“KASALANAN ko po `yon. Sana hindi na lang ako lumabas ng gate para hindi ako sinundan ni Jaidon,” umiiyak na sabi ni Pepper sa kanyang biyenan habang nasa chapel siya ng ospital na pinagtakbuhan kay Jaidon. “Sorry po. S-sorry sa lahat ng kaguluhang dinala ko sa pamilya ninyo.”
Inabutan siya ng panyo ni Emmanuel. “Pepper, huwag mong sisihin ang sarili mo. If anything, you saved both your lives, and ours. Kung hindi ka lumabas ay hindi matutuklasang pumaroon si Warren. Plano niyang pumasok sa party ni Papa para doon tayo pagbabarilin.”
“P-pero, dahil pa rin sa akin kaya nasa ospital ngayon ang anak ninyo. Sa akin tatama sana `yong mga unang bala ni Warren.”
“I would’ve done the same, my dear. Your life is worth saving. Isa pa ay hindi ko pinalaking duwag ang anak ko.” Kinabig nito ang likod niya at niyakap siya. “Tahan na. Magiging mabuti din ang lagay ng asawa mo. Isa siyang Silvanus. He is a fighter—brave and tough.”
Apat na oras nang tapos ang operasyon kung saan tinanggal ang dalawang balang tumama sa likod ni Jaidon, swerteng walang tinamaang vital organs. Si Warren Galdozo ay hindi na rin delikado ang lagay. Gigil na si Pepper na makita itong mabulok sa bilangguan. Makakatikim ito ng sapak sa kanya!
Pinauwi na rin niya ang kanyang ama na kinailangan pa niyang pilitin. Nagkunwari siya kaninang okay na siya at tumigil na sa pag-iyak kaya kampante naman itong umuwi na. Nakaalis na rin ng ospital ang kanyang biyenan kasama si Lolo Crisostomo at si Aaron.
Lumipas pa ang tatlong oras at pinilit siya nina Radley at Karina na kumain at magpahinga na pero hindi siya nakinig sa mga ito. Galing na ang mga ito sa hospital room ni Jaidon kanina pa, gising na raw ito at hinahanap siya. Ibinigay ni Radley sa kanya ang wedding ring niya na ito pala ang pumulot. Ibinulsa na lang niya iyon.
“I’m sorry, Pepper,” malungkot at medyo nahihiyang sabi sa kanya ni Karina. “Matagal ko nang alam ang totoo, but I wasn’t in a position to tell you.”
Hindi niya ito inimikan, hindi niya rin naitago ang kaunting sama ng loob sa babae. Kasama ito ni Jaidon na naglihim sa kanya!
“I trusted Jaidon, that’s why,” sabi pa nito. “Alam kong darating ang tamang araw at magsasabi siya sa `yo ng totoo. Too much had happened kasi, kaya siguro hindi niya muna ginawa iyon. Isa pa…” Idinantay nito ang kamay sa kanyang braso. “Did you really feel that he just used you?”
Hindi umimik si Pepper, napaisip siya bigla sa tanong ni Karina.
Sa buong pagsasama nila ni Jaidon ay wala siyang naramdaman ni kaunting panganib mula rito. Everything that he showed her, everything that she felt about him… they were all nothing but wonderful. Oo nga’t minsan ay nag-aaway at nagtatalo sila pero hindi lumalayo ang loob niya sa asawa. Mas napapalapit siya rito sa pagdaan ng mga araw.
“Jaidon saw a chance to get out of the election through you,” sabi pa ni Karina. “Ang plano ay hahayaan ka lang niyang makasal sa kanya hanggang sa magsawa ka rin sa bagong buhay mo. Hahayaan ka lang na gumawa ng kahit anong gusto mo, mag-eskandalo, magkalat. You hated politics, the public, especially the media. You were the imperfect wife na kakainisan sana ng lahat ng mga taong kakilala niya, na magpapadismaya sa mga botante. Pero hindi nangyari ang gusto ni Jaidon. Kasi, you slowly embraced your new life and adapted so well to it. Naging supportive ka sa asawa mo, loving, responsible. And the people started adoring you for it. Pepper, Jaidon could’ve provoked you to get mad and do something crazy para matuloy ang plano niya pero hindi niya ginawa.” Nahihiya itong natawa bago itinuloy ang pagsasalita. “I even offered myself para magpanggap sanang mistress niya pero hindi siya pumayag dahil ayaw ka niyang saktan. And I think you already know why.”
Nang tahimik pa rin si Pepper ay si Radley naman ang sumunod na nagsalita. “If anything, maganda ang kinalabasan ng lahat dahil sa pagpapakasal ninyo. Nagiging mature ka na, hindi na ikaw `yong dating Pepper na kilala ko. Malaki rin ang naging pagbabago ni Kuya dahil sa iyo. He had learned to show his hidden demeanor—both positive and negative. Nawalan na siya ng reserbasyon and I prefer him that way. Kung nasaktan ka man niya sa nalaman mo ay hindi kasama sa plano niya iyon. I think he was not really expecting you to fall in love with him.”
“Thank you for trying to make me feel better,” sa wakas ay sabi niya sa dalawa. “Don’t worry, alam ko na ang gagawin ko.”
Wala pa rin siyang lakas na pumasok sa kuwarto na pinaglipatan kay Jaidon. Hindi niya alam kung paano haharap dito. Wala na kahit na katiting na galit o inis siyang nararamdaman para sa asawa. Tama sina Radley at Karina. He did what he thought was right to escape the election. Naiatang dito ang mabigat na responsibilidad at nang nagkaroon ito ng tsansang takasan iyon ay ginawa nito. Siguro ay maiisip niya ring gawin iyon kung nasa kalagayan siya nito. Hindi lang siguro inaaasahan ni Jaidon na masasaktan siya sa huli. Hell, maybe he wasn’t even expecting that she would really last in their marriage. Lahat ng taong kilala niya ay nagduda ngang hindi siya tatagal sa bagong buhay na bigla na lang niyang pinasok.
At higit sa lahat, sa kabila ng lahat… Itinaya ni Jaidon ang sariling buhay para sagipin siya. Sobra-sobra na iyon bilang pambawi sa ginawa nitong panggagamit sa kanya. Sa totoo lang, sa palagay niya ay hindi niya deserved na may magligtas sa kanya sa ganoong paraan.
Ligtas na si Jaidon mula sa kapahamakan, iyon ang pinakamahalaga sa kanya nang mga sandaling iyon. While her… well, she could go back to her old world now. Magiging single na siya uli.
PAGKATAPOS kainin ni Pepper ang bigay sa kanya ni Karina na chicken sandwich na binili nito sa cafeteria ng ospital ay doon na siya naglakas ng loob na makipagkita sa asawa. Ihinatid naman siya ni Radley hanggang sa labas ng guwardiyadong hospital room at ito pa ang nagbukas ng pinto para sa kanya.
Pinilit niyang ngumiti pagkakita kay Jaidon, nakatagilid ito ng higa paharap sa pinto, tipong kanina pa siya hinihintay.
“Hey, gorgeous,” bati nito. Napakaluwang ng ngiti nito, parang walang anumang nangyari. Mataas na dosage ng morpina siguro ang isinaksak dito.
Pinigil ni Pepper ang maluha. “H-hey, handsome,” mahinang bati niya pabalik na hindi napigilan ang pagsinghot.
Inilahad ni Jaidon ang isang kamay na walang nakakabit na suwero. “Come here.”
Dahan-dahan siyang lumapit dito, hinawakan ang nakalahad nitong kamay saka siya naupo sa silya sa tabi ng kama nito.
“Are you okay?” mabining tanong ng asawa. “Hindi ka ba talaga nasaktan ? ”
Umiling siya. “I’m fine, Jaidon.”
“Kanina pa kita hinihintay dito. I was even fearing that maybe you were in danger kaya hindi ka pa nagpapakita sa akin.”
“No, no. Kita mong malakas pa ako sa kalabaw. Ikaw itong nasaktan, Jaidon. Ikaw itong nasa ospital ngayon. D-dahil sa akin.” Doon na siya naluha.
“It wasn’t your fault at all. Don ’t cry, sweetheart.” Bumitiw ito sa kanyang kamay at inabot ng mga daliri nito ang basang pisngi niya.
“P-paanong hindi ako iiyak? Akala ko mamamatay ka na kanina!” halos ngawa niya. “Hindi mo alam kung paano ako natakot, kung paano pa ako nakalakad at nakakilos knowing you were about to die!”
“You are worth everything, Pepper—even my life.”
“H-huwag ka ngang magsalita ng ganyan!” My God. Lalo lang siyang nakonsiyensiya.
Mahina itong tumawa. “Why, am I making you fall harder for me?” nakuha nitong ibiro.
“Dadagukan kita kung hindi ka lang nakahiga ngayon sa hospital bed!” pabirong asik niya naman.
Mayamaya ay sumeryoso naman ito. “I’m sorry.”
“Doon sa narinig kong usapan n’yo ni Radley? W-wala na `yon sa akin.” Bumuntong-hininga si Pepper. “Naiintindihan ko na, Jaidon. Sabi ko nga sa iyo na nature na natin ang magsinungaling at may masaktang ibang tao para maka-survive. Parang `yong mga pagsisinungaling ko lang sa parents ko kapag hindi ako nakakauwi ng bahay, ganoon.”
Bumuntong-hininga rin ito, mas malalim sa kanya. “No, it’s not the same, Pepper. I used you, I took advantage of our situation.”
“Okay lang, sabi. S-saka hindi ko naman naramdaman na nagamit mo nga ako talaga. Nakabawi ka na, sobra-sobra pa nga. Dalawang bala ba naman ang sinalo mo para sa akin.” Pinilit niyang tumawa.
Hindi naman nakitawa si Jaidon, hindi rin ito ngumiti man lang.
Tumikhim si Pepper nang hindi nagsalita ang lalaki. “A-ano nang plano mo ngayon? Narinig ko sa usapan nina Radley at Daddy mo kanina na ayos lang naman daw sa pamilya mo kung uurong ka sa eleksiyon. Pero kung tatanungin mo ako… Sayang kung mawawalan ng isang tulad mong politiko ang bansang ito, Jaidon. Partida pa, hindi ito ang ambisyon mo talaga pero sobrang galing mo sa public service. ”
Umiling ito, seryoso pa rin ang mukha. “Tuloy ang pagtakbo ko.”
Nanlaki ang mga mata niya. “H-ha? Pero bakit?”
“Nitong mga nagdaang buwan—nitong mga panahong napakaraming nangyari sa akin… Iisa lang ang naiisip ko: Mahal pala talaga ako ng mga tao. Tanggap nila kung ano ako—ang pinagmulan ko, ang mga kamalian ko,” sagot nito sa kanya, deretso ang tingin sa kanya ng mga mata nito. May nag-aapoy roon, puno ng pag-asa at paninindigan. “Dumarating pala talaga sa buhay ng tao `yong sandaling mare-realize natin na may mga bagay na mas malaki pa kaysa sa personal nating hinahanap. And I think serving the people of this country is my right place under the sun.”
Ngumiti si Pepper. “Right. You are really chosen to serve this country, Jaidon. OA siguro na sabihin, pero sa palagay ko ay ito talaga ang destiny mo.”
“Gusto ko ring gawin ito para kay Aaron at sa mga magiging anak natin. I want them to grow in a better world and I will help our society to attain that. Of course there are other ways to help, pero sa palagay ko, sa kalagayan ko ngayon ay ang pagiging politiko muna ang tanging daan.”
Shaping society for their future children… Wait, what? Hindi ba siya hihiwalayan ni Jaidon ngayong hindi na siya nito kailangan para masira ang kandidatura nito?
“You helped me realize it all, Pepper.” Muling humawak si Jaidon sa kanyang kamay. “And I can’t do this without you.”
“A-anong ibig mong sabihin?”
“I need you to stand by me.”
“Ahm, as y-your wife, you mean?”
“Yes. But if you don’t want it, then it’s okay. Tatalikuran ko ang politika kung doon ka mas sasaya. I will do it for you, ganoon ka kahalaga sa akin. Hahanap na lang tayo ng ibang daan para makatulong sa taong-bayan—you know, crossroads and detours like you said. I’m a lawyer, after all. I can give my services for free—”
“T-teka, teka lang muna!” naguguluhang pigil ni Pepper. “Kailangan mo ako sa politika bilang asawa pero willing kang i-give up naman ito? Ang labo, hindi ko maintindihan, Jaidon.”
Nakangiti itong napailing. “Can you please get my stuff on that cabinet?” mayamaya ay pakiusap nito sa kanya, itinuro ang cabinet na katabi ng bintana.
Isang puting plastic na drawstring bag ang nasa cabinet, may tatak ng private hospital na kinaroroonan nila ngayon. Doon nilalagay ng hospital staff ang mga gamit ng pasyente kung dinadala ito sa emergency room.
Nagpilit bumangon si Jaidon hanggang sa nakaupo ito sa kama. Binuksan nito ang bag at hinalungkat iyon. May inilabas itong isang singsing.
“This belonged to my mother. Galing ito sa Lola ko, binigay sa kanya ni Lolo noong nag-propose siya ng kasal. Ipinamana nila ito kay Daddy na ibinigay niya naman sa aking ina. And now I am giving it to you, Pepper.”
“J-Jaidon…” Umiling si Pepper kahit sobrang bigat ng kanyang ulo. “I -I can’t accept that, I’m sorry. Hindi naman bababa ang popularity ratings mo kahit wala kang asawa. Hindi ako panghihinayangan ng mga tao na mawala sa iyo.”
Tama. Mahal man niya ang lalaking ito ay hindi na siya papayag na manatiling kasal dito. Lalo lang siyang masasaktan. Madamot na kung madamot pero kailangan din niya ng pag-ibig ni Jaidon sa kanya. Ayaw niya palang umasa sa wala. Kung magkakapamilya siya, gusto niyang bunga iyon ng pagmamahal.
He flashed a cheeky grin. “You don’t get it, do you, kulit? Two weeks ago pa ito ibinigay sa akin ni Daddy. Plano ko itong ibigay sa iyo kanina, pagkatapos sana ng party ni Lolo, sa harapan ng papa mo, sa harapan ng malalapit naming kamag-anak at kaibigan. Gusto kong hingiin nang pormal ang kamay mo, Pepper. Gusto kong magpakasal tayo uli, sa simbahan.”
“Ano ka ba?! Ayokong maging misis mo na hindi mo naman mamahalin talaga! P-puwede naman kitang suportahan bilang kaibigan mo,” naiiyak na sabi ni Pepper.
Parang natatawa naman si Jaidon. “Kaibigan? Ano `yan, pini-friendzone mo na ako?”
“Huwag ka ngang mag-joke diyan.” Napahikbi siya’t nagpahid ng mga basang mata.
But, for real? Kaibigan lang talaga? Parang ang hirap i-friendzone kapag sobrang guwapo at hot ang ex-husband niya! Hindi niya yata kayang maging platonic na lang ang magiging turingan nila ni Jaidon kapag naghiwalay sila. Hello, kung gaano siya ka-in love dito ay ganoon din siya ka-in lust! Baka maglupasay siya nang bonggang-bongga.
“Akala ko ba hindi mo ako iiwan?” kunwari ay hinampo pa nito nang dumistansiya siya rito ng isang hakbang.
“H-hindi naman talaga. `Andito pa rin naman ako para sa iyo, hindi nga lang bilang asawa mo. It’s gonna be hard, I know. Sinanay ko na kasi ang sarili kong kasama ka parati, nangarap ako na makakasama pa rin kita sa mga darating na araw. It’s like you already became a part of me. I-In fact, I don’t know how to start over again without you. Ang hirap na sigurong magising sa umaga na hindi ko na makikita ang mukha mo. Pero bilang ako naman si Pepper, kaya ko sigurong mag-adjust uli, m-matatagalan nga lang,” umiiyak niyang sabi.
Gusto na niyang maglupasay ngayon mismo. Imagine, ia-annul na ang kasal nila ni Jaidon, magiging single na uli silang dalawa. May chance na si Wanda na bumalik sa buhay ng gobernador. Makakaya ba niyang makitang magkasama ang mga ito? Makakaya ba niyang tanggapin na ang dati niyang asawa ay naka-move on na sa iba? Samantalang siya ay baka tumandang mag-isa? Not that she couldn’t survive being alone, but damn, parang ang hirap din pala. Ngayon pa lang ay nawawasak na ang puso niya.
Pinatatag niya ang boses, kailangan niyang manindigan. “In love nga ako sa iyo, pero sorry—”
“I’m in love with you, too.”
Natigil si Pepper sa pag-iyak. Literal na nakanganga siya sa mga sandaling iyon.
“Pepper? Did you hear what I said?” tanong sa kanya ni Jaidon nang nakamata lang siya dito. Catatonic na yata siya! “Babe? Are you all right? I said—”
“Oo, narinig ko! Anuveh, hindi ako bingi, Gov. S-sigurado kang hindi ka lang high sa morphine?”
Tumawa si Jaidon. “Ano, pumapayag ka na—”
“Puwedeng bigyan mo naman ako ng konting panahon para i-extend nang kaunti ang pagka-shock ko? Que grabedad! Gusto ko munang mag-moment, please.”
Lumakas ang tawa nito. “S-shit, my wounds hurt when I laugh,” bahagyang nakangiwing sabi nito. “Ouch. F-fuck.”
“Huwag ka na kasing tumawa, baka bumuka ang mga tahi mo,” sabi niya naman na nagpipigil ding humalakhak.
Did she really hear that? Mahal din siya ni Jaidon?
Weird. Kasi … wala ni katiting siyang pagdududa, ramdam niyang nagsasabi ito ng totoo!
Inabot siya nito at muling pinalapit sa kama. “I was trying to tell you before I passed out, I guess it never came out of my mouth,” sabi nito, habang pinapahid ng kamay ang basa niyang mga pisngi. “Sa isip ko kanina, kung mamamatay man ako ay iyon ang gusto kong huling marinig mo mula sa akin.”
“H-hindi ko narinig, halos hindi ka na makapagsalita kanina, Jaidon.”
“Bakit nagugulat ka? Hindi mo ba naramdaman man lang ang pagkahulog ng loob ko sa iyo?” nakangiting tanong nito.
“M-medyo naramdaman ko naman, sa totoo lang. Kaso, akala ko nagugustuhan mo lang ako, nasasanay ka na sa akin, ganoon. Parang… p-parang ambisyosa kasi ako masyado kung iisipin kong in love ka na sa akin, pero umaasa pa rin ako siyempre.”
“Hindi ko na matandaan kung kailan ko ito nag-umpisang maramdaman. Basta ang alam ko, bawat araw ay napapalapit ka sa akin, sa bawat araw ding iyon ay napapamahal ka na rin pala sa akin. Bago mo pa sinabi na umiibig ka sa akin ay alam ko na iyon. Alam ko na rin na pareho tayo ng nararamdaman. And, yet, I decided not to tell you that time. Hindi ko kasi alam kung ano ang una kong ipagtatapat—ang panggagamit ko ba sa iyo o ang pag-ibig ko. I just didn’t know how to tell you about my scheme without hurting you, Pepper. Kung magtatapat naman ako sa isang bagsakan, maniniwala ka pa bang mahal nga kita?”
“T-that’s why magpo-propose ka muna sana sa akin?”
“Yes. And then, like what I’ve told you, sasabihin ko sa iyo ang lahat-lahat `pag nasa bakasyon na tayo. It started wrong and I’m deeply sorry for that. Pero, Pepper… nagsinungaling man ako sa iyo ay hindi ko naman kinayang magpanggap lang na nahuhulog na ang loob ko sa iyo. Everything that I feel for you, everything that I’ve shown you… they’re all real. I couldn’t stop being drawn to you, I tried fighting it but I failed. There was just this something so magical that made me connect to you, and I think it even started that night that we first got together. And then I fell for you so helplessly, so hard. And these past days, I have been so much closer to you than ever. I belong to you, sweetheart. I want to be with you forever. Only you.”
“Y-you’re making me drown in your words, Jaidon.” Medyo exaggerated sigurong linya iyon, pero iyon naman talaga ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
“Drown? Sasagipin kita, or we can drown together,” madamdamin ding sabi ni Jaidon.
Iniangat ni Pepper ang kaliwang kamay. “Yes, I will be willing to be your wife, and I will be more than willing to support your political career, Governor Jaidon Silvanus.”
Pero hindi agad naisuot ni Jaidon ang singsing sa kanya. Napahawak kasi ito sa pagitan ng mga mata. There were tears in the governor’s eyes.
“I thought I was going t-to lose you,” garalgal ang boses na sabi ni Jaidon.
Muli ring naluha si Pepper at maingat na yumakap sa asawa. “I-I thought I was going to lose you, too.”
“I would die for you, Pepper.”
Napahikbi siya. “No, no… I won’t let you. We will grow old together and die happy in our bed, Jaidon.”
God, it felt so good to be in his embrace again… Kung may napatunayan man siya ngayon iyon ay kung may pangit mang mga pangyayari sa buhay ay may dahilan ang mga iyon. Kundi naisip ni Jaidon na gamitin siya sa pansarili nitong interes ay hindi sana sila umibig sa isa ’t isa. With him, she found her purpose. At gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para maibalik sa ibang tao ang lahat ng kabutihang bigay sa kanya ng tadhana.
Nagpahid siya ng mga luha. “Dali na, akin na `yang singsing. Kanina pa kita gustong halikan.”
Natawa ang lalaki sa gitna ng pagluha. Dali-dali nitong isinuot sa kanya ang singsing na para talagang isinukat para sa kanya.
Mapagmahal itong tumingin sa kanya. “I love you, Pepper.”
“I love you, too, Gov.”
And like in those happy endings of romantic movies, their lips joined in a deep, sweet kiss. Full of passion. Full of promises. Full of love.
“Kailan ka ba gagaling?” tanong ni Pepper pagkaangat saglit ng bibig niya mula sa asawa.
“In a few days.”
“Ugh. Bilisan mong gumaling at atat na akong maka-sex ka uli.”
Tumawa si Jaidon. “Hardcore sex?”
“You betcha!”
“Wait, don’t give me a sexual kiss,” nakangiwing pigil ng gobernador nang ilalapit niya muli sana ang mga labi.
“What? Why?!” protesta naman niya.
“My dick… it will hurt. Masakit magka-erection nang naka-catheter!”
Ang lakas ng tawa ni Pepper. “Fine,” sabi niya saka dinampian ng mabilis na halik ang bibig ni Jaidon at niyakap na lang ito.