NAG-IIMPAKE si Karina sa guest room nang papasukin ito ni Pepper.
Tumayo lang siya sa tabi ng babae, iniisip mabuti kung ano ang sasabihin. She was still pissed off at her, but strangely enough, she didn’t feel any urge to yell or cuss.
Si Karina ang unang nagsalita. “I tried seducing your husband last night,” pag-amin nito , hindi tumitingin sa kanya. “Nagsinungaling ako nang sabihin kong hindi ko alam na nasa swimming pool siya nang pumunta ako doon.”
Hindi siya nagkomento. Inaasahan na niya iyon kaya hindi na siya nagulat pa. Mas nagugulat siya at nakakaya niyang pakiharapan nang mahinahon ang babaeng ito ngayon. Siguro, hindi pa naman ganoon kalala ang pagkapalengkera niya at hindi pa niya ito kinakaladkad palabas ng pamamahay ng kanyang asawa. O, siguro ay hindi talaga siya ganoon kabayolante.
“You can get mad at me, too. Go on, hurt me; I deserve it. Hindi ako lalaban,” hikayat naman nito habang nagtutupi ng mga damit sa ibabaw ng kama.
“What for? Hindi naman bumigay sa iyo ang asawa ko, hindi ba?” mapaklang sabi niya. “Dapat nga, pinagtatawanan kita ngayon. Imagine, sa ganda at sexy mong `yan ay tinanggihan ka pa rin?” pangungutya pa niya.
Mapait itong tumawa. “Kailangan mo pang ipamukha `yan sa akin?”
“Kahit man lang doon ay makaganti ako. I trusted you, Karina, you know that?” hinanakit niya sa babae. “Kahit ang totoo, gusto kong magduda sa iyo noong una ay kinontra ko iyon kasi gusto kita. I thought you were my friend. So, ano’ng tawag mo doon sa pakikipaglapit mo sa akin, purong kaplastikan lang lahat ng mga `yon?”
Doon na tumingin si Karina sa kanya. “Pinipilit kong maging malapit sa iyo dahil kay Aaron. Gusto kong siguraduhin na magiging mabuti kang madrasta sa kanya. Dahil alam kong sa kabila ng pagkakaroon namin ng anak ni Jaidon, at kahit sabihin ko sa kanyang hiwalay na kami ng asawa ko ay hindi na siya babalik pa sa akin.”
“Matatanggap ko naman ang pagkakaroon niya ng anak sa iyo, matatanggap ko si Aaron sa buhay ko. Okay na sana kung hindi mo nilandi ang asawa ko. Naiinis tuloy ako sa iyo ngayon.”
“Jaidon told me everything about your marriage.”
Tinaasan niya ito ng kilay, matatag naman itong tumingin sa kanya.
“You mean `yong bigla na lang kaming nagpakasal kahit wala naman kaming relasyon dati? Na walang pag-ibig talaga sa pagitan namin?” Kaya pala malakas ang loob nitong landiin ang kanyang asawa, may nasilip itong oportunidad.
“Basically.” Nagkibit-balikat si Karina. “Well, I just tried my luck. And I was doing it mainly for my son. Naisip ko lang na siguro mas mapapadali kung magsasama kaming tatlo ni Jaidon. Ganoon akong klase ng tao, Pepper. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko sinusubukan. What can I do? Everybody got a bad side.”
“Siguro nga. Pero nasa sa iyo kung gusto mong gamitin ang bad side na iyon. Hindi iyon excuse para gumawa ng hindi mabuti at makasakit ka ng ibang tao.”
“I’m not making an excuse, I know what I did was wrong. Minsan kasi, binubura rin natin ang kontrol sa ating mga kilos kahit alam nating mali. I think you know that.”
Oo nga naman. `Kapal ng mukha niyang sabihin iyon kay Karina, siya nga mismo ay hindi niya napigilang magwala kagabi. Kung hindi siya naiposas ng asawa ay baka kung ano na ang nagawa niyang pananakit dito. Nagdilim talaga ang paningin niya.
“And, yes. I like you, too. Mahirap yatang hindi ka magustuhan, Pepper. Now I know why Jaidon refused me so effortlessly,” sabi pa ni Karina.
Umupo si Pepper sa gilid ng kama. “Anong plano mo ngayon if you don’t mind me asking?”
Bumuntong-hininga ito saka isinara ang maleta. “Dito muna kami ni Aaron sa Pilipinas, sa Quezon City. Sabi
ni Jaidon, puwede daw akong bumalik sa law firm ng pamilya niya at pinag-iisipan ko iyon.”
“Siguro nga ay mas mabuting dito na lang kayong mag-ina. Para hindi masyadong malayo si Aaron sa daddy niya,” suhestiyon niya naman.
Ngumiti si Karina. “Hayaan mo, pag-iisipan kong mabuti.” Tumabi ito ng upo sa kanya. “Pepper, I’m sorry. Alam kong hindi mo ako mapapatawad but I’m asking for your forgiveness anyway.”
Hindi siya nagsalita. Medyo matatagalan siguro bago mawala ang awkwardness sa kanyang pakiramdam para sa babaeng ito. But for sure, she knew that one day, they could start being friends over again. Mahirap mang aminin at weird din siguro para sa iba pero ang totoo, humahanga rin siya sa guts ni Karina. This woman knew exactly what she wanted but she also knew when to quit. Hindi ito pa-victim, hindi nito gina-glamorize ang mga ginawa nitong mali. Inamin nito iyon at humingi ng tawad. Amazing. Ngayon lang siya nakakilala ng isang gaya nito.
Tumayo na si Pepper. “Ingat sa biyahe,” sabi niya kay Karina at matipid na ngumiti dito.
Nasalubong niya si Jaidon sa salas, parang hinahanap yata siya. “Time for breakfast,” sabi ng asawa.
“Uhm, can I go back to bed? Inaantok pa ako,” tanggi niya naman.
“Are you okay?” dudang tanong naman ng lalaki, nahimigang hindi talaga siya inaantok.
Tinanguan niya ito. “I just feel tired.”
Nang pumihit siya para maglakad papunta sa hagdanan ay hinawakan naman siya nito sa braso.
“Pepper… Kung may problema—”
“Look, Jaidon.” Bumuntong-hininga siya. “Nag-usap na tayo nang masinsinan kagabi, `di ba? Lahat ng mga sinabi mo ay sang-ayon ako. Wala akong kinokontra,” matapat niyang sabi. “I just wanna be alone for a while. I need to breathe, please.”
She was glad na ayos na ang lahat, na may arrangement na silang napag-usapan tungkol sa bata; and honestly, okay lang naman sa kanya ang lahat. Wala siya sa lugar para may tanggihan at wala talaga siyang maramdamang protesta sa lahat ng planong inilatag sa kanya ni Jaidon. Pero na-overwhelm lang naman siya sa lahat ng mga kaganapan kagabi. Parang sa iglap, magbabago na uli ang buhay niya. At sa pagkakataong ito ay hindi niya napaghandaan iyon.
“Okay,” mahinang sabi ni Jaidon pero hindi pa rin siya binibitawan. “Thank you, Pepper.”
She forced a smile. “You’ve been thanking me since last night,” parang pagod na sabi niya sa asawa.
“Hindi ko lang alam kung paano kita lubos na mapapasalamatan sa pagtanggap at pagsuporta mo sa bahaging ito ng buhay ko.”
“Jaidon, asawa kita. Puwede ba naman kitang talikuran nang dahil sa nakaraan na hindi mo naman alam na nagbunga pala? Saka ginagawa ko rin ito para sa bata.” Kaya pala magaan agad ang loob niya kay Aaron pagkakita niya sa picture nito noon, konektado pala ito sa asawa niya. “A-and…” Bumuntong-hininga si Pepper. “I really think that this is the only right thing to do. I may be young and stupid, but I know that I can’t be self-centered all the time.”
Mabini siyang kinabig ni Jaidon saka niyakap. She lay her head against his chest, right where his heart was. Hindi niya alam kung dahil ba sa parang pagkakalunod pa rin niya sa mga pangyayari, pero lihim niyang naihiling na sana… sana ay isa rin siya sa mga dahilan ng pagtibok ng puso nito.
NAG-UUMAPAW sa kasiyahan ang dibdib ni Jaidon nang una niyang makita ang kanyang anak. Hindi naman pumalag si Aaron nang yakapin niya ito, kahit nagtataka ito nang sabihin dito ni Karina na siya ang Daddy nito.
Kung mayroon mang sorpresang naghatid sa kanya ng napakagandang pakiramdam ay si Aaron iyon. Mayroon siyang anak. Parte ng sarili niya, karugtong ng kanyang buhay. Kakaibang kaligayahan pala ang hatid niyon.
Aaron was conceived the last night Jaidon and Karina were together. Hindi na siya nagulat dahil wala silang proteksiyon noon at hindi siyento porsiyentong gumagana ang withdrawal method na makakapigil sa pagbubuntis. Anim na linggo bago nalaman ni Karina na nagdadalang-tao ito at kasal na ito noon kay Rick. Noong una ay inakala nitong kay Rick ang ipinagbubuntis pero habang lumalaki ang bata ay nagkaroon naman ng suspetsa ang asawa nito. Hindi kamukha ni Rick si Aaron, imbes ay kay Jaidon nakuha ng bata ang halos lahat ng features nito. Ang bahagyang maalon nitong buhok, ang tangos ng ilong, ang lapad ng noo, at ang mga mata na kulay malabnaw na kape. Dahil hindi matahimik ay sinabi ni Karina kay Rick ang nakaraan nitong ugnayan kay Jaidon. Doon na nag-umpisang naging mabuway ang pagsasama ng mga ito, lalo pa nang napatunayan sa paternity test na hindi nga si Rick ang ama ni Aaron.
“Galit pa ba sa akin si Pepper?” tanong ni Karina kay Jaidon nang nasa kotse silang dalawa para kumain sa restaurant. Tumutuloy ito sa bahay ng mga magulang nito sa Quezon City.
“Hindi ako sigurado sa galit; masama ang loob, oo. And I can’t blame her for that. Sabi niya, hindi muna siya sasama dito. Gusto niya kaming magkaroon ng solong pagkakataon para magsama ni Aaron. And I agree. Saka baka mas malito ang bata kung ipapakilala agad natin si Pepper sa kanya.”
“I-ikaw, galit ka pa rin ba sa akin?”
Hindi siya umimik.
“I’ll take that as a yes, I guess,” sabi ni Karina. “Minsan, ang hirap mo talagang pakiramdaman kahit parang habang-buhay na kitang kilala. Siguro, hinding-hindi na kita makikilala nang lubusan kahit kailan.”
“Nagtago ka ng lihim sa akin, Karina. I have a son that I didn’t know of. Sa palagay mo ba, ikakatuwa ko iyon?” maasim niyang sabi dito.
“I thought keeping it from you was the best option. Lalo na at nanalo ka sa pagka-gobernador.”
“Well, you are so wrong.”
“I know and I’m sorry.”
Bumuntong-hininga si Karina. Ramdam din naman ni Jaidon ang sakit at lungkot galing dito.
“ Jai, ” sabi ni Karina makaraan ang ilang saglit na pasulyap-sulyap ito sa kanya. “I never asked you to tell the press about our son, you know?”
Ang kanyang Ninong Valentin ang umayos ng isang maliit na press conference kung saan niya ipinagtapat ang totoo sa media. Ayun dito ay halo-halo daw ang reaksiyon ng tao tungkol doon. He shouldn’t give a shit anymore, pero hindi niya pa rin tuluyang maisawalang-bahala na may mga nasaktan siyang tao sa desisyon niyang iyon. Galit sa kanya ngayon ang ama niya, pati na rin ang kanyang lolo. Masama rin ang loob ng kanyang ninong nang hindi siya nakinig sa payo nito.
“Desisyon ko iyon.”
“Parte ba ito ng plano mo? Sa palagay mo ay makakatulong ito para masira ang clean image mo? You think mas effective ito kaysa ang isipin ng ibang taong may affair tayo?”
Napabuntong-hininga si Jaidon. “My image is the least of my concern at this point.”
“Talaga? Alam mo, I was shocked, really. I mean, I was just thinking of that possibility, pero nagulat pa rin ako nang aminin mong you really wanted to sabotage your re-election. And to think na ibang tao ang gagamitin mo para mangyari iyon, na iba ang masisisi at hindi ikaw mismo.” Nasulyapan niyang umiling-iling ito. “Wow… just wow. You, of all people… I never thought you are capable of such a scheme. Amazing.”
“Marami pang bagay ang hindi mo aakalain tungkol sa akin, Karina.”
Mayamaya ay tumawag si Pepper sa kanyang smartphone na nakakonekta ang Bluetooth sa console ng kanyang kotse.
“Anong gusto mong sabihin ko sa kanila?” tanong nito sa kanya pagkatapos ibalitang may mga media members na gusto raw itong kapanayamin tungkol sa kanyang pagkakaroon ng love child.
“Tell them anything you want, Pepper.”
“ S-sigurado ka? ”
“ Kung ayaw mong sagutin ang mga tanong nila ay huwag kang magsalita. But if you want to say something, then speak up.”
“Marami nga rin akong gustong sabihin. ”
“Good.”
“I miss you, Jaidon.”
Jaidon could feel the longing and sadness from his wife. At, ano ito? Nalulungkot din ba siya at nasasabik dito? “ Pepper …”
Napatingin siya kay Karina na nakikinig sa kanilang usapang mag-asawa.
“I’ll be home soon,” sabi niya kay Pepper. “I gotta go, all right?” paalam na niya.
Ngingiti-ngiti si Karina nang pindutin niya ang end call sa console.
“Too bad you’re already taken, mas madali sana ang lahat kung single ka pa ngayon. I would be willing to work it out with you sana, you know—you and me together, with our son,” makaraan ang ilang saglit ay sabi ng babae.
Hindi pinigil ni Jaidon ang pagkairita. “Karina, napag-usapan na natin ito.”
Tumawa naman ito. “Just saying. Alam naman natin ang totoo kung bakit mo pinakasalan si Pepper, hindi ba? Masisisi mo ba ako kung iisipin kong baliw na baliw ka pa rin sa akin hanggang ngayon?”
“Nagbabago ang lahat ng pakiramdam. Maaaring kumupas din sa pagdaan ng panahon.”
“You’re falling for her, aren’t you?”
Bumaling siya sa babae at kinunutan ito ng noo. “Paano mo naman nasabi `yan?”
“Hindi mo kasi kinayang magpanggap tayong may relasyon para magwala si Pepper at mag-eskandalo. I saw your eyes when she was raging, Jaidon. You didn’t want to hurt your wife.”
“I just don’t want to hurt anybody. Alam mong iyan ang problema ko noon pa,” pagtatama niya kahit matindi ang protesta sa kanyang loob-loob.
“So, what happens if you lose the election? Paano na si Pepper?”
Nagkibit si Jaidon ng mga balikat. Ayaw na niyang ilahad kay Karina ang kanyang iniisip. Pepper was just with him because of her impulsiveness. Pasasaan ba’t magsasawa din ito sa buhay na hindi nito kinasanayan. She would leave him one day. He just knew it, that was why he went on with his plan in the first place.
Napamura si Jaidon nang may parang kakaibang dating sa kanya ang isiping iiwan din siya ni Pepper. Naloko na talaga.
It’s just… Fuck it! It had been so difficult to be cold and detached towards his wife . She could get into his nerves and irritate the living shit out of him but he could never ever hate her. That silly woman was worming her way inside him and he was being helpless as hell. Nawawasak ang kalasag niya dito, nagugulo na nang husto ang kalooban niya. Binibigyan niya ito ng magagandang bagay na hindi niya alam na kaya pala niyang maramdaman at ipakita.
“I think she’s already in love with you,” pukaw pa ni Karina. “Siguro, hindi pa lang niya alam. `Di mo rin siguro nararamdaman iyon, `no? Manhid ka rin kasi minsan, Jai.”
Sa pagtataka ni Jaidon ay hindi niya ikinagulat ang sinabi ni Karina. Bakit? Dahil ba sa kakaibang koneksiyong naramdaman niya mula kay Pepper mula pa sa gabing unang may nangyari sa kanila? She gave him everything that night; and foolish as it may have seemed, he felt somewhat special because of that. And, now he was taking advantage of their situation. Evil bastard.
Oo na, kinakain na rin siya ng guilt. Putang-inang buhay ito.
“Can we not talk about this anymore?” pag-iwas ni Jaidon sa topic. “Ayokong pinapakialaman mo ako sa mga gusto kong gawin, Karina,” maawtoridad niyang sabi sa babae. “Ang pagkakaroon lang ng anak sa iyo ang tanging koneksiyon natin at hindi na lalalim pa mula roon,” paglilinaw pa niya.
“Fine.” Humalukipkip ito at dumiretso ng upo sa passenger’s seat. “`Yang gagong kapatid mo pala, ginugulo ako.”
Napasulyap dito si Jaidon. “Paanong ginugulo?” kunot-noong usisa niya.
Sumimangot si Karina. “Nagpunta siya dito noong isang araw. Tigilan ko daw ang panlalandi ko sa iyo.”
Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis sa narinig. Kailan pa naging pakialamero si Radley sa buhay niya?
“Hayaan mo, kakausapin ko siya.”
“ Pagalitan mo! ” inis pang sabi nito. “That brute! Sinabi ba namang siya na lang daw ang landiin ko at huwag nang mag-aksaya ng oras sa iyo.”
Natawa nang wala sa oras si Jaidon.
“I’m serious, Jai! Hindi ko gusto ang ginagawa niya. Masasapak ko iyon isang araw pag `di ako tinigilan.”
“What’s wrong, Karina? I thought you’re so tough to handle men,” tudyo niya sa babae. “Radley is six years younger than you, kayang-kaya mo siya.”
“ Argh! ” Humalukipkip ito at lalong sumimangot. “Son of a bitch. I don’t really like him kahit noon pa. Ibang-iba siya talaga sa iyo.”