanay na pabigla-bigla sa desisyon si Kuya. Kilala ko `yon, kalkulado ang mga kilos at mahilig muna magplano. I am still in shock, Pep.”

“Well, I’m married now. Hipag mo na ako sa ayaw at sa gusto mo.”

“This is gonna feel so weird.”

Weird nga. Ang totoo, hindi niya alam ang eksaktong nararamdaman ngayong kausap ang lalaking ito. Mabuti na lang at wala ito sa Pilipinas. Mas weird siguro kung nakikita niya ito ngayon.

“Basta huwag mo lang sasabihin sa kanya `yong tungkol sa… s-sa usapan natin noon,” sabi niya. “In fact, mas mabuting kalimutan mo na `yon. Huwag na nating pag-usapan pa.”

“Sabi ko na nga ba, hindi ka talaga seryoso sa nararamdaman mo sa akin noon.”

“P-paano mo naman nasabi iyan?”

“Hindi ka makikipag-sex sa ibang lalaki kung talagang seryoso ka sa akin. Taksil ka na agad.”

“ Gago! ” malakas na mura niya kay Radley saka lumabas na ng banyo.

Tumawa ito. “Sabihin mo lang sa akin kung hindi mabuti ang trato sa iyo ni Kuya. Sasamain sa akin `yan.”

Napangiti si Pepper. “He’s good to me, Rad.”

NAGLALAKAD sina Pepper at Jaidon sa labas ng hotel na walang konkretong pupuntahan. Mabibilis ang mga hakbang ng lalaki at halos naiiwan siya nito na hirap maglakad nang mabilis dahil mabigat pala sa mga paa ang suot niyang leather boots. Medyo hirap din siyang kumilos sa kapal ng winter coat niya.

“Slow down,” sabi niya sa asawa, pinigilan niya ito sa kamay. “Lagi ka na lang nagmamadali. Paano mo mae-enjoy ang view?”

Tumigil ito sa paglalakad. “What view? Puro patay ang mga puno dito.”

“ Winter nga, `di ba? ”

“I know. I’m just saying.”

Nginusuan niya ito. “Pasensiya ka, sa Japan nagyaya ang asawa mo ngayong taglamig.”

“Where are we going again?” sita naman nito, tumingin sa paligid. Wala silang eksaktong itinerary pag-alis nila kanina.

“Maglakad-lakad, ganoon. `Pag nagutom tayo, `di kumain. Sus, kailangan ba lahat na lang may plano?”

“ Fine, ” mahinang usal nito, mukhang sumuko sa kakulitan niya.

Hinila niya naman ito sa katapat nilang coffee shop at nang nakabili sila ng tig-isang kape na nasa to-go cups ay niyaya niya itong umupo sa isang bench sa silong ng isang puno.

Tahimik lang silang humihigop sa kani-kanilang mga kape, nang may binabasa si Jaidon sa cell phone nito ay nagsalita si Pepper.

“Hindi ka sanay na walang ginagawa, ano?” usisa niya sa asawa, nakatingin sa dokumentong binabasa nito sa cell phone. “Jaidon, nasa bakasyon ka ngayon. Enjoy the moment.”

Ibinalik naman nito ang cell phone sa bulsa. “Sorry, hindi lang ako sanay na iniiwanan ang opisina ko. I haven’t really taken a long break since I became a politician.”

“Well, you deserve a long break every once in a while. May bise ka naman at saka staff na mag-aasikaso sa opisina. Umupo ka lang diyan, tumunganga. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. ”

Ngumiti ito sa kanya. “Ano `yan, expertise mo?”

Tinampal niya ito sa hita. “Do you ever stop and just sit to watch the world go by? Try mo minsan. There is happiness in doing nothing and not thinking a lot.”

Nawili ang mag-asawa sa pamamasyal at pagpasok sa kung ano-anong tindahan at pasado ala-una na ng hapon nang maalala nilang hindi pa pala sila nanananghalian. Sa gitna ng pagkain ay napansin ni Pepper na kanina pa parang may gustong sabihin sa kanya ang asawa.

Hindi na siya nakatiis. “What’s wrong? Kanina ka pa parang hindi mapakali.”

Nagbuga si Jaidon ng hangin bago tumugon. “ May bigla lang akong naisip gawin pero parang hindi tama. ”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano `yon?”

“Never mind. Maybe I need to think about it, but…” Muli itong nagbuga ng hangin. “I’m running out of time. Pauwi na tayo bukas.”

“Ano nga `yon?” pangungulit niya.

Mataman itong tumingin sa kanya, mukhang nagdadalawang-isip.

“Alam mo, Jaidon. Minsan, hindi rin maganda `yang pag-iisip nang mabuti bago may gawin kang bagay. Hindi sa lahat ng pagkakataon, nasusunod mo ang mga plano mo. Sometimes you just have to follow your instinct. Huwag ka nang mag-isip, just feel and take the plunge. Kasi madalas tama `yong intuition natin.”

A smile of amusement flashed on his face. “Ganyan ba ang naramdaman mo sa akin noong gabing iyon? You know, when we first…”

“Siguro.” Amused din siyang ngumiti. “How about you? Ganoon din ba ang pakiramdam mo? Sabi ni Radley, hindi ka raw padalos-dalos na klase ng tao.”

Lumapad lang ang ngiti nito bilang sagot sa kanyang tanong.

“Okay,” mayamaya ay pagsuko ni Jaidon. “ Gusto kitang iwan dito sa Japan. ”

“ H-ha?! ” gulat na usal ni Pepper. “Iiwan mo akong mag-isa dito? B-bakit naman?!”

“Kahit hindi mo sabihin sa akin ay alam kong hindi ka kuntento sa one week lang na bakasyon natin dito. Isa pa, hindi tayo gaanong nakapamasyal.”

“Nakabili naman tayo ng madaming sex toys. Ayos na iyon para sa akin.”

Ngumiti si Jaidon, inilapit pa ang mukha sa kanya. “Ayaw mo ba? Tell me the truth, Pepper. Sabi sa akin ng Papa mo, mahilig kang mamasyal nang mag-isa. Ayokong magbago iyon kahit mag-asawa na tayo. I want you to do all the things that you love.”

Ngumiwi siya. “Honestly, gusto ko pa sana dito. Matagal ko nang pangarap puntahan ang Japan, mula pa nang bata ako.”

“Then stay here as long as you want.”

“Okay. Saka naiisip ko rin, magandang lumayo muna tayo sa publiko, lalo pa’ t magpipista sa atin. Ayokong habulin tayo ng media at sa atin ma-focus ang atensiyon nila. May hiya din ako sa katawan, `no?”

“Ako nang bahala sa media, I will just let them speculate. Siguradong mapapansin nilang may suot na akong wedding band.”

“ Siguradong maraming babae ang iiyak, Gov, ” natatawa niyang sabi na nginitian lang nito.

“Ayaw ko sanang iwan kang mag-isa dito, pero may responsibilidad ako sa Sinagtala. I will be extremely busy with the festivities and I don’t want you to feel neglected if you’re there.”

“Naiintindihan ko naman `yon. Hindi ako demanding na misis, don’t worry. Basta pakainin mo lang ako, payagang gumala paminsan-minsan at palaging sine-sex, happy wife na ako.”

Tumawa ang lalaki. “You’re so funny.”

“And you’re so kind. Thank you, Jaidon.”

“Pero kaya mo bang mapahiwalay sa akin? ” mayamaya ay biglang kambiyo ng lalaki.

“Mahirap pero kakayanin ko.”

Mahigit isang linggo na silang kasal ng lalaki at aaminin niyang sa loob ng maikling panahong iyon ay hindi na siya masyadong naiilang na may asawa na siya. So far ay wala pa siyang maisip na ayaw niya pagdating kay Jaidon.

“ Sigurado ka? ”

“Jaidon naman, eh!” maktol ni Pepper. “Ngayon mo pa ako sasabihan ng ganyan? Wala na, pumayag na tayo pareho. Wala nang urungan ito.” Mayamaya ay tinukso niya ang asawa. “Hmn, mami-miss mo ba akong ka-sex?”

“Tinatanong pa ba `yan?”

Nagkatawanan sila.

Kumindat siya dito. “May isang gabi pa naman tayo.”

Napakapilyo ng ngiti ni Jaidon. “Right. Kumain ka nang madami, Misis. Mapapalaban ka mamaya.”