noveltoon logo noveltoon
The Governor's Wife

Chapter 32

Ch. 33 / 37 Nov 28, 2025

NILAPITAN ni Emmanuel si Jaidon habang nakatanaw siya sa malawak na bukirin na may mataas pa ring tubig. Tumigil na ang ulan at maaraw na nang hapong iyon kasabay ng pagbuti ng kanyang pakiramdam. Bukas ng umaga nila napagkasunduang umuwi.

“Thank you for coming here, Dad,” sabi niya sa senador. “Pasensiya na kayo sa asawa ko at pati kayo ay pinag-alala dahil sa akin.”

“She did the right thing. Magagalit ako kung hindi niya ako tinawagan. You should’ve called me, too. Pinagamit ko sana sa iyo ang chopper.”

“Parang unfair po sa mga tauhan ko kung gagawin ko `yan. Naghihirap sila sa biyahe `tapos ako ay naka-chopper lang.”

“When I heard your wife crying… God, it broke my heart.” Nagbuga ito ng hangin, hilot ang noo. “Jaidon, I think it’s already time for you to stop doing this.”

Nagpaling siya ng tingin kay Emmanuel. “W-what do you mean?”

“Alam kong ayaw mo nang tumakbo sa susunod na eleksiyon. Napasubo ka lang dahil sa akin. You can always quit, you know? It’s all right, son. I won’t hold it against you. Ako nang bahalang kumausap sa lolo mo tungkol dito. At huwag mong mamasamain kung ano man ang masasabing hindi maganda sa iyo ni Papa, alam mo namang ganyan na `yan magsalita kahit pa sa akin.”

Napamaang si Jaidon. Ang dapat niyang maramdaman nang mga oras na iyon ay ang pagkawala ng tinik sa kanyang lalamunan pero parang iba naman ang nangingibabaw.

“Ayokong ibuwis mo ang buhay mo dahil sa bagay na hindi mo naman gusto mula pa sa umpisa,” sabi pa ni Emmanuel. “Our family made a vow to help this country but we’re not superheroes. We can only do what we can and we’re already doing a way lot more than we should. And it’s not fair at all that you’re being forced to do this against your will. This has to stop, now. Hindi ko maaatim na mapahamak ka dahil sa akin.”

Pinilit ni Jaidon ang ngumiti. “Sinasabi n’yo ba ito ngayon dahil natuklasan ko nang hindi tayo magkadugo? Na pinapakawalan n’yo na ang tungkulin ko sa pamilya n’yo?”

“Whether you like it or not, you will always be my son, Jaidon. Noong oras na natuklasan kong buntis ang iyong ina ay inangkin na kita bilang anak. Kung hindi ko man iyon naiparamdam sa iyo ay humihingi ako ng tawad.”

Hindi nakapagsalita si Jaidon.

Siguro ay tama si Pepper. Minahal din siya ni Emmanuel pero siya lang itong umiiwas at tumitingin sa malayo. Pinalibutan niya ng pader ang sarili at wala siyang hinayaang pumasok doon. It was him who isolated himself from everybody.

“Maybe I did to you what I did to Alyanna before that drove her to your father’s arms. Nagkulang siguro ako ng pagpapakita ng pagmamahal, mas inuna ko ang tungkulin ko sa politika. But I always loved her, always.”

Hindi lingid sa kaalaman ni Jaidon na ipinagkasundo lang sina Emmanuel at Alyanna sa pagpapakasal. Ang pamilya ni Alyanna ang pinakamayaman sa Sinagtala, ambisyon naman ng ama ni Emmanuel na mahawakan ang buong probinsiya sa politika. Sa mga naiwang alaala sa kanya ng ina ay wala siyang maisip na masama tungkol dito, wala rin siyang naramdaman na kakaiba sa pakikisama nito kay Emmanuel.

“Did my mother love you back?” hindi niya napigil na itanong sa kinilalang ama.

“She did, eventually. That was her dying words to me, you see. Na huwag ko raw kalimutang ako lang ang lalaking minahal niya,” makinang ang mga matang sagot ni Emmanuel. “Alyanna was a wild, carefree woman. Ayaw niya noong ipinagkasundo siya sa akin at binalak pa niyang takasan ako noong araw ng kasal namin.” Bahagya itong natawa sa pagbabalik-tanaw. “Siguro ay parte na rin ng pagrerebelde niya ang pakikipag-ugnayan kay Romano. But, I didn’t blame her for that, dahil gaya ng sabi ko, kung naiparamdam ko lang sa kanya nang lubos ang pagmamahal ko ay hindi lalayo ang loob niya sa akin. I was blinded by my political ambition that I even held off having kids. But anyway, Alyanna chose me in the end, she asked for forgiveness and another chance.” Nabasag ang boses ng matanda. “Unti-unti kong naramdaman ang pagkahulog ng loob niya sa akin, ang pag-usbong ng p-pagmamahal niya para sa akin. A-and, then she was gone. Forever.”

Idinantay ni Jaidon ang palad sa balikat ng senador. “I love you, too, Dad. Sorry din kung hindi ko naiparamdam iyon. I-I was just… I was just preoccupied by this deep-seated notion—stupid notion that I didn’t belong to anybody.”

“You belong to me, to us. You understand? Ayokong maramdaman mo kailanman na nag-iisa ka,” luhaang sabi ni Emmanuel saka mayroong dinukot sa bulsa ng pantalon nito. Isa iyong gintong singsing na may malaking bilog na diamante. “This is our family heirloom, bigay ng Lolo Cris mo sa iyong Lola na ipinamana sa akin nang pumanaw siya. I gave this to your mother. Now it’s time for you to give it to your wife. I’m sorry kung hindi ko agad ibinigay sa iyo noon. Noong una kasi ay nagduda ako sa pagpapakasal mo kay Pepper. I was wrong.”

Inabot ni Jaidon ang singsing, may kumurot sa kanyang dibdib.

“Isa kang Silvanus, Jaidon, huwag mong kakalimutan `yan. Dadalhin mo iyan habang-buhay, anak ko.”

Namuo na rin ang luha sa mga mata niya. “Hanggang sa hukay po, Dad.”

Humarap ang ama sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

“HINDI ka man lang nagulat?” nagtatakang tanong ni Pepper kay Linny nang mag-usap sila sa telepono at sinabi dito ang biglaan niyang pagtatapat ng feelings kay Jaidon.

“Ako pa? Alam mo namang hindi makakaligtas sa akin ang mga taong may amoritis. Halatang-halata namang nai-in love ka na sa asawa mo lately. `Lagi ka na lang masaya `pag nag-uusap tayo sa phone, lagi mo siyang bukambibig. Saka noong last na nagkita tayo, noong lumabas tayo kasama si Karina? Iba na ang aura mo noon, girl.”

“ Ganern? Uma- aura na pala ako?” Humalakhak siya.

“Ano reaksiyon ni Jaidon pala?”

“A-ayun, parang hindi na nagulat, ” medyo nahihiya niyang sabi.

Ang tanging sagot lang ni Jaidon noong madulas siya ay mas niyakap siya nang mahigpit at hinalikan nang malalim sa mga labi. Sapat na sa kanya ang mga iyon, masaya na siya roon.

“For sure alam na rin kasi niya iyon. Madali namang maramdaman, lalo pa galing sa iyo. Napaka-transparent mo kaya. Ikaw ba, nararamdaman mo ring in love na sa iyo si Jaidon? ”

“In love?! Siya sa akin? H-hindi, ah!”

Nanukso si Linny. “Sus, ayaw mo lang yatang maging assuming diyan kaya in denial ka pa!”

Nagkamot ng ilong si Pepper. Tama ang kanyang kaibigan. May nararamdaman man siyang kakaiba mula kay Jaidon, ayaw pa rin niyang mag-assume na pag-ibig nga iyon . Ang importante, asawa niya ang lalaking minamahal niya at masaya rin itong kasama siya. Wala na muna siyang hihilinging iba.

Nasa gilid ng pool si Pepper nang gabing iyon at nagtatampisaw ang mga paa sa tubig nang lapitan siya ni Jaidon. May hawak itong pulang rosas na pinitas yata galing sa hardin.

“Hey,” malapad ang ngiting bati nito sa kanya, iniabot ang rosas saka tumabi ng upo. Isinawsaw rin ng lalaki ang mga paa sa tubig. “Kanina pa kita hinahanap.”

“H-hey,” bati niya pabalik, mabilis na ibinalik sa tubig ang tingin. “ A-ano, gusto ko lang magpahangin dito sa labas. ” Inamoy niya ang tangang bulaklak, may kilig na gustong sumabog mula sa kanyang dibdib.

“Parang iniiwasan mo ako noong isang araw pa,” sabi ni Jaidon na wala namang bahid ng pagkadismaya o inis ang boses nito, imbes, parang natutuwa pa yata ito.

“ H-hindi, ah. ”

“May kinalaman ba ito sa sinabi mo sa akin sa barangay Batongbuhay?”

“Alin doon?” pagmamaang-maangan niya.

Prangka siyang maituturing, walang preno ang bibig madalas. Pero ngayon ay nahihiya siya kay Jaidon. Nagtapat lang naman siya ng pag-ibig dito nang wala sa oras. Que grabedad!

“Babe, you know what I’m talking about.”

“A-ano. Ahm, nadulas lang ang bibig ko. S-saka naalala mo `yong sabi ko dati? Minsan may mga nabibitiwan

akong salita na hindi ko naman totoong nararamdaman.” Palusot pa siya talaga?

Humalukipkip si Jaidon. “I’m not really sure about that. Damang-dama ko kasing totoo `yon.”

Naihampas niya dito ang rosas, tumilapon tuloy sa tubig ang mga talulot niyon. “Ano ka ba! Huwag mo nga ako lalong ipahiya.”

Natawa ito. “Bakit ka nahihiya? Totoo naman `yon.”

“P-pero… Argh! ” Nagtakip ng mga mata si Pepper. “H-hindi ko dapat sinabi `yon,” hiyang-hiyang sabi niya sa asawa.

Mabini naman nitong hinawakan ang mga kamay niya at ibinaba ang mga iyon mula sa pagkakapiring sa kanyang mga mata. “Look at me, Pepper,” masuyong himok nito sa kanya, hinawakan ang baba at marahang ipinaling ang kanyang mukha paharap dito.

Napakalalim ng pagkakatitig ng lalaki sa kanya nang tumingin siya rito. Inaarok siguro ang katotohanan sa tatlong salitang kumawala mula sa kanyang bibig.

Hanggang sa ilapit ni Jaidon ang mukha sa kanya at banayad siyang hinalikan sa mga labi. His mouth moved gently, patiently… until hers responded.

She kissed him back with so much passion, burning from deep inside her. Burning in white heat. Only for him.

“H-hindi mo ako dapat hinahalikan nang ganyan,” nasabi ni Pepper nang ihiwalay saglit ni Jaidon ang bibig mula sa kanya.

“Why?” he asked her with a little smile, his one hand was lovingly caressing her neck.

Lovingly? Iyon ba talaga ang nararamdaman niya sa haplos nitong iyon? Hindi. Naliliyo lang siya mula sa pakiramdam ng napakagandang halik na pinagsaluhan nila. Amazing on how a kiss could give her a thousand kinds of feelings. At lahat ng iba-ibang pakiramdam na iyon ay pawang magaganda.

“B-because you’re making me…” Lumunok siya. You’re making me fall harder, you jerk!

Napuno ng kung anong uri ng emosyon ang mga mata ni Jaidon saka muling sinakop ang kanyang bibig.

“Let’s get inside,” sabi nito sa pagitan ng pagdampi ng mga labi nito sa kanya. “I wanna make love to you.”

TUMIGIL yata sa paghinga si Pepper dahil sa kanyang narinig. Puno ng kaligayahan ang kanyang dibdib nang itayo siya ni Jaidon.

Magkahawak-kamay silang pumasok sa bahay, walang pagmamadali ang paglakad. Nang makarating sila sa paanan ng hagdanan ay pinangko siya ng asawa. He was looking deeply at her eyes while carefully climbing the stairs. Siniil siya nito ng halik nang papasok na sila sa kanilang silid.

Hindi muna siya nito ihiniga sa kama. Nakatayo sila habang hinahaplos at hinahalikan siya nito nang buong-bagal. Pati ang paghubad nito sa kanyang mga kasuotan ay walang halong pagmamadali. He kissed every part of her, making her squirm in pleasure, quiver in anticipation. Parang isang sinaunang ritwal kung saan sinasamba nito ang bawat parte ng kanyang katawan.

“Oh, Jaidon…” Pepper mewled, grabbing his hair, holding his nape.

Panay ang arko ng kanyang katawan tuwing nadidistansiya saglit ang kanyang asawa sa kanya. Ayaw niyang mahiwalay dito kahit isang segundo.

She parted her legs when his hand went to her inner thigh, opening herself for him. Basang-basa na ang kanyang pagkababae pero parang gusto pang patagalin ng kanyang katalik ang nakababaliw na foreplay.

She let out a long “aah” when his two digits slowly slid inside her waiting sex.

Pinanood ni Jaidon ang kanyang mukha habang iniuulos nito ang mga daliri sa kanyang kaangkinan. He was wallowing in her aroused face, in her tiny whimpers of ecstasy. And when she was about to climb the summit, he stopped ramming his fingers and left her hanging in desperation.

“Jaidon!” she yelled at him, out of breath.

“Not yet, my sweet,” he softly told her, planting tiny kisses around her taut nipple before taking it in his mouth to suckle it.

Binuhat siya nito at iniupo sa ibabaw ng gilid ng kama. Itinaas nito ang isa niyang paa at hinalikan ang bawat daliri niyon, papunta sa kanyang talampakan, pababa sa binti. He licked and nibbled her skin when he reached her thigh while sensually rubbing her calf.

Napapikit si Pepper nang dumako ang bibig ni Jaidon sa kanyang kaangkinan. He teasingly licked around her labia, the tip of his nose nuzzling her clitoris.

Doon niya ito hinawakan sa buhok. “Jaidon, p-please…” pagmamakaawa niya, iniangat ang balakang. “You’re killing me. Please… oh, let me come.”

Nakahinga siya nang maluwag nang hindi naman ito huminto. The heat that was engulfing her had risen to a maddening height when he sucked her clit.

“J-Jaidoooon!” pasigaw na ungol niya nang ipasok nito ang dila sa kanyang pagkababae.

He fucked her pussy with his tongue, his thumb kneading the erogenous nub of flesh. Napasigaw siya’t naiangat ang katawan nang abutin niya ang climax; halos tumalbog siya mula sa kama nang bumagsak siya roon.

Pepper was still gathering her wits together when her husband stood up and undressed himself in front of her. He looked so gorgeous and sexy. Parang isang masarap na pagkain na unti-unting natatanggal ang mga balot.

Umisod siya sa gitna ng kama nang sumampa doon si Jaidon. Tinabihan siya nito at pinatagilid ng higa patalikod dito. Napaungol siya nang halikan nito ang kanyang tainga habang naglalakbay ang kamay sa kanyang balikat, pababa sa kanyang braso. Pinaliguan nito ng mga basang halik ang kanyang batok, ang kamay nito ay nakababa na sa isang hita niya. She raised her leg and let his manhood touch her sex. Ihinagod nito ang dulo ng ari sa kanyang hiwa; ilang beses, bago nito ipinasok iyon. He didn’t push all the way. Kalahati lang ng kahabaan nito ang naramdaman niyang nakabaon sa kanyang kaangkinan.

Nakaunan siya sa isang braso ng asawa at kumapit sa kamay nito ang isang kamay niya. Pinagsalikop naman nito ang kanilang mga daliri. She smiled when she saw their hands that fit perfectly together.

Mapag-angkin na hinawakan ni Jaidon ang kanyang leeg at pinatingala siya sa mukha nito.

“Oooh, Jaidon!” she cried out, looking deeply into his eyes. “Oh, baby…”

Ngumiti ito nang matamis sa kanya at iginiya ng paningin nito ang kanyang mga mata na tumingin sa kanilang mga ari. Napapalakas ang mga halinghing ni Pepper habang pinapanood ang mabababaw na pag-ulos sa kanya ni Jaidon.

He was mating with her so beautifully, so… God, so perfectly. Was he really making love to her like what he told her earlier? Gusto man niyang ihalintulad ang pagniniig nila ngayon mula sa mga nauna ay nahihirapan siya dahil sa masarap at nakakaliyong sensasyong bumubuhos sa kanyang katawan ngayon. Both blissful and torrential.

Even weeks before this… Would it be too presumptuous to think that he had been fucking her differently each time? Hindi maitatangging may nabago sa pagitan nilang mag-asawa. She could feel him much closer to her. She could feel a deeper need from him, a fiercer want…

No, no. She was just overthinking. I just love him, that’s why…

“Aaah, Pepper… You always feel so good, baby,” ungol ni Jaidon.

She felt another pending orgasm. “M-mmmph… J-Jaidon! Oh, my!”

Naramdaman nito ang pagpiga ng kanyang pagkababae sa ari nito. “You can come, sweetheart. Malapit na rin ako.”

Doon na nito isinagad ang mga pagbayo sa kanya. Napapaigik siya at napapahiyaw sa papasidhing init at sarap.

“ S-sige pa … sige pa! ” pabiling-biling ang ulong sigaw niya. “Oooh, Jaidon. Jaidooon!” she cried in wilder abandon.

Hinapit siya ni Jaidon sa baywang at ang kamay nitong kanina ay hawak niya’y pumigil sa gumagalaw niyang ulo at ihinarap ang mukha dito.

“Look at me, love,” anas nito sa kanya. “Look at me while you come.”

She let out a long wail before surrendering herself into an eruption of desire and passion. Malakas naman nitong isinigaw ang kanyang pangalan. Bukas na bukas ang kanyang mga matang nakahugpong sa pagkakatitig sa kanya ng kaniig. She came so unbelievably hard, the orgasm so massive it sent herself into a frenzy of emotions while the world stood still.

“Oh. My. God,” humihingal na nasabi ni Pepper nang mabawi ang kalahati ng kanyang kumawalang katinuan. “That was… wow. ”

Mahinang tumawa si Jaidon, hindi inalis ang pagkalalaki nito sa kanya. “Yeah. Wow indeed.”

Humalik ito sa kanyang buhok, niyakap siya nang mas mahigpit saka siya hinalikan sa bibig.

“Mmmm…” she moaned inside his mouth, running her finger on his cheek. “Gov, you’re making this more difficult for me,” nasabi niya nang iwan ng bibig nito ang sa kanya.

“Bakit naman? Ayaw mo bang mas ma-in love ka pa sa akin?”

Pabirong siniko niya ito. “Mas lalo lang ako nahuhumaling sa sex mo,” pasisinungaling niya naman. Oh, well, just partly a lie. Dahil nakakahumaling naman talaga ang kamandag ng kanyang mister sa sex. “Naa-addict na yata ako. Nakakaramdam ako ng withdrawal `pag wala ka dito sa bahay,” eksaheradong biro pa niya.

Tumawa ito, hinalikan siya sa leeg. “Magkulong tayo dito sa kuwarto hanggang bukas. Buong araw, walang labasan. Magsawa ka sa akin.”

Humagikgik si Pepper. “Humanda ka, Gov. Masasaid ka sa akin.”

Humaplos si Jaidon sa kanyang braso’t humalik sa balikat niya. “What do you think of Dubai and Turkey? Puwede nating puntahan ang mga iyon sa bakasyon natin.”

Napatili si Pepper. “Turkey?!” Humiwalay siya saglit kay Jaidon saka maliksing sinakyan ito. “Oh, my gosh. Matagal ko nang gustong magpunta sa Hisarlik, `yong setting daw ng Trojan War!” bulalas niya saka ibinaba ang mukha dito at siniil ito ng halik sa bibig.