PEPPER felt trashed when she woke up. Pakiramdam niya ay nananakit ang buong katawan niyang nakadapa sa kama ngayon, lalo na sa parteng ibaba ng kanyang puson. Of course she remembered what happened. She had sex for the first time. And she loved it.
Hindi niya napigil ang mapangiti nang maramdamang nasa tabi pa niya ang lalaking nakasiping. Ang lalaking nagbigay sa kanya ng isang uri ng kaligayahang alam niyang hinding-hindi mahahanap sa kahit saang sulok ng mundo. She remembered coming so hard she thought she had died.
“It’s midnight,” narinig niyang sabi ni Jaidon.
Maaga pa pala. Akala niya, nakatulog siya nang mahaba.
“Aalis ka na?” tanong niya, hindi tumingin sa mukha ng lalaki.
She quivered when he placed his hand on her back.
“Do you want me to leave?”
Nandoon na si Jaidon. Kailangan na niyang lubos-lubusin. Baka hindi na uli mangyari sa kanya ang ganito, ayaw niyang palampasin ang pagkakataon. Gusto niya uling makarating sa magandang lugar na iyon, isang lugar na parang kasinghiwaga ng isang panaginip.
Kasinghiwaga ng panaginip talaga? Nakatikim lang siya ng sex, naging poetic na siyang mag-isip?
“H-huwag muna,” halos pakiusap ni Pepper.
Gumalaw si Jaidon, hinila pababa ang kumot sa kanyang katawan. Next thing she knew, he was showering wet kisses all over her shoulders and back.
Pepper felt like her body was being worshipped by him, every pore of her skin shivered with staggering pleasure. Nakakalula ang pakiramdam, nakakaubos ng hininga.
“Nasaktan ba kita?” usisa nito.
“I’ll live.”
Gumalaw uli ito. Isinuksok ang isang kamay sa pagitan ng kama at ng kanyang tiyan. Bahagya siya nitong hinigit doon para tumaas ang kanyang puwit saka ito lumuhod sa kanyang likuran.
“I know that you’re still sore, Pepper. But I want to be inside you again.”
Napuno siya ng antisipasyon. “Do it. I want you, too, Jaidon.”
She whimpered when he dipped his thumb on her wet pussy. Basang-basa pa ang mga hita niya sa magkahalong likidong inilabas nila kanina.
Ilang saglit na naglaro ang mga daliri nito sa kanyang kaangkinan. Until he touched a part of her body that she never thought was really that sensitive.
Pepper let out a surprised moan. The governor’s thumb was encircling her anus that was also drenched by their sex fluid. Mayamaya pa, pinalitan na ng matigas na pagkalalaki nito ang mga daliri sa paghagod sa kanyang pagkababae at pang-upo. Umangat sa ere ang kanyang balakang, hindi na niya maitago ang kasabikang muling nagising.
“J-Jaidon…”
She raised her head from the pillow when he spread the cheeks of her ass, stretching the lips of her cunt. She trembled in pleasure.
Ang sakit na dulot ng unang pakikipagtalik kanina ay napalitan ng mas matinding sakit na parang mawawala lang kung muli siyang aangkinin ni Jaidon.
“Ipasok mo na, please,” pakiusap niya.
Napaigik siya nang ipasok nito ang ulo ng ari.
“Take me in,” utos sa kanya ni Jaidon.
Itinukod niya ang mga siko sa unan saka itinulak patalikod ang katawan para maisagad ang pagkakabaon ng pagkalalaki nito sa kanya.
“Slowly. There, there…” parang pagga-guide pa nito sa kanya.
There was still pain inside her, but it was being overpowered by the erotic sensations. Hindi niya inakalang nakakalulong pala ang ganoong uri ng sarap. Heto at masakit pa ang katawan niya pero gusto pa rin niyang pauli-ulit silang magsiping ni Jaidon.
“Good girl,” she heard him say when she was full to the hilt.
Lalong ibinuka ng mga kamay nito ang dalawang pisngi ng kanyang pang-upo habang suwabeng bumabayo sa kanya. Kakaiba ngayon ang nalalasap niyang sarap kaysa noong una. Siguro ay naka-adjust na ang katawan niya sa lalaki.
“Ooooh, Jaidon!” Napapasuntok tuloy siya sa unan sa walang-pagsidlang kasiyahan. “Yes, oh, yeees!”
Hindi niya napaghandaan ang mabilis na pag-climax sa pagkakataong iyon. Parang napakasensitibo kasi lahat ng parte ng kanyang katawan at napakagaling magmaniobra ang lalaking kaniig.
Nakasubsob na sa unan ang mukha ni Pepper pagkababa niya mula sa sukdulan. Patuloy pa ring umuulos mula sa kanyang likuran si Jaidon.
“N-nag-come yata ako,” humihingal niyang sabi.
“You can climax again. I’ll wait.”
Ang nabasa niya lang dati na tungkol sa multiple orgasm ay ipinalasap sa kanya ni Jaidon sa pagkakataong iyon. She never thought how it could be possible. Pero nakadalawang beses pa siyang nag-orgasm pagkatapos ng una.
Hinang-hina ang katawan niyang nakadapa na lang sa kama at tinatanggap ang bawat ulos ng kaniig. Hanggang sa pumatong ito sa kanyang likod at hinawakan siya sa leeg para itaas ang kanyang mukha.
“I’m getting close. I want you to come with me, Pepper,” bulong nito sa kanyang tainga.
Isang mahabang ungol na lang ang nakaya niyang isagot dito dahil papaakyat na naman siya sa luwalhati.
Sabay silang napasigaw ng lalaki nang marating nila ang sukdulan.
Gusto niya ang pagkakadiin ng matigas na katawan nito sa kanyang likod, ang paghalik nito sa kanyang batok habang humihingal ito sa kapaguran. She liked basking in the warmth of his body after their union. Kasalanan bang isipin na gusto pa niyang umulit? Paulit-ulit na makipagsiping sa lalaking ito?
Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay imbes na makaramdam siyang may nawala sa kanyang katawan dahil hindi na siya birhen ay parang may nadagdag pa roon.
Madaling-araw na nang tantanan nila ang isa’t isa. Parang nalalango na si Pepper sa matinding sarap na tinamasa at hindi na niya matandaan kung ilang beses pang nagsanib ang kanilang mga katawan bago sila nakatulog.
Sumisikat na ang araw nang magising silang dalawa dahil sa tunog ng cell phone. May kinausap doon saglit si Jaidon saka siya binalingan.
“I have to go back to the hotel,” paalam nito at mabilis na nagbihis.
“Okay,” sabi lang niya, hinayaan niyang humulas ang kumot mula sa kanyang mga dibdib. Ano pang itatago niya sa lalaking ito? Nakita na nito lahat ang parte ng katawan niya.
“ Pepper …” sabi nito nang maisuot ang ankle holster na may maliit na baril. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito sa mukha. Parang medyo natataranta yata?
“Yes?”
“ We ’re in the news.”
“ H-ha? ” Naguluhan si Pepper. “Anong news?”
“May nakakuha ng video sa atin noong nasa labas tayo ng cottage.”
Napatayo siya bigla. “Ano?!”
“I HAD so much faith in you, Jaidon,” galit na sermon ni Emmanuel sa panganay na anak.
Nasa loob sila ng suite nito sa Escape at hindi pa sila makalabas mula roon dahil nag-aabang ang maraming reporters sa labas ng hotel. Nasa kabilang suite naman ang kanyang Lolo at ayaw na nilang isali sa usapan. The man was already eighty-five years old, he wouldn’t want to cause him any stress. Mataas ang expectation nito sa kanya mula pa sa kanyang pagkabata. And, sadly, ngayon yata niya ito bibiguin.
The news already made it to the national TV. Trending na din sa Facebook at Twitter ang video scandal nila ni Pepper. Gusto niyang matawa. Scandal? They hadn’t even captured the real scandalous moments. Baka i-disown at ipa-exile siya ng ama sa Vatican kapag ang mga aksiyon nila ni Pepper sa loob ng cottage ang nakunan ng video at ipinakalat sa multimedia.
“I just announced your candidacy for the election and look what you’ve done! Are you out of your goddamn mind?”
Nanindigan naman si Jaidon. Pinigil niya ang sariling humingi ng despensa sa ama. He was not sorry for what he did. Hell, no. Gusto niya ang nangyari at para siyang baliw na hinahanap-hanap iyon. Sayang at nilayasan siya ni Pepper. Wala na ito sa beach cottage nang bumalik siya doon. Payag pa naman siyang magkulong sila doon ng babae ng ilang araw at paulit-ulit na magsalo sa init.
“What’s wrong with what I did? Gobernador ang anak n’ yo, Dad, hindi Santo Papa, ” pamimilosopo niya sa ama na napakadalang niya gawin. “I didn’t do anything illegal. I had sex, so what? Big fucking deal.”
Amazing that he lost his mind over sex. Hindi pa iyon nangyayari sa kanya. He was always in control with everything. Each and every step was calculated. Kahit na sa sex. Hindi siya ang tipo ng lalaking nakikipag-one-night stand o umuupa ng high-class prostitutes. Hindi siya basta-basta bumibigay o nag-i-initiate ng sex kahit madalas na napakalapit ng tukso sa kanya. Lahat ng mga babaeng nakatalik niya ay may ugnayan sa kanya.
Pero nang gabing iyon, parang lumabas ang nakatagong parte ng pagkatao niyang hindi niya alam na mayroon pala siya. That dark, wild side. His reckless, perverted side. He fucked with no inhibitions; just totally hot, in wild abandon. He seduced a young virgin to have sex with him. Or was it the other way around? Siya yata ang naakit dito, ang bumigay…
Pepper was like a turbulent wind out of nowhere. Jaidon wanted to call it an accident but he would be punching his own face for that sheer hypocrisy. Kusa siyang nagpatihulog sa masarap na aksidenteng iyon at ngayon ay kailangan niyang harapin ang mga pinsala.
“Or did you deliberately do that to ruin your reputation? Kung inaakala mong papayag akong umatras ka sa re-election dahil sa eskandalong ito ay nagkakamali ka, Jaidon,” litanya pa ni Emmanuel. “Huwag mong sirain ang pangalan ko. I’ve already announced that you’re running, I am not taking that back.”
“Nangyari na ang lahat,” sabad naman ni Valentin, ang kanyang ninong at matagal nang kaibigan ng kanyang angkan. Political adviser ito ng mga Silvanus. Hinarap siya nito. “Hindi mo pa sinasabi sa amin kung ano ang ugnayan mo sa babaeng iyon, Jaidon,” mahinahon nitong kastigo sa kanya.
Si Emmanuel naman ang sumagot dito. “Si Radley ang alam kong kaibigan ni Pepper sa San Roque.”
“Is she your girlfriend?” tanong pa sa kanya ni Valentin.
Girlfriend?
Shit. Why not?
Gusto niyang batukan ang sarili. Kailan pa siya naging padalos-dalos? But then again, why not? Single naman siya ngayon. Limang buwan na rin ang lumipas nang maghiwalay sila ng steady date niyang celebrity model. Wanda was perfect for him and they adored each other. Kaso, masyado silang abala sa kanya-kanyang propesyon para mabigyan ng puwang ng pag-ibig ang kanilang relasyon. So they both decided to call it quits.
“Sagutin mo ang ninong mo!” bulyaw sa kanya ng ama.
“Do not yell at me,” mariin niya namang sabi dito na bahagya pa nitong ikinagulat. Hindi siya sumasagot dito nang pabalang kahit kailan. Siya ang masunurin nitong anak, ang mabait, ang responsable, ang mapagkakatiwalaan. “I’m not a kid anymore, Dad. Alam ko ang ginagawa ko.”
“Alam mo ang ginagawa mo?!” Napatayo si Emmanuel mula sa kinauupuang swivel chair. “Binigyan mo lang naman ng kahihiyan ang pamilya ko!”
“Pamilya n’yo?” usal niya. Itinakwil na siya agad?
“You fool. Wala kang alam kung paano ko pinanatiling malinis ang tingin ng mga tao sa mga Silvanus. We are a dying breed of good politicians of this God-forsaken country! Pagkatapos—Damn you. Damn you!” Hinilot ng senador ang magkabilang sentido. “I didn’t know you’d be the early death of me.”
“I will solve this, all right?” matigas niyang paninindigan. “Huwag kayong makikialam sa gagawin ko.”
INATAKE si Pepper ng konsiyensiya. Oo, mayroon pala siya niyon. Hindi siya nakonsiyensiya noong madismaya sa kanya ang pamilya nang tumigil siya sa pag-aaral pero ngayon ay pati buhok at mga kuko niya ay sinusundot ng guilt.
Nagsisisi ba siya? Hindi na siya nagulat sa sagot ng kanyang sarili. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa nila ni Jaidon. Wala ni katiting. Why, she just had the most amazing experience ever!
Pero ano nang gagawin niya? Ayaw pa rin umalis ng mga letseng reporter sa labas ng kanilang bahay. Pagbaba niya kanina mula sa tricycle ay sinalubong na siya ng mga ito at pinagtatanong ng kung ano-ano tungkol sa kanila ni Jaidon. Hirap na hirap siyang nakapasok sa kanilang bahay.
Ang kanyang ama ay nasa kuwarto pa rin at ang sabi sa kanya kanina ni Mica ay nakita daw nitong umiiyak ang kanyang ama. Pagdating niya kanina sa bahay ay walang imik ito sa kanya, tiningnan lang siya nang buong hinanakit. Great. For the first time in her life, she made her father speechless. Naubusan na sigurado ito ng isesermon, o siguro ay wala lang itong mahagilap na tamang salita para sabihin sa kanya. Hindi siguro makapaniwalang sangkot siya ngayon sa isang eskandalong pinag-uusapan na ng buong Pilipinas.
Doon na naluha si Pepper. Ni minsan ay hindi pa niya nakita o nabalitaang umiyak ang kanyang Papa. He must be really, really hurt. Or embarrassed to death.
Kahit pasaway siyang anak ay hindi naghigpit sa kanya ang kanyang pamilya. May tiwala ang mga ito sa kanya kahit paano na hindi siya magpapakawala. At pinatunayan niya naman iyon. Kung may mga pagkakamali man siyang nagawa ay mabababaw lang. Hindi siya na-involve sa kahit na sinong lalaki, hindi nakipag-sex at nabuntis na wala sa panahon. Wala siyang bisyo kundi ang kumain, gumastos at maglakwatsa; nakikipag-inuman lang siya sa malalapit niyang kaibigan at hindi pa iyon madalas. Plus dakila siyang tamad, walang ambisyon sa buhay, walang plano kahit para sa kinabukasan.
Shit. Hindi pala mabababaw ang problema sa kanya kung tutuusin. Kung para sa teenager siguro, oo; pero beinte-singko anyos na siya. Pero heto, imbes na magkaroon ng direksiyon ang buhay niya ay lalo lang iyong nagulo. Ang natitirang tiwala sa kanya ng pamilya ay nabura nang tuluyan.
Napasulyap siya sa kanyang cell phone sa kama na pinatay niya kanina dahil ayaw niya munang kausapin ang kanyang ina at kapatid. Dagdag pa na dumagsa ang mga text galing sa mga kaibigan at kamag-anak niya. Nag-deactivate din siya ng Facebook account.
She didn’t really care about other people that much. Siguro, kaya niyang tanggapin ang pangungutya at judgment ng mga ito. Pero pamilya niya ang kanyang sinaktan ngayon, ang ipinahiya. Ang pamilya niya ang gusto niyang protektahan mula sa ibang tao.
She got to do something, anything. Gusto niyang isalba ang sarili mula sa kahihiyang dulot niya sa kanyang pamilya. Gusto niyang magbalik ang tiwala ng mga ito sa kanya. Pero paano?
Lumipas ang tanghalian at parehong hindi humarap sa mesa sina Pepper at Fernan. Wala siyang ganang kumain kahit nakakaramdam siya ng gutom. Si Mica tuloy ang nai-stress sa kanilang mag-ama at hindi rin nakakain.
Hanggang sa makarinig siya ng malalakas na boses sa front door ng kanilang bahay. Boses ni Mica at parang may sinisigawan ito. Lumabas siya ng kuwarto at inis na nagmartsa papunta roon. Bumulaga sa kanya ang mga kislap ng mga camera pero wala na siyang pakialam.
“Pati ako tinatanong! Ang kukulit ng mga lekat!” inis na sumbong sa kanya ni Mica. “Ni hindi na ako makalabas ng bahay, Pipay! Kailangan kong bumili ng napkin ko!” naiiyak nitong sabi.
Wala talagang hiya ang mga reporter dahil binirahan na naman siya ng mga tanong.
“Boyfriend mo ba si Governor Jaidon Silvanus?”
“Gaano katagal na kayong may relasyon?”
“ Itinatago n ’yo ba sa publiko ang relasyon ninyo?”
“May plano na ba kayong magpakasal?”
Umakyat ang dugo sa ulo ni Pepper. “Mga punyeta kayong lahat! Bakit ba ayaw n’yo pang umalis? Sinabi nang ayaw naming magpa-interview!” bulyaw niya sa mga reporter.
Makulit ang isang lalaki may hawak na video cam, talagang nilapitan pa siya.
“Ilayo mo sa akin `yan o sasamain ka sa akin!” banta niya.
Pero matigas ang kumukuha ng video. Akmang bibirahan pa siya nito ng tanong nang pinaigkas niya ang kanang kamao.
Nabitiwan ng lalaki ang hawak na videocam dahil sa lakas ng uppercut niya. Doon na uli nagkumahog na lumapit sa kanya ang mga reporter. Muling nagkislapan ang mga camera. Umiiyak na si Mica at hinihila siya paloob ng bahay.
“Halika na, Pipay. Magpapasador na lang ako!” ngawa nito.
“Sabing umalis na kayo dito! Pagbabasagin ko `yang mga putang-inang pagmumukha at camera ninyo!” nanggagalaiting tili pa ni Pepper.
Hanggang sa may isang grey metallic BMW X5m na tumigil sa labas ng bakuran. Iyon ang dinumog ng mga reporter. Natapik ni Pepper ang noo nang lumabas mula doon si Jaidon at ang bodyguard-cum-driver nito. Sa tulong ng bodyguard ay nakalapit sa kanyang kinaroroonan si Jaidon.
“Hi,” alanganin ang ngiting bati nito, parang tinatantiya yata siya. Pagkatapos ay walang sabi-sabing hinalikan siya nito sa pisngi.
Parang mga palakang napatakan ng unang patak ng ulan ang mga reporter. Umugong uli ang mga tanong.
Doon na nagsalita si Jaidon sa mga ito. “Yes, Pepper is my girlfriend and we need our privacy, please.” Hinawakan siya nito sa baywang. “If you’ll excuse us. Thank you.”
Parang prinsipe itong bahagyang yumuko sa mga tao roon saka mabini siyang hinila sa loob ng bahay. Naiwan sa labas ang bodyguard at si Mica naman ay nakalabas na sa wakas mula sa bakuran.
“What the fuck, Jaidon?” nanlalaki ang mga matang bulalas ni Pepper sa lalaki nang nasa salas na sila. “A-anong girlfriend?!”
Hindi naman ito nayanig ng katarayan niya. Of course not. He was a lawyer and a governor, for shit’s sake!
Nagpakawala pa ito ng over-confident na ngiti. “Kailangan pa ba kitang ligawan?”
Kung puwede lang sigurong lumuwa ang eyeballs niya mula sa sockets ng mga iyon ay namumulot na siya ng mga mata sa sahig.
“G-gusto mo akong maging girlfriend?”
“ Yes. ”
Kumumpas ang mga kamay niya sa ere. “Nababaliw ka na ba?”
Ang maaliwalas na ngiti nito ay naging pilyong ngisi. “Nababaliw ako sa iyo. At alam kong ganoon ka din sa akin.”
Napalunok si Pepper. She couldn’t deny it—that madness, that erotic madness that was overpowering her even right now that she was in a messy situation. Standing close to this powerful man was giving her that tingling, delicious sensation once again.
Napaatras siya nang lumapit pa sa kanya si Jaidon.
“Idadahilan mo ba ang alak? Hindi na tayo lasing pareho ngayon. Lalong wala tayong hangover.”
Napasinghap siya nang ma-corner siya nito sa dingding. “J-Jaidon…” she almost mewled when his body touched hers.
“We want each other, Pepper,” mahinang sabi nito sa nanunuksong boses, humagod ang bibig sa kanyang leeg.
“Uuumph…” impit na daing niya nang padaanin nito ang mga daliri sa kanyang kanang braso pataas sa kanyang balikat.
“Just think. Maybe we can make this work,” narinig niyang sabi nito bago siya siniil ng halik sa bibig.
She ground her body against his as their mouths fucked each other. Hindi na siya nag-isip, wala na siyang kakayahang mag-isip nang mga sandaling iyon.
Hanggang sa may narinig silang bumukas na pinto—ang pinto ng master’s bedroom. Mabilis na itinulak ni Pepper si Jaidon pero mahigpit naman ang hawak nito sa kanyang baywang, ayaw kumawala mula sa kanya.
Galit na iniluwa ng pintong iyon si Fernan at nagmartsa patungo sa dalawa. “Wala akong pakialam kahit ikaw pa ang presidente ng Pilipinas, kailangan mong panagutan—”
“Pakakasalan ko po ang anak ninyo,” mabilis na sabi dito ni Jaidon.
Muntik nang mag-collapse si Pepper.