Someday…
NAGHAHANDA na sa pagtulog ang mag-asawa sa kanilang kuwarto sa Malacañang Palace, minamasahe ni Pepper ang likod ng kanyang mister habang nakaupo sila sa kama. Kadarating lang nito mula sa APEC Summit na ginanap sa Japan. Hindi siya sumama dahil abala rin siya sa mga proyekto bilang First Lady, ayaw niya ring iwan ang kanilang dalawang anak. Oo nga’t may yaya ang mga ito pero iba pa rin para sa kanya kung may pag-aaruga mismo ng isang ina.
“If they want to kick her out, then let them. I don’t have a problem with that,” sabi sa kanya ni Jaidon nang ibalita niya ang resulta ng pakikipag-usap niya sa may-ari at principal ng all-girls school na pinapasukan ni Alyanna. Nakipag-away na naman daw ito sa mga kaklase.
Twelve years old na ang kanilang panganay at nakikita ni Pepper dito ang sarili. Pasaway rin si Alyanna gaya niya noong kabataan niya. Medyo tamad din itong mag-aral at mahilig maglakwatsa. Hindi naman sila lubusang nagagalit dito dahil mapagmahal itong anak, sadyang may sarili lang itong pag-iisip. She was not a terrible kid either, she just didn’t want to follow rules all the time.
“Sinabi ko na sa iyo, hindi ko gagamitin ang kapangyarihan ko bilang presidente para ayusin ang gulong gagawin ng mga anak natin,” sabi pa ni Jaidon.
“Ugh. Si Alyanna lang naman ang gumagawa ng gulo. Your Junior is well-behaved just like you. Ewan ko ba sa panganay natin. Karma ko na yata ito, Jaidon. My God. Now I know kung anong klaseng kunsomisyon ang ibinigay ko sa parents ko noon. Dadami yata ang uban ko sa batang iyan!”
Tumawa ang kanyang asawa. “Ipinaglihi mo kasi sa sama ng loob,” biro nito.
Hinila ni Pepper ang tainga nito.
“Hey, tandang-tanda ko pa ang pagpapahirap mo sa akin habang naglilihi ka kay Alyanna,” kantiyaw naman ni Jaidon. “My face was itching because you didn’t want me to be clean-shaven, sabi mo kasi mas hot ako pag may kaunting facial hair and you wanted to keep it that way. `Lagi mo akong pinagko-concert bago ka matulog. And how can I forget those nights na bigla mo na lang akong gigisingin kasi gusto mong kumain ng kung ano-ano?”
Tumawa si Pepper sa pagbabalik-tanaw ng asawa. “Yeah, pinaglihian ko noon ang balut at crispy pata.”
“Crispy pata na gusto mong ako mismo ang nagluto! And don’t forget Chinese foods! Naging singkit na nga ang mga mata ko noon sa kakakain natin. Pinapatulog mo pa ako sa sahig kahit hindi naman tayo nag-away, pinapasuot mo ako ng kulay pink, orange at lavender na Barong Tagalog. And must we forget how you forced me to shave my hair? Mukha akong gangster noon na magnininong sa kasal! At mabuti na lang at hindi naging blondie ang buhok ng panganay natin dahil sa `lagi mong pakikinig ng mga kanta ni Justin Bieber. Like, damn! Of all singers, si Justin Bieber pa talaga ang pinaglihian mo?!” litanya pa ng presidente.
“Sorry na nga kasi!” Muli siyang tumawa, mas malakas. “Hindi mo naman kasi ako kailangang pagbigyan sa lahat ng oras. Kinarir mo naman kasi masyado ang paglilihi ng misis mo, `di namihasa tuloy.”
“How can I refuse you? Buntis ka at mahal na mahal kita. Kahit utusan mo pa ako noon na manghuli ng palaka sa Ethiopia o manungkit ng seedless kaimito sa Zimbabwe ay gagawin ko `yan.”
“Ano baaa?” Hindi na siya natigil sa pagtawa. Geez, they had talked about this all the time but it had never gotten old. “Kasi naman, masisisi mo ba ako? Ang sarap maglambing at magpaalaga sa iyo, eh.”
“Lambing, magpaalaga? Pang-aalipin `yon! Inabuso mo ang pagkatao ko, Pepper. Muntik nang sumakabilang-buhay ang pagkalalaki ko noon!” eksaherado pa nitong banat.
“Ang OA mo pa rin!” Sumasakit na ang tiyan niya sa katatawa. “Grabe, hindi ka talaga maka-get over?
Ang tagal-tagal na n’on. Mag-move on ka na!”
“Nope. No way.” Umiling-iling si Jaidon. “Ikukuwento ko ito hanggang sa mga apo natin. Ilalagay ko pa sa autobiography ko—na under de saya ako ng misis ko at willing victim naman ako kasi patay na patay ako sa kanya.”
“Suuus! Kunwari ka pa, enjoy na enjoy mo naman ang paglilihi ko kasi sobrang lovey-dovey ako sa iyo noon,” banat niya naman.
Totoo iyon. She was extra loving to her husband during her first three months of pregnancy, not to mention extra horny, too. At sobrang ikinatutuwa iyon ng lalaki kaya naman sunod lahat ng hilingin niya rito.
“Saka no’ng naglilihi lang naman ako kay Alyanna, `no? Kay Jaidon naman noon ay okay na ako. I told you, ganoon din daw naglihi sa akin ang nanay ko. Nalukring din sa kanya ang tatay ko. Nagpahanap ba naman daw ng turon na walang saging,” sabi pa ni Pepper.
Noon na tumawa si Jaidon. “See? Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit ganyan si Alyanna. Mana-mana lang `yan.”
“Hay! Salamat sa Diyos at nagmana si Ariadne sa iyo.” Ten years old na ang bunso nila, bukod sa well-behaved ay matalino rin ito at nag-e-excel sa school. “Wala akong problema sa batang `yan. Although nagwo-worry din ako sa kanya minsan dahil namana rin niya sa iyo ang pagiging perfectionist. Parang ayaw niyang madismaya tayo sa kanya.” Bumuntong-hininga siya. “`Buti pa si Aaron, walang ibinibigay na problema kina Radley at Karina. Napakabait na bata, kita mo, sakristan pa siya. Hindi na ako magugulat kung magpapari siya someday. Masunuring bata rin si Adriadne.”
“Don’t worry, love, I believe that our kids will grow up eventually and learn about life, and if it’s gonna be the hard way then so be it. May sariling pag-iisip ang mga anak natin kahit gaano pa natin sila igabay sa tamang landas. We can only do so much, we cannot force them. Pinalaki natin silang may sariling pagpapasya dahil may tiwala tayo sa kanilang hindi nila aabusuhin iyon.” Gumalaw ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama, sumalampak ito paharap sa kanya. “Hindi natin sila mapipilit magbago, Pepper. They got it from us, I think. Kailangan pa silang subukin ng buhay para malaman nila talaga kung saan ang tamang lugar nila sa ilalim ng araw.”
“Right,” sang-ayon niya. “All we have to do is trust them.”
“We will always be there for them.” Inabot ni Jaidon ang mga paa niya at inilagay ang mga iyon sa kandungan nito’t minasahe. “And how is my lovely wife today?” nakangiting pangungumusta nito sa kanya.
Gusto niyang matawa dahil sa haba na ng panahong pagsasama nila ay hindi pa rin nagmamaliw ang kamandag sa kanya ng asawa. Kinikilig pa rin siya rito.
“I’m doing very good, sweetheart.”
“Masyado ka yatang nagpapagod sa mga projects n’yo ni Ninang?”
Kasama niya si Senator Marnelia Navarette na aktibo sa mga proyektong kaugnay ng Department of Social Welfare and Development. Dumami na rin ang branch ng Sunlight sa buong Pilipinas at aktibo pa rin siya roon kasama ang mga may-ari.
“Hindi naman masyado. Don’t worry, hindi ko naman napapabayaan ang mga anak natin kahit pasaway ang panganay.”
“I know that, babe. And thank you. Kung may pagkukulang man ako bilang asawa mo at ama—”
“Jaidon, wala kang pagkukulang sa amin. Presidente ka ng Pilipinas kaya hindi natin masasabing karaniwan ang set-up ng pamilya natin. But we have learned to compromise, remember? Even the kids are not complaining. We are doing very fine, darling.”
Bumuntong-hininga ito. “I have already decided to quit politics after my term.”
Kinunutan niya ito ng noo. “H-ha? Bakit naman? Akala ko ba gusto mong maging Speaker of the House kaya tatakbo ka sa Congress?”
Umiling ang lalaki. “I am sure there is somebody who could hold the position better than me. So, no. No more election for me, Pepper. I’m quitting and there is no turning back.”
“Sigurado ka ba talaga?”
Mukhang desidido naman ito. “This time, yes. Wala nang makapagbabago ng desisyon ko.”
“What made you change your mind?”
Ngumiti ito sa kanya, tumigil sa pagmasahe sa kanyang talampakan. “You.”
Itinuro ni Pepper ang sarili. “Me?”
“And our kids, of course. Napag-isipan ko `yan nang mabuti habang nasa Japan ako at malayo kayo sa akin. Hindi lang simpleng pangungulila ang nararamdaman ko `pag hindi tayo nagkakasama. Lumalaki na ang mga bata. How many chances would I get to be with them before they go on their own paths? At ikaw… Ang dami ko pang pinangako sa iyo noon na hindi ko pa natutupad. May mga pagkakataon na tinitingnan kita gaya ngayon and I wish that we’re in Maldives or Playa del Amor instead.”
“Hey, we still manage to travel every once and a while. Kuntento na ako doon. Kagagaling lang natin sa Morocco last month.”
“At kung may sakit kayo ng mga bata… God, words can’t describe the pain that I feel whenever I am away from you and I can’t do anything from my end.”
“Babe, I told you, it’s okay…” pang-aalo niya sa asawa. “Alam mong nangungulila din ako sa `yo sa mga pagkakataong ganoon, pero kailangan nating magsakripisyo. Noong nanumpa ka sa tungkulin ay kasama mo rin akong nanumpa.”
“Life is short and fleeting, Pepper.” Bumuntong-hininga uli ang lalaki. “I just want to be your husband and a father to our children. Gusto kong ibigay sa inyo ang lahat ng natitirang panahon ko sa mundong ito. You, my wife, have already given so much and endured a lot of awful things just to support my political career. You have been loving me so unconditionally that sometimes I almost want to feel undeserving for that kind of love.”
“Undeserving?” Tumawa si Pepper. “Oh, you melodramatic fool. Kung may isang taong deserving sa lahat ng pagmamahal sa buong mundo ay ikaw iyon, Jaidon. How many women out there could say they married someone like you? Magaling na lider, mabuting tao, mapagmahal na asawa at responsableng ama.” Pabiro niyang hinaplos ang abs nitong resulta ng pag-aalaga nito sa katawan. “Bonus pa na guwapo at hot ka pa rin hanggang ngayon.”
Hindi naman siya nito sinaluhan sa pagtawa, ngumiti lang si Jaidon. “Oras na para bumawi naman ako sa iyo. Uuwi tayo sa Sinagtala, maybe I can work part time in our law office.”
“Baka inaakala mong naghahanap ako ng atensiyon o pag-aaruga mula sa iyo—”
“No, sweetheart. I am doing this because this is what I really want. Sa palagay ko ay naibigay at naisakripisyo ko nang lahat ang kaya ko para sa Inang Bayan. Siguro naman ay hindi niya mamasamain na sarili kong kagustuhan naman ang susundin ko ngayon. Isa pa, natutuwa ako at nakakilala ako ng ibang mga politiko na may pagmamalasakit din sa ating bansa. I trust them. And with that reason alone, I think I can retire peacefully.”
Ngumiti si Pepper. “Yes, you have done so much for our country, my love. And I am forever proud of you.”
Malinis ang pamumuno ni Jaidon sa Pilipinas, napalago nito ang ekonomiya, malaki ang nabawas sa mga krimen, umuunlad din ang kalagayan ng mga probinsiya. Kung mayroon mang hadlang sa patuloy na pag-angat ng bansa ay ang mga kalaban nito sa politika. Hindi tumitigil ang mga ito sa pagbato ng mga intriga sa pamilya Silvanus pero hindi naman sila natitinag. Natutuwa rin silang mag-asawa dahil lalo pang tumataas ang popularity rating ni Jaidon. Maraming tao ang nagtitiwala sa liderato nito, popular din sa madla si Radley na gobernador na ng Sinagtala. Masaya naman ngayong naka-retiro roon si former Philippine President Emmanuel Silvanus dahil alam nitong nasa mabuting kamay ang bansa. Kampante rin itong mananalo sa susunod na presidential election ang kumare nitong si Marnelia Navarette.
“So, one and a half years from now and you will have all of me,” sabi ni Jaidon sabay kindat sa kanya.
Hinila ni Pepper ang mga paa mula sa kandungan ng asawa saka umusod siya palapit dito. “Hmm, who says I never did? You always give me your everything, Jaidon,” sabi niya at saka mapagmahal na hinalikan ito sa bibig.
Her husband still kissed her the same— sweet, passionate, warm and loving. At siguro ay hindi na siya magkakaroon ng explanation kung bakit habang tumatanda silang magkasama ay lalo pa silang nagkakalapit at mas minamahal ang isa’t isa. Love is a mystery, she supposed. And it would forever remain that way.
“I love you, Mr. President,” bulong niya nang putulin nila ang halik.
Ihiniga siya nito sa kama. “And, I love you more, my First Lady,” he whispered back before kissing her neck.
WAKAS