HINDI nagpapunta si Radley sa doktor kahit putok ang bibig at dumudugo ang ilong nito. Gusto man ni Pepper na maawa sa lalaki ay mas nangibabaw naman ang inis niya rito.
“Gago ka!” umiiyak niyang angil dito sabay bayo sa dibdib ng lalaki.
Nakahiga ito sa mahabang upuan sa gazebo, katatapos lang lapatan ng paunang lunas nina Anton ang mga pinsala nito sa mukha.
Naubo si Radley. “Pati ba naman ikaw bubugbog sa akin?”
“Bakit mo ibinuking ang sekreto natin kay Jaidon? Gusto mo bang sirain ang pagsasama namin?”
“I didn’t know that you…”
“You didn’t know that what?” asik niya uli, pinigil ang sariling dagukan ito. Baka dalhin na ito sa doktor `pag nagkataon. “Akala mo hindi ako seryoso sa kasal namin? Na baka magbago ang isip ko at humiwalay din agad kay Jaidon, ganoon?”
Hindi ito sumagot bilang pagpapatunay na tama ang hinala niya. Why did she have this feeling that everybody who knew her were all thinking the same way? Ganoon ba talaga kababaw ang reputasyon niya?
Lalong naghinanakit si Pepper. “Ganyan ba kababaw ang pagkakakilala mo sa akin, ha? Anong klase kang kaibigan?” Matindi ang pagpipigil niyang sikmuraan ang lalaki.
“I’m sorry.”
“Sorry ka diyan. Gago ka talaga. The damage is done, Radley! Ngayon, galit na ang asawa ko sa akin.”
Ayaw niyang pumasok sa kuwarto kung saan kanina pa parang nagkukulong si Jaidon. Ni ayaw niyang lumapit sa pinto niyon. Nakita niya `yong sakit sa mukha nito, `yong tiim ng pagkakatingin sa kanya. Ngayon lang niya iyon nakita sa lalaki at hindi niya alam ang gagawin.
“Sa akin galit iyon, hindi sa iyo.”
Nagpilit bumangon si Radley, hindi naman ito tinulungan ni Pepper. Tadyakan niya pa ito!
“Buwisit ka. Bakit kailangan mo akong ilaglag nang ganoon? Tinaon mo pang mainit ang ulo niya,” umiiyak na sumbat niya.
“ Don ’t cry,” pagpapatahan nito sa kanya at marahang tumayo. “Sorry na.”
“Huwag mo nga akong hawakan. Galit ako sa iyo! Mabubugbog kita sa totoo lang,” inis na sabi dito ni Pepper sabay pahid ng mga luha. “Bakit ba kasi kayo nag-away? Bakit galit na galit si Jaidon sa iyo?”
Lalong nainis si Pepper nang ikuwento sa kanya ni Radley ang dahilan ng pakikipagsuntukan nito sa nakakatandang kapatid.
“Bakit mo nga kasi nilalandi si Karina?” kastigo niya kay Radley.
Nagduda siya nang hindi ito sumagot.
“May gusto ka sa babaeng iyon, ano? ” panghuhuli niya sa lalaki.
Sumimangot naman ito. “That woman hates me.”
“Pero gusto mo siya. Kailan pa, Rad?”
“ M-matagal na, ” pag-amin naman nito. “Noong unang kita ko pa lang sa kanya. Akala ko simpleng crush lang noon, pero nang makita ko siya uli, matindi pala.”
Pinitik ni Pepper sa noo ang lalaki. “Hindi ka pa rin dapat nagalit sa kuya mo dahil tama naman siya sa pagtatanggol kay Karina.”
“Nainis lang ako kay Kuya.”
“Dahil nagseselos ka?”
“Hindi lang dahil doon. There’s been this unspoken siblings rivalry between the two of us. Napakalaki kasi ng expectations ng pamilya namin sa aming dalawa ni Kuya. Tinakasan ko `yon, hinarap naman niya. I hate him for that, I guess. Why can’t he just say no? Palagi na lang siyang nagmamagaling.”
“Magaling talaga siya!” pagtatanggol naman ni Pepper kay Jaidon.
“Yeah, I know. And I hate him more for that.”
“Hindi kita maintindihan. Ikaw naman kamo ang paborito ng daddy at lolo mo. Gusto mo, ikaw din ang magaling? You can’t have it all, Radley.”
“I don’t want to have it all.” Tumingin sa kawalan si Radley. “But I want to have Karina. I don’t care kahit maging seksuwal lang ang relasyon namin. I just want to hold her, to kiss her… I just want her in my life, damn it,” madamdamin pa nitong sabi. May tama nga ang lekat kay Karina!
“Then go and get her,” hamon niya kay Radley. “Good luck kung papatulan ka niya,” kantiyaw niya sabay talikod.
“Pep!” pigil naman ni Radley. Liningon niya ito. “Please don’t tell my brother about this.”
“Wow! You’re asking me to keep a secret? Pagkatapos mong ibuking ang sekreto ko sa iyo? Naku, Radley, nagdidilim na talaga ang paningin ko sa iyong gago ka!”
“Please…” pagmamakaawa naman ng lalaki. “Just… j-just keep this between us for now.”
“Whatever, asshole!” Mabilis na bumira ng alis si Pepper.
HINDI sumalo si Pepper sa hapunan nang gabing iyon kahit anong pilit sa kanya nina Anton. Hindi rin bumaba si Jaidon mula sa kanilang kuwarto. Nagpunta na lang siya sa rec room at doon nagpalipas ng mga oras. Pasado alas-diyes na nang makaramdam siya ng gutom.
Natauhan siya at inisip na hindi makakatulong sa sitwasyon kahit magpakamatay pa siya sa gutom kaya bumaba na siya sa kusina. Nagulat siya nang madatnan niya doon si Jaidon na nagbubukas ng refrigerator. Nagutom na rin siguro ito kagaya niya.
“Hindi ka raw kumain, text sa akin ni Anton kanina,” sabi ni Jaidon. He sounded nonchalant, detached. Ni hindi siya nito nilingon man lang.
“Ano naman sa iyo?” mataray na sabi dito ni Pepper pero hindi naman niya napigilan ang pagkabasag ng boses. Ayaw na niyang umiyak sa harap ng lalaking ito, puwede ba?
Inilabas nito ang lalagyan ng lasagna sa ref saka naglagay ng kaunti sa isang platito. “You want some?” he offered her with his deadpan voice.
“Hindi ako nagugutom,” pagsisinungaling niya. “ G-gusto ko lang ng beer. ”
“May beer sa pantry sa taas. Hindi mo na kailangang bumaba dito.”
Ugh. Shunga talaga siyang magsinungaling! “Nakalimutan ko.”
Lumapit siya sa refrigerator at kumuha ng isang lata ng San Mig Light. Hindi na umimik si Jaidon at ipinasok sa microwave ang lasagna. Galit pa rin siguro ito sa kanya. Gusto niya tuloy uling umiyak.
Hawak ng dalawang kamay niya ang lata ng beer na naglakad palayo sa lalaki, saka siya tumigil sa may bukana ng kusina.
“Just to let you know,” sabi ni Pepper habang nakatalikod siya sa asawa. “I willingly ended up with you that night, it was a choice. It was maybe on a crazy whim, p-pero ginusto ko talaga iyon; hindi ko pinagsisihan iyon kahit kaunti.”
Wala siyang narinig mula kay Jaidon. Hindi siguro ito naniniwala sa mga narinig.
Nagpatuloy naman siya. “Hindi ko na mahal si Radley kung iyan ang iniisip mo ngayon.” Namamasa na naman ang kanyang mga mata at nababasag na ang kanyang boses. “At utang-na-loob, h-huwag mo sanang itanong kung bakit dahil hindi ko rin alam ang sagot. I just… I just know.”
Paghakbang niya palayo sa kusina ay binuksan niya ang lata ng beer saka sunod-sunod na tinungga iyon habang papaakyat siya sa master’s bedroom. Mabilis niya iyong inubos saka tumuloy na ng banyo para magsepilyo.
Gusto niyang maawa at matawa sa kanyang repleksiyon sa salamin, mugto ang kanyang lumuluhang mga mata habang gamit niya sa ngipin ang electric toothbrush. Matutulog siyang gutom at naghihinagpis at higit sa lahat ay galit sa kanya ang asawa.
Hanggang sa bumukas ang pinto ng banyo at pumasok doon si Jaidon.
Hindi niya naman ito liningon. Napaigtad na lang siya nang yumakap ito mula sa kanyang likuran.
Natigil siya sa pagluha nang malantad sa kanya ang mukha ng asawa mula sa salamin. His eyes were red and puffy like hers. Umiyak din pala ito?
Humalik ang lalaki sa kanyang sentido saka kinuha ang hawak niyang toothbrush at pinatay iyon.
“H-hindi pa ako tapos,” sabi niya habang puno ng bula ng toothpaste ang kanyang bibig.
“Kumain ka muna,” sabi naman nito, hindi siya binitiwan. Binuksan nito ang faucet.
Napahikbi si Pepper saka nagmumog. “P-pero galit ka sa akin,” sabi niya pag-angat ng mukha mula sa lababo.
“ No. ” Umiling si Jaidon saka inabot ang hand towel at pinunasan siya sa bibig. “I was mad at myself… a-at the situation. I was just a fool to believe in something that I didn’t really have to begin with.”
“A-anong ibig mong sabihin?”
“I-i just thought…” Tumikhim ito. “I thought you were mine right from the start.”
“But you have me now, Jaidon. All of me.”
Mataman itong tumingin sa kanya pagkabalik nito ng hand towel sa sabitan, parang hindi makapaniwala sa narinig.
“I’m your wife now. S-siguro, hindi mo lang nararamdaman iyon, o baka nagkulang ako sa pagpaparamdam. But God knows I am trying so damn hard,” lumuluhang sabi niya. “Kung hindi mo ramdam iyon, hindi kita masisisi, pero sana ay bigyan mo naman ako ng pagkakataong sumubok pa. Hindi kasi ako magaling sa ganito—sa commitment, sa responsibilidad. Madamot akong tao, lagalag, tamad matuto, m-madaming mali sa akin at alam ko naman iyon. Pero gusto kong magbago. At hindi ko lang ginagawa ito para sa iyo, ginagawa ko rin ito para sa sarili ko. Masaya akong sumubok na maging asawa mo at panindigan iyon sa abot ng makakaya ko. Kaya sana… s-sana, huwag ka munang bumitaw.”
Lumakas ang mga paghikbi ni Pepper. Ganito pala ang pakiramdam kung paano maging emosyonal, kung paano umiyak habang humihingi ng pakiusap, ng pasensiya.
“H-huwag mo muna akong pakakawalan, please. Hindi pa ako handa, hindi ko kakayanin,” pakiusap niya. “Ayoko kasing malayo sa iyo, Jaidon. Nasasanay na ako sa presensiya mo sa buhay ko. Hindi lang dahil sa magarbong lifestyle o sa masarap mong sex. G-gusto ko lang manatili sa piling mo. I am happy to be your wife.”
Napansin niyang bahagyang nagliwanag ang miserableng mukha ni Jaidon. Mayroong kuminang sa malulungkot nitong mata.
“I guess I just need to hear that from you.” Muli itong humalik sa kanya, sa sulok ng kanyang bibig. “I will not let you go, sweetheart. I’m all yours, remember?”
Humigpit ang yakap nito sa kanya at hinawakan niya naman ang isang kamay nito mula sa kanyang sikmura. Nang ipaling niya ang mukha dito ay doon na siya nito hinalikan sa mga labi. Ang isang kamay niya ay humawak sa leeg nito habang lumalalim ang pagsisiilan nila ng mga halik.
Inilagay ni Pepper ang buong sarili sa halik na iyon, ipinaramdam niya kay Jaidon na tanging dito lang siya nagpapasakop sa ganitong paraan, wala nang iba.
NAGISING si Pepper kinabukasan mula sa mumunting halik ni Jaidon sa kanyang mukha.
“Mmmm, you need to shave, Gov,” ungol niya nang maramdaman ang stubble nito sa kanyang pisngi.
Mahinang tumawa ang lalaki, hinalikan siya sa leeg. “Sorry I’m waking you up now, babe. Pasado alas-otso na ng umaga. I want us to have breakfast together before I leave for work.”
Doon na nagdilat ng mga mata si Pepper. “Papasok ka pala. Sana hindi mo na lang ako hinintay na magising.” Nag-inat siya at tinulungan siya ng asawa sa pagbangon.
“Ayoko sanang pumasok pero may early lunch meeting kami mamaya ng board members. I have to be there on time.”
Sinundan siya ni Jaidon hanggang sa banyo.
Natatawa tuloy siya habang umiihi. “Para kang sira, bakit ba sinusundan mo ako? Mauna ka na sa baba.”
Ngumuso naman ito. He looked awfully cute. “What, I just miss my wife.”
Kinilig naman siya sa sinabi nito. “Oo nga, isang linggo tayong hindi nagkita. Parang ang tagal-tagal sa pakiramdam.”
“I’ll make it up to you, I promise. Maaga akong uuwi mamaya. Let’s go out for dinner. Manood din tayo ng
sine o mag-shopping kung gusto mo.”
Hindi sa dining room siya inakay ni Jaidon kundi sa terrace sa ikalawang palapag ng bahay. Doon may nakahaing almusal na may kasama pang flower vase na may lamang sariwang mga bulaklak na galing sa hardin.
“Hmm, kakain ka nang madami?” tudyo niya dito nang ipaghila siya nito ng silya sa maliit na mesang pangdalawahan.
“Only if you eat a lot, too. I don’t want my baby to be hungry.”
Napangiti na lang si Pepper nang ang kanyang mister ang nagpahid ng butter at nagbuhos ng maple syrup sa kanyang pancake. Pinunasan pa nito ng table napkin ang gilid ng bibig nang may nag-smear doong syrup.
“Huwag kang masyadong malambing sa akin at baka hindi kita pakawalan ngayong araw, sige ka,” tukso niya sa asawa. “And eat your food, Jaidon!” natatawa pa niyang sabi.
Sa gitna ng pagkain ay hindi niya naiwasang kulitin ang asawa tungkol sa mga nangyari sa pagluwas nito sa Manila. Gaya naman ng kanyang inaasahan ang mga sagot nito. Nasasaktan din siya sa mga naging reaksiyon ng ama at lolo nito para sa isyu. Pero nagtutulak naman iyon sa kanya para maging matatag bilang asawa nito, na mas ibaon pa niya ang mga paa sa lupa sa pagtayo sa tabi ni Jaidon sa mga oras na ganito.
“I ’m sorry to hear that,” malungkot na sabi niya. Nagsisisi tuloy siya at ngayon pa niya binuksan ang topic na iyon. Napakasaya pa naman ng lalaki mula kaninang gisingin siya.
“You think I’m being selfish?” tanong ni Jaidon pagkatapos matahimik nang ilang sandali, parang hindi sanay na humihingi ng opinyon tungkol sa sarili nito.
Umiling si Pepper. “Siguro. But that doesn’t make you a bad person, Jaidon. Minsan, kailangan ding manindigan para sa sariling kagustuhan natin. Hindi lahat ng panahon ay ibang tao lagi ang iniisip natin. I think people are really selfish in nature, survival instinct kasi natin iyon.”
“Even if you hurt other people in the process?” bakas ang konsiyensiyang tanong nito.
Tumango siya. “Hindi `yan maiiwasan minsan.”
Sumilay ang maliit na ngiti mula sa asawa. “That’s very enlightening, Pepper. Thank you.”
Ngumiti din siya. “Saka ang babaw naman ng mga botante kung gagawin nilang dahilan ang pagkakaroon mo ng love child sa hindi nila pagboto sa iyo. Wala namang kinalaman iyon sa public service. Magkaiba ang personal na buhay sa politics. May mga politiko ngang napakalinis ng family background, religious pa kuno pero huwag ka dahil corrupt din naman ang mga lekat.”
Bumuntong-hininga si Jaidon habang hinahalo-halo ang kape. “I’ve been trying to do only the right things. But I’m not a perfect person, you see.”
“Gaya ng lahat ng tao at normal lang naman `yan. At iyon dapat ang tanggapin ng mga tao, lalo na ng daddy at lolo mo. Ano bang problema ng dalawang iyon sa iyo?”
“Mataas lagi ang expectation nila sa akin.”
“Well, kailangan na nilang ibaba iyon.” Inabot niya ang kamay ng lalaki na nakapatong sa mesa. “Jaidon, okay lang magkamali sa buhay. Ang importante, hindi mo tinatakbuhan ang mga pagkakamaling iyon at natututo ka ng leksiyon.”
“Yes, I know. Sa edad kong ito, marami pa akong dapat matutunan sa buhay.”
“At huwag mo ring kalimutan na sa edad mong `yan, malayo na ang narating mo. Sobrang dami na ng accomplishments mo at hindi lahat ng kaedad mo ay naaabot iyan. Kita mo ako, ang tagal naging gaga, walang direksiyon ang buhay. But now, with you…” Ngumiti siya nang matamis sa asawa. “I’m slowly finding my place under the sun.”
Humawak si Jaidon sa kamay ni Pepper na nakapatong sa kamay nito saka itinaas iyon. “I’ll be with you along the way, baby. Gusto kong gawin mo lahat ng mga bagay na magpapasaya sa iyo.”
“And, I will stand with you no matter what, Jaidon.”
At tinuldukan ni Pepper ang mga binitiwan niyang salita nang halikan ni Jaidon ang likod ng kanyang palad.
HABANG nag-aahit si Jaidon sa banyo ay nag-shower naman si Pepper. Lalabas siya ngayong araw para dalawin sa rehabilitation center si Ponzi. Ewan niya kung sasama pa sa kanya si Radley pagkatapos ng nangyari kagabi. Baka umuwi na pala ito sa Manila.
Nagbibihis na sa maluwang na walk-in closet si Jaidon nang matapos sa paliligo si Pepper. Suot ang maikling roba ay binuksan niya ang drawer kung saan nakalagay ang kanyang mga underwear. Napasinghap siya nang biglang yumakap mula sa kanyang likuran ang asawa.
She giggled when she felt her husband’s arousal on her butt. “Hmmm… Missed me?”
“You have no idea, Misis.” Hinagod nito ng ilong ang kanyang leeg. “But, damn it, baka ma-late ako.”
“Hindi ka na kasi dapat lumapit sa akin,” tudyo niya naman.
“How can I help it? Maamoy pa lang kita, naghuramentado na ang sandata ko,” hirap at frustrated na pahayag nito.
Hinarap niya si Jaidon at binuksan ang pantalon nito at mabilis na ibinaba kasama ang boxer shorts nito. “Kailangan mong makaraos. Let’s do a quickie.”
Kinalas ni Pepper ang tali ng roba at saka itinaas ang isang binti para iharap ang pagkababae sa asawa.
“You’re not ready,” nag-aalangan namang sabi nito nang hawakan niya ang pagkalalaki nito at akmang ipapasok sa kanyang lagusan.
“Mabilisan nga, ano ka ba,” tumatawang sabi niya naman. “C’mon, fuck me dry and just come already.”
“ Pepper … `You sure? I can wait—”
“Okay lang ako, promise.” Itinulak niya ang ulo ng pagkalalaki nito sa kanya at sumulong siya para bumaon pa ito.
Napaigik siya nang bumayo si Jaidon na hindi siya basa. Nakatulong naman ang natural lubricant sa loob ng kanyang pagkababae para hindi siya masaktan nang mag-urong-sulong ang asawa sa kanya. Naglambitin siya sa leeg nito habang hawak siya nito sa pang-upo at binabayo nang maririin. Hindi nga nagtagal ay nilabasan na ito agad.
“Damn, that was fast,” tumatawang sabi ni Pepper nang hugutin ng katalik ang ari mula sa kanya. She felt his cum running down her inner thighs. “O, magbihis ka na at baka nga ma-late ka.” Nabitin man siya ay masaya naman siyang nakaraos ang kanyang asawa.
Hinawakan siya ni Jaidon sa baywang pagkatalikod niya dito. “I still have time,” sabi nito at mabilis na inilapat ang kamay sa kanyang pagkababae. “Part your legs, babe,” he asked her while kneading her clit with his palm.
Sumandal sa dresser si Jaidon habang labas-masok ang dalawang daliri nito sa kaangkinan ni Pepper. Iba ngayon ang uri ng pag-atake nito sa kanyang pagkababae. May sadyang sinasagi ang mga daliri nito sa kanyang loob na naghahatid sa kanya ng kakaibang sensasyon. Climaxing from finger fucking wasn ’t new to her at all, but now, something was really strange and different. Mas magaspang, mas mabilis ang galaw ng mga daliri ni Jaidon sa loob niya. Siguro, nagmamadali lang itong ihatid siya sa sukdulan?
“J-Jaidon…” nagpa-panic na sabi ni Pepper nang magsimula nang mangatal ang kanyang katawan. Iba talaga ang pakiramdam niya. “Parang—parang maiihi yata ako!”
“ Let go, Pepper. Don ’t hold back,” hikayat naman ng lalaki at binilisan pa ang paggalaw ng mga daliri. He was stroking her G-spot so vigorously than ever, his palm massaging her clitoris. Mas matindi ang pressure kaysa sa dating ginagawa nito sa kanya. Nayayanig yata ang buong matris niya! “Trust me, you’ll like this.”
Napakapit siya sa batok ng asawa at ang isang kamay naman nito ay dumiin sa kanyang puson. Lalong umigting ang kakaibang nararamdaman niya. There was this strange kind of pressure ballooning up as her G-spot was being stimulated.
“Jaidon! Oh, shit, shiiiit!” tili ni Pepper nang iniliyad niya ang katawan para salabungin ang pagbagsak ng luwalhati sa kanya na para bang nagsabugan ang lahat ng parte ng katawan niya.
She came in a way that she didn’t even know that was really possible. She squirted.
“Oh, my Goooood!” mahabang daing niya, nanlalaki ang mga mata habang pinapanood ang sariling bumulwak ng maraming likido nang hugutin ni Jaidon ang mga daliri mula sa kanya.
Nawalan siya ng lakas nang makaraos, dumepende siya sa kanyang asawa para hindi siya matumba. Tumitirik na yata ang mga mata niya!
“A-akala ko… akala ko hindi posible `yon,” nasabi ni Pepper habang hinahalikan ni Jaidon ang kanyang buhok, yakap-yakap siya nito nang mahigpit. “Sa porn videos ko lang napanood `yon.”
“Most of them were fake, they were just peeing.”
Tumingala siya dito. “T-this is for real? I mean, itong nangyari sa akin, hindi talaga ihi `yong inilabas ko?” tanong niya sabay sulyap sa basang hardwood floor.
Umiling si Jaidon at itinapat ang basang kamay nito sa kanyang mukha. “It’s still debatable up to now. It came from your urethra, but I’ve read it has a different consistency than regular urine.”
Inamoy niya ang kamay nito. “It smells… fruity. ”
Isinubo nito ang isang hintuturo. “It tastes sweet, too.”
Humarap siya dito. “Gusto ko pa sanang ulitin kaso male-late ka na, Gov.”
“Shit, oo nga pala!” Mabilis itong kumalas mula sa kanya.
Nawalan naman ng balanse si Pepper at napaupo siya sa sahig.
“ Pepper! ” bulalas ni Jaidon at sinaklolohan ang misis. “I’m sorry, binitiwan kita.”
“No, no. Nanghina lang talaga ang mga tuhod ko,” tumatawang sabi naman niya. “ Don ’t mind me, just go!”