“KAYA ko ito!” Nakakuyom ang mga palad na usal ni Pepper habang palabas ng nirentahang beach front cottage sa Escape, isang world-class beach resort, hotel and spa.
Papunta siya sa hotel ng Escape kung saan naroroon ang venue ng pagtitipon ng birthday ni Senator Emmanuel Silvanus. Ingat na ingat siya sa paglakad gamit ang three inches black stilletos. Gusto rin niyang mangati sa suot na kulay midnight blue na mini-dress na labas ang likod. Hindi talaga siya nagsusuot ng mga sexy outfits pero ngayong gabi ay isasakripisyo niyang mapulmonya ang nakalabas na likod upang maisakatuparan ang balak.
Pero uuwi yatang luhaan si Pepper. Hindi niya mahagilap sa party si Radley. Nang subukan niya itong tawagan ay out of reach ang cell phone nito. Nakailang baso na rin siya ng iba’t ibang cocktail drinks at ramdam na niyang may tama na siya ng alcohol.
Napapabuntong-hininga siyang tumayo mula sa mesa sa sulok at tinungo ang bar. Umupo siya sa mataas na stool doon at humingi ng sex on the beach sa bartender.
She was drumming her fingers on the counter and swinging one of her legs when she felt a pair of eyes that was staring at her bare back. Totoo siguro iyong intuition na iyon, na mararamdaman mong may nakatingin sa iyo kasi paglingon niya, may nakita siyang matikas na lalaki na naglalakad palapit sa kanya.
Natagpuan na lang ni Pepper ang sarili na pigil-pigil ang paghinga. Siguro, kung kaya niyang i-describe sa isang salita ang lalaki ay dreamy ang pipiliin niya. Yes, he looked so dreamy.
Matikas itong naglalakad, parang kalkulado ang mga hakbang. Kung may tamang-tamang confidence siguro, iyon ay taglay ni Governor Jaidon Silvanus. Confident pero hindi brusko, hindi rin arogante o mayabang. He never raged at his political opponents, he never bragged about his accomplishments. Pero alam na alam nito ang mga pinagsasabi at hindi takot ma-grill ng mga taga-press.
“Hey,” bati nito nang makalapit, parang hindi yata makapaniwalang nakita siya doon. Hala, baka isipin nitong nag-gatecrash siya.
“ Hi, Gov, ” medyo nahihiyang bati niya.
“ Jaidon na lang. ” Lumapad ang ngiti nito. “Hindi ko alam na pupunta ka pala. You look gorgeous, Pepper.”
Parang gusto niyang kiligin sa sinabi nito. Grabe, wala pang nagsasabing gorgeous siya!
“T-thank you,” ipit ang boses na sagot niya.
Saka niya natuklasang litaw na litaw pala ang mabibilog niyang hita sa suot na damit na nakaangat dahil sa paraan ng kanyang pagkakaupo. Gusto niyang hilahin iyon pababa pero nagbago ang isip niya. Yuh, display kung display ang peg! Isa pa, maganda naman ang legs niya, so may K siyang mag-display ng alindog.
Alindog talaga? Alam niyang maganda siya at walang sobrang taba sa katawan; nasa tamang lugar ang kanyang mga kurbada. Gustong isipin ni Pepper na sexy rin siya pero hindi niya talaga masasabi kung sexy nga ang dating niya sa mga lalaki. She had always been one of the boys, haragan kung kumilos, mahilig sa jeans, T-shirts at sneakers. Madami tuloy nag-aakalang lesbian siya, napagkakamalan pa sila noon ni Linny na may relasyon. In fact, no guy had ever really pursued her.
“See? I was right. You’d look prettier when you wear a dress,” nakangiting sabi pa ni Jaidon.
Hindi napigilan ni Pepper ang pamulahan ng mga pisngi. “N-naalala mo pa pala iyon.”
Tumawa ito. “Mahirap makalimutan. Lalo pa’t parang nag-d é j à vu `yong sa palengke.”
Pinigil niya ang urge na kamutin ang ulo, baka masira ang French twist niyang pinaghirapang gawin. “Iyong away na `yon—Nauna talaga `yong babae na nanakit sa akin. Hindi naman ako basta-basta nakikipag-away na walang dahilan.”
“I believe you.”
Ngumiti siya at sumipsip sa straw ng cocktail drink.
Gusto niyang ma-touch sa sinabi ng gobernador. Mabuti pa ito, pinaniwalaan siya, samantalang ang papa niya na nagpalamon sa kanya ng sermon sa hapunan ay hindi. Nakarating pa hanggang London ang tsismis at via video call pa ang sermon na inabot mula sa ina, pagkatapos may sequel pa mula sa kanyang Ate.
Um-order si Jaidon ng rum saka umupo sa katabing stool. “It’s really good to see you in here, Pepper,” mayamaya ay sabi nito.
“Your brother invited me.” Doon na niya hindi naiwasang bumuntong-hininga. “Kaso hindi ko pa siya nakikita dito.”
“Ah. Kaaalis lang niya kaninang umaga, humabol ng flight papuntang Tanzania. Nandoon daw ang mga kaibigan niya, aakyat sa Mt. Kilimanjaro.”
Ugh! Pinigil niya ang magpapadyak. Ang gagong `yon. Paasa rin pala!
“Hindi niya nasabi sa iyo?” usisa pa ni Jaidon.
Umiling siya. “Hindi naman kami ganoon ka-close para magpaalam siya sa akin,” may hinanakit na sagot niya.
Pinigil niya ang magmura. Ibinuhos na lang niya ang inis sa iniinom. Imbes na sipsipin mula sa straw, ininom niya ang alak, nilagok nang sunod-sunod.
Kumusta naman ang mga effort niya? Ang gastos niya? Ang mahal kaya ng upa sa beach cottage! Nakamamatay pa ang pagpa-practice na maglakad gamit ang mga letseng high heels. At jusko , ang dugo’t pawis niyang matuto kung paano maglagay ng makeup sa tulong ng video tutorial sa YouTube, and she fucking hated learning things that she didn’t really like. At mapupulmonya pa yata siya sa suot na damit! Que grabedad!
Gusto tuloy ihampas ni Pepper ang pagmumukha sa ibabaw ng bar counter.
“Hindi nga rin siya napigilan ni Daddy. Pero babalik din `yon.”
She rolled her eyes. “Kailan naman kaya?”
“Kilala mo naman `yon, pabago-bago ang isip. Baka sa susunod na buwan, babalik na uli siya ng Pilipinas.”
Siguro. But not in San Roque.
“Yeah, I know,” sabi niya na lang.
Mukhang hindi yata aware si Jaidon na matagal na silang hindi nagkikita ni Radley. Hindi na nakapagtataka iyon dahil hindi talaga close ang magkapatid na Silvanus. Magkaibang-magkaiba ang mga ito ng personalidad.
Um-order uli ng isa pang basong rum ang lalaki. Dalawang beses lang nitong nilagok ang laman niyon saka tumingin sa glass wall na nakatanaw sa dagat.
At nang tingnan itong mabuti ni Pepper ay may napansin siyang kakaiba sa aura nito. Parang may kimkim na lungkot o galit. Was that it? She couldn’t fully tell. Napapaisip tuloy siya kung iyong pinapakitang aliwalas ni Governor Jaidon Silvanus sa madla ay totoo. So far, the Silvanuses were among the very few politicians in the country who were really honest and good. Well, iyon ang pagkakaalam niya. Kung mayroon mang hindi magandang ginagawa ay magaling lang sigurong magtago ang mga ito.
“Do you wanna dance?” mayamaya ay yaya ni Jaidon.
Tumingin siya sa mga nagsasayawan. Waltz ang tugtog; halos mga thunders ang nasa dance floor.
“ Sure, ” pagpayag niya. Bakit pa siya tatanggi? Wala naman doon ang taong pinuntahan niya. She might as well enjoy the party.
Hinawakan siya ng lalaki sa baywang habang inaakay sa dance floor. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may hatid na kakaiba ang pagkakalapat ng kamay nito sa kanyang katawan. Nahawakan na siya doon ng mga kaibigan niyang lalaki kapag nagsasayaw sila at may routine na kailangan ng body contacts. Walang malisya ang mga ganoon sa kanya, isa pa, hindi rin nagte-take advantage ang mga katropa niya.
Tahimik lang silang nagsayaw ng gobernador, at kahit hindi siya tumingin sa mukha nito, nararamdaman niyang maya’t maya ay sumusulyap ito sa kanya.
Siguro, self-conscious siya masyado dahil nagkakamali ang mga hakbang niya sa simpleng slow waltz. Muntik tuloy siyang matapilok, mabuti na lang at naalalayan siya ni Jaidon.
“Are you okay?” tanong nito. Bahagyang tumaas ang palad nito sa kanyang hubad na likod at humagod doon.
Pepper couldn’t fight the tiny shivers that ran down her spines. At hindi niya alam ang uri ng shiver na iyon, sigurado lang siyang hindi iyon galing sa nakakatakot na bagay. Weird.
“Y-yes,” nakuha niyang isagot na sinundan ng isang lunok.
“Maybe we should sit down. Parang may tama na rin yata ako ng ininom ko,” natatawang sabi naman ng lalaki.
“Mabuti pa nga.”
Pabalik sila sa bar counter kung saan iniwan ni Pepper ang kanyang evening purse nang umugong ang mic at pinatigil ni Senator Emmanuel Silvanus ang tugtog.
Napatigil din sila ni Jaidon sa paglalakad at humarap sa stage na kinatatayuan ng senador.
Nag-announce ito. At kasama si Pepper sa mga pumalakpak. Everybody in there looked happy and excited. Except the young governor by her side. Nang sulyapan niya si Jaidon ay nakangiti ito pero parang kulang sa aliwalas.
“Excuse me,” paalam nito sa kanya saka umakyat sa stage at kinuha ang mikropono mula sa ama. Lumapad ang ngiti ng lalaki. “You heard my father, ladies and gentlemen. Opo, tatakbo uli akong governor sa eleksiyon sa darating na taon at kailangan ko ang inyong mainit na suporta.”
BITBIT ang isang bukas na bote ng Chivas Regal ay mabilis na umalis sa party si Jaidon. Nasa buhanginan na siya ng Escape nang tumawag siya sa kanyang bodyguard na huwag muna siyang hanapin.
“Okay, boss,” mabilis namang sagot ni Anton. “Congrats pala sa pagtakbo. Hahaba pa pala ang trabaho ko sa inyo,” natutuwang dagdag pa nito.
Mas bata sa kanya ng dalawang taon si Anton, dating nasa army. Ito ang pinili ng kanyang ama na maging driver niya’t bodyguard.
Malamya siyang sumagot. “Yeah. Thanks.”
Pagkabulsa ni Jaidon sa cell phone, tumungga siya mula sa bote ng alak. Nagpahid siya ng bibig bago tumingin sa kalangitang nasasabugan ng pagkarami-raming bituin.
Sometimes, sometimes he felt like one of the heavenly bodies. Nakikita at hinahangaan ng maraming tao pero hindi maabot—hindi dahil sa kanyang taas kundi dahil sa kanyang matagal nang lihim na nararamdaman. He felt he didn’t belong to anyone else. He felt so alone; far, far away…
“Fuck this shit!” mariin niyang mura sabay sipa sa buhangin.
“Hindi `yan makakaganti sa iyo,” narinig niyang boses mula sa kanyang likuran.
Paglingon niya ay nakita niya si Pepper, bitbit ang mga sapatos nito.
Mapait siyang napangiti at nagbuga ng hangin. “Sorry about that.”
“Na narinig kitang nagmura, nakitang may bitbit na alak at nanipa ng buhangin?” natatawang sabi nito. “Sus. Okay lang `yon.”
“What are you doing here? Umalis ka na sa party?” sita niya.
“Pabalik na ako sa cottage ko. Ang boring doon, sa totoo lang,” gusot ang ilong na sabi nito.
“Yeah, I know.” Pinigil niya ang muling mapatungga sa alak. “Can I walk you to your cottage?” kusang nasabi niya.
Kinalimutan na ni Jaidon ang planong mag-isa at magpakalunod sa alak sa gilid ng dagat. Hey, there was this gorgeous lady walking barefoot in the sand, he couldn’t just leave her alone, could he?
“Okay,” pagpayag naman ni Pepper.
Muli niya itong sinipat ng tingin bago sumabay sa paglakad. Hindi pa rin siya makapaniwalang si Pepper Genaro ang babaeng kasama niya ngayon. He even thought she would grow up a lesbian. Parang lalaki kasi itong kumilos noon sa pagkakatanda niya. But now, damn… She looked so hot.
“Masarap ba `yan?” mayamaya’y usisa ng babae, ang hawak niyang bote ang tinutukoy.
“It’s all right.”
Jaidon wouldn’t really call himself a drinker. Madalas ay rum lang ang iniinom niya sa mga pagtitipon na dinadaluhan. Marami na ang dalawang baso para sa kanya.
“Patikim naman kung okay lang. Si Papa kasi, may dalawang bote ng Chivas sa bahay pero dini-display lang.”
He let out a chuckle and handed her the bottle. “Easy,” sabi pa niya nang halos deretsong naka-bottoms up ang bote sa ere habang umiinom ni Pepper.
Her neck was long and very sexy. Ano kaya ang lasa ng balat nito doon? He would love to run his tongue over it and suck the skin.
Screw you, Jaidon!
Lasing na ba siya at pinagnanasaan na niya si Pepper?
Pinakiramdaman niya ang sarili. Hindi pa siya lasing. At sa palagay niya ay hindi niya kailangan ang alak para makadama ng pagnanasa nang mga sandaling ito. The moment he saw this girl—this woman’s bare back at the party was enough to stir his senses. Ang likod nito ang una niyang nakita kanina at naging interesado agad siya. Weird, dahil kadalasan ay ang legs at boobs ang nagbibigay ng sexual excitement sa kanya pagdating sa mga babae.
And what do you know? Si Pepper pala ang maalindog na babaeng iyon.
Nang makarating sila sa tapat ng beach cottage na tinutuluyan ng babae ay hindi naman ito umakyat agad sa tatlong baitang na hagdanan niyon.
“Makakabalik ka pa ba sa party niyan na hindi natutumba?” natatawa nitong tanong.
He sniggered. “You think I’m already drunk?”
“Medyo sumusuray na kaya `yong lakad mo kanina.”
“It’s just the sand.”
“Hmm, okay, Gov,” parang hindi naman naniniwalang sabi nito.
“All right, I’m a bit tipsy,” pag-amin na niya.
Ang totoo, namimigat na rin ang mga talukap ni Jaidon kahit hindi naman siya inaantok. Malayo sa antok ang pakiramdam niya ngayon.
“I just need to sit down for a while,” sabi niya at natuon ang pansin sa gilid ng cottage na may rock garden at natatabingan ng mga puno ng ashoka at palmera.
Sa gulat niya, nilapitan siya ni Pepper pagkatapos nitong ihagis sa balkonahe ng cottage ang mga sapatos at bag nito. “Tulungan na kitang umubos niyan kasi baka bumulagta ka sa buhanginan kapag mag-isa ka lang na uminom.”
“That’s so sweet of you, Pepper.”
Hinubad niya ang Barong Tagalog at inilagay iyon sa likod ng babae. Gusto man niyang nakikita ang makinis nitong balat ay ayaw niya naman itong sipunin kung sakali. It was late January, the night air was a bit cold.
Magkatabi silang naupo sa isang nakatumbang driftwood at salitang uminom sa bote ng Chivas Regal.
“ Hindi mo ba gustong tumakbo uli? ” pagbubukas ni Pepper sa usapan.
“Bakit mo naman nasabi `yan?”
Nagkibit ito ng mga balikat. Hindi niya naiwasang tumitig sa makinis nitong balat doon, sa batok… Damn it. Bakit ba kasi abot sila ng malamlam na ilaw mula sa mga streetlamp na nakahilera sa dagat? At kung bakit manipis pala ang tela ng kanyang Barong. Naaaninag pa rin ang balat ng dalagang hindi natatabingan ng damit nito. Pero kahit madilim pa siguro, hindi pa rin niya maiiwasan ang pagnanasang nararamdaman. Amoy pa lang ng katabing babae ay nababaliw na siya.
“Parang hindi ka kasi masaya nang mag-announce ang daddy mo kanina.”
May nakapansin pala.
“Nabigla lang ako sa announcement, kasi wala pa sa usapan namin iyon na ipapaalam na sa public,” pagsisinungaling niya.
He was a politician after all. Marunong din siyang magsinungaling.
Ang totoo, wala silang usapan ng ama para sa re-election. Hell, he didn’t even want to be a governor in the first place! Napilitan lang tumakbo si Jaidon dahil tapos na ang tatlong term ng dating gobernador niyang ama at tumakbo ito para sa senado. Gusto nitong isa pa ring Silvanus ang umupo bilang gobernador ng Sinagtala. May tatlong pinsan siya sa nag-iisang kapatid na lalaki ng kanyang ama pero mas interesado ang mga ito sa pagpapatakbo sa negosyo ng kanilang pamilya. The Silvanuses owned the biggest international shipping line in the Philippines and the third biggest in Asia.
“Ah, ganoon ba?” Si Pepper ang umubos sa natitirang laman ng bote. “Mahirap bang maging governor?”
“Mahirap na hindi,” magulong sagot ni Jaidon.
Iyon ang naiisip niya. Simula naman noong umupo siya ay ang kanyang ama, lolo at ninong ang kadalasang nagpa-plano at nagpapasya para sa lahat. And he didn’t care that much. Mabuti nang ang mga ito ang
mahirapan at hindi siya. Dahil hindi naman iyon ang kanyang pinangarap.
Pero ano ba ang totoong pangarap niya? A long time ago, he thought he would be happy to be a lawyer. Pero parang hindi talaga masaya si Jaidon sa larangang iyon. Ah, life’ s complications … Siya itong plano nang plano para sa kanyang kinabukasan pero hindi naman nagiging masaya sa kinahihinatnan. Maybe that was why he didn’t really refuse when he was asked by his father and grandfather to get into politics. Inakala niyang baka doon niya mahanap ang tamang lugar sa ilalim ng araw. He was doing a good job, so far. Kaya walang makapagsasabing tamad siya sa serbisyo dahil wala sa bokabularyo niya ang salitang tamad. He had always been a workaholic.
“Alam mo dati, hindi ko talaga naisip na ikaw ang papasok sa politics.” Parang nagpigil ng tawa si Pepper. “Kasi sa totoo lang, parang hindi ka masyadong sociable, ang tahimik mo pa madalas. Akala ko nga si Radley ang susunod sa yapak ng lolo at daddy mo.”
Si Jaidon ang natawa. “Really, huh?”
“Akala ko pa nga magpapari ka. `Di ba, sakristan ka daw dati?”
Lumakas ang tawa niya. “Oo, sakristan ako dati sa malapit na simbahan sa bahay namin sa Quezon City. Pero hindi ko kailanman pinangarap maging pari.”
“Saka sayang din kung magpapari ka pala. Walang magpapatuloy sa magandang lahi n’ yo. ” Inihagis ni Pepper ang bote sa buhangin.
“Nagkakalat ka,” biro niya dito.
“Ano’ng gagawin mo? Huhulihin mo ba ako, Gov?” humahagikgik na hamon naman ng babae. Nag-iba ba ang reception ng tainga niya o totoong naging maharot ang tono ng pananalita nito?
Gumalaw ito mula sa pagkakaupo at lalong nalilis pataas ang dulo ng damit nito. Jaidon’s throat went suddenly dry.
Trouble.
“I’m not a cop, Pepper. Hindi kita huhulihin,” nangingiting sabi niya.
“Pupulutin ko `yan bukas, promise.”
Tumayo na si Pepper. Pero malakas na rin yata ang tama ng alak dito at gumewang ang katawan nito. Mabilis niya naman itong inalalayan nang hindi tumatayo. Nahawakan tuloy niya ang pang-upo nito.
Holy shit. What a firm, rounded ass!
Parang na-magnet ang kamay niya sa matambok na hinahawakan. That, or he didn’t really want to take his hand off.
Nilingon siya ni Pepper. “J-Jaidon. That’s my butt,” parang may nerbiyos na sabi nito pero hindi rin naitago ang excitement.
“I know,” sabi niya at hirap na hirap na hinila ang kamay palayo sa pang-upo ng babae.
“Bumalik ka na sa hotel, Gov. Baka hinahanap ka na, sabihin kinidnap ka.”
Pilit siya nitong hinila patayo pero bumagsak naman ito sa kanya. Narinig niya itong mahinang nagmura.
“Are you hurt?” usisa niya. Hindi niya sinasadyang sinamyo ang bango ng leeg at buhok nito.
His hormones were already raging like hell. Alam niya ang kagustuhang mangyari ng katawan ngayon at patawarin siya ng langit dahil ayaw niyang tumanggi.
Umiling si Pepper, nakabaon ang mukha sa kanyang leeg. “Ayos lang ako. Ikaw? Mabigat yata ako.”
Umiling din siya. “You’re not heavy. Not at all.”
Inayos niya ang pagkakalapat ng kanilang mga katawan. Now she was straddling his lap. She was so soft, so warm…
“You smell good, Governor. Hmm…” He heard her murmur against his skin, her lips touching it.
“P-Pepper,” gustong mag-panic na babala ni Jaidon. “Let ’s… stop.”
“Stop what?” mahinang sabi uli ng babae, idinikit pa lalo ang katawan sa kanya. “Gusto ko dito. It feels… nice.”
“Lasing ka na.”
“Hindi ako nalalasing, Gov. Alam ko ang nangyayari.”
“Lasing ka na kasi tinatawag mo na naman akong ‘gov.’”
“Okay, Jaidon.”
Parang nagbago ang tono ng pagkakasambit nito sa kanyang pangalan. It sounded… sultry.
Iniangat ni Pepper ang mukha, tumingin sa kanya. He was mesmerized. She was not really considered the drop-dead gorgeous kind, but there was something in her pretty face that made his gaze linger.
“D-do you want to kiss me?” mayamaya ay pabulong na tanong nito.
“You have no idea,” puno ng frustration na sagot niya. His voice was already low and raspy.
Jaidon felt the crotch of his pants getting tighter. Sweet heavens. He was already having a boner.
“G-gusto rin kitang halikan,” amin ng babae na lalong nagpainit sa kanyang pakiramdam. “ I-I … I feel weird.”
Hindi niya napigilan ang sumunod na sinabi. “You’re aroused, like me.”
“Oo yata.” Lumunok ito. “Ang init ng pakiramdam ko, p-pero alam ko, hindi dahil sa Chivas. ”
“Me, too.”
Umangat ang isang sulok ng bibig ni Pepper. Hindi niya alam kung sinadya nitong gawin iyon dahil mas nagmukha itong kaakit-akit.
“Ano nang gagawin natin?”
Hindi nakasagot si Jaidon. Pero ang kanyang inner voice ay iisa lang ang paulit-ulit na sinasabi: I want to fuck you, Pepper.