noveltoon logo noveltoon
The Governor's Wife

Chapter 1

Ch. 2 / 37 Nov 28, 2025

“BALIW ka talaga, Pipay Pasaway!” tili ng kaibigan ni Pepper habang kausap niya ito sa cell phone.

“Akala mo hindi ako seryoso? ” natatawa niyang tanong kay Linny.

“Kailan ka ba nagseryoso sa buhay? At kailan ka pa gumawa ng plano? Hindi ka nagpaplano. Sugod ka na lang nang sugod at kinabukasan, joint forces ang Avengers at Justice League na bahala sa iyo.”

“Well, kailangang planuhin itong mabuti.”

Napangisi si Pepper nang ibalik ang tingin sa pinapanood sa kanyang laptop. She was watching erotica for women. Okay, porn. Sa kailangan niya ng pointers, `no? Ilang erotic stories na rin ang nabasa niya online. Sangkatutak na ring research tungkol sa pakikipag-sex ang ginawa niya.

“Naaalala ba `yan ni Radley? Kung hindi mo pa pinaalalang siya ang magbibigay sa iyo ng first kiss ay hindi niya iyon ginawa noon.”

“Alam mo naman ang taong `yon, palaging madaming iniisip at ginagawa. Kailangang i-remind lang at wala namang problema iyon sa kanya.”

Kinilig si Pepper nang maalala ang kanyang unang halik noong debut niya. Isa si Radley sa 18 roses niya noon. Hinalikan siya ng lalaki sa mga labi sa likuran ng kanilang bahay. It was then that she boldly declared her feelings to him. Pero ang kumag, hindi naman siya sineryoso.

“Pepper, you’re not in love with me,” natatawang sabi ni Radley.

“Totoo!” pilit naman niya. “In love talaga ako sa iyo. Matagal na.”

“Magkaibigan tayo. Tropa.”

“So? Hindi ba puwedeng magkaroon ng feelings?”

“Akala ko ba walang taluhan?”

“Hindi ka naman officially kasali sa tropa namin, ano? Tuwing bakasyon ka lang naman napupunta dito sa San Roque.”

“Ah. So, I am the exception?” amused na tanong ni Radley.

“Yes. At since ako ang leader ng tropa, ako ang masusunod.”

“Kakaiba ka talaga.”

“You bet!”

“But I don’t want you to be my girlfriend, Pep. Ayokong magka-girlfriend, remember?”

“ Dahil maglilibot ka sa buong mundo pagka-graduate mo ng college? Puwede mo naman akong isama. Bagot na bagot na ako dito sa probinsiya. ”

Pinisil ng lalaki ang kanyang ilong. “You don’t know what you’re saying, kid.”

Inangilan niya naman ito. “Isang taon lang ang tanda mo sa akin. Maka-kid naman ito! Kaka-eighteen ko lang. Hindi na ako bata. Legal na nga akong makipag-sex.”

“Huwag mong sabihing sa akin mo rin hihilingin `yan?”

Hindi na siya nag-isip pa. Kailan ba naman siya nag-isip bago nagsalita? “Why not, coconut? Ikaw na ang first kiss ko, bakit hindi na rin ikaw ang maging first sexperience ko?”

Tumawa ito. “Baliw.”

“Gago. Hindi ko naman sinasabing ngayon na. As if naman, kating-kati ako. Hindi pa ako ready sa mga ganyan, ano?”

“Okay, kung wala ka pang sexperience pagtuntong mo sa edad na twenty-five, call me.”

Nanlaki ang mga mata ni Pepper. “S-seryoso ka?”

“ Oo. Ipaalala mo lang. ”

“Okay, deal.”

She just turned twenty-five the other day. Hindi na siya nagpa-party, humingi na lang siya ng pera sa kanyang mga magulang. Bumili siya ng bagong damit at sapatos, pati na purse at accessories. Sa darating na Sabado ng gabi ay magkakaroon ng party sa ika-sixty na kaarawan si Senador Emmanuel Silvanus, ang ama ni Radley. Pinadalhan siya ng lalaki ng imbitasyon at alam niya kung bakit. Isasagawa na nila ang usapan nila noon!

Mga bata pa lang sila nang magkakilala ni Radley. Taga-Quezon City ang pamilya nito pero sa San Roque, Sinagtala ang hometown. Tuwing bakasyon ay nagpupunta ito doon. Malapit lang ang bahay nila sa ancestral home ng mga Silvanus kaya naging kalaro niya ito sa kalye. Napasama rin ito sa tropa niyang isang pop dance troupe na nabuo nila sa high school. Lagi silang sumasali sa mga dance competition at kung minsan, nagpe-perform sa mga pagtitipon sa mga barangay. Natigil lang sila sa pagsasayaw nang magkaroon sila ng sari-sariling buhay. Nag-abroad sina Lawrence at Mike, nakapag-asawa naman ng taga-Cebu si Vander, may-asawa na rin si Linny at sa Makati na nakatira. Silang dalawa na lang ni Ponzi ang nasa San Roque.

Napapasama noon sa kanilang grupo si Radley dahil marunong din itong sumayaw. Gustong-gusto ito ng tropa kasi mahilig manlibre at magaling makisama.

“Pipay, ha? Pasalamat ka’t wala ako diyan ngayon kundi kurot sa singit ang aabutin mo!” banat ni Linny.

Tumawa si Pepper. “I’m gonna do this! Just watch me.”

“Hindi ka man lang ninenerbiyos?”

“Ako pa! Saka depende naman daw kung masakit sa babae `yong unang sex. Sa kaso ko, flexible naman ang katawan ko. Saka mahilig ako mag-bike at sumayaw, kaya baka basag na rin ang hymen ko sa kaka-split pa lang. Kaya kering-keri ko na ang sex!”

“Gagaaa!” tili ng kaibigan. “Depende rin sa lalaking partner mo, `no?”

Pero determinado talaga si Pepper. Ngayon ay tutok na tutok ang mga mata niya sa magkaparehang nagkakainan ng mga maselang ari sa video. She was paying particular attention on how the woman was licking and slurping the man’s cock. Kailangan niyang matutunan iyon. Ayaw niyang maging tanga sa sex. Kailangan ding masiyahan sa kanya si Radley.

“C’mon, Lin. Suportahan mo na lang ako dito,” hikayat niya sa kaibigan.

“Anong klaseng suporta? I-pray over kita, ganern? Batukan pa kita diyan para makita mo!”

Nagpaalam na si Pepper kay Linny. Binuksan niya ang Facebook account at hinanap ang account ni Radley. Last week pa ang huling update nito ng status, sinabing kauuwi lang ng Pilipinas galing sa Dubai. Tinutupad na ng lalaki ang pangarap na libutin ang buong mundo. Napakaraming bansa na ang napuntahan nito at madalang na kung umuwi sa bayang sinilangan. Hindi rin sila madalas nagkakausap sa telepono o kahit sa social media. Kailan na nga ba sila huling nagkita? Two years ago? Ganoon na pala katagal. Gusto man niyang magduda na baka nakalimutan na nito ang usapan nila noon ay nagkaroon naman siya ng pag-asa nang minsang i-message niya ito sa Facebook noong nakaraang buwan.

Remember our pact on my eighteenth birthday? deretsang tanong niya.

Naglulundag siya noon sa tuwa nang sumagot si Radley ng YES. Oo, all caps pa talaga.

NAKASIMANGOT na bumangon si Pepper sa kama at nagkukusot ng mga matang tinungo ang pinto ng kuwartong halos magiba sa lakas ng pagkatok ng kanyang ama.

“Papa naman, eh,” nagdadabog na angal niya nang pagbuksan ito. “Wala pang alas-siyete ng umaga, ah.”

“Walang kasama si Rey sa shop, day-off ngayon ni Macmac. Magbihis ka na’t pumaroon bago pa dumami ang tao sa palengke. Pupunta daw si Gov doon ngayon, dudumugin na naman `yon ng mga tao.”

Ang shop na tinutukoy ng kanyang ama ay ang ipinatayo nitong puwesto ng hardware store sa pamilihang bayan ng San Roque. Iyon ang pinagkakaabahalan nito pagkatapos mag-early retirement sa pagiging English teacher sa high school. Maayos naman ang kita ng shop at malaki na rin ang ipon ng kanyang mga magulang kaya magre-retire na rin mula sa pagiging nurse sa London ang kanyang ina. Uuwi na ito sa Pilipinas sa susunod na taon. Maiiwan naman sa London ang Ate Ginger niyang isa ring nurse at doon na nagkaasawa ng kapwa Pinoy.

“Si Mica, nasaan ba?” nagkakamot ng ulong tanong ni Pepper. Si Mica ang kanilang kasambahay nang may limang taon na rin. Matanda ito sa kanya ng apat na taon pero hindi nagpapatawag ng Ate.

“Hindi sa shop ang trabaho ni Mica. Napakatamad mo talaga,” angil sa kanya ng ama. “Magbihis ka na!”

Ayaw niyang sumuko. Masarap ang kutson na higaan at airconditioned na silid. Gusto niyang matulog hanggang alas-diyes ng umaga. “Saan na naman ba kayo pupunta kasi?”

“Magvo-volunteer ako sa school, ginagawa na `yong bagong pader doon. Gagamitin ko ang kotse, mag-tricycle ka na lang.”

“‘Pa, alam mo namang hindi pangpalengke ang anak mo!” dahilan niya kahit wala namang problema sa kanya ang palengke. Malaki iyon, malinis at maluluwag ang daanan. Dakilang tamad lang talaga siya.

“Kung sana nagtapos ka sa college, `di hindi sana kita inuutusan ngayon.”

Umikot ang eyeballs ni Pepper. “Heto na naman po tayo,” bulong niya.

Palagi na lang isinusumbat ng ama ang pagtigil niya sa pag-aaral ng kursong Accounting. Dalawang taon lang ang kinaya niya. She hated school! Hindi siya bobo pero tamad talaga siyang mag-aral. Tamad siyang sumunod sa mga utos ng guro. Madalas siyang maglakwatsa kasama ang barkada at mas gusto niya iyon. Nang sabihin niya sa mga magulang na ayaw na niyang mag-aral ay tigas ang mga ito sa pagtanggi kaya ang ginawa niya, sadya niyang ibinagsak ang lahat ng major subjects. Hindi rin siya nagpapilit na mag-shift ng course. Nagmatigas siyang ayaw na niya talagang mag-aral. Ipinangako niya naman sa mga ito na maghahanap siya ng trabaho. Pero dalawang taon ang lumipas na tambay lang siya, pasama-sama pa rin sa tropa niya sa pagsasayaw. Nang mabuwag ang grupo nila, sumama siya kay Linny noon sa Makati pero tatlong buwan lang ang itinagal niya sa call center.

“Kailan ka ba aayos, anak?”

“Hindi naman ako magulo, ah,” nakangusong banat niya sa ama.

Umiling-iling si Fernan. “Akala ko, noong nakapag-asawa na ang best friend mo ay magtitino ka na. Heto’t puro ka pa rin lakwatsa, puro gastos.”

“Dito na nga lang ako sa Pilipinas mag-isang naglilibot dahil ayaw n’yo akong bigyan ng pamasahe papuntang Japan.”

Matagal na niyang inuungot iyon sa mga magulang, kaso, sa Cebu lang ang inabot ng cash gift ng mga ito. Katwiran ng mga magulang, nakarating na naman siya sa ibang parte ng Asia—sa Hong Kong, Malaysia, Thailand, Laos, Singapore at Indonesia. Makontento na raw muna siya doon.

“Nangonsiyensiya ka pa. ”

“Siya, pupunta na ako!” pagpayag na ni Pepper.

Ngumiti na ang ama.

“Pengeng five hundred na lang.”

Biglang nawala ang ngiti nito. “Wala ka talagang kupas!”

“Sige na, `Pa. Pang-Chowking lang.”

Bumuntong-hininga ito bago dumukot ng pera sa wallet. Sumilip naman siya sa laman niyon.

“Wala yata kayong five hundred bills? `Yang one thousand na lang, `Pa!” nakangising sabi ni Peper.

“Ibalik mo ang sukli,” sabi naman nito nang iabot nito ang isang libong piso.

Sukli? Hu u?

DOON na sa shop nag-almusal si Pepper, bumili siya ng donut at kape at nagmagandang loob namang isinali niya sa pagkain si Rey. Kababaryo niya si Rey, mas bata sa kanya ng dalawang taon; high school lang ang natapos dahil walang pantustos ang mga magulang nito para makapag-aral sa kolehiyo. Tinuturuan naman ito ng kanyang ama kung paano mag-aral sa mga online course ng TESDA.

Nang magtanghalian ay pinipilit ni Pepper si Rey na bibilan niya ito ng pagkain pero tigas naman itong tumanggi. May baon daw itong tanghalian, luto ng nanay nito. Sinabi niyang ibibili na lang niya ng bubble tea ang lalaki at hindi naman nito iyon tinanggihan.

Pagbalik niya sa shop ay may kaargumentong isang babae si Rey.

“ Ano pong problema? ” sita niya nang makalapit pero hindi siya pinapansin ng babae na sa tingin niya’y girlfriend ni Rey dahil tungkol sa pagtataksil ang itinatalak nito.

Palakas nang palakas ang boses ng babae. “Hindi ka na nagbago! Nasaan ang textmate mong `yan nang masabunutan ko?!”

Naasar si Pepper nang isang lalaking parang customer ang nagbago ng isip na lumapit sa shop.

“Wala akong alam sa sinasabi mo. Masyado ka kasing nagpapaniwala sa mga kaibigan mong puro tsismosa,” kalmang sabi naman ni Rey.

“May iba kang babae, punyeta ka!” sigaw pa rin ng girlfriend nito.

“Umuwi ka na, Teri. Mamaya na tayo mag-usap. ”

Pero galit talaga ang babae. “Hindi ako uuwi hangga’ t hindi mo inilalabas ang babae mo! ”

“Anong ilalabas ko? Wala nga!” banas na sagot ni Rey.

Doon na sumingit si Pepper. “Miss, please lang, iwan mo na itong shop. Nakakabulabog ka na ng customers.”

Nagulat siya nang duruin siya ng babae sa mukha. “Wala kang pakialam!” Hanggang sa pamaywangan siya nito matapos umakyat-baba ang mga mata sa kanyang kabuuan. “Baka naman ikaw ang tinatagong babae ni Rey, ha?”

Aba ’t! Pagbintangan ba siya!

“Excuse me, dahan-dahan ka sa pamimintang at baka samain ka sa akin!” mataray namang sagot ni Pepper. “ Umalis ka na dito sabi. ”

Pero mataray din ito. “Kung wala ka naman palang kinalaman kay Rey, shut up ka na lang, okay? Away namin itong dalawa!”

And, wow! The nerve of this bitch para itulak siya sa dibdib!

Nagdilim ang paningin ni Pepper. Bago pa nakapiyok muli si Teri ay sinapak na niya ito sa mukha. Nagsisigaw naman itong sinaklolohan ni Rey. Pero tinadyakan nito ang boyfriend. Sa payat ng lalaki, tumilapon ito sa sidewalk.

Sinugod siya ni Teri pero nakahanda naman siya; bago nito nahablot ang kanyang buhok ay nakalmot niya ito sa leeg. Pero ayaw pa ring tumigil ng babae, parang tigre sa bangis na muling sumugod. Hampasan, sampalan, suntukan. Hindi makaawat si Rey dahil pati ito ay nasasali na rin sa mga palitan nila ni Teri ng mga suntok, sampal at kalmot. Nakarating sila sa gitna ng daanan at nagkakaroon na sila ng audience. Hanggang sa napatumba niya ang babae at sinakyan ito’t pinagsusuntok sa mukha.

Hindi naman nagtagal at mayroong umawat sa kanila. Dalawang lalaki. Isang lalaking naka-sunglasses at siksik ang katawan ang umalalay kay Teri upang makabangon at dalawang malalakas na kamay ang humawak sa magkabila niyang kilikili at walang hirap siyang iniangat. Nang lingunin niya ito ay napatda siya.

Matangkad. Guwapo. At pamilyar sa kanya.

“ Pepper? ” parang natatawang sambit nito.

“J-Jaidon?! G-gov!” natatarantang usal ni Pepper at hiyang-hiyang kumakawala mula sa mga kamay ng batang governor. “Shit, shit!” Natataranta siyang inayos ang T-shirt at nagpagpag ng pantalon.

Hindi na niya namalayan kung anong nangyari kay Teri. Parang naitaboy na ito ni Rey dahil nawala na sa eksena.

“You never changed. Nakikipagrambulan ka pa rin,” parang amused na sabi pa ni Jaidon sa kanya.

Naalala niya tuloy ang ganoong eksena, maraming taon na ang lumipas.

Twelve years old siya noon at may nakaaway na ibang grupo ang tropa niya. Dayo ang limang binatilyong mukhang adik na nagpunta sa pista ng kanilang barangay. Kinursunada ng mga ito si Radley, binastos pa si Linny. Siyempre pa, kasali siya sa mga nakipagsuntukan nang magkarambulan na. Hah. Hindi siya umuurong sa kahit na anong labanan!

Inabutan ni Jaidon—na noon ay nineteen years old—ang kaguluhan at halos bitbitin nito ang nakababatang kapatid na si Radley palayo sa kalaban. Saka siya nilapitan ng lalaki habang nakapatong sa isang payat na binatilyong pinagsusuntok niya sa mukha. Siya na lang pala ang natitirang lumalaban noon. Nagsialisan na rin ang mga kaaway nila.

“You know what? You’d look prettier in a dress and not fighting with these bullies,” sabi sa kanya noon ni Jaidon nang maitayo siya’t mahigpit na hawak-hawak para hindi na habulin ang binatilyong putok ang mga labi at duguan ang ilong na umalis.

“Hindi ako nagde-dress!” angil niya at padarag na kumawala mula sa pagkakahawak ni Jaidon.

“Siya ang nauna,” dahilan ni Pepper kay Governor Jaidon Silvanus pagkatapos nang mabilis na flashback sa kanyang alaala. Iniwasan niyang tumingin sa paligid na puno ng tao. “Pinagtanggol ko lang ang sarili ko.”

“Right.” Tumuwid ng tayo ang lalaki.

Napakakisig nito sa suot na kulay puti at asul na plaid polo na kaswal na naka-tuck out mula sa itim nitong pantalon. Parang napakasarap ding singhutin ang kaaya-ayang amoy nito. He smelled so fresh and clean and crisp. At bakit napakaguwapo pala nito sa malapitan? Lalaking-lalaki ang hugis ng panga nito at aristokrato ang tangos ng ilong. Hindi na niya matandaan ang huling pagkikita nila dahil madalang na rin ang pagpunta ni Radley sa San Roque. Basta ang natatandaan niya, hindi pa gobernador si Jaidon nang huli niya itong masilayan sa personal sa ancestral home ng mga Silvanus. At nang maupo ang lalaki, nagpatayo ito ng sariling bahay sa Sta. Inez, ang capital municipality ng Sinagtala. Ang lolo nitong retired na sa politika ang nakatira ngayon sa ancestral home.

Ngumiti si Jaidon sa kanya at mas lalo lang siyang nahiya dito . Juslord. Umaatikabong sermon na naman ang aabutin niya mula sa ama kapag umabot dito ang balita na hindi malabong hindi mangyari dahil kalat ang genes ng mga tsismosa sa kanilang bayan.

“It’s good to see you again, Pepper,” paalam ni Jaidon at nagpatuloy sa paglalakad at pakikipagkamay sa mga sumasalubong na mga tao dito.