noveltoon logo noveltoon
The Governor's Wife

Chapter 19

Ch. 20 / 37 Nov 28, 2025

NAGPAKAHINAHON si Pepper. Ayaw niyang maging nagger na gaya ng ibang misis na kakilala niya. Wala siyang dapat ipangamba kung sakali. Kahit landiin at akitin pa ni Karina ang mister niya ay walang mangyayaring milagro kung hindi papayag ang lalaki. It always took two to tango. Always. Iyon dapat ang itatak niya sa kanyang kukote kahit pa sinusulsulan siya ni Linny sa telepono na kaladkarin na raw niya palabas ng bahay ang bisita.

“`Pag kailangan mo ng back-up, tawagan mo lang ako. Pagtulungan natin ang hitad na `yan!” bilin pa ng gigil na gigil na kaibigan.

Kaya naman nagpaka-plastic siya para pakitunguhan si Karina sa gabing iyon. Hinarap niya ito sa hapag-kainan, kinausap rin. Hindi siya nagpahalatang masyadong apektado sa presensiya nito. So what naman kung va-va-voom ang karakas nito? Maganda rin naman siya at sexy, hindi siya magmumukhang basahan sa tabi nito. Partida pa dahil hindi de-guhit ang mga kilay niyang may natural na arko hindi gaya ng babaeng ito na kalahating oras yata ang ginugol para magkaroon lang ng magandang kilay.

Naka-survive si Pepper buong gabi, kahit nang almusal na kasama nilang mag-asawa ang bisita sa pagkain.

“You know, Jaidon never told me that he married a very young woman. How old are you, Pepper? Twenty-one?”

Diretso niyang tiningnan sa mga mata si Karina saka sinagot ang tanong nito. “I’m twenty-five.”

“Oh! Pero ang bata mong tingnan!”

Hindi kasi ako nakapalitada sa mukha kahit kagigising pa lang, `di gaya ng iba diyan na parang rarampa na agad sa beauty pageant, bira ni Pepper sa isipan.

Gusto niya tuloy matawa, paano ba naman kasi, nakapustura na si Karina sa pagkain pa lang ng almusal. Makatigil-trapiko ang pagkapula ng lipstick nito.

“Thank you, Karina,” sabi na lang niya at ngumiti nang peke.

Wala siyang pakialam kung mahalata man ng babaeng ito na plastic ang pakikitungo niya. Pasalamat nga ito at hindi niya sinusungitan pagkatapos niyang makita ang paghalik nito sa bibig ng kanyang mister. Nanggagalaiti pa rin siya sa loob-loob dahil doon! Nangangalabit nga kagabi si Jaidon pero dahil sa inis ay tinulugan niya ito kahit natablan naman siya sa mga panghahalik nito sa balikat at batok niya. Pareho tuloy silang masakit ang puson na natulog.

Pagkatapos nilang mag-agahan ay nagpaalam si Jaidon na aakyat sa kuwarto. Si Karina naman ay tumulong sa mga kasambahay sa pagliligpit ng mga pinagkainan.

“Hayaan mo na lang sila,” saway dito ni Pepper. “Bisita ka namin dito.” Nakatira pala si Karina sa Estados Unidos, naalala niya; siguro ay sanay na sanay sa mga gawaing bahay kahit walang maid. Hindi gaya niyang tamad.

Ngumiti naman ito sa kanya. “It’s all right.”

Kinibitan niya ito ng mga balikat. Bahala ka.

“Pepper, gusto ko sanang maglibot-libot dito sa Santa Inez ngayong araw. Are you free to join me?”

Gagawin siya nitong tourist guide? Que grabedad!

Pero ayaw niya itong tanggihan. Naiinis man siya sa loob-loob ay hindi niya maiaalis ang pakiramdam na tunay ang ipinapakitang giliw sa kanya ni Karina. Hindi niya maramdaman ang kaplastikan dito. O, baka marunong lang umarte?

“Ah, kung mahihintay mo ako pagkatapos ng appointment ko, sure,” pagpayag ni Pepper.

“Oh, thanks!” masayang bulalas ni Karina. “May doctor’s appointment ka?” pang-uusisa pa nito.

“Not exactly.” Ayaw nga niyang sabihin dito na magpapa-drug test siya. “Akyat lang ako. Tawagin na lang kita

mamaya,” paalam niya saka pinuntahan ang kuwarto nilang mag-asawa.

NALILIGO na si Jaidon nang pasukin ito ni Pepper sa banyo. Tumayo naman siya sa tabi ng shower area na natatabingan ng makapal na glass wall.

“Hindi ka yata nakakain nang mabuti,” sabi niya sa lalaki.

“You know that I don’t really eat much in the morning. Okay na ako sa kape at toast.”

“Sasamahan kong mamasyal mamaya si Karina pagkatapos ng drug test,” balita niya dito.

Hinawi ni Jaidon ang sliding glass door ng shower area at sumilip mula roon. “You don’t have to, sweetheart.”

“Naka-oo na ako, ayoko nang bawiin. S-saka…” Nagbuga ng hangin si Pepper. “Mukha siyang mabait at friendly,” nakikonsiyensiyang sabi niya.

Tumawa ito at muling pumailalim sa shower. “Mabait talaga iyon. Hindi ko iyon magiging kaibigan kung hindi.”

“Saka naisip ko rin na, alam mo na… moderno siyang babae. So, bale-wala na siguro sa kanya ang relasyon n’yo noon.”

“Right.”

“Sorry, sinungitan kita kagabi.”

“It’s okay.”

Nakangisi siyang mabilis na hinubad ang mga damit. Natawa si Jaidon nang bigla niyang buksan ang sliding glass door at umapak sa shower area.

“May masama ka palang balak, Misis, ” biro nito sa kanya, natigil sa pagsasabon ng katawan.

“Huwag kang assuming, ha? Makikisabay lang akong maligo,” tukso niya at inabot ang bote ng shampoo at ikinusot iyon sa buhok. “Conserve water, take a shower together, `ika nga nila.”

“Sige, kung matitiis mong maligo lang kasama ko dito,” sabi naman nito saka pilyong sinabon ang malapad na dibdib. Ang galaw ng mga palad nito ay mabagal at maharot—parang macho dancer na humihimas sa katawan nito, nanunukso ng mga manonood.

Tumili si Pepper habang nagbabanlaw ng buhok. “Ang daya, sine-seduce mo ako!”

Eksaheradong kinunutan siya nito ng noo. “Seduce? Masyado kang presumptuous. Nagsasabon lang ako ng katawan.”

Tinalikuran siya ng asawa at tumapat sa malapad na shower para banlawan ang sabon sa katawan. Naging kapansin-pansin ang mga muscles nito sa likod at braso na naging mas prominente nang bahagya itong yumuko at ilapat ang dalawang palad sa dingding. Loko talaga ang gobernador na ito. Why, he was obviously showing off!

“Hmm, talaga?” tudyo niya naman saka mula sa likuran ng asawa ay yumakap siya at hinaplos ang dibdib at tiyan nito. Idinikit rin niya at ikiniskis ang mga dibdib sa likod nito.

“Huwag kang magulo, nagbabanlaw na ako,” pasimpleng sabi naman nito kahit nahimigan niyang namamaos na ang boses nito.

“Really, huh?” Pinadausdos niya lampas sa puson nito ang mga kamay. “ See? Hindi lang banlaw ang gusto nito. ” Inumpisahan niyang igalaw ang kamay sa kahandaan ng asawa. “Kagabi pa ito galit, eh.”

Jaidon chuckled as he turned the shower knob, and the water fell like soft raindrops. Nakangiting humarap ito sa kanya.

Nagmamadali naman ang bawat kilos ni Pepper , sabik na sabik. Pagkasandal sa kanya ni Jaidon sa marmol na dingding ay ibinuka niya agad ang mga hita. But her husband decided to be wicked and tease her by rubbing the tip of his shaft to her eager opening instead of pushing it in. Napapasinghap siya’t napapadaing sa bawat galaw ng ari nito sa ibabaw ng kanyang lagusan.

Argh! Sabik na sabik na siyang pasukin nito. Gusto na niyang magsanib sila’t sabay na abutin ang sukdulan.

“Jaidon, ano ba?!” singhal niya nang ilayo nito ng ari habang sinusubukan niyang itulak ang sarili dito. “Ipasok mo na, please.”

He laughed when she pounded her fist on his back. “Easy, woman.”

Nagmakaawa na siya. “Put it in, now. Daig ko pa ang tinu-torture mo!”

Inihiga siya ni Jaidon sa marmol na sahig saka lumuhod sa pagitan ng kanyang mga hita.

“Akin lang `yan, ha?” sabi niya kay Jaidon nang itutok nito ang pagkalalaki sa kanyang naghihintay na butas.

“Possessive ka pala?” biro naman nito.

Umirap siya. “Siyempre ayoko ng may ka-share!”

Ngumiti sa kanya ang asawa. “Iyong-iyo lang `to, giliw ko.”

Sinalubong niya ito nang sumulong sa kanyang kaangkinan. “Dapat lang.”

“And you’re all mine,” ani Jaidon nang isagad ang sarili sa kanya.

Napangiti si Pepper sa narinig. Naramdaman niya kasi ang pag-angkin, ang damot sa boses ng asawa. Saka niya naisip, marunong din kayang magselos si Jaidon?

Napaliyad siya nang sagarang mag-ugnay silang magkaniig. “Aaah. This is nice, Gov. It’s like having sex under the rain.”

“Yeah. The color-changing LED lights remind me of aurora borealis,” sabi naman nito bago nag-umpisang mag-urong-sulong.

“Ooooooh, Jaidon!” she cried in total abandon, scraping her nails on his arms.

Itinaas nito ang mga binti niya’t pinagdikit ang mga iyon. He held her legs together as he pounded deeper inside her.

“Sige pa, sige pa… Shit, Jaidon. Harder, harder! Uuungh, gosh, I-I think malapit na ako. Oh, oooh!”

Binagalan ni Jaidon ang mga pagbayo. “Wait for me, babe.”

“Argh!” Maingay siyang huminga nang ilang beses. “Okay, okay… P-pero hindi na talaga ako tatagal masyado. S-sobrang sarap kasi.”

Ipinagpatuloy nito ang paglabas-masok sa kanya at sinabayan niya naman ng muscle control.

Napapikit ang lalaki nang maramdaman na ang pagbulusok nito sa sukdulan. “P- Pepper . I’m going. I can’t stop. Be with me. With me!”

“I’m with you… Aaaah! Jaidoooon!”

Naiangat niya ang katawan nang kumawala sa luwalhati ang kanyang kamalayan. She was being flooded with his seeds as she was lost in that echanting darkness.

Nang makaraos si Jaidon ay humihingal itong binitiwan ang mga binti ni Pepper at dumapa sa kanya. He planted soft kisses on her neck as he tenderly embraced her.

Ayaw niyang bumitiw dito. “Stay there for a while,” pakiusap niya.

“W HY are you really here, Karina?” matigas na tanong ni Jaidon habang naglalakad palapit sa kinaroroonan ng babae sa hardin. Natanaw niya ito doon kaninang dumating siya ng bahay.

Ngumiti nang mapang-akit ang babae bago nito sinagot si Jaidon ng isa ring tanong. “Ayaw mo ba akong makita uli?”

Hinaklit niya ito sa braso. “Ako ang nagtatanong, sumagot ka nang maayos,” magaspang niyang utos sa babae.

Bahagya niyang nakitaan ng takot ang mukha ni Karina. Niluwagan niya naman ang hawak dito.

“I just want to see you again, masama ba `yon?”

Tumingin siya nang diretso sa mga mata nito. “Hindi iyon ang nararamdaman ko.”

Ngumiti uli ito. “ Ano ba ’ng nararamdaman mo?” maharot na sabi nito, may antisipasyon sa boses.

Inalis niya ang kamay nitong akmang hahaplos sana sa kanyang dibdib. “Tigilan mo ito o baka ihagis kita palabas ng bahay ko.”

Hinila ni Jaidon ang babae paupo sa silyang bakal sa hardin.

“Ayaw mo nang landiin kita, ganoon? ” bira pa rin ni Karina.

“ We ’re both married now!” bulalas niya naman.

“I’m divorced,” pagtatapat bigla ng babae. “Dalawang linggo na rin. Kaya umuwi muna kami ng Pilipinas ng anak ko.”

“That still doesn’t give you the right to flirt with a married man.”

Malutong itong tumawa. “Wow, Jaidon… Just wow! Huwag mong sabihing siniseryoso mo na ang kasal-kasalan n’yo ni Pepper?”

“Totoo ang kasal namin.”

“Yes, pero alam natin pareho ang dahilan ng pagpapakasal mo. C’mon, kailangan ko pa bang ilitanya sa iyo kung paano mo inamin sa akin na ginagamit mo lang si Pepper para masira ang political image mo at matalo ka sa eleksiyon, or ma-frustrate ang daddy at lolo mo sa inyong dalawa at paurungin ka na lang?”

Napamura si Jaidon sa loob-loob.

Kung bakit hindi siya nakapagsinungaling kay Karina tungkol sa plano niyang iyon. Nasukol siya ng babae noon pa mang nag-uusap sila sa telepono at hindi siya nakatanggi. Hindi ito naniniwalang pinakasalan niya si Pepper nang biglaan na walang ibang mabigat na dahilan, lalo pa’t hindi naman buntis ang babae. So yeah, he admitted the truth—na ang nangyaring eskandalo sa kanila ni Pepper ay nagbigay sa kanya ng maitim na balak; na naisip niyang kung hindi siya paaatrasin ng ama sa susunod na eleksiyon ay isasabotahe niya ang kanyang malinis na imahe. Pinlano niyang ma-involve kay Pepper para lalo silang pag-usapan ng mga tao. Lalo pang kumampi sa kanya ang tadhana nang humingi ng kasal ang ama ng babae. Magkakaroon siya ng misis na hindi political wife material? Isang misis na galit sa media, taklesa at mahilig magkalat? That was just fucking perfect.

Or so he thought.

“Well, parang hindi mo naman siya nagagamit mabuti. Hindi na siya nagkakalat ngayon para pagtuunan ng atensiyon ng media. Ni hindi niya ako tinatarayan. Behaved na yata si Wild Thing mo. You know, what if…” Tumayo si Karina at inilapit ang sarili kay Jaidon. “Ako na lang ang gamitin mo? Napakadaling masira ang reputasyon mo sa akin. Let’s pretend we’re having an affair. Isipin mo na lang kung puputok ang balitang may kabit ka. Gosh, sirang-sira agad ang image mo!”

Gustong sipain ni Jaidon ang sarili dahil may naramdaman siyang pagsang-ayon sa sinabi ni Karina. Bakit nga naman hindi? After all, iyon naman ang dahilan kaya niya pinatuloy sa bahay niya ang babae, para sakaling gumawa ng ingay si Pepper.

“What do you think?” pangungumbinsi pa nito. “I’m right, `di ba?”

Tinalikuran niya si Karina. “Dinner will be ready at six,” sabi niya dito saka mabilis na lumayo.

Pagpasok ni Jaidon sa front door ng bahay ay sinalubong siya ni Pepper na mukhang kagagaling sa kusina.

“Hey, handsome!” masayang bati nito at patakbo pang lumapit at halos tumalon ito payakap sa kanyang leeg. “Dumating ka na pala.”

“Hey there, gorgeous,” bati niya pabalik at hinalikan ang tungki ng ilong ng asawa.

She wrinkled her nose. “Amoy-kusina pala ako. Tumulong ako sa pagluluto.”

“Sabi ko na sa iyong hayaan mo na sina Manang Tacing doon.”

Lalong nagusot ang ilong ni Pepper. And she was the cutest thing that Jaidon had ever seen.

He was starting to really adore her. Naaaliw siya sa asawa dahil hindi ito pangkaraniwang babae na gaya ng mga nakaugnayan niya dati. Pepper was easygoing and funny as hell. Iyon ang nagiging problema niya ngayon. Hindi siya dapat magkagusto o mapalapit dito. Wala iyon sa mga plano niya. Ginagamit niya lang si Pepper.

Ginagamit. Putang-ina, nakokonsiyensiya na ba siya?

“Gusto ko namang ipagluto ang asawa ko. Alam ko na magluto ng chicken kaldereta at crispy fried salmon with hot and sour sauce.”

“Masarap kaya?” pabirong tanong niya sa asawa.

Nagyabang naman ito. “Oo, makakalimutan mo ang pangalan mo `pag natikman mo na! Pati ako, makakalimutan mo.”

“I can never forget you, Pepper.” Tumawa siya at hinalikan ito sa bibig. She moaned sweetly from his tender kiss.

Jaidon had always known that he was not affectionate, but with his wife, he was like softening into a mush. Naloko na talaga.

Si Pepper ay parang isang bagyong hindi niya napaghandaan ang pagdating at hinahayaan niyang magdulot ng mga pinsala sa kanyang sarili. Mga pinsalang tumutunaw sa lamig at katigasan ng kanyang pagkatao; nakakakita na siya ng mga matitingkad na kulay sa kanyang mundong dati ay itim at puti lang ang mga naghahari. He never meant to feel anything for her but lust. Yes, he only wanted to fuck her, not adore her. Pero habang tumatagal ay gusto na niyang pagdudahan ang sarili, humihigit na kaysa makamundong pakiramdam lang ang pagnanasa niya kay Pepper.

“Hmm, I missed you all day,” malambing na sabi ni Pepper nang maghiwalay ang mga bibig nila saka nito sinubsob ang mukha sa kanyang dibdib.

Hinaplos niya naman ito sa buhok, kinilig pa yata siya sa sinabi nito. “Did you, really?”

“Uh-huh.”

“I’ve missed you, too, Pepper.”