SA gitna ng pagkainis sa kanyang makakalaban sa eleksiyon ay hindi napigilan ni Jaidon ang malibang sa kadesperaduhan ni Congressman Bob Montero. May bago raw itong pasabog sa evening news tungkol sa kanya, sa national TV. Buong araw iyon ng Sabado na ipinapatalastas.
Hapon nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang Ninong Valentin.
“Kahit anong sabihin ni Montero ay huwag mong pakikinggan,” mahigpit na bilin nito. Iba ang tono ng boses nito ngayon, noon lang niya narinig. Mariin, walang gatol, pero nahimigan niya ang kimkim na pangamba.
“Mayroon ba kayong ideya kung ano ang pasasabugin daw niya? I’m clueless here, Ninong.”
Isang buntong-hininga ang sagot ng matanda.
“May alam kayo, ” untag ni Jaidon. “Please don’t leave me in the dark, I need to know it. Now.”
“May kinalaman siguro sa isang lalaking nagpunta sa bahay ninyo noong isang araw.”
“ Sino? ”
“Romano Dela Cruz. Ayon kay Manuel ay nagpapanggap daw na ama mo.”
“W-what?” Napatayo siya mula sa kanyang swivel chair sa library. “Noong isang araw pa `yon, bakit ngayon n’yo lang sinabi sa akin?”
“Dahil hindi naman iyon importante, iho. Gumagawa lang ng masamang balita si Montero laban sa iyo. Nakatiktik ang loko nang lumapit sa isang miyembro ng media si Romano para magpatulong na makalapit sa pamilya mo.”
Iba ang kutob ni Jaidon. “Montero is fucked up, but not stupid.”
“Just don’t listen to him. Sinabi ko na sa iyong magiging madumi ang re-election mo. Umiwas ka rin muna sa media sa ngayon.”
Nagpaalam na siya kay Valentin at saka siya tumawag sa kanyang ama. Bilang abogado ay hindi agad siya nagpapadala sa kanyang kutob, pero iba ang nararamdaman niya sa sandaling ito. A weird kind of instinct was taking over his logical thinking.
“Bakit si Ninong ang unang nagsabi sa akin nito?” agad niyang kastigo sa ama.
“Because this is not important, I’ve already told you. Gawa-gawa lang ito ni Montero para siraan ka sa eleksiyon dahil nabigo siyang bumaho ang pangalan mo sa pagkakaroon mo ng anak sa pagkabinata.”
“You are trying to be calm, I can hear it from your voice,” hinala niya. “Why?”
Narinig niya itong bumuntong-hininga.
“Dad,” tawag ni Jaidon nang hindi ito sumagot. Napamura siya sa loob-loob. Hindi maganda ang hinala niya.
“Just don’t believe anything, Jaidon. Gagawin ni Montero ang lahat para siraan ka at matalo sa eleksiyon. Kung hindi pa ipinapayo sa iyo ni Valentin na huwag kang haharap sa media pagkatapos ng balitang ito ay ako na ang magsasabi sa iyo. Do not tell them anything.”
“Meron kayong hindi sinasabi sa akin,” giit niya.
Nagpaalam si Emmanuel bago pa siya nakapiyok uli. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang hintayin ang balita mamayang gabi.
Wala siyang ganang kumain ng hapunan nang gabing iyon habang hinihintay ang balita sa TV na nakakabit sa dingding ng dining room. Kanina pa nag-aalala sa kanya si Pepper.
“Jaidon…” mabining tawag sa kanya ng babae. “Huwag mong intindihin si Montero, kumain ka lang,” sabi nito sa kanya, naglagay ng ulam na menudo sa kanyang plato. “Ako ang nagluto niyan, dinagdagan ko ng chili powder para mas magustuhan mo,” paglalambing pa nito, inabot ang kanyang kamay sa ibabaw ng mesa at pinisil iyon.
He instantly felt soothed and warmed. Parang nakahanap siya ng kakampi, ng ligtas na lugar. Pero sa kabila
niyon ay hindi rin niya naiwasang sundutin ng konsiyensiya. Hindi siya dapat nakakaramdam ng magaganda para kay Pepper, at lalong hindi rin ito dapat makaramdam ng ganoon para sa kanya. Pero ang distansiya, ang pader sa kanilang pagitan ay tuluyan nang nabuwag. Dahil sa pagpapatianod niya sa agos ay nagkalapit na silang mag-asawa. They had been sharing wonderful feelings and splendid moments together. And he wanted them to last.
Was it possible that they were already falling for each other?
Nginitian ni Jaidon si Pepper, ngiti na agad naalis nang umere na ang pasabog ni Montero na buong araw na hinintay yata ng Pilipinas.
AYAW sanang maniwala ni Pepper sa pasabog ni Montero ay gusto rin niyang magduda sa katotohanan sa likod niyon. Ang lalaking ipinaharap nito sa camera ay kahawig ni Jaidon, matangkad rin, at magkasingkulay ang balat ng mga ito.
Ang kuwento sa balita ay ganito:
Ang animnapu’t dalawang taong gulang na si Romano Dela Cruz ay nagkaroon daw ng lihim na relasyon sa ina ni Jaidon. Dalawang taon noong kasal sina Emmanuel at Alyanna at si Romano ay isa sa mga bodyguard at driver ni Crisostomo Silvanus na isang Senador noon. Nagbunga ang kataksilang naganap na nang matuklasan ni Emmanuel ay agad na pinalayas si Romano at itinago mula rito si Alyanna. Binantaan umano ang buhay ni Romano kung lalapit pa ito sa babae, inutusang lumayo at hindi na muling magpakita pa.
“Jaidon!” tili ni Pepper nang mapasuntok ang lalaki sa curio cabinet na nasa sulok ng dining room. Nabasag ang salamin niyon.
“Putang-ina, putang-ina,” maririing mura ni Jaidon at itinumba ang cabinet bago man nakalapit dito si Pepper.
“Tama na,” naiiyak niyang awat sa asawa at pilit itong inilalayo sa silid-kainan.
Nagsilapitan doon ang mga kasama nila sa bahay, natataranta lahat lalo’t may dugo sa kamao ng gobernador.
“I’m fine, get away from me,” bahagyang angil naman ni Jaidon kay Anton nang lumapit ito sa kanila at kinumusta ang lagay ng kamay ng amo.
“Huwag kang maniwala doon,” sabi ni Pepper sa lalaki. “Sinisiraan ka lang ng gagong `yon. Naghanap siguro ng matandang kamukha mo `tapos gumawa ng kwento—”
“Stop,” pigil naman nito sa kanya. “Just stop. You’re not helping, Pepper.”
“O-okay,” mahinang usal niya at pinanood ang kamay niyang binitiwan ng asawa. “I’m sorry.”
“I need to be alone,” mariin nitong utos na hindi hinintay ang pagpayag niya. Tumalikod ito at mabilis na umakyat sa hagdanan.
Inulan ng tawag ang smartphone ni Pepper nang gabing iyon. Ang kanyang Ate, si Linny, pati si Ponzi na kalalabas ng rehab ay tumatawag din. Ang kanyang ama ang pinili niyang sagutin mula sa mga ito.
“Totoo ba `yon, anak?” agad nitong tanong.
“Hindi ko po alam, `Pa,” malungkot niyang sagot.
“Natatandaan ko ang lalaking iyon, noong kakaupong Mayor pa lang si Manuel ng San Roque ay dalawang beses ko sigurong nakitang kasama siya ng pamilya Silvanus. Ngayon ko lang naisip, malaki nga ang pagkakahawig ni Jaidon kay Romano, lalo na noong bata pa ang bodyguard na `yon.”
So nag-e-exist nga talaga ang Romanong iyon. My God. Totoo nga kayang anak sa labas si Jaidon?
“Kumusta ang asawa mo?” tanong pa ng ama ni Pepper.
“Ayun, masama ang loob. P-parang naniniwala rin siya.”
“Naramdaman niya siguro. Mahirap itatwa ang ganyan, hindi makakapagsinungaling ang lukso ng dugo. Anak, ngayon ka kailangan ni Jaidon, huwag kang aalis sa tabi niya.”
Kailangan? Heto nga at halos itinaboy siya ng kanyang asawa. Nangliliit tuloy siya ngayon. Pero kahit ganoon ay pinipilit niya itong unawain. Magwawala din siguro siya kung matutuklasan niyang bunga siya ng forbidden affair na itinago sa kanya sa loob ng mahabang panahon. Hindi niya kakayaning malaman na ang buong buhay niya ay isang malaking kasinungalingan.
Nang nakapagpaalam si Pepper sa ama ay lakas-loob siyang pumasok sa master’s bedroom. Inabutan
niyang nag-iimpake roon si Jaidon.
“Saan ka pupunta?” sita niya dito.
“Pupuntahan ko si Daddy.”
“Sasama ako.”
“You don’t have to,” pigil nito sa kanya nang akmang papasok siya sa walk-in closet.
“Hindi kita papayagang bumiyaheng mag-isa, Jaidon. ”
“Pepper… just don’t.”
“You have to tie me down to stop me!” hamon niya naman dito.
Tumaas ang boses ni Jaidon. “This is not the right time to be stubborn. Leave me the fuck alone.”
Hindi naman siya natinag nito. “And this is not the right time to act like you don’t have a wife either.”
Tumigas ang tingin nito sa kanya pero lalo lang nag-apoy ang kalooban niyang huwag itong layuan.
Sinamantala niya ang kawalan nito ng sasabihin. “Hindi mo kailangang mag-isa, Jaidon. Siguro ay hindi mo ako kailangan sa mga sandaling ito, pero ako mismo ang may gustong samahan ka. Wala akong pakialam kung wala akong magiging silbi sa iyo, kung magiging istorbo lang ako sa pakikipag-usap mo sa Daddy mo. I need to be with you right now. Hindi lang bilang asawa mo, kundi bilang isang kaibigan at saka bilang isang… i-isang taong…” Ano, bilang ano pa?
Bakit may parang tumutubo mula sa pinakailalim ng kanyang dibdib na hindi niya kayang ipaliwanag, lalo na at masabi? Or was it still budding? Pakiramdam niya ay matagal nang tumubo at lumago iyon nang hindi niya lang namamalayan.
“B-bilang kakampi mo,” pagpapatuloy niya. “Bilang isang taong handang tumayo sa likuran mo para may sumangga’t pumigil na matumba ka sakaling may tumulak man sa iyo.”
Matiim lang na tumingin si Jaidon sa kanya, parang hindi makaisip ng tamang sasabihin. Siguro ay masyado lang itong emosyonal ngayon kaya hindi siya nito nakayang pigilan sa gustong gawin.
Tuloy-tuloy si Pepper sa walk-in closet at mabilis na nag-impake ng mga damit.
Isang oras na sila sa biyahe at tahimik ang loob ng kotseng sinasakyan ng mag-asawa. Nahuhuli niyang patingin-tingin sa kanila si Anton na nagmamaneho. Nang pahinaan nito ang volume ng radyo ay doon na nagsalita si Jaidon.
“You can keep the volume up, Anton,” sabi nito sa driver-bodyguard. “At pasensiya ka na, naistorbo ang day-off mo.”
Nagpumilit si Anton kanina na sumama sa kanila sa Manila at siyang magmaneho. Kahit pinagalitan ito ni Jaidon ay hindi ito nagpatinag. Pumasok talaga ito sa driver’s seat at ini-start ang kotse. Walang nagawa ang gobernador kundi sumakay sa likod kasama ni Pepper.
“Pasensiya na rin at makulit ako, boss. Hindi sa nanghihimasok ako pero ayaw ko lang na iwan kayo sa mga sitwasyon na ganito.”
Bumuntong-hininga si Jaidon. “Salamat.”
Tumingin si Pepper kay Jaidon nang mag-play sa radyo ang isang kantang cover ni Jamie Cullum. Tila naalala naman iyon ni Jaidon dahil tumingin din ito sa kanya. Parang kailan lang iyong masaya silang nagsasayaw sa labas ng party ni Stephanie Velasco, wala pa silang mga problema noon. Gusto niyang magtanong kung bakit kailangang maging mabigat ang buhay minsan pero sino siya para kwestiyunin iyon, para i-exempt ang sarili sa mga problema? Lahat ng tao ay dumaraan sa mga pagsubok.
“Can you at least let me hold your hand?” mahinang sabi niya sa asawa nang tumingin ito sa labas ng bintana ng kotse.
Hindi gumalaw ang gobernador, ni hindi man lang siya sinulyapan. Pinigil niya ang sariling sumama ang loob. This was not about her, she must understand that.
“Where life’s river flows, no one really knows… `Til someone’s there to show the way to lasting love. Like the sun that shines, endlessly it shines… You always will be mine, it’s eternal love. Whenever love went wrong, ours would still be strong…We’ll have our very own everlasting love…”
Lihim na napangiti si Pepper nang ipatong ni Jaidon ang palad sa kamay niyang nasa ibabaw ng kanyang hita.
HINDI binigyan ni Jaidon ng pagkakataong makapagkaila ang kanyang ama. Kahit maghahatinggabi na ay ginising niya ito para kastiguhin. Buong buhay niya ang pinag-uusapan dito, ang katotohanan. Ayaw niyang mag-aksaya ng panahon.
Hindi rin siya nagtaka pa nang natuklasan niyang naroroon ang kanyang lolo nang mga sandaling iyon. Nagpupulong-pulong siguro ang mga ito kasama ang kanyang Ninong Valentin kung ano ang tamang hakbang na gagawin laban sa bagong intrigang ibinato sa kanya na ngayon ay kasali ang buong pamilya Silvanus.
“Is it true?” mababa pero matigas ang boses na tanong niya sa ama at abuelo. Pupungas-pungas ring pumasok sa master’s bedroom si Radley. “Kailangan ko pong malaman ang totoo.”
Nagkatinginan sina Emmanuel at Crisostomo. Ang kanyang lolo ang sumagot sa kanyang katanungan sa pamamagitan ng isang pagtango.
Nakuyom ni Jaidon ang dalawang palad. Kahit inaasahan na niya iyon at hindi niya maitatangging malakas ang kanyang pakiramdam na tama ang balita ay umaasa pa rin siya na sana ay hindi totoo ang lahat. Damn, he was even wishing that everything was just a bad dream.
“Sino pa ang nakakaalam? ” sunod niyang tanong sa gitna ng nakakabinging katahimikan.
“Kami lang ng lolo mo. Your mother decided not to tell her family about it,” sagot ni Emmanuel.
“B-bakit hindi ninyo sinabi sa akin?” tanong niya uli. “Ang tagal ninyong itinago ang katotohanan sa akin.”
“Anong magandang idudulot niyon kung sakali?” tugon ng kanyang daddy. “Ako na ang kinilala mong ama, bakit ko pa pakukumplikahin ang buhay mo?”
“Para sa kapakanan mo rin ang lahat, Jaidon,” sabi ni Crisostomo. “Wala kaming ibang ginusto kundi ang mapabuti ang buhay mo.”
Ang kanina ’y mabigat niyang dibdib ay nawasak na ngayon. “But my life—this life that you gave me was nothing but a big lie,” sabi niya sa basag na boses. “K-kaya pala… Kaya pala buong buhay ko ay may pakiramdam akong hindi ako kabilang sa mundo ninyo. ”
Ngayon lang parang bumuhos kay Jaidon kung gaano kadilim talaga ang kanyang buhay. He struggled with that strange feeling all his life and yet he still gave his best to be a perfect protég é , a perfect Silvanus. Anong klase ng buhay ang mayroon siya?
Nakamata lang sa kanya si Radley, parang hindi makapaniwala sa mga naririnig. Si Pepper ay nagtangkang humawak sa kanyang kamay pero iniiwas niya iyon. Wala siyang ibang gustong mangyari sa mga sandaling iyon kundi ang maglaho sa kawalan.
“Hindi ko alam ang totoong gusto ko, hindi ko alam kung saan ang tamang lugar ko,” pagpapatuloy niya. “I even feel that I don’t belong to anybody. Now I know why. Ipinagkait ninyo sa akin ang kahapon, ang buong pagkatao ko.”
Nang wala na siyang narinig mula sa ama at abuelo ay tahimik niyang iniwanan ang mga ito. Sumunod naman sa kanya si Pepper papunta sa kanyang silid.
Naupo si Jaidon sa gilid ng kama at inihilamos ang dalawang palad sa kanyang mukha. He felt tired, weary. Sumasakit ang ulo niya sa napakaraming iniisip.
Marahang umupo sa kanyang tabi ang kabiyak, idinantay ang palad sa kanyang likod.
“Maybe we should get ready for bed. Pagod ka, kailangan mo nang magpahinga,” puno ng pag-aalalang sabi nito.
“Hindi ako inaantok. Mauna ka nang matulog,” pag-iwas niya naman na sinundan ng tayo.
Lalabas sana siya ng kuwarto nang magsalita si Pepper.
“ A-alam mo … `yang belongingness na sinasabi mong hindi mo nararamdaman, sa palagay ko ay ikaw talaga ang may problema,” sabi nito na nagpatigil sa kanya sa pagbukas ng pinto. “ We ’re here, Jaidon. Kaming lahat, nandito kami para sa iyo. Ikaw lang naman itong pilit na dumidistansiya sa amin at tumitingin sa ibang direksiyon. Hindi mo na kailangang tumingin sa malayo para hanapin `yang belongingness na `yan. I don’t think na nagkulang din kami sa pagpapakita sa iyo, ikaw lang itong ayaw tumanggap ng nararamdaman mo para sa amin.”
“Matulog ka na, Pepper. Goodnight,” paalam niya dito at lumabas ng silid.
Nasa bar na katabi ng salas si Radley nang magpunta doon si Jaidon. Parang alam nitong doon sila magkikita at hinihintay siya.
Ipinagsalin siya nito ng whiskey sa baso nang makaupo siya sa katabi nitong stool.
Bumuntong-hininga si Jaidon. “O, paano `yan? Half brothers lang pala tayo?”
“That doesn’t change anything, you know?” sabi naman nito. “Magkapatid pa rin tayo.”
“I’m not a Silvanus,” he wearily said, looking at the murky liquid in his glass. Murky like his life. “Everything you told me that night that we were having fight—they all make sense now. Kaya unwanted ako gaya ng sabi mo, hindi pala ako kabilang sa inyo.”
“Sorry about that. M-mga salita lang `yon ng naiinggit. Ang totoo, kahit alam kong paborito ako nina daddy at lolo ay hindi ko naman sila nakitaan na hindi ka itinuring na kadugo. Wala naman sa dugo `yan, Kuya. Puwede nating piliin ang mga taong gusto nating maging kapamilya. And I’m still gonna choose you to be my older brother no matter what.”
Hindi siya umimik pero sa loob-loob ay natuwa siya sa narinig mula sa kapatid.
“Sorry no’ng sinuntok kita,” naalala niyang sabihin.
“`Tang-ina, ipinaalala mo pa.”
“Gusto mo bang gumanti? Sapakin mo ako, hindi ako iilag.”
“Huwag na, baka samain ako kay Pepper. Takot ako do’n.” Tumawa si Radley na agad ring sumeryoso. “ Ano nang plano mo? Kakausapin mo ba si Romano? ”
“I have to. He’s my real father after all.”
“Pero ayaw nina daddy na umamin ka. Makakasira iyon sa pamilya natin.”
Nilingon ni Jaidon ang kapatid. “Kung ikaw ang nasa lugar ko, anong gagawin mo?”
Tumawa naman si Radley. “Ayoko ngang mapunta sa lugar mo.”
“Gago.”
Pagbalik niya sa kuwarto ay natutulog na si Pepper, nakatagilid ito ng higa patalikod sa puwesto niya. Pagkatapos niyang magsepilyo, maghilamos, at magpalit ng damit pantulog ay maingat siyang nahiga sa kama. Tumagilid siya paharap sa kanyang asawa saka marahang iniyakap dito ang isa niyang kamay. Naramdaman niyang gumalaw ito at hinawakan siya sa kamay. Ikinulong nito iyon sa dalawang kamay at itinapat sa gitna ng dibdib nito.
She was half-asleep, he thought. And yet she still managed to let him feel that he wasn’t alone. That he belonged to her… God, this woman had been owning all of him even from the very start.
He gave her a light kiss on her nape before he succumbed into a deep sleep.