TATLONG araw nang nasa bahay ni Jaidon si Karina. Panay din ang labas ni Pepper kasama ang bisita. Naiinis man siyang aminin ay na-e-enjoy niya itong kasama. Fab and classy ito pero hindi maarte, kumain pa ito ng fishball at kikiam sa kanto kasama niya. Gusto rin niya ang bonggang taste nito sa mga damit, tinuruan pa siya kung ano ang gagawin para maging komportable ang kanyang mga paa sa high heels; may ipinahiram itong foot spray na nagpo-protekta sa mga paa. Nagpilit din itong lagyan siya ng makeup na ikinagulat niya ang resulta dahil pagkaganda-ganda niya. Mukha siyang celebrity! Mas magaling pa si Karina kaysa sa nag-make up sa kanya noong pictorial nilang mag-asawa. Iba talaga ang nagagawa ng contouring and highlighting na hirap siyang matutunan sa video tutorials. Total transformation ang effect. Pati si Jaidon kahapon ay napahanga sa kanyang hitsura. Mukhang matiyaga naman si Karina sa pagtuturo sa kanya, pasasaan ba’t makakaya na niyang ayusan ang sarili nang mag-isa.
Ang resulta tuloy ay nawiwili na siyang magsuot ng magagandang damit at sapatos at lumalabas ng bahay na naka-makeup. Mas nagiging komportable siguro siya dahil kasama niya si Karina at hindi siya naa-out of place dito.
“Kailan n ’yo balak magka-baby?” tanong ni Karina kay Pepper nang kumakain sila ng tanghalian sa isang restaurant.
“Hindi ko pa alam, wala pa kasi sa balak namin sa ngayon.”
“Do you like kids, Pepper?” parang interesadong tanong pa nito.
“I think I do. I’m not totally crazy about them though. Pero siyempre ibang usapan na kapag anak, `di ba? Siyempre mamahalin ko ang mga magiging anak ko.”
Sa totoo lang ay kinikilabutan pa rin siya sa ideyang pagkakaroon ng anak. Pakiramdam niya kasi, hindi pa niya lubusang natutuwid ang kanyang buhay para magkaroon siya ng anak. Bago siya maging mabuting ina ay kailangan niya munang maging isang mabuting mamamayan at mabuting misis. She thought it was just fair to think that way. Ganoon dapat ang responsible parenthood, hindi ba?
“Pero saka na muna ang baby. Naiisip ko kasing bumalik sa school at tapusin `yong kurso ko. I mean, kahit ayoko ang kursong `yon at ayoko talagang mag-aral, gusto ko rin namang makatapos at magkaroon ng diploma.” Nagulat pa siya sa sarili dahil ngayon lang niya naisipang gawin iyon. Biruin mo, babalik uli siya sa paaralan. Baka magpamisa bigla ang pamilya niya! “Pero next year na lang, pagkatapos ng eleksiyon.”
Nakangiting dinukot ni Karina ang smartphone nito mula sa bag. “Here’s my unico hijo, Aaron,” pagmamalaki nito at ipinakita sa kanya ang larawan ng anak nito. “He’s my only treasure in this world. I’d do anything to make him happy.”
“Aww, ang cute-cute!” natutuwang sabi ni Pepper nang makita ang picture ng batang lalaking nakasakay sa wooden rocking horse. Siguro ay mayroong nakalabit sa kalooban niya dahil bigla-bigla ay nakaramdam siya ng parang inggit. “Ilang taon na siya?”
“He’ll be two this August.”
“Napakaguwapong bata,” puri pa niya bago ibinalik ang smartphone kay Karina.
“Guwapo rin kasi ang Tatay.”
“Saka maganda ka, sobrang ganda,” nakangiting sabi niya.
Ngumiti rin ito. “Thank you, Pepper.”
Pagkatapos nilang kumain ay sumama sa kanya si Karina sa pagdalaw niya sa Sunlight. Tunay ang nakita niyang tuwa at interes nito sa center. Nakipag-usap pa ito sa mga nangangasiwa roon, pati na rin sa mga babaeng kliyente na pansamantalang nakatira roon; naramdaman niya ang genuine concern ng babae sa mga iyon.
“I would gladly give my free services `pag nandito lang ako sa Pilipinas,” sabi pa n i Karina.
“Sunlight can use a good lawyer like you,” nakangiti naming sabi ni Pepper. “Sayang.”
Napansin niya ang parang pag-iisip nito nang malalim. “Well, malay natin, baka magbago ang ihip ng hangin at maisipan ko na lang na dumito sa atin?”
Napansin yata ni Karina na sinusuri niya ang ekspresyon sa mukha nito kaya ito naglayo ng tingin.
KAUSAP ni Jaidon ang kapatid sa telepono nang hapong iyon. Nasa Pilipinas daw ito, sa kanilang ancestral home sa bayan ng San Roque.
“Lolo wants you to come over for dinner,” bilin pa ni Radley. “Nagpapaluto na ang matanda kaya hindi ka na makakatanggi. You need to be here this evening.”
“May bisita sa bahay.”
“Sino? Bring them over.”
“It’s Karina.”
“Whoa, whoa! Damn. You mean, the Karina? The smoking hot lawyer, your ex-fuck buddy? Anong ginagawa niya diyan? At nasa bahay mo pa siya? Alam ba ni Pepper ang tungkol sa inyo?”
“Radley! What the hell, isa-isa lang!” singhal ni Jaidon sa kapatid.
Tumawa ito. “Nagulat lang ako.”
Alam ni Radley ang tungkol sa kanila ni Karina. Narinig nitong may ginagawa silang milagro noon sa kanyang kuwarto. Birthday niya noon at may maliit na salo-salo sa kanilang bahay kung saan dumalo ang babae at hindi nila napigilan ang pananabik sa isa’t isa. They were discreet to everybody, even to their circle of friends and colleagues. Kundi pa sila nabuking noon ni Radley ay walang sinumang nakakaalam sa kanilang relasyon. Si Karina mismo ang nagsabi kay Radley ng tunay nilang set-up. Hindi naman siya noon tinantanan ng kapatid hangga’t hindi siya nito napaamin na may pag-ibig siyang nararamdaman para kay Karina.
“So, Pepper knows about it?” parang hindi makapaniwalang tanong ni Radley nang matapos si Jaidon sa pagpapaliwanag dito.
“Yes. And they are getting along just fine.”
“Amazing.”
“They’re women. Tell me about it,” iiling-iling na sabi lang niya.
“Maganda pa rin ba si Karina?”
“ Yes. ”
“Sexy? `Di ba may anak na siya?”
Nagkamot siya ng sentido. He felt a bit awkward in answering his brother’ s question. “She’s in shape,” sagot niya.
“Huwag ka lang matutukso, Kuya.”
“ Gago! ” mura ni Jaidon sa kapatid.
“I’m serious. Uupakan kita kapag pinaiyak mo si Pepper.”
“Ikaw ang uupakan ko kapag hindi ka pa tumigil sa pang-iintriga, Radley.”
Tumawa ito. “Ikaw, makikipagsuntukan? Kailan ka pa naging bayolante, Mr. Nice Guy?”
“You’d be surprised, man,” seryosong sabi niya naman. Nakalimutan yata nitong nag-aral siya ng self-defense nang maluklok siyang gobernador. Of course Radley didn’t know about it. Halos isang beses lang sa isang taon kung magkita sila. Marami silang hindi alam tungkol sa isa’t isa. “Mag-ingat ka sa paghamon mo sa akin, baka pagsisihan mo.”
Nag-alangan noong una si Karina na sumama sa imbitasyon ng Lolo ni Jaidon pero pinilit naman ito ni Pepper. Isang masaganang hapunan ang inihanda sa kanila ng biyudong matanda na tuwang-tuwa sa pagbabalik ni Radley sa Pilipinas. Ganoon ito lagi, kulang na lang ay magpapiyesta kung umuuwi dito ang paboritong apo.
Gaya ng inaasahan ni Jaidon ay muling kinulit ni ex-vice president Crisostomo Silvanus si Radley na huwag nang umalis ng bansa, pag-isipan daw nitong pumasok din sa politika. Tumira daw ito sa San Roque at kumandidatong town mayor. Tinawanan lang naman ito ng apo.
Pagkatapos nilang kumain ay nagbukas ng mga mamahaling alak ang matanda. Napansin ni Jaidon na napaparami na ang inom ni Karina nang gumewang ito sa pagtayo.
“Oh, geez. Humihina na yata ako sa alak,” natatawang sabi nito nang maagap niyang inalalayan. Mapungay ang mga matang tumingin ito sa kanya at humaplos ang mga kamay sa kanyang dibdib. “I need to use the bathroom, Jai,” paalam nito. Hinawakan niya ang kamay nitong akmang aakyat sa kanyang leeg.
“I’ll take you there,” mabilis namang sabad ni Radley at bago pa may nakapiyok kina Jaidon at Karina ay naalalayan na nito ang babae.
Pasimpleng umirap si Pepper kay Jaidon nang bumalik siya sa upuan. Napabuntong-hininga na lang siya saka nilaklak ang natitirang whiskey sa kanyang baso.
KANINA pa hindi mapakali si Pepper sa ancestral home ng mga Silvanus. Naliligalig siya sa presensiya ni Radley at sa pagkakalapit ng kanyang asawa at ni Karina. Alas-nuwebe na nang gabi at napilitang nagpaalam si Crisostomo sa mga bisita para matulog dahil may tama na ito ng alak. Magkausap naman sina Jaidon at Karina sa lanai; naiwan si Pepper sa salas at gusto na niyang pag-initan lahat ng mga bote ng alak sa bar counter doon.
“Hanggang kailan ka dito?” sita ni Pepper kay Radley nang tumabi ito sa kanya sa bar stool.
“Bakit parang nagmamadali kang umalis na ako?” natatawang balik-tanong naman nito. “Dati, panay ang tanong mo kung kailan ako uuwi.”
“Pinapaalis ba kita? Gago ka talaga kahit kailan!” asik niya naman dito.
She still felt a bit restless around Radley. Siguro, hindi agad iyon maaalis lalo pa’t hindi niya inaasahan ang kanilang muling pagkikita. Why, ito lang naman ang lalaking hiningan niya noon ng pabor na maging una niyang karanasan sa sex, ang unang lalaking minahal niya.
Minahal? Past tense na ba talaga?
Tumingin si Radley sa lanai at parang matamang nag-iisip. “What do you think about Karina?” mayamaya ay seryosong tanong nito.
Iniwasan niyang makitingin. “Gusto ko siya. I think she’s awesome,” matapat niyang tugon.
“She’s always awesome,” sang-ayon naman ni Radley. “ And, damn. She ’s hotter now, way too hotter,” parang pigil-hininga pang bulalas nito. “Hindi ka ba nagseselos sa kanila ni Kuya?” mayamaya ay pang-iintriga nito.
She rolled her eyes. “May dapat ba akong ipagselos?”
Nagngitngit siya kaninang nahuli niyang humaplos ang mga kamay nito sa dibdib ng kanyang asawa. Ugh! Pero nagpapakarasyonal pa rin siya. Karina was drunk. May mga tao talagang nawawala sa sarili kapag nalalasing.
“Alam mong in love noon ang asawa mo sa kanya?” tanong pa nito.
Nagtataka siguro si Radley na hindi siya beast mode sa sitwasyong nasa iisang bubong sila ng kanyang asawa at ng babaeng may ugnayan dito noon. Well, siguro ay na-tame na rin kahit paano ang nagwawalang tigre sa loob-loob niya. Natututo na siyang mag-isip bago magsalita at gumawa ng aksiyon. Way to go, Pepper!
“Noon iyon,” sagot niya kay Radley.
“Hindi ka man lang nainis na pinayagan ni Kuya na mag-stay sa bahay n’yo si Karina?”
“Medyo, pero kung walang gustong gumawa ng kabalbalan, walang mangyayari, `no? Isa pa, I trust my husband. Kahit sina Scarlett Johansson o Charlize Theron pa ang patirahin niya sa bahay, kung ayaw niya talaga sa tukso ay iiwas siya.”
Doon lang na-realize ni Pepper na hindi pa pala niya natatanong si Jaidon kung mahal pa rin nito hanggang ngayon si Karina. Pero kailangan pa bang itanong iyon? Ilang babae na rin ang naka-date nito pagkatapos ng relasyon nito kay Karina.
Oh, damn. Dapat ba niyang itanong din kung ilang babae na ang minahal ng kanyang asawa? Pakiramdam niya, parang unfair na kinakalkal niya ang nakaraan nito sa pag-ibig samantalang wala naman itong itinanong sa kanya kahit isa tungkol doon.
“Basta `yong bilin ko sa iyo, Pep. Isumbong mo lang sa akin kung may hindi magandang gagawin sa iyo ang kapatid ko.”
Natawa siya at pumihit siya ng upo paharap sa lalaki. “Sige nga, anong gagawin mo sakaling magtaksil sa akin ang asawa ko?” dala ng curiosity ay naitanong niya.
“I will take you away from him,” napakaseryosong sagot naman ni Radley.
Hindi napigilan ni Pepper ang bumuntong-hininga. “I can handle this, Radley. Thank you.”
Pero parang ayaw naman siyang tigilan ng lalaki. “Are you happy?”
Ngumiti siya habang matamang nakatingin dito. Not so long ago, all she wanted was to leave everything and go away with this man. Pero ngayon ay naiisip niya ang posibilidad na baka iyon talaga ang minahal niya kay Radley. Maybe she was just in love with his adventures?
Iyon `yon, hindi ba? Hay, naku… ano ba talaga ng alam niya tungkol sa tunay na pag-ibig? May kakayahan bang magmahal ang taong gaya niyang madamot at magulo mag-isip?
“ Pepper? ” tawag ni Radley nang hindi siya nakasagot sa tanong nito.
“Actually, I am,” sagot niya. Iyon ang masasabi niyang sigurado siya ngayon. Masaya siya sa piling ni Jaidon. Masayang-masaya.
NATIGIL sa pagtatawanan sina Pepper at Radley nang lumapit sa kanila si Jaidon. Sandali itong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa bago nagyaya nang umuwi.
Pinigilan naman ito ni Radley. “Already? Nasa kasarapan pa lang kami ng kwentuhan ni Pepper. Sabado naman bukas, dito na kayo matulog. ”
“Gusto nang umuwi ni Karina,” dahilan naman ni Jaidon.
“Well, you can leave your wife with me,” nakangisi namang suhestiyon ni Radley. “Ang tagal naming hindi nagkita ni Pepper. Madami kaming pag-uusapan.”
Pinandilatan ni Pepper ang kaibigan, tumingin naman sa kanya ang asawa.
“Radley can drive you home, Pepper,” pagpayag ni Jaidon.
“C’mon, Pep,” pangungulit naman sa kanya ni Radley. “Madami kang dapat ikuwento sa akin, lalo na `yong nangyari kay Ponzi.”
“Okay, I’ll stay for a while,” pagpayag niya, sinulyapan si Karina na hindi pa rin matuwid ang pagtayo.
Gusto niya munang makasama si Radley para patunayang wala na nga siyang nararamdamang espesyal para dito, at para rin mapalagay ang loob niya. Bayaw na niya ang lalaki, kailangan niyang maging komportable doon. Kailangan din niyang lubusang magtiwala na kaya niyang iwang nagsosolo sina Jaidon at Karina.
Yeah, no matter how foolish that would look.
“Huwag mo siyang lalasingin,” bilin pa ni Jaidon sa kapatid nang palabas na ito ng pinto.
Tumawa si Radley. “ Don ’t worry, Pepper is in good hands. Take care of Karina.”
Dalawang oras silang nagkuwentuhan ni Radley bago nagyaya na si Pepper na ihatid siya ng lalaki. Noong una ay nagdadahilan pa itong inaantok na raw at bukas na lang siya ihahatid.
“ Gago! ” mura niya sa lalaki. “Nasaan ang kotse mo at ako ang magmamaneho,” pilit niya.
“Takot ka ba sa kuya ko?”
“Anong takot? Gusto ko lang umuwi na, ayokong matulog dito.”
He grinned at her. “Why, am I making you uncomfortable?”
“Huwag mo nga akong paglaruan, Radley. Tapos na ang kabaliwan ko sa iyo. Bayaw na kita.” Gusto niyang palakpakan ang sarili. Naninindigan talaga siya!
Nakulit niya namang ihatid siya ni Radley, nagpumilit pa itong bumaba ng kotse nang maiparada nito iyon sa harap ng bahay ni Jaidon. She was caught offguard when he leaned over and gave her a quick kiss on her lips. Kunot-noo na lang siyang hawak-hawak ang bibig na ihinatid ng tingin ang kotseng papalayo.
Pag-akyat ni Pepper sa master’s bedroom ay inabutan niyang gising pa ang kanyang asawa. Humalik siya sa pisngi nito nang makalapit.
“You don’t wanna kiss me on the lips?” sa gulat niya ay seryosong tanong ni Jaidon.
She sighed. “N-nakita mo pala.”
“Nagkataong nakatanaw lang ako sa bintana ng kuwarto pagdating ninyo. I thought you weren’t close to Radley?”
“Hindi naman talaga. Na-miss niya lang siguro ako.”
Bahagyang naningkit ang mga mata nito. “Did you miss him, too?”
“Why are you asking me these questions, Jaidon?” medyo inis niyang kastigo dito. “Nagseselos ka ba sa kapatid mo?”
Ewan niya pero sa kabila ng inis ay nagawa niyang kiligin sa posibilidad ng selos.
“I’m not jealous.”
“Ah, talaga?” Pinigil niya ang mangiti.
Tinalikuran na niya ito at nagpunta sa banyo. Sumunod naman ang lalaki.
“Kasalanan ba kung makaramdam ako ng kakaiba nang makita kong hawak at hinahalikan ng ibang lalaki ang misis ko?” sabi ni Jaidon.
Hinarap niya ito, hindi na niya pinigil ang ngiti. “That kiss was nothing, all right? Hindi iyon sexual, kapatid mo `yon, Jaidon. Bayaw ko na si Radley,” mabini niyang paliwanag dito.
Iniikot naman nito ang kamay sa kanyang baywang. “I know that. I’m sorry,” apologetic nitong sabi.
Ikinawit ni Pepper ang mga kamay sa batok ng asawa. “Normal lang makaramdam ka ng inis. Ganoon din naman ang naramdaman ko nang makita kong hinalikan ka ni Karina.” Akmang hahalikan siya nito nang pinigil niya. “Uy, okay lang sa iyong nahalikan ng iba ang bibig ko kanina?”
“I don’t care.”
“Well, pinunasan ko naman na—”
“Your mouth is mine,” mabilis na sabi naman nito saka siya siniil ng mainit na halik.
Halik na nauwi sa mapusok na pagtatalik kung saan siya ipinuwesto ni Jaidon paupo sa marmol na counter ng banyo. Ni hindi na nila tinanggal ang mga damit ng isa’t isa.
“O-oooh!” daing ni Pepper nang pasukin siya ng asawa. Hindi niya napaghandaan ang biglaang orgasm na iyon. He must’ve hit something inside her.
“Already?” amused na tanong nito habang hawak siyang nangangatal ang katawan dahil sa pag-climax niya agad.
“Hindi ko napigilan, m-my God!” she shrieked as she felt her cunt still quivering from that quick O.
Tumawa ito bago suwabeng umurong-sulong sa kanyang kaangkinan habang sumisipsip sa isang dunggot ng kanyang dibdib. Hanggang sa itaas nito ang isa niyang binti at pinaliguan iyon ng basang mga halik. Ibinaon nito ang ngipin sa maumbok na bahagi ng kanyang binti saka binilisan ang pag-ulos.
“G-Gov, magka-come uli ako,” banta niya dito nang manigas ang kanyang katawan.
Idiniin nito lalo ang pagkagat sa kanyang binti habang isinasagad ang pagkalalaki sa loob niya. Nakita niyang ngumisi ito sa kanya habang nakabaon ang mga ngipin sa kanyang balat bago siya lumiyad para salubungin ang pagbuhos ng luwalhati.
“I want you to come in my mouth,” himok ni Pepper sa katalik nang mahimasmasan siya.
Ibinaba siya ni Jaidon mula sa counter at lumuhod siya sa harapan nito. Pagbuka niya ng bibig ay agad sumulong doon ang basang pagkalalaki nito. She tasted herself from it. Humawak siya sa magkabilang panig ng pang-upo nito habang hawak naman nito ang buhok sa likuran ng kanyang ulo.
Pepper hummed as she fucked her husband’s cock with her mouth. Sinalubong niya ang bawat pagsulong nito, bale-walang umaabot na sa kanyang lalamunan ang kahabaan. She had already learned to control her pharyngeal reflex.
“ Pepper …” he grunted, fisting her hair harder.
Tumingala siya dito para makita ang pagdagdag ng kaguwapuhan sa mukha nito habang papalapit na itong labasan.
“Aaaah!” sigaw ni Jaidon nang marating ang sukdulan at sumabog sa bibig ng asawa ang katas nito. He pushed once more, harder; and then he was done.
Pepper kept mouthfucking his manhood as he climaxed so hard, filling her mouth with his cum. Nang hinugot nito ang ari mula sa kanyang bibig ay doon na niya nilunok ang lahat ng inilabas nito.
Napasandal si Jaidon sa counter. “Fuck, fuck…” mahinang usal nito habang binabawi ang lakas.
“See that, Gov?” sabi naman ni Pepper habang inaalalayan siyang tumayo ng lalaki. “Sa iyo lang ako nakakaramdam ng malisya, sa iyo lang ako nagiging sexual. Sa iyo ko lang ito kayang gawin.”
Napakalapad ng ngiti ni Jaidon. “Okay, noted.”
Masaya at kuntento siyang natulog nang gabing iyon.