KATATAPOS lang ng interview ni Pepper sa mga miyembro ng media. Ginanap iyon sa salas ng bahay ni Jaidon at pinakain nila ang mga nagsipagdalo bago umuwi ang mga iyon. Masakit ang ulo na umakyat siya sa silid nilang mag-asawa nang tumawag sa kanya ang kaibigang si Linny. Noong isang araw pa ito tumatawag at nagte-text sa kanya pero hindi pa niya sinasagot. Kahapon ay umuwi siya sa bahay ng kanyang mga magulang at nag-usap silang mag-ama tungkol sa bagong isyung kinasasangkutan ng gobernador.
As expected, naiintindihan iyon ng kanyang ama, humanga pa ito kay Jaidon dahil inamin iyon agad sa publiko. Doon daw niya masusukat ang pagkatao ng kanyang asawa bilang isang lalaki. Hindi nito tinakbuhan ang responsibilidad, hindi nito itinago ang bata kahit baka makaapekto pa iyon sa re-election ni Jaidon. Nanindigan ito sa kabila ng lahat. Dahil diyan ay natutuwa rin ang kanyang papa dahil siguradong magiging isang mabuting ama raw si Jaidon sa kanilang magiging anak. Natutuwa rin ito sa kanya dahil sa pagtanggap niya sa bata.
“Trending na naman kayong mag-asawa,” bungad agad ni Linny kay Pepper.
Bumuntong-hininga siya saka sumagot ng tinatamad na “Yeah.”
“Paano `yan, madrasta ka na ngayon?”
“Oo nga. `Di ko kailanman na-imagine `yan.”
`’Di mo nga na-imagine dati na mag-aasawa ka. Juskolord!” Tumawa ang kaibigan. “O, anong usapan ninyo ni Jaidon?”
“Ayun. Siyempre pumayag akong magkaroon siya ng relasyon sa anak niya. Alangan namang ipagbawal ko, `di ba? Naunang dumating `yon sa buhay niya, hindi niya lang alam. Saka alam mo naman ako, Papa’s girl. Ipagkakait ko ba ang pagmamahal ng isang ama kay Aaron?”
“Mahahati na ang atensiyon ni Jaidon, second priority ka na lang,” pang-iintriga pa ni Linny.
“What the fuck, Linita?!” bulalas ni Pepper. “Seryoso, iniisip mo `yan? Hindi ako makikipagpaligsahan sa isang bata nang dahil lang sa atensiyon, ano? Ang babaw naman ng pagkakakilala mo sa akin.” Si Jaidon pa ba ang magkakaroon ng kikilingan? Napagsisilbihan nga nito nang patas ang buong probinsiya, pamilya pa kaya nito?
“Sorry naman. Nawindang lang ako. Saka ang kampante mo sumagot sa mga reporter kanina, eh. Usap-usapan tuloy ng iba na baka pina-plastic mo lang sila.”
Napakamot siya sa ilong saka umupo sa gilid ng kama. “Mga gago. Kung nagwawala ako, tatawagin akong palengkera. `Pag mahinahon, plastic naman? Putang-ina talaga ang mundo, hindi maintindihan!”
“Ine-expect siguro nila na sobrang affected ka sa isyu, ganoon.”
“Affected naman ako, ah. Nagulat ako, `tapos biglang napaisip sa bagong set-up ng buhay ko. I mean, panibagong adjustment na naman kasi. Pero nandito na ito, eh. Ano pa ang gagawin ko? Mag-walling habang humahagulgol at minumura si Jaidon? At higit sa lahat, bakit ako magagalit? Kanino ako dapat magalit?”
“`Pag ako `yan, sasama ang loob ko, baka umiyak ako.”
“Hindi ako ikaw. Well, `pag ako siguro ang misis ng asawa mo ngayon ay baka nga umiyak ako. Iisipin ko kung ilang panganay pa ang meron siya, ang dami niya kayang naging girlfriend noon, kabi-kabila pa.”
Sininghalan siya ni Linny. “Gagang ito!”
Natawa naman siya. “‘Eh, kasi nga. Bakit naman ako iiyak? Saka hindi talaga sumama ang loob ko, promise. Adjust-adjust na lang uli. Ganoon talaga ang buhay. Full of surprises.”
“Sabi mo lang `yan kasi iba ang sitwasyon ninyo ni Jaidon. Siguro `pag normal lang kayong mag-asawa ay iba ang mararamdaman mo.”
“W-well, I dunno.” Nagkibit si Pepper ng mga balikat. “But nevertheless, I really think this is the right thing to do.”
“Pero alam mo, nakakatuwa rin ang reaksiyon ng ibang tao sa isyu. May mga bilib na bilib din sa iyo dahil sa pagtanggap mo kay Aaron. Patunay lang daw na mabuti kang tao at mahal mo talaga si Gov.”
Awkward tuloy siyang napatawa sa narinig. Ganoon din ang balita sa kanya ni Manang Tacing kaninang galing ito ng palengke at narinig ang mga usap-usapan doon. Pero kailangan pa bang may mabigat na dahilan para matanggap niya ang anak sa pagkabinata ng kanyang asawa? Hindi pa ba sapat na iniisip niya lang ang kapakanan ng bata?
“Wala pa ba talaga kayo balak magka-baby ni Jaidon?” pagkuwan ay tanong ni Linny.
“Saka na muna. Babalik pa ako ng school.”
Napatili ito. “Jusko, Pipay! Anong kababalaghan ang dumapo sa iyo? Allergic ka sa school, `di ba? Okay ka lang, `di ka tinatrangkaso ngayon? Baka may tipus ka, ha?”
Hindi pinansin ni Pepper ang pang-aasar nito. “Naplano ko na ito, nasabi ko na rin kay Jaidon.”
“Paano pala si Karina?”
Natahimik siya saglit. Hindi niya sinabi kay Linny ang nangyaring gulo sa pagitan nilang tatlo nina Karina at Jaidon.
“Well, ina siya ng bata. Kailangan naming maging civil sa isa’t isa,” pagkuwa’y sagot niya sa kaibigan. Sa totoo lang ay hindi pa rin nababawasan ang inis niya kay Karina pero kaya niya naman itong pakiharapan kung kinakailangan at napatunayan na niya iyon. Isa pa, she had never ever felt threatened by her.
“Ugh! `Pag ako `yan, hindi siya welcome sa buhay naming mag-asawa, si Aaron lang ang tatanggapin ko.”
“Ayokong maging magulo kami, Linny. Sa totoo lang, naaawa ako sa bata. Kailangang maging stable ang environment ni Aaron, lalo pa’t hindi karaniwan ang set-up ng parents niya.” Hindi niya akalaing may maternal instinct din pala siya.
“Teka, nasa Manila pa ba ang asawa mo? Baka masundan nila si Aaron sige ka,” pagbabago ni Linny ng usapan.
“Mas praning ka pa sa akin!”
“Bakit ba, malay mo matukso si Jaidon?”
“Hindi mangyayari iyon,” matigas niyang sabi.
“Weh? Paano ka nakakasiguro?”
“Jaidon told me I’m his only one.” Napangiti si Pepper nang maalala kung paano iyon sinabi ni Jaidon sa kanya, kung paano nito ipinadama ang katapatan nito sa kanya. “At alam kong nagsasabi siya ng totoo.”
“`Sabagay, kung matutukso talaga `yan, `di matagal na ring buntis `yong secretary at executive assistant niyang mukhang mga supermodel. Saka `yong si Board Member Christie Villaluz, balita ko pasimpleng hinahabol-habol pa rin niya si Jaidon.”
“May tiwala ako sa asawa ko.”
“Kasi mahal mo na siya?”
Siya naman ang tumili. “Linita!”
INAASAHAN na ni Jaidon ang reaksiyon ng kanyang ama sa muli nilang paghaharap nito. Galit na galit ito dahil hindi siya nagpapigil sa gusto niyang mangyari.
“Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kayo nina Lolo at Ninong ang magdedesisyon para sa akin, Dad. Let me do my job and let me run my own fucking life!”
“Sinasabotahe mo lang talaga ang kandidatora mo!” banas na paratang naman ni Emmanuel sa kanya.
“Hindi ko kayang itago ang anak ko. How could you even think about that? Apo ninyo si Aaron sa ayaw ninyo at sa gusto. Kadugo n’yo siya! Pakiusap po, huwag naman ninyo siyang ituring na isang parang bagay lang na maaaring itago sa mga tao.”
“Hindi ko sinasabing itago siya habang-buhay. You could’ve at least waited until the election is over.”
“Hindi na ako makapaghintay. Isa pa, palaging nakamanman ang media sa akin. Pasasaan ba at malalaman
din nila ang totoo, at ayokong unang magmula sa kanila iyon. Gusto kong ako mismo ang magsabi ng katotohanan para walang labis, walang kulang.”
Nanggagalaiti na ang kanyang ama. “You had that child while Karina was about to get married! That woman cheated with you. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?”
“Sinabi ko na sa inyo ang totoo, hindi ko alam na nagkabalikan sila noon ng boyfriend niya.”
“Sa palagay mo ba ay maniniwala ang mga tao? Lalo pa at hiwalay na si Karina ngayon mula sa asawa niya? Let me guess, ang bata ang dahilan kaya sila naghiwalay, hindi ba?”
Hindi sumagot si Jaidon.
“What have you done, Jaidon?” Nahahapong umupo sa sofa ang senador. “Minamantsahan mo ang malinis na record ng mga Silvanus sa politika.”
“Anong masama sa pagkakaroon ko ng anak sa pagkabinata?”
“Look at me, look at your grandfather!” bulyaw ni Emmanuel sa kanya. “Kaunting kahihiyan naman sana para sa amin. Napakahirap bang hingiin iyon sa iyo? You at least owe that to us. Did we do anything that was even remotely close to everything that you revealed in just a few months? Pinanatili naming malinis ang pangalan ng mga Silvanus sa loob ng mahabang panahon!”
“Isang mortal ang ihinahalal ng mga tao sa eleksiyon, hindi Diyos. Hindi ko na siguro kasalanan kung aayawan ako ng mga tao dahil sa pagkakaroon ko ng anak na ngayon ko lang nakilala.”
Nasapo na lang ni Emmanuel ang noo. Gustong humingi ng despensa si Jaidon dito pero pinigil niya ang sarili. Kailangan niyang manindigan.
“You are ruining everything that we have built from sweat and blood. I have never known you to be so reckless and irresponsible,” mahinang usal ng daddy niya.
“Well, maybe you never really knew me at all,” nasabi ni Jaidon.
Mataman itong tumingin sa kanya. May nakabakas na kung ano sa mukha nito. Was it disgust? Disappointment? Nasasaktan din siya para doon pero kailangan na niyang itigil ang pag-iisip sa nararamdaman ng ibang tao para sa kanya. He must stop pleasing them and start thinking about what he really wanted.
“I guess not,” matiim na sabi ni Emmanuel.
Limang araw pang namalagi si Jaidon sa Quezon City bago siya umuwi sa Sinagtala. Nilubos-lubos niya lahat ng sandaling makapiling ang kanyang anak. Masasabi niya namang napapalapit na ang loob ng bata sa kanya. Palagi niya itong ipinapasyal, ibinibili ng mga gusto nitong laruan.
At ngayong nagmamaneho siya pauwi ay tinawagan siya ng kanyang Lolo, magpunta raw siya sa bahay nito sa lalong madaling panahon. Naghihintay si Crisostomo sa patio ng bahay pagdating niya doon. Ni hindi siya nito inimbitahang pumasok sa loob. May hapding gumuhit sa kanyang dibdib nang iniwas nito ang kamay nang tangkain niyang magmano dito.
“You failed me,” galit na sabi nito sa kanya.
Pinigil niya ang magsalita pa, ayaw niyang gatungan lalo ang galit ng matanda sa kanya lalo pa’t nanginginig ito sa matinding pagkamuhi sa kanya.
“Mali ang akala sa iyo ni Manuel gaya ng inaasahan ko noon pa. I was right about you all along. You are a disappointment, Jaidon.”
Iyon lang at tinalikuran na siya nito. Ang tagal niyang napako sa kinatatayuan, halos hindi gumagalaw. Paulit-ulit na naririnig niya sa kanyang isipan ang mga binitiwang salita ng kanyang Lolo. Napakabigat ng kanyang dibdib na iniwan ang ancestral home ng mga Silvanus.
Pero hindi ba dapat ay nagsasaya na siya ngayon? Nagalit sa kanya ang ama at abuelo. Usap-usapan na naman siya sa media. Baka dahil dito ay ang kanyang pamilya na mismo ang magdesisyon na paurungin na siya sa eleksiyon. Iyon naman talaga ang gusto niya, hindi ba?
Pag-uwi ni Jaidon sa kanyang bahay ay naabutan niya naman doon si Radley. Kausap nito si Pepper sa hardin, mukhang kanina pa masayang nagkukuwentuhan. Dinig niya hanggang sa kanyang kotseng dumaraan sa driveway ang lakas ng halakhak ni Pepper. Namura niya ang sarili nang maramdaman na naman ang kakaibang sundot sa kanyang dibdib na una niyang naramdaman noong nakita niyang hinalikan ni Radley ang kanyang asawa.
Nagseselos nga ba siya?
Napailing tuloy siya at napasuntok sa manibela ng kotse nang sumara ang garage door.
“Fuck you, Jaidon. Stick to the plan, you fool. Stick to it!” mariin niyang paalala sa sarili.
Lumilihis na sa plano ang lahat. Lahat-lahat. Nawawalan na siya ng kontrol sa mga sitwasyong hindi niya napaghandaan.
LUMABAS si Jaidon sa side door ng garahe at doon niya nasalubong si Pepper. Tuwang-tuwang yumakap ito sa kanyang leeg at mabilis na humalik sa kanyang bibig.
“I miss you, handsome,” sabi nito na ihinilig pa ang ulo sa kanyang dibdib. “Marami kang dapat ikuwento sa akin.”
“We can talk about everything at dinner.”
Nakita niyang tumayo mula sa garden stool si Radley at parang madilim ang mukhang tumingin sa kanya.
“Nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita ng meryenda,” sabi sa kanya ni Pepper.
“Hindi pa ako nagugutom.” Hindi inialis ni Jaidon ang tingin sa kanyang kapatid. “Babe, can I talk to my brother for a while?” paalam niya sa kanyang asawa na ayaw bumitiw sa kanya.
“Okay,” pagpayag naman nito kahit na bakas ang pagtataka sa mukha at sa boses. Nagtataka sigurong napakaseryoso niya nang mga sandaling iyon at hindi niya naibabalik dito ang lambing.
He was very tired. Mag-isa siyang bumiyahe paalis at pabalik ng Sinagtala at mabigat pa rin ang loob niya sa naging pagtatalo nilang mag-ama at ang galit ng kanyang Lolo. The past week was just too overwhelming for him it was almost breaking him down.
Marahang lumapit si Jaidon kay Radley na naghihintay naman sa kanya sa kinatatayuan nito. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa nang makalapit dito.
“Stay away from Karina,” matigas niyang utos dito.
Ngumisi si Radley. “Why?”
Nag-init ang kanyang ulo. “You know damn why. Is everything a game to you, Radley?”
“Who’s playing game here? Inilalayo ko lang siya sa iyo.”
“Hindi na kailangan.”
“ Sigurado ka? ”
Naging magaspang na ang boses ni Jaidon, matiim na rin ang tingin niya sa kapatid. “Bakit mo ba pinapakialaman ang buhay ko? At bakit ka nandito ngayon? You can’t just go home anytime you want and take control of everything!”
“Take control?” Tumawa si Radley. “Natatakot ka bang baka mawalan ka ng kontrol sa lahat ng bagay na hawak mo at mapunta sila sa akin?”
“What the hell are you talking about?!” bulalas niya.
Nag-iba ang tabas ng ngiti ng kapatid. “Bakit ka tutol kung nakikipaglapit man ako kay Karina?”
“Hindi simpleng pakikipaglapit ang isinumbong niya sa akin.”
“Ang sabihin mo, ayaw mo lang mapunta sa akin ang atensiyon ni Karina. It must be very hard, huh? Imagine, iniwanan ka niya noon `tapos ngayon ay bumalik lang sa buhay mo dahil sa anak ninyo. Kundi pa sila naghiwalay na mag-asawa, akala mo ba ay kakausapin ka pa niya uli? ”
“ Bastard, ” Jaidon hissed in between his teeth. Kuyom na niya ang dalawang kamay.
“Why can’t you just admit it? You secretly despise me because I can do whatever I want and people can still love me. Ako pa rin ang paboritong anak, ang hinahanap-hanap ni Lolo sa mga apo niya. While you… you always have to make effort on every-fucking-thing.”
“Wala akong pakialam kahit igawa ka pa nila ng altar at salubungin ng mahabang prusisyon kada uwi mo dito. Just stay out of my business, Radley. I mean it.”
“You know, I just can’t help but pity you sometimes. Here you are, tumahak sa tuwid na landas, nagpakahirap magtapos ng mahabang panahon sa pag-aaral, nagmahal, sumunod sa mga utos nina Daddy at Lolo… And you’re unwanted as fuck.”
Umakyat na ang dugo sa ulo ni Jaidon, kumakawala na ang pagkakahawak niya sa kanyang pasensiya. Inutusan niya ang sariling tumalikod pero parang may kadenang bakal ang kanyang mga paa.
“Thank you for assessing my life, you prick,” hindi niya napigil sabihin. “Stay away from my wife,” banta pa niya bago niya nakayanang tumalikod.
Muling tumawa si Radley, mas matunog; mas nangungutya. “Your wife?”
Doon na nagdilim ang kanyang paningin. Pag-about-face niya sa kapatid ay right hook agad ang pinatama niya sa panga nito. Narinig niyang tumili si Pepper mula sa di-kalayuan bago nakaganti si Radley.
“Marunong ka palang manuntok,” parang nasisiyahan pang sabi ng kapatid bago nito pinakawalan ang kamao. Tumama iyon sa hangin dahil mabilis niyang naiwasan.
“I can do more than that,” pagmamayabang ni Jaidon at binigyan si Radley ng dalawang magkasunod na jab sa mukha. May nakaabot namang suntok nito sa kanyang dibdib.
Doon na umawat si Pepper. “Tama na, ano ba kayo?!” sigaw nito.
Nagpahid ng duguang bibig si Radley, mababakas ang sama ng loob at hindi niya ininda ang suntok nito sa kanya.
“Bakit hindi mo tanungin si Pepper kung bakit naroroon siya sa birthday party ni Daddy nang gabing iyon?”
Nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa tanong na iyon ni Radley.
“Tell him, Pepper,” utos pa nito sa babae.
Napalunok si Pepper nang nagtatanong ang tingin dito ni Jaidon.
“H-halika na, Jaidon,” sa halip ay sabi ni Pepper, hinila si Jaidon sa braso. “Tara na sa loob ng bahay. ”
“Ako ang dahilan kaya naroroon si Pepper nang gabing iyon,” rebelasyon ni Radley. “Ako ang gusto niyang makasiping, ako ang mahal niya—”
Muling umigkas ang kamao ni Jaidon, sa pagkakataong iyon ay bumagsak sa lupa ang kanyang kapatid at sinaklolohan naman ito ni Pepper.
“Jaidon! Stop it!” umiiyak na saway sa kanya ng asawa nang magbalak siyang sapakin uli si Radley. “ Please, tama na! ”
Doon na nakalapit ang isa sa mga guwardiya, palabas na rin si Anton mula sa bahay.
Puno ng halo-halong emosyon ang buong pagkatao ni Jaidon nang mga sandaling iyon. Galit ang nangingibabaw.
Hinawakan niya sa braso si Pepper at hinigit patayo. Hinila niya ito papasok ng bahay habang sinaklolohan ng dalawang tauhan si Radley na hindi na nakatayo.
“ Jaidon, ano ba? Bitiwan mo ako! ” sigaw sa kanya ni Pepper pagkapasok nila sa loob ng bahay, nagpipilit kumawala sa kanyang pagkahawak.
Binitiwan niya ito sa paanan ng hagdanan. “Totoo ba?”
Nanlalaki ang mga matang nakatingin lang sa kanya si Pepper, bahagyang nanginginig ang mga labi.
“Answer me, Pepper. Goddamn it!” dumadagundong ang boses na bulyaw niya.
Gumalaw ang bibig nito pero wala siyang narinig na tunog.
“I didn’t hear you,” tiim-bagang na untag niya.
“Oo!” malakas na sabi ni Pepper. “Si R-Radley nga ang ipinunta ko noong gabing iyon. M-may usapan kaming magkikita doon.”
“But he wasn’t there. And I fucked you instead,” napakapait na usal niya. “Kaya ka gumamit ng contraceptive pills, ” hinuha niya. “You were getting ready for Radley.”
Bumalong ang luha sa mga mata ng asawa. “D-does it matter now? Nangyari na ang lahat, Jaidon,” humihikbing sabi nito.
Her tears were melting some of his anger. Pero naroroon pa rin ang pagkadismaya. Bakit ganito ang pakiramdam niya? He felt like an idiot to feel any of this but he couldn’t help it.
“I-I thought…” Napakarami niyang inakala.
Doon na parang nakaramdam ng pagkahapo at panghihina si Jaidon. Napahawak siya sa railing ng hagdanan, hirap na siyang pigilan pa ang pagkadurog ng kanyang pagkatao.
Tahimik lang siyang tiningnan ng asawa, lumuluha, parang hindi alam ang sasabihin.
“ Putang-ina, ” mahinang mura niya saka umakyat ng hagdanan.
Pabalibag niyang isinara ang pinto ng master’s bedroom at bumayo nang ilang beses doon bago parang kandilang natutunaw na unti-unti siyang napasalampak sa sahig. Hinayaan niyang lumuha ang kanyang mga mata. Ang mga nangyari sa kanya nitong linggong ito ay tuluyan nang winasak ang depensa niya. Hindi na siya nagpigil. Hinayaan niya ang sariling maging mahina nang mga sandaling iyon. He was all alone anyway, nobody could see him breaking down.
Isinubsob ni Jaidon ang basang mukha sa mga braso at dumapa sa sahig habang patuloy siya sa pag-iyak. Marami siyang iniyakan—ang anak na ngayon lang niya nakilala; ang kanyang ina na kung nandirito lang ngayon ay alam niyang hindi siya hahayaang magkaganito; ang kanyang ama at lolo na nasaktan niya dahil mas pinili niyang unahin ang sarili; ang kapatid na napagbuhatan niya ng kamay; ang kanyang buhay na hindi niya alam kung saan eksaktong papunta dahil ngayon ay mas lalong dumilim ang lahat ng landas na maaari niyang tahakin.
At si Pepper … Si Pepper na inakala niyang— Fool, fool!
Jaidon’s tears flowed from a bottomless spring, his griefs striking him little by little like hundreds of serrated knives.