IKA-EIGHTY -sixth brithday ni ex-vice president Crisostomo Silvanus nang gabing iyon at ginaganap ang munting pagtitipon sa ancestral home ng mga ito. Hindi na ito nag-imbita ng maraming tao, halos malalapit na kamag-anak at kaibigan lang nito ang naroroon. Ayon dito, tapos na ito sa mga araw na parang piyesta tuwing kaarawan nito. The old man wanted a simple and intimate party.
Hawak ang isang baso ng whiskey ay nilapitan ni Radley si Jaidon na nasa hardin, kakapaalam lang ni Pepper na gagamit ng banyo.
“We need to talk,” seryosong-seryosong sabi ng kapatid.
“Is everything okay?” tanong naman ni Jaidon dito sabay abot sa baso ng alak.
Bumuntong-hininga si Radley bago tumugon. “I slept with Karina. Twice.”
“What the—” Nanlaki ang mga mata niya, hindi siya nakapagsalita agad dahil prinoproseso ng kanyang utak ang narinig kung biro ba iyon o hindi. Pero mukhang seryoso talaga ito. “Radley! Masasapak kitang gago ka,” hanggang sa maibulalas niya. “How could you do that? Ina ng anak ko—ng pamangkin mo si Karina. Are you out of your fucking mind? Pati ba sila ay paglalaruan mo—”
“I love her. Hindi ko siya pinaglalaruan,” mabilis namang pigil nito sa panenermon niya.
“You love her?” gulat na tanong niya.
Tumango ito. Nakitaan niya naman ng katotohanan ang mga mata nitong para pa yatang maluluha. Unbelievable.
“Y-you don’t know how much I have been hurting all these years, Kuya,” deklara nito sa bahagyang basag na boses. “I want her in my life, so much. At iyon ang gusto kong hingiin sa iyo ngayon—ang hayaan akong maging parte ng buhay ni Karina at ng anak mo. Mahal na mahal ko sila. I will give you my word; magtitino ako, mananatili na ako dito. I will be a good stepfather.”
Bumuntong-hininga si Jaidon, hindi pa rin makapaniwala.
“Kuya… please,” pagmamakaawa pa ni Radley. “I know it’s gonna be awkward at pag-uusapan na naman ng mga tao ang pamilya natin, but I really don’t care. Haharapin ko kahit ano. I just want to be happy with Karina and Aaron. And I need you to be okay with it.”
Natahimik din siya ng ilang saglit bago nagsalita. “Sa pagiging pangalawang ama mo sa anak ko ay wala akong magiging problema. Pero si Karina ay may sariling isip, hindi ko kayang hawakan pati iyon. Ikaw lang ang makakadiskarte diyan, Rad.”
“She wanted me, too. I can feel it,” siguradong-siguradong sabi naman nito. “Hindi iyon papayag na may mangyari sa amin nang dalawang beses kung ayaw niya talaga sa akin. Isa pa, may tiwala siya sa akin. She even told me about your secret.”
Kumunot ang noo niya. “What secret?”
“`Yong tungkol sa pagpapakasal mo kay Pepper.”
Nahilot niya ang sariling noo saka tinungga nang dalawang beses ang hawak niyang baso.
“I can’t believe you did that!” bulalas ng kapatid. “Sabi ko na nga ba, hindi ka magpapakasal nang ganoon-ganoon na lang. Kuya, Pepper is my friend. Ayokong saktan mo siya. So please stop this already. Kung ayaw mo na talaga sa politika, just quit the election and stop using her to ruin your reputation.”
Magsasalita sana si Jaidon nang namataan niyang nakatayo malapit sa kanilang magkapatid si Pepper, nanlilisik ang mga matang lumapit ito sa kanya.
“ Pepper —” Hindi niya naituloy ang pagpapaliwanag sa asawa dahil lumagapak agad ang palad nito sa kanyang mukha.
Nanginginig ang mga labi nito, pulang-pula ang mukha. Wrath, pain and disillusionment were evident in her face. Napinid ang bibig ni Jaidon sa biglang pagsikip ng kanyang dibdib.
“P-paano mo ito nagawa?” garalgal pero galit ang boses na tanong ni Pepper sa kanya. “You have been fooling me all this time?! Putang-ina, Jaidon! Bakit hindi ka magkaroon ng bayag na umurong na lang sa eleksiyon kung ayaw mo pala? B-bakit kailangan mo pa akong gamitin? Para sa akin ibunton ang sisi, para hindi pa rin tuluyang masira ang image mo, ganoon?”
Hindi niya alam ang unang sasabihin. Nasasaktan siya nang lubos sa nakikitang mga emosyon sa mukha ng babae. The pain was so massive he was not ready for it.
Bastard, bastard! He did this to her. He just broke his wife’s heart. Ang dalisay na puso nitong walang ibang ibinigay sa kanya kundi pagmamahal.
“Bakit kailangan mo pa akong—B-bakit mo hinayaan na, na… Why did you let me fall in love with you?”
“Pepper, baby, let me explain—”
“Fuck you!” sigaw nito sa kanya, hinugot ang wedding ring mula sa palasingsingan nito at ibinato sa kanyang dibdib. Mabilis itong tumakbo palayo.
Nang magtangka siyang humabol ay may nabangga naman siyang isang ginang na mula sa mga bisita. Tumilapon ang hawak nitong plato ng pagkain at muntikan na itong mabuwal. Hindi tuloy siya magkandatuto sa pag-aalalay dito at paghingi ng paumanhin.
Nang hanapin ni Jaidon si Pepper ay nakita niya itong palabas na ng gate.
SA matinding galit ay hindi man lang nakaiyak si Pepper. Ang bigat-bigat ng kalooban niya nang mga sandaling iyon. Daig pa niya ang nakatanggap ng masamang balitang may taning na ang buhay niya. She was that hurt.
Paniwalang-paniwala pa naman siya na seryoso ang gobernador sa pagpapakasal sa kanya. Isa’ t kalahating gago rin pala! Marunong lang magtago ang punyeta. At siya namang tanga ay naniwala agad, ni hindi na nag-isip maigi kung bakit pakakasalan ng isang mataas at kilalang tao sa lipunan ang isang gaya niyang hindi nababagay dito.
Nagtiwala siya, naniwala siya sa lahat-lahat ng sinabi ni Jaidon sa kanya! Hindi lang `yon, lahat ng ipinaramdam nito sa kanya ay tinanggap din niya at pinaniwalaan. She thought he adored her, lusted over her. Fuck him! `Yong lust siguro ay hindi nito maitatanggi dahil totoo ang mga naramdaman niyang pagnanasa galing dito, hindi iyon mapepeke ng lalaki. Gusto niya tuloy matawa nang sarkastiko, at least may totoo rin pala itong ipinadama sa kanya.
Putang-ina.
Bakit ba hinayaan niya ang sariling umibig sa lalaking iyon? At bakit sobrang sakit pala ang matuklasan niyang ginagamit siya nito? She could’ve punched him, clawed him and kicked him by the balls. Pero ang lahat ng mga iyon ay hindi sapat para mawala ang hapding lalo pang tumitindi sa kalooban niya. Kung puwede lang na panawan muna siya ng malay para hindi muna siya masaktan.
Isa sa sari-saring pakiramdam ni Pepper sa mga sandaling iyon ay ang isang munting pag-asang nagpipilit umalpas. Na baka may magandang rason si Jaidon, o baka hindi totoo ang mga narinig niya.
But no. She saw the guilt in his eyes. Guilt and so much more…
Isa pa, bumubuhos na ang mga nagdaang eksena sa kanyang alaala. Kung bakit siya biglang pinakasalan ni Jaidon, kung bakit siya nito iniwan sa Japan at hinahayaang palaging umaalis ng bahay na nag-iisa; na wala itong pakialam kahit ano pa ang gawin o isuot niya. Hinahayaan rin siya na magkalat sa media—hinamon pa siya nitong mag-away sila habang pictorial nila. Come to think of it, kahit si Radley nga ay may naamoy na kakaiba, siya lang itong masyadong gullible talaga at hindi nag-isip ng masama. And, Karina … Kaya siguro ito pinatuloy ni Jaidon sa bahay nito, gusto nitong magwala siya dahil doon. At kaya pala malakas ang loob nitong akitin ang kanyang asawa. Karina knew Jaidon’s scheme all along!
It all made sense now, everything…
Hanggang sa narinig ni Pepper ang boses ni Jaidon, humahabol ito sa kanya, tinatawag ang kanyang pangalan. Pinigil siya nito sa braso nang nakaabot.
“I hate you! And this time, I really, really mean it!” bulyaw ni Pepper sa mukha ng lalaki.
“Just hear me out, please,” pakiusap naman nito. “Ito `yong sinabi ko sa iyong importanteng pag-uusapan natin sa bakasyon natin.”
“Ay talaga? Hihintayin mo pa ang bakasyon natin bago mo ipagtapat sa aking niloloko mo lang pala ako?”
Natataranta ang gobernador. “Hindi kita niloloko— It might have started that way but, no… Look, babe, hindi ko lang alam kung paano ko ito sasabihin sa iyo nang maayos dahil marami nang nangyari at nabago sa pagitan natin. And, Pepper, I—” Bigla itong nagpaling ng tingin sa bandang likuran niya.
Nagulat na lang si Pepper nang may biglang pumutok nang tatlong beses at kasabay niyon ay mabilis siyang hinapit sa baywang ni Jaidon at kasama siya nitong nag-dive sa pagitan ng dalawang kotseng nakaparada sa gilid ng kalsada.
Anong nangyayari?!
Mas dumami ang mga putok na galing sa baril, nag-ricochet ang ilang balang tumama sa pinagtataguan nilang SUV. Oh, my God. May mga bumabaril sa kanila!
“Stay down,” sabi sa kanya ni Jaidon, hinagilap ang Bersa .380 CC na nasa ankle holster nito.
Napakabilis ng mga pangyayari. Namalayan na lang ni Pepper na may isang lalaking nakaitim na lumapit sa kanila. Mabilis naman si Jaidon na naiputok ang baril nito at tinamaan sa braso at dibdib ang attacker nila. Nakaisang putok pa ang lalaking nakaitim bago nabitiwan ang baril at nalugmok, sa lupa tumama ang huling bala nito. Alerto pa rin si Jaidon, naghihintay na baka may kasama pa ang gunman, pero wala na silang ibang nakita at wala na rin silang narinig na putok.
“Pepper, are you okay?” tanong sa kanya ng gobernador.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Walang masakit sa kanya. “I-I think so. Yes.”
Nakalapit na sa kanila si Anton na may hawak na Glock pistol. Gigil na itinutok nito ang baril sa lalaking nakabuwal sa lupa na ngayon lang nila namukhaan sa ilalim ng street lamp. Si Warren iyon, ang anak ng nagpakamatay na dating Police Provincial Officer na si Florentino Galdozo. Buhay pa ito, pinipilit abutin ang baril nitong may kalahating metro ang layo mula sa kamay nito pero mabilis namang pinulot iyon ni Anton.
“ Anton, don ’t,” matigas na saway ni Jaidon sa bodyguard nito na parang gusto nang tuluyan si Warren.
Ipinukpok na lang ni Anton ang baril nito sa batok ni Warren, doon naman ito nawalan ng malay. Mabilis itong kinapkapan at may natagpuan pang isang baril sa loob ng suot nitong itim na jacket.
Hindi pa rin humihinga si Pepper dahil sa matinding pagkagulat, nakasalampak pa rin silang mag-asawa sa lupa. At doon niya lang napansin ang dahilan kung bakit hindi pa tumatayo si Jaidon.
“J-Jaidon…” balot ng kilabot na usal niya nang makita ang basang likod ng asawa. Napatingin din siya sa kamay niyang nakahawak doon. Basa. Basa ng dugo. “My God. M-may tama ka.”
“Y-yeah…” hirap namang sabi nito, nakangiwi; sa bibig na humihinga.
Kung may pakiramdam siguro `yong pinanghinaan ng lahat ng parte ng kanyang katawan at isipan ay iyon ang nararamdaman ni Pepper nang mga sandaling iyon. Her husband was shot! Kung may pumipigil man sa kanya na panawan ng ulirat ay ang kagustuhan niyang samahan doon si Jaidon, na hindi ito iwan sa ganoong kalagayan. At ayaw din niyang iwan siya nito.
Iniisip pa lang niya na mawawala ito ay… Diyos ko, Diyos ko, hindi ko kakayanin!
Niyakap niya nang mahigpit ang lalaki. “Anton, kunin mo ang kotse, dali!” sigaw niya sa bodyguard na sasaklolo sana sa kanilang mag-asawa.
Hangos na nakarating sa kanilang kinalalagyan ang dalawang bodyguards ni Senator Emmanuel Silvanus. Pinosasan ng isa sa mga iyon si Warren.
“J-Jaidon… please, please, don’ t! ” umiiyak niyang sabi sa asawa nang mag-umpisang bumagsak ang katawan nito sa kanyang mga kamay. “Huwag kang pipikit, okay? Dadalhin ka na sa ospital, malapit lang dito `yon. You’re gonna be all right, babe.”
Pilit na inabot nito ang kanyang pisngi, hirap na hirap na sa pagkilos. “P-Pepper…” Halos bulong na lang ang boses nito. “ I-I …” Napaubo ito at may lumabas na dugo mula sa bibig nito.
Lumakas ang iyak ni Pepper nang tinatangka pa ring magsalita ni Jaidon kahit dugo at hindi na mga salita ang lumalabas mula sa bibig nito. She faintly heard Aaron’s name, then her name. At may iba pang sinasambit ang duguang gobernador.
“Sssh, it’s okay, it’s okay… h-huwag ka nang magsalita. Mamaya na tayo mag-usap, Jaidon. ”
Nanginginig siyang pinahid ang duguang mga labi nito, panay ang tawag sa Diyos sa loob-loob. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya natakot nang husto, at napadasal. Hindi na niya naisip na mahiya sa langit na ngayon lang niya naisip na katukin, ang buhay ng lalaking iniibig niya ang nakataya dito!
“Jaidon! No, no!” tili niya nang ipipikit na nito ang mga mata. Tinapik niya ito sa pisngi, niyugyog nang marahas. “Huwag mong gawin ito sa akin, please. Look at me, sweetheart, look at me!”
Halos maglupasay sa iyak si Pepper nang pumikit si Jaidon at hindi na muling nagdilat ng mga mata. Lumuhod sa tabi nila ang isang bodyguard ni Emmanuel at hinawakan sa pulso ang gobernador.
Lalo niya itong niyugyog. “Open your eyes! Ano ka ba, Jaidon! Don’t leave, oh, God… D-don ’t leave me, please!” Kakayanin niya sigurong mawala si Jaidon sa kanyang buhay, pero, Diyos ko, hindi sa ganitong paraan. “I love you… I love you.”