noveltoon logo noveltoon
The Governor's Wife

Chapter 30

Ch. 31 / 37 Nov 28, 2025

MAG-A-ALAS-DIYES ng umaga nang humangos na umuwi si Jaidon. Nagtataka si Pepper nang nakita itong paakyat ng hagdanan papunta sa ikalawang palapag ng bahay.

“Tumawag si Manang Tacing, nasugatan ka raw,” puno ng pag-aalalang sabi nito. “Are you all right? Saan ka nasugatan? Did it stop bleeding?” sunod-sunod nitong tanong habang patakbong umaakyat.

Napatawa si Pepper. “ Anuveh! Nahiwa lang ng kutsilyo ang hintuturo ko, ” balita niya sa asawa sabay taas ng kaliwang hintuturo na may Band-Aid sa dulo.

Agad nitong hinawakan ang kaliwang kamay niya pagkalapit nito.

“Malaki ba ang sugat? Baka kailangang maipatahi.”

Kinurot niya ito sa dibdib. “OA ka na, Gov.”

Nanlaki naman ang mga mata ni Jaidon sa kanya. “What? I’m just worried about my wife!”

“Maliit lang ang sugat. Bagong hasa kasi ang kutsilyo, dumulas sa hinihiwa kong carrots.”

“Sinabi ko na sa iyong hindi mo na kailangang makialam sa mga gawaing bahay.” Kinabig siya nito sa baywang at dumapo ang bibig nito sa ituktok ng kanyang ulo. “I don’t want you to get hurt.”

Yumakap naman siya dito. “Hmm, no pain, no gain. Mas masakit pa nga rito `yong na-devirginize mo ako.”

“I’m serious, Pepper.”

Ngumuso naman siya. “Well, gusto kong may ginagawa naman dito sa bahay. Saka enjoy naman akong tumulong sa pagluluto. Ang dami ko nang natututunang recipe. It’s really fun!

Hindi pa rin siya nito binibitiwan. “Yes, but—Just be more careful next time, okay?”

“Okay.” Humalik siya sa baba nito. “Napauwi ka talaga dahil sa akin?” kinikilig niyang tanong.

Ngumiti naman ito. “Yes. But I had to get back in the office right away. May ka-lunch meeting ako.”

“Aww, too bad.”

He chuckled. “Ayaw mo akong pakawalan?”

Sininghot niya ito sa leeg. “Ang bango-bango mo kasi,” gigil niyang sabi sabay kagat doon.

Lumakas ang tawa nito. “Woman, don’t start.” Tumunog ang smartphone nito pero hindi nito iyon inintindi.

“ Don ’t start ka diyan, ikaw itong umuwi dito.”

“Well, a little kiss won’t hurt, I guess,” sabi nito saka ibinaba ang mukha sa kanya.

Hindi pa nagdidikit ang mga bibig nila nang hangos na pumaroon sa may hagdanan si Manang Tacing at sumigaw ng malakas na “ Gov! ”

“Ano hong problema?” sita dito ni Jaidon, hindi pa rin binibitiwan si Pepper.

“May newsflash sa TV ngayon lang. Si Galdozo, nagpakamatay daw sa kulungan. Nagbigti gamit ang kumot,” hindi humihingang balita ng ginang.

Bagsak ang mga balikat ni Jaidon at doon na bumitaw mula sa asawa.

“Sa palagay mo, may foul play kayang nangyari?” naitanong agad dito ni Pepper.

Umiling ito, bakas ang lungkot sa mukha. “I don’t think so. Galdozo was being interrogated, that’s why he was in an isolated prison room. Natatakot siyang magsalita ng anuman laban sa sindikatong kinasangkutan niya dahil alam niyang manganganib ang kanyang pamilya kapag ginawa niya iyon.”

“At dahil takot siyang masaktan ang pamilya niya ay minabuti na lang niyang mag-suicide?”

“Kahit hindi siya magsalita ay alam niyang wala nang tiwala sa kanya ang sindikato. Maybe he thought they’d kill him or harm his family in one way or another.” Bumuntong-hininga si Jaidon. “I don’t want it to end like this. We offered protection for his family if he would talk but he didn’t accept it. Siguro, wala rin siyang tiwala sa amin.”

“Hindi mo kasalanan ang nangyari, Jaidon. Noong oras na sumali si Galdozo sa sindikato ay ibinaon na niya ang isang paa sa hukay. Alam niya kung ano ang naghihintay sa kanya.”

“Right.” Pinilit nitong ngumiti sa kanya. Muling tumunog ang smartphone nito. Ngayon ay alam na nila kung para saan ang tawag. “I have to leave now, Pepper.”

“Hindi ba ako puwedeng sumama sa iyo?”

Malungkot itong umiling. “No, sweetheart. Maraming darating na tao sa Kapitolyo, kailangan ko silang harapin lahat. I also want to lead the investigation and autopsy. Hindi kita maaasikaso doon at pati ikaw ay mapapagod.”

“O-okay.”

“Huwag mo na rin akong hintayin mamayang dinner, siguradong late ako na ako makauwi.”

Yumakap siya sa leeg nito. “Sige. Mag-iingat ka.” Hinalikan niya ito sa bibig bago ito pinakawalan.

Umuwi si Pepper sa San Roque nang tanghaling iyon at nagdala ng mga pagkain. Hindi makapaniwala si Mica na niluto niya ang five-spice glazed salmon, Peking pork chops at chicken afritada.

“Well, hindi ko solong niluto lahat. Pero ako ang nagtimpla kaya masarap sila,” pagmamayabang niya habang ihinahain nila sa mesa ang mga pagkain .

“Naku, Pepper. Huwag mo dalasan ang ganito, baka mawalan ako ng trabaho!” pabirong angal naman ni Mica.

Tumawa ang kanyang ama, halatang proud na proud sa kanya. “Tao na ang anak ko,” puri pa nito sa kanya.

“Papa naman! Bacteria lang ako noon, ganoon?” kunwa’y nakasimangot niya namang sabi rito.

Pagkatapos nilang kumain ay nanood sila ng TV, inabangan ang mga news flash na isinisingit sa mga commercial. Headline sa national news ang suicide ng dating police provincial office r, dumadami na ang miyembro ng media sa Kapitolyo at naghihintay sa press conference na gaganapin doon.

“Guilty kasi iyang Galdozo na `yan,” sabi ni Mica na lumabas mula sa kusina galing sa paghuhugas ng mga pinggan. “Tiyak na paawa na naman ang pamilya niya sa madalng pipol para si Gov na naman ang sisisihin.”

“Anak, mukhang sanay na sanay ka nang maging asawa ng gobernador, ah,” sabi naman sa kanya ng kanyang papa nang wala siyang komento’t kampanteng nakaupo lang doon.

Nagkibit-balikat si Pepper. “Parte na kasi `yan ng trabaho niya, Papa. Saka matapos `yong dalawang magkasunod na kontrobersiya ni Jaidon, parang nauubos na ang gulat sa katawan ko.”

“Hindi pa ba kayo nakakatanggap ng death threat?” tanong naman sa kanya ni Mica.

Kinilabutan si Pepper pero hindi siya nagpahalatang takot. “Hindi pa naman. Pero si Jaidon ay nakatanggap na raw dati pero hanggang pananakot lang daw iyon.”

Nagpipindot si Mica sa Smartphone nito at nagtatalak sa nakita roon. “Nakuuu! Umariba na naman ang BFF mong reporter, Pepper! Walang kupas talaga,” sabi nito sabay ipinakita sa kanya ang video ng Facebook Live ni Raffy Romero.

Napasimangot si Pepper sa napanood. Ang gago, talagang ang pamilya ng nagpakamatay ang inuna nitong kinapanayam. Panay ang tanong ni Raffy sa anak ni Florentino Galdozo, bukambibig ang ‘foul play.’ Tahimik naman si Warren, hindi sumasagot pero matiim na nakatingin sa video camera. Makikita sa mga mata nito ang galit at pagkamuhi.

Pagbalik ni Pepper sa Sta. Inez kinahapunan ay nagdala naman siya ng mga pagkain para sa mga kasama nila sa bahay. Nag-take out siya sa Chowking para hindi na sila magluto para sa dinner.

Hindi pa siya nakakababa mula sa kotseng ipinasok niya sa garahe nang makatanggap siya ng text message mula kay Jaidon.

Babe, I’m so tired. :(

Nakaramdam siya ng bigat sa dibdib, parang gusto niyang maluha sa nabasa. Ngayon lang ito nagsabi sa kanya tungkol sa pagod at kung hindi lang siya nito binilinan na huwag magpunta sa Kapitolyo ay susugod siya talaga roon. Hindi niya lubos maisip kung paano ang eksaktong nararamdaman ngayon ng kanyang asawa. Sa napanood niyang video ng news conference kanina ay mahahalatang emotionally exhausted ang gobernador, hindi ito masaya sa nangyari.

Hindi niya alam agad kung ano ang ire-reply. Ano ba ang puwede niyang sabihin para gumaan kahit kaunti ang loob nito?

I’m sorry, love. Please come home soon. :( Iyon lang ang naisip isagot ni Pepper.

Love talaga ang itinawag niya? Hays. Kung puwede lang siyang mag-I love you kay Jaidon just for the heck of it.

Just for the heck of it? Bakit parang hindi lang ganoon ang totoong nararamdaman niya?

PASADO alas-otso ng gabi nang umuwi si Jaidon. Nasa hardin si Pepper at bumaba ang gobernador mula sa kotseng minamaneho ni Anton sa driveway nang makita siya roon.

“Kumain ka na ba? Baka hinihintay mo na naman ako,” bungad nito sa kanya nang makalapit. He looked tired and weary but that didn’t stop him from giving her a warm smile. In fact, parang bahagyang nagliwanag pa ang mukha nito nang masilayan nang mas malapit.

“Kumain na ako. Baka ikaw ang hindi pa nagdi-dinner,” sabi niya dito sabay yakap nang mahigpit.

“I had a late snack, hindi pa ako gutom.”

“Okay. Magdi-dinner uli ako mamaya kasama mo,” nakangiting sabi niya saka humalik sa pisngi nito. “Okay lang na mga tira sa lunch ang kainin mo? Hindi na kasi ako nagpaluto ng dinner.”

“Ayos lang.”

Marahang hinila siya nito sa silyang bakal kung saan siya pinaupo sa kandungan nito. Tahimik na isinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg.

“Are you okay?” nag-aalalang sita dito ni Pepper nang hindi ito umiimik ilang sandali na ang lumipas.

“Yes. I just want to hold you like this.”

Gusto niyang magtanong tungkol sa mga nangyari sa Kapitolyo pero pinigil niya ang sarili. Pagod ang kanyang asawa. Isa pa, nasabi naman sa balita ang lahat. May resulta na ang autopsy at ayon din sa imbestigasyon ay walang bakas ng foul play sa Galdozo suicide.

Hinaplos niya ito sa buhok, huminga naman ito nang malalim at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.

“Thank you, Pepper.”

“For what?” malambing niyang tanong.

Doon na nag-angat ng mukha ang gobernador. “For being in my life,” sagot nitong may maliit na ngiti sa mga labi. “For everything. I’m just so glad that I married you. You make everything so much easier for me to bear. You’re my little piece of heaven, you know that?”

Parang maiiyak yata siya sa narinig. “Mas thankful ako at kasama kita ngayon, Jaidon.”

“Kinukulit na naman ako ni Vice kanina. Kailangan ko raw ng mahabang bakasyon,” mayamaya ay sabi nito.

“Tama siya. Puro ka na lang kasi trabaho. S-saka sa lahat ng mga nangyari sa iyo nitong mga nakaraang buwan, makakabuti rin ang mahabang pahinga.”

“Oo nga. Saka halos wala na akong panahon para sa iyo.” Pumisil ito sa kanyang baba.

“Don’t mind me. Basta umuuwi ka lang na ligtas palagi sa akin, masaya na ako.”

“May importante akong gustong sabihin sa iyo, Pepper; madami tayong dapat pag-usapan. Siguro nga, kailangan muna nating lumayo na tayong dalawa lang, `yong malayo talaga, hindi sa Tagaytay lang,” napakaseryosong sabi nito. “Pagkatapos ng birthday ni Lolo, puwede tayong umalis ng bansa ng isang buwan. Saan mo gustong magpunta?”

“Gosh!” bulalas ni Pepper, nabuhay ang kanyang kaluluwang gala. Pero sa kauna-unahang pagkakataon ay wala siyang maisip na lugar. “I dunno. But I’d go anywhere as long as I’m with you, Jaidon.”

Nagulat siya sa sinabi. Iyon na pala ang importante sa kanya ngayon, ang makasama ang kanyang asawa kahit saan. Ni hindi niya inisip dati na darating siya sa puntong hindi na puro sarili niya ang iniisip. Heto siya ngayon —may asawa, mayroon ding magandang layunin para sa ibang tao. She was very glad that she took the plunge and married this man. She could no longer imagine a life without him.

“Nakakainis ka,” mayamaya ay natatawang sabi niya.

Kinunutan siya nito ng noo. “Bakit na naman?”

“Why do you have to be this extra sweet?”

“Anong kaso naman `yon?”

Sumimangot si Pepper. “E-eh, kasi…”

“What’s the matter, baby?” Hinawi ni Jaidon ang ilang hibla ng buhok mula sa kanyang noo.

Tumingin lang siya rito.

“You’re worried you might be falling in love with me already?” hanggang sa mabining tanong ni Jaidon, na para bang umaasa ang tingin nito sa kanya. Hindi… hindi umaasa lang. Parang alam na nito ang sagot?

Ngumiti siya nang buong-pagsuyo; ngumiti rin ang lalaki, may kakaibang kislap ang mga mata. Isang matamis na halik ang naging tugon niya sa tanong ng asawa.