noveltoon logo noveltoon
The Governor's Wife

Chapter 31

Ch. 32 / 37 Nov 28, 2025

NASA isang charity event sa isang hotel sa Manila ang mag-asawa nang gabing iyon. Dinagsa ng mga kilalang mga tao sa lipunan ang event na sponsored ng malalaking kompanya sa Pilipinas. Kada-taon iyon na isinasagawa ng Sunlight, ang lahat ng proceeds ay mapupunta sa mga center niyon.

Isang malaking party ang charity event, may performers, foods and drinks at dating auctions. Pero ang pinaka-highlight ng event ay ang mga ibinibenta roon. May mga donasyong items na for sale mula sa mga celebrities at may mga ibinibenta ring mamahaling adult toys.

Sa isang table ng mga sari-saring dildos nagkita sina Pepper at ang kambal na may-ari ng Sunlight. Nakipagkuwentuhan sandali ang dalawa sa kanya bago nagpaalam ang mga ito at nagpunta sa isang mesang kinauupuan ng mag-asawang sikat na artista.

Nang igala niya ang paningin ay natanaw niyang may kausap na babae si Jaidon sa tabi ng bar counter. Sexy ito, nakasuot ng kulay-bronze na see-through gown kung saan natatakpan lang ng mga embroidery at sequins ang private parts nito. Mukhang masayang nag-uusap ang dalawa, inabutan pa ni Jaidon ng isang baso ng cocktail drink ang babae. It was Wanda, his celebrity-model ex.

Nagbawi ng tingin si Pepper at itinuloy ang paggala sa mga mesa ng mga ibinibentang goods doon hanggang sa nilapitan siya ng dalawa. Ipinakilala sa kanya ni Jaidon ang babae.

“It’s good to finally meet you, Mrs. Silvanus,” nakangiting sabi sa kanya ni Wanda.

Pinigil ni Pepper ang mapangiwi. Why, this woman had a phony accent na labas sa ilong! Ugh. Iniabot niya rito ang kamay bago pa ito nakahuma. Ayaw nga niyang makipag-beso-beso rito. Sa laki ng boobs nito ay natatakot siyang mabunggo niya ang mga iyon at mapisa. Nagpaalam pa ang babae kung pupuwede raw bang makasama si Jaidon sa picture. Pumayag naman siya, siya pa ang nagprisintang humawak sa Smartphone nito at kumuha ng picture ng dalawa.

Natatawa niyang kinausap ang asawa nang makalayo na sa kanila si Wanda. “As in sinabi mo sa kanyang kailangan niya magpaalam muna sa akin bago makipag-selfie sa iyo?”

“Yeah. Mahirap na,” nadidiyaheng sagot ni Jaidon.

“Ano ka ba?! As if `di naman ako papayag, `no? Nakakahiya. Baka sabihin niya selosa ako o under kita.”

“Under naman talaga ako. Takot ko lang sa `yo.”

Tumatawa siyang hinampas ito sa braso. “`Di nga kasi! Okay lang naman sa akin kahit sinong babae pa ang makasama mo sa pictures, Jaidon.”

“I know. But, still. You’re my wife, so…” Ngumisi ito. “And for the record, si Wanda ang unang lumapit sa akin. Ikaw kasi, iniwan mo akong nag-iisa doon.”

Bago pa niya ito makurot sa tiyan ay hinila naman siya nito sa dance floor para isayaw sa isang slow music.

“You look so good together,” sabi ni Pepper sa gitna ng kanilang marahang pagsasayaw.

“Who?” kunot-noong usisa naman ni Jaidon.

“You and Wanda.” Mabilis siyang bumira ng tanong bago pa makakontra ang gobernador. “Bakit pala kayo naghiwalay noon?”

“Wala kaming sapat na panahon para sa isa’t isa.”

“Ang hirap nga naman kasi, nasa Sinagtala ka, `tapos siya, nandito sa siyudad.”

“Babe, why are we talking about her?”

Awkward siyang tumawa. “Eh, first time ko siyang nakita in person kasi. Sobrang ganda pala niya.” Fake lang ang boobs at mas OA ang accent sa personal.

Hindi nagsalita si Jaidon, umiiwas siguro sa topic dahil nahalata nitong may hindi tama sa mga ikinikilos niya. Napangiti na lang siya nang hinigpitan nito ang hawak sa kanyang baywang.

Sa Tagaytay nila napag-usapang uuwi sa gabing iyon kaya maaga silang umalis sa party. Nasa biyahe sila nang abala naman si Pepper sa pag-browse sa Instagram sa kanyang iPhone. At gaya ng inaasahan niya, naka-post na nga roon ang larawan nina Jaidon at Wanda sa Instagram account ng huli. Ipinakita niya iyon sa kanyang asawa na kinunutan lang nito ng noo.

“TOTGA ka daw niya, sabi sa hashtag.”

TOTGA lang talaga ang nakalagay na hashtag? Dinagdagan din sana ng #Bitter. Hmp!

Lalong kumunot ang noo nito. “What the hell is TOTGA?”

“The One That Got Away,” natatawang sagot ni Pepper.

Natawa rin ang gobernador. “I got away, huh?”

Ibinaba na niya ang cell phone. “K-kung si Wanda ang babaeng kasama mo sa video scandal noon, pakakasalan mo rin ba siya?” naisip niyang itanong. Pero bago pa nakasagot si Jaidon ay binawi na niya iyon. “Of course pakakasalan mo pala, ako nga na hindi mo girlfriend ay niyaya mo agad na magpakasal.”

Seryosong sumulyap ito sa kanya. “Wanda was not my girlfriend. We were just exclusively dating.”

“Right.”

Sa pagtataka niya ay inihimpil ng lalaki ang sasakyan sa gilid ng kalsada. With a deep sigh, he turned on the dome light inside the car, unbuckled his seat belt and faced her. With a little smile, he gently cupped her face with his hands.

“Baby, tell me the truth…” mabining himok nito sa kanya pagkatapos siyang titigan saglit sa mga mata. “Are you being jealous?”

“No.” Umiling si Pepper. “N-not really,” matapat niyang sagot.

“Are you sure? I don’t want anything or anyone making you feel any insecurities, Pepper.”

“A-ano lang kasi… Medyo mahirap i-explain.”

“I’m your husband, I’m all yours. I hope you know that,” nakangiting sabi ni Jaidon.

Tumango naman siya. “I know.”

“Then what’s bothering you? Sabihin mo sa akin, makikinig ako kahit gaano pa kahirap `yang explanation na sinasabi mo.”

“Hindi talaga ako selosa. Kampante naman ako na asawa kita, Jaidon. Kampante rin akong hindi ka magtataksil sa akin kahit ilang babae pa ang tumihaya sa harapan mo. It’s just that…” Bumuntong-hininga siya. “I dunno. It’s like this siguro, maybe it would be easier if I know that you love me? `Yong alam kong hindi ka maaagaw ng iba k-kasi mahal mo ako, hindi lang dahil sa kasal ka sa akin. Kaso hindi naman ganoon ang sitwasyon natin, hindi ba?”

Hindi nakapagsalita si Jaidon. Caught off guard siguro ito sa sinabi niya. Ang totoo, siya man ay medyo nagulat din dahil ngayon lang niya naisip ang mga katagang binitiwan. Love? Hindi nila kailanman napag-usapan ni Jaidon ang posibilidad ng pag-ibig sa pagitan nila. Yes, there were times that they teased each other of being smitten with one another, but that was different.

Nataranta si Pepper sa katahimikan ng asawa. “I-I’m sorry, hindi ko dapat sinabi iyon. Hindi kita pini-pressure, Jaidon. Naku, sabi ko na nga ba! `Kita mo na? I told you na mahirap i-explain.”

Yeah, that was lame. Parang umaamot na siya ng pagmamahal mula sa asawa kahit wala sa set-up nila ang ganoon. Masaya siya ngayon, doon siya dapat mag-focus. Hindi niya muna dapat problemahin ang feelings nila ni Jaidon sa isa’t isa. Wala pa naman silang isang taon na kasal. After all, she was not in love with him yet. Right?

Shit. Iba ang ibinubulong sa kanya ng sarili niya. And double-shit! Sino pa bang niloloko niya?

Parang nagbago ang facial expression ni Jaidon, parang may gustong ipahiwatig ang mga mata pero nagpipigil itong isatinig iyon.

“It’s okay,” hanggang sa sabi nito. His right thumb caressed her cheek. “You have a point.”

Pinasigla ni Pepper ang boses. “Tara na nga, Gov! Inaantok na ako.”

Hindi agad nito binitiwan ang kanyang mukha, imbes ay siniil nito ng halik ang kanyang bibig. Siguro pagod lang siya o medyo emosyonal? Dahil parang kakaiba ang paghalik sa kanya ng asawa ngayon. Ewan niya kung may nabawas ba o nadagdag. It was like he was giving her something that he was holding back for a long time. Nang nagmamaneho uli si Jaidon ay hawak ng isang kamay nito ang kanyang kamay.

Pagdating nila sa bahay-bakasyunan ay nakatulog agad ang mag-asawa. Naunang nagising si Pepper kinaumagahan, maliwanag na sa labas base sa nasilip niyang liwanag mula sa blinds ng glass window. Nakaramdam siya ng pag-ihi pero nagdadalawang-isip siya kung babangon ba, payapang natutulog pa kasi si Jaidon at ayaw niya itong magising sa kanyang paggalaw. Mabibilang ang mga umagang hindi ito bumabangon sa madaling-araw. She wanted him to take a long sleep.

Ipinikit na niya ang mga mata nang narinig niyang nagsalita si Jaidon. He was calling her name. Nang nagmulat naman siya ay nakita niyang natutulog pa ito. Was he dreaming? Dreaming of her? Gusto niya yatang kiligin.

Asa pa siya. Baka binibigyan niya pala ng sakit ng ulo ang gobernador hanggang sa panaginip nito. Naku, gisingin na kaya niya bago pa mabangungot sa kanya?

“Pepper…” he mumbled again.

Huminga ito nang malalim saka natahimik. Naramdaman niyang yumakap sa kanya ang isang kamay nito. Mayamaya’y tinawag na naman nito ang kanyang pangalan.

“I’m here, baby,” bulong niya saka yumakap din dito. “I’m here.”

“Pepper…” muling tawag nito sa kanya. “Pepper, go back to sleep.” Sa gulat niya’y tumawa ito.

“`Langya ka, Gov!” ani Pepper at nag-angat ng mukha. “Akala ko pa naman napapanaginipan mo ako.”

Doon na nagmulat ng mga mata si Jaidon. “I actually did,” tumatawa pa ring sabi nito.

Inirapan niya naman ito. “Talaga? Ano’ng ginagawa ko sa panaginip mo?”

Natigil ito sa pagtawa. “You were walking away from me,” sagot nito sa kanya sa boses na bahagyang humina.

“Walk out talaga?”

Tumango ang lalaki.

“Hmm, bakit kaya?”

“Hindi ko alam. Malabo ang ibang pangyayari. Natatandaan ko lang na naglalakad ka palayo at hinahabol kita.”

Muli siyang yumakap sa asawa, ihinilig ang ulo sa dibdib nito. “I’m not gonna leave you, Jaidon,” she assured him against his beating heart.

“Is that a promise?” Parang umaasa ang boses nito.

“Hmm, mahirap palang mangako,” natatawang sagot ni Pepper. “Kaya depende na lang siguro.”

“Depends on what?”

“W-well… if you wanna keep me.”

Hinalikan ni Jaidon ang ituktok ng kanyang ulo. “I want to keep you, Pepper.”

MINALAS na isa ang Sinagtala sa mga nasalanta ng probinsiya ng isang malakas na bagyo. Binaha ang mga barangay na malapit sa malalaking ilog at maraming sakahan ang nasira.

Hindi napigilan ni Pepper si Jaidon na puntahan ang mga nasalantang lugar. Ayaw siya nitong isama, nagmatigas talaga itong iwan siya sa bahay kahit halos mangiyak-ngiyak siya sa pagpupumilit. Ayon dito ay ayaw siya nitong mapahamak kung sakali. Marami pa kasing kalsada ang hindi pa bukas at wala pa ring tigil ang buhos ng ulan.

“At ikaw, okay lang na mapahamak, ganoon?” inis at nag-aalala niyang nasabi sa asawa nang paalis na naman ito.

Kadarating lang nito kaninang madaling-araw mula sa ibang bayan ng Sinagtala at ngayong umaga ay nag-iimpake uli. Pupuntahan daw ng lalaki ang mga barangay na nabaha.

“I will be fine, Pepper. Kailangan ako ng mga tao ngayon,” pagpapakalma nito sa kanya.

“May mga Mayor naman sila, bakit kailangan mo pang magpunta? Saka hindi ba puwedeng maghintay ka hanggang tumigil ang ulan? Saka Linggo pa lang ngayon, Jaidon. Dapat nagpapahinga ka, lalo pa’t ilang araw ka nang halos walang tulog. Ni wala ka nang time para mag-ahit. I mean, you look hotter with facial hair, kaso nagmumukha ka nang model ng mga men’s cologne. Baka hindi ka na galangin!”

Natawa tuloy ito sa huling sinabi niya. “Hindi ko na kayang ipagpabukas ito. May mga tauhan akong nagsusugal ng buhay para makarating sa mga lugar na nasalanta, hindi patas kapag nasa bahay lang ako’t nag-uutos sa kanila. I need to lead them personally.”

Gusto mang humanga ni Pepper sa paninindigan ni Jaidon ay mas nakalalamang pa rin ang pag-aalala sa kanya. Hinarap naman siya ng asawa nang matapos ito sa pag-iimpake.

“I’ll be all right, kulit,” nakangiting sabi nito. “May survival training ako, huwag ka nang mag-alala sa akin.”

Sinimangutan niya ito. “Hindi mo na maiaalis iyon sa akin, asawa mo ako.”

“I know. I just don’t want you to worry, kasi iisipin kita palagi, mag-aalala din ako sa iyo. Baka hindi ako maka-focus doon.”

Tumango siya. “Oo na nga. Bilang asawa mo, kailangan ko ring maging matatag sa mga panahong gaya nito. Okay, fine. Hindi na ako masyadong mag-aalala, basta tatawag ka sa akin nang madalas. ”

“That’s my girl.” Hinila siya nito sa kandungan.

Humalik naman siya sa noo nito. “Anong oras ang alis mo?” usisa niya habang hinahaplos ang panga nitong may stubble. My, he looked so sexy and rough like that. Hindi niya tuloy napigilang halikan ito sa bibig.

“I’ll be leaving in twenty minutes,” humihingal na sagot nito dala ng mainit niyang paghalik dito.

“Okay, may oras pa tayo para mag-sex! Galingan mo at ilang araw na naman akong matitigang nito.”

Tumawa si Jaidon saka siya iniangat at maliksing ihiniga sa kama.

She was riding him while he was jackhammering her pussy when his smartphone rang.

“Baka si Anton, hinihintay na ako,” natatawang sabi ni Jaidon habang nakahawak ito sa kanyang mga suso.

“Ugh. Let him wait!” Binilisan niya ang paggiling habang bumabayo ito pataas. “Ooooh, God! I will miss this so much. Huwag kang masyadong magtatagal doon, ha? Ayokong matigang, Gov.”

“Use your rabbit dildo,” biro naman nito.

She pinched one of his nipples. “Iba pa rin ang sa iyo. Mas masarap. Saka mas magaling kang magmaniobra.”

Muling nag-ring ang telepono ng gobernador.

“Anton, istorbo ka. Bastos! Maghintay ka naman!” tili ni Pepper.

Tumawa si Jaidon saka mas binilisan ang mga pagsulong sa kanya.

“Oooh, Jaidon! Baby, baby…” halinghing ni Pepper nang paakyat na siya sa sukdulan. “I’m going—Oh, nooo! Maiiwan ka!”

Hindi naman tumigil ang kanyang asawa sa paghatid sa kanya sa langit, nagmamadali na ito at hindi na inisip ang pansariling kasiyahan. Panay ang halik niya sa mukha at bibig nito nang makaraos siya.

“We still have time. Gusto kong mag-come ka rin. Titfuck, Gov, hurry,” usal niya sa pagitan ng paghingal at nangangatal pang katawan. “C’mon, fuck my boobies `til you come.”

Mabilis siyang tumihaya at maingat na sinakyan siya ni Jaidon sa bandang dibdib niya kung saan inipit niya sa mga suso ang ari nito. His shaft, wet and slick from her womanly essence, was gliding easily in between the two globes.

“Your breasts are so soft…” he grunted.

Sarap na sarap siyang pinapanood ang paggalaw ng pagkalalaki nito sa pagitan ng kanyang mga dibdib na dinidilaan niya ang dulo.

Pinaglapit niya lalo ang dalawang umbok sa tulong ng kanyang mga kamay para mag-enjoy pa si Jaidon.

“ P-Pepper, babe … Aaaah!” He exploded in her chest, some of his thick load was spewed into her neck and chin.

Watching him coming like that was always a delight on her part. Alam niya kasing siya ang nagbigay dito ng kasiyahan, ang naghatid dito sa sukdulan. She felt so sexy and desirable.

“I’m gonna miss you terribly,” sabi ni Jaidon habang ibinabalik sa katawan ang mga hinubad na damit.

“My sex, you mean?” tudyo naman ni Pepper, nanatiling nakahubad sa ibabaw ng kama. Nilalaro ng kanyang mga daliri ang katas na iniwan ng asawa sa kanyang leeg at dibdib.

“Well, that.” Mainit itong ngumiti sa kanya at saka lumapit. “And of course, you, especially.” Yumuko ito at ginawaran siya ng matamis na halik sa mga labi.

APAT na araw nang hindi umuuwi ng bahay si Jaidon at kahit pigilan man ni Pepper na huwag mag-isip ng masama ay iba ang kanyang kutob. Hindi na niya ito ma-contact ng dalawang araw, kahapon pa ito hindi tumatawag sa kanya at walang sagot ang mga ipinadala niyang text messages dito. Ayon naman sa mga kasama niya sa bahay ay malamang nagpunta ang asawa niya sa mga barangay sa paanan ng bundok kung saan walang signal, lalo pa’t katatapos lang ng bagyo.

Nang sumapit ang ikalimang araw ay hindi na napigilan ni Pepper ang sarili. Umiiyak siyang tumawag sa kanyang biyenan.

“Please po, Senator. Alam ko pong madami akong nagawang mali at hindi naman ako proud sa mga iyon, pero humihingi po ako ng tulong sa inyo para sa anak n’yo. Nagmamakaawa po ako. Pagkatapos po nito, promise, hindi na ako gagawa ng gulo para ikahiya n’yo pa. I’m giving you my word. Hinding-hindi na po talaga—”

“Pepper, you don’t have to beg to ask me for help. At bakit ba hindi mo pa rin ako matawag ng daddy? Ilang buwan na kayong kasal ng anak ko.”

Sumilay ang ngiti sa luhaan niyang mukha. “Thank you po, D-daddy,” sumisinghot niyang sabi kay Emmanuel.

“I’ll be there in a while, okay?”

“Okay.”

Naghihintay si Pepper sa helipad na nasa likod ng malawak na bakuran ng bahay ni Jaidon. Bihis na siya at may dala-dalang duffel bag. Lulan ng nag-landing na chopper ang mag-amang Emmanuel at Radley. Luhaan siyang sinalubong ni Radley at binitbit ang kanyang bag.

“ Don ’t cry, Pep. My brother is a strong man, I’m sure he’s all right,” malakas nitong sabi malapit sa kanyang tainga para marinig niya ang boses nito sa gitna ng ingay ng umiikot na elesi.

Niyakap naman siya ni Emmanuel nang makalapit siya rito, naawa siguro sa hitsura niyang miserableng-miserable. Inalalayan pa siya nitong pumanhik sa helicopter.

Tatlong barangay ang nasa paanan ng kabundukan sa silangang bahagi ng Sinagtala. Hindi nabaha ang mga iyon pero nasira ang mga tulay sa mga ilog dahil sa rumaragasang tubig. May ilang landslide din silang nakita mula sa kinalululanang chopper. Wala silang ideya kung nasaan ang eksaktong kinaroroonan ni Jaidon nang mga sandaling iyon. Umaasa na lang silang makikita nila ang Wrangler jeep nito at ang mga truck ng mga tauhan nitong kasama sa mga naghatid ng tulong sa mga biktima ng unos.

Pinisil ni Radley ang kamay ni Pepper nang maiiyak na naman siya.

Nagkaroon naman sila ng pag-asa nang unti-unting nahawi ang maiitim na ulap at sumilip ang Haring Araw. Ilang saglit pa ang lumipas ay nakita nila ang jeep ni Jaidon na nakaparada sa isang barangay plaza.

Pinakaunang bumaba ng helicopter si Pepper, palinga-linga siya sa paligid. Nang nakita si Anton na papalapit ay doon na sumikdo uli ang takot sa kanyang dibdib.

“Nasaan ang asawa ko?” agad niyang tanong nang hindi niya mahagilap kahit ang anino ni Jaidon sa paligid. “Anton, nasaan si Jaidon, sabi?!” pasigaw niyang tanong nang hindi agad nakasagot ang lalaki, hinawakan pa niya ang kuwelyo ng suot nitong T-shirt.

Diyos na mahabagin. Hihimatayin na yata siya. Anong nangyari kay Jaidon?!

“Nasa bahay ng Punong Barangay, Ma’am. Nasugatan sa binti noong tumutulong siyang mag-clear ng mga kalsada. May kaunting sinat din,” balita nito na halos nagpasikip sa kanyang dibdib. “Walang signal dito kaya hindi kami nakaka-contact sa inyo.”

Hindi na nilingon ni Pepper ang mga kasamang bumaba ng chopper.

Hinila niya sa kamay si Anton.

“Dalhin mo ako sa kanya, ngayon din!” mapangmandong utos niya.

Lakad-takbo ang ginawa niyang pagtahak sa gilid ng kalsada, halos kandarapa naman si Anton na hawak niya sa pulupulsuhan.

Hanggang sa hinila siya nito. “Ma’am, dahan-dahan lang, baka madapa kayo. Mapagalitan pa ako ni Boss,” kakamot-kamot sa ulong sabi nito sa kanya.

Hindi naman kalayuan sa plaza ang bahay ng Punong Barangay. Nang makita ni Pepper ang imahe ng asawa na nasa bakuran ng konkretong bahay ay agad siyang tumakbong lumapit dito.

He hadn’t shaved since he left home, his hair was also a mess. Nanlalalim ang mga mata nito tanda ng puyat at pagod.

“Jaidon!” tawag ni Pepper nang makalapit sa asawa.

Agad siyang yumakap dito, humahagulhol. Hindi siya makapagsalita dala ng patong-patong na emosyon sa mga sandaling iyon.

“I’m fine, baby. Stop crying now,” pagpapatahan naman ni Jaidon sa kanya, panay ang halik sa kanyang buhok at haplos sa kanyang likod.

“I love you,” bigla niyang nasabi sa gitna ng pag-iyak.