noveltoon logo noveltoon
The Governor's Wife

Chapter 18

Ch. 19 / 37 Nov 28, 2025

KASALUKUYANG nasa ribbon-cutting ceremony ng Sunlight sina Pepper at Jaidon. Isa iyong center para sa mga babaeng biktima ng iba’t ibang klaseng abuso. Layunin niyon ang tulungan ang mga ito na makabangong muli. Pansamantalang nakakatira doon ang mga biktima, inaalalayan ng mga psychologist at social worker; kapag handa nang umalis doon ay binibigyan ang mga ito ng pera para makapag-umpisa muli sa buhay. Marami na sa mga ito ang nakapagpatuloy ng pag-aaral, nakapagtrabaho sa ibang bansa at may mga maliliit na pangkabuhayan.

Ayun sa na-research ni Pepper ay may limang sangay na ang Sunlight sa buong Pilipinas at sa Sinagtala ipinatayo ang pinakabago. Nagulat pa siya nang malamang bata pa pala ang babaeng kambal na may-ari. She liked them right away. Magiliw ang mga ito sa kanya at hindi astang mataas sa lipunan.

Malaking halaga ang donasyon ni Jaidon sa Sunlight na galing sa personal na pera nito. Lupa rin ng pamilya nito ang pinagtirikan ng dalawang palapag na center.

Kanina pa natataranta si Pepper dahil siya ang guest speaker doon at hindi ang kanyang asawa. Halos nalapirot na ang papel na hawak niya na kinasusulatan ng mga sasabihin niya.

“Hihimatayin yata ako,” bulong niya sa asawa.

“Relax. Hindi naman madami ang tao,” pagpapalakas naman ni Jaidon sa kanyang loob.

“Oo nga, p-pero may press. Na-trauma na yata ako sa mga camera nila.”

Hinawakan nito ang isa niyang kamay at pinisil. “Kayang-kaya mo `yan.”

Nang tawagin siya ng emcee sa maliit na entablado ay parang may mga nagkakarerahang kabayo sa kanyang dibdib. Pero nawala naman ang kanyang kaba nang makita niyang nag-thumbs up sa kanya si Jaidon sabay kindat.

Tumayo siya nang diretso at tumikhim. Ngumiti siya sa mga tao doon bago bumati sa mga ito. She felt comfortable in her black high-waist flare pants and light pink sleeveless blouse. Tory Burch flat loafers na kulay itim ang sapin niya sa mga paa.

Nang umpisahan niya ang kanyang speech ay binabasa niya ang hawak na papel. Hanggang sa kusa na lang siyang magpasya na itiklop iyon. Puro quotes lang naman iyon na na-research niya mula sa Internet.

Huminga siya nang malalim saka nagpatuloy sa pagsasalita. “ Alam n ’yo, marami ang nagsasabi na walang mang-aabuso kung walang paaabuso. Madali lang sigurong sabihin iyon kasi wala sila mismo sa sitwasyon. Let’s face it, may mga sitwasyong mahirap iwasan o pigilan, mga sitwasyong walang mag-aakalang ikakalubog pala natin sa huli. Pero hindi naman nangangahulugan niyon na wala nang pag-asa. Don’t ever lose hope. I say keep that courage burning as you breathe. Itapat mo ang kamay mo sa iyong puso at isipin na habang tumitibok pa `yan ay mayroon pang pag-asa. Get up, get help and start all over again.”

Pinakauna si Jaidon na tumayo at pumalakpak nang matapos ang speech ni Pepper. Sinalubong pa siya nito at niyakap.

“Okay na siguro `yong once or twice a week akong pupunta dito para sa volunteer work?” tanong ni Pepper kay Jaidon nang matapos ang pictorial at maikling press conference kung saan ganado siyang sumagot ng mga tanong ng media at bloggers.

“Come here as much as you want, walang problema sa akin,” nakangiting sabi naman nito.

“Siyempre, ayoko namang mawalan ako ng oras sa iyo.”

Pinisil nito ang ilong niya. “ We ’ll find ways to be together, all right? Gaya ng sabi ko sa iyo, gawin mo lang lahat ng gusto mo.”

Yumakap siya dito. “Thank you.”

Gumanti naman ito ng yakap at hinalikan siya sa buhok. Muling nagkislapan ang mga camera, nakatutok sa kanilang dalawa. Ugh, nakalimutan pala niyang maraming tao sa kanilang paligid. Nasasanay na kasi siya masyado sa paglalambing sa kanyang asawa.

Patungo na sila sa mahabang mesa para kumain nang may lumapit na miyembro ng media kay Pepper. Si Raffy Romero. Parang kabute itong biglang sumulpot doon, wala naman ito kanina.

Walang pasintabi itong agad na nagtanong kahit hindi sila tumigil sa paglalakad. “Governor, anong masasabi n’yo sa balitang may kaibigan na drug addict ang asawa ninyo?”

“A-anong balita `yan?” nanlalaki ang mga matang balik-tanong ni Pepper.

“Sa inyong barangay sa San Roque, may pinupuntahan kang lalaking addict sa marijuana, hindi ba? Ponzi ang pangalan, Alfonzo Eusebio. Ang pagkakatanda ko ay siya rin `yong nakita kong kasama mong kumakain sa restaurant noon.”

Natatarantang tumingin si Pepper kay Jaidon. Bahagya itong umiling sa kanya, senyales na ayaw nitong sumagot siya sa tanong ng reporter.

Pero makulit si Raffy, halatang iniinis si Pepper.

“Kahit gabing-gabi na, nagpupunta ka pa rin sa kaibigan mo. Hindi kaya kasama ka niya sa paggamit ng—”

“ Don ’t you dare accuse my wife of anything,” galit na putol ni Jaidon sa itatanong ng reporter kay Pepper.

Hindi na siya nakatiis. “Kung saan mo man nakuha ang balitang `yan, hindi reliable ang sources mo,” mataray niyang sabi kay Raffy.

“Are you willing to undergo a drug test?” hirit pa nito sa kanya.

“Let’ s go, Pepper, ” sabi naman sa kanya ni Jaidon, pinisil ang kanyang palad, pinapatigil siya sa pagsasalita.

Sumige pa rin si Raffy. “Pero umaamin kang addict ang kaibigan mong `yon? Kailan mo pa nalaman ang ginagawa niya? Alam ba `yan ng asawa mo na isa sa mga politikong lumalaban kuno sa mga drug dealer sa bansa?”

Inis na si Pepper at hindi napigilan ang ratsada ng bibig. “Anong ‘kuno’ ka diyan? Magdahan-dahan ka sa pagsasalita mo, ha? Hindi peke ang mga ginagawa ng asawa ko!”

“I know about my wife’s friend and I’ve been letting her help him in any way that she can. Naghahanda na si Ponzi para pumasok sa rehab. Lilinawin ko lang na hindi ang drug users ang kalaban natin kundi ang mga nagbebenta ng droga. In fact, before my term ends next year, palalakihin ko pa ang rehabilitation center dito sa Santa Inez.”

Magtatanong pa sana si Raffy nang lapitan ito ng isa sa mga may-ari ng Sunlight. Hindi alam ni Pepper kung si Savannah ba iyon o Scarlett. Magkamukhang-magkamukha kasi ang dalawang babae, sa mga kasuotan at ayos lang ng buhok nagkakaiba.

“Please leave my guests alone or I will have you kicked out of here,” mataray na banta nito sa reporter, hinila pa ito sa braso.

“Tama. Ako ang literal na sisipa sa iyo!” asik naman ni Pepper kay Raffy.

“ Pepper! ” awat sa kanya ni Jaidon, masama ang tingin.

Si Anton ang kumaladkad kay Raffy palabas sa venue. Patuloy namang sumisigaw ito ng “Transparency, Gov, transparency! Huwag kayong magtago ng kalokohan sa mga taong-bayan! We deserve to know the truth!”

Lumapit din sa kanilang mag-asawa ang isa pa sa kambal. “I’m so sorry about that,” very apologetic na sabi nito at sinamahan sila patungo sa mesa. “ Hindi namin napigilan ang pag-gatecrash ng media na hindi imbitado. ”

“That’s all right, it’s not your fault,” sabi ni Jaidon, pinilit ngumiti.

Napasimangot si Pepper. Nagbabadya na naman yata ng mausok na pagtatalo sa pagitan nilang mag-asawa.

PISIL-PISIL ni Pepper ang mga daliri habang lulan silang mag-asawa ng sasakyan pauwi. Walang kibo si Jaidon na diretso lang sa unahan ng kotse nakatingin.

Nagkatinginan sila ni Anton sa rearview mirror at nakita niyang bumuntong-hininga ito, ramdam ang tensiyon sa pagitan nilang mag-asawa.

“Will you please talk to me?” banayad niyang sabi kay Jaidon nang makarating sila sa bahay.

Napailing ito at nagbuga ng hangin bago niya ito sinundan sa pag-akyat sa hagdanan.

“Jaidon,” tawag ni Pepper.

Tumigil ito sa gitna ng stairway. “Kailan pa ito?”

“A-a week ago.”

“You lied to me.” Nahilot ni Jaidon ang noo, halatadong pinapakalma ang sarili. “How could you—Damn it, Pepper.”

“Hindi ako nagsinungaling sa iyo, n-naglihim siguro, oo.”

“Pareho din iyon. Ang sabi mo sa akin, pinupuntahan mo ang Papa mo sa mga gabing iyon.”

“ I-I ’m sorry. Sasabihin ko naman sa iyo `pag ayos na ang lahat.”

Hanggang sa mag-ring ang kanyang smartphone mula sa kanyang bag. Kinakabahan siyang sinagot iyon nang makitang si Senator Emmanuel Silvanus ang tumatawag. Hindi na siya magtatakang nakarating na dito ang balita. Hindi na naghihintay ng umaga ngayon ang mga diyaryo para magpakalat ng mga balita dahil sa mga blog online at pa-trending sa Facebook. Sarap kalbuhin ang Raffy Romero na iyon!

“What are you trying to do, Pepper? Gusto mo ba talagang sirain ang imahe ng anak ko?” Iyon agad ang narinig niyang bungad ng matanda sa kanya.

“S-sorry po. Makulit lang talaga ang reporter na iyon at may galit sa akin kaya siya—”

“Maybe you should really subject yourself to a drug test,” matiim pang suhestiyon ng kanyang biyenan.

Doon na nangilid ang luha sa mga mata ni Pepper. “H-hindi po ako drug user! Kaibigan ko lang po si Ponzi na inaalalayan ko kasi ayoko siyang malulong sa drugs. Mahalaga po sa akin ang kaibigan ko.”

“Mas mahalaga kaysa sa iyong asawang isang gobernador? Kilala ko si Jaidon, alam kong nagsinungaling siya sa reporter na iyon para pagtakpan ka. Ano ang totoo, Pepper?”

Inilahad ni Jaidon ang kanang palad bago pa siya nakasagot kay Emmanuel. “Give me the phone, Pepper,” sabi nito sa kanya.

Humihikbi siyang iniabot ang iPhone sa asawa.

“Will you please stop blaming my wife?” matigas nitong sabi sa ama. “No, Dad, you don’t tell us what to do. Good-bye.”

Umiiyak si Pepper na naunang umakyat sa kanilang kuwarto. Ibinagsak niya ang sarili sa kama at sumubsob sa unan doon. Kung bakit kasi walang preno ang kanyang bibig, sana hindi na lang niya sinagot ang gagong reporter na iyon. Wala siyang kadala-dala!

Wala na ba siyang ginawang matino? Puro kahihiyan na lang yata ang hatid niya sa pamilya Silvanus. Para siyang mantsa sa maputing kumot na nakadikit sa mga ito. Dapat lang sigurong magalit sa kanya ang senador. She deserved it after all.

Diyos ko, baka siya pa ang maging dahilan ng pagkatalo ni Jaidon sa susunod na eleksiyon. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari iyon.

Hanggang sa maramdaman ni Pepper ang kamay ng asawa sa kanyang likod.

“Siguro tama ang Daddy mo, kailangan kong magpa-drug test para malinis ang pangalan mo,” sisinok-sinok na sabi niya nang ibangon siya ni Jaidon. “P-pero hindi talaga ako nagda-drugs, Jaidon. Kahit sigarilyo nga, hindi ko kailanman sinubukan.”

“I believe you,” sinserong sabi naman nito sa kanya, pinahid ang kanyang mga luha. “Tahan na.”

“S-sorry kasi nagsinungaling ako sa iyo. Naipit din naman ako dahil doon, pero walang choice kundi ilihim muna sa iyo ang lahat hanggang sa mapabuti ang kaibigan ko.”

Isang linggo na rin mula nang malaman ni Pepper ang kalagayan ng kanyang kaibigan. Sa kanya nakiusap ang ina nito na alalayan si Ponzi bago lumala ang adiksiyong dala ng paghihiwalay ng mga magulang nito at rejection sa nililigawan. Panay ang punta niya sa bahay nina Ponzi, patuloy itong pinagsasabihan, pinapagalitan. Kahapon, nangako ito sa kanya na magpapa-rehab. Kung kailan naman siya nakahinga nang maluwang ay saka naman pala babanat ang reporter na iyon. May mga tsismosang sources siguro sa kanilang barangay. Mga tsismosang binayaran. Level-up na talaga pati ang pagtsi-tsismis sa panahong ito, puwede nang kumikitang kabuhayan.

“Iyon kasi ang gusto ni Ponzi at ng pamilya niya, nag-aalala din silang baka magalit ka sa akin at pagbawalan akong makipagkita na sa kanya. S-saka baka ipakulong daw si Ponzi, ” sabi pa ni Pepper habang katabi ang asawa sa pag-upo sa gilid ng kama. “Ayokong makulong ang kaibigan ko, Jaidon! Hindi siya masamang tao, wala siyang sinasaktan. Depressed lang siya kaya napagbalingan ang drugs.”

“We don’t jail users from their first offense, Pepper, as long as they don’t get caught with drugs. We help them rehabilitate. Kaya nagalit ako kanina dahil sa hindi mo pagsasabi sa akin ng tungkol dito. See? I had to lie to that bastard.”

“Sorry talaga. Willing naman ang kaibigan kong itigil na ang paggamit, wala rin akong nakitang drugs o paraphernalia sa kanya habang nagpupunta ako doon. Lagi ko kasi siyang pinapagalitan, saka ikinulong na siya ng nanay niya sa loob ng bahay.”

“We will help him, I promise. Bukas na bukas, pupuntahan natin siya at kakausapin.”

Suminghot siya. “Thank you.”

Kinabig siya nito at masuyong niyakap. “No more secrets, all right?”

“O-okay.”

HINDI na nagulat si Jaidon na pinapunta ng kanyang ama sa Sinagtala ang kanilang political adviser para kausapin siya nang masinsinan. Ayaw siyang lubayan ni Emmanuel, hindi talaga ito papayag na magkaroon siya ng kahit na kaunting duming maaaring makaapekto sa kanyang kandidatura.

“I am not letting anything ruin my candidacy. Paranoid lang naman lagi si Daddy. Don’t mind him, Ninong. Hindi kayo dapat pumayag na dumayo pa dito. We could’ve discussed this over the phone,” sabi ni Jaidon kay Valentin habang nagkakape sila sa kanyang opisina.

“Malakas ang pakiramdam kong sugo ni Montero si Raffy Romero at balak ka talagang sirain. Kakalkalin ang buhay mo, tatakutin ka hanggang sa umurong ka sa pagtakbo.”

“I’m not scared of him,” bale-walang sabi niya. “Dalawang beses na akong nakatanggap ng death threat, remember? Wala namang nangyari. Hanggang pananakot lang ang mga `yan.”

“The man is desperate, Jaidon. Lulong siya sa sugal at pambababae. Naghihirap na ngayon si Montero at maaaring kumakapit siya sa mga sindikatong pinuprotektahan niya. Pagagalawin niya ang anumang meron siya para makaupo uli sa eleksiyon. And you know how it works in politics. Everybody is clean. Kung may gagawin `yang masama ay mahirap patunayan iyon o kaya naman ay kayang-kaya niyang lusutan. And he knew it fully well, too, kaya malakas ang kanyang loob.”

“ Bastard, ” mariing usal ni Jaidon.

“I advise you to let your wife do the drug test as soon as possible. Ako na ang bahala sa mga media na magre-report tungkol doon,” suhestiyon pa ni Valentin.

Napabuntong-hininga siya. “Fine, I will call her later. Gusto rin naman niya talagang gawin iyon.”

“That’s good.” Ngumiti na si Valentin. “Good move din `yong paghatid ninyong mag-asawa kay Ponzi sa rehabilitation center. `Buti napapayag siyang magpa-interview sa media roon.”

“Hindi namin ginawa iyon para magmalinis sa press. Kagustuhan naming pareho ni Pepper na tulungan ang kaibigan niya. Desidido rin si Ponzi na magbagong-buhay kaya sinamantala niya ang pagsagot sa interview na huwag siyang tutularan, lalo na ng mga kabataan. I think he will be a good role model.”

“Your marriage is doing you good, by the way. Mas tumaas pa ang popularity rating mo mula nang makasal kayo ni Pepper. That dance video is fantastic, kinilig pati ang Ninang mo.”

Natawa siya. “Salamat sa inupahan n’yong press na sumubaybay pala sa amin.”

“Voters trust a good family man, Jaidon. Alam mo na `yan dahil sa Lolo at Daddy mo. Ang malinis na record ng inyong pamilya ang isang malaking tulong kung bakit hindi pa rin mabuwag ang pangalan ninyo sa politika.”

“Binibigyan n ’yo ako ng pressure, Ninong.”

Tumawa ang matanda.

“You’re on your way to a landslide win again,” siguradong-sigurado pang sabi nito. “Malaking tulong sa image mo `yong pakikialam mo sa paglaban sa sindikato at sa pagpapakulong kay Galdozo.”

“I could only do so much,” medyo dismayado namang sabi niya. “Hindi tuluyang nabuwag ang sindikato. Nakatakas ang puno niyon at alam kong nagpapalamig lang bago uli magsagawa ng mga operasyon.”

“At least not in Sinagtala anymore. Takot na sila sa iyo at sa bagong salang na Provincial Police Officer.”

Maghapon silang magkasama ni Valentin, tumanggi sa alok niyang hapunan sa kanyang bahay dahil dadalaw pa raw ito sa kanyang Lolo. Pag-uwi ni Jaidon sa kanyang bahay ay may nadatnan siyang hindi inaasahang bisita.

PATAKBONG sumalubong kay Jaidon ang babaeng bisita pagpasok niya sa pintuan ng bahay. Hindi niya ito napigilan sa paghalik sa kanyang bibig at kitang-kita niya ang mabagsik na tingin sa kanya ng misis niya. Kung nakamamatay lang siguro ang tingin ay pareho na silang bumulagta sa sahig ng babaeng ayaw bumitaw sa kanyang bibig kung hindi pa niya itinulak.

“K-Karina. Why are you here—Bakit hindi ka nagpasabing uuwi ka pala?” sita niya dito na kay Pepper nakatingin. Halos mag-apoy ang mga mata nito sa kanya.

Inirapan siya ng asawa bago mabilis na umakyat sa hagdanan.

“Then it’s not gonna be a surprise anymore `pag ganoon,” humahagikgik namang sagot sa kanya ni Karina.

Kinalas ni Jaidon ang mga kamay nito mula sa kanyang leeg. “Why did you kiss me like that? My wife was watching,” mahinang sabi niya dito.

“O, akala ko ba hindi siya selosa?”

“Yes, but don’t—” Napahilot siya sa batok. “Just don’t do that again, all right?”

“Why, you don’t like it?” tudyo ng babae.

“I’m serious, Karina.”

“Okay, fine. Whatever you say, Governor.”

Umupo ito sa sofa, hindi inipit ang mga hitang litaw na litaw sa suot nitong mini skirt. Iniwasan niyang tumingin sa pagitan ng mga iyon.

Umupo naman siya sa loveseat. “Mag-isa ka lang?”

“I ’m with my son, iniwan ko muna siya kina Mama. Noong isang araw lang ako dumating, pinuntahan kita agad dito kasi nami-miss na kita. Can I stay here in your house? You have a spare bedroom, I suppose?”

“I have to ask my wife first.”

“Why? Don’t tell me na…” Tumawa si Karina. “Jaidon! Under de saya ka ba?”

“I’m married,” diin ni Jaidon. “Hindi na puwedeng mag-isa akong magdesisyon sa mga bagay dito sa bahay.”

“But this is your house naman. Saka married?” Muli itong tumawa, mas malakas. “We both know the truth, Jai,” sabi pa nitong sinabayan ng kindat.

“Alam niya ang tungkol sa atin noon. I told her.”

“Well, sabi ko naman sa kanya kanina na we’re old friends. At totoo `yon. Magkaibigan pa rin tayo hanggang ngayon.”

Tumayo siya. “Excuse me, pupuntahan ko lang ang asawa ko,” paalam niya sa bisita, hindi pa ito nakakapiyok ay tinalikuran na niya ito.

He hated surprises. Hindi niya napaghandaan ang muli nilang pagkikita ni Karina. Hindi rin niya alam kung anong eksaktong nararamdaman sa mga sandaling ito. Sari-sari. Hindi niya maitatangging mayroong parte pa rin sa kanya na natutuwang makitang muli ang babae. Pero mas nangingibabaw ngayon ang pagkataranta niya dahil sa nagseselos na misis. A sudden attack of different emotions was always his weakness. Nawawalan siya ng kontrol sa sarili. He fucking hated this.

Nakasimangot na nakaupo si Pepper sa ibabaw ng kama nang pasukin ito ni Jaidon sa master’s bedroom, nakatutok ang mga mata nito sa laptop; ni hindi sumulyap sa kanya. Nakangiting nilapitan niya ito at hinalikan sa sentido.

“Anong ginagawa niya dito?” mahina pero inis na sita sa kanya ng misis.

“Binibisita lang ako. Matagal na ring hindi kami nagkikita.”

“Bakit may halik pa, `tapos sa lips talaga?”

Tumawa siya. “Ganoon lang talaga si Karina.”

“Malandutay, you mean?”

“She’s just… well, very affectionate.” Umupo siya sa kama at umisod sa kinapupuwestuhan nito. “Hey, are you being jealous?” tukso niya dito.

Pepper rolled her eyes. She looked very cute. “Hindi mo sinabing ubod siya ng ganda at sexy, na mala-diyosa pala ang hitsura niya.”

Inakbayan niya ito. “So what? Mas maganda ka pa rin para sa akin, kulit.”

Humalukipkip naman ito. “ Bolero. ”

“Gusto niya palang mag-stay dito sa bahay kung papayag ka.”

Umingos ito. “Bakit mo ako tinatanong? Bahay mo naman ito.”

“Siyempre, kailangan ko muna ang pagpayag ni Kumander, takot ko lang sa `yo,” biro niya.

Tumingin sa kanya si Pepper at lumambot ang boses. “ G-gusto mo ba? ”

“Only if you’d say yes. Kung hindi, ihahatid ko siya sa hotel ngayon mismo.”

“Huwag. B-bisita natin siya. Hindi sa hotel pinapatulog ang mga bisita ng mga Pinoy. Nakakahiya naman kasi, saka ang layo pa ng ibiniyahe niya para makarating dito.”

“ Sigurado ka? ”

Tumango si Pepper, mukhang sincere naman talaga. “Oo.”

“Salamat.”

Inilapit ni Jaidon ang mukha dito pero sa palad nito dumapo ang kanyang bibig na hahalik sana sa mga labi nito.

“Kadiri ka, kahahalik lang sa iyo ng babaeng iyon `tapos hahalikan mo rin ako sa lips?” Nagmamadali itong bumaba ng kama. “Mag-toothbrush ka muna, Gov. Eew!”